Kabanata 17
Kabanata 17
Flowers
"Baby babe?" Kunot noong tanong ko.
Imbes na kiligin ako ay parang bigla akong nainis. Napawi ang ngiti ko at napasimangot. Ang ngising nasa labi rin ni Hunk ay naglaho at nakakunot noo akong tinignan, hindi alam kung bakit ganoon ang reaction ko.
"Why? Is there something wrong, bah?" Tanong niya habang maarteng hinahaplos ang buhok ko.
"E, kasi hindi ba babe ang tawagan ninyo ni Gym?"
"Shunga!" Inirapan niya ako at maarte niyang hinawu ang buhok para ayusin. "Iba si Gym kasi boyfriend ko iyon. Ikaw naman, asawa ko."
Nalungkot naman ako sa sinabi niya ngunit hindi ki pinahalata. Alam ko naman na kahit nag-away sila ay boyfriend pa rin niya si Gym at ako ay asawa lang sa papel.
Tinaas ko ang isa kong paa at nangalumbaba roon habang nakatitig sa pinapanuod namin. Malakas pa rin ang bagsak ng tubig ulan sa bubong namin at para sa akin ay mas nakaka-relax iyon. Parang gusto ko nalang matulog sa kwarto at gawing soundtrip ang buhos ng ulan.
Natapos ang araw na iyon nang hindi kami nag-aaway ni Hunk. Kinabukasan paggising ko ay wala na siya ng bahay, ang sabi nila manang ay maaga raw siya pumasok ng kompanya. Gusto ko nga sana magtrabaho roon, e. Kaso ayaw ni Hunk dahil nagpaplano na kami para sa pagbubuntis ko.
Halos tumalon ako sa CR nang makita kong wala na akong mens. Ibabalita ko kaagad kay baklita iyon mamaya pag-uwi niya!
Wala akong magawa buong maghapon sa bahay kaya tinawagan ko ang sila Sacker at Eyerin, sinama nila ang kaibigan pa namin na si Whale, Germ, Chain at ang pinsan niyang Pure. Ilang oras pa ang hinintay ko at nang makarinig na ako ng ingay mula sa gate namin ay tumayo na ako.
"Pagsabihan mo nga itong kaibigan mo, Eager!" Bungad ni Eyerin at saka tinuro si Germ na nakasimangot. "Nakakainit ng ulo!"
"Gago, p'wedeng mag-hi muna bago iyan? Respeto naman sa akin, 'di ba?!" Inis na sabi ko.
Isa-isa silang lumapit sa akin at pilit na ngumiti habang binabati ako. Pagkatapos noon ay umupo na sila couch at pinakielaman pa ang pinapanuod kong Thai series. Nilipat nila sa movie na gusto nila.
"Chusa ka, 'day! Ang panget naman niyang gusto mong panuorin!" Ani Whale sabay batok kay Pure.
"Oh oh, ikaw kaya maghanap ng palabas. Tutal, magaling ka naman, hindi ba? Ayan na! Tang ina ka." Malutong na mura ni Pure at nginudngud sa mukha ni Whale ang remote.
Napahawak ako sa noo ko. Ako lang talaga ang matino sa aming magkakaibigan. Lagi nalang akong nagsisisi tuwing inaaya ko ang mga ito dahil sumasakit lang ang ulo ko, imbes na matuwa ako. Mabuti pa itong si Chain, patawa tawa lang sa gilid habang nag-aagawan sa remote ang pinsan niyang si Pure at si Whale.
"Punyeta naman girl, p'wedeng pag-usapan nalang natin problema ko?!" Umiirap na sabi ni Germ.
Aba. So, pumunta lang dito dahil may problema? Ibang klase talaga! Mga AB normal yata ang mga kaibigan kong ito. Buti pa ako, Dyosa lang. Hayst.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko.
"Painom ka nalang, Eager! May problema rin ako, e." Si Eyerin.
Nagulat pa ako sa sinabi niya at tinignan siya kung seryoso ba siya roon. Dahil sa aming lahat ay siya lang ang bihira magkaroon ng problema dahil ginagawa niyang easy ang lahat ng bagay sa paligid niya.
At dahil mabait akong kaibigan ay kumuha ako ng beer ni Hunk sa ref namin at doon nalang kami sa terrace ng aming bahay uminom. Ilang beer muna ang inubos ni Germ bago nagsimulang inopen ang problema niya.
"Tang ina, kilala ninyo naman iyong boyfriend kong si Hawk, hindi ba?" Aniya habang lumalagok.
Namumula na ang pisngi niya at mapupungay na rin ang mata. Namamasa ang natural na mapula niyang labi. Hindi talaga malakas uminom ang isang ito, dahil siya lang ang mukhang may tama na. O dahil lang may problema siya kaya mabilis siyang tamaan?
"Iyong 6 years mo ng boyfriend?" Tanong ni Sacker. "Anong meron sa kanya?"
"Kingina girl!" Malutong na mura niya. "Bakla pala si gago! Puchang gala, nakipagsex ako sa bakla. Kadiri!" Sigaw niya habang ngumingiwi.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang word na bakla. Napatingin ako kay Eyerin nang naibuga niya ang iniinom niyang beer. Nagulat din siya sa narinig, pero ang iba ay nanlaki lang ang mata.
Kilala kaya ni Hunk si Hawk? Same school lang kami noon pero si Hunk, Gym at Vamp lang talaga ang magkakasama noon. Isa pa, ahead ng isang taon si Hawk kaysa sa amin. Pero itatanong ko pa rin mamaya.
"P-paano mo nalaman na... b-bakla?" Putol putol na tanong ni Eyerin.
"May boyfriend si bakla! Nabasa ko sa messenger niya." Tumawa si Germ pero may tumulo namang luha sa mata niya. "Nakakagago mga mamsh! Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko bang sa babae nalang siya napunta o sa lalaki, e."
Napalunok ako. Naging balisa na ako dahil bakla na ang pinag-uusapan. Umiwas ako ng tingin kahit na hindi naman nila alam na bakla si Hunk. Lumagok ako ng beer at agad akong napangiwi nang lumandas ang mainita at mapait na lasa ng beer.
Tumawa si Germ habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata niya. Kung sa ibang magkakaibigan ay nagyayakap pagkatapos malaman ang problema ng isa, sa amin hindi. Dati, pinagtatawanan lang namin. Pero nakakapagtaka kasi ngayon, tahimik kaming lahat.
Well, tahimik ako dahil bakla ang asawa ko. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan noong iba.
"Malay ko ba girl, kung may nangyayari rin sa kanila noong boyfriend niya, 'di ba? Nakakadiri talaga!" Tumawa pa siya sabay punas ng luha.
"Si Seal..." si Chain ang sunod na nagsalita. Napapikit siya ng mariin. "Bakla rin yata. Nahuli ko siyang may kausap na lalaki noong isang araw at kitang kita ko kung paano niya tignan iyong lalaking kausap niya."
Putang ina! Ano bang nangyayari sa amin? Bakit puro bakla ang mga napupunta sa amin?! Hindi na ako magugulat kung bakla rin ang kay Eyerin, Sacker, Pure at Whale.
Mahilig kami sa g'wapo, e. Delikado na ang mga g'wapo dahil g'wapo rin ang gusto nila.
Hindi nagsalita ang iba. Hinayaan lang naming maglabas ng sama ng loob iyong dalawa. Kahit na dumating sa punto na hindi kami okay ni Hunk ay hindi ko alam kung masasabi ko ba sa iba ang sekreto niya. Hindi ako sanay maglabas ng problema. Iyon din ang problema ko dahil kinikimkim ko lang, hanggang sa sarili ko nalang din ang sinasaktan ko.
Kahit na nakarami ako ay hindi ako tinamaan dahil mas nagulat ako sa revelation noong dalawa, kaysa sa tama ng beer. Gabi na nang umuwi sila. Hinatid na nila si Germ dahil lasing na lasing ito. Nagligpit naman na rin ako ng mga kalat namin.
Bumukas ang pinto ng kwarto namin. Ang akala ko ay sina manang lang, pero nagulat ako nang makita ko sa Hunk. Naka tuxedo siya. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siya sa ganoong ayos pero hanggang ngayon ay iba pa rin ang dating niyon sa akin.
"Hey?" Bati niya at hinila niya ang neck tie niya para lumuwag iyon.
Binuksan niya ang unang tatlong butones ng suot niyang polo at binagsak ang sarili sa kama. Binilisan ko naman ang maglilinis para puntahan siya roon. Nang matapos na ako ay lumapit ako sa kanya. Yayakapin ko sana siya ngunit narinig ko ang mahina niyang hilik kaya hinayaan ko nalang siya.
Naligo na ako. Binabad ko ang sarili ko sa bathtub at habang nakapikit ay biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi nila Germ at Chain kanina. Lalo na sa part ni Chain dahil asawa niya iyon. Ang pinagkaiba lang namin ay alam ko simula noong una palang na bakla na si Hunk.
"Bakla, pasabay ako!" Katok ni Hunk mula sa labas.
Natatakpan ng bula ang buong katawan ko. Napamulat ako ng mata at sumigaw na bukas ang pinto. Akala ko ay papasok siyang may damit pa. Nagulat nalang ako nang nakatakip lang manipis na tuwalya ang baba niya.
"Nakakajinis ka, jokla!" Sigaw ko at binuhusan ko siya ng tubig.
Tumawa lang siya at pumunta sa shower. Hindi ko na siya sinundan ng tingin dahil naririnig ko na ang buhos ng shower sa katawan niya. Madalas ko naman na makita ang baby niya, pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko munang makita iyon ngayon.
"How's your day?" Tanong ko habang kunyareng nilalaro ang mga bula.
"Nanibago katawan ko, pero nakabawi pa rin. Nga pala, may flowers sa baba."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay masaya ko siyang nilingon dahil sa pagaakalang para iyon sa akin. Ngunit imbes na sa mukha niya ang tignan ko ay naagaw ng pansin ko ang nakatayong baby niya habang natutuluan ng shower.
"Hunky!" Sigaw ko at saka pumikit ng mariin.
"Kaloka ka, mumsh! Nagulat pa akes sa sigaw mo."
Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang buong katawan ko. Alam kong nakakaramdam talaga ng ganito ang mga babae lalo na kapag bago magkaroon at pagkatapos ng mens. Pero ngayon lang ako nagstruggle ng ganito!
Hindi ako nagsalita. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga oras na ito. Kitang kita ko pa ang nakapikit niyang mata habang sinasapo ang tulo ng shower sa mukha at buong katawan niya. Gulo-gulo ang buhok niya at para siyang lalaki.
"Pinuntahan kasi ako ni Gym kanina, humingi siya ng tawad at pinalabas nalang na pinapabigay mo iyong flowers na iyon sa akin para hindi halata. And guess what?"
"What? Friends na kayo?"
"Gaga! Chusa ka, hindi ano!" Pinatay niya ang shower at inabot ang tuwalya.
"Kami na ulit at nangako siyang rerespetuhan niya tayo." Masayang sabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top