Kabanata 13

Kabanata 13

Tawad

"Eager, makinig ka sa akinㅡ"

"It's okay, Hunky. Naiintindihan ko naman." Ngumiti ako sa kanila ni Gym na hanggang ngayon ay pinapanuod pa rin ang nangyayari sa amin ng boyfriend niya.

Kinuha ko ang towel ko sa gilid at saka sinabit sa aking balikat. Maliligo nalang ako para malamigan ng kaunti ang ulo ko. Kumuha ako ng pamalit sa closet, habang si Hunk ay patuloy pa rin sa pagsunod sa akin.

"Saglit lang. Makinig ka sa akin, bakla." Pilit niyang hinahawakan ang kamay ko pero winawaksi ko ito.

"Okay nga lang, Hunky. Bakit ba hindi ka makaintindi?" Kunot noong sabi ko sa kanya. "Nainis lang ako kanina kasi may mens ako! Normal lang sa babae ang mairita sa mga bagay na hindi naman big deal."

Natahimik siya. Nilingon ko si Gym sa kama at nakitang naghihilamos siya gamit ang kamay kaya naman nagulo ang kaninang maayos niyang buhok. Naka-boxer lang din siya at kahit na bakla sila ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nila, na para bang isang tunay na lalaki.

Bumalik ang tingin ko kay Hunk nang maramdaman kong binitawan niya ang pulsuan ko. Ngumiti ako sa kanya kahit na umiigting ang panga niya sa inis na hindi ko naman alam kung para saan. Dumiretso ako sa cr.

Para akong lumulutang habang nasa loob. Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa sobrang wala ko sa sarili ay binagsak ko ang sarili ko sa bathtub na may tubig na, kahit wala pa akong tinatanggal kahit na anong saplot sa katawan ko, maliban sa pads na tinanggal ko na kanina. Nilubog ko ang sarili ko roon.

"Mag-uusap tayo mamaya, okay? Kahit na sinabi mong walang dapat pag-usapan, may sasabihin ako."

Parang nage-echo ang mga salitang iyon kay Hunk na galing sa labas. Hindi ako makasagot dahil nasa ilalim pa rin ako ng tubig. Minulat ko ang mata ko at sa hindi malamang dahilan ay parang nakikita ko ang sarili ko sa aking harapan, na para bang nananalamin ako. Kumurap ako at kumurap din ang nasa harapan ko.

Nagsalita ako, ngunit nakalimutan ko na nasa ilalim pala ako ng tubig. Umahon ako at hinabol ang aking hininga. Ilang minuto akong natulala habang hinahabol iyon, hanggang sa hindi ko na napansin ang mga mainit na likidong lumalabas sa gilid ng mata ko.

Sinandal ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng bathtub at umubob doon. Umalog ang balikat ko. Kinagat ko ang labi ko para hindi makalikha ng kahit anong ingay. Hinayaan kong bumagsak ang mga luhang galing sa naninikip kong dibdib. Para iyong mga dugo na dahil sa pagkakatusok ng bawat kutsilyong tumusok doon.

"I'm waiting, Eager. Nandito lang ako..." narinig ko nanaman ang boses ni Hunk mula sa labas.

Hinawakan ko ang bibig ko para talagang walang ingay na lumabas. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at saka ngumiti, kahit na hindi naman niya ako nakikita.

"Hunky, okay nga lang. Matatagalan pa ako, sarap kaya rito sa bathtub!" Sagot ko pabalik na parang normal lang ang lahat.

"No... no... it's okay," mabilis niyang sagot.

Narinig ko pa ang sagutan nila ni Gym, pero hindi ko maintindihan. Inayos ko ang sarili ko at naligo nalang ako. Ilang minuto lang din ay natapos na ako. Hindi ko alam kung namumugto ang mata ko ngayon dahil hindi naman ako makatingin sa salamin. Ang alam ko lang ay mahapdi ang dalawang mata ko dahil sa marahas kong pagpunas doon.

"Hey?" Bati ko habang nagpupunas ng towel sa aking buhok.

Nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto ay naabutan kong nakaupo sa sahig si Hunk. Tumayo siya at pinagpag ang pwetan niya. Nakatingin siya sa akin na para bang nakikita niya ang loob-loob ko, kaya nailang ako at nag-iwas ng tingin.

"Kumain na ba kayo? Hindi pa ako kumakain," tumawa ako ng pilit at umupo sa gilid ng kama.

"We have to talk," si Gym.

"Ano ba iyon?" Ngiting tanong ko.

Nilingon ko si Hunk na nakatingin lang sa akin ng diretso, na parang nag-iimbistiga ng kung anong weird na galaw ko. Kaya pinilit kong magmukhang normal sa kanya, para hindi siya magduda.

"Walangㅡ"

"I love Hunk," matigas na sabi ni Gym na pinutol niya pa ang dapat sasabihin ni Hunk.

Nagsukatan kami ng tingin. Para bang nasa away siya at handa na niya akong sabunutan sa oras na may sabihin akong hindi niya gusto. Nagulat ako at hindi nakapagsalita ng ilang segundo, pero nang makabalik ako sa sarili ko ay ngumiti ako sa kanya. Iyong pinaka-magandang ngiti ko na kahit halaman ay mapapaluhod sa akin.

"So?" Sarkastiko kong tanong.

"So, hindi ka dapat masaktan kapagㅡ"

"Gym, stop!" Pigil ni Hunk kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. "Eager, I'm sorry. Alam naming mali iyong ginawa namin na naabutan mo kami sa ganoong ayos pero gusto ko lang sabihin sa iyo na walang nangyari. Hindi nangyari ang mga iniisip mo."

"Babe, ano ba? Hindi na niya kailangan pang malaman iyon!" Inis na sabi naman ni Gym.

"Kailangan." Matigas na sabi ni Hunk. "Dahil asawa ko siya."

Sa sinabing iyon ni Hunk natigilan si Gym. Nagkatinginan sila at hindi alam ni Gym kung ano ang sasabihin at gagawin niya. Pero sa huli ay hindi nalang siya nagsalita. Dahil sa tingin ngayon ni Hunk ay walang makakapigil sa kanya.

Una at huli ko siyang nakitang ganito noong nahuli niya akong nagsusugat ng sarili. At wala ngang nakapigil sa kanya. Umuwi kami kahit na anong pigil sa kanya ng mga kaibigan niya, maging ang boyfriend niya na mahal na mahal niya.

"I have to go," ani Gym. Nakita ko pa siyang napalunok bago tumalikod sa amin.

Akala ko ay susundan siya ni Hunk o pipigilan. Pero nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako makalingon dahil natatakot akong makita ang ekspresyon ng mukha niya. Baka hindi ko kayanin at maging okay na ulit ang lahat kahit na hindi pa nawawala ang sugat sa dibdib ko.

"Eager..."

"H-huh?" Gulat na sabi ko.

Hindi pa rin ako lumilingon. Kinikiskis ko ang maliit na towel sa buhok ko at pakiramdam ko ay matuto na agad iyon sa rahas ng punas ko.

Bakit ba kasi ganito minsan si Hunk! Nagugulat ako sa ugali niya, e. Mas gugustuhin ko yatang maging maarteng bakla nalang siya, kaysa sa ganito na akala mo ay isang lalaki talaga.

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla niyang hinigit ang kamay ko. Sinuri niya ang pulsuan ko na wala namang sugat, maliban sa peklat na naiwan doon noong sinugat ko iyon sa Souk Paradise. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at seryoso lamang siyang nakatingin doon.

"Hunkyㅡ"

"Alam kong gasgas na ang salitang ito pero, I'm sorry. I'm sorry, Eager. Wala talagang nangyari, maniwala ka. Nakatulog lang kaming dalawa..."

"Okay langㅡ"

"Damn it!" Malutong na mura niya. "Saktan mo ako. Mas mapapanatag ang loob ko kung sasaktan mo ako ngayon."

Nagsukatan kami ng tingin. Inangat ko ang kamay ko at mahinang sinuntok ang dibdib niya. Isang suntok pa, hanggang sa tuloy-tuloy na at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napahagulgol ako dahil kahit anong gawin ko ay ang hina hina ko pa rin pagdating sa kanya. Dahil sa pagkakataong ito...

Napatawad ko nanaman siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top