Kabanata 11

Kabanata 11

Mali

"H-huh?" Gulat na tanong ko, pero agad din akong tumawa. "Anong joke ito? Nakakatawa, Hunky, ah!"

Tumawa pa ako ngunit nanatili lang siyang seryoso. Hinilamos niya ang mukha gamit ang kamay at bago niya ako tinalikuran ay hindi nakaligtas sa akin ang matalim niyang irap.

Hindi ko maintindihan minsan ang trip ng baklang iyan. Ang gulo-gulo ng utak. Minsan mabait, minsan mataray, madalas mahirap intindihin. Kailan kaya kami magkakasundo ng bongga ng isang iyan? Mukhang malabo.

"Hunk!" Hinabol ko siya at sinabit ko ang kamay ko sa braso niya.

"Bobo..." bulong niya na hindi ko alam kung para kanino niya sinasabi.

Kumunot ang noo ko at napatingala sa kanya. Magkasalubong pa rin ang kilay niya at hindi maipinta ang mukha. Irap siya nang irap kahit na wala naman siyang kaaway. Well, mukhang mayroon at ako iyon, pero wala siyang valid reason para awayin ako.

"Sinong bobo?" Tanong ko.

"Sino pa ba?"

"Ako, bobo!?" Napataas ang isa kong kilay, maging ang boses ko ay napalakas din.

Hindi niya ako pinansin. Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero mukhang hindi ko yata kayang magpatuloy sa paglalakad, gayong hindi ko maintindihan ang sinabi ni Hunky sa akin at kung sino iyong bobo na sinasabihan niya.

"Hindi kita maintindihan, Hunk..." inis na sabi ko.

Hindi nanaman siya nagsalita, pero halatang halata sa mukha niya ang iritasyon. Masama talaga ang loob ko ngayon dahil lahat nalang yata ng gagawin ko, kinaiinisan niya. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganitong sitwasyon iyong lakad namin. Kanina naman sa sasakyan, okay pa.

"Tss, h'wag ka ngang mag-inarte." Iyan nanaman siya sa line niya.

Inirapan ko siya at hindi pinansin. Paano ako hindi mag-iinarte kung siya naman ang nauna? Wala akong alam na kasalanang ginawa tapos sisirain niya ang mood ko. Sana ay hindi nalang siya nag-aya na lumabas kami kung ganito lang din naman gagawin niya.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Tumigil siya sa paglalakad at since nakahawak ako sa braso niya ay napahinto rin ako. Inalis niya ang kamay ko at saka hinawakan ang baba ko para maangat ang mukha.

"Sorry, okay? Ayaw ko lang masira itong date natin." Nag-iwas siya ng tingin na para bang nahihiya.

Ngumisi ako. "Akala ko ba hindi date ito?"

Bakit simpleng hingi lang niya ng tawad ay okay na lahat. Simpleng banat lang niya, nakalimutan ko na lahat. Hindi ko siya matiis. Hindi ko matiis ang maarteng bakla kong asawa.

"Dami mo pang sinasabi. Halika na!"

Tumawa ako at hindi na ulit pa sinabi iyon dahil baka lalo siyang mahiya. Ang sabi ko kanina ay si Hunk ang magulo. Mukhang mali yata dahil kaming dalawa talaga ang magulo.

"Kaya mo bang ubusin iyon?" Inis na tanong niya.

Kababati lang namin, pero heto nanaman kami't nag-aaway. Ang sabi kasi niya ay mag-order daw ako ng gusto ko, ngayon namang inorder ko lahat ng gusto ko ay nagrereklamo siya na baka hindi ko raw maubos.

"Oorder ba ako ng hindi ko kayang ubusin?!" Irap na sabi ko.

"Kapag hindi mo naubos iyon, iiwan kita rito."

"Kaya ko nga, Hunky..." mahinang sabi ko dahil baka mainis ako ng sobra, mapasigaw ako nang wala sa oras.

Hindi kami nag-imikan hanggang sa dumating ang pagkain. Gusto ko sana siyang kausapin kasi ang sabi niya kanina ay ayaw niya raw masira itong date naminㅡayaw ko rin naman kaso hindi yata talaga mabubuo ang isang araw na hindi kami nag-aaway.

"Ubusin mo iyan..." aniya at saka nakatingin sa akin habang iniinom ang juice niya.

"Uubusin ko talaga." Sumimangot ako. "Takot akong maiwan..."

Hindi na siya nagsalita. Kaya ko namang ubusin, kaso nawalan ako ng gana. Pero kahit ganoon ay pinilit ko pa ring ubusin iyon. Baka totohanin niya ang pag-iwan sa akin. Hindi ko kaya.

"Tss, itabi mo na iyan..." aniya.

"Hindi, uubusin ko ito."

"Itabi mo na nga sabi. Halata naman na hindi mo kayang ubusin," mahinahon niyang sabi.

"Kaya ko nga." Madiin na sabi ko.

Kahit na sa totoo lang ay hindi ko na talaga kaya, at kung pipilitin ko pa ay baka masuka lang ako dahil sa pagka-umay. Uminom ako ng juice, na mukhang maling desisyon yata dahil mas lalo akong nabusog.

Nabulunan ako kaya umubo ako. Punong puno pa naman ng kanin ang bibig ko. Nag-init ang buong mukha ko na sa hula ko ngayon ay namumula iyon. Ininom ko ng diretso ang juice at saka napatingin kay Hunky na nakataas ang kilay ngayon sa harap ko.

"O, ano?" Mataray na tanong niya. "Tigas kasi ng ulo mo, e."

"E, kasi baka iwan mo ako kapag hindi ko naubos," parang batang sabi ko.

Kinuha ko ang tissue at pinunas sa bibig ko. Hindi ko talaga kayang ubusin kaya tumigil na ako. Bahala na kung nasaktan ang pride ko, kaysa naman sumuka ako ngayon sa harap ni Hunky. Mas nakakahiya iyon.

"S'yempre biro lang iyon. Tingin mo kaya kitang iwan?"

Nagulat ako kaya napahinto ako sa pagpunas ng bibig ko. Napaangat ako ng tingin kay Hunk nang wala sa oras. Kitang kita ko kung paano magsalubong ang mata namin at kung paano dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Namumula ang tainga niya.

Kinagat ko ang labi ko at pinigilang asarin siya. Baka mapikon siya at lalong masira ang araw namin, kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

"I'm full!" Masayang sabi ko pagkalabas namin ng restaurant sabay hawak sa tiyan ko.

"Magtaka ka kung hindi ka pa nabusog sa dami ng kinain mo,"

Pabiro akong sumimangot at saka sinabit muli ang kamay ko sa braso niya. Ang bango-bango talaga ng baklang ito! Mas mabango pa sa tunay na babae.

"Uuwi na tayo." Napantig ang tainga ko sa sinabi niya.

"H-huh? Uuwi na agad?" Bigla akong nanlumo.

"Wala akong alam sa pakikipag-date kaya umuwi nalang tayo."

Hindi sana ako papayag pero wala rin akong alam sa ganito. Sapat na sa akin na malamang hindi siya sanay makipag-date. Ibig sabihin ay espesyal ako at isa ako sa naka-date niya.

Ngiting-ngiti ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Nauna na akong pumasok sa loob dahil pinark pa ni Hunk ang sasakyan namin. Kinakanta-kanta ko pa ang isa sa paboritong kanta ni Hunk nang bigla akong mapatigil sa nakita ko sa sala ng bahay namin.

Nakaupo roon ang dalawang binabae na mukhang kararating lang din. Masama agad ang tingin sa akin ni Vamp, habang si Gym naman ay walang pakielam.

"H-hi..." bati ko pero hindi nila ako binati pabalik.

"Where's my boyfriend?" Tanong ni Gym.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka may katulong na makarinig sa amin. Mabuti nalang at wala kaya hinarap kong muli ang dalawa. Saktong pumasok naman si Hunk, kaya napatayo iyong dalawa.

"Kanina pa kayo rito?" Tanong niya. "Bakit hindi ni'yo sinabing nandito na kayo?"

Huh? So, alam niyang pupunta ang dalawang ito rito nang hindi niya sinasabi sa akin? Dahilan lang ba niya iyong hindi siya sanay makipag-date para lang makauwi kaagad kami dahil alam niyang pupunta ang boyfriend niya?

"Kararating lang."

Nag-aya agad sila papunta sa kwarto, para s'yempre lumadlad. Naiwan nalang ako sa sala at binuksan ang TV. Pinilit kong maghanap ng channel na maganda para panuorin, kaso lumilipad ang isip ko sa kwarto.

Ano na kayang ginagawa nila roon? Nakakatawang isipin na dapat maging ganito lang ako kapag babae ang kasama ni Hunk, pero mukhang baliktad dahil mas natatakot ako kapag lalaki ang kasama niya.

Inabot ng ilang oras ang paghihintay ko sa kanila at hanggang mag-dinner na ay hindi na sila bumaba. Hihintayin ko nalang sila para sabay-sabay kaming kumain.

"Hindi pa po ba kayo kakain, Ma'am Eager?" Tanong ng isang katulong.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas onse na nang gabi. Binaba ko ang paa kong nakapatong sa center table at ngumiti.

"Makikisabay nalang po ako kina Hunky,"

Tutal ay marami naman akong nakain kanina kaya baka kaya ko pang hintayin sila. Bumuntong hininga ako at binilang nalang ng paulit-ulit ang galaw ng orasan. Baka sakaling bumilis at mapagpasyahan nilang bumaba na at kumain.

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako. Nagising nalang ako nang makarinig ako ng ingay palabas ng bahay. Bumangon agad ako at naabutang namamaalam na ang dalawang baklita.

"Hindi na sila kumain dito?" Tanong ko kay Hunk.

"Kumain na kami," sabi niya at sinarado na ang pinto.

"Ay, talaga?"

Kumain na pala sila. Sino pang kasabay ko ngayon? Napatingin nanaman ako sa wall clock at nakitang ala-una na pala ng madaling araw. Kaya pala iba na ang ihip ng hangin. Tumutunog na rin ang tiyan ko.

Tumango siya. "Hindi ka pa ba kumakain?"

"Hindi pa. Hinintayㅡ"

"Kumain ka na roon. Aakyat na ako," aniya at nagmadali na sa pag-akyat.

Lumunok ako at inisip pa kung kakain ba ako o hindi. Bigla akong nawalan ng gana. Ang pagtunog ng tiyan ko ay biglang nawala at umatras bigla ang pagtakam ko sa pagkain.

Umakyat nalang ako ng kwarto. Naabutan kong nakasandal si Hunk sa head board ng kama habang hawak ang cellphone.

"Tapos ka na kumain? Ang bilis, ah." Sabi niya pero halata namang walang pakielam.

Hindi ko siya pinansin at nagshower nalang sa CR. Akala ko kanina ay magiging okay na kami. Akala ko kanina ay tuloy-tuloy na iyong magandang relasyon namin.

Mali nanaman pala ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top