CHAPTER V
Chapter V
Hoppe POV
Naghahanda na ako para sa pagpasok uli sa second day of class ng kumatok si ate Hearth at dumaretsong humiga sa kama.
"Anong kailangan mo ate?"
"Ano kase... Diba may sariling kotse ka naman? Balak kasi namin ni Thear na magdalawa na lang tayo ng sasakyan para kapag nauna kayo sa paglabas ay makakauwi na agad kayo saka para hindi niyo na kami hinihintay ni Thear sa parking lot ng University. Don't worry hindi naman ikaw ang magdadrive ipapahatid nalang namin kayo ni Happee kay Mang Ricky." paliwanag nito saka siya tumayo sa kama.
"Baba kana mag-aalmusal na tayo." sambit nito saka nagpasyang lumabas ng kwarto.
Bumaba na ako nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili. Nadatnan ko sila na ako na lang pala ang hinihintay.
"Goodmorning!" masayang salubong ko sa kanila.
Matapos naming magbatian ay nagkwentuhan rin sa pangyayari kahapon na hindi na namin napag-usapan kagabi nang dahil sa pagod habang kumakain.
Hinatid nga kami ni Mang Ricky sa University at nagpasyang babalikan na lang kami mamaya dahil baka mainip lang siya. Nagkita uli kami nila Caenna sa tuwing recess time na at nagkukwentuhan. Lalo lang akong napalapit sa kanila at tinuturing na rin nila ako bilang isang kaibigan. Pero si Rolling Pin ay patuloy lang sa pagbabalewala sakin... I mean sa amin... Hindi kasi siya kumikibo at kapag tinatanong lang sila ay ang pagtango at pag-iling lang ang kanyang ginagawa. Para siyang Pipi.
Lumipas ang ilang mga linggo at nagpatuloy lang ang aming buhay... charot lang
Nagpatuloy lang ang mga araw na nakakasalamuha ko sila Caenna pero infairnes sa loob ng ilang linggo ay kinakausap na rin ako ni Rolling Pin kaya ngalang tungkol naman sa behavior ni Geen sa klase ang mga tanong niya. Pero syempre sumasagot naman ako na ok lang naman siya at laging nagrerecitation na kanyang ikinangiti.
"Bakit mo naman natanong?"
"None of your business Miss Pag-asa." nakangising wika nito. Pero wait... Ano? Miss Pag-asa?
"T-teka... Anong tawag mo sakin? Miss Pag-asa?"
"Why? any problem Miss Pag-asa? May problema ba sa tawag ko sayo?"
"Ayts... Bwisit! Oo may problema bakit ganon yung tawag mo sakin? Hoppe ang pangalan ko hindi Pag-asa." nanggagalaiting sambit ko.
"Bakit? Ano bang tagalog ng Hope hindi ba ay Pag-asa?" nakangisi habang nakataas ang kilay na tanong nito.
Magkatabi kami ngayon sa table dito sa Cafeteria habang hinihintay sila Geen at Vee na pinatawag ng kanilang mga adviser. Kasama namin sa table ang magjowang sila Caenna at Kylle na busy sa paglalampungan.
"Anak ka ng nanay mo! Oo alam kong ganon nga ang tagalog ng pangalan ko pero--"
"Bakit ikaw? Hindi naman kita pinagbawalan na tawagin akong Rolling Pin ah. So bakit mo ako pinagbabawalan?" nakangiwing sambit nito sa Rolling Pin. Parang gusto kong matawa sa itsura niya ngayon pero binalewala ko na muna dahil naiinis ako, dahil nag-aaway pa kami. Mamaya na lang ako tatawa kapag hindi na kami nag-aaway.
"At kanino mo naman nalaman na ganyan nga ang tawag ko sayo aber?" napatayo ako at nakapameywang na humarap sa kanya at pinakita ko na nagagalit talaga ako.
"Kanino pa ba? Edi dyan sa magaling mong kaibigan." sabay turo sa lalaking malapit na samin. Si Geen...
"W-what?" naguguluhang tanong nito.
"Anak ka ng nanay mo! Ang tsismoso mo talaga mapapatay talaga kitang alak ka!!?" galit na sigaw ko sa kanya na halata sa kanyang mukhang hindi pa nagsisink-in ang mga pangyayari.
"Teka... Anong nangyayari?" tanong ni Kylle ng bigla kong sinigawan ang kaibigan nila. Pero hindi ko pa rin sila pinansin at ako na mismo ang lumapit kay Geen at biglang tumalon para pumasan ako sa likod niya.
"Kainis ka sabi mo sakin tayo lang dalawa ang nakakaalam sa tawag ko sa lalaking ito! Bakit mo sinabi sa kanya? Kapag ako napalayas at nakick-out dito sa University mapapatay talaga kita." galit na sabi ko habang nakapasan sa likod niya at sinasakal siya. Pero imbis na magmakaawa at magtanong ay tumatawa lang siya kaya lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal ko sa kanya hanggang siya na mismo ang nagmakaawa na bitawan ko na siya. Sila Caenna naman ay wala pang ginawa kundi ang pagmasdan kami at pagtawanan. Mga sira ulo...
"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya na mabanggit sa kanya yung tawag mo sa kanya eh." pagmamakaawa nito ng bitawan ko na siya at pinaupo na kami nila Caenna. Pero di ko pa rin siya pinapansin dahil galit ako.
"Bakit? Ano bang tawag sayo ni Hoppe, Arc?" tanong ni Kylle.
"Para mas magandang tanungin natin diyan ay si Geen, Babe." natatawang wika naman ni Caenna.
"Ang tawag kasi ni Hoppe kay Arc ay Rolling Pin dahil sa second name ni Arc. Aaarayyy!"
"Di ka nga talaga madaldal eh no?" matapos ko siyang batukan na kinatawa ng tatlo. Infairness nag-iimprove na si Rolling Pin tumatawa na rin siya mula nong nagiging bonding na namin ni Geen ang pag-aaway.
Sa totoo lang sa loob ng ilang linggo ay madalas na kaming nagkakasakitan ni Geen. Parang yun na talaga yung bonding namin ang magkasakitan. Dito kami masaya eh. Kaya ko lang naman siya nasasaktan ay kapag inaasar niya ako napapadalas na kasi yon ngayon.
"Guys sorry I'm late may pinapasabi lang kasi si Ms. Karen na ngayon raw yung pagpapalista ng mga club na gusto nating salihan kaya wala na raw pasok mamaya dahil na rin sa biglaang club na to." paliwanag ni Vee nang makarating siya sa table namin kaya napatigil si Geen sa pang-aasar niya sakin at natigil rin ako sa pananakit sa kanya.
"Ngapala Hoppe. Anong sasalihan mo?" tanong ni Caenna habang pinaglalaruan ang mga daliri ni Kylle. Ayts. Kadiri.
"Sa music ako o kaya sa Arts."
"Doon ka sa Arts na magpepainting ka lang?" wika ni Geen.
"O doon ka sa banda? Mag-o-audition ka? Ang alam ko kasi may pa audition ngayon ang EuPHoNy ng magbo-vocalist at gusto sana nila ay babae para maiba naman. Diba Arc?" tanong ni Vee kaya napatingin naman ako kay Rolling Pin na tumango lang.
"So... Ano? Mag-o-Audition?" tanong naman ni Caenna kaya masaya naman akong tumango.
******
"Okay... Next?"
Si Miss Chara ang may hawak sa Music Club kaya siya rin yung nagrereview ng mga mag-o-Audition. Pero halos lahat ng nandito na gustong sumali sa Music Club ay gustong makapasok sa Choirs. Iilan lang kami na gustong mag-Audition lima lang yata kami.
"Okay... Next? Wait? ikaw yung transferee di ba?" tanong nito sakin nang ako na ang susunod na tatawagin.
"Yes po Miss." sagot ko.
"Okay? Anong sasalihan mo? sa Choir ka ba? or mag-o-Audition ka sa banda?"
"Mag-o-Audition po sana."
"Okay... So anong mga instrument ang kaya mong tugtugin?"
.
"Drums, Piano and Violin po"
"Hindi ka marunong gumamit ng Guitar?"
"Hehe hindi po eh. "
"Ah ganon ba? So may hinanda ka bang kanta para sa Audition?" tanong pa nito sakin saka bumaling sa papel na sinusulatan niya.
"Opo meron na po Miss."
"Okay tara sumunod ka sakin." wika pa nito bago pumasok sa isang malaking pintuan at may karatulang nakasabit na "Music Room, (room of musician)". Malamang room yan ng mga musician alangan namang room ng mga artist. Psh kaya nga MUSIC Room eh. =_=
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top