CHAPTER IV
Chapter IV
Hoppe POV
Matapos naming magrecess at magkwentuhan ay naging ka-close ko na agad sila Caenna, Kylle, Vee at Geen pero si Rolling Pin ayun buong kwentuhan namin ay nakaheadset lang walang kibo. Nalaman ko rin sa kanila na sadyang masungit ang personality niya pero may tinatago naman raw na kagandahang loob. At nalaman ko rin na mayayaman pala silang lima. Sila Caenna ay may-ari ng mga five star na hotel at resort sa Hawaii at California at kasosyo ang pamilya nila Kylle. Samantalang sila Vee naman ay mga mall ang kanilang mga negosyo kaya mahilig raw siyang magshopping. Si Rolling Pin naman ay mga school ang kanilang pinakikinabangan sa totoo lang kanila raw 'tong university na kinatatayuan ko ngayon kaya dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi ko tungkol sa kanya baka ipaalis niya ko dito, mahirap na. Samantalang sila Geen naman raw ay mga Airport at Gym ang kanilang mga negosyo. Ang yayaman diba? *_* ..
"Huy! Anong next subject mo?" tanong sakin ni Geen. Ngapala naglalakad na kasi ako papuntang next subject ko nang habulin niya ko. Nagpaalam na kasi ako kila Caenna na baka malate ako eh kasi sila mamaya pa raw ang next subject nila.
"Math. Bakit?"
"Math? so magkaklase pala tayo hehe." wika niya sabay kamot sa ulo.
"Talaga? Matanong kolang pala, anong favorite subject mo?"
"Mathematics." taas noong sagot niya. "Eh ikaw ba?"
"Arts naman sakin. Mahilig kasi akong magpaint at magdrawing." taas noo ring sagot ko.
"Ayaw mo ng Math?" nakangusong tanong nito.
"Hindi naman sa ayaw pero nahihirapan kasi ako sa Math." nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Hayaan mo tuturuan kita sa Math kapag nahihirapan ka basta sabihin mo lang sakin. Pero basta kapag nahihirapan naman ako sa Arts tulungan mo ko ah?"
"Sige ba."
"So deal?"
"Deal."
******
"Ok class what is the common differance of 3,12,21 & 30? Anyone?" tanong ni ma'am.
'shete halos kakapasok palang niya may tanong na agad eh di pa nga naeexplain.'
"Ms. Saavedra?"
'kainis talaga bakit kasi di muna niya sabihin kung anong lesson namin ngayon bago siya magtanong.'
"Ms. Saavedra?" napapitlag ako sa kakatusok ng ballpen ko sa armchair ng bigla niya akong tinawag.
"Ma'am?" pinagpapawisan akong tumayo dahil nakatingin lahat ng mga kaklase ko sakin.
"Ms. Saavedra, are you with us? o may iniisip ka? may problema ka ba?" tanong nito sakin.
"Ahm N-nothing ma'am."
"Ok again. What is the common diference of this number, 3,12,21 & 30?" tanong nito sakin habang nakaturo sa mga number sa board.
'Syete anong isasagot ko?'
Napayuko ako nang hindi ko malaman ang sagot. Kainis sabi nitong lalaking 'to tuturuan o tutulungan niya ako pero busy naman siyang nagsusulat sa notebook niya. Kainis.
Sasabihin ko na sana na hindi ko alam ang sagot ng may biglang nangalabit sakin… si Geen at tinuturo yung notebook niya… habang kunwaring nakikinig kay ma'am…
"The common difference of 3,12,21 & 30 is 9." nakangiti kong sagot.
"Very good you may sit."
'sus. Ang dali lang pala… Mag-aadd ka lang pala ng 9 –_–'
"Salamat." bulong ko kay Geen nang pag-upo ko.
"Wala yon." mayabang na bulong niya kaya napangiti nalang ako.
******
"Hoppe!.. Geen!.." sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae salikuran namin kaya humarap kami dito. Naglalakad na kasi kami ni Geen sa hallway papuntang next subject namin ni Geen.
"So ikaw nga 'yon? Kaklase rin kita?" masayang sambit nito kaya masaya rin akong tumango tango.
"Yiiieeeee. Magkaklase tayo hihi sana whole day tayong magkasama para mas lalong makaclose pa kita." masayang sambit uli nito.
"Bwahahahaha. Hindi na mangyayari ang gusto mo Vee dahil ako ang makakasama niya sa buong araw."
"At pano mo naman nasabi aber?" wika ni Vee na nakataas pa ang kilay na animo'y nagsusungit.
"Ah... Kaklase ko kasi si Geen sa halos lahat ng subject ko maliban lang sa English at Science." sagot ko rito.
"Ayts ang daya!" nagtatampo nito sagot.
Pinagtatawanan lang namin siya ni Geen habang naglalakad patungo sa next subject namin. Inis na inis siya kay Geen at humihingi ng isang favor na magpalit na lang sila ng schedule pero ang nagiging sagot lang ni Geen ay ang kanyang malalakas na tawa at daliring nakaturo sa mukha ni Vee.
"Kainis kayo FO na tayo." nagtatampong wika niya nang makapasok na kami sa room saka siya dumaretso sa upuan na malapit sa bintana. Umupo siya sa gitna at tinawag ako na umupo sa tabi niya na tabi rin ng bintana.
"Eh saan ako uupo?" naguguluhang tanong ni Geen sa kanya.
"Parang may nakapasok na bubuyog sa classroom natin parang may bumubulong. Creepy..." nang-iinis na wika nito.
"Ayan dyan ka na lang umupo sa tabi ni Vee."
"Pero gusto kitang katabi..." nakangusong wika nito.
"Hahaha wala na dyan ka na lang umupo wala na tayong magagawa o kaya kung gusto mo dito ka sa harap o kaya sa likod ko?" natatawang sagot ko sa kanya saka ako ngumuso.
"Uy sino ba kausap mo dyan? Kausap mo ba yung bubuyog kanina?" blangkong mukha ang ipinakita samin ni Vee na halatang nagpipigil ng tawa sa itsura ngayon ng lalaking iniinis niya.
"Psh... Dito na lang ako sa likod mo at least nakikita kita sa harap ko kesa naman na nasa harap mo ako baka makita pa ako ni proff na lumilingon sayo..." nakanguso pa ring sagot niya saka dumaretso sa upuan sa likod ko.
Lumipas lang ang ilang minuto ay pumasok na rin ang proff namin. Nagpakilala lang siya katulad ng nakagawian, nagdiscuss rin siya ng konte at pinagquiz na rin kami.
"Ilan ka sa quiz?"
"Isa lang ang mali ko kainis kasi pinalitan ko pa." tawa ko.
"Sabi niya short quiz lang. May short quiz ba na halos makalahati na natin ang isang daan?" naiiritang sagot naman ni Vee.
Nagpaalam na si Vee na pupunta na siya sa next subject niya kaya nagpatuloy lang kami ni Geen sa pagkukwento ng mga buhay namin noong di pa ako nagtransfer dito. Marami rin akong nalaman tungkol sa kanya gaya ng may kapatid pala siyang babae na 7 year old pa lang.
Lumipas ang ilang oras at oras na namin para umuwi nagkita kita kami nila ate sa may parking lot ng University. Hinatid ako nila Geen at Vee kanina rito. 'Di ko na nakita pa sila Caenna at yung boyfriend niya kanina dahil sunod sunod ang mga subject na kailangan naming pasukan ni Geen. At sila ate naman ay tinetext ko bawat pag-alis ko para pumunta sa next subject. Gusto kasi nila na updated sila sa pangyayari samin ni Happee.
"Grabe nakakapagod 'tong araw na 'to." nakapikit na wika ni ate Hearth na nakaupo na sa front seat.
"Oo nga kahit first day pa lang ang dami na nilang binigay na mga Assignment. Akal ko pa naman na kahit first day ay wala tayong masyadong gagawin." wika rin ni ate Hurth habang nagdadrive patungong bahay namin. Tahimik lang kami ni Happee sa likod habang nagmamasid sa mga sasakyan na nadadaanan namin.
Nakakapagod ang araw na ito at nakakagutom. Nang makarating kami nila ate sa bahay ay nakahanda na ang aming makakain na niluto ni manang. Kumain na muna kami bago dumaretso sa aming mga kwarto para gumawa ng mga assignment namin at matulog.
Wala naman akong masyadong assignment sa totoo lang ay isa lang yung sa Math na tinuruan ako kanina ni Geen nung lunch kaya nagawa ko na rin. Kaya naligo nalang ako para makatulog na. Nakakapagod kasi talaga kahit wala naman kaming masyadong ginawa di tulad nila ate.
A/N:
Napakatagal ng update ko hahaha sowri po... Sana naman may nagbabasa...
remember Plagiarism is a CRIME
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top