CHAPTER I


Chapter I



Hoppe POV

"You know just what to say
Things that scare me
I should just walk away
But I can't move my feet."

Sabay subo sa mga fries na kinakain ko.

"The more that I know you,
the more I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yester…"

"BOOM!!!"

"Ay letchong manok!" gulat na sabi ko sabay tingin ng masama sa babaeng nanggulat sakin. Siya? Ayun tawa lang ng tawa. 

"Hahaha. Anong klaseng itsura 'yan? Wait!? Kumakain ka na naman niyan?"

'Opps...'

"Diba sabi ko sayo huwag kang kain ng kain ng mga junkfoods? Tingnan mo yang pangangatawan mo ang payat mo wala man lang sustansya ang pumapasok sa katawan mo. Kain ka ng kain dika naman tumataba sayang lang yang pagkain mo." galit na sigaw ni ate Hearth habang ako naman ay nakayuko lang walang kibo takot kasi ako kay ate Hearth. Minsan lang kasi kung magalit si ate Hearth kaya nakakatakot.

'Happee 'wag ka munang pumasok sa kwarto please!'

"Hoppe! Eto na yung pagkain natin hihi… A-ate Hearth?"

'Kakasabi ko palang eh. Yan tuloy mukhang kakainin na tayo ni Ate… Huhuhu Ate Thear ... I need youuu'

"At nagsabay pa talaga kayo ahh… Diba sabi ko sa inyo bawasan niyo ang pagkain ng junkfoods dahil baka magkasakit kayo sa kidney." pangangaral ni ate. 

Magkatabi na kami ngayon ni Happee at parehong nakayuko. Isusubo na sana ni Happee yung hawak niyang cheese ring nang biglang hinablot ni ate Hearth yung bowl na puno ng cheese ring, sabay galit na tumingin samin.

"Diba hindi naman ako o kayo ang bumibili ng mga ito kapag naggogrocery tayo? Eh kanino niyo galing ang mga cheese ring at fries na yan ha?" galit na sigaw nito sabay turo sa cheese ring na hawak niya at fries na hawak ko.

Nakayuko lang kami at hindi kumikibo. Wala kasi sila Mommy at Daddy dito sa bahay kasi nasa Korea sila naghahoneymoon.
Anniversary kasi nila next week at may balak pa yatang sundan kami ni Happee, apat na kasi kaming magkakapatid sila ate Hearth at ate Thear ay identical twin at kami naman ni Happee ay magkakambal rin ang kaso hindi kami magkamukha mas kamukha ko raw si Daddy parang girl version raw ako while Happee si Mommy naman ang kamukha... Kaya kung may balak pa silang sundan kami malamang sa alamang ay kambal na naman. Ang yaman kasi ni Daddy sa sperm cells eh. ^_^V

******

"2 minutes." Ate Hearth.

"Ate naman hindi ka ba naaawa samin ang sakit na ng tyan namin." mangiyak-ngiyak na wika ni Happee.

Samantalang ako ay hindi na makapagsalita sa tagaktak na pawis na tumutulo sa pisngi ko. Kanina pa kasi kami nagsisit-up tas dinagdagan pa ng 2 minutes. Ate Thear save us please.

"Oh! Anong nangyari sa inyo?" si Ate Thear.

"Ate!" Happee/Ako sabay kaming tumakbo palapit kay Ate Thear.

"Ate saan kaba nanggaling? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami pinaparusahan… I mean tinotorture ni Ate Hearth dito." sabi ni Happee saka kami nagtago sa likod ni Ate Thear nang mapansin naming papalapit si Ate Hearth.

"Ano na naman bang ginawa mo sa kanila?" 

"Eh kasi naman nabantay ko silang kumakain ng junkfoods."

Humarap si Ate Thear sa amin ng marinig niya ang sinabi ni Ate Hearth.

"Totoo ba 'yon? Naubos niyo ba lahat?" tanong nito samin.

"Hindi pa Ate may stack pa kami" wika ko.

"Hay buti naman akala ko kasi bibili na naman ako ngayon. Balak ko kasing bukas nalang bumili ng mga stack natin." wika niya.

"Yehey may stack na naman tayo twinie hihi" sabi ni Happee saka kami naghighfive.

"What the… Ikaw ang bumibili ng mga junkfoods nila?"

Vegetarian kasi si Ate Hearth. Maalaga sa katawan at kalusugan kaya galit siya sa mga junkfoods.

"Lil Sis. Tara sa kwarto movie marathon tayo. Una na pala kayo sa taas magluluto muna ako ng fries uubusin natin lahat ng stack niyo ngayon. Sis gusto mong sumama?" nang-aasar na tanong nito kay Ate Hearth ginantihan naman siya nito ng galit na tingin.

"Ugh. Whatever." padabog na sagot ni Ate Hearth saka siya dumaretso sa kwarto niya.






******



"Anong papanoorin natin Ate?" tanong ni Happee.

"Ano bang gusto niyong panoorin?"

"Ate napanood mo naba yung Romeo and Juliet?" tanong ko.

"Ah hindi pa eh pero nakabili ako ng disk non. Wait lang hanapin ko saglit." pumunta siya sa lalagyanan niya ng mga disk at naghalungkat. " Oh eto nakita ko na hihi."saka siya pumunta sa may DVD player at sinet-up ito.

" Kainis naman si Shakespeare, famous playwrite nga siya pero kainis talaga bakit kailangang patayin niya si Romeo pwede namang si Juliet na lang eh." hindi kasi talaga ako makaget over sa Romeo & Juliet. Ang gwapo pa naman ni Romeo eh kung ako nalang kasi ang minahal niya edi sana hindi pa siya namatay.

"Hoy! twinie tama na nga yang pag-de-daydream mo kay Romeo. Pero infairness ang gwapo niya no? hihi."

'psh aagawin niya pa sakin si Romeo. '

"Hahaha. Ano ba kayo? Tama na nga yan. Kalimutan niyo na si Romeo kasi may Juliet na siya. Ok?" natatawang sabi naman ni Ate Thear.

"Patay naman." sabay na singhal namin ni Happee.

"Ok. Ok. Patay na nga si Juliet pero patay na rin naman si Romeo ah? Saka at least magkasama sila hanggang sa kabilang buhay."

"Oo na. Oo na. Kainis " ako.

"Ok tanggap kona na wala kaming pag-asa ni Romeo kaya nakapagmove on nako." sabi ni Happee habang nakataas ang dalawang kamay na animoy sumusuko.

"Bakit ba naging big deal satin sila Romeo and Juliet? Hahaha. Mabuti pa magkantahan nalang tayo. Wait lang." kinuha ni Ate Thear yung Guitar niya at umupo sa tabi namin ni Happee sa kama at nagstrum.

"♪♪You must think that I'm stupid
You must think that I'm a fool
You must think that I'm new to this
But I have seen this all before♪♪

♪♪I'm never gonna let you close to me
Even though you mean the most to me
'Cause every time I open up, it hurts♪♪

♪♪So I'm never gonna get too close to you
Even when I mean the most to you
In case you go and leave me in the dirt♪♪

♪♪But every time you hurt me, the less that I cry
And every time you leave me, the quicker these tears dry
And every time you walk out, the less I love you
Baby, we don't stand a chance, it's sad but it's true
I'm way too good at goodbyes♪♪"

"Parang broken hearted na naman yata si Ate Thear." bulong sakin ni Happee.

"Parang nga." I sigh.

'Lagi nalang siyang nasasaktan. Kailan niya kaya makikita ang lalaking para sa kanya?
-_-|'



**********

Remember Plagiarism is a CRIME.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top