Bukang-Liwayway

Paningin kong mailap, iyong napukaw
Nagbigay pag-asa sa mundong mapanglaw
Kagandahang taglay, Maykapal ang naglilok
Nang unang masilayan, puso ko'y tumibok.

Marubdob na paghanga'y 'di nailagan
Liwanag mong hasik sa silangan
Sa umaga'y hanap-hanap ay ikaw
Puso'y ang lumbay kung 'di ka matanaw.

05.10.19

BUKANG-LIWAYWAY
All Right Reserved.
Copyright 2019
HeartTorturer/Eiramana325

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top