What If...

Abala si Gelo sa pagre-restock ng mga bagong dating na canned goods sa may grocery aisle nang biglang tumunog ang door chime. Saglit niya munang ibinalik sa basket ang mga hawak na lata ng corned beef bago tumayo mula sa pagkakaupo upang batiin ang customer.

"Good evening! Welcome to Mini Mart—" nabitin ang ngiti ni Gelo nang mapag-sino ang pumasok. "Sus, ikaw lang pala!" napaikot na lang niya ang mga mata at agad na ring bumalik sa ginagawa.

"Wow, Gelo!" hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang best friend na si Micoy. Nakasuot ito ng paborito nitong gray na hoodie at jogging pants. "Customer din kaya ako. I deserve a proper treatment!" naka-ingos na dagdag nito nang makalapit sa kanya.

"Ikaw? Customer?" sarkastikong komento ni Gelo at natawa na lang ng pagak nang marinig ang sinabi ng kaibigan. "Kailan pa? For all I know, kaya ka lang naman dumadayo rito ay para makalibre ng pagkain."

Ang Tita Sue niya na kapatid ng kanyang nanay ang may-ari ng pinagtatrabahuhan na convenience store tuwing weekend. Wala rin naman siyang masyadong ginagawa kaya naisipan niyang mag-volunteer na tumao roon kahit isang shift lang para kahit papaano ay may mapagkaabalahan. Hindi naman ganoon kalaki ang sweldo pero okay na rin naman dahil nakakapag-uwi nga siya ng mga pagkain—pa-expire na nga lang kinabukasan.

"Alam mo, napaka-judgmental mo. Hindi ba pwedeng napadaan lang ako rito?!" bwelta ni Micoy na nanlalaki na ang mga singkit na mata. "Pasalamat ka nga, pinupuntahan pa kita rito." halos pabulong lang na sambit nito pero nakarating pa rin iyon sa kanyang pandinig.

"So, utang na loob ko pa ngayon?" nakairap na baling ni Gelo rito. "Tsaka ano'ng napadaan? Ilang milya kaya ang layo ng bahay niyo rito." patuloy pa niya habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga natumbang luncheon meat sa isang shelf.

"Kung makailang milya naman ito! Isang sakay lang naman ng bus." sagot ni Micoy bago kumuha ng basket at nagsimula nang mag-ikot sa mga aisle. "Oh, ayan ha? Bumibili na ako! Baka kasi may masabi na naman iyong iba dyan!" pagpaparinig pa nito.

"Na call-out ka lang, eh!" pambibwisit pa ni Gelo. "Pero salamat." aniya habang nakapangalumbaba sa shelf at pinagmamasdan si Micoy sa kabilang aisle na ngayo'y abala sa pagtingin ng mga sitsirya.

Hindi man sabihin ni Micoy pero ramdam ni Gelo na kaya ito laging dumadayo sa convenience store ay para masabayan siya sa pag-uwi. Hanggang alas-diyes kasi ng gabi ang shift niya at dahil medyo liblib ang lugar, aaminin niyang natatakot siyang umuwi mag-isa kaya sobrang thankful niya sa ginagawa ni Micoy.

Kung physical features lang naman kasi ang pag-uusapan ay sadyang patpatin si Gelo, iyong tipong isang pitik lang ay tutumba na kaya wala talaga siyang kalaban-laban kung sakaling may manggulo sa kanya. Sa kabilang banda, matangkad at medyo matipuno ang pangangatawan ni Micoy dahil sa pagkakaalam niya ay nagbubuhat ito sa gym ng higit sa dalawang beses kada linggo. Nag-aral din ito ng karate noong elementary kaya kahit papaano ay may alam ito sa self-defense.

"Salamat? Para naman saan?" tanong ni Micoy nang iangat nito ang tingin mula sa hawak na Piattos. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad itong nag-iwas ng tingin. Maging si Gelo ay biglang nakaramdam ng awkwardness kaya naman inabala na lang niya ang sarili sa paglalagay ng mga natitirang corned beef sa shelf.

"B-basta! Alam mo na 'yon!" tanging nasabi na lang ni Gelo. Saglit niyang tiningnan ang relong pambisig para na lamang magulat dahil halos tatlumpung minuto na lamang bago matapos ang kanyang shift. "Uy Mics, mamaya ka na mag-shopping dyan! Tulungan mo muna ako rito para mabilis tayong matapos."

"Anong tayo? Walang tayo!" pang-aasar ni Micoy. "Parang kanina lang ayaw mo na nandito ako tapos ngayon magpapatulong ka? Pinapasuweldo mo ako?"

"Ah ganoon?! Sige, ikaw ang bahala." tila bale-walang sagot ni Gelo. "May nakita pa naman akong sisig na malapit ng mag-expire sa ref kanina. Ibibigay ko na lang sana sa iyo kaso nga lang—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nitong inagaw sa kanya ang hawak na lata at ito na mismo ang naglagay sa shelf.

"Hindi mo naman kasi sinabi agad. Mabilis naman akong kausap." hindi lumilingong sambit ni Micoy habang nagmamadaling isinalansan ang isang basket ng canned tuna sa malapit na shelf.

Nailing na lang si Gelo sa inasta nito. "Sira ka talaga! Eh di lumabas din ang katotohanan na may ulterior motive ka talaga sa pagpunta rito."

"Akala ko ba nagmamadali tayo?!" tila pikon namang balik ni Micoy habang patuloy pa rin sa ginagawa nito. "Ang dami mo pang side comments dyan."

"H-heto na nga, oh!" medyo napahiyang sagot ni Gelo at pilit nang inubos ang laman ng kanyang basket.

Dumaan ang saglit na katahimikan sa pagitan nila bago muling nagbukas ng topic si Micoy. "I saw your tweet earlier. Ano 'yong Gameboys?"

Agad namang nagliwanag ang mukha ni Gelo nang marinig ang tanong nito. "Iyong sikat na BL series dito sa Pinas." kinikilig niyang sagot at tumabi na kay Micoy sa may dulong shelf dahil naubos na niya ang laman ng sariling basket. Pinagtutulungan na nila ngayon ang natitirang dalawang basket ng canned tuna.

"Meron na pala rito?" amused na komento ni Micoy. "'Di ba, sa Thailand sikat iyong mga ganoong series?"

"Oo, pero meron na ring ilan dito sa atin." sagot ni Gelo. "Grabe! Nakakakilig 'yon and super naka-relate ako, lalo na sa Episode 8." turan pa niya pagkatapos mailagay ang huling lata sa shelf.

"Bakit naman?" puno ng kuryosidad na tanong ni Micoy. Tumayo na ito at nag-inat ng katawan dahil sa pagkangalay. Nagsimula na rin siyang maglinis at ibinalik ang mga nagamit na basket sa isang sulok.

"Dahil natanggap si Cairo ng mga magulang niya, just like how my parents accepted me for being gay." pagkukuwento ni Gelo na may tipid na ngiti sa labi. "That convo between Cairo and his mom reminded me of the time I came out."

Simula pagkabata pa lamang ay alam na ni Gelo na bakla siya. He's not exactly into girl's stuff but the way he speaks and moves have always been effeminate. Hindi rin siya attracted sa girls at may ilan na rin naman siyang naging crush na boys from elementary hanggang ngayong college.

Gelo came out to his parents after their high school retreat. It was as if it's the perfect time to do it dahil may ipinahiwatig na rin ang kanyang mga magulang sa retreat letter ng mga ito tungkol sa kanyang sekswalidad. Noong una ay mayroon pa rin siyang mga agam-agam at takot pero dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan, kagaya ni Micoy, ay itinuloy na niya ang balak. It was the best decision he's ever made and to be honest, it was a liberating experience.

"I remember that day." Micoy uttered with a warm smile on his face. "You called me that night and we've talked for hours. You just can't imagine how proud I am of you." anito habang nakasandal sa ice cream freezer.

Hearing those words reminded Gelo of how lucky he is to have him as a friend. Kahit galing sa isang out-of-town trip at pagod sa biyahe ay naglaan pa rin ito ng oras para makinig sa kanya noong araw na iyon. Micoy may not know it but he really appreciates all the time and effort he's given him. A lot.

"Hoy Gelo! Natulala ka na dyan." pukaw ni Micoy sa kanyang atensyon at pinadaan ang isang kamay sa kanyang mukha. Hindi namalayan ni Gelo na nag-zone out na pala siya.

"S-sorry. May iniisip lang." palusot ni Gelo at nagtungo na lamang sa ref para i-distract ang sarili.

"Ano'ng iniisip mo? O baka naman sino?" pag-uusisa pa ni Micoy. "Hulaan ko. Ako ba?"

"K-kapal nito. Sawang-sawa na nga ako dyan sa pagmumukha mo." pambabara ni Gelo. "Hindi ko pa kasi napapanood iyong latest episode ng Gameboys dahil na-drain ako sa exam kahapon. Ire-recommend ko sana sa iyo kaso alam ko namang hindi ka mahilig sa romance." pag-iiba na lang niya ng usapan habang tinitingnan ang expiry date ng hawak na Lasagna.

"Y-yeah." may pag-aatubiling saad ni Micoy. "But I'm willing to give it a try para naman maka-relate ako sa mga kinukwento mo."

"Sure ka, ha?" nagdududang tanong ni Gelo. "Kilala kita and I'm pretty sure, you're going to have a cringe-fest!"

"I-I don't know. Hindi ko pa nga napapanood eh!" ani Micoy nang makigulo na rin sa kanya sa paghahalungkat sa ref.

"Ang swerte talaga ni Cai!" wala sa sariling nasambit ni Gelo. "Hay, sana meron din akong Gavreel Alarcon na magpapakilig sa akin araw-araw."

"Bakit? Wala pa ba?" seryosong tanong ni Micoy habang hawak ang kanina pa nitong inaasam na microwaveable sisig.

Agad na natigilan si Gelo sa tinuran ng kaibigan. "H-ha?"

"Ah ano..." tila natauhang saad ni Micoy. "I mean, wala bang nanliligaw sa'yo ngayon?" mabilis na dagdag nito.

"That'll be the day!" pag-amin ni Gelo. "As if namang may magkakagusto sa akin. Look at me, alam ko namang hindi ako super pangit but I'm too plain. Kung baga sa lugaw, wala akong egg!"

"Pero 'wag ka, masarap pa rin!" nakangising singit ni Micoy. "At tsaka ano'ng sabi mo? Wala kang itlog? Meron kaya, dalawa pa nga eh!" natatawang banat pa nito.

"Ang dumi mo talaga!" natatawang bulalas ni Gelo. Inagaw niya rito ang sisig at ipinukpok iyon sa ulo nito. "Puro ka kalokohan kaya walang sumeseryoso sa iyo eh!"

"Ouch naman! Foul 'yon, ha?!" ani Micoy na tila nasaktan talaga at sinapo pa ang dibdib. "Seryosohin kita dyan eh..." anas nito.

"Ano 'yon?" nakataas ang kilay na tanong ni Gelo. Tila may binubulong-bulong pa kasi ito pero hindi na niya iyon narinig pa.

"Wala!" pabalang na sagot ni Micoy. "Ang sabi ko, hindi mo naman kailangang maging espesyal para magustuhan ka ng tao. Just be yourself. Malay mo, may admirer ka na pala, hindi mo lang napapansin." his voice trailed off towards the end.

"Hoy Mics! 'Di mo na ako kailangang bolahin. Alam ko namang gusto mo lang na ibalik ko ito sa'yo!" pang-aasar ni Gelo habang iwinawagayway ang pakete ng sisig.

"You can have it." nakapamulsang saad ni Micoy. "If that will make you believe everything I said, then I'd gladly let go of that sisig." he followed it up with a wink.

"Para kang sira! Oh, iyo na nga 'yan!" padabog na ibinalik ni Gelo sa kamay nito ang sisig. "Ang dami mo pang sinasabi." aniya bago dinampot ang basket ng mga food items at dinala iyon sa counter.

Naiinis si Gelo sa kanyang sarili. Dati na naman silang ganito ni Micoy na nagkukulitan at nag-aasaran pero bakit parang iba na ang epekto sa kanya ng mga banat nito ngayon—patunay ang madalas na pagtahip ng kanyang dibdib.

"Uy, galit ka ba? May nasabi ba ako?" puno ng pag-aalalang tanong ni Micoy na nakasunod sa kanya.

"N-no. I'm fine. Pagod lang siguro ako." pagsisinungaling ni Gelo. "May gusto ka pa rito? Kuha ka lang."

"Nah! I'm good." tipid na sagot nito.

"Sige, aayusin ko lang ito. Parating na rin naman siguro si Adrian." ani Gelo na ang tinutukoy ay ang kapalit sa shift. "Teka! Iyon bang mga pinagkukuha mo kanina, bibilhin mo pa o props lang talaga?" panghuhuli niya rito.

"Oo na, bibilhan na. Nakakahiya naman kasi sa iyo." naiiling na sagot ni Micoy at kinuha ang naturang basket. Inilabas nito ang wallet at naglabas ng isang 500-peso bill. "Keep the change." anito bago lumabas para doon na lang siya hintayin sa hilera ng mga lamesa.

"Loko talaga 'yon!" Gelo uttered under his breath. "Eh 'di ikaw na ang mayaman!" patuloy pa niya.

Kinuha na niya ang basket ni Micoy at sinimulan nang i-punch ang mga iyon sa register. Hindi siya sigurado kung basta na lang pinagdadampot ng lalaking iyon ang mga items dahil sa tingin niya ay hindi naman nito talaga gusto ang mga iyon.

Sa pagkakaalam niya ay hindi na ito nagkakakain ng sitsirya at kung tutuusin, mas mukhang siya pa ang namili ng mga iyon dahil mayroong Pringles at Dutch Mill na pawang mga paborito niya.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Gelo iyon dahil baka naman cheat day ni Micoy kaya sinimulan na niyang i-silid ang mga pagkain sa paper bag. Saktong kakatapos lang niya sa pagpa-pack nang bumukas ang pinto ng store at iniluwa niyon si Adrian na mukhang habol pa ang hininga mula sa pagtakbo.

"Sorry, na-late ako. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay, hindi ako makaalis kaagad." hinging paumanhin nito. "Bawi na lang ako bukas."

"Sus, okay lang! Ano ka ba?! Walang kaso." Gelo dismissed.

"Baka kasi naiinip na ang lover boy mo." nanunudyong sambit ni Adrian at kita niya ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Pumasok na ito sa counter at nagsimulang ayusin ang sarili.

"L-lover boy? Sino naman?!" pagmamaang-maangan ni Gelo kahit na nga ba may hinala na siya kung sino ang tinutukoy nito.

"Sige, magkunwari ka pang hindi mo alam!" pang-aasar ni Adrian at sinundot pa siya sa tagiliran. "Sino lang ba iyong laging naghihintay sa iyo pagkatapos ng shift?"

"Huwag ka ngang maingay dyan!" sita ni Gelo sa kasama. "FYI, parang kapatid ko na 'yang si Micoy." dagdag paliwanag pa niya.

"Parang." Adrian emphasized. "That's the keyword. Hindi talaga kayo magkapatid so may possibility pa rin. Teka nga, ni minsan ba hindi ka man lang nagkaroon ng pagnanasa dyan sa BF mo? Sa gwapo niyang 'yan?"

"I-Ikaw kung anu-anong kamunduhan ang pumapasok sa isip mo!"

"Oy, umiiwas sa question. Ang showbiz mo!" panghuhuli sa kanya ni Adrian. "Kung hindi mo pa nga sinabi sa akin na kaibigan mo lang 'yan, iisipin ko na mag-jowa talaga kayo."

"Hindi talaga, promise!" ani Gelo na tila nanunumpa. "Walang romantic na namamagitan sa amin. Period." giit pa niya para hindi na ito mangulit pa.

"Okay, sabi mo eh!" sumusukong turan ni Adrian. "Pero siya ba, kaibigan lang din ang tingin sa iyo?!"

Saglit na natigilan si Gelo sa tanong na iyon ni Adrian. Ni minsan ay hindi iyon sumagi sa isipan niya dahil sa tingin naman niya ay imposible na magkagusto sa kanya si Micoy because they've been the best of friends since the beginning. Ni hindi nga siya sure kung nagkakagusto rin ito sa kapwa lalaki because Micoy's only been in a relationship once and it was with a girl.

"O-of course. There's no way he'll like me more than a friend." tanging nasabi na lang ni Gelo. "Alam mo, ang dami mong alam. Parang gusto ko tuloy mag-leave bigla. Ikaw na ang mag-cover ng shift ko bukas, ha?" he threathened.

"Wala namang ganyanan. Huwag mo na lang pansinin iyong mga pinagsasasabi ko kanina." ani Adrian at bigla na lang nitong minasahe ang kanyang mga balikat. "Oo na, friends nga lang kayo. Hindi talaga kayo mag-jowa!" tila maamong tupa na dagdag nito.

"Char lang kasi!" bawi ni Gelo. "O paano? Maiwan na kita rito. Nandyan na iyong mga mag-e-expire na items bukas. Kumuha lang ako ng ilan, ikaw na ang bahala doon sa iba, ha?" habilin niya sa lalaki at sinimulan ng bitbitin ang mga iuuwing paper bag.

"Yes, boss! Ay teka, wait! Bago ko makalimutan." pigil ni Adrian at saglit na may kinuha sa may ibaba ng counter. "Oh, advance gift ko sa iyo." kaswal na saad nito nang muling makatayo at iniabot sa kanya ang isang pakete ng condom.

"Bwisit ka talaga!" kinuha ni Gelo mula rito ang condom at ibinato iyon pabalik sa lalaki—sapul ang noo nito. "Magli-leave talaga ako bukas, makikita mo!" naniningkit ang mga matang banta niya at nagsimula nang tahakin ang daan palabas.

"Bye!" paalam ni Adrian. "Stay safe and protected!" pasigaw na habol pa nito. Binelatan lang ito ni Gelo bago tuluyang lumabas. Pinuntahan na niya si Micoy sa mesa malapit sa may pintuan.

"Bakit ang tagal mo?" masungit na salubong ni Micoy sa kanya, nakakunot pa ang noo.

"S-sorry naman!" gulat na reaksyon ni Gelo. "Si Adrian kasi, ang dami pang chika."

"Oo nga, rinig ko pa rito sa labas iyong asaran niyo." mahinang turan ni Micoy bago kinuha sa kanya ang paper bag ng mga pinamili nito kanina. "Tara na, baka lalo pa tayong gabihin sa daan." seryosong saad nito at nauna nang maglakad paalis.

"Sungit!" bulong ni Gelo at sumunod na rin dito. Hindi niya ito sinabayan sa paglalakad, sa halip ay may ilang hakbang na pagitan sa kanilang dalawa.

Iginala ni Gelo ang tingin sa paligid. May mangilan-ngilang bahay naman silang nadadaanan at may mga tao pa rin silang nakakasalubong sa paglalakad kaya kahit papaano ay hindi na rin naman masyadong nakakatakot, bukod pa sa kasama niya si Micoy na ngayo'y nakatayo na lamang.

"Napaano ka? Bakit tumigil ka?" nagtatakang tanong ni Gelo sa lalaki nang makalapit na rito.

"Ang bagal mo kasing maglakad." reklamo ni Micoy. "Mamaya maligaw ka pa riyan." anito bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Ako pa ang maligaw. Taga-rito kaya ako."

"Just saying." Micoy dismissed. Maya-maya pa ay tumikhim ito. "A-anyway, what's the score between you and that Adrian guy?" tanong nito out of nowhere.

"H-ha?" naguguluhang lingon ni Gelo sa kaibigan.

"Hotdog." Micoy jokingly added. "You know what, Gelo? You're killing me. Ang simple na nga noong tanong ko, hindi mo pa rin masagot." frustrated na saad nito.

"May dalaw ka ba? Bakit ang sungit-sungit mo ngayon?" nanggigigil na ring balik ni Gelo. "I mean na-gets ko naman kasi, nagulat lang ako sa tanong mo." paliwanag niya.

"S-so, ano nga?" hindi siya sigurado pero mukhang kinakabahan si Micoy dahil hindi man lang siya nito nililingon at nakatingin lang ng diretso sa daan.

"Bakit mo ba gustong malaman? Ano ba'ng mapapala mo sa pakikialam sa love life ko?" litanya ni Gelo.

"Basta!"

"Ang fishy mo, ha? Pero sige." pagpapaunlak na lang ni Gelo sa trip nito. "Well, he's nice and cute—"

"Cute?! Saang banda naman?" putol ni Micoy na tila hindi mapaniwalaan ang kanyang sinabi.

"Ay wow! May violent reaction kaagad!" eksaheradong pahayag ni Gelo. "Kung makalait naman ito, guwapo ka?"

"Oh siya, sino'ng mas guwapo sa amin?!" tanong ni Micoy na nagpalagay sa kanya sa hot seat.

"S-si Adrian." nagkandautal na sagot ni Gelo. "Ang dali naman ng tanong, hindi man lang ako pinagpawisan." dagdag pa niya para lang inisin ito kahit na nga ba ramdam niyang maging ang kanyang ingrown sa paa ay natensyon sa tanong na iyon.

Cute naman talaga si Adrian pero di hamak na mas guwapo si Micoy sa paningin ni Gelo pero nunca niya iyong aaminin sa kaibigan. Hindi rin niya alam kung bakit hindi niya kayang tahasang sabihin iyon dito—pero isipin pa lang niya ay inuunahan na siya ng hiya at kaba.

"You're really bad for my ego, you know!" may himig ng pagtatampong saad ni Micoy. "Pero hindi na ako magtataka kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon. Your taste in men is really bad!" pang-aalaska nito at umakto pang tila nasusuka.

"Ok, fine! Hindi na natin kailangang umabot dyan!" Gelo surrendered. "Friends lang kami noong bugok na 'yon. Ano? Masaya ka na?"

"Yes." tipid na sagot ni Micoy ngunit may nakapaskil na malapad na ngiti sa mga labi nito.

"Sira ka talaga." naiiling na komento ni Gelo. "Si Adrian, magugustuhan ko? Never! Parang ikaw."

"Ano'ng parang ako?" biglang kambyo ni Micoy at tuluyan nang nabura ang ngiti sa labi. "Huwag mo nga akong itulad doon sa mestisong palaka na 'yon."

"At bakit naman hindi, aber?" nakataas ang kilay na tanong ni Gelo. "We're also friends, right? Nothing more, nothing less."

"Just don't." may pinalidad na saad ni Micoy.

Sa isang iglap ay namagitan ang isang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. It was as if they had a silent agreement not to talk to each other for a moment. Maya-maya pa ay biglang umihip ang malakas na hangin na nagpanginig sa kanyang katawan dahilan para mayakap niya ang sarili.

"Nilalamig ka?" basag ni Micoy sa katahimikan. "Can you hold this for a moment?" iniabot nito sa kanya ang hawak na paper bag at biglang hinubad ang suot na hoodie.

"A-anong ginagawa mo?" agad na nag-iwas ng tingin si Gelo. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na-conscious kahit may suot naman itong puting T-shirt sa loob.

"Here. Wear this." ani Micoy at iniabot sa kanya ang hoodie. Kinuha nito mula sa kanya ang mga paper bag para maisuot niya iyon nang maayos. Sumunod na lang din si Gelo at hindi na nagreklamo pa.

His hoodie was a little too big for him that it even reached his thighs. Gelo caught a whiff of his natural scent and musk perfume from it and they brought some sort of comfort to his senses—it's as if he's enclosed in a bear hug.

"Thank you." saad ni Gelo at kinuha na muli sa kaibigan ang mga paper bag. "P-paano ka pala? Hindi ka ba lalamigin nyan?" nag-aalalang tanong niya.

"Don't worry about me." Micoy answered. "I'm already warm and fuzzy inside." anito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ano raw?" naitanong na lang ni Gelo sa sarili. Nagpatuloy na lang din siya sa paglalakad at humabol dito. "Sorry talaga, next time magdadala na ako ng jacket."

"Kahit 'wag na." nakangiting balik ni Micoy. "You can always borrow mine if you want to." anito at itinalukbong sa kanyang ulo ang hood ng jacket.

Gelo was caught off guard by his actions and it made his heart flutter a bit. "Sus! Gusto mo lang makalibre ng laba kay ipinapahiram mo sa akin eh!" biro na lang niya para pagtakpan ang kilig na nararamdaman.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin." natatawang reaksyon ni Micoy.

Ilang saglit pa ay sa wakas narating na nila ang kanilang bahay pero nagpatuloy pa rin si Gelo sa paglalakad.

"Hoy Gelo! Ito na ang bahay niyo oh!" sigaw sa kanya ni Micoy. "Lampas ka na, Angelo Canlas! Yoohoo!" patuloy nito nang hindi pa rin niya ito nililingon.

"Halika na, Mics! Ihahatid na kita sa sakayan ng bus!" imporma ni Gelo at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

"Huwag na, gabi na! Hindi mo na ako kailangang ihatid!" tanggi naman ni Micoy nang makahabol sa kanya.

"Sus, ang lapit na oh!" giit ni Gelo at itinuro ang main road na isang kanto na lamang ang layo. "Tsaka gusto ko pang maglakad-lakad. Hayaan mo na ako!" pamimilit pa niya.

"Ikaw ang bahala." walang nagawang saad ni Micoy.

Kapwa sila tahimik habang tinatahak ang sementadong daan. Panaka-nakang tinitingnan ni Gelo si Micoy sa kanyang peripheral vision pero mukhang may malalim itong iniisip kaya hindi man lang umiimik. Maya-maya pa'y hindi na rin siya nakatiis at nagbukas ng panibagong topic.

"Mics, ito random question lang." pukaw ni Gelo sa atensyon ng kaibigan. "What if one day, ma-trap ka sa isang deserted island at binigyan ka ng chance na may makasamang isang tao. Sino'ng isasama mo at bakit?"

"Ikaw." walang pasubaling sagot ni Micoy.

"Ang epal nito! 'Wag mo ngang ibalik sa akin iyong tanong!" reklamo ni Gelo at tinampal ito sa balikat. "Sumagot ka muna bago ako."

"You're hopeless!" naiinis na bulalas ni Micoy. "Eto ha! Kapag naman hindi mo pa na-gets, hindi ko na talaga alam." he paused for a moment then looked straight into his eyes. "Gelo, ikaw ang gusto kong makasama, okay?"

"A-ako?" napipilan na tanong ni Gelo. "B-bakit naman ako?!" nagtatakang dagdag pa niya.

"At bakit naman hindi?" balik ni Micoy. "We've practically known each other since kindergarten. We've been through thick and thin. Ang kulang na nga lang ay ang makita natin ang isa't isa na nakahubad."

"Uy Mics, 'yang bibig mo!" naeskandalong saad ni Gelo at tumingin pa sa paligid. "Kadiri ka! So, balak mo akong isama doon sa island para lang makita akong nakahubad? Ganoon?" nang-aasar niyang dugtong.

"You just don't get it, do you?" Micoy sighed in frustration. "For someone who's smart, you're annoyingly dense!"

"Ano ba kasi?"

"Ang gusto ko lang naman sabihin is if ever na ma-trap nga ako doon sa island at hanggang doon na lang ako, I won't mind spending my last days with you." Micoy confided.

Kulang ang sabihing natameme si Gelo sa sinabi ni Micoy. He stopped dead in his tracks and just looked straight at Micoy—his bestfriend for more than a decade—who looks the same yet different at the same time.

Pero siya ba, kaibigan lang din ang tingin sa iyo?!

Parang paulit-ulit na nag-echo sa utak ni Gelo ang tanong na iyon ni Adrian kanina. Ayaw naman niyang mag-assume but Micoy's words and actions are making it hard for him not to.

"M-maniwala ako sa'yo. Puro ka talaga biro." tanging nasabi na lang ni Gelo at sinundan pa iyon ng isang awkward na tawa. "T-tara na nga!" aya niya at nagpatiuna na sa gilid ng main road. Marami pa rin namang sasakyan ang dumadaan nang mga oras na iyon ngunit medyo may kalayuan pa ang naaaninag niyang city bus.

"Gelo." untag sa kanya ni Micoy nang makarating na rin ito sa tabi niya.

"Hmmm?" simpleng tugon niya, ni hindi ito nililingon at inaabangan pa rin ang bus.

"Ito, random question lang din." anunsyo ni Micoy bago huminga nang malalim. "W-what if sabihin kong gusto kita? May pag-asa ba ako sa'yo?" he hesistantly asked.

Tila nabingi si Gelo sa tanong na iyon at impulsive na napalingon kay Micoy. He thought he was just joking but when he met his gaze, the sincerity in his jet black eyes was enough to make him feel mushy inside. Sinimulan na rin siyang pagpawisan ng malamig.

For a moment there, everything around them suddenly went blurry and the noise coming from the busy streets muted. It's just the two of them, standing 2-feet apart from one another and the beating of his heart playing in the background.

"Mics—" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil inilapat ni Micoy ang hintuturo nito sa kanyang labi.

"W-wait, you don't have to answer now!" nagpa-panic na saad ni Micoy at pinara na ang padaan na bus. "I'll just see you tomorrow, okay?" paalam nito at nagmamadaling tinungo ang nakahintong bus.

"T-teka, itong mga pagkain mo!" tawag ni Gelo sa atensyon nito bago tuluyang makasakay.

"Para sa'yo talaga ang mga 'yan!" imporma ni Micoy bago siya kinindatan at lumulan ng bus. Ilang saglit pa ay umandar na rin iyon at naiwan siyang tulala sa bilis ng mga pangyayari.

"Bwisit na lalaki 'yon!" naibulalas na lang ni Gelo nang makahuma. He placed his left hand onto his chest where his poor heart is still pounding like crazy. "Panagutan mo 'tong malandi ka!" sigaw pa niya sa may-kalayuan ng bus na para bang maririnig pa iyon ni Micoy.

To be honest, he's scared. Hindi alam ni Gelo kung ano ang kahahantungan o kung ano ang magiging epekto ng kanyang magiging sagot sa friendship nilang dalawa but he's willing to take the risk.

After all, he's already developed some special feelings for him as well. Hindi lang siya sigurado kung kailan iyon nagsimula o baka naman matagal na iyong nandoon—hindi lang niya ine-entertain o mapangalanan dahil mas pinahahalagahan niya ang friendship nilang dalawa but now that Micoy's given him the green light, there's no reason for him to hold back his feelings anymore.

"Humanda ka sa sagot ko bukas, Mr. de Santos!" Gelo uttered with a playful smile on his face.


—DIRECTED BY: IVAN ANDREW PAYAWAL ;)—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top