Special Chapter

Merry Christmas and Happy New Year! Here's a short gift for y'all! XOXO
- acheloisly

----

I'M PLAYING with my foot leaning from heel to toe as a wait for the train to arrive. There's a smile plastered on my face as I look at the bouquet of catnip that I'm holding.

Our babies will like this.

God, why's rain pouring so slow right now? Muli akong napasulyap sa wristwatch ko, the train still hasn't arrived yet. Dumadami na lang ang tao sa station ay wala pa ring train na dumadating.

I sigh as I fix my dainty dress. Naiinip na ako sa time arrival ng train, I can't help but to play with my newly painted nails. Mas lalo akong naiinip since excited na akong ma-meet ang Kupal kong boyfriend. It's not like hindi kami nagpapansin noong nakaraan after that... kiss. Well, ako pala ang umiwas. It feels weird and enchanting at the same time.

Nagkita rin naman kami yesterday sa campus but damn.

Miss ko na siya.

Kusa akong napangiti nang makitang parating na ang train. Inayos ko ang buhok ko at iniharap ang backpack ko bago umayos ng pila. Wala akong duty sa shop ngayon and I'm planning to surprise Tristan. Hindi naman mahilig lumabas ng bahay si Tristan ko, I'm pretty sure that he's home, surely, reading novels.

Well, maybe today's an exemption?

"Ang tagal mo." Naiiling na aniya habang nakasandal sa pole. May hawak siyang teddy bear sa kaliwang kamay habang may hawak siyang libro sa kanang kamay.

The daffodils in his eyes were dancing again, looks like they're excited to see me, huh?

"Anong ang tagal ko?" Natatawang tanong ko sa kanya. Ineexpect kong makikita ko siya dahil pupunta ako sa kanila, hindi sumagi sa isip ko na magkikita kami ngayon.

"Kanina pa ako rito," inabot niya ang hawak niyang stuffed toy sa akin na nakangiti ko namang tinggap, ayun lang nakangiwi na si Kupal sa akin ngayon.

"Naguguluhan na ako. Anong kanina ka pa rito?"

"Train hopping, maybe? Expecting to see you."

Pabiro ko siyang nahampas sa braso habang nangangasim ang mukha ko na nakatingin sa kanya. For Pete's sake, Tristan Stryker! "Kupal ka talaga! Para namang hindi tayo pwedeng magkita?"

"Destiny works but I work harder." Giit niya sabay kindat na nasundan na ng tawa.

Naiiling na lang din ako habang nakatingin sa kanya. Suot na naman niya iyong eyeglasses na regalo ni Tita Hayley, he's really cute and hot wearing those. "Gosh! Nagsayang ka lang ng pera!"

"No! Hangga't hindi ko tinatap ang beep card ko." Ngiti niya at bahagya pang inangat ang beep card niya. "Saan ka pala pupunta? May lakad ka? Sama ako."

"Papunta ako sa inyo, malay ko bang iiral sapak mo para magtrain hopping?"

"Wait, you mean pupuntahan mo ako? Sana sinabi mo na lang na namimiss mo ako." Umiiral na naman kayabangan at kakupalan oh.

Ako na tuloy ang naiinis sa kanya. Inabot ko ang bouquet ng catnip na may sama pa ng loob. "Para kay mini Crisella at mini Tristan, hmpf!"

"Love naman, binibiro lang eh."

Jusko, mahabagin! Baka tumalon ako ng wala sa oras sa riles nitong train! Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nakaipit ang bigay niyang stuffed toy saka siya inirapan. "Kababasa mo ng libro iyan, ang corny mo."

"So saan ang date natin?" Nagsisimula na siyang maglambing! Inaamoy-amoy ang balikat ko at ramdam na ramdan ko ang tungki ng ilong niya sa balikat ko.

Pasimple ko siyang natulak at pinanlisikan ng mga mata. "Kupal ka talaga! Nasa public place tayo! Diretso na tayo ng Antipolo, sa Cloud 9 tayo."

Siya na mismo ang dumistansya sa akin sa nginisian ako. "Wish granted, Love." Aniya at inabot ko kamay ko bago dampian ng halik ang likuran ng palad ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil namumula ang pisngi ko at parang sasabog ang puso ko ngayon.

Malapit na talaga akong atakihin sa puso dahil sa'yo, Tristan Stryker! God, I love and I hate him just the same.

"KAPAGOD pala umakyat dito." Arte ko kay Kupal kaya napalingon siya sa akin. Naipaling naman agad niya ang noo niya bago ibaba ang bitbit na bouquet.

"Gusto mo ipasan kita?"

Aba, he's serious. Nakakatukso tuloy umoo. I shook my head. "Nah. I can handle myself, saka lalo ka lang din hihingalin kapag pinasan mo ako." Nauna na ako lumakad na parang hindi ako nag-inarteng hinihingal ako.

It's almost 4:30 in the afternoon. Matapos na makapagbayad ng fees ay lalakad naman na kami ngayon sa hanging bridge. May kataasan ang hanging bridge habang marahang umiihip ang hangin.

"Ladies first," inilihad ni Tristan ang kamay niya para paunahin akong lumakad. Nakangiti ko namang tinapik ang kamay niya at naunang lumakad sa bridge, mabuti na lamang at nataon na wala masyadong tao ngayon.

Inilabas ko ang phone ko to take some pictures of the scenery. After some shots, nilingon ko si Tristan Kupal para magtake kaming dalawa ng picture subalit ang layo ng distansya niya sa akin, halos nasa unahan pa rin siya ng bridge!

"Yah! Tristan, why are you still there?"

"Safe ba 'to?" Tanong niya na ang bridge ang tinutukoy.

Is he scared?!

Lumakad ako pabalik sa kanya at hinawakan ang kanang kamay niya. Ngunit ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang naramdaman ko ang lamig at panginginig niyon. Hindi ko tuloy alam kung mag-aalala ba ako sa kanya o tatawanan ko siya. "Okay ka lang? Fear of heights? You should have told me earlier."

"Hindi ako takot sa matataas ano?!" Giit niya subalit ayaw kong maniwala kaya salubong ang mga kilay ko ngayon. "Talagang hindi lang trusted itong bridge, look, paano kung biglang mapigtal iyan?"

Saglit kong naipikit ang mga mata ko habang inaalala kung anong libro ang binabasa niya kanina, did he read some thriller or horror books? Where on Earth did these thoughts of him come from? "Ano na namang binasa mo?"

"Eh baka final destination abutin natin niyan eh," sabay turo niya sa bridge kaya umikot sa ere ang mga mata ko.

"Baka naman may ibang way paakyat sa viewdeck or dito na lang tayo, maganda view dito eh."

"Mas maganda ang view doon, tara na." Aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nanginginig pa para hatakin siya at nang makatawid na kami sa bridge.

Ngunit napatigil ako ng hawakan niya ang pisngi ko upang iharap ako sa kanya. "I already told you, maganda na ang view dito."

Omo! Pero gusto ko pa ring sa taas! He's just making excuses dahil ayaw niyang tumawid sa bridge! He should be grateful that there are few people around. "It's not like hindi ko alam," ngiti ko sabay hawi ng buhok ko patalikod, kasunod niyon ay hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Let's go! Gusto ko pa rin sa taas!" Patakbo ko siyang hinila patawid sa bridge habang nakapikit ang mga mata niya kaya naiiling akong natawa. "Nothing will happen, Tristan. Kasama mo ako."

"Crisella Travios!"

Did he just call me with my full name? Damn, am I supposed to be scared? Ngunit sa huli ay natawa lang tuloy ulit ako sa reaction niya. Nakatawid na kami sa bridge ay nakapikit pa rin ang mga mata niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay bago libutin ng tingin ang paligid, mangilan-ngilan lang talaga ang tao.

"Tristan," hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya habang hawak-hawak pa rin ng isang kamay ko ang kamay niya. "Sa susunod, sabihan mo agad ako ng mga bagay na ikinakatakot mo."

Doon na siya nagdilat ng mga mata ngunit salubong ang mga kilay! "Sinong takot? I'm not scared of anything!" Giit niya at nag-iwas ng tingin.

Mabilis ko rin naman siyang iniharap agad sa akin. "Haynako! Para kang si Sohan! Takot na nga ayaw pang aminin kasi takot mawala ang angas, tss!"

Ngitian ko lang siya bago pa niya madepensahan ulit ang sarili niya. Saglit siyang dinampian ng halik sa tungki ng ilong niya saka siya inakay paakyat sa viewdeck. "Come on! I want to watch the sunset!" Sambit ko kaya nakangiti naman siyang sumunod agad sa akin.

Nang makarating kami sa taas ay kaagad na sumalubong ang malamig na hangin, may mangilan-ngilang ibon sa himpapawid habang papalubog na ang araw.

"Hindi ka naman mahilig sa sunsets." Narinig kong usal ni Tristan bago ako dumantay sa balikat niya.

Ngitian ko siya bago pisilin ang braso niya. "Everything becomes beautiful when you're with me."

"It does?"

Mabilis akong tumango na nasundan ng pagpisil niya sa ilong ko.

"May tanong pala ako Crisella ko, I already ask Sohan about this pero tinawanan lang ako ng kumag mong kaibigan."

"Mhmm...? Ano 'yun?" Inangat ko ang tingin sa kaniya subalit diretso naman ang tingin niya sa araw na papalubog na. "Why? Gusto mong mag-overnight ulit sa bahay? Kaya ka tinatawanan ni So eh!"

"No, hindi kasi iyon," doon niya ibinaba ang tingin sa akin. Umalis ako mula sa pagkakadantay sa balikat niya at hinarap siya. "All these months, I've been wondering. W-Why are you sharing the same surname with S-Sohan? You see, I'm pretty sure na hindi kayo related sa isa't isa and..."

Noong una ay curiosity ang yumayakap sa isipan ko, ngayon ay gusto ko na lang matawa at asarin si Tristan ko. Saglit akong napanguso bago palobohin ang pisngi ko.

"Crisella ko?"

"What do you think?" Tanong ko sa kanya at nginitian siya ng nakakaloko.

"Y-You're not m-married with jerk, do you?"

Doon na ako bumunghalit ng tawa habang nakatingin sa kanya. Sabi na nga ba eh. Iyong pagkautal pa lang niya alam na alam ko na eh.

"W-What if... I'm really married with h-him?" Kakatawa ay hindi man lang ako makabuo ng matinong sentence, lalo lang akong natatawa habang nakatingin sa kanya.

Salubong na ang kilay ni Tristan habang nakatingin sa akin ngayon. Pinigilan ko na ang sarili kong tumawa para makausap siya ng matino.

"Wait? Iniisip mo talagang kasal kami So?!" Natatawa na naman ako, please!

Nakasimangot na siyang nag-iwas ng tingin sa akin kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"A lot of things are possible if you're crazy rich and got lots of connections," ayaw pa rin niyang humarap sa akin. "Sohan got lots of money, na alam mo naman kung saan nanggagaling, but if we're talking about his old man, I mean his father, he's crazy rich and got lots of connections. You see, gusto ni Sohan na mailayo ako sa pamilya ko para protektahan ako, the only thing to do that without filing a lawsuit against my family, is to take custody over me, in such case, Mr. Travios is my legal guardian---wait, it is not legal guardian, more likely he's my foster father..." sunod-sunod akong napatango bago ngitian si Tristan na tahimik na nakikinig sa akin. "It's kinda complicated ano? Well, aside sa gusto kong makalayo sa pamilya ko, I like their surname as well, kaya pumayag ako hehe."

"Let's change your surname, Crisella ko." Doon lamang siya lumingon sa akin na ikinagulat ko pa dahil upang bahagya akong mapalunok.

Bahagyang sumasayaw sa hangin ang mga daffodils sa mata niya habang sinasalubong ang tingin ko. "What? Ayaw ko ng gamitin iyong dati kong surname ano! The moment my surname turn into Travios, feeling ko may nabago rin sa pagkatao ko na ayaw ko ng alisin."

"Stupid," aniya sabay pisil sa ilong ko. Did he just call me stupid?! Ako? "May iba pang paraan para palitan iyang apelyido mo." Giit niya na nakangisi na ngayon, ako naman ngayon ang nakakunot ang noo kaya nahampas ko ang kamay niyang nasa ilong ko.

Aartehan ko pa sana siya nang ma-realize ko kung ano ang sinabi niya ay mabilis na nag-init ang pisngi ko, nag-iwas tuloy agad ako ng tingin sa kanya. So he's telling me that I can change my surname with his! It'll only happen if... my goodness, Tristan Stryker!

"Crisella ko, ano 'yan? Kinikilig ka?"

"No, I'm not!"

"Mas mapula ka pa sa araw oh!"

"Hindi nga sabi!" Kahit na anong tanggi at iwas ko, sa huli ay hindi ako nakapalag dahil nahuli pa rin niya ako. "Isa, Tristan!" Saway ko sa kanya dahil hawak-hawak na niya ang magkabilaang pulsuhan ko ngayon habang nakaharap ako sa kanya.

"Bakit ba? Tinatanong lang naman kita kung kinikilig ka ah?" Natatawang aniya.

Hahampasin ko sana ang dibdib niya ngunit hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, mahigpit ngunit sapat lang para hindi ako masaktan. "You're too close, Tristan." Saad ko na siyang nakapagpatigil sa pagtawa niya. "Not now that I'm craving."

"Ano namang kinalaman ng cravings mo?"

Nakanguso at nagpapacute naman akong sumagot sa kanya. "I'm craving for hugs and kisses."

"Is that what you really want?" Tanong niya dahilan para mapalunok ako. Help! I thought the tables will turn again for me! Bakit... bakit pinapatulan niya kalandian ko right now?

Wait, "So pagbibigyan mo talaga ako?"

"H-huh? Crisella, don't ask me about this, I'm not good a this..."

"Who told you that? What? Don't tell me I'm not your first?!"

"First one doesn't matter..."

"Are you telling me na talagang may nauna?!" Masasapo ko sana na ang noo ko habang nakatingin sa kanya ngunit hawak pa rin niya ang palapulsuhan ko.

"No, no! Hindi iyon ang sinasabi ko!"

"Who's the first one, Tristan?"

"What I mean by the first one---"

"So sino nga ang first kiss mo? Don't tell it's Sohan? What the actual f---ck?!" Subalit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay tinawid na niya ang distansyang pumapagitna sa aming dalawa, bago angkinin ang mga labi ko.

Oh my God! He's terrorizing me, and I'm willing to give in.

"Took you long enough," saad ko habang nabablanko pa ang utak ko ngayon, nagkakarambola ang buong sistema ko. Well, it's my fault, I triggered him. Hehe.

"Crisella, I love you." Aniya bago bitawan ang kaliwang pulsuhan ko para dampian ng halik ang likuran ng palad ko.

Kahit na nabablanko ang utak ko at naghahalo-halo ang nararamdam ko ay nagawa ko pa ring ngitian siya. "You're always my happy ending, Tristan."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top