Prologue

I am warning you, this is a typical light highschool teen fiction romance. You still have the chance not to continue reading this :))
- Acheloisly

PROLOGUE

"WHY NOW?!" Napapadyak ako sa inis habang tinitingala ang ulan na bumuhos na. This is driving me nuts! Ayaw kong lumusong sa ulan ngunit kung hindi ko gagawin iyon ay tiyak na mayayari naman ako. Ilang ulit akong luminga sa paligid subalit wala akong lugar na matatakbuhan para makalayo sa mga humahabol sa akin. Sa laman ng bag ko ngayon, wala man lang akong naisingit na payong!

Huminga muna ako ng malalim at ipinatong sa ulo ko ang sling bag ko na sa totoo lang ay ayaw kong mabasa! Naaaninaw ko na ang saleslady at dalawang guard na kasama niya kaya naman lumusong na ako sa gitna ng ulan, sumabay pa ang kalsada na madaling bahain, halos kabubuhos lang ng ulan ngunit ang tindi na ng baha.

Sa lakas ng buhos ng ulan ay ito ako naliligo sa sarili kong pawis.

"Damn. Damn. Damn!" Paulit-ulit akong napamura habang nararamdaman ko ang tubig-ulan na sinusuong ko ngayon, ang mga binti ko ay lumusong na rin sa tubig baha, I wouldn't be able to handle this anymore oras na may maka-encounter akong daga, oh my gosh!

Saan ba dapat ako tumakbo ngayon?! Hinanap ko ang dapat kong puntahan hanggang sa makita ko ang estasyon ng tren na ilang metro na lang layo mula sa akin. Binilisan ko ang takbo ko dahil hindi ko na magawa pang maatim ang sitwasyon ko ngayon, dire-diretso ako sa pagtakbo at wala na akong pakialam pa kung sino ang mabunggo ko, may nabunggo pa nga akong bata na diretsong nahulog sa baha ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin para makahingi ako ng paumanhin!

Iyon lang, sadyang malas talaga ako ngayong araw! Sumabit ang belt ko sa keychain na nasa backpack ng lalaking nakasalubong ko. Fck! My juice is spilling na ano ba?! Pwersahan ko ng hinila iyong belt ko mula sa keychain ng bag niya. Mahal man iyan o may sentimental value, higit na mahalaga ang buhay ko ngayon. Shit!

Nasira ang belt ko at nabaklas ang keychain niya sa bag, saglit akong nag-angat ng tingin sa kanya at hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin ngayon. Alanganin akong ngumiti bago kumaripas ng takbo papalayo.

Pasensya na talaga!

Nagkataon lang na nasa bingit ng alanganin ang buhay ko ngayon.

Holy moly!

Pigil-pigil ko na ang paghinga ko ng mayroong humila ng sling ng bag ko mula sa likuran ko. Shit! Naabutan nila ako. I need to make some excuses. Pero ano?!

"Miss," may kalalimang usal ng lalaking nakahabol sa akin, paniguradong isa sa mga gwardiyang kasama ng saleslady na kasamang humahabol sa akin. Sunod-sunod ang naging paglunok ko bago ko itaas ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko at napapikit na lang din ako sa frustration sa sarili ko. Hinawakan ng gwardiya ang kaliwang pulsuhan ko bago ako iharap sa kanya at ganoon na lang katindi ang paghinto ng puso ko sa pagtibok nito. "Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Seryosong tanong sa akin ng lalaking kaharap ko ngayon---crap! Sa kanya sumabit iyong belt ko kanina, anong kailangan niya sa akin?!

Galit ba siya dahil sa ginawa ko sa keychain?!

Come on, huwag muna ngayon!

"I'm sorry! I'm really sorry. I'm in a hurry now, kaya baka pwedeng..." hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko, hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya ngunit sapat na para hindi ako makawala. "...bitawan mo na ako..."

Diretso lang siyang nakatingin sa akin bago iangat ang isang libro na naligo ngayon sa ulan, basang-basa iyon na anumang oras ay mahahati na ng tuluyan sa gitna ang libro, wala mang emosyon sa mga mata niya ay pakiramdam ko naman ay pinapatay na niya ako sa isip niya ngayon!

"Alam mo ba kung gaano kahirap hanapin ang libro na ito?" Tanong niya sa akin, ang kalmado ng boses niya pero ramdam ko na talaga iyong galit niya sa akin.

"Kung ako sa iyo bitawan mo na ako, umuwi ka na sa inyo at patuyuin mo iyang libro mo." Kibit-balikat na saad ko. "Kung may hair dryer kayo sa bahay patuyuin mo iyan gamit ang hair dryer pero kung wala, hintayin mong tumirik ang araw at saka mo iyan ibilad sa ilalim ng araw, ganoon kasimple, kaya naman... bitawan mo na ako!"

"Bibitawan lang kita oras na mag-apologize ka."

"Why would I apologize?! Nag-sorry na nga ako kanina hindi ba? Binitawan mo ba ako? Hindi, 'di ba?!" Ano bang problema ng lalaking ito?! Pasalamat siya at nakakausap pa niya ang nice side ko dahil kung hindi kanina ko pa talaga siya inaway. He looks so fine but looks can be deceiving kaya kailangan ko pa rin na mag-ingat against him, ano bang malay ko, mamaya bigla na lang niya akong saksakin knowing na ayaw niya pa akong bitawan dahil lang sa basang libro!

"You're not sincere!"

Binubulyawan na niya ako ngayon! What the fck?!

"I am! Sadyang nagmamadali lang ako, kaya bitawan mo na ako!" Hindi na ako nagtimpi, siya naman ang naunang manigaw sa akin! Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya pwersahan ko ng binawi ang palapulsuhan ko kahit na natatakot akong mamula iyong wrist ko! "You're such an asshole!"

"Rubbish, you ruined my book!"

Bakit pakiramdam ko ay anumang oras ay ihahampas na niya sa akin ang payong niya! "I ruined your keychain but not your book!"

"I was reading peacefully when you popped up out of nowhere and forcefully pulled my keychain, I was in shock when you did that which made me drop my book!"

"Oh? Kasalanan ko pa rin? You're stupid. You really dare to read a book in the middle of this pouring rain here in sidewalk? Huwag mong ibato sa akin ang katangahan mo!"

"Just apologize, will you?! Ang hirap hanapin ng libro na ito online, bibihira lang din makita sa bookstores and look what you have done!"

"Ilang ulit ko bang uulitin na bitawan mo na ako, umuwi ka na, patuyuin mo iyang libro mo. End of cooking, argh!"

"Ilang ulit ko rin bang uulitin na mag-apologize ka muna sincerely."

"Asshle. Walang sincere apology na ipinipilit!" Nanggagalaiting sambit ko, mukhang nagulat siya sa paninigaw ko dahilan upang lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko, kinuha ko ang pagkakataong ito upang bawiin ang pulsuhan ko mula sa kanya at hindi lang ang pulsuhan ko ang inagaw ko mula sa kanya dahil maging ang payong niya ay inagaw ko pa bago dali-daling tumakbo papalayo.

This time, higit na may dahilan siya para kamuhian ako but who cares? Sa dami ng tao sa Manila, maliit na ang chances na muli pang magtagpo ang mga landas namin para pagbayaran ko pa sa kanya ang mga kagagahan ko. Kung muli man kaming magkikita ay tiyak na hindi niya ako makikilala.

Wala na ring silbi ang pagpapayong ko sa mga oras na ito lalo na at basang-basa na rin naman ako dulot ng ulan, sadyang kailangan ko lang lituhin ang mga humahabol sa akin. Sumabay pa ang pawis ko na natuyo na, kung hindi ako magkakasakit oras na makauwi ako ay matuturing ko ng swerte iyon sa dami ng nangyari ngayong araw.

Hindi ko na maaninaw ang humahabol sa akin pero nakakasiguro akong nasa malapit lang sila!

Patakbo akong nag-jaywalking sa kabilang bahagi ng kalsada para lang makatawid kaagad patungo sa estasyon ng tren kung saan nagsisiksikan na ang mga commuters ngayon makaiwas lang sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Sa gitna ng pila paakyat sa estasyon ng tren ay may nakagitgitan akong babae na hindi nalalayo ang edad sa akin at may hawak-hawak siyang sirang pink na payong na sa palagay ko ay nasira dulot ng malakas na hangin kanina lamang. Alanganin pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon kaya basta ko na lang inagaw ang hawak niyang payong bago ko ipalit sa kanya ang itim na payong na higit na mas maayos sa hawak niya na inagaw ko lang din naman kanina sa lalaking nakabungguan ko.

Akala niya ay snatcher na ang humablot ng payong niya, alanganin lang akong ngumiti bago patakbong nakipagsiksikan sa mga taong umaasang makakasakay na agad ng tren upang makauwi na.

Nang tuluyan akong makaakyat sa estasyon ng tren ay patakbo akong pumasok sa comfort room para lang mapatuyo ko ang sarili ko na basang-basa na sa ulan ngayon. Pumasok agad ako sa bakanteng cubicle para doon ko alisin ang pulang wig na suot ko at isa-isang nilinis ang makeup na nasa mukha ko gamit ang makeup cleanser ko, inalis ko rin ang fake moles na nilagay ko sa mukha ko bago itapon sa basurahang nasa loob ang damit na kanina lang ay suot ko at ibinalik ko naman sa bag ko ang gloves ko, sa ibang lugar ko dapat na itapon iyon.

Nang magmukha na ulit akong normal ay saka lang ako lumabas ng cubicle at ginamit ang hand dryer para doon ko patuyuin ang buhok ko na basang-basa pa rin sa kabilang ng wig na nakapatong dito kanina.

Halos tuyo na ang buhok ko ng tigilan ko ang hair dryer at iniladlad ang bangs ko. Hindi pa ako satisfied sa hitsura ko ngayon kaya kinalkal ko ang hair brush mula sa bag ko subalit sa kalagitnaan ng pangangalkal ko kung saan naroroon ang hair brush ko ay ang nakita ko ang nasira kong belt, itatapon ko na sana iyon sa trash bin ng mapansin ko ang parte ng keychain na sumabit doon.

Kunot-noo kong kinuha iyong bahagi ng keychain na sumabit sa belt ko, chibi version iyon ng isang anime character, hindi ko lang matukoy kung sino dahil hindi ako nanonood ng anime pero mahilig manood ng anime ang best friend ko kaya medyo familiar ako. Kulay green ang buhok ng character at may pilat sa mukha, ang damit na suot ng chibi character ay mayroong mathematics or science formula na hindi ko magawang matukoy kung ano.

Napangiwi na lang ako habang nakatingin sa sirang parte ng keychain na hawak ko. "Why is he reading a book in the middle of the road anyway?"


──────⊱◈◈◈⊰──────

Date Started: May 03 2022
Date Revised: June 28 2023
Date Finished: October 22 2024
Language: Filipino
Genre: Teen Fiction
©All Rights Reserved 2022
★Credits to the rightful owner/artist/illustrator of the image that I used.

🎀.'+ Please bare with me, revisions hasn't done yet thus this book contains multiple grammatical and technical errors. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top