First Draft
• The Original One Shot Story of MY HAPPY ENDING. April Blues Contest Entry (2021)
• Warning: Cringe lines, unedited and a plot that I almost throw away ahead :<<
• There's a huuuuuuuge difference between the novel and the one shot version, yet, the plot was improved (maybe).
______________________________
PEOPLE SAYS na masakit ang maiwanan but do they really know what the one who left feels about leaving his or her love ones? Maybe ang alam nila napakadali nun para sa mga nang-iwan----para sa aming mga nang-iwan.
Napabuga ako ng hangin.
Hinalo ko muna ang vodka na nasa wine glass ko bago ito simsimin.
Fvck! It's running in my mind again.
"Crisella, please that was a year ago!" Paninita ko sa sarili ko ng maalala ko na naman kung papaano ko iniwan ang lalaking mahal ko para sa sarili kong kasiyahan.
Kung bakit nga naman kasi ako naniwala sa manghuhula!
Ang g*ga mo kasi!
Inubos ko nalang ang vodka ngunit kasabay ng pagkaubos ko noon ay siya ring panunumbalik ng masasakit na alaala.
I was in my tenth grade noong napagkatuwaan naming magkakaibigan na magpahula sa dumayong manghuhula sa school noong school fest.
Ang sabi-sabi talagang magaling daw ang manghuhula na iyon lahat ng hula niya nagkakatotoo, kaya nung hinulaan niya ang kapalaran ko ay ganoon nalang ang takot ko.
"Mayroong lalaki sa buhay mo hija, na mag-iiwan ng malaking sugat sa puso mo."
Matapos niya akong hulaan ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niya lalo pa at noong mga panahon na iyon ay may boyfriend ako, I knew already from the very start na mahal ko siya pero nagpadala ako sa mapanlinlang na hula ng manghuhulang iyon.
March 23 2018, graduation day namin at iyon din ang araw na napagpasyahan kong kausapin si Tristan.
I am going to break up with him dahil natatakot akong masaktan ng sobra in the future kung patuloy ko siyang mamahalin at kung ipagpapatuloy ko ang pakikipagrelasyon sa kanya.
I want to have my own happy ending.
At kung ang pag-iwan kay Tristan ang daan para makuha ko ang kasiyahan, I am willing to risk him----us.
"Congrats, babe! Graduate na tayo!" Magiliw na bati sa akin ni Tristan at sinalubong ako ng yakap.
Dapat sabihin ko na sa kanya na tatapusin ko na ang relasyon namin----ngayon mismo.
Pero bakit parang hindi ko kaya?
No! You can do that, Crisella! That's for your own sake.
At hindi na ako nagdalawang isip pa at nagpaligoy-ligoy. Sinabi ko agad kay Tristan ang gusto ko sabihin. "I want to have my own happy ending, Tristan."
"Babe naman, of course we'll have our happy ending, okay?"
"No, Tristan... I am breaking up with you."
Kita ko ang gulat sa mata niya dahil sa sinabi ko. "Babe, wala pang April Fool's Day."
"Yeah, I know. Tristan kasi... ano... ayokong saktan mo ako sa huli, alam mo ang pinagdaanan ko at takot na takot na akong masaktan pa ng sobra."
"I love you, Crisella so why would I hurt you?"
"Ewan ko kung papaano mo ako sasaktan pero gusto ko iiwas ang sarili ko doon, I'm sorry Tristan." Pagkatapos kong humingi ng tawad ay siya ring pagtulo ng luha ko.
Ang hirap niyang iwanan, hindi ko alam kung papaano siya iiwanan.
"Saan mo ba napulot ang bagay na iyan, Crisella?"
"Uhm... ano... sa manghuhula! Sabi niya s-sasaktan mo ako sa future."
"What the hell, Crisella! Bakit kailangan mong maniwala sa manghuhula? Hindi totoo ang mga hula nila okay? Gimmick lang nila iyon para kumita ng pera."
"Tristan hindi eh... totoo daw ang mga hula niya at malamang totoo na sasaktan mo ako in the future! Kaya ngayon palang ililigtas ko na ang sarili ko para hindi ako masaktan ng dahil sa iyo!"
"Crisella, no!"
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko nalang si Tristan bago umiiyak na tumakbo papalayo dahil kung mananatili ako roon baka mabawi ko lang ang lahat ng sinabi ko dahil mahal na mahal ko pa siya pero mas mahal ko ang sarili ko at ayoko ng masaktan pa.
Magkakasunod na trahedya ang dumaan sa buhay ko noon at ayoko ng madagdagan pa ulit iyon!
Ayoko ng masaktan pa.
Gusto kong makasama si Tristan pero gusto ko rin na maging masaya.
Siguro napaka-nonsense ng reason ko para makipag-break sa kanya pero gusto ko lang talaga maging masaya at ang kapalit ng kasiyahan ko ay siya.
"Dammit, Crisella!" Nanggagalaiting sigaw ko at ibinato sa pader ang wine glass ko. "D-dammit! Wala kang ibang dapat na sisihin! Ikaw ang may kasalanan..." Naidukdok ko nalang ang mukha ko sa mga tuhod ko at umiyak ng umiyak. "Where's my fvcking happy ending now? I-I just lost it because of my selfishness."
Sa loob ng nagdaang anim na taon ay naka-graduate na si Tristan sa culinary school at nito lamang ay nabalitaan kong ikakasal na siya, habang ito ako, yumaman nga, nagkaroon ng three storey house at nagkakotse pero hindi pa rin ako masaya.
Ako ang nang-iwan, ako dapat ang masaya hindi ba?
Somehow tama ang manghuhula, iyon nga lang ako mismo ang dahilan kung bakit nagdudusa at nasasaktan ako ngayon.
In the end I never had my happy ending like what I really wanted from the very beginning.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top