Epilogue
"WHY NOW?!" Napapadyak ako sa inis habang tinitingala ang malakas na buhos ng ulan. Napalobo ko na lang ang pisngi ko habang tinitignan ang kalsada na unti-unti ng nilalamon ng baha dahil sa mga estero at kanal na barado.
Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko, ma-le-late na ako! Pipino! I can't miss the show. Mayayari ako kay Miss Ryumi kapag hindi ako umattend sa fashion show! Why the hell didn't I bring an umbrella with me again?
I sigh. Itinali ko na lang ang buhok ko saka ipinamandong ang bag ko sa ulunan ko. Kapag hindi ako nag-ingat, I might end up ruining my makeup! The juice keeps on spilling, I don't have any time to fix my makeup after this. Patakbo na akong sumakay ng jeepney. Pinunasan ko kaagad ang mga braso ko at pinagpagan ang sarili ko pagkasakay ng jeep.
For sure, I look like a total mess right now. Geez! Hindi ko hihilingin na makita ang sarili ko sa salamin ngayon. Kulang-kulang thirty minutes pa ang byahe ng jeep mula sa train station kaya tumatakbo na ako papasok sa mall. Hindi ko pa alam kung nasaan iyong convention center dito!
Kamamadali na hindi ako tuluyang maligo sa ulan ay may nabunggo pa akong lalaki. Nabitawan niya iyong bitbit niyang libro sa basang kalsada kaya kahit na late na ako at mababasa sa ulan ay tinulungan ko pa rin siyang damputin iyong libro.
Subalit nang mahawakan ko ang librong iyon ay siya namang pagkirot ng dibdib ko.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo?"
"Alam mo ba kung gaano kahirap hanapin ang libro na ito."
"Iyong novel ko!"
Sa kabila nang pagbuhos ng malakas na ulan ay ito ako at nasa gilid ng kalsada, basang-basa na tulala sa librong hindi ko naman alam kung para saan.
"Shit! Pasensya na po! Okay na po kayo? Nababasa ka na ate."
Makailang ulit pa akong napakurap bago ko iangat ang tingin sa binatilyong nakabungguan ko. Pinapayungan na niya ako ngayon dahil nabasa na ako ng ulan matapos kong mabitawan ang sling bag ko.
Walang imik akong tumayo saka nagpatuloy na lang sa paglalakad kahit na basang-basa na ako sa ulan. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao sa loob ng mall matapos akong makapasok doon. Patungo na ako sa convention center nang makatanggap ako ng tawag mula kay Miss Ryumi na agad ko namang sinagot dahil mayayari ako lalo kung hindi ko sasagutin ang tawag niya.
["Crisella, where on Earth are you?!"]
Nasapo ko na lang noo ko. Of course she's mad, malamang kanina pa niya ako hinihintay. "I forgot to bring an umbrella, basang-basa ako right now. Can I change there?" Napayakap ako sa sarili ko dahil nilalamig ako.
["Yes. I'll prepare your clothes, daliin mo, the show will start soon."] Aniya bago ako patayan ng tawag kaya napabuntong hininga na lang ako.
Naliligaw pa ako sa loob ng mall. Kung hindi lang malakas ang buhos ng ulan sa labas ay doon na ako dumaan. Nagtanong pa ako sa guard na nakita ko bago ako magtungo sa convention center. Tinakbo ko na naman patungo roon dahil wala ng masisilungan patawid doon!
Kakarating ko pa lang sa loob ay nahihilo na ako sa dami ng tao, kaliwa't kanan ay mayroong tao. I'm not expecting na ganito karami ang tao rito, compare sa France, Milan at Tokyo, hindi naman masyadong dinudumog ang fashion show sa Pilipinas.
Dumiretso ako papasok sa hall, subalit napakamot na lang ako sa ulo ko, ramdam ko pa ang buhok kong basang-basa. This isn't the event hall! Sa pagkakaalala ko ay second floor ata ang venue? Sinilip ko saglit ang online invitation at tama nga ako! Sa second floor pa!
Lalabas na sana ako para umakyat sa second floor ngunit nahihirapan akong makaraan sa dami ng tao. Umikot pa ako para lang makahanap ng daan palabas at doon ko lang napansin kung para saan ang event na ito.
May table na hindi kahabaan sa stage, mayroong ilang libro na nakapatong sa table habang nakaupo sa table na iyon ang isang babae na mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. Mahaba ang kulay tsokolate niyang buhok, nakasuot ng grey off shoulder long sleeve at naka-black pleated skirt habang nakasuot ng black boots, higit sa lahat ay kapansin-pansin ang sahdes na suot niya kahit wala namang araw sa loob ng event hall.
Napatingin ako sa malaking banner na nasa likuran niya bago mamilog ang labi ko.
It is Acheloisly. It's her book signing!
Sunod-sunod na lang akong napalunok. Natataranta ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko habang inililibot ko ng tingin ang paligid.
Could it be that he's here?
But why the hell I am looking for him? Hindi ito ang unang beses na hanapin ko siya sa tuwing mapupunta ako sa lugar na maraming tao, kung susumahin kahit saan ako magpunta ay umaasa akong makikita ko siya.
Nabalik lang ako sa ulirat nang magring ang cellphone ko. Paniguradong tumatawag na sa akin si Miss Ryumi kaya nagmadali na ako. Muli ko pang sinulyapan ang venue hall saka ako patakbong lumabas doon para umakyat sa second floor.
Kaagad ko naman ding nakita si Miss Ryumi na sa entrance ng venue hall. Halatang kanina pa siya naghihintay sa akin kaya alanganin na lang akong napangiti.
"I know you said na basang-basa ka, but I am not expecting you to look like a basang sisiw Crisella." Nakangiwing saad ni Miss Ryumi bago ako alalayan sa dressing room.
"It's my fault. Hindi ko tinignan iyong weather, hindi rin kasya sa bag ko iyong payong kaya iniwan ko." Pagdadahilan ko at naiiling niya akong inabutan ng towel.
"Hurry up! I'll ask our makeup artist to fix you as soon as possible," may inabot siyang necessities sa akin. "Hindi ka maliligo Crisella, magpapatuyo at magpapalit ka lang ng damit." Paalala niya pa sa akin kaya napatango-tango na lang ako.
Attendance lang naman kasi ang ipinunta ko rito. Mabuting bagay na rin siguro na hindi ako kasama sa models. Napabuga na lang ako ng hangin at binilisang mag-ayos, hindi ko gugustuhin na makitang magbuga ng apoy si Miss Ryumi sa akin.
MAG-AALAS siete na ng matapos ang fashion show. Abala pa si Miss Ryumi sa pagkausap sa napakaraming tao sa venue hall, naiinip na ako sa paghihintay sa kanya kaya nauna na akong bumaba. Hahanap na sana ako ng makakainan nang mapadaan ako sa venue hall kung saan ginaganap ang book signing ni Acheloisly kanina.
Wala ng masyadong tao nang pumasok ulit ako sa venue hall. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pumasok ulit dito. Tapos na pala ang event at nililinis na ang stage. Lalabas na sana ako ng mapansin ko na bukas pa rin ang selling ng libro niya.
Naglakad ako papalapit doon. Bagong labas ang mga librong nakadisplay at iilan na lang iyon. Bumili ako ng isang copy kahit na hindi ako sigurado kung mababasa ko nga ba iyon.
"Enjoy reading!"
Napaigtad ako nang may marinig akong babaeng nagsalita sa tabi ko. Saglit pang nangunot ang noo ko ng lingunin ko siya. Nakangiti siya sa akin bago tapunan ng tingin ang mga librong nakadisplay.
Pipino! It's her!
Hindi na ako magdalawang isip at kaagad siyang kinalabit. "Uh... excuse me. Well, is it fine kung papirmahan ko ito?" Tanong ko at kaagad naman niya akong tinanguan.
"Sure!" Sambit niya bago nakangiting naglabas ng marker at abutin ang libro na kabibili ko lang.
Natataranta pa ako ng tanggalin ko ang balot niyon kaya tinulungan pa niya ako. Napangiti na lang ako ng tuluyan kong maiabot ang libro sa kanya para pirmahan niya iyon.
"May I know your name?" Tanong niya sabay angat ng tingin sa akin. Para ata sa dedication iyon.
"Is it fine kung hindi pangalan ko ang ilagay? It's for someone..."
"Sure! May I know her name?"
Nalaro ko ang dulo ng buhok ko. "It's him. And his a big fan of yours, he's even the person that introduce me to your works," Come on, Crisella! She's just asking for His name! Napalunok na lang ako bago ngumiti. "His name's Tristan."
"Is he your boyfriend?" Namimilog ang mga matang nag-angat ulit siya ng tingin sa akin.
Kaagad naman akong umiling. "No."
"Oh! Sorry, not my chismosa side HAHAHA! Anyway, here's the book." Aniya sabay balik ng libro sa akin. "I gotta go! See you when I see you!"
Nakangiti ko na lang din siyang kinawayan pabalik. Nang mawala na siya sa paningin ko ay lumabas na ako ng venue hall, saktong kababa lang ni Miss Ryumi mula sa second floor at may kausap pa rin siya! Mabuti na lang at nagpaalam na rin siya roon matapos iyon.
"Can we eat na? I feel like I am going to starve to death na." Nakasimangot na ako ng lapitan ko si Miss Ryumi, para akong batang inip na inip kahihintay sa nanay ko.
"Where did you go? Hinanap pa kita sa taas kanina?"
"I told you, mauuna na akong bumaba. Hahanap na sana ako kung saan pupwedeng kumain pero dumaan pa ako sa book signing diyaan." Saad ko sabay angat ng hawak kong libro dahil hindi kasya iyon sa bag ko!
"Oh? How did it went? Patingin nga ng book."
Lutang na ako dahil sa pagod at gutom ng iabot ko kay Miss Ryumi ang libro. Hindi ko agad na-realize na hindi pala sa akin nakapangalan iyon kaya dali-dali kong inagaw iyon mula sa kanya! "Shocks! No!"
Pero huli na. Naiiling tuloy na ibinalik sa akin ni Miss Ryumi ang libro. "Tsk! Tsk! Tsk! I'm speechless Crisella. Naka-move on ka na ba talaga?"
"Shut up!" Umikot sa ere ang mga mata ko. "It is just for courteousy, okay?"
Tinaasan pa niya ako ng kilay bago ako tuluyang hilahin palabas ng convention center. Finally, maglalunch na kami! Nakasunod lang ako kay Miss Ryumi habang naglalakad kami sa katabing mall kung saan kami kakain. Nasa escalator na kami paakyat sa kasunod na floor kung saang restaurant kami kakain ng may makita akong pamilyar na lalaki.
He's wearing black hoodie, denim shorts and white messenger bag. Hindi ko maintindihan kung bakit lumukso sa tuwa ang puso ko habang sinusundan ang ng tingin ang taong iyon na pababa mula sa kabilang escalator.
Nang tuluyan kaming makaakyat at hindi ako nag-atubiling kausapin agad si Miss Ryumi na nagtatakang nakatingin sa akin ngayon. "C-Can I go for the meantime? Susunod agad ako, may kailangan lang akong balikan sa baba."
"Huh? I thought you're starving?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Miss Ryumi habang nakatingin sa akin.
Alanganin ko na lang siyang nginitian, tinapik ko lang siya sa balikat at saka ako nagmamadaling bumaba sa kabilang escalator. Maraming tao pababa kaya sumingit na agad ako sa kanila, it's not my fault na nakatayo sila sa walking side ng escalator.
Pagkababa ay kaagad kong inilinga ang paningin ko sa paligid para hanapin siya. Kagat-kagat ko ang pag-ibabang labi ko habang kinakabahan kung makikita ko pa ba ulit siya o hindi na.
Napansin ko ang lalaking naka-itim na hoodie na papasok sa loob ng isang store. Namalayan ko na lang na patakbo na akong lumapit sa kanya at hinawakan ang dulo ng suot niyang hoodie.
"T-Tristan...!" Ngunit pagkalingon niya sa akin ay siya ring pagbagsak ng mga balikat ko at paglalaho ng pananabik na nararamdaman ko. Naibaba ko na lang ang kamay ko. He's not him. "Sorry, akala ko..."
Hindi ko nagawang ituloy pa ang sasabihin ko. Tinalikuran ko na agad kung sino man ang lalaking iyon. Sumunod na lang ulit ako kay Miss Ryumi na halos babagsak na ang resistensya ko. Bakit nga ba umaasa ako na makikita ko siya? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi rin naman ito ang unang beses na nangyari ito. Kung susumahin ay palagi siyang hinahanap ng mga mata ko kung saan man ako magpunta. Umaasa ako na makikita ko siya. Maling-mali ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
I don't have any rights to miss him anymore.
Malalim na lang akong napabuntong hininga at inayos ang sarili ko. Ayaw ko ng pag-alalahanin si Miss Ryumi sa sitwasyon ko, bukod doon ay ayokong ikwento sa kanya kung anuman ang sitwasyon ko.
"Xhexhe?" Nagtatakang tanong ko kay Xhera nang mapansin ko siya sa loob ng restaurant na nabanggit ni Miss Ryumi kung saan kami kakain.
Mabilis namang namilog ang mga mata ni Xhera sa tuwa nang makita ako. "Crisella!"
"What are you doing here? May kasama ka?" Tanong ko bago hilahin ang upuan sa tapat niya. Inilibot ko ang timgin ko sa paligid, hindi ko naman nakikita si Miss Ryumi.
"No, I'm alone to do some errands. Nakasalubong ko si Miss Ryumi, she invited me for lunch, pumayag ako kasi sabi niya kasama ka!"
"Oh? Where is she anyway?"
Nagkibit-balikat siya. "She walk away to talk with someone."
Gosh! Kailan nga ba naman hindi naubusan ng kausap si Miss Ryumi? Naiiling na lang akong ngumiti kay Xhera. "It's been a long month, how are you?"
"I'm busy preparing lots of documents. Besides, inaayos ko rin iyong ibang gamit ko since I'll move out next month."
Umarko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. I am aware na kung saan-saan nagpupunta at natutulog si Xhera every time na nag-a-argue sila ng mommy niya. "Why? Did you bought an apartment somewhere?"
"Nah. Magdodorm ako sa loob ng university. Although one hour away lang ang univ from home, dinahilan ko pa rin na malayo at mapapagod lang ako papunta pabalik. Good thing, napapayag ko si mommy!"
Napaawang ako at bahagyang tumango. After graduation pa kami huling nagkita, hindi rin naman na kasi ako dumalo sa graduation party. Higit sa lahat, naging busy ako sa maraming photoshoots. More likely I made myself busy. "Tutuloy ka sa dream university mo?"
"Yes! With my dream course din kaya it's a total win-win for me. Idagdag pa na I work really hard for this ng hindi ginagamit ang parents ko for backer!" Humahagikgik sa tuwa na aniya kaya mas lalo akong napangiti. "How about you? Kailan ang pasok ninyo and saan ka pala mag-aaral?!"
Doon lang napawi ang ngiti ko at alanganin ng nakatingin sa kanya ngayon. Nalaro ko ang buhok ko habang nakatingin sa kanya. "I decided to focus on modelling muna," inaasahan ko na rin naman ang gulat ni Xhera. "I don't think that I'm ready for college. Besides, hindi pa ako nakakapagdecide kung anong program talaga ang ipupursue ko. And instead of wasting time, ilalaan ko muna ang oras ko sa modelling."
"Hindi ba at nag-apply ka rin naman for college?"
"I passed pero tulad ng sinabi ko, hindi pa ako handa. Paano kung in the middle of the semester ma-realize ko na hindi ko talaga gusto iyong program na pinasok ko? E'di nagsayang lang ako ng oras at pera. Besides I came in Tokyo last month for the fashion week! It was so great there!"
"Gosh! I hate the fact that you're making sense. Anyway, how's Sohan? Saan siya mag-co-college? I saw him last time, kinamusta lang kita sa kanya and then umalis na rin ako."
Nangunot ang noo ko bago mabitawan ang dulo ng buhok ko na nilalaro ko. Nakatingin ako kay Xhera habang inuusisa ang mga mata niya. She's not the type of person na magbibiro tungkol kay Sohan.
Ilang ulit akong napakurap bago bahagyang ngumiti sa kanya. "Oh? Ano namang sinabi ng Kumag na iyon tungkol sa akin?"
"He didn't said that much," ngumuso si Xhexhe habang may inaalala. "Tinanguan lang niya ako and he said that you're doing great. Ayun lang. Kailan pa pala siya bumalik?"
"Hmm? J-Just a week after graduation, nagwalwal lang si G×go." Hell, I don't know why I have to lie to her. Maybe I don't want to make her worry? Simula ng umalis si Sohan hindi na siya nagpakita sa akin. Sinisiguro ko na lang ang sarili ko na abala para hindi ko na masyadong isipin ang mga kakumagan niya.
Pero ayaw kong magpanggap na hindi ko alam at hindi ko nararamdaman. Nasa malapit lang siya at binabantayan pa rin ako. Pipino! Malaman ko lang talaga na walang kwenta ang mga rason niya sa pinaggagawa niya talagang wala na siyang babalikan. Napahinga na lang ako ng malalim, saktong dumating na ang waiter dala ang pagkain namin.
Wala pa rin si Miss Ryumi kaya magmemessage na sana ako sa kanya, iyon lang, siya pala itong may message na para sa akin. Hindi na raw niya kami masasamahan ni Xhera, may emergency meeting siyang kailangan puntahan, siya na rin naman ang nagbayad ng mga pagkain namin kaya umalis na siya.
Guess, it's girls date.
"I saw Coral last time pala," nag-angat ang tingin ko kay Xhexhe sa gitna ng pagkain ko. "I don't know how to put this pero mukhang iniwan na niya iyong away namin noon after graduation."
"Don't tell me you want to be friends with them?"
"No! It's not like ganoon ano? What I mean is she became nicer kasi."
Umangat ang gilid ng labi ko habang salubong na ang mga kilay na nakatiysa kanya ngayon. "Xhexhe, just because iniwan na nila iyong mga pinaggagawa nila noon sa'yo, ibig sabihin ay kakalimutan at hahayaan mo na. They still bullied you." Mariing saad ko. "Did she apologize to you ba?"
Kaagad siyang umiling. "None of them did."
"Kita mo na. Well, I'm not saying na hindi mo sila pupwedeng patawarin just because they didn't apologize. You can forgive them every time you want but it doesn't mean that you have to forget what they have done to you." Napakibit balikat na lang ako bago sumubo ng pagkain. "You see, they've done some bullshits with me as well. Although gumanti ako..."
Tinawanan na lang ako ni Xhera dahil sa isinaad ko.
Matapos naming maglunch ay naglibot-libot pa kami sa loob ng mall. Akala ko ay maglilibot lang kami, sa huli ay nauwi rin kami sa shopping, mabuti na lang at dala ko ang credit card ko ngayon.
Naubos ang oras namin kakaikot sa mall, nang mapagod kaming dalawa sa paglilibot ay inaya niya akong magtungo sa seaside para panoorin ang sunset.
"Pahawak muna ako please," hindi pa man ako nakakatugon ay inabot na sa akin ni Xhera ang paper bags na hawak niya. Inilabas niya ang phone niya para picture-an ang sunset kaya napangiti na lang ako. "Done! Tara, roon tayo!" At siya mismo ang lumapit sa akin para maupo malapit sa seaside.
Inilapag ko ang mga bitbit kong paper bag bago maupo sa tabi niya.
Papalubog na ang araw at mahangin sa paligid. Wala ring masyadong tao kaya hindi ganoon kaingay. Higit sa lahat, nakakatuwang pagmasdan ang dagat habang nagtatampisaw ang mga maliliit na isda roon.
"May gusto pala akong itanong," nabaling ang atensyon ko kay Xhexhe mula sa pagtanaw sa dagat. "Although I'm not really expecting na bibigyan mo ako ng sagot."
Aarko na sana ang kilay ko subalit sa tono at tingin na ipinupukol sa akin ni Xhexhe, mukhang alam ko na kung tungkol saan ang gusto niyang itanong; tungkol kanino.
"Why you broke up with Tristan?"
Hindi ko kaya ang tingin na ipinupukol sa akin ni Xhera kaya pinili kong iiwas ang tingin ko sa kanya. I haven't told anyone about my reason. Bukod doon ay si Miss Ryumi lang din naman palagi ang nakakasama ko at ayaw ko rin namang ungkatin sa kanya ang nangyari.
"It is for the better," panimula ko. Hinihintay kong kontrahin ako ni Xhera subalit tahimik siyang naghihintay sa paliwanag ko. "I realized that I am not over with everything na may kinalaman sa pamilya ko, iyong sugat galing sa kanila, nandito pa rin. The moment I live for myself, akala ko ay ayos na ako, iyon pala itinago ko lang sa sarili ko." Malalim na lang akong napabuntong hininga. "Alam kong may posibilidad na madamay ko si Tristan sa kung anuman ang kakaharapin ko. At higit sa lahat alam kong handa siyang isakripisyo ang sarili niya para sa akin. Xhera, hindi ko kayang mahirapan..." nakagat ko ang pag-ibabang labi ko, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at nanunubig na ang mga mata ko; nagbabadyang bumuhos ang mga luha ko. "...h-hindi ko kayang makita siyang m-mahirapan at masira ang s-sarili niya dahil sa akin." Naikuyom ko ang kamao ko habang patuloy na ikinakalma ang sarili ko. "Alam ko namang nasaktan ko siya, ngunit hindi ko kakayanin kung mas m-masasaktan ko s-siya lalo..."
"Hindi alam ni Tristan kung ano ang dahilan mo?"
Marahan akong napailing. "He knows. Siya rin mismo ang nagsabi na handa siyang magpatalo sa akin para lang sumaya ako. But Xhera, hindi ako magiging masaya sa ganoon."
"Pero ikaw ba? How are you after you left him?"
"I'm fine. A-ako ang nang-iwan, kaya, dapat lang na a-ayos ako hindi ba? Anyway, nagkikita pa ba kayo ni Tristan?"
"No, I haven't seen him." Doon ko lang nagawang lingunin si Xhera dahil kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdan ko. "Pero nakausap ko siya last time, saglit lang iyon, kinakamusta ka niya sa akin."
Of course he would. I blocked him in all of my accounts, maliban doon, kahit gumawa siya ng panibagong accounts, hindi ko rin naman binubuksan ang social media accounts ko. I changed my phone number as well. There's no way he can contact me, pumunta man siya sa bahay ay wala naman ako roon, I'm still staying with Miss Ryumi at madalas ay abala ako sa kabi-kabilaang photoshoots.
"I told him that we haven't seen each other in a while," patuloy ni Xhe. "Ah! Nabanggit pala niya sa akin na kailangan muna nilang umuwi ng Ilagan."
"Nabanggit niya kung anong dahilan?"
"He said it's personal." Napakibit balikat na lang si Xhera.
Alanganin na lang akong napangiti bago huminga ng malalim.
Si Xhera na rin naman mismo ang nag-iba ng usapan. Nanatili pa kaming magkasama habang nagpapahangin sa seaside hanggang sa dumilim na.
Mag-a-alas otso na ng napagpasyahan naming umuwi. Sa dami ng pinagkuwentuhan namin dahil sa ilang buwan hindi pagkikita ay hindi namin namalayan ang oras.
Naghiwalay lang kami ni Xhera dahil magkaiba ang daan namin pauwi. Nakangiti ko pa siyang hinatid sa sakayan. I'm glad na marunong na siyang mag-commute on her own. Nang makaalis ang bus na sinakyan ni Xhera ay saka ako sumakay ng jeep pababa sa pinakamalapit na train station.
Pagkababa sa train station ay dumaan muna ako sa katabing convenience store para bumili ng strawberry milk. Habang inaabot ko ang bayad sa cashier ay aksidente kong nahulog ang kalahating parte ng keychain ni Tristan na minsan kong nasira noon. Ilang segundo pa akong napatitig sa sirang parte ng keychain na ibinigay na niya sa akin.
Matapos niyon ay dali-dali na akong umakyat sa train station dahil malapit na ring magsara ang estasyon, hindi ko naman inakalang aabutin pala ako ng matagal sa jeep dahil sa traffic!
Patakbo na akong umakyat sa station, hingal na hingal pa ako ay agad ko ng itinap ang beep card ko na mabuti na lang ay mayroon pang laman.
Nagwa-warning buzzer na nang makasakay ako sa huling byahe ng tren, mabuti na lang at nakaabot ako. Dahil kung hindi ako magtetrain ay tiyak na alas-dose ng gabi na ako makakauwi.
Maluwag ang loob ng train, subalit okupado na ang mga upuan. Pagod na ako para tumayo kaya lumakad ako hanggang dulong bagon makaupo lang. Nanggaling pa ako sa unahang estasyon at sa ikalawang huling estasyon pa bababa, pagod na ako para tumayo pa.
Maraming bakanteng upuan sa dulo, subalit nasa gitna ako ng daanan ng matigilan ako habang nakapaling ang ulo na nakatingin sa pamilyar na lalaking nakaupong natutulog malapit sa pintuan ng tren. Napailing na lang ako at mauupo na sana sa pinakamalapit na upuan.
Ito na naman ako. Pagod na nga ako at lahat-lahat, iniisip ko pa rin na makikita ko siya.
Ngunit sadyang pasaway ang mga mata ko. Lumingon pa rin ako sa kanya, hindi pa rin ako nakukuntento, nagsimula na akong humakbang papalapit, habang humahakbang ako papalapit ay siya ring patindi nang patindi sa pagdagundong ng dibdib ko.
Kahit ayaw kong aminin sa sarili ko ay hinihiling kong siya nga ang nakikita ko.
Sinabi na ni Xhera na nasa Ilagan siya ngayon. Ngunit kailan pa iyon? Matagal na ng huling beses silang nag-usap ni Xhera hindi ba?
Ilang metro na lang ang layo ko mula sa kanya. Nasapo ko na lang ang labi ko habang pinipigilang bumuhos ang mga luha ko. Kahit nakayuko siya, nakahalukipkip at natutulog ay hindi ako maaaring magkamali, alam kong siya iyon. Hindi na dala ng maling akala ito, alam kong siya ang nasa harapan ko.
God knows how much I miss him, but I really have to leave him.
Nasulyapan ko ang isang librong nakapatong sa hita niya. He must be really tired, gusto kong lumapit at maupo sa tabi niya para pasandalin ko siya sa akin ngunit hindi pupwede.
Hanggang dito lang ako at hindi na ako pupwedeng lumapit. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko at kinuha ang libro na binili ko kanina. Nanginginig na nga ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang libro.
Pero baka pupwede, kahit sandali lang?
Napalobo ko ang mga pisngi ko at marahan naglakad papalapit sa kanya. Malalim at mahimbing ang tulog niya kaya naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Parang kakawala na ang puso ko ngayong katabi ko na ulit siya.
Iyong pagod ko kanina ay biglang naglaho at hinihiling ko na lang ngayon na huwag muna sana siyang magising at sana ay bumagal ang takbo ng tren.
Gusto ko siyang hawakan ang mga kamag niya. Gusto kong sumandal sa balikat niya. Gusto kong yakapin siya. Subalit sino nga ba naman ako para gustuhin ang mga bagay na iyon ganitong ako ang nagtulak papalayo sa kanya.
Ako ang bumitaw kaya bakit patuloy akong humahanap ng makakapitan pabalik?
Bahagya na lang akong napangiti habang pinapanood siyang mahimbing na natutulog. Inilabas ko rin ang isang strawberry milk na binili ko kasama ang kalahating parte ng keychain na ulo na lang ni Senku ang natira. Nanginginig ang mga kamay kong ipinatanong ang mga iyon sa hita niya kung nasaan din ang librong sa palagay ko ay binabasa niya kanina.
"Tristan..." Usal ko subalit sadyang mahimbing talaga ang tulog niya. "...I'm glad that I saw you here. Honestly, baka ito na rin ang huling beses na magkikita tayo---makikita kita. I know na dapat akong magpasalamat sa iyo pero nauwi lahat iyon sa paghingi ko ng tawad sa'yo. I once hated Xhera for apologizing so much, look where am I now?" Bahagya na lang akong natawa saka pinunasan ang luha ko na tumulo. Taksil ang mga mata ko! "Please be happy. Read all the books that you want, pet every cat that you encounter, plant more flowers... do everything that will make you happy. You're on your own now, hindi mo na ako makakasama sa lahat ng plano at mga pangarap mo," malalim ang naging pagbuntong hininga ko dahil sa pananakit at paninikip ng dibdib ko. "Live your life, that's all I wanted for you."
Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan mula sa labas. Inangat ko ang tingin ko sa bintana at nasilayan ko pa ang pagkidlat. Naiiling kong nasapo ang noo ko bago ko muling binalingan ng tingin si Tristan na natutulog pa rin sa tabi ko.
"Do you have an umbrella ba?" Nakangising tanong ko kahit na alam kong wala akong makukuhang tugon. "It's not like nag-aalala ako na baka mabasa ka pagbaba mo, I'm planning to snatch your umbrella from you ano. Kanina pa ako naliligo sa ulan." Iling ko.
Napaayos na lang ako ng pagkakasandal habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan. Ang kasunod na estasyon ay kung nasaan malapit ang village, pupwedeng doon na ako bumaba, natatakot akong magising ka at pigilan ako sa pag-alis ko.
Tiyak na hindi na ako aalis sa oras na pigilan mo pa ako.
Malalim na lang akong napabuntong hininga dahil malapit na akong bumaba. Magmemessage na lang siguro ako kay Miss Ryumi na hindi muna ako tutuloy sa condo niya ngayong gabi.
Sa huling pagkakataon ay nakangiti akong lumingon sa kanya. Gusto ko uling makita iyong hardin ng daffodils sa mga mata niya ngunit alam kong hindi ko na muling makikita pa iyon matapos kong sirain.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo subalit napasinghap ako ng may pumigil sa akin mula sa paghakbang palayo. Nang lumingon ako ay ganoon na lang ang paghinga ko ng maluwag, sumabit lang pala ang strap ng bag ko sa bag niya. "Why are you sleeping here anyway?" Naiiling na saad ko.
Sa wakas ay huminto na ang tren, lumapit na ako sa pintuan ngunit hindi pa rin tuluyang maalis ang tingin ko sa kanya, sa oras na umapak ako palabas ng tren, ay dito na rin tuluyang magwawakas ang lahat.
Pero kailangan kong gawin ito.
Mapait akong napangiti bago punasan ang luha kong nag-uunahan, umapak na ako palabas kasabay ang ibang mga pasahero. Subalit kahit na nakalabas na ako ay hindi agad ako umalis sa train platform. Hinintay ko pa ang pagsara ng pintuan, subalit pagkasara ng pintuan ay siya ring pag-angat ng tingin niya diretsyo sa akin.
Looks like you're not sleeping soundly at all.
Kahit na may kalayuan na siya sa akin ay kita ko ang pag-uunahan ng luha niya. Wala na akong magagawa, wala na rin naman akong karapatan para punasan ang mga luha na ako rin ang nagdulot. Isa na lang naman ang hiling ko ngayon: matapos ang lahat ng ito, sana ay mahanap mo muli ang kasiyahan niya.
Dahil ako, kahit na bumitaw ako, kahit na masakit ay alam kong iisa at iisa pa rin ang taong dahilan kung bakit minsang naramdaman ng batang ako iyong pagiging payapa at masaya. Hindi lang naman tungkol sa masayang pagwawakas ang lahat.
Bago tuluyang mawala sa paningin ang tren ay naiusal ko na lang ang mga katagang alam kong hindi ko kayang sabihin sa kanya.
"Tristan, you're always my happy ending."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top