Chapter 9
Chapter 9: A toss for a deal
CRISELLA'S POV
KUNG pupwede lang akong magdrop out ay ginawa ko na kaagad ngunit ngayong nasa senior high school na ako ay mahirap gawin iyon. Kung magpapalipat ako sa ibang school ay mahihirapan akong habulin ang ibang subjects dahil iba ang curriculum nila. Hindi ako handang sumugal para lang maging irregular student.
"Since magkaklase naman kayo ni Daffney ay siya na munang bahala sa iyo." Paalala sa akin Sohan habang naglalakad kami ngayon sa corridor papunta sa classroom namin.
Para tuloy akong bata na napaaway at ngayon ay takot pumasok mag-isa kaya nagpahatid pa ako sa nanay ko.
"Kaya ko ang sarili ko." Giit ko at bahagyang hinampas si Sohan sa braso niya.
Kahit nasa gilid niya ako ay nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya sa ere. "Tss! Kapag ginulo ka ni Brooke tawagan mo kaagad ako." Ngiwi niya at napailing na lang ako sabay hawi sa buhok kong maiksi na ngayon.
Wala akong plano na magpaputol ng buhok subalit ngayon na balik klase kami ay imposibleng hindi ko makaharap sina Brooke ng hindi ko siya nakakaaway. Sa away babae, hindi nawawala ang sabunutan at ayaw kong ilagay sa alanganin ang anit ko kaya inunahan ko na sila.
Paulit-ulit na naharang nina Sohan at Tristan ang paninira sa akin nina Brooke sa internet kaya naman sa loob ng campus sila nagpakalat ng paninira sa akin. Subalit dahil paparating ang intramurals ngayong Miyerkules ay natabunan lang din ang paninira nila.
Malalim na lang akong napabuntong hininga.
"Papasok ka ba sa klase ngayon?" Tanong ni Sohan ng bigla akong lumiko sa locker room at iniwan doon ang ilang gamit ko. "Crisella?"
"Magpapractice ako para sa laban ko sa Wednesday." Saad ko at tanging pagkain, tubig, wallet at cellphone ko na lang ang laman ng bag ko. "Kapag ginulo ako ni Brooke, kakaladkarin ko siya habang tumatakbo ako."
"Babantayan na lang---"
"Tarantado. Anong tingin mo sa akin? Bata? Cut the crap, So. If I say I'm fine, I'm fine." Ngumisi ako bago magsuot ng headband. "Huwag kang mag-alala, kasama ko sa practice si Tristan." Saad ko at bahagya siyang sinuntok sa dibdib.
"With your boyfriend, uh?" Tatango-tangong aniya at tanging pagtawa na lang ang naitugon ko bago siya talikuran.
Wala naman akong ideya na hanggang ngayon ay paniniwalaan ni Sohan ang kasinungalingan ko tungkol sa nararamdaman ko kay Tristan.
Ilang araw na nanatili si Tristan sa bahay. May ilang pagkakataon pa nga na inaayang mag-inom ni Sohan si Tristan ang kaso hindi naman pala umiinom si Tristan, habang ako, nasa pwesto ko lang at nagtatahi ng mga damit para kay Ivory.
Ito na ang huling training ko para sa intramurals, bukas ay magpapahinga lang ako para handang-handa ako sa Wednesday. Apat na araw lang ang itatagal ng intramurals namin. Puro labanan lang sa iba't ibang sports ang magaganap sa loob ng tatlong magkakasunod na araw. Halos lahat ay inaabangan ang bawat laban ngayon, hindi man mahilig sa sports ang students slash fans ng players ay may paborito naman silang players. Nasa male category man o nasa female category.
Halos lahat ng players ng track and field ay abala sa pag-te-training ngayon sa palibot ng football field. Iginilid ko lang sandali ang mga gamit ko, nag-stretching bago magsimulang tumakbo palibot sa football field. Napakalawak ng football field ng campus namin kaya naman ang plano ko ngayon ay dalawang lap lang ang itatakbo ko, magpapahinga at muling tatakbo ng dalawang lap.
Sa parehong field din na ito magaganap ang laban ng track and field sa Wednesday kaya sinasanay ko na ang binti ko sa pagtakbo rito.
Crap! Bigla akong may naalala. Napatingin ako sa wristwatch ko, hindi ko na-open ang timer ko! Stupid. Itinuloy ko na lang ang pagtakbo ko, sa susunod na lap ko na lang bubuksan ang timer ko.
Kalmado lang akong tumatakbo sa palibot ng field ng may lalaking lumapit sa akin. Hindi ko maalalang nakita ko ang profile niya sa mga sasali sa track 'n field, sa hitsura ng katawan niya ay paniguradong sa football siya kasali, dahil ang PE uniform namin ang suot niya ay hindi ko tuloy matukoy kung football player nga ba talaga siya na nandito sa field para magpractice.
"Hey! Senior High? Anong strand mo?"
Kung hindi nga naman siya siraulo na makipag-usap sa akin habang tumatakbo. Napailing ako at bahagya ng binagalan ang takbo ko, hindi ko pupwedeng ubusin agad ang lakas ko ngayon ngunit tuluyan akong tumigil sa pagtakbo ng marinig ko ang hiyaw nung football player na nagtangkang makipag-flirt sa akin.
Nakasalampak siya ngayon sa lapag habang hawak niya ang binti niya, natalisod ata ang walang hiya at mukhang nagka-injury pa.
"Are you okay?" Tanong ko matapos ko siyang malapitan.
Malayo sa amin ang ibang players na nagpapractice kaya kahit ayaw ko siyang lapitan ay ginawa ko.
Inangat niya ang tingin sa akin at nginitian ako. "Can I get your Plastizism number?"
"Fck you!" Singhal ko sa kanya at muntikan ko pa siyang literal na masipa.
Nawalan na ako ng gana na magpractice ngayon. Babalik na sana ako sa benches para kuhain ang mga gamit ko subalit sumunod pa rin siya sa akin. Kung nagawa niyang pekein ang injury niya kanina baka magawa kong totoohanin iyon anumang oras ngayon.
Huminto ako sa paglalakad at walang pakundangan na sinampal siya. "Daniel Adair, magulo na ang buhay ko ngayon kaya huwag mo ng gatungan pa."
Sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya ay bumakat pa ang kamay ko. Siya iyong lalaking gusto ni Brooke, pwede kong patulan ang kalandian ng lalaking ito para lang makaganti kay Brooke pero hindi ako ganoon ka-low class para manggamit ng ibang tao makabawi lang ako sa taong kinamumuhian ko.
"Kilala mo naman pala ako, tatanggihan mo pa?" Natatawang tanong niya at muntikan ko ng masampal ang kabilang pisngi niya subalit mabilis niyang inangat ang mga kamay niya upang salagin ang mukha niya. "W-wala namang ganyanan. Masisisra kagwapuhan ko eh."
"Wala akong pakialam kung masira mukha mo, may pera ka naman para ipaayos ulit iyan. Sana lang din ay sapat iyang pera mo para ipaayos ang ugali mo." Tatalikuran ko na sana siya subalit humabol siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko dahilan upang muntikan ko na siyang masipa. "Isa pa, Adair. Punong-puno na ako sa iyo." Binitawan niya ang mga braso ko tumayo ng maayos para harapin ako.
"Okay, okay. I apologize. Hindi maganda iyong approach ko sa iyo, nasanay kasi ako na ganoon mag-approach sa mga babae."
"You're spilling my juice!"
"W-wait lang kasi! Wala akong plano na makipag-flirt sa iyo, ano? Kilala ko si Sohan, mapapatay ako ng hindi oras 'nun." Ngiti niya sabay taas ng magkabilang kamay na para bang inaaresto ko siya sa nagawa niyang kasalanan ngayon. Wala siyang plano makipag-flirt? Sa ginawa niyang iyon?! Fine, maniniwala ako dahil binanggit niya pa talaga kung gaano nakakatakot iyong Kumag kong kaibigan.
"What do you want from me?"
"Contact kay Xhera."
Contact kay Xhera? Wala nga kaming contact ni Xhera sa isa't isa kaya nagawa pang bulabugin ni Xhera si Tristan noong nakaraan. "Wala akong contact kay Xhera at kung mayroon man ay hindi ko rin ibibigay."
"Yah! Crisella, huwag ka ng madamot."
"Kung wala nga akong maibibigay, anong ibibigay ko?!" Tumataas na ang boses ko ngayon, naiirita ako ng sobra sa presensya niya kaya tuluyan ko ng siyang tinalikuran para kuhain ang mga gamit ko. Mabuti na lang at hindi na siya nag-abalang sumunod pa ulit dahil kung magkataon na sumunod pa siya ay tiyak na hindi ko matatantya ang sarili ko na saktan siya.
Sa daan ko palabas ng campus para magtungo sa open field ay nakasalubong ko si Xhera na may isang kahon na bitbit na naglalaman ng kung anu-anong papeles. Dumiretso lang ako ng lakad at hindi siya binati dahil hindi naman talaga kami magkaibigan para gawin iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang tingin ng mga tao ay magkaibigan kami.
Subalit kahit na hindi ko na siya pinansin pa ay siya itong pumihit pabalik para lamang lapitan ako.
"Nakita kita, ayaw lang kitang pansinin." Diretsong saad ko ngunit tinawanan lang niya ako. "Kung magpapatulong ka sa bitbit mo, ayaw ko rin."
"Naiintindihan ko naman pero may pabor kasi sana akong hihingiin."
Nahihirapan akong intindihin ang lesson namin sa chemistry nitong mga nagdaang araw pero mas mahirap pa lang intindihin kung bakit patuloy si Xhera sa pagngiti sa akin. Kahit anong pagsusungit ko sa kanya ay patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. "Ano naman iyon?" Kunsabagay, may pabor siyang hinihingi sa akin kaya nananatili siyang nakangiti.
"Kailangan ko kasi ng stylist para sa event na pupuntahan ko sa Sunday."
"Ano namang kinalaman ko diyaan? Gusto mo akong maging stylist mo? Tss, tinatamad ako."
"Please, samahan mo na ako at tulungan mo ako para sa event na iyon."
Malalim akong napabuntong hininga bago humakbang papalapit sa kanya. "Xhera, lilinawin ko lang, hindi tayo magkaibigan. Hindi ko gustong makipagkaibigan sa iyo. Tumigil ka sa pag-asta na magkaibigan tayo dahil si Sohan lang ang nag-iisang kaibigan ko." Paliwanag ko sa kanya bago mag-iwas ng tingin.
Nakita ko ang pagguhit ng sakit at kalungkutan sa mga mata niya, nagababadya ring bumuhos ang luha niya. Isinaad ko lang naman ang katotohanan, kung hindi ko lilinawin ang mga bagay ngayon pa lang ay higit siyang masasaktan.
Wala naman na akong sasabihin kaya humakbang na ako palayo.
Ilang metro na rin ang nalalakad ko ng may bagay akong naalala kaya bumalk ako para harapin si Xhera na naroroon pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwanan. Sa pagkakataong ito ay umiiyak na siya.
Mabilis niyang hinawi paharap ang mahaba niyang buhok para takpan ang mukha niyang basa ng luha, naramdaman ata niya ang presensya ko.
"Daniel's trying to hit on you. Iwasan mo ang g×gong iyon kung ayaw mong lalong guluhin ni Brooke ang buhay mo." Binuksan ko ang bag ko sa pag-asang may binaon akong tissue dito at nang makita ko iyon ay kaagad kong inabot kay Xhera. "Pero kung talagang gusto ka ni Daniel at plano ka niyang i-pursue, siguraduhin sana niya na magagawa ka niyang ipagtanggol." Iyon na ang huling binatawan kong mga salita kay Xhera, bago ko siya tuluyang talikuran.
Sa pagtalikod kong iyon ay kasabay niyon ang katotohanang tinalikuran ko ang pakikipagkaibigan niya sa akin. Hindi dahil sa ayaw ko siyang maging kaibigan, gusto ko lang takasan ang takot na bumabagabag sa akin, takot na muli akong mag-abot ng tiwala sa maling tao.
KATULAD nang inihanda ko sa schedule ko ay magpapahinga lang ako buong araw bago ang laban ko sa track and field bukas. Tahimik kong sinisimsim ang smoothie ko habang kumakain ng french fries.
Handang-handa na sana akong patumbahin lahat ng makakalaban ko bukas pero nagkaroon ng last minute decision ang committee. Pinaghiwalay nila ang female at male category ng track 'n field! Nag-re-ready pa naman na akong lampasuhin si Tristan sa 200 meters sprint!
Muntikan pa akong magdabog kaya binura ko na muna sa isip ko iyong paghihiwalay ng female at male category. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip sa labas, narinig ko ang pagdating ni Sohan. Para akong bata na patakbong sumalubong sa kanya, mabuti na lang at hindi niya kasama si Daffney ngayon. Pinarada muna niya ang motor niya sa garage bago iabot ang isang supot ng french fries at sundae sa akin, tuwang-tuwa ko namang tinanggap iyon. Sa sobrang tuwa ko ay nagawa ko pang pumalakpak.
"Thank you, So! Akala ko nakalimutan mo na ako eh!" Sabi ko sabay halakhak, inirapan niya lang ako kaya bumalik na ako sa balcony.
Pasalubong lang talaga niya ang habol ko kaya ako lumapit. Mabuti na lang at nagdala siya ng fries kasi paubos na itong kinakain ko!
"Inaway mo ba si Xhera?" Salubong ang mga kilay na tanong sa akin ni Sohan ng malapitan niya ako dito sa balcony pagkatapos niyang makapagbihis.
Kaagad akong umiling. "Hindi. Pinagsasabi mo?"
"Wala. Nakita ko kasing kausap mo kahapon si Xhera na umiiyak, malay ko bang pinaiyak mo iyon."
Nasipa ko ang binti niya dahil sa sinabi niya. "Siraulo ka? Bakit ko papaiyakin iyon? Tss. Saka, kahapon pa iyon, bakit ngayon mo lang naitanong?"
"Kaya nga nagtatanong eh. Nawala rin sa isip kong itanong kahapon. Oo nga pala, ikaw ba? Hindi ka inaway nina Brooke, kahapon?"
Pareho kaming pagod sa kanya-kanyang practice namin kahapon, si Sohan sa billiards ako naman sa track 'n field. Nang magawa niya ang household chores niya kahapon ay natulog na agad siya maging ako ay natulog kaagad. Kanina naman ay maagang umalis si Sohan at tanghali ako nagising kaya ngayon lang talaga kami nakapag-usap tungkol sa mga ganap sa kanya-kanyang buhay namin.
"Mabuting bagay na hindi. Isa pa, hindi ko sila nakita sa campus kahapon."
"Tch! Baka naman pinagtatakpan mo pa ang mga iyon?"
Sumubo muna ako ng fries bago umiling. "Mukha bang may sugat, pasa at bukol ako? Wala 'di ba? Hangga't wala kang nakikitang mga sugat, pasa at bukol sa akin ibig sabihin lang niyon ay wala pang nangyayari."
Umayos ng pagkakaupo si Sohan at seryoso akong tinignan ng diretso sa mga mata. "Magdoble ingat ka bukas. Hindi naman lingid sa kaalaman nung tatlo na sasali ka sa sports. Magbaon ka ng sarili mong tubig at pagkain. Mahirap na at baka ano pang abutin mo dahil lang gusto ka nilang isabotahe."
"Wala naman silang mapapala sa akin. Well, that's Brooke, Coral and Willow, kapag inabot sila ng boredom lahat ay pinagdidiskitahan."
Diretso pa rin ang tingin sa akin ni Sohan at ang mga mata niya ay kasalukuyan akong binubulyawan at sinasabing 'Alam mo naman na pala. Huwag kang tatanga-tanga.'
"Tss! Kung hindi mo naging ex iyon si Brooke hindi ko magiging kaibigan ang mga iyon." Sumbat ko sa kanya sabay halakhak dahilan upang taasan niya ako ng middle finger. "Just kidding. Nakipagkaibigan talaga ako sa mga iyon para umangat ang pangalan ko sa campus. Jeez, alam mo naman na ang reason, wala na akong dahilan para mag-explain."
May sasabihin pa sana si Sohan sa akin subalit mayroong nag-doorbell sa gate. Kaagad siyang tumayo na para bang inaasahan na niyang magkakaroon kami ng bisita ngayon. Sana lang hindi kung sino na namang kalandian niya. Hinayaan ko na si Sohan sa kung sino mang bisita niya at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, binuksan ko na rin ang sundae para kainin.
"Sure ka bang alam mo ayusin ito?"
"Tss! Sure ka bang magpapaayos ka sa akin?"
"Naninigurado lang ako."
"Naninigurado lang din ako."
Wala na akong planong alamin kung sinoman man ang bisita ni Sohan, lalong hindi ako interesado kung sinoman iyon subalit kilala ko kung kaninong boses iyong kausap ni Sohan!
Tatakbo na sana ako papasok sa kwarto ko para magkulong doon pero huli na ang lahat.
"Diyaan ka muna, 'dre. Huwag ka ng mahiyang agawan ng fries si Crisella."
Nasa bibig ko pa ang fries na sinawsaw ko sa sundae ng iangat ko ang tingin ko kay Tristan na naka-oversized t-shirt at shorts ngayon. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. What the hell?! Nahihirapan tuloy akong kainin ang fries ngayon.
Namataan ko siya sa campus na nag-te-training kahapon ngunit umiwas ako. Nang sinabi niya sa akin na hindi niya magagawang i-reciprocate ang nararamdaman ko ay hindi ko naman nagawang bigyan ng pansin iyon dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang reciprocate at nang malaman ko kung anong ibig sabihin niyon ay nagulantang ang buhay ko ng wala sa oras!
Hinintay kong may sabihin siya ngunit wala siyang sinabi na anuman ngayon. Narinig ko ang paghawi ng papel, ibig sabihin ay nagbabasa na naman siya ng libro ngayon.
Sinisira ko pala ang poise ko ng wala sa oras. Okay, hindi dapat ako magpaapekto, saka kagigising ko lang ng araw na iyon, hindi ba? Wala ako sa tamang huwistyo. Bukod doon ay magulo pa ang isip ko dahil muntikan na akong ma-involve sa kaso ng paggamit ng party drgs!
Walang dahilan para magkaganito ako ngayon.
"Fries?" Tanong ko kay Tristan at inilapit ang french fries sa harapan niya.
Tinanguan lang niya ako pero hindi naman siya kumuha ng fries, nahihiya ata.
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko ngunit napaisip agad ako dahil parang ang rude ng pagkakatanong ko.
"Nasira iyong laptop ko. Nalaman ni Sohan na nasira, ang sabi niya marunong daw siyang mag-ayos ng laptop at aayusin niya na daw ng libre iyong laptop ko para sa akin dahil tinulungan ko naman siya noong nakaraan."
Pero kailan pa ba sila naging close?!
"Mhmm... goodluck pala bukas." Singit ko kahit na hindi naman sincere kung ano ang sinabi ko. "Kahit magkaiba na ang female category sa male category ay lalampasuhin pa rin kita." Pagpapatuloy ko dahilan upang maibaba ni Tristan ang librong binabasa niya at ngisian ako.
"Ako ang lalampaso sa iyo, Crisella. Ako ang mag-uuwi ng grand winner's trophy."
Aba, papatulan ni Kupal ang hamon ko. "Kapag nanalo ako, ibibili mo ako ng beret."
"Kapag ako ang nanalo bibilhan mo ako ng manga book."
Sa mga oras na iyon ay wala akong kamalay-malay na unti-unti ko ng nabibitawan ang mga ipinangako ko sa sarili ko, o maaaring nakita ko mismo ang unti-unti kong pagbitaw subalit ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang katotohanan, dahil natutuwa ako sa kung anuman ang siyang nasa harapan ko.
"Let's make this deal official!" Sambit ko at pumitik sa hangin. Nalilito namang napatingin sa akin si Tristan. "A bottle of soju will do."
"Hindi ako umiinom, Crisella." Pagpapaalala niya sa akin kaya alanganin akong natawa.
"Then a glass of milktea will do." Ngiti ko na siyang nagpatawa sa kanya, hindi ko alam kung anong mayroon sa tawa niya na nagawa rin akong patawanin ng sobra ng wala sa oras. Kasunod niyon ay nakita ko ang maaliwalas ng taniman ng daffodils sa mga mata niya na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. "By the way, I read horoscope earlier and it states that there's a battle that I am about to win which is I am pretty sure na iyon ang pagkapanalo ko bukas. Kaya naman, goodluck, Tristan."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top