Chapter 8
Chapter 8: Eccentric to reciprocate
CRISELLA'S POV
HALOS maubos na ang kuko ko sa kangangata ko rito. Bago ako umattend sa party na iyon ay inayos at pinaganda ko pa ang fingernails ko pero ito na siya ngayon, ginagawa ko ng dinner. Nang tinignan ko ang wallclock na nasa lobby ay alas-nuebe na. Naabutan naman na ako kanina ng makakain pero ayaw kong kainin. Tubig, kanin at pinakbet na hindi ko naman hilig.
Damn, jail bars.
I can't stay any longer here. Wala pa mang isang linggo ay baka sumakabilang buhay na ako o baka wala pa ngang isang linggo!
"P×TANGINA! NASAAN SI BROOKE?!"
Natigil ako sa pagngata ng kuko ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Mula sa malamig na nagkakapalang bakal ay sinilip ko ang taong kanina ko pa hinihintay ngunit hindi ko naman siya makita ng maayos.
Bakit nga pala si Brooke ang hinahanap niya at hindi ako? Mas mahalaga pa ang ex-girlfriend niya ngayon kumpara sa akin?
Oh, come on Sohan!
"Sohan, kumalma ka muna." May kasama siya na pamilyar din ang boses sa akin.
Mabilis kong nahawakan ang magkabilang pisngi ko, ngayon ay mas kinakabahan akong makita siya. Bakit kasama ni Sohan si Tristan?
Narinig kong umaawat na ang ilang pulis kay Sohan dahil nagwawala na si Kumag sa labas kakahanap kay Brooke. Oras talaga na makawala ako sa rehas na ito masasapak ko talaga siya agad dahil si Brooke pa ang naisip niyang unang hanapin sa halip na ako.
Subalit sa kabila ng inis ko kay Sohan ay napatigil ako ng sampalin ako ng realization. Nagmura si Sohan noong pumasok siya dito sa police station hindi ba? At galit na galit siya?
Fck!
"Palabasin ninyo ako rito!" Natatarantang sabi ko sa pinakamalapit na pulis sa akin, maging ang mga babaeng kasama ko sa loob ng maliit na seldang ito ay nagulat sa bigla kong pagpupumilit na lumabas sa kabila ng pananahimik ko kanina.
Tinignan lang ako ng masama nung pulis na malapit.
Nasapo ko ang noo ko dahil mas lumakas ang sigaw ni Sohan sa labas. Cheer up, Tristan! Sana maawat mo si Sohan! Kanina pa nakaalis sina Brooke, paniguradong nasa kani-kanilang mansion na sila, habang naka-facetime sa isa't isa at pinagtatawanan ang sitwasyon ko.
They fcking set me up! Oh God! I am so stupid. I should have known them better. Now, I have to face the consequences of social climbing.
"Crisella Travios?" Biglang tanong ng lalaking pulis na nasa harapan ng seldang kinaroroonan ko ngayon, may hawak siyang susi habang nililibot ng tingin ang selda.
Mayroong babaeng nakasunod sa kanya, naka-office attire. Sa madaling salita, ang lawyer ko!
"It's me!" Mabilis kong saad na itinaas pa ang kamay ko dahilan upang buksan ng pulis na iyon ang selda. Ngayon nandito na si Sohan kampante na ako na magiging okay na ang lahat... o maaaring hindi rin. Hindi na ako nagpasalamat sa halip ay dali-dali akong lumabas at hinanap ang boses ni Sohan na nagwawala.
Mabilis akong tumakbo papalapit kay Sohan ng makita siyang nagpupumilit lumapit sa mga selda, may dalawang pulis na umaawat sa kanya kasama si Tristan na naka-pajamas pa ngayon...?
Sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung maaawa o maiinis ako sa kalagayan ni Sohan, ang gulo-gulo ng hitsura niya, ni hindi naka-wax ang buhok niya, ang polo niya halos wala sa maayos na butones. Kung maarte ako sa pananamit ko ay ganoon din si Sohan.
Kung may malaki man kaming pagkakapareho ni Sohan iyon ay ang pagiging maarte naming dalawa sa hitsura namin lalo na sa paningin ng ibang tao. Mas maarte pa nga siya sa akin.
Unti-unting kumalma si Sohan nang makita ako hanggang sa namalayan ko na lang na mahigpit niya akong yakap ngayon. "Crisella, tangina. Sulitin mo na ito, dahil baka mamaya ako na ang nakakulong dito."
Nakakunot ang noo ko ng hampasin ko siya sa braso. "Pinagsasabi mo?"
"Makakapatay ako ng tatlong tao ngayon." He's still mad.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil kahit ako ay masama ang loob sa kanila Brooke. May tiwala naman ako kay Sohan na hindi niya magagawang makapatay ng sinoman para sa akin ngunit sa kabila ng tiwala kong iyon ay may nagtatagong pag-aagam-agam na magagawa niyang totoo kung anuman ang lumalabas sa bibig niya ngayon.
Kinurot ko na lang siya ng napakadiin sa tagiliran kung kaya't nabitawan niya ako mula sa pagkakayakap nang dumadaing.
Aangal na sana siya sa akin ngunit bago pa niya magawa iyon ay lumapat na ang kamao ko sa panga niya, buong pwersa ko siyang sinuntok na siyang nagpaputok sa labi niya. Hindi niya inaasahan iyon dahilan upang tumumba siya sa sahig, maging ang mga taong nasa paligid namin ay nagulat. Ang mga pulis na malapit sa amin ay hindi alam kung ilalayo ba nila ako kay Sohan o hindi, si Tristan ay tulala ng nakatingin sa akin ngayon habang hawak ang buhok niya, si Xhera na nakakapit kay Daffney ngayon ay parehong sapo ang mga labi nila.
Xhera? Daffney?
Nang mapagtanto ko na maging sila ay naririto ay silang dalawa naman ang binalingan ko ng tingin. "Anong ginagawa ninyo rito?" Tanong ko sa kanilang dalawa, maging si Tristan na nasa tabi ko ay pasimple kong nilingon.
Nginitian lang ako nina Xhera at Daffney. Hindi ko na sana sila papansinin ngunit muli kong binaling ang tingin ko kay Daffney, imposibleng nandito siya para sa akin. Bumaba ang tingin ko kay Sohan na bumabangon pa lang mula sa pagkakasalampak niya sa sahig ngayon, tss.
Si Tristan na lang sana ang kakausapin ko subalit ng magtama na ng diretso ang mga mata namin ay mabilis akong napaiwas ng tingin.
Hindi ko pa nga pala nalilinaw kung anuman ang narinig niya sa call na iyon! Bakit ba kasi siya tumawag?!
Napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay wala akong dapat na kausapin sa kung sinoman sa kanila kaya ang babaeng lawyer na lang na kasama ng pulis na nagbukas ng selda ang hinarap ko, mayroon silang pinag-uusapan pero hindi ko naman magawang intindihin hanggang sa humarap sa akin ang lawyer at iabot ang calling card niya.
"Good evening, Miss Travios. I am Rubina Valdez, I'll be your lawyer for this case." Inilahad niya ang kamay niya sa akin na siya namang tinanggap ko. "Don't worry, you won't spend a night here. May ilang bagay na lang na itatanong ang mga pulis sa iyo regarding sa nangyari sa party."
I've been minding my own business in that party. Anong maisasagot ko sa itatanong nila? Sa halip na lalo pa akong magtagal dito ay tumango na lang ako bago nila ako pasunurin sa isang kwarto, tanging lamesa at upuan ang nasa loob ng kwartong iyon ay may kalamigan din ang paligid.
Kung anu-ano ang pinag-iisip ko, pakiramdam ko tuloy ay pahihirapan nila ako ng wala sa oras dito.
Umupo ang lalaking pulis na kasama ni Miss Valdez sa tapat ng lamesa, sinenyasan naman ako ni Miss Valdez na maupo sa katapat niyon habang nananatiling nakatayo si Miss Valdez sa harapan namin. May inilabas na maliit na notebook at ballpen ang pulis na siyang kaharap ko ngayon bago siya magsimulang magtanong.
"Sino-sino ang mga taong involved sa party?"
Nahimas ko ang batok ko. Ang ipinunta ko lang naman sa party na iyon ay si Brooke na siyang nag-aya kasama sina Willow at Coral. Kung mayroon mang pasimuno sa party na iyon ay walang iba kung hindi sina Brooke.
Wala naman na akong dapat na itago. Wala rin akong dapat na protektahan. Wala akong kaibigan na kailangan kong ipagtanggol.
"Brooke Gauntlet started the party. I don't know who attended the party. However, Brooke sent me the list of attendees beforehand."
Paulit-ulit na tumango ang pulis na kausap ko sa sinabi ko habang inililista niya ang bawat detalye. Magtatanong pa sana ulit siya ngunit inunahan ko siyang magtanong.
Wala akong ideya kung bakit nagsidatingan ang mga pulis doon, naisapasok na lang ako sa selda kanina ay wala pa rin akong alam. Sinubukan kong tanungin ang ilang babaeng naroroon kanina na halos schoolmates ko rin subalit pare-pareho lang silang nakayuko at tahimik.
"Pwede bang linawin muna ninyo sa akin ang nangyayari? We're just having fun earlier nang dumating iyong mga pulis!" Saad ko kung kaya't nagkatinginan si Miss Valdez at itong pulis na kumakausap sa akin.
"May nag-abot ba ng candy sa iyo o kung anong gamot?"
Hindi naman nila sinagot ang itinanong ko! Hindi ko na rin sana sila bibigyan ng sagot dahil ayaw nilang sagutin ang tanong ko ngunit baka mamaya ay maging dahilan pa ang pananahimik ko para magtagal ako dito. "Wala. Wine at vodka lang ang tinake ko sa party." Kibit-balikat na tugon ko.
"May nakarating sa amin na nagkaroon ng abutan ng party drgs sa party na iyon."
Party drgs? Fck off. May krimen man akong ginagawa ay hindi ako aabot sa punto na gagamit ako ng party drgs. Natulala na ako sa gulat at hindi alam ang sasabihin ko.
Oh shit! Napaiwas ako ng tingin sa kanila, what if they found out? Those things...
Wala naman na silang tinanong sa akin kaya pinalabas na nila ako ng silid na iyon ngunit nananatili akong tulala hanggang makabalik ako sa lobby. Naroroon pa rin sila Sohan. May hawak ng cold compress si Sohan na idinadampi niya sa panga niya.
"Tara na." Aya niya ng tuluyan akong makalapit. "Tss! Ang kupad kasi ng matandang iyon, e'di sana hindi ka na nagtagal dito!" Angal niya na nagpatigil sa akin.
"Sinong matanda?"
"Si Daddy." Ngiwi niya kaya nasapo ko ang noo ko.
"Akala ko ba hindi kayo nag-uusap?"
"Hindi nga." Nagkibit-balikat si Sohan bago ako akayin palabas, sinenyasan pa niya ang tatlo pa naming kasama na sumunod na sa amin, si Attorney Valdez naman ay may kinakausap pa sa loob. "But it doesn't mean na hindi ko siyang pwedeng kausapin. Siya lang naman itong makakatulong sa iyo." Ibinulong sa akin ni So ang huling pangungusap kaya napatango na lang ako.
Sa kotse ni Sohan kami sumakay kasama si Tristan at Daffney, si Xhera naman ay kasama ang driver niya sa sarili niyang kotse. Hindi ko pa rin natatanong kung bakit nandito silang tatlo at pagod na ako para magtanong pa dahil mukha namang mahabang usapan pa sa oras na magtanong ako.
"Kumain ka muna." Dinig kong sabi ni Tristan sabay abot ng tinapay at mineral water sa akin. Magkatabi kami ngayon sa backseat samantalang nasa passenger seat si Daffney at si Sohan ang nagdadrive ng kotse.
Tinanggap ko ang inabot na pagkain sa akin ni Tristan, mas katanggap-tanggap naman kasi ito kumpara sa pagkain na binigay nila sa police station. Matapos kong makakain ay nagsimula ng dumalaw ang antok sa akin, papikit-pikit na ang mga mata ko at sa sa bintana sana ako sasandal ngunit hindi naman ako komportable, mas lalong hindi ako komportable na sumamdal sa kinauupuan ko.
Titiisin ko na lang sana ang antok ko hanggang sa makarating kami sa bahay ngunit hindi ko na kaya. Napatingin ako kay Tristan na tahimik lang sa kinauupuan niya, umurong ako papalapit sa kanya at dumantay sa balikat niya para makatulog ako.
"Gaano ba kahirap ang physics ninyo? Ano... Sohan?" Bigla kong narinig na tanong ni Tristan. Hindi ko na nilingon pa si Sohan, bahala na siya kung anong iisipin niya sa pagdantay ko sa balikat ni Tristan, basta sa mga oras na ito ay inaantok na ako at kailangan ko ng makatulog.
MAY NARIRINIG akong nag-uusap sa labas ng magising ako. Naririto na ako sa kwarto ko subalit ang damit ko ay iyon pa rin. Hindi ako nag-abalang tumayo agad dala ng katamaran ko, nanatili lang akong nasa kinahihigaan ko hanggang pumasok sa isipan ko ang lahat ngayon.
Sa mga oras na ito ay paniguradong naikalat na nina Brooke, Coral at Willow ang sikreto ko.
Gusto ko silang saktan ngunit ano pang mapapala niyon? Oras na lumaban ako ay sa akin din babalik ang lahat. Sa huli ay magiging katawa-tawa lang ang lagay ko sa kanila.
Pakiramdam ko ay made-depress lang ako kung magtatagal pa ako sa kinahihigaan ko kaya bumangon na ako. Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto ko dahil gusto ko ng milktea ngayon. Subalit ng lumabas ako ay si Sohan at Daffney na naglalambingan sa sofa ang bumungad sa akin. Parang tumaob ang sikmura ko sa tagpong nakita ko kaya naibato ko ang tsinelas ko kay Sohan na tuwang-tuwang nakikipagbolahan kay Daffney.
Nagdadala naman talaga iyan ng babae si Sohan dito pero nilinaw ko na sa kanya na huwag niyang ipapakita sa akin ang kalandian niya dahil naaasiwa ako.
"Fck you, Crisella!" Singhal sa akin ni Sohan na sinundan ng tawa ni Daffney.
Itinaas ko lang ang middle finger ko sa kanila saka ako tumungo sa kusina para maghanda ng milktea ko.
Papakuluan ko pa lang ang boba pearls ng magulat ako sa paglabas ni Tristan mula sa washroom dahil magkalapit lang ang washroom at kusina namin, maging siya ay nagulat ng makita ako, bahagya niya akong nginitian subalit nag-iwas lang ako ng tingin.
"Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin ng uminom ako ng tubig.
Hindi ko na sana siya papansinin ngunit kagabi pa ako gulong-gulo kung bakit siya nandito. Feel at home pa si Kupal! "Bakit ka nandito?"
"Sohan let me stayed here last night, biglang bumuhos ang ulan. Lubog na sa baha ang dadaanan ko at sarado na rin ang train station." Kibit-balikat na aniya ngunit hindi ko siya tinigilan.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko, Tristan."
"Ohh..." Nilingon niya sina Sohan at Daffney na nasa salas, inaasahan ata niyang magpapaliwanag sa akin si Sohan, sabagay, inaasahan ko rin naman talaga na si Sohan ang magpapaliwanag sa akin subalit halata namang abala pa ang magaling kong kaibigan. "Xhera received the news about the party drgs that are being distributed in that party. Si Brooke ang pasimuno ng party kaya naramdaman agad niyang nandoon ka rin sa party na iyon."
Naniningkit ang mga mata ko na nakatingin kay Tristan ngayon. "I still don't get it."
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo para kay Xhera pero tinuturing ka niyang kaibigan at naniniwala rin siya na hindi ka gagamit ng party drgs that's why she contacted me dahil wala daw siyang contact sa iyo. Sinubukan kitang tawagan kagabi pero pinatayan mo lang ako ng phone mo, ilang ulit kitang tinawagan at nang hindi mo talaga sagutin ang tawag ko ay pinuntahan ko na si Sohan."
Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanya habang inaayos ko ang milktea ko. Inalok ko pa nga si Tristan ng boba pearls matapos ko iyong mapakuluan ngunit tinanggihan niya lang ako. Just because I shop with Xhera, it does not mean that we are friends.
"Then ang sunod na lang namin nalaman ay nagkakagulo na sa auditorium. Sumunod agad kami sa police station ngunit nagkataon na mayroong press doon, hindi na kami agad lumapit. Hinintay pa namin na dumating ang magiging lawyer mo na cinontact ni Sohan."
Paulit-ulit akong tumango at inabutan siya ng milktea na nagawa ko. "That's troublesome. I hope that this milktea would be enough." Ngiti ko subalit tinalikuran ko din agad siya pagkaabot ng milktea. "Bakit nga pala hindi ka pa umuuwi? Bukas na ang train station ng ganitong..." hinanap ko pa ang cellphone ko para tignan ang oras, alas-otso ng umaga. "...oras."
"I'm still trying to help Sohan." Ngiwi niya na siyang nagpataas ng kilay ko. "You should have your breakfast muna dapat, 'di ba? Nagprepare ng pancakes si Sohan para sa iyo."
"Well, yeah..." tumungo ako sa lamesa at kinuha doon ang pancakes na tinutukoy ni Tristan. "Ghustohh mohh?" Tanong ko kay Tristan at inilapit pa ang tinidor na may pancake sa kanya.
"I'm full. Babalik muna ako sa living room, kailangan ko pang tulungan si Sohan."
"Mhmm? Tulong about what?"
"Hacking."
Muntikan na akong mabulunan dahil sa sinabi ni Tristan. Tinutulungan niya si Sohan sa hacking? Inabot ko muna ang isang basong tubig at muling nagtanong kay Sohan. "What do you mean?"
"Brooke and her friends are trying to sabotage your image through social media. Sa sobrang lawak ng social media ngayon, given na kilalang social media influencer si Brooke ay madaling mapapaniwalaan ng mga tao ang anumang sabihin ni Brooke online."
"Lhumalaki na uhtttang na loobh ko sa iyo." Saad ko sa pagitan ng pagnguya ngunit nakangiti siyang inilingan ako.
"Hindi counted ito sa utang na loob mo. Binantaan ako ni Sohan na tulungan siya eh."
"Nakinig ka naman sa Tarantado kong kaibigan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya ngunit nagkibit-balikat lang siya. "Aish! Ginagamit ka lang niyan ni Sohan para mas mabigyan niya ng oras si Daffney, tsk! Ang mabuti pa, kuhain mo na ang mga gamit mo, umuwi ka na sa inyo. Mamaya hindi ka pa nakakapagpahinga, hayaan mo na si Sohan diyaan."
"Ayos lang. Nagsasalitan rin naman kami ni Sohan sa pagbabantay online."
Inubos ko muna ang kinakain ko at muling nagtanong. "Ano bang gustong ikalat nila Brooke online?"
"That you're an impostor and pretending to be a part of high society."
"Pinaniniwalan mo ba... ang bagay na iyon?"
Mabilis siyang nagkibit-balikat, senyales na siya mismo ay hindi siguro kung dapat ba siyang umoo o hindi. "It sounds absurd and suspicious. Kung ano ang sasabihin mo ay iyon lang ang paniniwalaan ko." Aniya bago ilagay sa lababo ang pinag-inuman niya ng milktea. "Thank you sa milktea."
"It's nothing..." Kibit-balikat kong inubos ang kinakain ko at inilagay na rin sa lababo ang pinagkainan ko, iiwan ko na sana iyon doon dahil si Sohan naman ang maglilinis mamaya ngunit pagkaalis ko ay huhugasan na ni Tristan ang mga hugasin. "Huy! A-ako na diyaan!" Natatarantang sambit ko.
Bakit ko paghuhugasin ang bisita?!
Tatanggi pa sana siya ngunit pilit kong inagaw ang hugasin ko sa kanya at ako ang naghugas niyon, napakamot na lang si Tristan sa ulo niya habang ito ako, maghuhugas ng mga kubyetos kahit hindi naman ako gumagawa sa gawaing bahay.
"Puro bula pa iyong buhok mo." Saad ko at pinunasan ang buhok niyang napahiran ng bula. Tumigil ako sa pagpupunas sa buhok niya ng mapansin kong nakatitig siya sa akin, para akong nahipnotismo ng mga mata niya at kusang napatitig roon.
Doon ko lang napansin ang mga daffodils na siyang nagsasayawan sa mga mata niya habang tumatawid ang sikat ng araw mula sa kanang mata niya. Mga daffodils na sumasayaw sa tuwa sa tuwing masaya siya at maayos ang kalagayan subalit sa oras na dalawin siya ng kalungkutan ay tiyak na masasalanta ang taniman na iyon ng mga daffodils na namumuhay sa mga mata niya.
"Crisella," sunod-sunod ang naging paglunok ko ng hawakan niya ang kanang palapulsuhan ko na naiwan sa ere habang pinupunasan ang bula sa buhok niya. "I don't think that I can reciprocate your feelings..."
Reciprocate?
Ilang ulit akong napakurap. Anong ibig sabihin ng reciprocate? Subalit bago pa man ako magkapagtanong ay narinig ko na ang pag-alingawngaw ng boses ni Sohan sa buong kabahayan dahil sa sobrang lapit namin ni Tristan sa isa't isa.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top