Chapter 7
Chapter 7: Vanish and don't leave a trace
CRISELLA'S POV
GINUGOL ko ang buong linggo ko sa pag-te-training para sa intramurals, gusto ko talagang masungkit ang grand winner award sa Track and Field. Huling taon na sa high school kaya susulitin ko na rin. May ilang pagkakataon na sinasamahan ako ni Sohan mag-training pero madalas naman din siyang wala, mukhang sinasamahan niya ata iyong babaeng kausap niya noong nagdaang araw na ayaw naman niyang banggitin sa akin kung sino.
Mayroong dalawang dahilan para hindi niya maisipang banggitin sa akin ang tungkol sa dinedate niya ngayon; una ay dahil iniisip niyang aawayin ko kung sinoman ang babaeng iyon at pangalawa ay maaaring si Daffney na nga iyon. Iyong groupmate ko sa research na noong nakaraan pa niya ayaw tantanan.
Baka nagkaroon silang dalawa ng pagkakataon na mag-usap noong pinuntahan ako ni Sohan sa classroom. Sana lang ay seryosohin na ni Sohan si Daffney dahil paniguradong ako ang bubulabugin ni Daff sa oras na iwanan siya ni Sohan.
Kakatapos ko lang mag-tarining para sa araw na iyon ng makareceive ako ng tawag mula kay Brooke.
["Crisella, I'm bored."] Bungad niya kaya napailing na lang ako bago uminom ng tubig.
"Anong plano mo?" Sumabay pa cravings ko sa milkshake ngayon. Ilang araw ko silang hindi pinansin at ngayon lang sinagot ang mga tawag nila.
["I'm going to throw some party at home, be here. Around 7pm. See yah."] At mabilis niyang pinatay ang tawag.
Pinatuyo ko lang muna ang pawis ko bago pumasok sa walk in closet ko at maghanap ng maisusuot mamaya. Ilang araw na rin akong hindi lumalabas kaya tama lang siguro na umattend ako sa getaway party ni Brooke mamaya. Isa pa, may mga abagy akong kailangan linawin sa kanila mamaya.
Kakatapos ko lang makahanap ng maisusuot ko ng mag-email sa akin si Brooke at i-send ang location. Napailing na lang ako habang nakatingin sa details, sabi niya kanina ay sa bahay lang nila pero ang location ngayon ay ang indoor stadium malapit sa labas ng city. May inimbitahan ding banda si Brooke na tutugtog mamaya at karamihan sa attendees ay schoolmates namin.
Grabe kung maburyong ang mayayaman, mabuti na lang at hindi ako ganito kagastador sa tuwing aabutin ako ng pagkaburyong.
"May lakad ka?" Tanong sa akin ni Sohan ng makita niya akong nag-aayos na ng sarili ko. Palagi akong natatagalan sa pag-aayos ng sarili ko kaya ngayon pa lang ay nag-aayos na ako lalo na at sa buhok ko ako pinakanatatagalan.
"May party si Brooke." Saad ko habang pinatutuyo ko ang buhok ko.
"Pwede mag-gatecrash?"
Tinigil ko ang pagpapatuyo sa buhok ko at nakangiwing nilingon si Sohan. "Okay ka lang?"
"Gatecrashing lang naman. I'll make sure na hindi ako makikita ni Brooke."
"Shut up, Sohan. Makipagdate ka na lang sa kung sino mang girlfriend mo ngayon." Suway ko sa kanya at ibinato ang towel na malapit sa akin. "Sisirain mo lang ang gabi ni Brooke."
"Harsh." Tawa niya bago damputin ang towel na ibinato ko na hindi rin naman tumama sa kanya. "Ihahatid na lang kita, tawagin mo na lang ako if okay ka na para ma-ready ko iyong kotse."
Tumango lang ako at hahayaan ko na sanang umalis si Sohan subalit may naalala ako. "Can I go back to work na ba?"
"Uh... next week. You can surely go back next week."
"Okay, thank you! I'll fix my schedule later." Tawa ko kay Sohan na ngiti lang ang sinukli sa akin bago siya lumabas ng bahay.
MAINGAY na agad ang paligid pagkarating ko sa venue ng party, inilabas ko ang qr code na siyang entrance pass saka ako pumasok sa loob, nag-message na sa akin si Brooke kanina kung nasaan sila nina Coral at Willow kaya alam ko na kung saan ko sila hahanapin. Suot ko ang pink tweed coordinates at white beret ko mula sa South Korea habang ang pang-ibaba ko naman ay ang high knee white boots ko from Crystales'.
"OMG! Crisella!" Tili ni Coral na papasalubong sa akin ngayon, malakas man ang music sa paligid ay malinaw ko pa rin na narinig ang boses niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at bumeso. "Damn, girl! You're gorgeous."
Ngumiti ako at hinawi patalikod ang buhok ko na cinurl ko kanina. "I know. You don't have to remind me." Ngiti ko kung kaya't sabay kaming napahagikgik sa tuwa. "Where's Brooke?"
"She's hitting on her crush. Don't worry, I already pray for her success." Hinila ako ni Coral papunta sa kung saan hanggang sa huminto kami malapit sa bintana at itinuro niya si Brooke na naka-backless nude bodycon dress habang kausap ang isa sa pinag-aagawang lalaki sa campus dahil anak ng kilalang business tycoon; si Daniel Adair, hindi naman ako interesado sa kanya kaya hindi ko na kinilala pa, ang tanging alam ko lang ay isa sa kanilang dalawa ng kakambal niyang si Steven ang magmamana ng kumpanya nila.
"Kinikilig ka ba?" Tanong ko kay Coral nang mapansin kong para siyang bulate na nabudburan ng asin habang nakatingin kay Brooke at Daniel o mas tamang sabihin na kay Daniel siya nakatingin.
"I'm just excited to see Steven. Our parents are planning to set an arrange marriage for us." Ngiti ni Coral at napaiwas ako ng bigla niya akong paghahampasin sa kilig. "Matagal ko ng crush si Steven tapos biglang magseset ng arrange marriage ang parents namin, oh my ghad!"
"Coral, kalma."
"And you know what?" Hinawakan niya ang nagkabilang balikat ko habang nanlalaki ang mga nata niyang nakatingin sa akin. "Uuwi na ng Pilipinas si Steven by next month! Hindi man identical twins si Steven ko at si Daniel, ang mahalaga ay may pagkakahawig pa rin sila!"
Nahampas ko ang mga kamay niya dahil humigpit ang hawak niya sa braso ko. Wala na akong naiintindihan sa sinasabi niya dahil sa sunod-sunod niyang pangbahampas.
"What about you Crisella?" Biglang tanong niya na para bang hindi siya kinikilig kanina.
"A-anong tungkol sa akin?"
"Your parents? Hindi ba at nasa Australia pa rin sila ngayon? That's the same country where Steven is staying right now and he's going back few weeks from now. What about your parents? Kailan sila uuwi ng Pilipinas?"
Pasimple akong napalunok, akala ko ay magtatanong si Coral tungkol sa lalaking nagugustuhan ko na wala naman talaga. "I don't know." Bahagya akong napalunok. "Hindi ko naman sila nakakausap, nagsesend lang ako ng voicemails sa kanila. H-hindi naman nila ako kinakamusta basta tuloy-tuloy lang sila sa pagpapadala ng pera sa akin m-monthly."
"Aww! Sorry, I shouldn't have asked in the first place!" Sambit ni Coral na pumungay pa ang mga mata at niyakap ako. "Don't worry, I'm here for you naman."
Paniguradong namang malalaman nila ang lahat sa oras na makilala nila kung sino talaga ako.
Iniba ko na lang ang pinag-uusapan namin ni Coral. Hindi namin magawang guluhin ngayon si Brooke dahil may sarili siyang business ngayon at si Willow lang ang nagawa naming lapitan na abala sa pagkain habang nakikipag-usap sa ilang mga babae na malapit sa kanya na sa palagay ko ay hindi naman niya gusto talagang kausapin.
Isang pasasalamat na para sa kanya ang pagdating namin ni Coral kaya nagawa niyang makalayo sa mga babaeng iyon. Nakabusangot tuloy siya ng iabot sa amin ni Coral ang tig-isang pulang paper cup na kahahawak ko pa lang ay alam kong vodka na ang laman. Diretso kong ininom ang laman niyon kasabay ng pagtarak ng pait sa lalamunan ko, muntikan ko ng mahampas si Willow dahil hindi niya agad ako inabutan ng hawak niyang chaser.
"Lakas makainom. Nasa tamang edad ka na ba?" Natatawang tanong sa akin ni Willow kaya umikot sa ere ang mga mata ko.
Ngunit mayamaya lang ay halos maibuga na ni Coral ang ininom niya sa amin kaya gulat kaming napatingin ni Willow sa kanya.
"Tinanggap ko lang ang binigay sa akin ni Willow." Kagat-kagat niya pa ang dulo ng paper cup habang nakataas ang mga kamay na para bang aarestuhin namin siya ngayon dahil may krimen siyang nagawa.
"Wala ka pa ring 18." Ngiwi ko pero tinawanan lang din naman nila ako.
Ilang minuto pa ay dumating na ang banda na siyang guess para sa party na ito. Excited akong hinila nina Coral at Willow papalapit sa harapan para mas mapanood namin ng harapan ang pagtugtog nila. Hindi ko naman alam kung sino ang nasa harapan ngayon at hindi rin ako pamilyar sa mga kantang tinutugtog nila sadyang nagagawa lang akong akayin nila Coral at Willow para makasabay ako sa ingay ng crowd.
Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang ingay sa paligid. Nagiging wild na rin ang crowd, may nagsasaboy pa ng kung anong drinks sa paligid at mayroon pang nagpapalipad ng balloons, tuwang-tuwa pa ngang kinuha ni Coral ang isa at inabutan din ako ngunit nandidiring kong nabitawan iyon ng mapagtantong hindi iyon balloons kung hindi condom.
What the fck?!
Tinignan ko si Coral, pareho na silang dalawa ni Willow na may hawak na condom ngayon na pinalobo habang winawagayway nila iyon sa ere. Sasawayin ko pa lang sila ay tinawanan na nila ako.
Hinayaan ko na lang sila at inenjoy ang mga kaganapan ngayon.
Ilang kanta pa ang tinugtog ng bandang nasa harapan habang patuloy ako sa pakikisabay sa crowd sa pagkanta. May ilang waiters din na umiikot at nag-aabot ng drinks, kumuha sina Willow at Coral kaya kumuha na rin ako ng para sa akin.
"Girls!" Muntikan ko ng matapon ang iniinom kong wine ng dumating si Brooke at inakbayan kaming tatlo. "There's a progress." Ngiti niya sabay pakita ng leeg niya sa amin na may kiss mark.
Napatango-tangong nakatingin si Willow sa itinuro ni Brooke, si Coral naman excited na nagtanong ng kung anu-ano kay Brooke habang ito ako, hindi alam kung mandidiri ba ako o matutuwa para kay Brooke sa huli ay binalik ko na lang ang atensyon ko sa bandang tumutugtog sa harapan.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagvivibrate ng cellphone ko sa bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumatawag ngunit nang makita ko pa lang ang pangalan na nag-flash sa screen ay gusto ko ng ibato ang cellphone ko palayo kahit kabibili ko lang nito matapos kong mabasag iyong huli.
Bakit tumatawag si Tristan?!
"Boyfriend mo?" Tanong ni Willow ng makita ang screen ng cellphone ko.
Mabilis akong umiling. Dinecline ko ang tawag at binalik sa bag ko ang cellphone ko. "W-wala iyon..."
"Tristan Stryker? Iyan iyong kaibigan ni Xhera hindi ba?" Ngisi niya at hindi ko alam ngayon kung dapat ba akong tumango o hindi. "Paniguradong ikatutuwa ni Brooke oras na malaman niyang may connection ka kay Tristan."
"Connection? At bakit?" Sa pagkakaalam ko ay hindi naman kasama sa high society si Tristan, kaya hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Willow na connection.
"You and Brooke can use Tristan to get rid of Xhera."
Wala namang katuturan ang sinasabi ni Willow. Si Xhera na rin ang nagsabi, magkaibigan sila ni Tristan pero hindi naman sila malapit sa isa't isa. Sa huli ay tumango na lang ako at nagkunwaring sumang-ayon sa sinabi ni Willow.
Get rid of Xhera? Wala naman akong galit sa kanya. Naiinis lang ako dahil may pupwede siyang gawin laban sa sitwasyon niya kaya lang hindi naman niya ginagawa at hinahayaan lang niya. Isa pa naman iyon sa pinakaayaw kong bagay sa lahat, nasa harapan mo na ang solusyon sa problema mo kaya bakit hindi mo pa gagamitin.
Subalit sadyang may mga problema talaga na mahirap makitaan ng solusyon katulad na lamang ng hindi inaasahang sitwasyon ngayon. Napatigil sa pagtugtog ang bandang nasa harapan at nasundan iyon ng malakas na hiyawan sa paligid.
Nang lumingon ako sa likuran ay nagkanya-kanyang pulasan na ang lahat, umalingawngaw ang sirena ng pulis sa paligid habang unti-unti ng napapalibutan ng mga pulis ang buong stadium. Tinignan ko sina Brooke, Willow at Coral na nagagawa pang magtawanan sa sitwasyong ito, ni wala silang plano na tumakbo tulad ng ginagawa ng iba.
"Girls, plano ninyong magpahuli...?" Alanganing tanong ko sa kanila ngunit tinawanan lang nila ako.
Hinila ako ni Brooke at inakbayan. "Come on, Crisella. You only live once, hindi masamang ma-experience na ma-detain." Ngiti niya sa akin. Ma-detain? Bullsht. "I told you, I'm bored."
Kung pupwede silang ma-detain, ako ay hindi! Those cops might identify who the fck I am!
Nablanko na ang utak ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan ko ng umalis sa lugar na ito kaya tinalikuran ko ang mga kaibigan ko at nagtangka ng umalis sa lugar na iyon pero hinahabol na naman ako ng kamalasan ngayon. Bago pa man ako tuluyang makalayo ay naramdaman ko na ang malamig na posas sa palapulsuhan ko.
Narinig kong isinaad ng pulis na nagposas sa akin ang Miranda Rights ngunit hindi ko na naintindihan pa iyon dahil tulala akong nakatingin sa mga kaibigan ko na ilang metro lang ang layo sa akin habang patuloy sila sa pagtawa. Pare-pareho na kaming nakaposas ngayon habang si Brooke ay patuloy sa pagtawa, si Coral at Willow naman ay nagpapanggap na magpumiglas mula sa mga pulis.
"Crisella, you look nervous." Natutuwang ani Brooke nang itulak ako ng pulis na may hawak sa akin papalapit sa kanya. "Calm your ass down, bitch! Just use your parent's connection and you can be freed just in a blink, that's how the justice works." Ngisi niya at nilingon pa sina Willow at Coral.
Hindi naman ako tumakbo ng napakalayo, nababalot din ng aircon ang paligid kahit pa sabihing maraming tao dito ngunit gayunpaman ay ito ako, unti-unti ng naliligo sa sarili kong pawis habang hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko.
"Oh my gosh!" Hiyaw ni Brooke at ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. "You can't use your parents connection nga pala, ano?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung dapat na bang tumulo ang luha ko o hindi. "It is because the Crisella Travios from a high class family doesn't actually exist. You're just a bitch who run away from your poor family."
Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko, kung hindi lang ako nakaposas ngayon ay kanina ko pa nagawang hilahin ang buhok niya.
All this time... they knew about it?
"Have fun in jail Crisella!"
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top