Chapter 6
Chapter 6: Ages for friendship
CRISELLA'S POV
ALAS-TRES ng hapon, abala ako sa pagtatahi ng bagong damit para kay Ivory. Malapit na ang intramurals at lahat ng kasali sa sports ay excuse para mag-training. Sumali ako sa track and field samantalang sa billiards naman si Sohan. Tapos na akong magtraining kaninang umaga at pahinga na ang ginagawa ko ngayon.
Tinatapos ko na ang damit na tinatahi ko ng mag-vibrate ang cellphone ko. May message si Tristan. Magkasalubong ang mga kilay ko ng buksan ko ang message sa akin ni Tristan.
Wala akong maisip na dahilan para magmessage siya.
From: Tristan
Okay ka na ba? Huwag ka na uulit sasakay ng train ng masama ang pakiramdam mo ah.
Aba, nasa tamang huwistyo na ata ulit siya ngayon. Bahagya akong napangiti ng mapansin ko ang typings niya, ang ayos.
Ito ba iyong tinatawag nilang pogi typings? Tss. Normal lang siguro sa kanya ito lalo na at mahilig siyang magbasa ng novels.
To: Tristan
Paano kung ayaw ko?
From: Tristan
Hihintayin ko na lang iyong news tungkol sa babaeng nahulog sa riles ng tren dahil sa pagiging matigas ng ulo.
Ang bilis niyang magreply! Pero ako pa talaga ang matigas ang ulo ngayon?!
Wait, nagmessage talaga siya para kumustahin ang lagay ko? Nasapo ko ang labi ko. Masyado ata siyang natuwa sa compliment ko kahapon. sino ba naman kasing hindi ma-fa-flatter kung sa akin galing ang compliment!
Hayss! hind ko na tuloy alam ang irereply!
To: Tristan
K.
From: Tristan
The news will surely be shocking : )
At hindi na ako nag-message sa kanya! Nang-aasar pa eh, busy pa ako manahi!
Bakit kasi binigay ko phone number ko sa kanya? Please lang huwag na siyang mag-message pabalik! Huminga ako ng malalim at naghintay ng dalawang minuto ngunit hindi naman na siya nag-message kaya itinuloy ko na ang damit ni Ivory na tinatahi ko.
Medyo nakaramdam ako ng pagkaburyong sa tuloy-tuloy kong pagtatahi kaya hinanap ko ang headphones ko para makinig ng music. Naalala kong naiwan ko iyon sa balcony kaya lumabas ako para kuhain iyon doon ngunit naabutan ko si Sohan na nasa balcony, may nakaipit na stick sa pagitan ng kaliwang daliri niya habang may kausap siya sa cellphone niya.
"Ayaw mo ng spaghetti? Damn, that's sucks. Ayaw ko rin ng spaghetti, the sauce is kinda annoying you know, HAHA. What's your plans for tonight? Saan mo gustong kumain?"
Hindi dapat ako nag-e-eavesdropping pero ang suspicious ng mga ikinikilos ni Sohan. Saka anong he hates spaghetti?! Spaghetti nga ang isa sa mga paborito niyang pagkain!
Tarantadong ito, may babae na naman.
Sisingit na sana ako sa usapan nila ng bago niyang babae ngayon ngunit nagpatuloy ako sa pakikinig, hindi ata niya naramdaman ang pagdating ko.
"You listen to KPOP? Which group do you listen? Oh! Yes, nakikinig din ako sa songs nila, actually iyong isa sa favorite ko ay... wait, I forgot the title..." napangiwi ako ng ilayo niya ang cellphone niya at i-search ang kung sinong KPOP group sa Spotify niya at magbanggit ng random song. "Oo HAHAHA. If they had a concert dapat pumunta tayo ah---fck aw!" Paglingon sa akin ni Sohan ay masamang tingin agad ang pinukol niya sa akin.
Ipinaling ko ang ulo ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya. "Sino na namang tinatarantado mo?" Tanong ko kaya bahagya niyang inilayo ang cellphone niya mula sa kanya.
"Anong tinatarantado? Seryoso na ako dito, okay?"
"Ilang ulit ko ng narinig iyang sineseryoso na iyan." Angil ko at hinampas siya sa braso. "Titigilan mo iyan o ako mismo ang gagawa ng paraan para layuan ka ng babaeng iyan?"
"Crisella...!"
"What? For all I know, ako lang. Ako lang ang babaeng sineryoso mo. Mag-aral ka na nga lang ng matino hindi iyong kung sino-sinong babae pinagtitripan mo."
Inilingan niya ako kaya napapikit na lang ako sa inis, wala siyang balak tigilan kung sinoman ang kaawa-awang babae na iyon. Magmamartsa na sana ako sa inis subalit nagvibrate ang cellphone ko dahil sa tawag na hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.
"Hoy! Sino iyan?" Tanong ni Sohan habang salubong ang kilay na nakatingin sa phone ko ngayon.
May ideyang pumasok sa isip ko. Alam ni Sohan na hindi ako nakakatanggap ng tawag kung kani-kanino at iyong taong tumatawag pa ngayon ay pupwede kong gamiting alas.
Mukhang may dahilan na para tumigil itong Kumag na ito sa katarantaduhan niya. Nakangisi kong hinarap ang phone screen ko sa kanya. "Tristan's calling. He said he's interested with me and has plans of courting me."
"Hindi ka na takot sa mga lalaki ngayon?" Panunuya niya dahilan upang mapangiwi ako. Bakit sa akin pa ata nagbackfire ang mga pinagagawa ko ngayon?
"Takot? Sinong takot? Ako?"
"Let's see kung kaya mong labanan ang takot mo Crisella, hindi iyong ako pa ang tatakutin mo."
Siraulong ito. I am scared of whom and what? "Excuse me. Si Tristan ang lumapit sa akin ah, hindi ako!"
"Halos noong nakaraan lang tayo nag-usap. Ang sabi mo pipiliin mo pang makipagkaibigan sa mga lalaki sa halip na pumasok sa romantic relationship hindi ba? What the hell is this?" Natatawang tanong sa akin ni Sohan. Ibablackmail ko dapat siya sa pagiging babaero niya, sa akin naman bumalik kalokohan ko!
"Wait! I am not in love, okay? Why would I be in love? He's a weirdo who's addicted to books. Isa pa, pinipigilan niya ako pag-s-smoke ko. That is a total turn off! Pissed off! Iniiba mo iyong usapan, Sohan!"
Talaagang inaasar lang niya ako at hindi na ako makawala sa usapang ito.
"Shut up, okay? Shut up!" It looks like I am overacting when in fact, napipikon lang ako sa pang-aasar sa akin ni Sohan! Tatalikuran ko na sana siya ang kaso naririnig ko iyong tawa niyang nakakapikon. "Fine, I am in love with Tristan!" This is bullshit!
Ibabato ko na sana sa kanya ang phone ko ngnuit napatulala nalang ako. Naka-flash sa screen ko ang ongoing call mula kay Tristan na nasa mahigit dalawang minuto na!
I guess this is my concern, isn't it?
"Uh... hello?"
Nasapo ko na lang ang labi ko ng marinig ko ang boses ni Tristan mula sa kabilang linya bago ko ibato kay Sohan ang phone ko dala ng inis.
I NEED time to breathe. May sama pa rin ako ng loob kay Sohan kaya pinili kong lumabas muna ng bahay. I need some time alone for myself. Paubos na rin ang necessities ko sa bahay kaya mag-sho-shopping muna ako at mag-g-grocery.
Nasa Beauty Bar ako para mamili ng bibilhing moisturizer at foam cleanser nang makasabay ko si Xhera na namimili ng shade ng foundation niya. Mabilis akong lumakad papunta sa kabilang aisle. Ayoko siyang makahalubilo, sumasakit ulo ko sa pkikipag-usap sa kanya.
Napadaan ako sa hilera ng lipsticks, may shade na nakakuha ng atensyon ko, kagat-kagat ko na tuloy ang labi ko habang nag-iisip kung bibili ba ako ng bagong shade ng lipstick ngayon o hindi.
"Are lipsticks better than liptints?"
Dapat pala dumiretso na lang ako sa counter at nagbayad. Pipino! I don't want to spill my juice here cooking ampalaya with Xhera. "I just love gliding the lipsticks in my lips." Saad ko at pinilit ang sarili ko na huwag ng makipag-usap sa kanya.
Nang makapagdecide ba ako kung bibili ba ako ng lipstick o hindi ay pumili na ako sa counter. In the end, I end up buying a new set of lipsticks. Maghihingalo na naman ang allowance ko nito. Mabuti sana kung makakabalik na ako sa trabaho ko.
"2741 pesos in total, ma'am." Kaagad kong inabot sa cashier iyong card ko.
Si Xhera naman nakasunod pa rin pala sa akin! "You are using Crystales product too?"
Please, I don't want to be friends with her! "Their products we're expensive but it is worth it." But I am too polite to completely ignore her. Hindi kinakaya ng resistensya ko ang presensya ni Xhera, she's just too pure for me to ignore her!
"Have you tried their new collection? The packaging was too pretty, although I haven't really tried the products."
Maybe it is not bad to shop together with her. Huwag lang namin makasalubong ang isa sa kanila, Brooke, Willow and Coral.
"GANYAN ba kalaki ang galit mo sa akin para umuwi ka ng late?" Drama agad ni Sohan na angtatampu-tampuhan ang bumungad sa akin pag-uwi ko. Gusto ko tuloy siyang tirisin. "Ano 'yan? Back to work?" Tanong niya bigla ng mapansin ang ilang paper bags na dala ko.
"Tsk! Hindi. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para ipahamak ko ang sarili ko."
"Nag-dinner ka na?" Aba, umaasta na naman si Tukmol na walang ginawang kasalanan sa akin oh! "I bought some Shawarma rice. Gusto mo?"
Umupo ako sa sofa at ipinatong sa center table ang mga paa ko habang chinecheck ang shade ng lipsticks na nabili ko, iyon talaga ang gustong-gusto ko sa mga pinamili ko kanina."Mamaya na!" Bulyaw ko kay Sohan subalit bigla kong naaalala iyong dahilan kung bakit ko siya nilayasan kanina.
I know the mali ko iyon in the first place pero pinrovoke kasi ako ni Sohan! This is absurd! Paano na lang pagbalik ko sa campus?!
Kunsabagay, kulang-kulang isang linggo kaming walang pasok. Hindi ko naman kailangang pumunta sa campus para lang mag-training kung pwede namang dito na lang ako sa village. Makakalimutan na rin naman siguro ni Tristan iyon ano? At kung magtatanong man siya tungkol sa sinabi ko sasabihin ko na lang agad ang totoo!
Aba, sige lang, Crisella. Hayaan mo ang sarili mo na ma-stress.
Napapadyak na lang ako sa inis at tumayo mula sa pagkakahilata ko sa sofa para lapitan si Sohan at lantakan ang binili niyang shawarma. Akala ko ay tahimik na akong makakakain ngunit hahalungkatin pa rin pala ni Sohan iyong kagagahan ko.
"Na-in love ka talaga sa g×gong iyon?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Sohan habang nginunguya niya ang shawarma, binuksan pa niya ang bote ng soju subalit bago pa niya mainom iyon ay mabilis kong hinila iyon mula sa kanya at ako mismo ang uminom niyon ng dire-diretso.
Mabilis na nangalahati ang bote ng soju dahil sa ginawa ko. "Itigil mo na ang pagtatanong, please. It was a joke. Naniwala ka?"
"Tss! Wala naman na akong magagawa para pigilan iyang nararamdaman mo. Ang akin lang naman baka hindi ka itrato ng tama nung Tristan na iyon."
Nasamid ako sa iniinom ko dahil sa pinagsasabi ni Sohan, lasing na ata itong Kumag na ito. Ipipilit talaga niya kahit na hindi naman totoo iyon.
Pagod na akong makipag-argue. Kaya sige, sasakyan ko na lang kung anong gusto niyang paniwalaan. "Wala naman akong plano na pumasok sa intimate relationship, okay? Pero tama ka, hindi ko mapipigilan itong nararamdaman ko." Nang maramdaman ko ang tama ng soju sa akin ay mabilis kong naisubo ang shawarma.
"My only concern here is that, I treat you right. I treat you like you are my little sister at anong gagawin ni Tristan? Gagawin ka niyang girlfriend niya for what? Tapos hindi naman siya maglalaan ng oras para sa iyo dahil abala siya sa pagbabasa ng mga libro?"
Tumigil ako sa pagkain at kunot-noong napatingin kay Sohan. "Kahit ba ma-in-love ang Kupal na iyon ay itutuon pa rin talaga niya ang oras niya sa pagbabasa sa halip na bigyan ng oras ang girlfriend niya?"
Nagkibit-balikat si Sohan sa sinabi ko. "Well, I'm not sure. Ang alam ko lang nagawa niyang mag-repeat ng dalawang taon dahil puro pagbabasa ng kung anu-anong novels ang inuuna niya."
That jerk seriously wasted the two years in his life. Well, I am not in the position para sabihin na nasayang talaga ang buhay niya in that two years. Who knows, he must have enjoy those years of his youth reading novels.
"What if ikaw pala talaga itong in love kay Tristan?" Nakangiwing sabi ko kay So kaya naitaas ko niya ng middle finger niya sa akin, ang kaso patola ako kaya binawian ko siya.
"The fck, Crisella?"
Tinawanan ko lang siya habang pikon na pikon siya sa kin. Kung hindi lang niya ako mahal, kanina pa ako nabatukan niyan.
"Nagdidilim paningin ko sa'yo, Crisella, umalis ka nga sa harapan ko."
Tapos na rin naman akong kumain kaya talagang iniwan ko na siya roon. Binitbit ko ang mga pinamili ko sa kwarto ko para ayusin iyon. Mabilis naman akong napatalon sa kama ko ng makita ang dalawang paper bag na nakapatong doon. Nang buksan ko ang unang paper bag ay bagong cellphone ang laman niyon, samantalang iyong Mary Jane's shoes na matagal ng target ng mga mata ko ang laman ng isa. Ito iyong pangako ni Sohan oras na magpagaling agad ako.
Sumilip ako sa labas ng kwarto at tinanaw si Sohan na abala pa sa pag-inom at pagkain. "So, I love you!" Sambit ko at itinaas ang middle finger ko sa kanya bago bumalik ng kwarto at buklatin ang regalo niya.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top