Chapter 55

Chapter 55: Never say never, little Daffodils
CRISELLA'S POV

"OH MY, Crisella!" Rinig na rinig sa buong silid ang sigaw ni Xhera. Magpapanggap na sana ako na hindi siya nakita pero nakita naman na niya ako. "How's your legs? Hindi na ba masakit? Kamusta ang follow up check up mo?"

"I'm... fine." Usal ko bago alisin ang braso niyang nakapatong sa balikat ko.

"Ohhh-kay? I see, hindi ka pa tapos magpasukat." Tatango-tangong aniya bago sumilip sa pila na nasa harapan ko.

Excuse pa rin naman ako kaya hindi na ako pumapasok. Ngayon lang ako nagpunta sa campus para sa graduation picture at sukatan ng toga namin. Saglit pa akong tinignan ni Xhera bago ako tapunan ng ngiti at yakapin, mabilis din naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at nagpaalam ng aalis siya.

Hindi na ako nakaimik pa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Saktong ako na ang kasunod na susukatan ng tog kaya lumapit na agad ako sa tagasukat.

Matapos iyon ay umalis na agad ako roon para umakyat sa room kung saan ginaganap ang graduation picture namin ngayon. Malalim na lang akong napabuntong hininga habang tinitignan ang cellphone ko, umaasa akong sisipot si Sohan ngayon para sa graduation picture, sabay pa kaming ga-graduate eh.

"Crisella? Hoy! Bigyan niyo ng upuan si Crisella!"

Napaigtad ako sa biglang pagsigaw ni Dessa pagpasok ko sa katabing room kung saan kasalukuyan ang graduation photoshoot. Ito ang designated room para mag-ayos kami, may kalakihan ang room na ito kaya halo-halo ang section at strand na nandito.

Hindi ko na kinailangang maghanap ng mauupuan dahil inalok na sa akin ni Dessa ang upuan malapit sa electric outlet. Inaalala pa rin siguro niya ang binti ko kaya kinuhaan agad niya ako ng upuan.

"Thanks," pasasalamat ko bago maupo sa upuan na inilaan niya para sa akin. Nakangiti naman siyang nagthumbs up sa akin. "You're pretty." Ngiti ko ng mapansin ang makeup niya na bumagay sa kanya.

Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya na nasundan ng paghagikgik. "Oh my! Really? Gosh! Nababading ako sa'yo, Crisella!"

Nginitian ko na lang siya bago ko ilabas ang mga gamit ko para mag-ayos. May makeup artist pang kasama ang ilan sa schoolmates ko, kung susumahin ay pupwede akong magrequest ng makeup artist sa team namin galing kay Miss Ryumi, si Miss Ryumi na rin nga ang nag-alok sa akin na magpaayos sa isa sa mga makeup artist na hawak niya pero tumanggi ako, mas gusto kong ako ang mag-aayos sa sarili ko.

Inaangat ko ang buhok ko at nagsimulang i-mosturize ang mukha ko. May isa't kalahating oras lang ako para mag-ayos kaya kailangan kong bilisan. I'm looking forward for our graduation photo, hindi ako papayag na hindi ako maganda sa picture.

Subalit sa halip na magmadali ay natutula na lang ako sa salamin. Akala ko ay magiging maayos na ako subalit patuloy pa rin akong binabagabag ng napakaraming bagay. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring paramdam si Sohan.

"Section na ninyo ang kasunod, tulungan na kita?"

Nabitawan ko ang makeup brush na hawak ko ng marinig ko ang boses ni Tristan. Ilang ulit pa akong napakurap bago ko iangat ang paningin ko sa kanya. Nanghihina na ang mga daffodils sa mga mata niya. May kung ano na namang kumukurot sa puso ko habang sinasalubong ang mga tingin niya.

Sa huli ay hindi ko siya nagawang imikin. Namalayan ko na lang na kinuha niya ang makeup brush na nabitawan ko, pinalitan iyon saka ako tinulungan sa pag-a-apply ng makeup ko.

Hindi naman ito ang unang beses na tinulungan niya akong mag-ayos, ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Nangingibabaw ang takot at pangamba ko?

"Kumusta ka na?" Tanong niya kung kaya't mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Ito na naman iyong pakiramdam na may kung anong pumipiga sa puso ko.

Tila ba anumang oras ay tuluyan ng bubuhos ang mga luha ko.

Sandali akong napalunok bago siya bigyan ng tugon. "A-ayos lang." Kasalanan ko naman lahat ng 'to. Kasalanan ko kung bakit parang hindi na namin kilala ang isa't isa.

"Ay ganoon? Ibang makeup artist pala ang kailangan para mag-ayos?"
"Ang landi! Wala! Hindi na raw kayo ga-graduate!"
"Sir! Pakialis sa list ng ga-graduate si Crisella at Tristan!"

Ang ingay ng mga kaklase namin kaya napigilan ko ang kamay ni Tristan na inaayos ang blush on ko. Subalit nginitian lang niya ako at pinisil ang ilong ko, sinisiguro sa akin na ayos lang.

Pero hanggang saan ang ayos na iyon?

I just want to get of this situation. Gusto ko ng umuwi.

"IS THIS the dress that you want to wear on your graduation?" Tanong ni Miss Ryumi habang tinitignan iyong dress na napili ko. Siya pa mismo ang umorder 'nun abroad.

"Ayaw kong magsuot ng magarbong dress, I want it to look simple and elegant." Ngiti ko sa pagitan ng paglilinis ng nails ko.

"All right, it is your decision. Besides, nandito na 'to. I'm sure that you can pull off this dress anyway," ibinalik na lang ni Miss Ryumi ang sa dress sa box niyon. "Geez. Bukas na pala ang graduation ninyo. Sino pa lang kasama mo umakyat sa stage?"

Saglit kong naibaba ang nail polish na hawak ko. Nagsisimula na namang akong guluhin ng mga agam-agam ko kaya sunod-sunod akong napalunok habang ikinakalma ang sarili ko. "Si Sohan. You see, he's my grandfather, father, uncle and kuya."

"Uuwi naman ba si Sohan?"

"Miss Ryumi, hindi ako matitiis ni Sohan. Uuwi iyon. Ako na ito eh." Ngiti ko subalit hindi ko maintindihan kung bakit may nararamdaman akong takot sa mga oras na banggitin ko ang mga katagang iyon.

Saglit lang akong pinaningkitan ng mga mata ni Miss Ryumi bago niya ipagpatuloy ang ginagawa niya sa laptop niya.

Nagsabi ako sa kanya na uuwi muna ako sa bahay, may mga gamit akong kailangan ayusin, higit sa lahat, hindi ko pupwedeng iwanan na makalat ang bahay. Ayaw maniwala ni Miss Ryumi sa akin na uuwi ako kaya sinamahan pa talaga niya ako rito.

Ano nga ba sa tingin niya ang gagawin ko mag-isa rito? Paano kung gusto ko lang matulog? Saglit ko pang tinignan si Miss Ryumi saka ko ipinagpatuloy ang pagpapaganda ng nails ko.

Akala ko ay uuwi na si Miss Ryumi kinagabihan subalit dito na rin siya natulog. Ayaw talaga niya akong iwanan mag-isa. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko, iniisip ata niyang magpapatiwakala ako rito sa bahay oras na maiwan akong mag-isa...

"Pagod na ako..."

May biglang pumiga sa puso ko, naninikip at ang sakit ng dibdib ko dahil sa biglang pagbalik ng alaalang iyon sa akin. I was young. Maybe that's normal.

Bata pa ako noon kaya kung anu-ano sigurong sumagi sa isip ko.

Napailing na lang ako at pilit na iwinaksi ang mga alaala sa nakaraan na hindi ko na dapat pa maalala. Sa dami ng mga bumabagabag sa akin nitong mga nagdaang araw ay nagsisimula na ring makahabol sa akin sa kasalukuyan ang mga alaala na kinalimutan ko na.

Paano pa ako makakausad kung patuloy na silang nakakahabol sa akin?

Sa dami ng iniisip ko bago matulog ay hindi ko na alam kung paano pa ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa magkakasunod na alarm ko. It's graduation day. Of course, hindi ako pupwedeng ma-late.

Pinasadahan ko pa ng tingin ang cellphone ko, wala pa rin si Sohan hanggang ngayon. Ni wala pa ring tawag o message, pero naniniwala akong dadating at dadating pa rin siya ngayon.

Malalim na lang akong napabuntong hininga bago magdesisyong bumangon na mula sa kama. Patungo na ako sa washroom nang mapansin ko si Miss Ryumi na nakatulog na sa couch. Naiwan pang nakabukas ang laptop niya at ilang folder na nasa center table. Inayos ko naman ang kwarto ni So na pansamantalang nabakante para roon siya matulog kagabi. Nauna akong magtungo sa kwarto ko kagabi kaya hindi ko na nakita kung natulog nga ba siya sa kwarto ni Sohan.

Dumiretso na lang ako sa washroom dahil kailangan ko ng maligo.

Pagkatapos kong maligo ay saktong may sunod-sunod na nagdoorbell. Pinapatuyo ko pa ang buhok ko nang tumakbo ako sa labas. Doon ko naabutan si Miss Ryumi na kausap iyong nasa gate, saglit na nagsalubong ang kilay ko at doon ko napagtantong makeup artist ang nagdoorbell.

Bagsak ang mga balikat ko na bumalik sa loob. Akala ko ay si Sohan na.

"Good morning! Nakaligo ka na pala!" Bati sa akin ni Miss Ryumi na sumunod pala sa akin sa kitchen.

Nginitian ko siya bago abutan ng tasa ng kape na may laman ng hot water. "Good morning! Anyway, why did you send a makeup artist here? Hindi ba at sabi ko kaya ko naman na ang sarili ko?"

"She's not your makeup artist, Crisella. That's my assistant, don't mind her." Natatawang pahayag ni Miss Ryumi at bahagyang pinisil ang balikat ko. "This is your makeup artist." Itinuro niya ng nakangiti ang sarili niya kaya nalilitong umawang ang labi ko.

"H-huh?"

"I want to be the one to make you beautiful today, okay? Huwag ka ng tumanggi. Isipin mo na lang na bonding natin ito." Humagikgik na aniya. "Mag-breakfast ka na. Dalian mo at ng maayusan na kita, okay?" Tinapik pa niya ang balikat ko saka siya nagtungo pabalik sa salas bitbit ang dalawang tasa ng kape.

Napakibit balikat na lang ako bago maprito ng ham at hotdogs. May natira pang kanin kagabi kaya isinangag ko na iyon. Binilisan ko lamg ang pagluluto para makakain agad ako. Hinatiran ko lang ng pagakin sa salas si Miss Ryumi at ang assistant niya saka ako ang kumain.

"Kumalma ka muna, Crisella. Stop overthinking. This day is important to you, isn't it?" Pinisil ni Miss Ryumi ang magkabilang balikat ko habang nakaupo ako at nakaharap sa salamin.

Kahit na magulo pa ang isip ko ay sinubukan kong kumalma tulad ng sinabi ni Miss Ryumi, saka ko siya binigyan ng ngiting naniniguro na ayos lang ang lahat. Napangiti na lang din si Miss Ryumi nang makita ang pagngiti ko mula sa salamin. Ikinabit na niya ang dalawang magkahiwalay na hairclips sa buhok ko para pigilan iyon sa pagharang sa mukha ko bago niya ako simulang ayusan.

Mag-a-alas siete na nang matapos si Miss Ryumi sa akin. Napangiti na lang ako habang tinitignan ang reflection ko sa salamin. Ni hindi nagtanong si Miss Ryumi sa akin kung anong ayos ang gusto ko ngayong araw, iyon ay dahil alam niyang tiwala naman ako sa pag-aayos niya sa akin.

"You're the prettiest, Crisella!" Nakangiting sambit ni Miss Ryumi habang nakangiting nakatingin sa akin mula sa salamin.

Sinuklian ko na lang din siya ng ngiti kahit may parte ko na naalala si Sohan.

"Come on, magbihis ka na. Ako na maghahatid sa'yo sa venue!"

Kaagad naman akong sumunod kay Miss Ryumi saka ako nagmamadaling nagtungo sa kwarto ko para isuot na ang dress na si Miss Ryumi mismo ang gumawa para sa akin. Ang tagal kong plinano noon na ako ang gagawa ng sarili kong dress para sa graduation subalit hindi naman natuloy dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko nitong mga nagdaang araw.

Nakaayos na ako nang lumabas ako sa kwarto. Kakatapos lang din ni Miss Ryumi kaya napaawang ang labi ko, mukha pa siyang bagong gising kanina ngayon ay ayos na ayos na agad siya.

"Hurry up! Baka ma-traffic tayo!" Hinatak na ako ni Miss Ryumi palabas ng bahay. "Viy! We're going!" Nagmamadaling paalam niya sa assistant niyang naiwan sa loob na kinawayan lang siya pabalik.

Sumakay na ako sa passenger seat at kaagad na isinuot ang seatbelt.

"Alam mo na ba kung saan ka pipila roon, Crisella? You didn't attend your graduation practice." Pahayag ni Miss Ryumi matapos niyang mabuksan ang makina ng kotse niya at nagmamadaling paandarin iyon.

Napakibit balikat na lamang ako habang nasa bintana ang paningin ko. "Dunno. Madali na lang iyon basta makita ko ang mga kaklase ko, susundan ko na lang sila."

Napansin kong sinulyapan pa ako ni Miss Ryumi saka niya tuluyang itinuon na sa kalsada ang paningin niya. Akala ko ay sa labas kami ng school gagraduate dahil ang usap-usapan noon ay sa Araneta Coliseum o sa PICC ang venue ng graduation, iyon pala, para lang sa college iyon at hindi kami kasamang mga nasa senior high school.

Traffic na sa kalsada malapit sa campus. Hindi na makausad o makaabante man lang ang kotse ni Miss Ryumi dahil sa dami ng sasakyan. Frustrated pa niyang nahampas ang busina ng sasakyan niya kaya nahimas ko na lang ang batok ko saka inalis ang seatbelt ko.

"I'll walk from here," itinaas ko ang phone ko. "You can go back home na muna, magpahinga ka na muna ulit Miss Ryumi. I haven't thank you pa pala, thank you for helping me today!" Sambit ko at yumakap sa kanya saka ako nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya dahil nagmamadali na akong maglakad papunta sa campus. Kapag na-late ako ng dating sa venue panigiradong mahihiwalay ako sa section ko.

Papasok na ako sa kabilang gate ng school papunta sa auditorium nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Ganoon na lang ang pagdagundong ng puso sa pag-asang si Sohan na iyon.

"S-So---Tristan!"

Mas lalong nagkarambola ang puso ko nang si Tristan ang siyang bumungad sa akin. Wala nang kabuhay-buhay ang mga mata niya subalit nginitian pa rin niya ako sabay abot ng isang bugkos ng bulaklak sa akin.

Magpapasalamat pa lang sana ako pagkatanggap nang bulaklak mula sa kanya ngunit hinatak na niya ako para ikulong sa mga bisig niya.

"Crisella ko, na-miss kita..." Usal niya habang yakap-yakap ako nang mahigpit.

Mas lalo lang nadurog ang puso ko. No, I'm sorry. Puro na lang takot ang nararamdaman ko ngayon. Oras na para sabihin ko kay Tristan kung anuman ang dapat kong sabihin ngayon. Subalit ito nga ba ang tamang pagkakataon para rito? Pero kung hindi pa ngayon, kailan pa? Kailan ko pa patatagalin ito?

"Uh, sorry. Kailangan mo na atang pumila sa section ninyo." Saad niya matapos na bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Nahihirapan akong salubungin ang mga tingin niya kaya naman hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya.

"Tristan... a-ano..." Gosh! Spill it Crisella, stop spilling that damn juice. Napalunok na lang ako at napahigpit ang pagkakahawak sa bugkos ng bulaklak. "L-Let's..."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko kung kaya't naangat ang paningin ko sa kanya. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko habang sinasalubong ang tingin niya. "Hmm... yeah. Let's talk later okay? After graduation ceremony, sa parking lot---oh! Maraming tao roon ngayon, I'll see you sa garden later, okay? Puntahan ko lang si Mama, naliligaw na ata." Bahagya siyang natawa bago ako dampian ng halik sa noo.

Nawala na naman tuloy ako sa sasabihin ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang panoorin siyang kawayan ako ng nakangiti bago tuluyang tumakbo palabas ng campus.

"Umiiral na naman ang katangahan mo, Crisella." Napabuntong hininga na lamang ako saka nagtungo sa auditorium.

Tama nga ako, nakapila na ang section namin. Halos nasa likuran naman ang pangalan ko kaya madali lang akong nakapila. Lahat ay may mga kasamang ng parent o kanya-kanyang guardian habang ito ako at mag-isang nakapila ngayon.

Binuksan ko ang cellphone ko paulit-ulit na tinawagan ang number ni Sohan. Ilang linggo ng out of coverage ang phone number niya subalit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Pupunta si Sohan ngayon, alam kong pupunta siya para sa akin, pupunta siya para sa graduation namin.

We promised to each other na sabay kaming ga-graduate. Kung saan siya mag-co-college ay doon din ako. Palagi namang ganoon, kung nasaan ako ay nandoon palagi si Sohan. I know that he'll come. Dadating at dadating si Sohan.

Hindi pupwedeng hindi dahil sino na lang ang magsasabit ng medals ko kung wala siya?

Nagsimula kaming magmartsa patungo sa kanya-kanyang upuan namin ay balisang-balisa ang isipan ko. Alam ko namang dadating si Sohan subalit bakit hindi pa rin ako mapakali? Dahil ba alam ko sa sarili ko na niloloko ko na lang ang sarili ko?

"Crisella, dito tayo."

Makailang ulit akong napakurap ng hilahin ako ng kasunuran ko sa pila dahil nagdire-diretso ako sa pagmartsa. Napakibit balikat na lang ako at naupo sa upuang nakalaan para sa akin. Itinuon ko na muna ang atensyon ko sa harapan. Section na nila Tristan at Sohan ang nagmamartsa ngayon. Kasama ni Tristan ang si Tita Hayley na nagmartsa patungo sa upuan niya.

Hindi ko naman dapat sundan pa ng tingin si Tristan subalit natuon ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya habang naglalakad siya patungo sa pwesto niya. I hate this. I hate the fact that even at this point I'm still admiring him. Ni hindi ko nga magawang salubungin ang nga tingin niya sa akin kanina. Why does he have to look good in that maroon polo with his toga on top of it? I love him and I hate him just the same. If only I can have our happy ending together...

"Teh, sa stage ang tingin at hindi kay Tristan," kalabit sa akin ng katabi ko kaya binato ko siya ng masasamang tingin.

Nilubayan ko lang ng tingin si Tristan ng makita kong nakaupo na siya sa seat niya.

Napakaraming speeches sa buong graduation ceremony. Kung normal lang siguro ang lahat ngayon ay tiyak na inaantok na ako subalit hindi. Malapit sa stage ang pwesto nila Tristan kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para tignan siya. Buong graduation ceremony ay nasa kanya lamang ang paningin ko. Dahil alam kong ito na ang huling beses na magkikita kaming dalawa.

Biglang lumingon si Tristan sa direksyon ng section namin, mukhang hinahanap niya ako. Nag-iwas na tuloy ako ng tingin sa kanya. Kami na rin pala ang sunod na aakyat sa stage. Umayos na ulit ng pagkakapila ang mga kaklase ko kaya sumunod na rin ako. Ibinaba ko muna ang bouquet ng bulaklak na binigay sa akin ni Tristan saka ako sumunod sa kanila.

Kasama na naman ng mga kaklase ko ang kani-kanilang parents nila habang ito ako, nag-iisa pa rin. Desperada na ako habang patuloy kong minemessage at tinatawagan si Sohan. Isa-isa ng tinatawag ang pangalan ng mga kaklase ko paakyat sa stage ay wala pa rin si Sohan.

Sohan nasaan ka na ba?!

Inilinga ko ang paningin ko sa paligid, umaasang makikita ko si Sohan na papalapit sa akin. Subalit kahit hagilapin siya ng paningin ko ay hindi  ko naman siya makita.

Nagsisimula nang mamuo ang mga luha ko kaya sunod-sunod na lang akong napalunok. Malapit na akong umakyat sa stage pero wala pa rin si Sohan. Anong silbi ng achievements ko buong school year kung wala si Sohan ngayon?

Hawak-hawak ko ang magkaparehong kamay ko, nanginginig na ang mga ito. Nahihirapan na rin akong pigilan ang mga luha ko na nagbabadya ng bumuhos.

"Travios, Crisella." Nahihirapan na akong lumunok ng matawag ang pangalan ko para umakyat sa stage. "Grade 12 batch 20xx-20xx rank 3, Philippine Senate Gold Awardee, Leadership Awardee, Outstanding Performance in Communication Arts in English and 20xx Intramurals Champion in Track and Field Female Awardee."

Tulala na akong nakatingin sa stage. Hindi ko na magawang maihakbang pa ang mga paa ko patungo roon para kamayan ang principal, head teachers at ang guest. Hindi pa rin ako humahakbang patungo sa stage kaya napalingon na ang lahat sa akin.

Nasa akin ang atensyon ng lahat ngayon habang pilit kong pinipigilan ang pagbuhos ang mga luha ko sa harapan nilang lahat. Hindi ako aakyat sa stage ng wala si Sohan. I worked hard for this, hindi lang para sa sarili kung hindi para na rin kay Sohan kaya anong silbi ng pagtuntong ko sa stage na iyan ng wala siya?

"Crisella?" Narinig ko ang boses ni Tita Hayley. Nang nilingon ko siya ay kasunod niya si Tristan at si Xhera, sa palagay ko ay plano niya akong samahan na umakyat sa stage.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. Plano ko ng bumaba sa stage at tumakbo na lang palabas ng campus subalit nagulat ako ng mayroong humawak sa palapulsuhan ko. Muli ay umasa akong si Sohan na iyon ngunit nagkamali lang ulit ako, dahil si Miss Ryumi ang nasa harapan ko ngayon.

"Crisella, let's go." Aniya habang pinipilit akong umakyat sa stage.

"I-I'm not going without S-Sohan." Saad ko subalit napabuntong hininga na lang si Miss Ryumi saka ako inakay nang tuluyan sa stage.

Nanghihina na ang katawan ko para manlaban pa sa kanya kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya.

"Again," tumikhim pa muna ang speaker bago muling banggitin ang pangalan ko. "Travios, Crisella. Grade 12 batch 20xx-20xx rank 3, Philippine Senate Gold Awardee, Leadership Awardee, Outstanding Performance in Communication Arts in English and 20xx Intramurals Champion in Track and Field Female Awardee."

"Congratulations."

Kahit na nginingitian ako ng guest, teachers at principal ay tinanguan ko lang sila saka ako dali-daling bumaba sa stage. Ngunit isang hakbang na lang pababa at halos mawalan na ako ng balanse, mabuti na lamang at naalalayan ako agad ni Miss Ryumi.

"Crisella, stop fooling yourself. Sohan's not coming back." Mariing paalala sa akin ni Miss Ryumi ngunit magkakasunod na iling lamang ang naitugon ko sa kanya. Wala na akong lakas para makipagtalo pa.

Nasaan ka na ba Sohan? Nakaakyat na ako ng stage. Wala ka pa rin. Babalik ka pa naman hindi ba?

"Come here, Crisella. We're blocking the way." Anas ni Miss Ryumi bago ako alalayan para tumabi mula sa hagdanan ng stage. "You're losing your poise. You look ugly and you mess up your moment in the stage. Is this what you what for yourself? You want to be happy don't you? Do you think that you will be happy after all of this?"

Napunasan ko ang mga mata ko gamit ang likuran ng mga palad ko. Nagsisimula na ring tumulo ang sipon ko habang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Sa sitwasyong ito, para na naman akong batang naghahanap ng matutuluyan. "H-How can I be h-happy without S-Sohan, Miss Ryumi? T-Tell me!"

"You're life doesn't end here, Crisella. Get yourself together."

Napayuko na lamang ako habang hawak-hawak ang dibdib ko. Pagod na akong makipagtalo.

"Crisella," hindi ko pa man naaangat ang tingin ko kay Tristan ay nayakap na niya ulit ako. Sa palagay ko ay nakaakyat na siya sa stage at kabababa lang.

Oh God! Bakit nga ba nakalimutan ko na hindi ko lang graduation day ito? Maging si Tristan. He must have been worried about me. After two years of repeating, he surely looked forward to this day pero anong ginawa ko? I ruined it for him.

Inilayo ko siya mula sa pagkakayakap sa akin para harapin ako.

I shouldn't wait any longer. Hindi ko na kailangang patagalin pa ito. Ilang beses ko pa bang masisira ang mahahalagang araw para sa kanya?

"I-I know that the graduation ceremony isn't over... b-but I need to talk with you." Nahihirapan man akong sabihin ang mga salitang ito ay itinuloy ko pa rin. Para rin naman sa kanya ito.

Namilog ang mga mata niya saka marahang umiling sa akin. "C-Can we just... talk later, C-Crisella?"

Ako naman ang umiling sa kanya at bahagya siyang nginitian. "I-I know that this is r-rubbish but let's talk about it... now." Anas ko bago ko hawakan ng mahigpit ang kamay niya at patakbo siyang hinatak patungo sa garden.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya habang tumatakbo kami patungo sa garden. Alam kong ito na ang huling pagkakataon na mahahawakan ko ang kamay niya.

Alam kong masasakatan kaming dalawa dahil sa desisyon ko, subalit mas lalo lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin ito. Nang makarating sa garden ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nananatili pa rin siyang nasa likuran ko, hindi ko rin naman kaya siyang harapin.

Napagdesisyunan ko naman na ito pero bakit nahihirapan akong bitawan ang kamay niya ngayon. He's important to me that is why I have to do this.

"C-Crisella...?" Ramdam ko ang panginginig ng kaliwang kamay ni Tristan... o baka sa akin iyon?

Nakagat ko na lang ang pag-ibabang labi ko at lakas loob siyang hinarap. "T-Tristan... congratulations." Pahayag ko at pilit siyang nginitian kahit alam kong hindi na abot sa mga mata ko ang ngiti ko. "Sorry, I-I wasn't able to p-prepare a g-gift for you. Maybe ihahabol ko na lang... Acheloisly's signed book, I guess?" Nahihirapan na akong ituloy ang mga dapat kong sabihin, pakiramdan ko ay babagsak na ako mula sa kinatatayuan ko. "Y-You finally made it here. If you only knew how much proud I am to you. I-I just hope t-that I can see you g-graduate in c-college."

"Hindi k-ko kailangan ng kahit anong regalo Crisella ko, j-just s-stay by my side. B-bakit ba nagsasalita ka ng ganyan? Para namang i-iiwan m-mo a-ako..."

Napayuko na lang ako bago abutin ang parehong mga kamay niya. Sorry... "Napag-usapan natin noong nakaraan hindi ba...? Na kapag mas mataas ang g-general average ko ibibigay m-mo kung anong gusto ko?"

"Crisella, please. I know where this is going. D-Don't do this, please... Crisella, nakikiusap ako huwag mo akong iwan..."

Mas lalong naninikip ang dibdib ko ng humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Naririnig ko rin ang mahinang paghikbi niya kaya mas lalo ako nanghihina. "I just want you to be happy, Tristan. Live your life..." Kailangan kong gawin ito para sa ating dalawa, para sa'yo. "... without me. H-have your happy ending without me, T-Tristan."

"Talaga b-bang n-n-napagod ka na sa a-akin kaya iiwan mo ako? H-Hindi mo na ba k-kinaya iyong p-paging corny ko? Naiirita ka na ba sa akin? Crisella, magbabago ako... please, huwag mo lang akong iwanan."

Please, huwag mo na akong pigilan Tristan. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanya kahit nahihirapan akong salubungin ang mga tingin niya, dahil alam kong umiiyak na siya, umiiyak siya dahil sa akin. "Hindi ako napagod. Bakit ako mapapagod sa'yo kung ikaw iyong pahinga ko? A-Alam mo ba kung gaano kakomportable iyong batang ako sa iyo? Natatakot lang ako, natatakot lang akong masaktan ka dahil sa akin. H-Hangga't hindi gumagaling iyong s-sugat ko sa nakaraan masasaktan at masasaktan lang kita... h-hindi ko kayang saktan ka pa lalo kasi ganoon kita kamahal Tristan."

Binitawan ko ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa akin. Inalis ako ang graduation cap niyang nalaglag na sa ulo niya saka marahang hinawi ang nagulo niyang buhok.

"I-I'm sorry t-that I have to d-do this. Please live your life without me, okay?"

"Sinanay mo akong nandyan ka palagi. Sa tingin mo ba magiging masaya ako ng wala ka, Crisella? It will never be a happy ending without you!" Mas lumala ang panlandas ng mga luha niya habang nanginginig ang mga kamay niya na hawak-hawak ako. "Wala akong pakialam kung masaktan ako Crisella, basta kasama kita, magiging ayos ang lahat! Please, huwag mo akong iwanan..."

"Pero h-hindi ko kayang makita ka na n-nasasaktan dahil sa akin!"

"Nakakalimutan mo na ba? Alam mong handa akong magpatalo palagi para sa'yo hindi ba...?"

Doon ko na tuluyang binitawan ang mga kamay niya at magkakasunod na umiling. Hindi na dapat ako manatili rito dahil alam kong maaari kong bawiin lahat ng mga salitang binitawan ko. Sa halip na bitawan na siya ay baka lalo ko pang higpitan ang paghawak ko sa kanya. "Tama na, Tristan..." should I say it? Kailangan ko pa ba talagang magsinungaling sa kanya para lang tuluyan niya akong bitawan? Kailangan nga ba talagang kamuhian niya ako para tuluyan siyang bumitaw? No, no! This is enough. Hindi ko na kailangan pang dagdagan lalo iyong pananakit ko sa kanya. "I failed with my promises, I'm sorry, I wouldn't be able to write a happy ending with you."

Sa huling pagkakataon ay inabot ko ang mga pisngi niya para dampian siya ng halik doon. Wala na akong narinig pa muli sa kanya. Nagsimula na akong humakbang papalayo habang may natitira pa akong lakas.

This is for your happy ending, Tristan.

At sa tuluyan kong pagbitaw sa kanya ay doon na rin tuluyang nalanta ang mga bulaklak na namumuhay sa mga mata niya. Kung ako ang dahilan ng sigla ng mga daffodils na iyon noon; ako rin ang siyang dahilan ng tulayang pagkalanta ng mga iyon.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top