Chapter 54

Chapter 54: All I want is for you to have a Happy Ending
CRISELLA'S POV

"I'M REALLY sorry for the inconvenience, Miss R-Ryumi." Anas ko pagkaabot niya sa akin ng isang tasa ng tsaa.

"This isn't you, Crisella. Bakit nagkakaganyan ka? Anong nangyari?" Tanong niya sa akin matapos na maupo sa kabilang dulo ng couch. "Okay, I'll refrain from asking you for now, pero kapag ayos ka na, sabihin mo sa akin kung anong nangyari. You made me worry, bigla ka na lang tumawag sa akin ng umiiyak," malalim ang naging pagbuntong hininga niya kaya nainom ko na lang ang tsaa na binigay niya sa akin. "All right, inumin mo na muna iyan para kumalma ka. If you want, you can take a bath in the bathroom as well. Do you want me to prepare it for you?"

Mabilis akong umiling ng hindi siya nililingon. Ipinagpatuloy ko na lamg ang pag-inom ng tsaa. Gumaan man ang pakiramdam ko kahit papaano ay hindi naman naalis niyon kung ano ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Nahihiya man ako kay Miss Ryumi ay ginamit ko na ang natitirang lakas ko ng loob para manatili sa puder niya pansamantala. Kung hindi lang dahil sa kagagawan ni Gheme baka kung saan na ako nagpunta makalayo lang kay Tristan ng hindi naaabala si Miss Ryumi.

Laking pasasalamat ko na lang talaga at pinatuloy niya ako rito sa condo niya.

Malalim akong napabuntong hininga bago mapatingin sa tasang hawak ko na wala na pa lang laman ngayon.

"Eh? Ubos mo na agad? Whatever. This one may help you better," sinasalinan na ni Miss Ryumi ang wine glasses ng mapalingon ako sa kanya. Nakangiti naman niyang inabot ang isang wine glass sa akin na naglalaman ng red wine. "I'll let you have some wine, Crisella but you are not allowed to drink liquor. Unless you are willing to clean your mess."

Alanganin na lang akong napangiti sa kanya at tinanggap iyong glass na inabot niya sa akin.

Who would have thought that I'm staying in the same place with my manager slash boss? Drinking wine. Bigla tuloy akong napaisip: paano kung hindi ako nag-shoplifting sa stores ni Miss Ryumi noon? Will we meet each other?

I can't help but to look up to her as my ate. Noong bata pa ako gustong-gusto kong magkaroon ng ate, hindi iyong ako ang ate sa aming magkakapatid subalit hindi naman ako ginagalang ng mga kapatid ko noon.

If afterlife do exist, I want Miss Ryumi to be my sister.

"Crisella, there's an overlooking view in the balcony. You can stay there para makalanghap ka rin kahit papaano ng fresh air---well, is there still a fresh air here in Manila?"

Napaawang na lang ng bahagya ang labi ko ng mapansin ko ang pag-ikot ng mga mata niya sa ere na nasundan ng magkakasunod na iling.

Tumango lang ako bago muling sumimsim sa wine glass na hawak ko. Sa oras na mas komportable na akong maglakad-lakad ng wala ang crutches ko aalis din naman agad ako sa condo ni Miss Ryumi.

Subalit makaraan ang ilang araw at kulang-kulang isang linggo ay paunti-unti pa rin ang progress sa binti ko. Hindi ko pa rin kayang makatayo sa sarili kong mga paa ng walang saklay. Dumaan ang ilang araw ng nananatili lamang ako sa condo unit ni Miss Ryumi.

Wala naman siyang hinihinging kapalit sa pananatili ko rito. Ako na ang nahihiya sa pagpapatuloy niya sa akin kaya tumutulong ako sa paglilinis at pagluluto pero pinapagalitan lang niya ako. Pinipilit niya na magpahinga lang dapat ako. Nang minsan ngang maabutan niya ako na nagluluto ay natawag niya agad ang yaya niya para iyon na raw ang bahala sa mga gawaing bahay na naiiwan niya sa tuwing maaga siyang aalis para sa trabaho.

Sa loob ng isamg linggong pananatili ko kay Miss Ryumi ay hindi ako nag-abalang tawagan o kausapin si Tristan. Hindi ko pa kayang kausapin siya. Hindi ko nga alam kung paano ko pa siya haharapin. Wala na rin naman akong messages o tawag na natanggap sa kanya simula noong nag-away kami.

Sa kabilang banda, wala pa rin akong balita kay Sohan, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam sa akin kaya mas lalo lang akong binabagabag.

Habang si Xhera naman ay hindi nakakaligtaang magmessage sa akin araw-araw para kumustahin ang sitwasyon ko. Isang beses ko lang siyang nirereply-an dahil wala rin naman ako sa tamang huwistyo para makipag-usap talaga sa kanya. Alam niyang naririto ako sa condo unit ni Miss Ryumi subalit hindi naman siya nag-aabalang bumisita rito kaya nakakahinga pa ako kahit papaano ng maluwag. Knowing Xhera, imposibleng hindi niya isama si Tristan.

Iyon ay kung interesado pa nga ba si Tristan na makita pa ako.

Paano na nga lang ba ang kami? Ano ng kasunod nito?

Nasapo ko ang noo ko at napabuntong hininga. Hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong ko hanggang ngayon.

Mag-iisang linggo na lang din ay graduation na namin. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko ng umattend sa graduation. Paano ako gagraduate kung wala naman si Sohan doon para sa akin? Anong silbi ng pagiging academic achiever ko kung wala namang magsasabit ng medal sa akin? Sino na lang ang siyang sasamang umakyat ng stage sa akin.

"Crisella! May ipis!" Tili ni Miss Ryumi na nakaturo sa couch kung saan ako nakaupo.

Nataranta ako dahil sa tili niya kaya napatayo agad ako sa kinauupuan ako at nagpapadyak habang pinapagpagan ang sarili ko.

Nasaan na iyong ipis?!

Pinapagpagan ko pa ang sarili ko nang maiangat ko ang tingin ko kay Miss Ryumi na nakahalukipkip na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto niya.

Pipino! Kailan pa niya nalaman?

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko sabay iwas ng tingin. "I have no choice..."

"Sarili mo ang niloloko mo at hindi ako, Crisella." Saad niya kaya napalunok na lang ako habang hindi makatingin sa kanya. "Kailan ka pa nakakalakad?"

"Since I was kid...?"

"Crisella."

"Three days ago!" Sambit ko dahil mukhang magbubuga na ng apoy si Miss Ryumi. "I told you, I have no choice. For sure you'll convince me na umuwi na sa bahay pero ayaw ko pang umuwi!" Tristan may be there. May duplicate din siya ng susi sa bahay! It is a hassle for me to change the door locks!

Besides, mag-aalala at mag-iisip lang ako ng kung anu-ano habang nanatili ako sa bahay.

"Ang usapan natin, uuwi ka na oras na maayos na ang kalagayan mo. Hindi iyong binti mo ang tinutukoy mo." Ani Miss Ryumi bago naiiling na lumakad papalapit sa akin. "Ito ang tinutukoy ko," itinuro niya ang ulo ko kaya alanganin na lang akong napatingin sa kanya. "Hindi pa maayos iyang isip mo. Ang dami pa ring tumatakbo riyan ano? Kaya maging ikaw tinatakbuhan mo na iyan? I don't know what happened in your past, hindi ko na aalamin pa iyon unless you want to tell me pero naiintindihan ko Crisella, may sugat ka sa nakaraan na patuloy mo lang na tinatapalan at hindi mo ginagamot."

Sinensyasan niya akong maupo pabalik sa couch kaya sumunod agad ako. Para akong bata na sinesermunan ng nanay ko ngayon.

"Let's just say na may mali sa damit na tinatahi mo, instead na balikan mo iyon at ayusin tinapalan mo ng ibang tela or maybe ibang stitch? Siguro nakaganda nga iyong ginawang mong pagtakip sa pagkakamali mo pero dahil sa pagtatapal mo nabago iyong dapat na kahihinatnan ng damit na ginagawa mo."

I am the one who's spilling the juice here. Nakagat ko na lang ulit ang pang-ibabang labi ko. "Well, Miss Ryumi. I'm sorry to say this pero... hindi ko nakukuha iyong sinasabi mo..."

"Oh gosh, Crisella!"

Naipikit ko na lang ang mga mata ko. She's pissed.

"What I am trying to say: help yourself to heal your wounds from the past dahil mas lalo lang lala iyang sugat na iyan kung hindi mo gagamutin!"

Alam ko naman ang mga mali ko. Alam ko kung ano ang kailangan ko para masolusyunan lahat ng ito. Ngunit hindi ko alam kung saan ako dapat na magsimula. Siguro nga mali ang tanong ko. Mas tama ata na ang tanong ay: Gusto ko pa bang ituloy ito?

Hindi ko na kinakaya na harapin na lang palagi lahat mga bagay na kinakatakot ko.

"Miss Ryumi---"

"Crisella, it's time for you to decide. You won't be able to go anywhere kung hindi ka pa magdedecide ngayon. Sohan's not coming back and how about Tristan? Are willing to let go of him?"

"Sohan will come back!" Sambit ko na ikinagulat ni Miss Ryumi. "And about Tristan... hindi ba at normal lang naman na piliin ko ang pamilya ko?"

"So you are letting go of him? Hindi lang si Sohan ang mawawala sa iyo, Crisella."

Puro na lang paano siya? Paano naman ako? "What can I do? Hindi ko naman siya magawang pilitin para intindihin ang sitwasyon ko!"

"It is important that Tristan understands your situation pero mahalaga rin na maintindihan mo ang sitwasyon niya."

"Anong gagawin ko? Tatawagan ko na siya ngayon? Should I talk to---aww!" Hindi ko pa man natutuloy ang sasabihin ko ay kinurot na ako sa tagiliran ni Miss Ryumi. Ramdam kong stress na siya sa akin.

"Talk to him once you have decided! Bakit? Alam mo na ba ang sasabihin mo oras na kausapin mo siya? My goodness! Nakakalakad ka naman na, mag-ayos ka ng sarili mo roon. You'll go to the store with me, mamili ka na rin ng dress na isuauot mo para sa graduation ninyo."

Nilaro ko ang dulo ng buhok ko habang alanganing nakatingin kay Miss Ryumi. Isang pagkakamali ko pa paniguradong magbubuga na siya ng apoy. "Uh... you're not planning to set me up to see Tristan?"

"Why the hell would I do that Crisella? Hindi ka pa nakakapagdecide, magulo pa ang isip mo, you might end up doing something you don't want to do."

Sunod-sunod na lang akong tumango bago magtungo sa kwarto kung saan ako pinapatuloy ni Miss Ryumi. Dali-dali akong nag-ayos bago pa ako tuluyang mayari sa kanya.

MAYROONG new releases sa isa sa mga store sa Taguig kaya isinama ako roon ni Miss Ryumi. Maraming tao ang nagpunta sa store, may ilang celebreties at press din na nagpunta.

Hindi ko alam kung anong purpose ng pagsama sa akin ni Miss Ryumi rito. Nagkunwari na lang din tuloy akong visitor habang tinitignan ang newly display items.

Iyon lang, hindi ko masabi kung minamalas ba ako ngayon o hindi. Brooke's here! Mabilis ko siyang tinalikuran at papasok sana sa office ni Miss Ryumi para roon magtago ngunit hinabol ako ni Brooke.

Oh please! Don't cook ampalaya here!

"Come on Crisella. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan!" Natatawang aniya nang mahabol ako.

Mabilis akong napangiwi. "Hindi magandang pinagsamahan you mean?"

"Geez! You don't have to be mean, Crisella. We used to be friends."

The last time I saw her they pulled some pranks to Sohan. Mabuti na lang talaga at wala pang malay si Sohan noon sa hospital. Kung pupwede kong iwasan si Brooke gagawin at gagawin ko iyon. Who knows? She may found out na ako ang dahilan kung bakit siya na-expel sa school.

Either way, she deserves that!

Wala rin naman siyang ibang ginawa kung hindi ang bully-hin si Xhera sa campus. And the fact that she sent me in jail before.

"You're enigmatic Crisella. Sino ka ba talaga? As far as I remember, nagpanggap kang anak ng elites and you said that your parents were busy with your family business in Australia."

I can't tell kung curiosity ba talaga ang nakikita ko kay Brooke o nang-aasar lang siya. Hindi ko tuloy napigilang umikot sa ere ang mga mata ko. "Gosh! You're so thoughtful talaga Brooke! Look, you're so invested to know me more!"

"Why wouldn't I? You are sharing the same surname with Sohan but you guys are not even siblings. Are you married with him or what?"

Wow! Did she just spend some time para magresearch sa background life ko? "Brooke, if I have a business, I won't even accept you as my investor. So go and mind your own business."

"Girl, it's not like I'll be interested in your business in the first place."

Naipaling ko ang ulo ko bago siya ngisian. "Are you really not interested, huh?" Iyon na ang huling salitang binitawan ko at kaagad na nilapitan si Miss Ryumi nang makita siyang wala ng kausap.

Gusto ko ng makalayo kay Brooke!

At the very least, I am sure that Brooke and I are not enemies anymore. Yet, it doesn't mean that we can be friends. Even though nagkaroon kami ng samaan ng loob before, I'm still glad that she once become part of my life. Looks like I need to talk with Coral and Willow soon too.

ALAM na rin naman ni Miss Ryumi na kahit papaano ay nakakalakad na ko ng walang saklay. Sinamahan na rin niya ako sa doctor ko para ipa-check ang binti ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-inom ko ng gamot at pagpapahid ng ointment sa burnt part para maiwas ang pag-iiwan ng malaking peklat dito.

Ngayon lang ulit ako lumabas mag-isa. Sumaglit lang ako sa puntod ni Lola, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin kayang magtagal doon. Kung nasaan man siya ngayon sana maintindihan niya na hindi pa rin ako ganoon katatag para bumisita mag-isa sa kanya.

Hindi ganoon kainit habang naglalakad ako sa sementeryo dala ang isa pang bugkos ng bulaklak. Napakatahimik ng paligid at tanging sariling yapak ko lang sa ilang natuyong dahon sa kalsada na natatapakan ko ang naririnig ko.

Nang makarating ako sa tapat ng puntod ni Tita Trina ay tahimik kong inilapag ang bugkos ng bulaklak na bitbit ko. Napansin ko rin ang ilang red roses na nasa puntod niya, malalanta pa lang ang mga iyon, mukhang galing lang dito si Tristan noong nakaraan.

Kaya lang naman ako nagpunta rito kasi gusto kong magsabi kay Tita Trina kahit hindi naman talaga niya ako kilala at kahit hindi niya ako mabibigyan ng kasagutan.

Pakiramdam ko ay naliligaw ako, para akong nasa lugar na hindi pamilyar sa akin at wala akong ibang ginagawa kung hindi magpatuloy sa paglakad, nagbabakasakaling mahahanap ko pa ang daan pabalik.

Gusto kong maintindihan ni Tristan na mahalaga si Sohan sa akin at mahalaga rin siya sa akin. Subalit maling-mali ako sa mga binitawan kong salita.

"Mali na ikinumpara ko ang sitwasyon ko sa sitwasyon niya noon," malalim na lang akong napabuntong hininga.

Magkaibang-magkaiba kami ng sitwasyon na kinaharap. Para ko na rin siyang sinisi sa nangyari sa akin noon na para bang ginusto niyang mangyari iyong mga bagay na iyon.

Gusto kong humingi ng tawad kay Tristan pero pakiramdam ko ay hanggang doon na lang iyon.

Pakiramdam ko ay hindi na namin dapat pa ituloy ito.

Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Iyong puso ko na hindi magkamayaw noon maisip ko pa lang siya ay para ng sinasaksak paulit-ulit ngayon. Parang mas makakabuti kung tuluyan na lang akong bumitaw. Simula pa lang ay hindi na dapat ako sumugal. Simula pa lang ay hindi ko na dapat hinawakan ang mga kamay niya.

"Crisella?"

Mabilis kong nasapo ang mga labi ko ng marinig ko ang boses ni Tristan. Nagbabayad ang pagbuhos ng mga luha ko kaya sunod-sunod akong napalunok habang pinipigilan ang mga luha ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at mas lalo lang akong nasaktan ng muli ko siyang makita.

Matamlay ang mga bulaklak sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Bumaba ang mga mata ko sa hawak niyang sariwang pulang rosas.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at tumayo na sa kinauupuan ko. "Napadaan lang ako. Aalis na rin ako." Saad ko at nakayukong lalakad na sana palayo sa kanya subalit nahawakan niya ang kaliwang braso ko para pigilan ako kaya umangat ang tingin ko sa kanya. "T-Tristan...?"

Parang sinasaksak ng libo-libong patalim ang puso ko habang sinasalubong ang tingin niya sa akin.

Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganito.

Ilang minuto ring hawak-hawak ni Tristan ang braso ko hanggang sa tuluyan na niyang bitawan iyon ng wala man lang sinasabi sa akin. Ako na sana ang magsasalita at sasabihin ang mga bagay na alam kong kailangan niyang malaman subalit parang may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang masabi ang dapat na sabihin ko.

Sa huli ay nagmamadali na lang akong umalis at tuluyang tumalikod papalayo sa kanya.

Paano ako sasaya kung alam kong ganito ang kahihinatnan ni Tristan? Isn't it unfair? Magiging masaya ako habang siya nandito pa rin?

Gusto ko ng bumitaw hindi dahil pagod na ako; gusto ko ng bumitaw dahil alam kong hindi ako nararapat para sa kanya. Ni hindi ko kayang itrato siya ng tama. I can't be a better girlfriend for her. At alam kong hindi ko kayang baguhin ang sarili ko ngayon para lang maging iyong taong karapat-dapat para sa kanya.

Kung mananatiling kami; kung mananatili siya sa tabi ko alam kong masaksaktan at masasaktan ko lang siya.

All this years, sariling kasiyahan ko lang ang pinagtutuunan ko ng pansin, pero iba itong ngayon. Hindi na mahalaga ang happy ending ko ngayon, higit na mas mahalaga ang kasiyahan ni Tristan. Alam kong mas magiging masaya siya oras na makawala siya sa akin.

Napakapit na lang ako sa puno na malapit sa akin dahil hindi ko na kaya ang paninikip ng dibdib ko. Kung hindi ko gagawin ito pareho lang kaming masasaktan, kailangan kong bumitaw, bago pa siya madamay sa sugat ko mula sa nakaraan.

Kung magkikita lang ulit kami ni Bleigh, gusto kong malaman niya na mali ang hula niya. Hindi ako ang masasaktan at iiwan ni Tristan dahil ako ang gagawa niyon sa kanya.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top