Chapter 53

Chapter 53: ‘Till the day I die
CRISELLA'S POV

"CRISELLA! What happened? Ayos ka lang? Nasaan ang wheelchair mo?" Natatarantang tanong sa akin ni Tristan. Ni hindi ko magawang iangat ang tingin ko sa kanya. Kapag nakita niya akong umiiyak ay paniguradong mag-aalala lang siya.

Iniharang ko ang buhok ko sa mukha ko at mabilis na pinunasan ang mukha ko. Mahigpit kong hawak ang iniwang letter ni So, hindi na kailangang makita pa 'to ni Tristan.

Huminga ako nang malalim bago iangat ang tingin sa kanya at bahagya siyang ngitian. "Ah... wala, wala! May," nabaling saglit ang atensyon ko sa cabinet. "Hinahanap lang ako sa mga gamit ni So. Tho I'm not expecting na ganito ang histura ng kwarto niya. Naubos ata pera niya sa pustahan HAHA!" Anas ko habang ikinakalma ang sarili ko dahil ramdam ko iyong pananakit ng dibdib ko.

Binabaha na naman ako ng mga tanong at agam-agam. Pero hindi ko pupwedeng ipakita kay Tristan na nahihirapan ako.

"Naabala ata kita sa pagreview ng paper mo. Ayos lang ako, bumalik ka na muna roon." Sinusubukan ko siyang kumbinsihin na lumabas na dahil sobrang bigat ng pakiramdaman ko ngayon. Anumang oras ay bubuhos na ang luha ko. "Uhm... may formal attire ka na ba para sa defense ninyo? Baka hindi mo na na-iprepare kagabi."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?"

Sunod-sunod akong tumango. "Yes! Mukha bang hindi?"

Pilit niyang hinahabol ang tingin ko kaya naman nag-iwas ako ng tingin bago abutin ang kamay niya. Pagkahawak ko ng kamay niya ay kaagad naman niya akong inalalayan sa pagtayo. "Sige na, mag-ayos ka na. Baka ma-late ka sa final defense niyo dahil sa akin. Ayos lang naman ako." Giit ko at naglakad pabalik sa kwarto ko.

Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ni Sohan ay binuhat na ako ni Tristan pabalik sa wheelchair ko na naiwan sa kwarto.

Itinukod niya ang isang tuhod niya sa sahig at pinantayan ako. "May nangyari ba? Nasaan si Sohan?"

Nakangiti akong nagkibit-balikat. "Who knows? Alam mo naman iyon, kung saan-saan nagsusuot. Bumabalik pa rin naman. H-hindi ba a-at minsan na rin siyang nawala noon, bumalik din naman..."

"Crisella," lumapit siya sa akin at dinampian ako ng halik sa noo. "Okay ka lang na iwan kita rito?"

No, I am not. "Lagi naman akong naiiwang mag-isa rito, may bago pa ba?"

Iyan na naman siya sa mga mata niyang hinahalukay kung anuman ang itinatago ko kaya patuloy ako sa pag-iwas ng tingin. Napatayo lang siya ng mayroong mag-doorbell sa labas. "Si mama na ata iyon dala damit ko." Saad niya at napatango naman ako.

"Hindi ko pa kayang harapin si Tita Hayley ngayon, sa susunod na lang siguro. Medyo inaantok na naman kasi ako, alam mo na, side effects ng gamot na iniinom ko." Pagdadahilan ko bago niya bahagyang pisilin ang ilong ko.

"Magbibihis lang ako then aalis na ako. If you need something, just call me, I'm always one call away."

What one call away? Paano kung tumawag ako sa kasagsagan ng research presentation nila? Iiwan niya ang presentation nila para sa akin?!

"Opo, opo! Sige na. Ayos lang talaga ako! Good luck sa defense! Don't tell me na gusto mo pa ng good luck kiss bago umalis ah?"

"Why? Bibigyan mo ba ako?"

"At bakit hindi?" Ngisi ko at siya na mismo ang lumapit sa akin kay pinaliguan ko siya ng halik sa kanang pisngi niya bago itulak palayo. "Sige na, inaantok na ako. Naghihintay na rin si Tita Hayley sa labas."

Nagpalitan pa kaming dalawa ng ngiti bago ko isarado at i-lock ang pintuan ng kwarto ko. Inihagis ko kaagad ang katawan ko sa kama at idinukdok ang mukha ko sa unan kasunod ng pagbuhos ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Natatakot ako. Sabi ni Sohan sa sulat niya babalik siya para sa akin subalit bakit pakiramdaman ko ay hindi na niya ako babalikan?

Hilam na sa luha ang mga mata ko ng inabot ko ang cellphone ko. Magkakasunod kong tinawagan si Sohan subalit out of reach na naman ang cellphone niya.

Nasaan ka na naman bang Kumag ka?

HINDI ako sigurado kung anong oras na akong nagising. Hindi naman talaga ako inaatok kanina, subalit napagod ako kakaiyak dahil sa dami ng mga posibilidad na nasa isip ko. Namumugto ang mga mata ko at sabog ang buhok ko ng lumabas ako ng kwarto.

Kumuha ako ng ice cubes sa refrigerator para ilagay sa mga mata ko dahil ang sakit-sakit nila ngayon.

Mukhang wala pa si Tristan.

Subalit nang magtungo ako sa salas ay sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil naroroon si Miss Bethany! Hindi ko siya napansin kanina! Nakasalpak ang earphones niya habang nanonood sa phone niya at kumakain ng ice cream.

What is she doing here? Nasaan si Tristan?!

Pupunta na sana ako pabalik sa kwarto ko para kuhain ang phone ko at tanungin si Tristan pero napansin na ako ni Miss Bethany!

"Crisella, you're awake! Tristan was in hurry nung dumating ako. Then bigla na lang niya akong iniwan dito, ako raw muna ang magbantay sa'yo---oh? Did you cry?"

Mabilis kong hinarang ang buhok ko sa mukha ko. Hawak-hawak ko pa ang ice cubes sa mata ko kaya mas lalong napansin ni Miss Bethany!

Kaagad akong humanap ng excuse. Duda akong hindi niya sasabihin kay Tristan na nakita niya akong umiyak eh! "Uhm... may tragic series lang akong pinanood, that's why." Saad ko at alanganing natawa. "Kanina ka pa ba rito?" Napatingin ako sa paligid, hindi ko pa rin nalilinis ang mga kalat namin kagabi, nakakahiya.

"About an hour, maybe? Pinasuyo kasi ni Ate Hayley iyong damit ni Tristan para sa defense nila then bigla akong iniwan ni Tristan dito."

Umiral na naman kakupalan ng isang 'yun! Sinabi ng kaya ko naman mag-isa rito eh. "Uhm... may foods pa sa refrigerator, may ice cream at cake pa pong natira. Do you want some?"

"Sure!"

"Okay, kukuha lang ako and please bare with me, hindi pa ako," muli akong napatingin sa dami ng kalat bago makagat ang pang-ibabang labi ko. "Hindi pa ako nakakapaglinis. Geez!"

"I don't mind, don't pressure yourself, Crisella. Besides, wala tayo sa shop, huwag mong isipin na kaharap mo ang boss mo, okay?"

Napatango na lang ako bago magtungo sa kusina.

Ano ba kasing naisip ni Tristan at si Miss Bethany ang biglang iniwan dito?!

Gusto ko pang magdabog dahil sa pag-iwan ni Tristan kay Miss Bethany dito. Huminga na lang muna ako ng malalim at naghanda ng pagkain para kay Miss Bethany. Saktong pagbalik ko sa salas ay kauuwi lang ni Tristan.

Nagtatanggal pa siya ng sapatos pero nagtatalo na agad sila ni Miss Bethany.

"Bakit ba hindi mo man lang ako ininform?! You should at least told me!" Singhal ni Miss Bethany kay Tristan.

"Sorry na nga! Bawasan mo na lang sahod ko, hindi kita kakasuhan ng employee exploitation, promise!"

"My God, Tristan! Ayos lang naman sa akin kung sinabihan mo ako. Kinuha mo rin ang susi ng kotse ko sa akin just to stay here?" Napalingon sa akin si Miss Bethany nang mapansin na nandito na ako at may hawak na isang platito ng cake. "I'm not mad at you Crisella. Pinagsasabihan ko lang 'tong gunggong kong pamangkin."

Alanganin na lang ako g napangiti at inabot sa kanya ang cake. "Enjoy! Hehe! I am the one who... made that."

"Really? Thanks." Parang anghel akong nginitian ni Miss Bethany subalit ng balingan niya si Tristan na kalalapit lang sa akin ay para na naman siyang magwawalang dragon. "Ulitin mo pa 'to malilintikan ka talaga sa akin. Akin na nga ang susi ko!"

"Ito na po..." Nang-aasar na saad ni Tristan bago iabot kay Miss Bethany ang susi. Matapos niyon ay ako naman ang hinarap niya. "Ano? Ayos ka na?"

Shit! Baka naman namumugto pa rin ang mga mata ko?!

"H-ha? Bakit? Ayos lang naman ako, sabi ko sa'yo inaantok lang ako kanina." Pagdadahilan ko kaagad.

Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata bago niya hawakan ang baba ko at iangat ang tingin ko sa kanya. "Are you sure?"

"At bakit hindi?! Anyway, kamusta ang final defense ninyo?" Iniba ko na ang usapan, pakiramdaman ko ay mauungkat ang kay Sohan ng wala sa oras.

"It went well, effective ang good luck kisses mo." Naglalambing pa si Tristan nang marinig namin ang sunod-sunod na pag-ubo ni Miss Bethany.

Napangiwi na lang ako at nahampas si Tristan. Talagang maggaganito kami sa harap ng pinsan niya?!

"BAKIT nandito ka?!"

Kaagad kong inarkuhan ng kilay si Tristan. Ang lakas ng boses niya, nagtinginan tuloy mga kaklase ko sa akin. "At bakit hindi? Final defense namin ngayon. Ayaw kong magisa mag-isa ng panelists. Duh?"

Nagulo niya ang buhok niya bago hilahin ang pinakamalapit na bakanteng upuan at maupo roon. "Crisella, hindi pa magaling ang binti mo," itinuro niya ang binti ko kaya napairap na lang ako. "At paano ka pumasok kanina? Nag-commute ka? Sana sinabi mo sa akin na papasok ka."

"Why? Papayagan mo ba ako kung sinabi kong papasok ako ngayon? Hindi 'di ba?!"

"Kasi nga hindi pa magaling ang binti mo. You're still having a hard time to walk on your own!"

"That is why I'm using crutches!" Depensa ko at itinuro ang crutches ko na halos nakatabi lang sa akin. "I can stand on my own, Tristan. Literally. Can you just please stop cooking ampalaya with me? Please, I need to focus for the final defense, today."

"Oh? Crisella? You're here na?"

Umangat ang tingin ko kay Xhera nang marinig ko ang boses niya.

"Ngayon ang schedule ng defense namin, there's no freaking way that I won't be here." Kibit-balikat na tugon ko.

"Ehh? What about your legs. They're not fully healed, are they?"

"That's the same thing that I'm telling to here!" Sambit ni Tristan na nagulo na lang ang buhok niya.

Napairap na lang ako. He won't understand. Kung hindi ako aalis ng bahay, I may not be able to survive long there. If it isn't for my condition, maybe I went out and stay in an Airbnb.

Hindi ko na muna kinausap si Xhera at Tristan. Pinagtuunan ko ng pansin ang paper namin, inihahanda ko ang isasagot para sa panelists namin. I'm fooling myself, I just want a distraction! Malalim na lang akong napabuntong hininga.

Makaraan lang ang ilang minuto ay tinawag na ang grupo namin. Kinuha ko na ang crutches ko at papasok na sana sa katabing room kung saan gaganapin ang defense namin nang buhatin ako ni Tristan!

"Pipino! Tristan, ibaba mo ako!" Sambit ko at hinampas siya sa balikat subalit hindi naman niya ako pinansin.

Narinig ko ang pagbunghalit ng tawa ni Xhera at napansin ko ang tinginan ng schoolmates namin sa akin. Natakpan ko na lang tuloy ang mukha ko sa kahihiyan. Gusto kong isumpa si Tristan ngayon. Saan niya nakuha ang lakas ng loob na buhatin ako na parang bagong kasal sa loob ng room.

"Bakit naman may grand entrance ka sis?" Tanong sa akin ng leader namin pagkababa sa akin ni Tristan sa upuan sa may platform.

Sa halip na sagutin siya sa ay tinalikuran ko na lang siya.

Nakita kong kinausap pa ni Tristan iyong teachers na siyang panelists namin, hindi ko alam kung anong sinabi niya dahil hindi ko naman na sila rinig sa pwesto ko. Nang senyasan kami ng teachers sa presentation namin ay kaagad naman kaming nagsimula.

Tumagal ng mahigit thirty minutes ang presentation. Ang daming itinanong ng panelists sa amin. Halos hindi rin naman sumasagot ang mga kagrupo ko maging ang leader namin kaya halos ako na ang sumagot sa lahat.

Hindi ba nila binasa iyong copy ng research?!

Nag-enjoy sila sa pastries na binigay ng group namin at nag-enjoy din sila sa paggisa sa amin---sa akin.

Mauuna na sana akong lumabas. Nakaabang din naman sa akin si Tristan para maalalayan ako. Palabas na kaming dalawa nang matawag ako ng isa sa mga teachers na siya ring panelists, kung hindi ako nagkakamali ay siya rin ang adviser ng klase nila Tristan at So.

"Miss Travios," saglit pa kaming nagkatinginan ni Tristan bago niya ako alalayang lumapit sa teacher na tumawag sa akin. "May I know kung bakit nag-drop out si Sohan all of the sudden? Isn't he planning to finish this school year before graduation?"

He dropped out?

Hindi ko maintindihan kung bakit tila ba naubos ang lakas ko dahil sa nalaman ko kumpara kani-kanina lang kung saan ginisa kami ng panelists. May mali. May hindi ipinaalam sa akin si Sohan. May nangyari na wala akong kaalam-alam.

"Uh, sir? B-baka nagkakamali lang po kayo?" Si Tristan ang sumagot. Dahan-dahang nag-angat ang tingin ko sa kanya. Bakit hindi siya mapakali ngayon?

"He talk with me last time. Ininform niya ako para hindi ko raw siya araw-araw hanapin sa attendance."

"Sigurado po kayo? Maybe you're mistaken. Bakit naman mag-da-drop out si Sohan ngayon?"

"Mister Stryker, wala ka bang alam tungkol dito? Wala ba itong kinalaman sa nakaaway ninyong dalawa last time? It is too unusual for a student to drop out when the graduation is few weeks from now."

Sinong nakipag-away? Silang dalawa ni Sohan? At bakit wala akong alam tungkol doon. Salubong na ang mga kilay ko na nakatingin kay Tristan ngayon. Nang lingunin niya ako ay kaagad din naman siyang nag-iwas ng tingin at nahimas ang batok niya.

Doon ko nakumpirmang may hindi siya sinasabi sa akin. Nagkakarambola na naman ang nararamdaman ko. Pakiramdan ko ay sasabog na ang frustrations ko.

Huminga na muna ako ng malalim bago alisin ang kamay ni Tristan sa akin. Kahit na nahihirapang maglakad papalabas at ginawa ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Tristan ngunit hindi ko siya nilingon.

Gusto ko siyang kwestyunin. Gusto ko siyang sigawan. Sa dami ng bagay na hindi niya sasabihin sa akin ay iyong tungkol pa talaga kay So. Maybe he knows. Maybe he knows na aalis si Sohan. Baka kaya pa nga siya nag-suggest ng dinner para sa birthday ni So dahil alam niyang iyon na ang huling beses na magkakasama kami ni So.

Iyon na nga ba ang huling beses?

Fck you, Sohan! Nasaan ka na ba kasi?

Dali-dali akong nagtungo sa parking lot, alam kong walang masyadong tao roon ngayon. Gusto ng kumawala ng mga luha ko! Pagdating sa parking space ay kaagad din naman akong napapihit patalikod kasi nakita ko ang pamilyar na babaeng hindi ko naman gustong makasalubong.

"Pretty Crisella!" Ngunit huli na ang lahat. Napansin na pala niya ako. Kahit na humakbang na ako palayo ay nakahabol naman siya dahil nahihirapan akong maglakad ng nakasaklay. "Gosh, I don't like your aura right now. May bumabagabag pa rin sa'yo?"

Bakit ba lagi na lang niyang alam kung ano ang nasa loob ko? Malapit ko ng isipin na nababasa niya ang isip ko. Bukod sa pagiging manghuhula, ano pa bang trabaho niya?

"You know what, it is best to tell your problems to a stranger." Nakangiting aniya ngunit nakakunot lamang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Anyway, gusto mo pa bang magpahula? But I can't give you a broader understanding of what will happen. I'm not that powerful pero mabibigyan kita ng... let's just say preview," sabay hagikgik kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"Busy ako, please. Wala akong panahon para makipag-usap sa'yo," plano ko ng tumalikod subalit hindi ako nilulubayan ng mga ngiti niya.

"Crisella!" Narinig ko ang boses ni Tristan na papalapit na sa akin. Sabi na nga ba at hahabol pa rin siya sa akin.

"Oops! Here's your boyfriend na pala. Okay, bye bye!" Humahagikgik pa rin siya habang kinakawayan ako. Damn you, Bleigh! "Oh! Before I leave you, harapin mo kung anuman ang bumabagabag sa iyo. You won't have your happy ending kung hindi mo haharapin iyan."

Doon namilog ang mga mata ko. I never told her about the happy ending. Kung kailan ako nagkainteres na kausapin siya ay saka naman siya nagpaalam sa akin papalayo ngayon!

"Nagpapasaway ka na naman Crisella, hindi pa magaling ang mga binti mo." Bungad sa akin ni Tristan matapos niyang makalapit sa akin.

Please, I don't I want this. Alam kong mag-aaway at mag-aaway kami dahil dito.

Hinawakan niya ang braso ko subalit mabilis kong inilayo iyon sa kanya. "Isang beses lang kitang tatanungin Tristan. Alam mo bang aalis si Sohan?" Hangga't maaarinay gusto kong manatilong kalmado. Alam kong pagtatalunan namin ito ngunit gusto ko pa ring maiwasan iyon.

"Crisella, hindi maganda sa kalagayan mo ang stress. Umuwi na tayo, tapos naman na---"

"Tristan! Tinatanong kita. Sagutin mo ang tanong ko." Naghahalo-halo na naman lahat sa isip ko ngayon, subalit ang tanging gusto ko lang ay malaman iyong totoo.

Nanlambot ang buong sistema ko sa pag-iwas ng tingin sa akin ni Tristan. Napaupo na lang ako sa kalsada dahil kitang-kita ko na may ayaw siyang sabihin sa akin.

"Paano mo nagawang itago sa akin ito? Tristan, kinakausap kita! What? Dahil ba sinabi ko sa'yo noong nagdaang araw na pipiliin ko si Sohan laban sa'yo?! Why are you doing this t-to me...?"

"Hindi ito tulad ng iniisip mo," hindi pa rin niya ako magawang harapin. "Tara na, Crisella, umuwi na tayo."

"N-no! Hindi tayo uuwi hangga't hindi ko naririnig kung anong alam mo sa nangyari kay Sohan. Nasaan si Sohan, Tristan? Bakit kailangan noyang umalis ng hindi nagsasabi sa akin?!" Akala ko ay kaya kong manatiling kalmado subalit sa huli ay wala akong nagawa kung hindi magpatangay sa mga bagay na bumabagabag sa akin.

"Wala akong alam." Giit niya kaya frustrated kong nasabunutan ang sarili ko.

"Tristan! Stop lying to me, please! Nasaan si Sohan?!"

"Wala nga akong alam Crisella! You know Sohan more than I do! Babalik at babalik iyon kahit umalis siya! Kung hindi kita kayang iwanan, mas lalong hindi ka kayang iwanan ni Sohan! Kaya pwede ba? Tumigil ka na kakahanap kay Sohan, babalik si So. Crisella, ako iyong kasama mo, ako iyong nandito. Bakit lagi na lang si Sohan?! Puro na lang si Sohan! Paano na lang ako? Oo, pamilya mo si Sohan pero boyfriend mo rin ako, hindi ba?!" Bulyaw sa akin ni Tristan, namumula na ang mga mata niya at anumang oras ay alam kong bubuhos na rin ang mga luha niya.

Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam. Ang sakit-sakit. Tangina. "B-B-B-Bakit kailangan m-mong ikumpara ang sarili mo kay Sohan? Ikaw na rin ang nagsabi. Mas kilala ko si Sohan kumpara sa'yo kaya alam kong may mali! May nangyayari na wala akong alam, T-Tristan! P-Pinakaayaw ko sa lahat ay iyong may bagay na m-m-masasaktan ako ng wala akong kaalam-alam! And you don't even have any plans to tell me k-kung anong a-alam mo!"

"Ano bang gusto mong marinig? Wala naman talaga akong dapat na sabihin!"

"Y-You won't u-understand! Y-You will never u-understand kung gaano ako katakot na m-masaktan ulit Tristan! Hindi mo maiintindihan kasi kahit na nawala ang mama mo, may mga taong nagmahal at nag-alaga sa'yo! Paano ako? Kinailangan ko pang lumayas ng bahay para lang makawala sa mga taong dapat na mag-aruga at magmahal sa akin! Si Sohan... Si Sohan lang iyong n-nag-iisang taong hindi pinaramdam sa akin na hindi niya ako m-magagawang saktan at iwanan...!" Napayuko na lang ako at natakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko dahil tuluyan ng kumawala ang mga luha ko habang patuloy sa pananakit ang dibdib ko.

"Crisella, p-please. Isa lang naman iyong gusto ko, iyong m-maramdaman na m-mahal mo rin ako. Mahirap bang gawin iyon?"

What now, Tristan? Ano bang gusto niyang palabasin? Na hindi ko siya mahal? Oh God. Ayoko na nito. "Tristan, mahal kita, okay? So please, huwag ka ng dumagdag. Ang dami ng bagay iyong gumugulo sa akin..."

"Huwag na akong dumagdag? Pabigat na ba ako sa'yo? Pasakit? Kaya nga nandito para tulungan at alalayan ka, hindi ba?"

"But you're not h-helping! N-Nagsisinungaling ka sa akin! Tristan, t-tama na! P-Pagod na ako! Hindi mo maiintindihan kung paano ko pilit na inilalayo iyong atensyon ko dahil sa pag-alis ni So ng walang paalam. Subalit kahit anong pananahimik ko at pag-iwas ko nararamdaman at nararamdaman ko na may alam ka at may hindi ka sinasabi sa akin!"

"Kung may alam man ako, hindi makakabuting sa akin mo marinig iyon!"

Ngayon lamg niya ako nabubulyawan ng ganito. Ngunit kasalanan ko rin naman, hindi ba? Natakpan ko na ang bibig ko habang pilit na pinipigilan ang paglabas ng mga hikbi ko. Bakit kasi hindi na lang siya magsabi sa akin ng totoo? Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa kanya. Bakit umabot na kami sa pagtatalong ito?

Sabihin mo na lang sa akin kung bakit kailangang umalis ni Sohan, Tristan. That's all I need right now...

Mariin ko na lang na naipikit ang mga mata ko. Ito na naman iyong pakiramdam na nag-iisa ako at wala akong magawa kung hindi ang umiyak na lang nang umiyak.

Ayoko na nito. Ayoko na rito. Gusto ko ng umuwi.

Subalit pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala iyong tahanan na uuwian ko. Na maging ang mga daffodils na namumuhay sa mga mata ni Tristan ay unti-unti ng nalalanta.

"Crisella, pagod ka na talaga?"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top