Chapter 52
Chapter 52: SoHandsome
CRISELLA'S POV
LATE na uuwi si Sohan kaya nagkaroon kami ni Tristan ng sapat na oras para iprepare ang decorations. Siya na rin ang nag-shopping para sa ingredients ng pagkaing iluluto ko at ilang materials pandagdag decorations. Buti na lang at hindi pa niya ako inaartehan dahil halos gawin ko na siyang errand boy.
For all I know, hihingian lang ako ng libro niyan matapos lahat ng 'to.
"Really? May artistic side?" Nakapaling ang ulo na tanong sa akin ni Tristan habang pinapakialaman ang cut outs na ginawa ko.
"Habang puro ka reklamo sa CPAR last grading, ako best in CPAR na. Kaya 'wag mong mamaliitin ang artistic skills ko!" Pagyayabang ko at nginisian pa siya.
"Aba, sa susunod sa'yo ko na ipapagawa projects ko ah."
"I don't mind, basta ba hugs and kisses ang kapalit niyan!"
"Really?" Ngisi niya at naiiling na dinampot ang banner. "Tapusin mo na iyan, magluluto ka pa for dinner kamo, hindi ba? Ako ng bahala sa decorations. Na-iprepare ko naman na iyong ingredients."
"Sipag mo naman ata?"
"Takot ko lang na awayin mo ako."
"Gosh! Para namang sinabi mong wala akong ginawa kung hindi apihin ka," umarko ang kilay ko bago siya lingunin.
"Lagi mo naman talaga akong inaapi eh." Saad niya kaya naibato ko ang throw pillow sa kanya.
Tapos naman na ako sa decorations at si Tristan na ang bahalang magkabit ng mga iyon. Nagpunta na ako sa kusina para ihanda ang mga dapat na lutuin. Inadjust ko ang taas ng wheelchair ko bago simulang maggisa. Dahil si Sohan naman din ang madalas na magluto ng pagkain sa amin dalawa, ngayon lang niya ulit matitikman ang sarap ng luto ko.
Iluluto ko lahat ng paborito niyang pagkain ngayon.
Naalala ko iyong cake na ginawa ko noong pasko kaya naisipan kong gumawa rin ulit ngayon.
Abala pa ako sa pagluluto nang maka-recieve ako ng phone call. Nang makita ko ang pangalan ni Miss Ryumi sa screen ay dali-dali kong hinihaan ang apoy sa kalan at sinagot ang tawag.
"Miss Ryumi, hello! What's with the sudden call? May shoot ba ako this week?" Bungad ko sa agad sa kanya.
["I cannot give you a shoot this following week, I heard na graduation na ninyo by next month, I guess? I assume marami kang schoolworks na kailangan tapusin."]
She's always considerate. That's one thing that I really like about her. Napatango-tango ako sa hangin. "Uh... yes, but I'm staying at home for almost a month already. In that case, kahit may shoot ako, hindi rin ako makaka-attend."
["You're staying at home? May I know why?"]
"I got in an accident. My legs were badly hurt. Don't worry, my pretty face is safe and sound!"
Na-iimagine ko na ang mukha ni Miss Ryumi ngayon. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko dahil nagagawa ko pang magbiro sa ganitong sitwasyon.
["You mean mas inisip mo pa ang kalagayan ng mukha mo sa halip na ang binti mo ang intindihin mo? My gracious, Crisella!"]
"You can't blame me. This pretty face is my asset. You won't take me as your model if I am not pretty hindi ba?" Pakiramdaman ko nakapaling na ang ulo ni Miss Ryumi ngayon habang nakikinig sa akin. "Hehe, anyway, bakit ka napatawag?"
["Na-received ko na iyong plane ticket mo para sa Tokyo Fashion Week. I'll email you the following requirements so you can prepare them beforehand."]
Nawala na sa isip ko iyong tungkol sa fashion week. "Uh... Miss Ryumi, may I know kung kailan ang event?"
["It'll be on third week of March. Matatamaan ba niyan ang graduation mo?"]
"Na-ah. Tama lang!"
["All right! I'll end the call here na. Magpagaling ka Crisella. You can't attend the fashion week ng ganyan ang sitwasyon mo, okay? Ohhh! Before I forgot, did you gain or lose weight? May changes ba sa body count mo?"]
"You don't have to worry about my legs," inilagay ko na ang tomatoes at onions sa kaserola nang makita kong kumukulo na ang tubig. "Bantay sarado ako rito eh. About my weight, nah, it's still the same."
["Okay, this is noted. See you when I see you, Mademoiselle!"]
Hindi ko pa man natutugunan si Miss Ryumi at binabaan na niya ako ng tawag. Saglit ko pang tinapunan ng tingin ang screen ng phone ko bago itabi iyon at ipagpatuloy na ang niluluto ko.
Abala pa ako sa paghalo ng spaghetti sauce at pinapakuluan ko naman sa kabilang kaserola ang pasta nang mapansin ko si Tristan na nakasandal sa kitchen counter. Hinango ko muna ang pasta bago siya harapan.
"Why? Tapos ka na sa decorations?" Tanong ko.
"I overheard your conversation with Miss Ryumi," lumapit siya sa kalan para tignan ang niluluto ko. "Tutuloy ka sa fashion week na iyon?"
Kaagad akong tumango. "Yeah. As far as I remember, nabanggit ko na iyon sa'yo noon, hindi ba?"
"Akala ko naman sabay tayo pupunta ng Tokyo, uunahan mo pa pala ako," nirereklamuhan talaga niya ako ngayon?! "Magkano ang binayad mo for ticket?"
Kaagad akong nagkibit-balikat at nginitian siya. "Dunno, libre ang ticket ko eh, sila na rin nag-ayos ng passport ko, may following requirements na lang na kailangan akong ayusin."
"Ah ganoon? Ginaganyan mo na ako ngayon Crisella ko?" Dinadaan pa ako sa tampu-tampuhan niya.
"Kahit magbook ka ng ticket ngayon, baka hindi rin agad umabot. Under na nga ng company iyong akin ang tagal pa bago makuha. Kaya naman," pinisil ko ang kanang braso niya. Biceps niya ata nahawakan ko! Ayoko na! "Mag-ipon na lang muna tayo, okay? Maybe sa birthday natin or sa Christmas vacation, makapag-Tokyo tayo!"
"Promise 'yan?" Tanong niya na naniningkit pa ang mga mata.
Napailing na lang ako at natatawang inangat ang kaliwang pinky finger ko. "Opo, promise! Pero libutin muna natin ang Pilipinas ano? Ibang bansa na agad nasa isip mo eh!"
Inabot naman niya ang pinky finger ko gamit ang pinky finger niya at pinagkrus iyon. "Fine! Fine! Promise 'yan ah, mamatay ka man?"
"At bakit ako?!" Singhal ko sa kanya at inagaw ang pinky finger ko. "Tigil-tigilan mo nga ako, ginugulo mo lang ako eh! Masusunog niluluto ko dahil sa'yo!"
Tinalikuran ko na siya at binigyang atensyon ulit ang niluluto ko. Luto na iyong sauce at isasalin ko na sa ibang lagayan iyon ng alalayan ako ni Kupal dahil nahihirapan akong isalin iyon. Umuusok pa sa init ang sauce at isang pagkakamali lang ay baka sa akin pa mabuhos iyon.
Pinapalamig na lang muna ang spaghetti sauce at pasta kaya isinunod ko ng isalang ang paboritong adobong baboy ni Sohan. Sa kabilang kalan naman ay nagprito ako ng manok, iyong ibang pagkain ay desserts na. Kaming tatlo lang din naman ang kakain ngayon. Inaya ko si Xhera pero hindi naman daw siya makakapunta kaya hinayaan ko na muna siya. Lalo na at busy din siya sa pag-fa-finalize ng research paper nila.
Maging kami ay malapit na ang final defense. Bukas pa nga ata ang schedule ng group namin. Nagawa ko naman na ang parte ko sa paper at ayon sa teacher namin sa practical research, i-me-meet na lang daw niya ako online para mag-isa kong i-defend ang paper namin dahil hindi pa ako makapasok. For all I know, gigisahin lang niya ako! It's not like hindi ko kabisado ang research namin.
Nang ma-i-set ang table ay kinuha ko kaagad ang phone ko para tanungin si Sohan kung anong oras siya uuwi, kaso kaka-message lang naman pala niya sa akin.
From: SoHandsome
- Crisella!! Soju tayo, my treat ;>>
- Lmfao, bawal ka pala HAHAHA
"Bakit parang may kaaway ka na naman?" Narinig kong tanong ni Tristan kaya napalingon ako sa kanya. "Sino 'yan? Si Sohan?"
"Oo. Inaasar na naman kasi ako. Hindi naman ako binawalan ng doctor sa pagkain eh, lalo na sa soju ano!"
"Pero ako," pinisil na naman niya ilong ko! "Binabawalan kita. Hindi maganda para sa liver mo ang inom ka ng inom ah."
Bumusangot na naman tuloy ako lalo. "Kahit isang bote lang eh."
"Tss! Kinokonsensya pa ako ah. Okay! But let's have a deal, kung gaano karami ang iinumin mo, ganoon din ang sa akin."
Salubong tuloy ang mga kilay ko na nag-angat ng tingin sa kanya. Oh? Sino ang nangongonsensya ngayon! Parang sinabi naman niya na kung sisirain mo liver mo; sisirain ko rin ang akin. Hindi man lang ginawang: kung sisirain mo liver mo, ibinigay ko ang akin, hmph!
Tumigil lang kami sa asaran ng marining namin ang sasakyan ni Sohan sa labas. Inalalayan agad ako ni Tristan malapit sa pinto, isinuot niya ang party hat sa akin saka ko siya tinulungang isuot ang kanya. Naghawak din kami ng tig-isang party poppers.
This is the first time na nagprepare ako---o mas tamang sabihin na kami---ng surprise birthday celebration para kay Sohan. Magkahalo tuloy iyong kaba at excitement ko. At this point, hindi ko masabing included pa rin ba 'to sa peaceful birthday celebration na gusto ni So.
"Happy Birthday!"
Magkasabay naming binuksan ni Tristan ang party poppers na hawak namin nang pumasok si Sohan. Gulat siyang nakatingin sa aming dalawa ngayon ni Tristan habang salubong ang mga kilay.
Nagkalat kasi kami ng confetti.
"Fck, iyong ice cream ko?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Sohan habang nakatingin sa soft serve na hawak niya na nadumihan dahil sa confetti at glitters.
Nahampas ko naman agad siya sabay nginiwian. "Mas mahalaga pa talaga ice cream mo?!"
"Come on, Crisella! I just want to enjoy my ice cream in my day!" Sambit niya kaya sobra-sobra na ang pangungunot ng noo ko habang nanlilisik na ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Subalit makaraan lang ang ilang segundo ay tinawanan na lang niya ako. "Kidding HAHAHA! I appreciate this, even in that situation---teka, baka naman si Tristan lang gumawa lahat nito?"
"Ako naman talaga." Proud na sabi ni Kupal kaya tinignan ko siya ng masama.
"Anong ikaw lang?! Excuse me? Ako ang nagprepare ng decorations, ikaw ang nagkabit. Ikaw ang nagprepare ng ingredients, ako ang nagluto!" Kaagad na giit ko pero nginitian lang niya ako ng nakakaloko. Pinapairal na naman kakupalan eh. "May ice cream sa refrigerator," baling ko kay Sohan na itinapon naman na sa trash bin iyong soft serve niyang naligo sa dumi. Bumaba ang tingin ko sa supot na dala niya, puti ang plastic bag kaya napansin ko agad ang laman niyon. "Thank you sa soju, So!"
"What soju?" Aniya at pinagdadamot na niyakap ang plastic na hawak niya. "Akin lang 'to ah."
"Aba! Wala na akong pasalubong ngayon?!"
"Bakit kita papasalubungan, huh? Nandyan si Tristan oh. Siya hingian mo, naubos na nga sa pustahan pera ko hihingian mo pa ako?"
"Kasalanan ko bang sugalero ka?! Nasaan na iyong akin? Kahit isang bote lang eh! Kapag bumili ako ng isang case, hindi kita bibigyan!"
"Sure! Basta ikaw lang uubusin ng isang case na nilalaban mo ah. Tapos kapag nasira atay mo bahala kang umiyak ah!"
"Ah, ako pwedeng masira ang atay tapos ikaw, hindi? Ganoon?"
Paniguradong naaasiwa na si Tristan sa bangayan namin ni Sohan. Kung tutuusin nga ay nauna ng kumain si Tristan at hindi man lang kami inawat ni So.
Kunsabagay, hindi naman din talaga aawat 'yan, baka nga pagtulungan pa nila akong dalawa, kaya tama lang na mauna na siyang kumain!
"Of course, duh? Crisella," bigla akong hinawakan ni Sohan sa magkabilang balikat habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Paano na lang ang sibilisasyon kung mawawala itong kagwapuhan ko, hindi ba? Maraming magpapatiwakal kapag nawala ako. Eh kapag ikaw ang nawala, si Tristan lang ang kawawa---aray!" Kinurot ko na sa tagiliran, ayaw akong tigilan eh!
"Dinamay mo pa si Tristan ko?!"
"Tsk! Paalala ko lang ah, bago maging iyo iyan, unang naging akin 'yan." Ngisi niya at kasunod niyon ay narinig ko si Tristan sa lamesa na nabilaukan na!
"Kaasar ka! Maghapunan na nga muna tayo bago ako tuluyang mawalan ng appetite dahil sa'yo. Sayang pagpapakapagod ko magluto kung sakali ano!" Bulyaw ko sa kanya at nauna na sa kusina.
Inalalayan naman akong umupo ni Tristan sa upuan sa tabi niya, si Sohan ay naupo sa harapan ko kaya inirapan ko pa siya.
Sasandok pa lang sana ako ng sa akin ay inunahan na ako ni Tristan ko kaya hinayaan ko na siya. "Thanks,"
"You're welcome."
"Ako rin," parang batang saad ni Sohan habang hawak ang plato at inilalahad iyon kay Tristan. Maging ako ay nangunot ang noo. "Bakit si Crisella lang sinandukan mo? Ako may birthday dito ah."
"May kamay ka naman ah," tinabig lang ni Tristan ang plato ni So at hindi siya pinansin ni Tristan kaya lalong suminagot ang Kumag kong kaibigan.
"Paa lang naman nawala kay Crisella, may kamay pa rin. Kaya naman niyang sandukan sarili niya," ayaw talagang tumigil nito oh! At sinong nawalan ng paa?! There's still here, nagpapahinga lang.
Inabot tuloy kami ng mahigit isang sa lamesa, ayaw tumigil ni Sohan sa pakikipagtalo sa akin. Ayaw ko rin namang magpatalo sa kanya. Nanahimik lang si Tristan habang pinapanood kami, sumasabat lang siya sa usapan kapag dinadawit ni So ang pangalan niya.
"Paano ninyo nagawang tumira sa iisang bubong niyan sa loob ng ilang taon?" Himas-himas ni Tristan ang batok niya habang nakatingin sa sa aming dalawa ni Sohan. "Bago ka lumaklak ng alak, isayaw mo muna si Crisella." Tinapik ni Tristan ang balikat ni Sohan kaya nagsalubong agad ang kilay ko.
"Isayaw? Nahihirapan nga binti ko!"
Inaantok na ang mata ni Tristan na binalingan ako ng tingin. Mas pagod nga naman kasi siya kumpara sa akin. "This dinner date won't be complete without that." Giit niya sabay patay ng ilaw sa salas, naiwang nakabukas ang gold Christmas lights na sinet up niya at nagbibigay ng kaunting liwanag ang ilaw mula sa kusina at ilaw mula sa veranda.
Lumapit sa akin si Tristan at inalalayan akong tumayo. Saglit siyang yumukod para dampian ng halik ang likod ng kanang palad ko, matapos niyon ay ipinasa na niya ako kay Sohan.
"Is this really necessary?" Pupungas-pungas na tanong ni Sohan ngunit hinawakan pa rin naman niya ang kamay ko at dahan-dahang nakaalalay sa akin. Medyo nanginginig pa ang binti ko subalit mas dama ko iyong panginginig ng kamay ni Sohan!
"Kinakabahan ka ba?" Salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya subalit nagkibit-balikat lang siya.
Nilingon ko si Tristan na nag-play ng music. Ni wala akong ideya kung ano ang kantang pinlay niya kaya hinayaan ko na lang siya. Nang ma-i-play ni Tristan ang music ay umidlip na siya sa sofa at ipinaubaya ako kay Sohan. Tumigil na rin naman si Sohan kakaasar sa akin at marahan na lang niya akong isinasayaw sa gitna ng hangin at musika.
"Naalala mo iyong tanong ko sa'yo noon about your plans after graduation?" Tanong niya kaya saglit akong nag-isip. "About my plans to study in Germany, sabi mo sasama ka kung saan man ako magpunta." Paalala niya ng mapansing hindi pa ako tapos mag-isip.
Naalala ko na ang sinabi niya kaya agad akong tumango. Iyon iyong nga panahon na mukha akong stalker ni Tristan dahil inaalam ko kung anong nalalaman niya sa kagagahan ko.
"Uh, yes. Bakit? Tutuloy ka ba sa Germany?"
"No. Wala na akong plano. May ibang bagay akong kailangang pagtuunan ng pansin sa halip na unahin iyong sa Germany."
"What do you mean by ibang plano?" Hinahanap ko ang sagot sa mga mata niya ngunit wala naman akong nakikita roon. Bakit pakiramdaman ko ay may itinatago si Sohan sa akin? Baka kung anu-ano lang siguro ang iniisip ko. "Babae na naman siguro iyan ano?"
"Exactly, Crisella!"
"Napakababaero nito. Tumatanda ka lang, hindi ka naman nagtatanda."
Nginisian naman niya ako. "Sa gwapo kong 'to, malamang, tatanda ako paurong ano? May binabagayan dapat ang kagwapuhan ko, hello?!"
"Nagsisimula ka na namang mang-asar eh!"
Saglit siyang huminto sa pagsayaw sa akin at nakangiting sinalubong ang mga tingin ko sa kanya. "Okay, titigil na. But seriously, thank you for tonight Crisella, thank you for everything."
"At bakit ikaw ang nagpapasalamat sa akin? Kulang pa nga ito sa dami ng naitulong mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo, baka nabenta na ako sa black market ano?!" Pabirong saad ko subalit nginitian lang niya ako.
Ilang minuto pa niya akong pinagkatitigan. Nawiwindang na ako sa tingin niya sa akin ngunit hindi ko naman magawang mag-iwas ng tingin sa kanya. Hanggang sa ang mga kamay niyang nakahawak sa beywang at kamay ko ay yumakap na sa akin.
"You always give me the best birthday presents, Crisella." Usal niya habang hindi pa rin ako pinapakawalan sa mga yakap niya.
"I know, right!" Hagikgik ko bago siya yakapin pabalik ng mahigpit. "Happy Birthday, Sohandsome!"
KINABUKASAN ay tanghali na naman akong nagising. Sabi na nga ba at sira na ang body clock ko! Bababa na sana ako sa kama nang mapansin kong natutulog ng mahimbing sa gilid ng kama ko si Tristan.
Nagulo ko na lang lalo ang buhok kong magulo habang nakatingin sa kanya.
Sinabi na kasing malaki naman ang kama ko, doon siya sa kabilang side at igigitna ko ang extra'ng unan na mayroon ako pero ayaw talaga pumayag ni Kupal. Makalat pa naman sa salas dahil sa birthday celebration ni Sohan kagabi.
Dahan-dahan akong umalis ng kama. Inayos ko pa ang kumot ni Tristan na nasa binti na niya bago ako lumabas. Pagkalabas ng kwarto ko ay tumambad agad sa akin ang kalat namin sa salas. Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. Katulong ko naman si Tristan diyan mamaya kaya kaya ng linisan iyon.
Uminom na muna ako ng tubig saka ako nagtungo sa washroom para linisan ang sarili ko.
Nang makalabas ako mula sa washroom ay siya namang kakalabas lang din ni Tristan sa kwarto. Sabog ang buhok niya at ang mata niya pipikit-pikit pa. Inis, ang cute pa rin niya sa sitwasyon na iyan.
"Crisella ko," humihikab na tawag niya sa akin. "Anong oras na?"
"10:30." Sagot ko kaya mabilis na namilog ang mga mata niya. Mukhang nagising mula sa antok.
"Muntik ng mawala sa isip ko, final defense nga pala namin ngayon!" Sambit niya at natatarantang pumasok sa washroom.
Napakibit balikat na lang ako. Naghanda ako ng oatmeals para sa aming dalawa ni Tristan, sinulyapan ko lang sandali ang kwarto ni So, nakasara ang pinto, hindi ko alam kung nakaalis na ba siya o tulog pa.
Binuksan ko na lang muna ang bintana sa salas para hindi na masyadong kulob sa bahay. Mula sa veranda ay napansin kong wala na ang kotse ni Sohan sa garage, mukhang maaga ngang umalis si Kumag.
Baka ngayon din ang schedule ng final defense nila kaya maaga siyang umalis. Pagbalik ko sa loob ay natataranta ng binubuklat ni Tristan ang laptop niya, hindi alintana ang kalat. Paniguradong hindi niya inintindi at binasa ang research nila kaya ganyan siya natataranta ngayon. Halatang inuna magbasa ng novels eh!
Ayaw na ayaw niyang nag-aaral o nagrereview ng makalat pero nirereview niya ang paper nila ngayon ng makalat sa salas.
Lagi akong pinapaalalahanan na mag-aral ng mabuti siya naman 'tong pasaway!
Napailing na lang ako at kinuha iyong oatmeals na pinrepare ko para sa aming dalawa, kinuha ko rin ang yogurt sa refrigerator at inabot ang isa sa kanya para kahit papaano ay makakain siya habang nirereview ang paper nila.
"Himala, nawala ata yabang mo ngayon." Natatawang sabi ko subalit hindi niya ako pinansin dahil abala siya sa pagbabasa ng paper nila. Natatawa na lang muna akong umalis sa tabi niya at nagtungo sa kwarto ko.
Aayusin ko sana 'yung kama subalit nalinis naman na pala ni Tristan bago siya lumabas.
Pabalik na ako sa salas nang mapansin ko ang sticky note na nakadikit sa likod ng pintuan ko. Sulat kamay ni So. Kailan niya pa iniwan 'to?
LOL, the letter may not fit here, get inside my room, I left the letter there.
- SoHandsome
Dumagundong sa kaba ang dibdib ko habang nagtataasan ang mga balahibo ko sa katawan. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ni So, subalit kamamadali ko ay tumama pa sa hamba ng pintuan ang wheelchair ko, kahit nahihirapan ay pinili kong tumayo at pumasok sa kwarto niyang katapat lang ng pintuan ko.
Hindi naka-lock ang pintuan kaya mas lalo akong nabalisa.
Nang makapasok ako sa kwarto niya ay nanunubig na agad ang mata ko. B-bakit walang kalaman-laman ang kwarto ni Sohan? Sunod-sunod akong napalunok habang pilit na ikinakalma ang sarili ko.
Baka naubos lang ni Kumag ang mga gamit niya kakasugal. Tama! Ganoon nga!
Subalit namg buksan ko ang cabinet niya maging ang nga damit niya ay wala na roon. Bakante ang kwarto niya na tanging ang cabinet at kama lang niya ang laman niyon. Napansin ko ang tinutukoy niyang sulat sa kama kaya dali-dali kong kinuha iyon.
Kakamadali kong lumapit sa kama niya at bumagsak pa ako sa sahig, namali ako ng hakbang at naapektuhan ang binti ko, naunang tumama ang tuhod ko sa tiles. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at kinuha inuna pa ring basahin ang letter na iniwan sa akin ni So.
Why does he have to write a letter?! H-hindi ba pupwedeng mag-message na lang siya sa akin online?
Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang nanginginig ang mga kamay ko na buklatin iyong sulat na iniwan niya.
________________
Crisella, you're sleeping well last night, hindi na kita nagawang gisingin. Alam kong pipigilan mo ako kung gigisingin pa kita. I'm sorry that I have to leave you like this. I left Atty. Valdez contact in your phone, let her know kung ginugulo ka pa ng pamilya mo. I'm really sorry, there's an urgent matter that I cannot just set aside. With Tristan by your side, I assume that you'll be fine.
Don't worry, it's not like I'm not coming back, you know how much I love you, don't you? Babalik ako, okay? Kaya huwag kang iiyak, ang pangit-pangit mo pa naman umiyak. I love you, please take care of yourself for the meantime, my princess.
Your handsome knight in shining armor,
Sohan Travios
________________
Pigil-pigil ko ang paghikbi ko habang binabasa ang letter sa akin ni Sohan.
Saan ba siya nagpunta? Bakit kailangang iwanan niya ako? Kahit naman natutulog ako, bakit hindi niya sinabi sa akin kagabi?! Is he really coming back? Bakit pakiramdaman ko ay kasinungalingan iyon.
Hindi niya kayang magsinungaling sa akin kaya iniwanan na lang niya ako ng sulat. Or maybe he's been planning to leave me for a while at nagpanggap lang akong walang alam dahil kilala ko ang sarili ko, hindi ko kakayanin sa oras na iwanan niya ako.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top