Chapter 51
Chapter 51: I hate everything about you
CRISELLA'S POV
"DID you prepare for this or what?" Natatawang tanong ko kay Tristan habang binubusisi ang bugkos ng bulaklak na ibinigay niya sa akin, kung susumahin ay origami iyon. "But why flowers made of paper anyway? I mean, hindi ako nag-iinarte. Hindi ka ba nahirapang gawin ito or something since may garden ka naman sa school grounds?"
"Hindi naman ako napapagod pagdating sa'yo, Crisella ko." Aniya kaya muntik na namang umikot sa ere ang mga mata ko.
"Whatever. Pagbibigyan kita ngayon kasi Valentine's Day. Pero hindi ko pa rin maatim pagiging mais mo ah."
"Maka-mais, allergic na nga iyong tao sa mais eh."
Napangiti na lang ako sabay baling ulit ng tingin sa bugkos ng bulaklak na ibinigay niya sa akin. "Anyway, thank you ulit. To be honest, I don't want this type of celebrations kaya hindi ako nagprepare ng ibibigay man lang sa'yo." Napangiwi na lang ako. "Gosh! I hate you Tristan! I'm starting to love everything I hate about you!"
"Oh? Sinong mas mais sa atin ngayon, Crisella ko?"
Tinignan ko siya ng masama bago iangat ang middle finger ko.
FINALLY at nakalabas na rin ako ng hospital. Ang problema, nahihirapan pa rin akong maglakad kaya naka-wheelchair ako. Nahihirapan akong gumamit ng crutches kaya wheelchair ang gamit ko. Sabi nga ni Sohan tama lang daw na naka-wheelchair ako dahil pati pagtayo kinakatamaran ko!
Kung alam lang niya kung gaano kakirot ang dalawang binti ko ano!
Magaling na lawyer si Attorney Valdez kaya tuluyang nasampahan ng kaso si Gheme. Base sa desisyon ng korte ay dadalhin siya sa rehabilitation center at pinag-aaralan pa nila kung dapat ba siyang bigyang ng karampatang parusa. Knowing Sohan, he'll make sure na magbabayad ang bruha kong kapatid.
At dahil ayaw kong harapin ang buong pamilya nila, hindi ako sumipot sa hearing. Dinaan ko sa sakit-sakitan si Attorney Valdez at So kaya nakalusot ako.
May narinig akong ingay mula sa labas kaya lumabas ako. Nakita ko si Sohan na may kausap na lalaki, saglit naningkit ang mga mata ko habang tinitignan iyong lalaki dahil mukhang pamilyar. Kaagad na umakyat sa ulo ko ang inis ko ng makilala ko na kung sino iyon, si Travis na minsan kong hinanapan kay Sohan noon.
Kung nakwento ko lang kay Sohan kagaguhan sa akin ni Travis noon baka hindi na humihinga iyan.
Good thing, Tristan was there that day.
"Sige 'tol! Ako ng bahala dito!" Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil na kay Travis na ang motor ni Sohan, doon ko lamang na-realize na ibinenta niya ang motor niya.
Sohan surely sold his motorcycle because of me.
Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Sinabi ko naman na sa kanya na hindi niya kasalanan iyong nangyari.
Bahagya na lang akong napangiti ng magtama ang tingin namin ni Sohan matapos niyang ihatid sa labas si Travis. "Bakit ibinenta mo iyong motor mo?"
"Hmm? Nagsawa na ako roon kaya dinispatsa ko na." Kibit-balikat na tugon niya ngunit hindi ako kumbinsido.
"Sohan, gustong-gusto mo iyong motor na iyon. Iyon iyong unang regalo mo sa sarili mo na talagang pinag-ipunan mo sa disenteng paraan. Hindi mo naman kailangang ibenta iyon dahil sa akin kasi hindi mo naman kasalanan iyong nangyari."
"Crisella," nginitian niya ako bago guluhin ang buhok ko. "Sinabi ko na, pinagsawaan ko na iyon, pampasikip lang sa garage iyon."
Napabuntong hininga na lang ako. I don't to cook ampalaya with him anyway. Mas lalo akong walang nagawa dahil siya mismo ang nagtulak ng wheelchair ko patungo sa kusina kung nasaan si Tristan at doon niya ako iniwanan.
Saglit ko pang tinapunan ng tingin si So ngunit tumalikod na siya.
"Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" Nakangiting tanong sa akin ni Tristan kaya nabaling ang paningin ko sa kanya.
Nakasuot siya ng apron habang nagbabalot ng cheese sa lumpia wrappers. "Hmm? Si Sohan kasi, ibinenta niya iyong motor niya dahil sa akin. Sinisisi pa rin niya ata sarili niya dahil sa aksidente."
"Desisyon na ni Sohan iyon, Crisella. Malay mo gumaan iyong naramdaman niya dahil sa pagbenta niya ng motor niya."
At maging ako ay gumaan ang nararamdaman dahil lang sa ngiti niya. Napailing na lang ako bago suklian ang ngiti niya. "Whatever! Ano bang niluluto mo diyan? At kailan ka pa natutong magluto?"
"Hindi pa rin naman ako marunong magluto. Nagcrave lang ako ng cheese sticks, dadamay na kita syempre." Aniya kaya umikot sa hangin ang mga mata ko.
"Baka naman magkasunog-sunog iyang ginagawa mo diyaan ah."
"What? Wala ka bang tiwala sa akin. Chill! Maglinis, maglaba magtanim, maaasahan mo ako diyan! Well, medyo fifty-fifty sa pagluluto, hehe."
"Iyong kalan! Baka mamaya tayong dalawa ang mag-fifty-fifty sa kalokohan mo ah," tinignan ko iyong mga nabalot niya ng cheese, may ilan din na naluto na kaya kumuha ako ng isa at idinip iyon sa ketchup. "Puro prito pa lang alam mong iluto ano?"
"You can blame me. That's the only thing that I know para maka-survive man lang ako kapag wala si mama sa bahay. Kapag wala either canned foods or food delivery!"
"Gosh! You're hopeless. Baka naman hindi ka pa marunong magsaing?!"
"Who said no? Ang sarap-sarap nga lagi ng luto kong kanin kaya nakakailang sandok palagi si mama!" Ang yabang!
"Ewan ko sa'yo! Since maghahapunan naman na tayo ikaw na magluto ng hapunan. Ikaw magprepare ng rekado at ikaw din ang maghahalo."
"Hindi kaya inuuto mo lang ako para ako ang paglutuin mo ng ulam?"
Umangat ang kaliwang kilay ko kaya kaagad niyang naitaas sa ere ang mga kamay niya.
"Charot lang, Chef Crisella! Ano na bang ipeprepare? Ako ng bahala dyan!"
For Pete's sake, ayan na naman siya sa charot niya. I just hate that it sounds cute.
Makikinig din naman pala! Kung nakakakilos lang ako ng maayos, magvovolunteer pa akong magluto para ipagmalaki ang cooking skills ko sa kanya pero wala ako sa kondisyon para roon. "Alam ko kumpleto pa iyong rekado diyan sa ref. Iyong baboy, kangkong, gabi, sitaw at okra. Then iyong sibuyas, sili at kamatis."
"May talong dito, isasama ko na 'to."
"'Wag! Subukan mo ng malintikan ka sa akin!"
"Kawawang talong." Aniya at biglang lumingon sa akin sabay pakita ng talong galing sa ref. Saglit na nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. "Sa dami ng ilalagay sa sinigang talagang talong pa ang dinisregard mo?"
"Geez! Nangangati labi ko dyan sa talong, tigil-tigilan mo ako, Tristan."
"Ampalaya hater na nga, talong hater pa," talagang ipipilit niya iyan?! "Baka naman mabulok lang 'tong talong dito sa ref? Why don't let it serve other purpose?" Ngisi niya kaya lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
Anong serve other purpose?! "H-huh?"
"Tortang talong! Masarap magluto ng tortang talong si mama. For sure makakakain ka ng talong ng hindi nangangati."
My Pipino, Tristan! Nahilot ko na lang ang sintido ko. "Iprepare mo na nga lang 'yung ingredients!"
Nginitian niya lang ako ng labas ang gilagid kaya napangiwi na lang ako. Wala talaga siyang kaalam-alam sa pagluluto kaya inisa-isa ko pa iyong gagawin niya, mabuti na lang at naiintindihan niya kung anong tinuturo ko.
Kinain ko na lang iyong cheese sticks na niluto niya habang pinapanood ko siyang linisan ang lamesa. Bukod sa tinapon na niya iyong pinagbalatan ng gulay, nag-spray pa siya ng tubig na may sabon sa table, napakabusisi talaga maglinis.
Seriously? Bakit mas magaling pang maglinis ang boyfriend ko kumpara sa akin?
Napalunok na lang ako bago abutin ang tubig dahil nabilaukan na ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya nang mapansin ang pag-inom ko ng tubig.
"Tristan, ang gwapo mo." Saad ko ng hindi sinasagot ang tanong niya. Napangiti na lang ako nang mamula ang pisngi niya at talikuran ako bago siya magpanggap na hinahalo ang niluluto niya. "Huy!"
"W-What? Titimplahan ko na 'to ah. Ihahalo na lang naman iyong s-siningang mix eh."
Ang hirap talaga bigyan ng complement nitong Kupal kong boyfriend eh.
Lumapit na lang ako sa kanya. Nananatili pa rin siyang nakatalikod sa akin kaya kumapit ako sa corner ng lababo para tulungan ang sarili ko na makatayo kahit medyo makirot pa ang binti ko. Nang tuluyan akong makatayo ay doon ko siyang niyakap mula sa likod.
"C-Crisella..."
Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at ramdam ko ang panginginig ng mga iyon. Naidukdok ko na lang tuloy ang noo ko sa likod niya. "Ano ba? Minsan na lang ako maglambing ayaw mo pa?" Usal ko at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"H-hindi naman---teka! Iyong binti mo...! Crisella!"
"Huwag ka ngang OA! Ayos lang ako. Bakit ba nagpapanic ka?"
"May kaluluwa atang sumapi sa'yo galing sa hospital---aray... aray, joke lang po!" Nakurot ko siya sa tagiliran kaya napaigtad siya. Ang kulit kasi. "Opo, wala na nga. Maupo ka na nga muna, nag-aalala ako sa binti mo eh." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para paulanan siya ng halik sa pisngi. "Crisella."
"What? Gandang-ganda ka na naman sa akin?"
"Don't tell me last will and testament mo na kasunod nito---aw! Joke lang! Hindi na nga uulit!" Hinampas at kinurot ko siya sa braso saka pinanlakihan ng mga mata.
"Ikaw ang hindi na makakaulit sa akin." Nagtatampu-tampuhang saad ko at uupo na sana ulit ako sa wheelchair ngunit pinigilan niya ako, niyakap niya ako sa beywang ko bago ako dampian ng halik sa ilong ko. "Tristan...!"
"Nagtatampo ka?"
"Naiinis ako!"
Muli niya akong hinalikan sa pisngi kaya sinimangutan ko na siya. "Abuso ka na ah."
"Ako pa abuso ngayon? Nakailan ka nga!"
"Wow? Hindi mo ginusto? Ayaw mo ng hugs and kisses ko ngayon?!" Arte ko subalit tinawanan lang ako ni Kupal.
May nakakatuwa?!
Inalalayan na niya ulit akong maupo sa wheelchair ko. Naramdaman ko iyong pagkirot ng mga binti ko subalit isinantabi ko na lang muna iyon. "Maluluto na iyan?" Tanong ko sa kanya makaraan ang ilang minuto.
"Yes. Here, tikman mo muna." Aniya at sinandukan ng sabaw iyong sandok bago ipatikim iyon sa akin.
Napatango-tango naman ako matapos na matikman ang luto niya. "Pipino! Ang sarap. Ang galing ko talagang magturo!"
"Aba! Iyon talaga sasabihin mo? Hindi man lang 'ang sarap mo talagang magluto, Tristan ko!'?"
"Huh? Inaarte mo diyan? Hindi ka naman makakapagluto dahil sa akin ah!" Ganti ko at binelatan siya.
Nameywang naman siya bago iduro ang sandok sa akin. "Dahil diyan, hindi kakain ng hapunan, Crisella!"
"Hoy! Nakikitira ka lang, tigil-tigilan mo ako. Ito! Iniwan mo ngang walang kasama si Tita Hayley sa inyo, pati mga pusa mo."
"Oo, syempre! Ganyan kita kamahal eh!"
Napangiwi ako dahil ayan na naman siya sa mga banay niya. "Ayan ka na naman sa kamaisan mo!"
"Pero seryoso Crisella, handa akong iwan lahat alang-ala sa'yo pero kung sasabihin mong ayaw mo na, pagod ka na at hindi mo na ako mahal, doon lang kita lalayuan."
At bakit nagseryoso ito bigla? Nasabihan lang na umiiral na naman pagiging mais niya eh! "Come on, Tristan. Not everything's about me. Paano kung dumating sa punto na kailangan mong mamili sa akin at sa pamilya mo? O kaya naman paano kung kailan mong mamili sa akin at sa pangarap mo."
"Ikaw pa rin naman ang pipiliin ko." Sinserong tugon niya bago ibaba ang tingin niya sa akin.
Doon ko naman sinalubong ang mga tingin niya sa akin habang marahang umiindak sa hangin ang mga daffodils na nasa mga mata niya. "Hindi ikaw ang pipiliin ko sa oras na papiliin ako sa pagitan ng pamilya at pangarap ko o ng kasiyahan ko." Seryosong tugon ko kaya nababa niya ang sandok at napatay na ang kalan habang hindi ako nilulubayan ng tingin.
"C-Crisella."
"Hindi na tayo mga bata, Tristan. Habang nagkakaedad tayo nagkakaroon tayo ng kanya-kanyang responsibilidad. At alam mo kung ano ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko sa pamilya ko. Kaya kung darating man ang panahon na kailangan kong mamili sa'yo at kay Sohan, si Sohan ang pipiliin ko," hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya. "Pero hindi dahil si So ang pipiliin ko sa halip na ikaw, hindi ibig sabihin niyon ay hindi na kita ipaglalaban."
Napansin ko ang pamimilog ng mga mata niya bago niya tawirin ang distansya naming dalawa. Itinukod niya ang kaliwang tuhod niya sa sahig para pantayan ako, kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko bago niya ako yakapin ng mahigpit.
"Crisella, mahal na mahal kita." Usal niya habang yakap-yakap ako.
Niyakap ko siya pabalik; sinuklian ko ang mahihigpit niyang yakap sa amin habang magkasabay na nagkakarambola sa dibdib naming dalawa.
"THIS is personal!" Nakasimangot akong nakatingin sa to-do list ko. Hindi ako naiinis sa dami ng gagawin ko, mas naiinis ako sa isang activity sa UCSP.
"Bakit?" Tanong ni Tristan na tahimik na nagbabasa ng libro sa tabi ko habang nakasandal siya sa kanang balikat ko.
Hindi ko pa kayang pumasok sa sitwasyon ko kaya inuuwi sa akin ni Tristan lahat ng schoolworks ko, pagdating naman sa long quizzes at major exams minemeet ko online ang teachers ko. "Pinapagawa kami ng family tree! Anong ilalagay ko rito? Geez! Hindi ko na ipapasa 'to, hindi naman ako babagsak sa iisang activity ano."
Inangat niya ang tingin sa akin bago pisilin ang ilong ko. "Magtigil ka nga. Ilagay mo na lang deceased." Aniya sabay tawa kaya napangiti na lang ako. "Tinatamad ka naman gumawa, ayaw mo namang magpatulong sa akin."
"Kaya ko naman kasi. Inuuna ko lang mag-inarte." Ngiwi ko at iyong activity na lang sa Empowerment Technologies ang ginawa.
"Ganito na lang, pataasan tayo ng grades, Crisella ko." Sabi niya habang nakatingin ng nakakaloko sa akin.
Sandaling naningkit ang mga mata ko. "Aba! Maling tao ata ang hinahamon mo hoy!"
"Seryoso ako," pinisil na naman niya ang ilong ko habang tumatawa. "Kapag mas mataas ang general average ko ibibigay mo kung ano ang gusto ko at kung mataas ang general average mo, ako ang magbibigay sa'yo kung anuman ang gusto mo."
Umarko ang kaliwang kilay ko bago siya ngisian. "Madali lang naman akong kausap! Kahit ano ah, ikaw may sabi niyan!"
"Opo! By the way, alam ko namang nagpapatalo ako sa'yo palagi pero hindi ngayon. Kaya mag-aral ka ng mabuti."
"Aba, aba! Ano bang gusto mong makuha sa akin at nagseseryoso ka?" Tanong ko habang salubong na naman ang mga kilay ko.
Nginitian lang niya ako na abot tainga kaya alam kong may kakupalan na naman siya. "Malalaman mo rin kapag mas mababa ang general average mo."
"Asa ka. Mas mataas general average ko sa'yo but it doesn't mean na makikipag-agawan pa ako kay Xhera sa pwesto niya ano."
"Psh! Iba ang valedictorian ng bawat strands, Crisella." Ngisi niya kaya namilog ang mga mata ko.
"Don't tell me may plano kang maging valedictorian?!"
"If it is the only way," at pinisil na naman niyo ang ilong ko! Matatapyas na ilong ko sa ginagawa niya eh.
Inirapan ko na lang siya at ibinaling ang atensyon ko sa excel sheet ng laptop ko. Abala ako sa paglalagay ng formula ng may maalala ako. Kaagad kong nahampas si Tristan subalit hindi ganoon kalakas iyon.
"Hmm? Don't tell me uurong ka na agad."
"Asa ka! Mas mataas general average ko kaysa sa'yo ano. Daldal mo kasi, nawala na tuloy sasabihin ko," masasapok ko na 'to eh. Nahilot ko ang sintido ko habang iniisip ang sasabihin ko. "Ayun! Anong date ngayon?"
"30 ata or 31?"
"Walang 30 ang February!" Sambit ko kaya namilog ang labi niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa libro niya.
"Eh? Bakit ba ako ang tinatanong mo? Ikaw itong kaharap ang laptop mo."
Oo nga naman! Nang makita ko ang araw ngayon ay nasapo ko na lang ang labi ko. Hindi ko naman nakalimutan pero iyong petsa ngayon ang nawala sa isip ko! Kaagad kong niyugyog si Tristan na abala na ulit sa pagbabasa. Nag-isang guhit tuloy ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.
Alanganin na lang akong napangiti. "Sorry na, pero ano ba kasing magandang iregalo sa lalaki?"
Nawala ang pagsusungit sa mukha niya at sumilay na naman ang ngiti sa labi niya. Gosh! Hindi kasi oara sa kanya! "Libro! Napaka-basic Crisella ko, bakit kailangan mo pa akong tanungin?"
"Assumero ka! Hindi kasi para sa'yo."
"Aba't...! Namemersonal ka naman ata?"
"Birthday ni Sohan bukas," sumilip ako sa labas kasi baka nasa malapit lang si So pero sa pagkakaalam ko ay hindi pa siya nakakauwi, hindi ko alam kung saan na naman nagpunta iyon. "I've been giving personalized gifts in the past, baka nauumay na siya sa binibigay ko sa kanya, what should I do?"
"Hindi ka magpeprepare ng party for him?"
"Na-ah. He wants to celebrate his birthday peacefully. Anyway, tumatanda naman na si So, what if vacuum cleaner na lang iregalo ko o kaya naman soap dispenser?"
Nangunot ang noo ni Tristan na nakatingin sa akin habang hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. "Crisella, seriously?"
"What? Pareho kayong obsessed sa cleaning. Don't worry, vacuum or walis ireregalo ko sa'yo sa birthday mo---aww!" Bigla niyang pinisil ang ilong ko kaya natignan ko siya ng masama.
"Just set a dinner date with him, tutulungan na lang kitang mag-set up."
"Why dinner date though? Talagang pinamimigay mo na ako kay Sohan ngayon?"
"Tss! Syempre hindi ano. Ikaw na rin ang nagsabi na he wants to celebrate his birthday peacefully. Then maglinis na lang dito sa bahay then minimal decorations at dinner, of course, you will cook."
Saglit akong napaisip dahil sa sinabi ni Tristan. "Hindi kaya gusto mo lang gisingin katamaran ko, hirap pa nga akong tumayo!"
"Kaya nga tutulungan kita." Pag-uulit niya na salubong na naman ang kilay ngayon.
Napahagikgik na lang ako habang nakatingin sa kanya. "Shall we start the preparations na ba?"
"No. Tapusin mo muna iyang school activities mo." Aniya kaya nabura ang mga ngiti sa labi ko bago muling ibaling ang atensyon sa school activities ko.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top