Chapter 50
Chapter 50: Rows, Roast, Roses
CRISELLA'S POV
"I'M SORRY." Anas ni Sohan habang binabalutan ng gasa ang mga sugat ko sa binti. "Hindi ako nag-ingat, Crisella. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka makakaldkad sa motor. Sana ginamit ko na lang iyong kotse kahit na traffic."
Hinawakan ko ang kamay ni Sohan at tinignan siya sa mga mata. "Wala kang kasalanan. Wala namang may alam sa ating dalawa na biglang susulpot si Gheme para gawin iyon hindi ba?"
"I'm really sorry. Don't worry, natawagan ko na rin si Attorney Valdez."
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagbanggit niya kay Attorney Valdez. Minsan ko na siyang naging abogado nang ma-detain ako sandali dahil sa kalokohan nila Brooke. "Wait, hindi ba at ambulansya dapat ang tawagann mo at hindi si Attorney Valdez...?"
"We're going to file a lawsuit to your sister, Crisella. Attempted murder... whatever it is. Sisiguraduhin kong hindi na makakaulit ang kapatid mo. If you want we can file a lawsuit to your parents as well, they've abused you after all."
"Sohan, hindi mo na kailangang gawin iyon."
"Tsk! Tangina naman kasi, Crisella! Ano bang napapala nila sa pinaggagawa nila sa'yo?" Inis na singhal ni Sohan at napahilot na lang sa sintido niya. Hindi ko rin alam kung anong dapat na gawin kaya napabuntong hininga na lang ako. "Fine! Sa'yo pa rin naman ang desisyon pero itutuloy ko ang lawsuit sa kapatid mo. I know na minsan mo ng nakwento sa akin na tinutukan ka na ng kutsilyo ng kapatid mo noon but I never imagine that she can do these things in broad daylight. Plus, they are lots of pedestrians out there earlier!"
Nanatili na lang akong tahimik dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Maging ako ay natatakot sa sarili ko. I almost killed Gheme. Paano na lang kung hindi ako napigilan ni Sohan?
"Crisella!"
Binabaha pa ng mga tanong ang isipan ko nang marinig ko ang boses ni Tristan. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse at patakbong lumapit sa akin. Hindi ko pa man nagagawang magsalita ay nakalapit na agad siya sa akin at niyakap ako.
Binalingan ko ng tingin si Sohan subalit nag-iwas lamang siya ng tingin. Bakit kailangan niya pang papuntahin si Tristan dito? Pwede namang mamaya na niya papuntahin si Tristan.
"Mabuti na lang at malapit lang ako. Kamusta ang lagay mo? Ayos ka lang ba? Anong nangyari? Nasaan na iyong gago mong kapatid?!"
Natulala na lang ako. Walang salitang namutawi mula sa labi ko. Hindi ko al kung saan ba dapat ako magsimula.
"Dalhin na muna natin sa hospital 'yan. Nalinis ko na iyong mga sugat ni Crisella pero kailangan pa ring matignan iyan." Saad ni Sohan at nagulo na lang ang buhok niya.
Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Tristan saka ako hinarap. Nginitian niya ako subalit hindi umabot iyon sa mga mata niya na maging ang daffodils sa mata niya ay binabagabag din.
Inalalayan nila akong dalawa na tumayo subalit nang makatayo ako ay kaagad akong binitawan ni Sohan dahilan upang muntikan na akong matumba. Tinignan ko ng masama si Sohan dahil muntikan na namang malintikan ang mga binti ko. Mas ramdam ko na iyong pananakit nila ngayon kumpara kanina.
"What? Anong silbi niyan ni Tristan kung ako pa ang bubuhat sa'yo?" Salubong ang mga kilay na aniya kaya napairap na lang ako. Pasalamat siya at hindi ko siya mabatukan ngayon.
"Tara na." Saad ni Tristan at binato kay So ang susi ng kotse niya na agad naman nitong nasalo.
Nahigit ko ang hininga ko ng buhatin ako ni Tristan sa mga braso niya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin kaya naidukdok ko na lang ang mukha ko sa balikat niya.
Banas, ang bango ni Kupal!
"Ako nang bahala sa'yo, huwag mo ng pwersahin ang mga binti mo hangga't hindi pa gumagaling iyan." Saad niya at bahagya lang akong tumango hanggang sa maibaba niya ako sa backseat ng kotse niya. Si Sohan naman ang mag-da-drive ng kotse.
Wait! Did he really wait for Tristan to come instead na tumawag ng ambulansya or cab?!
Nasapo ko na lang ang noo ko. Sohan's not dumb. Bakit ba niya ginagawa ito?!
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Tristan nang mapansin ang hitsura ko kaya kaagad naman akong umiling sa kanya.
"Don't mind me, ayos lang ako."
"Komportable ba ang mga binti mo? Gusto mo bang ipatong---"
Sumandal na lang ako sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya. Dahil sa totoo lang ah nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo at pananakit ng ulo. "Ayos lang ako. Kaya ko pa naman." I cannot say na mas malala pa ito sa mga dinanas ko noon pero masakit talaga! Kahit naman kasi reklamuhan ko pa si Tristan ay hindi naman mapapawi niyon ang sakit ng mga binti ko.
Sana lang talaga at walang buto na napuruhan sa akin.
Pagkarating sa hospital ay muli akong kinarga ni Tristan patungo sa emergency room. Nawiwindang man ako dahil karga-karga niya ako ngayon ay hindi naman ako makaangal.
Mabuti na lamang at may available na doctor para i-check agad ang mga binti ko. Nilinisan muna nila ang binti ko para masigurong malayo iyon sa infection dahil na-exposed ang sugat ko kanina. Matapos noon ay pinainom ako ng pain reliever habang hinihintay ang resulta ng X-RAY kahit mukhang alam naman na ng doctor ang sitwasyon ng binti ko.
"How do you feel?" Tanong sa akin ni Tristan habang hinihintay namin ang doctor na bumalik.
"Huwag ka na ngang mag-alala, masamang damo 'to, hindi agad ako mamatay dahil dito ano?!" Pero masakit talaga! Kahit may pain reliever na pinainom sa akin ay masakit pa rin ang binti ko. "Buti na nga lang at binti lang ang napuruhan sa akin. What more kung mukha? Paano na lang ang modelling career ko, hindi ba? Gosh! Good thing at hindi ko pinursue ang pagiging athlete ko." Biro ko sa kanya kaya agad siyang napailing.
"You don't deserve this, Crisella." Aniya bago dampian ng halik ang likod ng kanang kamay ko na hindi niya mabitaw-bitawan. "I'm sorry, wala ako roon kanina."
"Geez! Isa ka pa na panay sorry. Hindi mo naman ginustong mangyari ito, okay?" Saad ko subalit ngayon ko lang na-realize. Nakakatakot si Sohan magalit at ganoon din si Tristan. I've witnessed him got mad multiple times, madalas ay dahil lang sa mga pusa at libro niyo iyon. Paano pa kung tungkol na sa akin? "Tristan," seryosong tawag ko sa kanya bago humigpit ang hawak ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Don't do something stupid. Please, leave this to me."
"Wala pa akong ginagawa, Crisella." Giit niya ngunit mabilis akong napailing.
"I know but please, kaya ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko naman na iyon si Gheme, mali lang talaga iyong timing niya."
"Mali lang ba talaga ang timing o hindi mo lang talaga kayang saktan ang kapatid mo?" Tanong niya sa akin kaya saglit akong natigilan.
Nang mapagtanto ko iyon ay natawa na lang ako. "Shut up! Talagang mali lang ang timing ano. Hello? After everything do you think na magpipigil pa ako toward her?"
"You can't do such heavy crimes, Crisella. At hindi kita hahayaang madungisan ang mga kamay mo dahil lang sa patapong pag-iisip ng pamilya mo." Paniniguro niya sa akin bago siya tumayo at abutin ang noo ko para dampian ako ng halik sa noo.
Sinuklian ko na lang siya ng ngiti dahil hindi ko na kayang depensahan ang sarili ko.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko habang nakatingin kay Tristan. Parang pinipiga ang puso ko sa hindi malamang dahilan habang nakatingin sa kanya.
HAPON na nang mailabas ang resulta ng X-ray ko. Kinumpirma nang doctor na may leg fracture nga ako sa magkabilang binti at mayroong second degree burn sa kanang binti.
Dahil natanggap na rin ni Sohan ang result ng medical ko ay kaagad niyang ipinasa kay Attorney Valdez iyon para maituloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Gheme. Bukod doon ay narinig kong nakuha na rin nila ang CCTV footages sa intersection kung saan nangyari ang insidente.
Looks like hindi ko na talaga mapipigilan si Sohan. In any way, Gheme brought that to herself. Sa narinig ko kay Attorney Valdez kanina ay ako pa rin naman ang biktima sa kasong itong lalo na at marahas akong hinila ni Gheme mula sa motor kanina at muntik masagasaan. Matuturing naman daw na self-defense ang ginawa ko kay Gheme kanina kaya may laban kami sa kaso.
Malalim pa ang iniisip ko nang makita ko si Xhera na nasa dulo ng kama ko habang sapo-sapo ang labi niya na nakatingin sa akin.
Napangiwi na lang tuloy ako dahil sa tingin na binabato niya sa akin. "Oh please, Xhexhe! Don't pity me."
"Oh God! I hope you're okay. Late ko na nabasa ang message ni Tristan dahil ang dami kong ginawa sa campus." Aniya bago ilapag ang bitbit niyang prutas at bouquet sa lamesa malapit sa akin.
Saglit kong nilingon si Tristan na nakatulog na sa pagbabasa ng libro at pagbabantay sa akin. Mabuti na rin iyong nakatulog siya kahit papaano dahil maging ako ay nahihirapan sa tuwing makikita ko iyong mga mata niya na nag-aalala. Samantalang si Sohan, abala sa labas at inaasikaso ang lawsuit kasama si Miss Valdez.
"Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni Xhe bago niya hilahin ang monoblock para upuan.
"Tapos na. I mean, kahit wala akong gana kumain kung mas masungit pa ang boyfriend ko kaysa sa nurse ko wala akong magagawa." Saad ko at sandaling nilingon si Tristan bago ibalik kay Xhera ang tingin ko.
"This is just freaking devastating. I'm not overacting but you almost died, Crisella. Gosh! Prepare your statement, marami kaming kilalang lawyers. Magfile tayo ng lawsuit against that bitch!"
Napatayo pa si Xhexhe sa kinauupuan niya kaya kaagad ko siyang napigilan. Please, she's mad too. "Kalma. Inaayos na ni Sohan, alam mo naman iyon."
"Ano pa lang sabi ni Sohan?"
Saglit kong naipikit ang mga mata ko at nahilot ang noo ko. "I have this feeling that he's blaming himself. It's not his fault Xhera. Gugustuhin ba ni Sohan na may siraulong bigla na lang akong hahatakin mula sa motor?"
"What the hell, Crisella?!"
Napaigtad ako dahil sa biglang pagsigaw ni Xhexhe. Maging si Tristan na mahimbing na ang tulog ay naalimpungatan dahil sa lakas ng boses ni Xhera.
"You mean hindi kayo naaksidente sa motor, like natumba iyong motor or something tapos may umataki sa'yo?! Ibig sabihin may humila sa'yo mula sa motor kaya ka nahulog?" Naghihisterikal na sambit niya at nahihirapan na akong pakalamahin siya ngayon.
Nilingon ko si Tristan na naguguluhang nakatingin kay Xhera ngayon. Noong sinabi ni Xhera na sinabihan daw siya ni Tristan tungkol sa nangyari ang akala ko naman ay sinabi na niya lahat.
Nasapo ko na lang ang noo ko. Tapos na si Sohan at Tristan eh, si Xhera naman ngayon.
"Nandito na ako sa hospital Xhera. For treatment na lang, okay? Regarding naman sa lawsuit, inaayos na ni Sohan." Pagpapaliwanag ko sa kanya subalit sinimangutan lang niya ako. "I swear, I'm fine. Gagraduate pa tayo eh. Look, we're one month away or so sa graduation."
Napaisip tuloy ako bigla. Sabi ng doctor kanina kulang-kulang isang buwan ang gamutan sa binti ko, baka kulang-kulang two months pa nga raw dahil sa second degree burns at scratches ko. Paano kung abutin ng graduation at ganito pa rin ang binti ko?!
Please, ayaw kong mag-march sa graduation ng naka-wheelchair.
"Ganito na lang, I'll lend you some of my bodyguards to you."
Mabilis na namilog ang mga mata ko dahil sa suhestyon ni Xhera bago ako sunod-sunod na umiling. "Na-ah. Don't you dare, Xhexhe. Besides, ito pa lang, sampung bodyguards na ang katumbas!" Sambit ko sabay turo kay Tristan na pupungas-pungas pang nakatingin sa amin ni Xhe.
"You've got a point though."
"Told you! I'll be find. You see, si Tristan pa lang tigre na, si Sohan naman daig pa ang lion sa gubat. Perfect combo!"
Napangalungbaba na lang si Xhera habang tinitignan ako. Halatang hindi pa rin siya kumbinsido kaya nagulo ko na lang ang buhok niya at nginitian siya para siguraduhin sa kanya na ayos lang ako.
"Don't stress yourself, Xhe. Ano ka ba? Baka mamaya niyan may entrance exam ka pa pala. Paano na lang iyon?"
"I'm done with those damn exams, Crissie. Results na lang ang hinihintay ko kaya kahit papaano I can rest na."
"Ayun naman pala. Then use your time to rest. Hindi iyong problemado ka dahil lang sa akin."
Sinimangutan na naman ako ni Xhera hanggang sa sumuko na lang siya sa pakikipagtalo sa akin at yakapin na lang ako. Nahagod ko na lang ang buhok niya.
"ILANG buwan pa lang ang nakakaraan noong ikaw ang na-confine sa hospital. Now, me?!" Naiiling na saad ko sabay turo kay Sohan na nginiwian lang ako.
Ineenjoy ko na lang tuloy ang pagkain ng sopas habang pinapanood sila ni Tristan na maglaro ng chess.
"Mas mabuti pa atang tanggapin ko iyong bodyguards ni Xhera kaysa kayo ang magbantay sa akin eh." Saad ko ngunit sandali lang nila akong nilingon. "Binawalan lang ako ng doctor ko na tumayo dahil hindi pa kaya ng binti ko tapos kayo pinipili ang pagkain ko, dapat maayos ang tulog, nasa eight glasses of water ang naiinom ko per day and what?! I am not allowed to use my phone? As far as I can remember, hindi naman ako ganito ka-OA noong ikaw ang nahospital, Sohan!"
"Aish! Ano ba, Crisella? Hiniram ko lang oras ng boyfriend mo para maglaro, ang ingay-ingay mo na!" Singhal sa akin ni So subalit nginiwian ko lang siya.
It's almost a week na akong stuck dito sa hospital. There's this aura sa hospital na hindi ko kinakaya kaya gusto ko ng umuwi.
May nalalaman pa kasi akong perfect combo ayan, nag-backfire tuloy sa akin. Pag-uumpugin ko 'tong si Kupal at Kumag eh. Ewan ko na lang kung hindi pa iyon perfect match!
"Sabi ng doctor pwede na raw ako umuwi ah?" Reklamo ko sa kanilang dalawa.
Hindi naman kaak dapat ako magrereklamo subalit nabuburyong na ako ng sobra rito sa hospital. Gusto ko ng umuwi!
"Wala pang sinasabi ang doctor na pwede ka ng lumabas, Crisella ko." Pahayag ni Tristan kaya mas lalong gusto kong magpapadyak sa inis ngunit ayaw ko namang bugbugin lalo ang mga binti ko.
Pwede naman na kasi akong mag-stay sa bahay eh! Ang OA lang talaga nilang dalawa. Kainis.
Napabuntong hininga na lang ako nang matapos kong ubusin ang sopas na niluto ni Sohan para sa akin. Mukhang tapos na rin ailang dalawa mag-chess. Hindi ko alam kung sinong nanalo sa kanilang dalawa dahil pareho naman silang nakangiti after nilang maglaro.
Ano na naman kayang nasa isip ng dalawang ito? Duda akong sportsmanship lang iyan. Tss! Please lang! Hindi magandang ideya na magkasundo itong dalawang ito. Pinagtutulungan ako palagi eh!
Tumayo na si Sohan sa kinauupuan niya bago tapikin si Tristan sa balikat niya. Salubong naman ang mga kilay ko na sinundan ng tingin si So. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin?
Ibinaba ko ang tingin kay Tristan na iniligpit na ang chess board at ibang board game naman ang ipineprepare niya ngayon.
"Love, marunong kang maglaro ng scrabble?" Tanong niya at nababagot naman akong tumugon sa kanya.
"Seriously? After niyo akong dedmahin ni So kanina? Whatever. Para mo na ring hinamon ang vocabulary ko---" nangunot ang noo ko bago mamilog ang mga mata ko.
What the hell...?
Did I just heard him said that? He didn't called me 'Crisella ko' but 'Love'? Magkakasunod akong napakurap habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nagsisimula na naman tuloy kumabog ang dibdib ko.
Ilang beses ko naman ng nabasa iyong Love o Mahal Ko sa messages at written letters niya sa akin pero hindi ko alam na ganito ang katindi ang magiging epekto nito sa akin.
"Oh ano? Game na?" Ngisi niya at inilatag ang scrabble pieces sa harapan ko.
Nagpanggap na lang akong ayos lang ako at hinamon pa siya kahit parang sasabog na ang dibdib ko. "Sure! Huwag kang iiyak kapag natalo ka ah."
Nginitian lang niya ako bago naming dalawa simulan ang game. Seryoso akong sa bawat letters na nilalapag ko subalit mas mataas pa rin ang nakukuhang scores ni Tristan sa akin. Bakit feeling ko nababasa niya ang isip ko?!
Nagsisimula na akong mapikon dahil mukhang talo naman pala ako sa kanya. Kumusta na iyong handa akong magpatalo basta ikaw?! Umangat tuloy ang tingin ko sa kanya ng pisilin niya ang ilong ko.
"Oh? Napipikon ka na ano? Baka naman ibato mo 'tong game." Natatawang asar niya sa akin kaya umikot sa ere ang mga mata ko. "Ikaw pa rin naman ang panalo, Crisella ko. Just look closely." Aniya at dahil nagpapabilog ako sa kanya tinignan kong maigi iyong letters na binuo ko at nagcompute ng scores sa isip ko.
"Mas mataas pa rin naman scores mo sa akin!" Giit ko kaya mas lalo siyang napangisi.
"I told you to look closely," itinabi niya iyong letters na binuo ko kaya lalong mangunot ang noo ko hanggang sa iyong words na lang na nabuo niya ang natira. "Come on, Love..."
Asan na naman siya sa lintik na Love na iyan?! Baka naman mamaya bumalik na naman ako sa ER dahil sa heart attack!
Muli kong tinignan iyong words na binuo niya hanggang sa na-realize ko kung ano ang naroroon.
‘Will you be my valentine?’
"Tristan," nagpalipat-lipat ngayon ang tingin ko sa kanya at sa words ng scrabble pieces. "P-para saan 'to...?"
"Hmm? Well, I'm not really sure if you'll think that this is cringe but I really want to celebrate Valentine's Day with you."
Wait! Today's Valentine's Day?!
May inabot siyang fresh red rose mula sa likuran ng tainga ko kaya napaawang ang labi ko.
May bago na namang pakulo si Kupal!
"Will you be my Valentine, Crisella ko?"
The thing is who am I to reject him? Pinanggilan ko muna ang pisngi niya bago natatawang binigyan siya ng sagot. "Yes. I'm always you Valentine."
"I love you."
Nginitian ko na lang ulit siya bago pisilin ang ilong at siya mismo ang lunapit sa akin para yakapin ako.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top