Chapter 5

Chapter 5: How about a little challenge?
CRISELLA'S POV

ABALA pa ako sa pag-aayos ng PowerPoint Presentation para sa mock defense namin bukas ng lumapit sa akin si Sohan at ipatong ang credit card sa laptop ko. Gulat akong napatingin sa kanya hanggang sa unti-unti kong maintindihan kung anong kalokohan na naman ang ginawa niya na siyang nagpahalakhak sa akin.

"Magkano?" Natatawang tanong ko pa rin sa kanya and he mouthed fifty. Napapikit ako sa hangin. "You're the reason why Brooke was pissed earlier?"

"She's always pissed with me, isn't she."

Itinabi ko na muna ang laptop ko at piniling makipagdaldalan kay Sohan. "How was it? Do you think she's really over you?"

"Mhmm... who knows. You are her friend Crisella, you should know her better than me."

"Asshole. Do you think na basta-basta siyang magkukwento sa akin tungkol sa iyo? Come on, you are her first love, first boyfriend and first heartbreak. Can't you at least consider those things?"

"First love? Hindi ba at napakilig ko lang siya ng sobra?"

Umikot sa paligid ang paningin ko, hindi ko maintindihan kung seryoso ba si Sohan sa tanong niya ngunit sa huli ay tinawanan ko na lang din siya. "Bakit? Kapag ba kinilig ka ibig sabihin ba noon in love ka na agad sa taong iyon? So kapag walang sparks at kilig hindi ka in love?" Maging ako ay hindi na alam kung ano ang sinasabi ko ngayon.

"Bakit... kailan ba masasabing in love ang isang tao?" Tanong pabalik sa akin ni Sohan at ngayon ay nagkatinginan na lang kaming dalawa, parehong mga walang alam kung ano ba talaga ang basehan ng pagkahulog at pagmamahal sa isang tao.

"Hindi ko alam pero baka may sagot online, i-check mo na lang." Natatawang sabi ko na siyang nagpatawa na rin sa kanya.

Sa sobrang tuwa niya at nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko. "Nagsalita tungkol sa first love ang hindi pa na-i-in love."

"Tss. I'm in love, okay? Hindi nga lang sa tao."

"So I am." Ngisi niya na lalong nagpatawa sa akin.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin ni Sohan na halos dumating pa sa punto na hindi ko na magawang tapos ang PowerPoint Presentation na kailangan bukas ng umaga kaya tinulungan na niya akong tapusin ang ginagawa ko habang patuloy kami sa daldalan.

Si Sohan iyong tipo ng lalaki na kapag may nagkagustong babae sa kanya ay pinagbibigyan niya agad ng relasyon at karamihan doon ay isa o dalawang buwan lang ang itinatagal. Ang sabi niya sa akin noon, hindi raw siya playboy sadyang gusto lang niyang ibalik kahit papaano iyong feelings ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ilang ulit ko na siyang pinagsabihan tungkol doon pero wala namang nababago.

"Ito iyong kasama mo kanina hindi ba?" Pinutol niya ang usapin namin tungkol sa tofu nang mapatigil siya sa pag-aayos ng natitirang slides ng PowerPoint kung nasaan ang individual pictures naming researchers.

Dahan-dahan akong tumango bago lumingon sa kanya, nakatitig siya ngayon sa picture ni Daffney na nasa screen kaya naman binatukan ko siya. "Mag-set nga tayo ng rules sa mga ide-date mo." Angil ko na ikinagulat niya. Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon o ang pag-angal niya dahil dire-diretso akong nagsalita. "Rule number 1. Huwag sa mga ka-group ko sa research."

Tinaasan niya ako ng kilay ngunit mas mataas ang pagkakataas ko ng akin.

"Rule number 2. Hindi sa kaklase ko."

"Ka-group mo sa research at kaklase mo? Hindi ba't kaklase mo ang mga ka-group mo sa research? Ano ngayon if I date someone from your classmates?" Nalilitong tanong niya kaya naman nabatukan ko siya at sinadya kong lakasan iyon.

"Guguluhin nila ako oras na mag-break kayo. Napaka-pa-fall mo kasing Kumag ka, better yet, sa ibang school ka na lang lumandi, huwag na sa campus."

"Or better yet..." mas lumapit siya sa akin habang pinagkakatitigan ako dahilan upang mapangiwi ako. "...why don't you try dating someone?"

"No. It will just spill my juice." Itinulak ko siya palayo at umirap. "I won't date someone unless they surpass you."

"Surpass me? Yah... what the hell is this Crisella, am I your standard?" Natatawang saad ni Sohan ngunit tumigil agad siya sa pagtawa ng makitang hindi naman ako tumatawa at seryoso ako sa sinasabi ko.

"You treat me better. Tingin mo magpapag×go ako sa kung sino-sinong lalaki diyaan?" Sinagot ko siya ng tanong bago agawin ang laptop ko sa kanya.

Ako na ang nag-insert ng pictures ng mga kagrupo ko habang si Sohan ay nananatili pa ring nakatingin sa akin, hinayaan ko na lang muna siya habang tinatapos ko ang PowerPoint Presentation namin na 'Thank You' slide na lang ang kulang. Sumimsim ako sa itinimpla kong milktea kanina saka siya nilingon na nakatitig pa rin sa akin.

Alam kong may iniisip siya pero nawiwindang na ako, hindi naman kasi kailangang tumitig siya sa akin.

"So, kapag hindi mo iyan itinigil dudukutin ko na iyang eyeballs mo."

"Have you decided?"

Tinigil ko ang ginagawa ko at nilingon siya. "About what?"

"Kung saan ka mag-aaral for your college. Actually, you should be preparing for your college entrance exams, don't you?"

Napalobo ko ang pisngi ko bago magkibit-balikat. "Wala pa akong plano. besides you don't have to worry, I've got no plans on leaving you, kung nasaan ako, gusto ko nandoon ka rin. Para namang gusto kong malayo sa iyo." Natatawang sabi ko habang pilit na pinapagaan ang paligid, bakit ba kasi nauwi kami sa usapin na ito? "Isa pa, wala akong plano na makipag-date, wala akong plano pumasok sa kahit na anong romantic relationship, I want to spend my life all by myself." Ngiti ko at pabiro siyang sinuntok sa braso. "Well, in the future, gusto ko ring alagaan iyong magiging pamangkin ko sa iyo."

"You're just 18, Crisella. A lot will come and go. Higit sa lahat, huwag kang magsasalita ng tapos."

"Nah." Inilingan ko siya. "Guys treat their friends better than their girl, kaya mas makakabuti pa kung makipagkaibigan na lang ako sa kanila sa halip na makipagdate sa kanila, okay? I don't want to risk my happy ending..." Kinindatan ko siya at saka ko pinindot ang save button sa nagawa kong PowerPoint Presentation, finally natapos ko rin!

SUNOD-SUNOD ang vibration ng cellphone ko na siyang nakapagpagising sa akin. Nagising ako na yakap-yakap ng lamig habang halos gawin ko ng unan ang laptop kong nakapatay na ang screen samantalang ang kumot ko naman ay nasa sahig na kung kaya't giniginaw ako ngayon.

Hindi ko alam kung magmamadali na ba akong tumakbo papunta sa bathroom ngayon para mag-ayos dahil alas-nuebe na o mamayang mock defense na lang ako papasok ang kaso ilang ulit na akong nakatanggap ng missed calls mula kay Sohan. May iniwan din siyang messages sa akin.

From: SoHandsome
- I left your breakfast at the table, I have to go now
- Your groupmates were looking for you, go and chat them, they're bothering me
- You're still sleeping, don't you? Get up now Sleeping Beauty.
- Crisella, gising na.

Kinusot ko ang mata ko at humikab ng paulit-ulit, inaantok pa talaga ako, anong gagawin ko ngayon? Bahala na nga. Kailangan ko ng bumangon at ayusin ang sarili ko. Late kasi nilang binigay iyong methodology kagabi! Akala ko powerpoint presentation na lang ang agagwin ko.

Matapos kong maligo ay inaantok pa rin ako, naupo ako saglit sa sofa habang hinihintay na matuyo ang buhok ko ngunit papikit-pikit na ako, medyo kumikirot din ang ulo ko at nahihilo pa ako dahil kulang ako sa tulog. Ang probleman, kung mananatili pa ako dito ay tiyak na makakatulog lang ako at maaaring alas-dies o alas-onse na ako magising na hindi naman dapat.

Umalis na ako ng bahay at sumakay na lang ng trike papunta sa train station. 

Wala pa ang tren ng makaakyat ako sa train platform. Ramdam ko pa rin ang hilo ko at pananakit ng ulo ko, dapat pala ay uminom muna ako ng gamot bago umalis, ang kaso, ayaw na ayaw kong uminom ng gamot. Hindi ko kaagad napansin ang mga batang naglalaro sa isang tabi, nang isa sa kanila ang makabunggo sa akin kaya muntikan na ako mahulog sa riles ng tren dahil hindi ganoon kalawak ng train platform at marami-rami rin ang tao sa paligid! Kung wala lang ang mabuting nilalang ang humila ng bag ko para hilahin ako hindi mahulog sa train platform ay baka wala na akong buhay. 

Mabigat ang paghinga ko habang pinroproseso pa sa isip ko ang nangyari. Narinig ko ang sunod-sunod na pagpito ng guard na nakaistamaby, nasundan iyon ng bulungan ng mga tao sa paligid. Natumba na lang ako sa sahig habang dumadagundong pa rin sa takot ang puso ko.

"Crisella, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tristan. 

Sa kabila ng takot na siyang nararamdaman ko pa rin ngayon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

May ilang guards at train personnel na lumapit na sa akin kaya tumayo ako sa tulong ng pag-aalalay na rin sa akin ni Tristan. 

"Miss, ayos ka lang?" Tanong ng isang personnel sa akin kaya inayos ko agad ang sarili ko at bahagyang tumango.

"Y-Yes, I'm fine. I am just a bit dizzy. Pasensya na sa abala, ayos naman na ako." Pahayag ko at halos si Tristan naman na ang nakipag-usap sa kanila dahil wala ako sa tamang huwistyo.

"You might be injured once you fall or worst you might die." Saad ni Tristan habang sinisipat ako kung talaga nga bang ayos lang ako.

Nang mapansin niyang ayos na ako ay pinulot niya ang mga gamit niyang nagkalat. Mukhang basta na lang niyang inihagis iyon.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko. Nang maayos na akong nakakapag-isip ay saka ako lumapit kay Tristan. "Thank you."

Nginitian naman niya ako bago ayusin ang pagkakasukbit ng bag niya. "Your welcome." Napaigtad ako ng hawak niya ang ulo ko. "What important is you are in good condition. Huwag mong iisipin na may utang na loob ka sa akin."

Magkakasunod tuloy akong napalunok. Iisipin ko pa nga lang iyong tungkol sa utang na loob ko.

Maya-maya lang ay dunating na ang tren. Diretso na akong pumasok at naupo ng mayroon akong makitang bakanteng upuan, hindi ko kayang tumayo ngayon dahil bahagya oa akong nahihilo. Gulat akong napalingon sa tabi ko ng makita ko si Tristan na tumabi sa akin.

"Baki---?"

"I thought you might need my company." Aniya bago buklatin ang libro niya at tahimik na magbasa sa tabi ko.

"Ayos na ako. Nahilo lang ako kanina kasi kulang ako sa tulog, hindi naman kasi ako sanay na magpuyat."

"Nahihilo ka na pala kanina," sandali niya akong tinignan. "Hindi ba at kanina ka pa dapat nag-ingat? Paano na lang kung hindi natiempuhan na nandoon ako?"

Bakit naman parang pinagagalitan niya ako? At bakit ba kailangang ganyan siya kalapit sa akin? Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay ipinikit ko ang mga mata ko at umayos ng pagkakasandal. I don't really know if I should be that grateful to him or not. Pero dahil buhay ko na ang iniligtas niya, of course, I should be grateful ng hindi tumatanaw ng utang na loob like what he said.

Subalit napapasip pa rin ako, simula noong unang beses na nagtagpo ang mga landas namin ay wala na atang araw na hindi kami nagtagpo. Muli kong naimulat ang mga mata ko para pagkatitigan siya. sabi na nga ba at hindi dapat ako nagsalita ng tapos ng araw na iyon. Pero wala naman akong maalala na mayroon akong nabasa sa horoscope na may makakadaupang palad akong Kupal. 

What about his horoscope?!

"Crisella," Biglang dumagundong ang dibdib ko ng lumingon siya sa akin mula sa pagbabasa ng libro. Hindi ko inaasahn iyong paglingon niya kaya natuliro ako at hindi siya nabigyan ng maayos na tugon. "Kanina ka pa nakatitig sa akin, may problema ba?"

Nag-iwas na ako ng tingin. "Nothing. I am just wondering about your horoscope."

"You believe in horoscope?" Narinig ko iyong pagngisi niya dahilan upang lingunin ko siya.

"What? You think they are absurd? Well, just for you to know, they are always accurate." 

"If that's your beliefs then so be it. But you should know the consequences of believing in horoscopes."

Naipaling ko ang ulo ko. Bakit naman ang seryoso niya? "What consequences?" Natatawang tanong ko na siyang nagpailing sa kanya. Napansin kong malapit na kami sa train station na bababaan namin kaya inayos ko na ang mga gamit ko. "Anyway, I just noticed something."

"What? Got anything to say about my book again?"

Para namang sinabi niyang puro panlalait na lang ang binbitawan kong salita. "Won't you mind?" Nakangising tanong ko.

Tumango siya sa akin bilang tugon kaya pinagbigyan ko siya. "Mhmm..."

"Tristan, ang gwapo mo." Saad ko na ikinagulat niya. 

Wala siyang naibigay na tugon sa akin at natulala na lang sa kagandahan ko. Sinabayan ko rin ang titig niya sa akin hanggang sa mapansin ko ang pamumula ng pisngi niya. What the hell? Kinikilig ba siya o nahihiya? Bakit parang ang laki naman ng epekto ng salitang iyon sa kanya samantalang si Sohan kapag pinupuri ko dahil sa kagwapuhan niya tinatawanan lang ako. Well, I just said what I noticed. "Sa susunod na kikiligin ka sa harapan ko tumalikod ka, ha? Para naman hindi dumoble ang kahihiyan mo."

"Hell no. I-I'm... I'm just..."

"Tayong dalawa lang ang nandito, wala namang pakialam iyong mga pasahero sa atin, wala kang dapat na ikahiya."

"Crisella, hindi kasi ganoon iyon!" Pasigaw na pagtanggi niya kaya napatingin sa amin ang ilang pasahero ng tren.

Tinawanan ko naman siya dahil sa naging reaksyon niya. "Nakakamatay maging in denial, Tristan."

"Stop teasing me. Hindi nga kasi ganoon iyon."

"Why are you blushing then?" Iniwas niya ang tingin sa akin at nagpatuloy kunwari sa binabasa niya kahit kapansin-pansin namang wala na siyang naiintindihan sa binabasa niya. "Ito naman, nahiya ka pa talaga sa akin? Eh nagawa mo na nga akong awayin para sa libro mo." Tumayo na ako ng huminto na ang tren sa estasyong bababaan ko.

Nilingon ko si Tristan na lumingon din sa akin, dumoble lang lalo ang pamumula ng pisngi niya at hirap ng salubungin ang tingin ko.

"Bye Tristan!" Nakangiting paalam ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng tren. 

Pigil-pigil ko ang tawa ko habang pababa ako sa second floor dahil abak mapagkamalan akong wala sa sarili kapag nakitang tumatawa ako mag-isa rito. Subalit saglit akong napahinto at napalingon sa likuran, shocks! Mukhang may Kupal na ma-le-late papasok dahil hindi agad nakababa ng tren.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top