Chapter 49

Trigger Warning: This chapter contains violence.

Chapter 49: Teenage Dream
CRISELLA'S POV

NAGMAMADALI akong naglakad papunta sa benches na malapit sa Ilog Pasig kaya mabilis akong sinundan ni Tristan. Naupo agad ako sa benches, mabuti na lang at hindi masangsang ang amoy ng ilog ngayon, may mangilan-ngilan ding mga ferry ang dumadaan habang papalubog na ang araw.

"Ang ganda rito ano?" Tanong ko kay Tristan matapos niyang maupo sa tabi ko.

Kakatapos lang naming manggaling sa dungeon at nalibot na rin namin ang Fort Santiago. I've never been this interested in History. Tulad sa chemistry, mas nagiging interesting ang lectures kapag may laboratory classes, sa history? Bukod sa kailangan ng magaling na teacher, maganda ring nakikita ng students iyong places na minsang naging parte ng history or iyong mga bagay na mayroong kinalaman sa history.

"Yes. Maganda rito." Tugon naman ni Tristan na ibinaba ang tingin sa akin matapos niyang tignan ang buildings at ang araw na palubog na.

Maya-maya lang ay kailangan na rin naming umalis dito dahil magsasara na ang site. Nalibang kasi kaming dalawa sa paglilibot sa ilang establishments na nasa unahan.

"Bumalik ulit tayo rito sa susunod." Aniya at tinugunan ko naman siya ng ngiti bago ako dumantay sa balikat niya.

"Sure! Sa susunod, iyong National Museum naman ang puntahan natin. Then sa Christmas, sa Luneta naman tayo! Pumunta rin tayo ng National Library, paniguradong magugustuhan mo rin doon! Plus, mag-Manila Ocean Park tayo soon. I really want to go there noon pa eh. Then mag-Star City din tayo since malapit na lang iyon dito. What do you think?"

Narinig ko ang pagtawa niya kaya naingat ko ang tingin sa kanya. "Ang dami mong gustong puntahan, Crisella ko."

"Yeah, I know. Kaya nga maglalaan tayo ng time para roon, hindi ba?"

"Opo. Kung iyan ang gusto mo, kamahalan."

Hindi ako makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kanya. "Kamahalan? Nagbabasa ka ng historical fiction ngayon, ano?"

"Yup. Tungkol sa prisesang gustong libutin ang buong mundo pero tinatamad naman siyang lumabas ng palasyo." Aniya na nasundan ng pag-irap sa hangin.

Inaasar na naman ako ni Kupal! Nahampas ko tuloy ang dibdib niya at pinaningkitan siya ng mata kahit tinatawanan lang niya ako. "Nakakatuwa iyon?!"

"Yes? Kasi ako ang nagjoke?"

"What joke? Ang corny-corny mo magjoke, tigilan mo nga ako!"

"Crisella ko, hindi ko naman kasalanan na hindi abot ng intelligence mo iyong jokes ko." Giit niya kaya namimilog ang mga mata ko na umalis mula sa pagkakadantay sa kanya at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"May sinasabi ka? Gusto mo pakainin kita ng corned beef?"

Nginitian niya ako ng nakakaloko bago pisilin ang ilong ko. "I don't mind. Wala namang mais ang corned beef. Tsk! Tsk! Tsk! I can't believe na ganyan kababa ang IQ mo, Crisella."

"Nagsisimula ka na namang asarin ako eh! Alam mo ang cute mo. Ang cute mo tirisin, Tristan!"

Please, sana makahanap ako ng lusot sa pang-aasar niya sa akin!

TINANGHALI na naman ako ng gising kinabukasan, napuyat ako kakausap kay Tristan! Matapos niya akong ihatid kinagabihan ay nag-message siya pagkauwi hanggang sa hindi na natapos ang daldalan at asaran namin. Hindi ko nga alam kung paanong hindi kami nauubusan ng pag-uusapan, subalit kung minsan pareho rin naman kaming tahimik!

"Hindi ka pumunta ng campus ngayon?" Humihikab pa ako ng tanungin ko si Sohan na nakahilata sa couch at nanonood ng anime. Well, matino naman ata pinapanood niya ngayon.

"Tinotopak pa ako. Sabay na tayo. Pupunta ka ba? Nevermind. Bakit ba nagtatanong pa ako, malamang pupunta ka para makita si Tristan mo." Nababagot na aniya kaya lumapit ako sa kanya para silipin siya.

Subalit hindi ko inaasahan ang makikita kong pasa sa pisngi niya malapit sa labi kaya mabilis kong natutop ang bibig ko. "H-hoy! Saan galing iyan?" May pagkasiraulo si Sohan pero hindi naman basagulero itong Kumag na ito.

Patay-malisya naman niyang inangat ang tingin sa akin. "Fashion 'to, Crisella. Alam mo, sa gwapong tulad ko, lahat nababagay at pupwedeng maging fashion."

"Huh? Gusto mo dagdagan pa natin iyan? Tara rito, lagyan ko ng black eye parehong mata mo." Sarkastikong saad ko habang nakapameywang hanggang sa napailing na lang ako at hindi na nagtanong.

Masamang damo naman iyan si So, hindi agad malalagutan ng hininga.

"Crisella,"

Nagpapainit na ako ng tubig para sa oat meal ng tawagin niya ako. "Oh?"

"Nakita ko pala si Daff?"

Saglit na nagsalubong ang kilay ko dahil sa isinaad niya. "Si Daff ba salarin sa pasa mo? Aba, buti nga sa'yo!"

"Tss! Malamang, hindi. Nakita ko kasi siya kahapon sa campus, hindi ko alam kung para saan. Ewan ko, naiinis ako na hindi ko maintindihan." Iniwanan ko muna ang tubig na pinapakuluan ko at naupo malapit sa kanya para makinig. "I just can't believe it, alam mo iyon, ang saya-saya na niya habang ito ako hindi pa talaga gumagaling iyong sugat after niya akong iwanan."

"Gosh! Until now hindi ako makapaniwalang nagseryoso ka for once." Naiiling na tugon ko kaya napangiwi si Sohan.

"Kung may isang bagay man akong hindi maintindihan, ganoon lang ba talaga kadali para sa mga nang-iiwan na mang-iwan?"

Naipatong ko ang baba ko sa harang ng couch habang nakikinig sa kanya. "Maybe naiiba sa sitwasyon. Nakalimutan mo atang iniwan ko rin pamilya ko. Well, mahirap sa part na kinailangan kong buhayin sarili ko pero kung para rin naman iyon sa makawala na ako sa kanila, it's not really that difficult."

"Whatever, I wish for her happiness." Naiiling na nag-iwas ng tingin sa akin si So.

"You sound like an ampalaya. Bitter!" Tumayo na ako sa couch at inayos ang hot water para ilagay sa mixture ko ng oat meal. "Kumain ka na ba, So?"

"Tapos na. Tanghali ka na naman kasi bumangon."

"Para namang may bago." Hinihintay ko pang maluto iyong oatmeal kaya bumalik ako sa couch malapit kay Sohan.

"Nakausap ko pala 'yung guard sa guardhouse last time, may nagpupumilit daw kuhain iyong address natin dito sa loob ng village. Dalawang babae raw, iyong isa---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Iintindihin mo pa iyon? They're in the past na So." Naiiling na saad ko kaya nabalingan niya ako ng tingin. "Naabutan ko sila last time na umuwi ako eh, hindi ako nagpakita syempre. I'm not pretty sure kung anong intentions nila, either way, wala na akong balak bumalik sa impyernong iyon. Tsk! Nakita lang nila mukha ko sa magazine..."

"Wait! What? You saw your freaking mother and sister?!"

"Well, that's not the first time na na-meet ko iyong mga walang hiya kong kapatid. I've met them in the shop during my shifts and believe me, you didn't know how it ends."

"How would I know? Ni hindi ko nga alam na naka-encounter mo kapatid mo!" Asik ni Sohan at binato ako ng throw pillow kaya binato ko agad iyon pabalik sa kanya.

"Come on, I'm busier than before. Nawawala na sa isip ko na ikwento sa'yo. Gosh! Sa shop kasi kami laging nagpapang-abot, hindi ko tuloy sila mapatulan."

"Geez! I'm expecting pa naman na hindi na makikilala mga kapatid mo oras na magkita kayo."

"Aba, magpang-abot lang talaga kami somewhere at makipagg×guhan sila sa akin ewan ko na lang kung makakauwi pa sila."

"You're scary, Crisella."

Napakibit balikat na lang ako at nginitian siya. "Oh, you better remember that, every single time."

"Tss! May balak ka bang pumunta ng campus ngayon o wala?" At iniba na nga ni Kumag ang usapan.

Napansin kong luto na ang oatmeal ko kaya sumubo muna ako bago siya bigyan ng sagot. "Pumunta na tayo. Para sa attendance."

"Attendance? Hindi kaya babantayan mo lang si Tristan? I heard may pinagseselosan ka raw na babae ah."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Kinapa ko agad ang throw pillow na malapit sa akin at ibinato iyon sa kanya. "Shut up!"

"Okay, okay! Naninigurado lang eh. Magbibihis na ako, bilisan mo na dyan." Aniya at tumatawang pumasok sa kwarto niya.

Napangiwi na lang ako at itinuloy ang pagkain ko. Nakalimutan ata niya kung gaano ako kabagal kumilos? Naiwang nakabukas ang TV sa series na pinapanood ni Sohan, aksidente ko iyong natapunan ng tingin kaya ayan, sa halip na kumakain ako ay nanonood na ako ngayon.

Isang beses pa lang naman akong nanonood ng anime at hindi na nasundan agad kasi marami akong pinagkaabalahan pagkauwi ko.

"Hindi ka pa tapos kumain?!" Namimilog ang mga matang tanong sa akin si Sohan habang nakatingin sa bowl ko ng oatmeal na wala pang kalahati ang laman.

Napakibit balikat na lang ako. "Kasalanan ko bang maganda iyang pinanonood mo?!"

"Aba, kailan ka pa natutong manood ng anime? Gusto mo ng recommendations?"

Binato ko siya ng masasamang tingin at kaagad kong naiangat ang middle finger ko sa kanya. "Tigil-tigilan mo ako sa nakakag×go mong suggestions, Sohan."

"Whatever. Bilisan mo diyan, ichecheck ko lang iyong motor ko sa labas."

"Hindi mo gagamitin iyong kotse mo?"

"Hindi naman ako makakasingit sa kalsada 'nun eh, traffic, Crisella. Traffic."

Mainit naman sa motor. Huwag na lang kaya akong sumabay sa kanya? Napaikot sa hangin ang mga mata ko. Tinatamad pala ako. "Fine, fine."

"Psh! Dalian mo, hoy! Kapag hindi ka pa nakaayos pagbalik ko kakaladkarin kita papasok sa campus!"

Bubulyawan ko pa sana siya subalit nakalabas na si Kumag. Binilisan ko na lang ang pagkain ko at saktong patapos naman na ang episode ng series na iniwan ni Sohan. Tinignan ko saglit ang title, idadagdag ko na lang iyon sa watchlist ko.

Nagmamadali na akong mag-ayos ng sarili ko. Iyong black shirt lang namin para foundation ang isinuot ko, mag-te-tennis skirt sana ako subalit naalala kong magmomotor kami ni Sohan. Baka pagdating sa campus sunog na ang hita ko sa init kaya iyong pants ko na lang ang isinuot ko.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng pumasok ulit ng salas si Sohan. Salubong ang mga kilay niya na nakatingin sa akin ngayon habang nilalaro ang susi ng motor sa daliri niya.

"Okay ka na?" Aniya sabay paling ng ulo?

Kaagad naman akong tumango at nag-thumbs up. "Maybe you forgot how I hate spilling my juice."

Inirapan lang niya ako kaya napangiwi na naman ako. Nauna na siyang lumakad palabas kaya ako na ang nagsarado ng pintuan.

Pagkaabot niya sa akin ng helmet ay isinuot ko agad iyon, umangkas at kumapit sa kanya.

Sabi na nga ba at mainit sa byahe. Maling desisyon na umangkas ako sa kanya! Wala naman na akong choice, alangan pahintuin ko pa si Sohan para lang mag-train ako.

Batok pa aabutin ko sa kanya.

Huminto siya sa may intersection dahil sa red lights, bukod doon ay kaliwa't kanan din ang dami ng mga tao dahil maraming naglalabas mula sa mall at university na magkalapit lang.

Ilang segundo na lang ay mag-ge-green light na ulit kaya umayos na ako ng pagkakaupo at pagkakahawak kay Sohan. Nang paandarin muli ni Sohan ang makina ng motor niya ay siya namang may humatak ng buhok ko.

"AHHHHHH!"

"Bakit ba nasa iyo na ang lahat?! Wala ka ng itinira sa amin?!"

Mangiyak-ngiyak ako habang hawak-hawak ang kamay ng taong humatak sa buhok ko. Pinipigilan ko ang kamay niya dahil lalo lang akong makakaldkad kung hindi niya ako bibitawan. Hindi ko alam kung tama bang alisin ko na ang suot kong helmet o hindi.

Malakas ang busina ng mga sasakyan dahil malapit kami sa gilid ng kalsada. Nahihirapan din akong kumilos dahil namimilipit sa sakit ang mga binti ko matapos akong pwersahang mahatak sa motor at tumama pa ang binti ko sa tambutso niyon.

"Who the hell are you?!" Inis na sambit ko habang pinipigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa pamimilipit ng katawan ko.

Inalis ko ang helmet na suot ko at inangat ang tingin ko sa babaeng muntikan na akong patayin. Hindi ko alam kung takot, galit o pagkadismaya ba ang dapat na siyang maramdaman ko ng makilala ko kung sino ang salarin. Hahatakin ko na sana ang buhok niya subalit nakita ko mula sa peripheral vision ko na may paparating na truck!

Kahit masakit ang katawan ko ay pinili kong gumulong kaagad sa patungo sa curb. Nang makaraan ang truck at madala ko ang sarili ko sa curb at inipon ko ang natitirang lakas ko para harapin si Gheme na naihagis din ang sarili niya sa curb dahil sa truck.

"Papatayin mo ba ako?!" Gigil na tanong ko sa kanya at hinatak ang buhok niya subalit kaagad din niyan hinatak pabalik ang buhok ko.

"At bakit hindi?! You deserve to die! Bakit nagbubuhay mayaman ka samantalang naghihirap kami?!"

"It's not my fault!" Parang sinisilaban ang mga binti ko subalit kailangan kong manatiling nakatayo para bigyan ng leksyon itong batang 'to! "At hindi ko rin kasalanan kung bakit lumaki kang ganyan Gheme? You're jealous of me, really?! Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko para mapunta rito?!"

"Aba! Bakit hindi ba? Hindi ba at nakahanap ka ng sugar daddy kaya ka nagkapera?!" Singhal niya pabalik sa akin kaya nanggigil kong diniinan ang pagkakahatak sa buhok niya at saka siya binitawan na hindi niya inaaasahan kaya diretso siyang natumba sa kalsada.

Shit! Ang dami ng taong nakatingin sa amin!

Kaagad kong nilapitan si Gheme at sinampal sa pisngi. "Wala kang karapatan na pagsalitaan at kwestyunin ako sa kalagayan ko ngayon. Dahil unang-una sa lahat, kayo ang naghatid sa akin kung nasaan man ako."

Dinuraan niya ako kaya inis kong napunasan ang pisngi ko at muli siyang sinampal.

"Ganyan talaga kalaki ang galit mo sa akin, Gheme? Hindi dahil may pera ako ibig sabihin niyon ay successful na ako but you know what's crazy? Hindi pa ako successful, inggit ka na!"

"Hindi ako naiingit sa iyo! Ni wala ka nga sa level ko, hipokrita!" Sambit niya at hinatak na naman ang buhok ko. Sa halip na buhok niya ang hatakin ay kinagat ko na ang palapulsuhan niya para agad niya akong bitawan.

"Good thing. Alam mong hindi tayo magkalevel!" Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya para hindi na niya mahatak pa ang buhok ko. "Hindi ako bababa sa level mo Gheme. Dahil sa ginawa mo ngayon, mas pinatunayan mo lang sa akin na tama lahat ng naging desisyon ko. Tama lang na umalis ako sa puder ninyo! Dahil kung nanatili pa ako roon, wala tayo rito ngayon. Maybe I'm already lying somewhere... lifeless!"

Kinapa ko ang travel scissor na nakakabit sa ID lace ko at binuksan iyon. Handa na sana akong itarak kay Gheme ang gunting subalit bago ko pa man maiangat ang kamay ko ay may pumigil na sa akin at inagaw ang gunting.

"Crisella, tama na..." Hinawakan ni Sohan ang mga kamay ko at pinigilan ako subalit nagpumiglas ako mula sa kanya at pilit na inagaw ang gunting mula sa kanya.

"Give it back to me, So! I said give it back to me!"

"Crisella, tama na sabi!" Bulyaw niya sa akin ngunit hinahabol ko pa rin ang gunting na pilit niyang inilalayo sa akin.

"Now, what?" Narinig kong asik ni Gheme kaya nabaling na naman ang atensyon ko sa kanya kasunod ng pagkulo na naman ng dugo ko. "Talagang pinabalik mo iyang sugar daddy mo rito?" Nanunuyang tanong niya at tangkang lalapitan ko na sana ulit siya para tuluyang ihiwalay ang buhok niya sa anit niya.

Ngunit nag-angat ang paningin ko kay Sohan na tumayo at nilapitan si Gheme. "Nandito ako para pigilan si Crisella pero sa tingin mo, sinong pipigil sa akin oras na lumabas iyong demonyong nagtatago sa akin?" Madilim at malamig ang mga mata ni Sohan na nagwika kay Gheme, na maging ako ay napalunok na lang ng magkakasunod.

"Magkakampihan pa kayo, really?!" Anas ni Gheme, ayaw talagang magpaawat ni Gaga. Tangkang lalapit na naman siya sa akin ngunit nagsilapit na ang mga kaibigan niya at hinatak siya palayo sa amin ni Sohan.

May kasama pala si Gaga. Masasabi ko bang maswerte pa rin ako dahil siya lang ang sumugod sa akin?

Nang makalayo na sila ng tuluyan ay doon ako muling hinarap ni Sohan. Sa isang iglap ay naglaho iyong tingin niyang nakakatakot kanina.

Umupo siya para pantayan ako pero kaagad ko naman siyang sinuntok sa braso. "Bakit pinigilan mo ako, So?! Ayun na eh, makakaganti na ako!" Singhal ko sa kanya kasabay nang tuluyang pagbuhos ng mga luha ko.

Ipinatong niya lang ang kanang kamay niya sa ulo ko at marahang hinimas iyon. "Ayaw kong tumulad ka sa mga taong nanakit sa'yo, Crisella. At alam kong ayaw mo ring tumulad sa kanila, hindi ba?"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top