Chapter 48

Chapter 48: Ear shot of your assurance
CRISELLA'S POV

PINAGKAKATITIGAN ko lang Ang mga bulaklak na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat na magsimula o kung ano ang dapat na sabihin ko.

Saglit kong tinapunan ng tingin si Tristan. Nakatingala naman siya sa langit kaya nag-iwas na ako ng tingin.

Matapos naming magkita sa booth ay hinatak niya agad ako rito sa garden kung saan kaming dalawa lang ang naririto. Nakakabingi ang katahimikan. Maraming bagay ang siyang dapat naming pag-usapan subalit wala akong lakas ng loob na ungkatin ang mga iyon.

Hanggang saan ba ako dadalhin ng lahat ng ito? Kung ngayon pa lang ay wala na akong lakas ng loob na harapin ang nakaraan na patuloy akong hinahabol ay mas lalong akong hindi makakausad, hindi ba?

"Tristan," pagkuha ko sa atensyon niya na nasundan ng malalim kong paghinga ng malalim.

Ibinaba naman niya ang tingin niya sa akin at nag-aalinlangan niya akong nginitian. "Natatakot ako sa sasabihin mo." Aniya kaya kaagad akong umiling.

"Kung anuman iyang nasa isip mo, hindi iyan ang sasabihin ko." Saad ko at marahang kinurot ang kaliwang pisngi niya. "Hindi kita iiwan, Tristan. Hindi ko kaya." Binitawan ko na ang pisngi niya bago ko muling ibaling sa mga rosas ang paningin ko. "Naging inconsiderate ako, nagpadala ako sa stress ko at hindi ako nakinig sa iyo mo. Higit sa lahat maling-mali ang behavior ko. Sorry..."

Hinawakan niya ang kamay ko kaya muli kong naibaling ang paningin ko sa kanya. "Naiintindihan ko naman iyon. Alam mo naman na palagi akong nandito para sa'yo hindi ba? Pero kung stress ka, naiirita ka, gusto mong mapag-isa, sabihin mo sa akin, handa naman akong bigyan ka ng oras... huwag mo lang akong iwanan, Crisella ko."

Damang-dama ko iyong pagkabalisa ni Tristan sa mga nagdaang araw, alam kong dulot iyon ng mga pagkakamali ko. Napalunok na lang ako bago tumayo at pantayan siya bago siya ikulong sa mga bisig. "Tristan, nandito na ako, hindi kita iiwan."

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik sa akin. Doon ay naramdaman ko ang paghupa ng bagyong nananalasa sa naramdaman ko.

"I miss you too, Crisella. Let's stop cooking ampalaya na, ha?" Aniya kaya bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ko at naiiling siyang nahampas sa balikat.

Matagal pa kaming nanatili sa garden. Wala naman na kaming pinag-usapan, nanatili lang kami sa tabi ng isa't isa. Mas ayos na ito, mas payapa ako. Bakit nga ba nabalisa ako ng sobra? Bakit natakot ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan? Bakit? Bakit nakalimutan kong nandito si Tristan, ang katiyakan ko sa napakaraming posibilidad.

Pagkalipas ng mahigit kalahating oras nagpagpasyahan na rin naming bumalik sa field. May kanya-kanya pa kaming responsibilidad sa mga booth namin kaya kinakailangan na naming bumalik.

"Crisella." Malapit na kami sa field nang huminto si Tristan at ibaba ang tingin sa akin. Inayos niya pa ang pagkakahawak sa payong dahil mainit na ang tirik ng haring araw. "Sino-sino pa lang kasama mo sa booth ninyo?"

"My classmates. Why? May problema ba?"

"Hindi. Wala naman." Aniya at saglit na nag-iwas ng tingin sa akin, mukhang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawang masabi sa akin. "Anyway, I saw Gheme earlier."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan na ayaw kong marinig.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na siyang ikinagulat ko. "Let me know kung may gawin na naman sa iyo iyong---"

"Kaya ko ang sarili ko, Tristan." Paninigurado ko sa kanya subalit tila ba ayaw niyang maniwala sa akin at mukhang nakahanap ng lusot si Kupal para hindi ako iwan ngayon. "Sige na. Hindi uubra kamalditahan sa akin 'nun, okay? Natataon lang na sa shop kami naghaharap kaya hindi ko mapatulan, nakakahiya kay Ate Bethany."

Naipaling niya ang ulo niya bago pisilin ang ilong ko. "Fine. Fine. Pero tawagan mo agad ako kung sakaling may gawing kalokohan sa'yo Kapatid mo, ha?"

"Tss! Sa dugo ko lang naman Kapatid iyon, isa pa, kay Sohan pa lang bakod na ako---"

"Trissstan! Nandito ka pala, may kailangan pa tayong ayusin sa booths." May papansin.

Naputol ang usapan namin ni Tristan dahil umapela iyong babaeng nakita kong kausap niya noong nakaraan. Tinignan ko pailalim iyong babae subalit nagpatay malisya lang siya at nginitian ako. Tapyasin ko labi nito eh. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Tristan bago siya tapikin sa balikat at bitawan na ang kamay naming magkahawak. "See you later." Saad ko at nginitian siya ng makahulugan.

Sandali ko pang sinapo ang noo niya para pakiramdaman ang body temperature niya, sa palagay ko ay normal naman iyon. Bakit nga ba siya nagpaulan kahapon? Kung anu-ano talaga naiisip nito eh.

Napansin ko pa iyong paglunok niya bago ako batuhin ng ngiti. "See you later, Crisella ko."

Sabi na takot iyang Kupal na iyan sa akin eh.

Bumalik na agad ako sa booth namin dahil kailangan pa ako para i-monitor iyon. Wala naman na akong masyadong gagawin, taga-check na lang ako ng task mula sa program committee.

Hindi ko na alam kung nasaan si Xhera, baka bumalik na rin iyon sa station niya, kumpara sa akin mas marami naman kasi siyang gagawin.

Nagchecheck ako ng ilang equipments para roon sa mga displays ng magkagulo sa labas ng booth kaya kaagad kong sinilip kung ano ang mayroon doon. Pagkalabas ay nakita ko ang ilang boy scouts---hindi sila mukhang boy scouts, more likely student na naka-police uniform?

"Crisella Travios?" Tanong ng isa sa kanila sa akin kaya nangunot agad ang mga kilay ko. Nasa amin na tuloy ang atensyon ng lahat ngayon! "Arestado ka sa salang shoplifting. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo, anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay may karapatan ding kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan ito'y ipagkakaloob sa'yo ng pamahalaan." Anito ay saka ako pinosasan?!

"H-huh? Para saan ito?!" Nagtataka at nagugulihang tanong ko sa kanila. They're not a real cops though. But seriously? Shoplifting? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko, okay?!

"Tsk! Tsk! Tsk! See you sa jail booth, Crisella!" Umangat ang tingin sa Kumag na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Sohan! Tinatawanan lang niya ako! Hindi naman ako makapalag sa mga Tukmol na magdadala sa akin sa jail booth.

Damn, jail booth. Sinong pasimuno niyan?!

Malaman ko lang talaga na si Sohan nasa likod nitong kalokohan na ito malilintikan siya sa akin.

"Tayo diyan." Utos sa akin ng head officer nila kuno at inabutan ako ng maliit na whiteboard kung saan nakasulat na roon ang pangalan, edad, height at kaso ko...?!

Nakasimangot at bagsak ang mga balikat ko na tumayo sa harap nung printed tarpaulin tulad ng mga nasa presinto sa tuwing kukuhaan ng data ang criminal. Geez. This is better than real prison anyway. Besides, I should just be grateful, may excuse ako para makatakas na sa booth namin!

"You have an hour of life sentence." Saad nung tumatayong leader nila na nagpataas lang naman ng kilay ko kasi hindi ko naintindihan.

Nakangiwi na lang akong umupo roon sa loob ng jail booth at rehas na gawa lang naman sa crepe paper, mabuti na lang at carpeted sa loob!

Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ng may marinig ulit ako komosyon, may nahuli na naman ata silang kriminal? Sinilip ko kung sino iyon at kaagad na namilog ang labi ko ng makitang si Tristan ang bitbit nila!

Napansin ko hindi kalayuan na naroroon si Sohan nakatanaw kay Tristan. Duda ako na walang kinalaman si Sohan dito. Sinadya niya siguro ito para mapagsama kami ni Tristan at ng kausapin ko na si Kupal, wala siyang ideya na magkasama na kami kanina pa.

"Oo na, ito na nga." Angal ni Tristan habang tinutulak siya ng mga pulis papasok ng jail booth. Inalis nila ang posas niya bago siya tuluyang papasukin. Nakasimangot pa si Tristan kaya napailing na lang ako.

"Hulaan ko kaso mo, pagiging babaero ano?" Bungad ko sa kanya. Hindi pa niya napansin na nandito ako sa loob kaya ganoon na lang ang gulat niya.

"Crisella ko!" Kaagad naman siyang lumapit sa akin kaya napangiti na lang ako. "Bakit nandito ka?"

"Kasalanan ni Sohan 'to. May batok sa akin iyon mamaya."

"Sohan did?"

"Oo. Malamang sa malamang para ilayo ka sa babae mo."

"Crisella, wala nga lang iyon si Bernita."

Napangiwi na lang ako dahil binanggit na naman niya ang pangalan ng babaeng iyon. "Gosh. Ipagpapalit mo na lang ako sa mabantot pa ang pangalan?" Giit ko at umusog dahil umupo siya sa tabi ko. "But seriously, inaasar lang kita, alam ko namang hindi ka gagawa ng kalokohan na ikasasama ko. Stressed ako last time at gusto kong magpahinga kasama ka tapos nakita ko iyong bruhang iyon, naghalo-halo na sa isip ko."

Pinisil niya ang ilong ko dahilan upang mapangiwi ako. "Okay na. Para namang kaya kitang ipagpalit ano?"

"Tss! Dinadaan mo na naman ako sa mga hirit mo." Hinawakan ko ang braso niya para mailayo ang kamay niya sa ilong ko. "Fine it is. Wala ka na bang gagawin sa booth ninyo?"

"Hmm? Wala na. Nahatak na ako rito eh. Matutulog na lang ako." Aniya at nginitian ako ng nakakaloko. "Inaantok na talaga ako Crisella ko." Dumantay siya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang siya.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko kaya hinayaan ko na lang siyang matulog sa balikat ko. Naramdaman ko rin ang pagsipa ng antok sa akin kaya naidantay ko na lang ang ulo ko sa kanya hanggang sa pareho na lang kaming matulog sa loob ng jail booth at hindi alintana ang gulo sa labas.

"Let's have a date after this..." Nadinig kong usal niya subalit hinayaan ko lang siya dahil mukhang nananaginip na siya.

PINAGSAMA-SAMA ko na ang mga tela na ginamit sa booth kanina sa iisang karton. Plano nilang i-dispose na iyong mga tela dahil hindi naman na raw magagamit kaya ako na magtatabi, kaunting laba lang nito ay makakabuo na ng damit ito. Velvet pa naman iyong mga tela kaya ako na ang magtatabi.

Pagod na ang program committee kaya ang certificates committee na ang pinaghawak ko ng clean up lalo na at kakaunti lang naman ang trabaho nila para sa mismong booth namin.

Nang makabalik ang lahat sa classroom ay nagmeeting lang kami saglit at nagbigayan ng feedbacks sa performance ng bawat committee matapos ang booth.

"Okay, cheers to everyone! We have successfully done our booth!" Nakangiting saad ko bilang closing ng meeting namin. Naghiyawan at siyawan naman sila kaya napangiti na lang ako. Saglit akong sumilip sa labas at sakto ay papasok na ang logistics committee bitbit ang dalawang karton. "Anyway, since malaki-laki ang sobra sa funds natin, here's some milkteas and yema cake for everyone! Enjoy and thank you ulit sa participation ninyo!"

Matapos niyon ay inayos ko na agad ang mga gamit ko. Nakakapagod din pala mag-monitor sa booth.

"Crisella," napalingon ako sa President namin. Nakangiti niyang inabot sa akin ang milk tea at yema cake na para sa akin.

"Thanks."

"No worries. Besides, ako dapat ang nagte-thank you sa'yo. Thank you sa pag-sub sa akin sa paghandle ng booth natin." Wala naman akong choice! "Anyway, you did great! I'm not expecting you to have such leadership."

Is that supposed to be a compliment? Bahagyang napaawang ang labi ko at nginitian na lang siya. Hinalal niyo ako as vice president tapos hindi ninyo ineexpect na may leadership ako?! Hindi ko na alam. "Hindi ako sigurado kung may leadership nga talaga ako lalo na at mostly kapag may groupings nanahimik na lang ako sa isang tabi, waiting for their decision." Kibit balikat na saad ko.

Tinawanan naman niya ako kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya ngayon. "Come on, Crisella. A good leader is a good follower." Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako. "Thank you ulit."

Tinanguan ko lang siya at saka ako lumabas na ng classroom namin. Tumakas na ako dahil ayaw ko ng makipag-usap sa kanila.

Pagkalabas ko pa lang ay nakaabang na pala sa pintuan sa akin si Tristan. Kaagad niya akong inakbayan na hindi ko inaasahan.

"Miss mo na agad ako?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.

Kaagad namang sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "Opo."

Napangiti na lang ako at hinampas siya sa braso. "Ewan ko sa'yo. Tara na nga."

"Hindi ka na ba mag-re-retouch?"

"Huh? Hindi na, bakit?"

"Sure ka? Sabi ko sa'yo magde-date tayo after class eh."

"Huh? Seryoso ka?" Natatawang tanong ko sa kanya. I thought nananginip lang siya kanina! "Hindi nga?"

"Oo nga. Maaga pa naman, besides, maganda mag-ikot-ikot ng gabi na roon. Ipinaalam naman na kita kay Sohan."

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm... gabi talaga?"

Inosente naman niyang ibinaba ang tingin niya sa akin. "What? You've never been in Intramuros ng gabi?"

Eh? Okay, ako itong nag-iisip ng kung anu-ano. "Nakapunta ka na sa intra? Sinong kasama mo?"

"I can't remember the details. Basta kasama ko mga pinsan ko noon." Nagkibit balikat na aniya at hinawakan ang kamay ko mula sa pagkakaakbay sa akin. "Let's go na. Mag-train na lang tayo para mabilis."

"Napagala nito, lahat na lang ata alam mong puntahan." Naiiling na saad ko habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Hindi rin ano. Subukan mo akong pagalain ng hindi naka-train, baka hindi na ako makabalik." Aniya sabay tawa.

"Hina mo naman. Don't worry, kapag ako kasama mo sa Manila, hindi ka maliligaw!" Paninigurado ko sa kanya at tinapik pa ang balikat niya.

"Talaga?" Ayaw pang maniwala oh.

"Oo nga! Laking Maynila ba naman 'to!" Pagyayabang ko sabay hawi patalikod ng buhok ko. "Literal ba naman."

Natatawa na lang niya akong inilingan.

Dinaldal ko pa nang dinaldal si Tristan habang nasa byahe kami. Nagtanong siya kung anu-anong pinaggagawa ko noong naglayas ako sa amin. Kinuwento at sinasagot ko naman ang mga tanong niya. Komportable pa naman akong ikwento at balikan iyong mga ganap noon subalit iyong mga pangyayari bago pa iyon ay talagang mahirap ng balikan.

"Anyway, was it fun? I mean when you're shoplifting...?" Biglang tanong niya kaya naangat ang tingin ko sa kanya.

"It is. Wanna try it with me?" Biro ko kaya mabilis na namilog sa gulat ang mga mata niya. "Joke lang!" Tawa ko bago ibigay sa kanya ang sagot. "At first it was never fun, for me... kasi kaya lang naman ako nag-resort sa bagay na iyon dahil iyon lang ang magagawa ko noon. Hindi na sapat ang pangangalakal at panlilimos kasi may mga grupo ng sindikato na nagkakalat, may instances din na grupo-grupo iyong iba at may inaangking teritoryo." Napahawak ako sa hand rail dahil huminto ang train sa kasunod na estasyon. "As far as I remember kinakabahan at takot ako noong unang beses na ginawa ko iyon. Hindi ako mapakali, paano kung mahuli ako? Paano kung saktan nila ako oras na mahuli nila ako sa akto. But I learned multiple techniques as year goes by hanggang sa... maging professional na ako and do those things para punan ang mga luho ko."

Inangat ko ang tingin kay Tristan. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Nakokonsensya ako, yes. Pero after kong makasanayan naging parte ko na iyong mga bagay na iyon at hindi ko na tinigilan."

"But you stop." Giit niya at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka huminto? Is it because nakilala mo si Miss Ryumi?"

Napalobo ko ang pisngi ko at alanganin siyang nginitian bago mag-iwas ng tingin. "What? Hindi ba pupwedeng na-bore lang ako kaya tumigil ako?" Pagsisinungaling ko na hindi naman bumebenta sa kanya.

Psh! I won't let him know the reason ano. Bahala siya diyan.

Saglit pa niya akong binato ng nanunuri niyang tingin subalit nakaligtas na ako dahil huminto na ang tren.

"Malayo-layo lalakarin natin mula rito hanggang sa intra, mga 20 minutes. Kaya mo?" Tanong ko kay Tristan habang naglalakad kami palabas ng station.

Agad naman siyang humabol sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko dahil mabilis ang paglalakad ko. "Uubusin natin lahat ng oras ngayon na mayroon tayo hanggang sa mapagod tayo pareho." Sagot niya kaya natigilan ako at nagtatakang nakatingin sa kanya. "Utak mo." Bigla ay sambit niya at pinitik ako sa noo!

"Hoy?! Para saan iyon?" Nakangiwing tanong ko habang himas-himas ang noo ko na pinitik niya, hindi naman masakit, kinokonsensya ko lang siya!

Pinaningkitan lang niya ako ng mga mata bago ako akayin palabas ng train station. Para naman akong batang nawawala na nagpatianod sa kanya.

"Tristan, gusto ko ng cotton candy!" Sambit ko ng malapit na kami sa Manila City Hall at maraming vendors ang nagtitinda sa gilid-gilid. Hindi pa man nakaka-oo sa akin si Tristan ay pumihit na ako patungo kung nasaan ang cotton candy vendor. "Gusto mo?" Tanong ko ngunit dalawa naman na ang binayaran ko. "Sa'yo 'to." Saad ko sabay abot ng blue cotton candy sa kanya.

"Mahilig ka ba sa cotton candy?" Tanong niya habang binubuksan ang supot ng kanya.

Mabilis naman akong nagkibit balikat. "Nah. Not really. Well, mahilig ako sa cotton candy noong bata ako pero bihira lang ako magkaroon ng chance na makakain, madalas pinagdadamutan pa ako ng mga kapatid ko."

"Sa ice pops?"

"Really, Tristan? Hindi ba at ikaw ang mahilig sa atin sa ice pops? Don't worry, I'll get you a box of ice pops on your birthday."

"What birthday? Ang layo-layo pa Crisella, pinapatanda mo na agad ako."

Umikot sa ere ang mga mata ko. "Shut up! Anyway, I remember, you're a gemini!" Sambit ko at nasapo ang labi ko.

"Ano namang kinalaman ng star sign ko?"

Napahagikgik na lang ako kaya nginiwian niya ako. "Wala, wala okay. By the way, hanggang anong oras open ang Fort Santiago? I wanna go there especially sa dungeon!"

"Wait lang. I saw something!" Aniya at nagmamadaling nilakad pababa ang underpass na siyang nagpasalubong ng mga kilay ko.

Kaagad naman akong sumunod sa kanya. Kaya pala sinabing I saw something! May nga nakahilerang libro sa underpass, I'm not sure kung mini library ba iyon or for sale ang books.

"Don't tell me na bibili ka ng sangkaterbang libro ngayon? Hindi kita tutulungang magbuhat niyan ah." Sabi ko habang sinisipat din ang mga librong nakadisplay. Halo-halo ang mga naroroon, children's books, academics, autobiographies, dictionaries, novels at marami pang iba.

"Look, Crisella! These are classics!" Parang batang sambit ni Tristan habang hawak-hawak iyong ilang libro na sa palagay ko ay lumang pocket books.

"Patingin nga ako," lumapit ako sa kanya para tignan iyong mga hawak niya. He's happy to see this but I am not, siguro dahil hindi naman talaga ako mahilig magbasa. Sinuklian ko na lang din ang mga ngiti niya, lalo na at kitang-kita ko ang sigla ng mga bulaklak sa mga mata niya. "Sige na, bumili ka na. I-limit mo lang dahil hindi talaga kita tutulungang magbitbit niyan!"

"Sure!" Mas naramdam ko lang lalo ang excitement niya! Dala ng excitement niya ay nahila pa niya ako mula sa batok ko at kaagad akong dinampian ng halik sa noo. "How about you? May gusto ka bang book? Ako na ang magbabayad!"

Nakangiti ko siyang inilingan. "Mhmm? Wala, wala. Bumili ka na lang ng iyo." This is driving me nuts. His smile is way more worthy than anything else.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top