Chapter 47

Chapter 47: Me, Myself and I
CRISELLA'S POV

NILALARO ko ang buhok ni Ivory habang yakap-yakap ko siya. Hindi pa rin ako bumabangon sa higaan ko kahit alam kong tanghali na. Wala rin naman akong balak na pumasok ngayong araw.

Tinigilan ko lang ang buhok ni Ivory ng mayroong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagpanic kaagad ako.

Is it him?!

"Crisella, papasok na ako." Nakahinga agad ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Sohan. Wala naman akong sama ng loob sa kanya, subalit hindi ko pa rin gustong makipag-usap sa kanya. "Talagang hindi ka pumasok. Tsk!"

Naramdaman naman kong naupo siya sa gilid ng kama ko, nananatili akong nakatalikod sa kanya kaya hindi ko siya nagawang harapin.

"Ni hindi mo kinain iyong iniwan kong breakfast mo." Malalim ang naging pagbuntong hininga niya kaya umayos ako ng pagkakahiga sa kama upang masigurong hindi ko siya mahaharap. Bukod doon ay namumugto rin ang mga mata ko ngayon para harapin pa siya.

Wala na akong narinig mula kay Sohan matapos iyon. Nakatulog na lang din ako matapos kong magtulug-tulugan. Nang magising ulit ako kinahapunan ay kaagad kong kinuha ang phone ko para i-send iyong planner at task ng committees para sa booth namin kung susumahin ay bukas na ata ipepresent.

Nasapo ko ang noo ko dahil naramdaman ko ang pagsipa ng kirot sa kaliwang bahagi ng ulo ko matapos kong bumangon. Plano ko sanang lumabas ng kwarto ko dahil nagugutom na ako, subalit hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay bumalik na ako sa kama.

Paano kung naroroon siya sa labas?

Napalunok na lang ako bago nakahigang natulala sa kama. Para namang hindi ako sanay na magutuman noon, itong gutom ko ngayon ay wala pa ito sa dinanas ko noon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko! Pinagtaksilan niya ako! Subalit naalala kong may snacks nga pala akong itinatabi sa cabinet ko. Bumangon ako muli mula sa kama ko at binuksan ang cabinet ko na naglalaman ng snacks at ilang beverages. Nakasanayan ko ng magtago ng pagkain sa cabinet ko mula noon, nawala na nga sa isip ko kung tutuusin iyong nga itinago ko.

"Hindi pa expired..." usal ko matapos makita ang expiration dates ng mga iyon bago kainin.

Nanatili lamang ako sa kwarto ko habang kumakain ng snacks at nakasalpak sa mga tainga ko ang airpods ko habang nakikinig ako ng music.

Pasado alas-siete ng bumukas ang pintuan, mabilis akong nakapagtago sa ilalim ng kumot ko ngunit nakasalubong na ang tingin naming dalawa ni Sohan. Napalunok na lang ako nang makita ang isang tray ng pagkain na bitbit niya para sa akin.

"Sa halip na kanin ang kainin mo, kung anu-ano ang kinakain mo." Naniningkit ang mga matang tanong niya sabay lapag ng tray sa side table ko.

Sinundan ko naman ng tingin iyong pagkain na dinala niya para sa akin. Inihaw na liempo, corn soup at fresh orange juice. Binitawan ko ang snacks na nginangata ko at walang sali-salitang kinain ang pagkaing ibinigay sa akin ni So.

"Tsk! Crisella, ang pangit mo na. Gusto mong tumingin sa salamin?"

Wala ako sa hulog para pansinin si Sohan kaya ipinagpatuloy ko lamang ang pagkain ko.

Matapos kumain ay itinabi ko kaagad ang pinagkainan ko. Wala akong planong lumabas ng kwarto ko. Kaagad akong bumalik sa kama ko at nagtago sa ilalim ng kumot ko. Gulong-gulo na ang isip ko ngayon. Alam ko naman kung paano aayusin ang magulong sitwasyon na ito subalit pinangungunahan ako ng takot.

"Crisella," nadinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Sohan. "Bumangon ka diyan, kakakain mo lang nakahiga ka na agad."

Hindi nga ata magandang bagay na manatili ako rito sa bahay. Mas lalo lang naiipon iyong nga bagay na hindi ko naman na dapat binibigyang pansin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga, kaagad kong kinuha ang hoodie at isinuot iyon. Hinatak ko rin ang sling bag ko dahil parati namang naroroon ang importanteng nga gamit ko sa tuwing aalis ng bahay.

"Aalis ka? Crisella, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Sohan ngunit hindi ko siya pinansin sa halip ay ipinagpatuloy ko lang na itali ang buhok ko.

Tinignan ko ang cash na nasa bag ko, sapat naman iyon. Isinuot ko na ang sneakers ko ng makaalis na agad ako.

"I don't know where you're going but please, talk to Tristan, Crisella. I can't leave you alone like this."

Bahagyang nangunot ang noo ko at saglit na tinapunan ng tingin si Sohan. "Uuwi pa rin naman ako." Iyon lang ang sinabi ko at nagmamadaling umalis ng bahay.

Madilim na sa labas subalit hindi ko na inintindi iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay makahanap ng lugar kung saan ako pupwedeng makapag-isip-isip.

WALANG masyadong tao sa Pasig River Esplanade nang makarating ako roon. Mabilis akong niyakap ng malamig na simoy ng hangin kahit nakasuot ako ng hoodie.

Marahan akong naglakad papalapit sa ilog. Maliwanag din naman ang paligid kaya malakas ang loob kong umalis kahit na madilim na. Umupo ako malapit sa benches, naamoy ko ang tubig sa ilog, mabuti na lamang at hindi masangsang ang amoy niyon.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Crisella?" Malalim ang naging pagbuntong hininga ko matapos kong tanungin ang sarili ko. Isa sa mga bilin sa akin ng doktor ko na huwag akong magpapadala masyado sa stress pero ano ito ngayon?

Bukod doon ay nagpadala ako sa frustrations ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinayaan ko ang sarili ko na magalit sa bagay na hindi ko naman dapat kagalitan.

May dumaang ice cream vendor sa harapan ko kung kaya't bumili agad ako ng ice cream na nasa bun. Pagkatanggap ko ng ice cream ay napatitig na lang ako roon. Naalala ko na minsan kaming bumili ni Tristan ng ice cream bun noong intramurals ni hindi ko na nga maalala kung nakain ko pa ba iyong akin noon.

Paniguradong litong-lito na rin siya ngayon lalo na at ako mismo ang umiiwas sa kanya. Paano ko siya kakausapin kung hindi ko rin naman alam kung saan magsisimula?

I just need to calm myself, after that ay kakausapin ko na siya.

Matapos kong manatili ng ilang oras sa tabing ilog ay nagpasya akong umalis na. Alas-dose na ng gabi subalit may mangilan-ngilan pa ring tao. Nag-message ako kay Sohan na humihinga pa naman ako at hindi ko na sinend sa kanya ang location ko. Baka ibigay pa niya kay Tristan. Hindi dahil nakapag-isip na ako ay kaya ko na siyang harapin para kausapin.

Mayroong malapit na hotel sa esplanade kaya roon muna ako nagpalipas ng gabi, wala pa rin naman akong balak na umuwi.

Alam kong sira na ang body clock ko. Nagising ako ng maaga kinabukasan. Sandali pa akong nagtaka kung bakit wala ako sa sariling kwarto ko, hindi kaagad nagsink in sa isip ko na wala ako sa bahay.

Ilang minuto pa akong tulala sa kisame bago ako magpasyang bumangon at magtungo sa balcony. Papasikat pa lang ang araw at masarap pa ang malamig na simoy ng hangin.

Tahimik ko lang na tinatanaw ang view ng mga building mula sa balcony ng mapansin ko ang isang babae mula sa kabilang balkonahe. Nasa labas siya ng railings ng balcony habang nakapikit ang mga matang nakakapit sa railings.

"S-Shit! Miss, huwag kang--" napatigil ako sa pagsasalita nang lingunin niya ako, ipinaling niya ang ulo niya at bahagya akong nginitian.

"I am not." Giit niya at patalon na bumalik sa loob ng railings na siyang nagpamilog sa mga mata ko. "Thanks for your concern, Pretty."

Just what the fck is she doing? Naisara ko ang bibig ko dahil bahagya pang nakabuka iyon dahil sa gulat at pagtataka sa kanya. Inaayos niya ang sarili niya ng muli niya akong harapin.

"Sorry, did I scare you?" Nakangiting tanong niya at hindi ko alam kung dapat ba akong tumango o hindi. "Don't mind me, I'm just exploring the city lalo na at ngayon lang ulit ako nakauwi sa Manila."

Alanganin ko siyang nasuklian ng ngiti. "Part ng exploration iyong ginawa mo sa... railings?"

"Yas!" Kaswal na saad niya sabay kibit balikat kaya napatango na lang ako. "By the way, have we met before?" Tanong niya kaya muling nabaling ang atensyon ko sa kanya kahit plano ko na sanang hindi na siya pansinin.

Umiling agad ako bilang tugon. "No. We haven't---"

"Oh! You're that girl in the magazine?" Namimilog ang labi niya at sunod-sunod na tumango.

Nakakawindang pala talaga na may mangilan-ngilan na nakakakilala sa akin mula sa magazines na iilan lang naman ang mukha ko na naroroon. "Uhm... if you don't mind, babalik na ako sa loob. I just check if the sun has risen."

"You have the look of someone who'll jump out of the 24th floor of the building."

Napahinto ako sa paglalakad pabalik sa loob ng kwarto ko dahil sa isinaad niya. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya napangiwi ako. "Pardon? Sa ating dalawa mukhang ikaw pa ang tatalon." Saad ko at nilingon ang railings ng balcony.

"Na-ah. You see, I'm good at reading people. Pretty miss, you don't have to forget them but you should forgive them. Unhealed traumas can be a traitor." Aniya at binigyan ako ng nakakalokong ngisi.

Kinilabutan ako sa isinaad niya lalo na sa tingin na ipinukol niya sa akin kaya bumalik na lang ako sa loob ng kwarto ko. Maganda man ang view sa balcony ayaw ko ng sumilip doon kung nandoon lang din naman siya.

Hindi naman na niya ako kailangan payuhan. Alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin, hindi ko lang alam kung saan magsisimula.

Napailing na lang ako at nagpahatid ng pagkain sa room ko dahil wala pa akong plano umuwi.

MAGHAPON akong nakahilata habang kumakain ng kung anu-anong snacks sa room ko at nag-bi-binge watching. Wala akong maisip na movies na papanoorin that is why I tried watching anime and it was hella addicting.

Nasimulan ko iyong first season hindi ko na tinigilan. Kung hindi ko pa nakita ang oras sa phone ko ay hindi ko mapapansing mag-a-alas sais na pala. Tristan taught me how to read manga pero hindi ko talaga natutuhan kaya nanonood na lang ako ngayon.

Speaking of Kupal.

May message siya sa akin. I paused the television and opened his messages.

From: Tristan Kupal
- Where are you? Kamusta ka?
- I'm sorry. Let's talk once you're done spending some time with yourself.
- I miss you.

Malalim ang naging paghinga ko matapos basahin ang messages niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko.

I miss him too. Pero nahihiya akong harapin siya.

Naipikit ko ang mga mata ko at nagtipa ng reply. To make him feel at ease... for the meantime.

To: Tristan Kupal
- U never told me that AOT is goated :<<

Matapos niyon at itinabi ko na ang phone ko bago ipagpatuloy ang pinanood ko.

Madaling araw ay gising pa rin ako. Naubos na ang snacks ko kaya lumabas muna ako ng hotel room para bumili ng snacks sa convenience store sa baba.

Kasasakay ko lang ng elevator ng humabol iyong weirdong babae sa balcony kanina. Pinindot ko ang floor level kung saan ako bababa at hindi siya pinansin. Pagkalabas ng elevator ay dumiretso ako sa convenience store subalit kasabay ko pa rin siya hanggang sa convenience store!

Nagpanggap na lang akong hindi siya kilala dahil hindi ko naman talaga siya kilala. Bumili ako ng ilang snacks at ice cream para kainin habang nag-bi-binge watching ako. May nakita rin akong spicy ramen kaya kumuha na ako.

"Midnight snacks?"

Doon ako napalunok dahil nasa tabi ko na iyong weirdo at kinakausap ako ngayon! Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at tinanguan. Didiretso na sana ako sa counter subalit hinarang niya ako para iabot sa akin ang kanang kamay niya.

Is she asking for handshake?

Nagtataka tuloy akong nakatingin sa kamay niyang nasa harapan ko ngayon, hanggang sa ngitian niya ako. "Hi! I am Bleigh. Bleigh is my name." Pagpapakilala niya kaya bahagyang napaawang ang labi ko.

"Christa." Pagsisinungaling ko sa pangalan ko at saglit na nakipaghandshake sa kanya bago magtungo sa counter. Wala akong paki kung nakita niya ang pangalan ko sa magazine. She's a stranger. Bakit ko nga naman ibibigay ang totoong pangalan ko?

Napansin kong sinusundan pa niya ako ng tingin. Does she really think ma tatalon ako sa building or she's just really some weirdo?

Matapos kong magbayad sa cashier ay bumalik na agad ako sa hotel room ko.

Wala pa rin akong planong matulog subalit hindi na ako pupwedeng umabsent pa bukas. Kanina ang opening event ng foundation day at bukas ay naka-assign kami sa booth kaya hindi pupwedeng umabsent pa ulit ako bukas. Tinapos ko na lang ang natitira six episodes sa season 3 ng pinapanood ko bago ako matulog.

ANG daming tao sa campus nang makarating ako roon. Bitbit ang kahon na may katamtamang lakinay sa classroom na namin ako dumiretso, naroroon ang ilan sa committee namin para sa booth. Nag-meeting lang kami sandali bago ako pumunta sa mismong booth namin para i-check kung ayos lang ang lahat.

Open din ang campus para sa outsiders basta ay nag-fill up para sa visitor's pass. Medyo binabagabag ako dahil noong intramurals ay nakita kong nandito sa campus si Gheme. Paano na lang kung magtungo siya rito ngayon.

Subukan nilang mang-abala, uuwi silang hindi na sila makikilala.

"Crisella, refreshment?"

Umangat ang tingin ko kay Devon ng abutan niya ako ng isang cup ng blue lemonade. Nag-aalangan pa akong tanggapin iyon. Mula noong nag-usap kami sa train station last year ay ngayon lang ulit niya ako nilapitan kahit nasa iisang klase lang kami.

"Don't worry, hindi ko nilagyan ng gayuma iyan." Natatawang aniya kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko roon blue lemonade at sa kanya.

"Thanks." Ngiti ko at tinggap ang inabot niya. "Tapos ka na ba sa task mo?" Tanong ko sa pagitan ng pag-inom.

"Yep. Inaaway kami ng committee leader namin eh, takot ko na lang ano." Saad niya subalit napansin ko si Dessa na siyang committee leader nila na nasa likuran lang niya.

Napapikit na lang ako dahil hinampas siya ni Dessa ng hawak niyang clipboard at tinignan ng masama si Devon. Nagsimula silang dalawang magbangayan kaya lumayo na ako sa kanilang dalawa. There's something that I see between Devon and Dessa kaya bahagya na lang akong napangiti.

Nang maubos ko ang refreshment na ibinigay sa akin ni Devon ay tumulong na akong i-assist ang schoolmates namin na pumapasok sa booth namin.

"Hala! Si ate Ganda pala ito eh!"

Napantingin ako roon sa dalawang lalaking junior high na lumapit sa akin. Mulhang visitors din sila sa booth. Namumukhaan ko silang dalawa, sila iyong pinatulong minsan ni Tristan sa garden dahil may kalokohan silang ginawa roon.

"Kumusta pala si Kuya Tristan, ate? Hindi naman siya nagkasakit?" Tanong nung nakasalamin na mas matangkad sa kanilang dalawa.

Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Si Tristan nagkasakit? Bahagyang umawang ang labi ko habang nagtatangkang nakatingin sa kanila. "B-bakit naman magkakasakit si Tristan?"

Iyong isa naman na kulay medyo mahaba ang buhok ang siyang sumagot sa akin. "Malakas iyong ulan kahapon ate. Nakita namin si Kuya Tristan sa garden, hindi namin alam kung anong ginagawa niya roon pero parang ang tagal niya ring naulanan kasi pagbalik namin nandoon pa siya eh, puro putik na nga damit niya kahapon."

"Baka patulungin kami sa garden ng umuulan kaya hindi kami lumapit." Gatong naman ulit ng nakasalamin.

Wala pa akong natatanggap na message kay Tristan ngayong umaga. Malalim akong napabuntong hininga bago nakagat ang pang-ibabang labi ko. Tinapik ko ang balikat nilang dalawa. "Thanks!" Sambit ko at nagmamadaling umalis ng booth para hanapin kung nasaan ang booth ng org ni Tristan.

Ang problema ay hindi ko alam kung ano ang schedule ng booth nila. Iniisa-isa ko ang booths na nasa field kahit na nagsisimula ng tumirik ang araw. Nang hindi ko makita ang booth nila ay tumakbo ako sa classroom nila.

Wala rin naman doon si Tristan subalit naabutan ko roon si Sohan kasama ang ilan sa mga kaklase nila na naggigitara. Napansin ako ng isa sa mga kaklase niya at itinuro ako sa kanya kaya tumayo si So at kaagad na lumapit sa akin.

"Mabuti at naisipan mong pumasok." Salubong ang mga kilay na aniya kaya napangiti na lang ako.

"Well, buo pa naman ako." Saad ko habang nililinga ang room nila, kahit ang gamit lang ni Tristan ay gusto kong makita. "Si..." Hindi ko siya mahanap kaya mabuti pa itanong ko na sa Kumag na 'to. Napalunok na lang ako bago ituloy ang sasabihin ko. "Si T-Tristan... nakita m-mo?"

"Aba. Na-miss mo rin? Sorry ka, hindi ko alam kung nasaan. Nakita ko iyon kanina na pagala-gala diyan eh. Nautusan din ata sa ibang org kasi kanina ko pa nakikita iyon na may bitbit na kung anu-ano."

Napatango-tango na lang ako. Looks like he's in a good condition. Hindi naman siguro siya paparoon at paparito kung hindi maganda ang lagay niya.

Tinapik ko na ang balikat ni Sohan at nginitian siya. "Thank you. Anyway, sabay tayo umuwi mamaya ah!" Tinanguan lang ako ni Sohan kaya patakbo na akong bumalik sa booth namin.

Subalit palapit pa lang ako sa booth nang harangin ako ni Xhera. Patakbo agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako kaya hindi na ako nakailag.

"I miss you saur saur much, Crisella!" Sambit niya at niyakap ako ng napakahigpit kaya marahan ko siyang nayakap bago siya tapikin para bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin. Nakapout naman tuloy niya akong hinarap ngayon. "Is something up?"

Kaagad akong ngumiti at inilingan siya. Marami na siyang iniisip, ayaw ko ng dagdagan pa iyon. "Wala. Wala ah, mayroon ba dapat?"

"Really?" Tanong bago ako tanguan. "Since you said na wala naman pala, let's go! There's a booth here na magugustuhan mo!" Sambit niya at bago pa man ako makasagot ay hinatak na niya ako.

Patakbo kaming pumunta sa booth na sinasabi niya. Maraming tao sa daanan subalit dire-diretso pa rin si Xhera kahit marami na kaming nabubunggo.

"Sorry!" Naisambit ko na lang at nagpatianod kay Xhera dahil hindi naman na ako nakapalag sa kanya. "Ehat on Earth...?" Mabilis na namilog ang labi ko nang huminto na kami sa tapat ng booth na tinutukoy niya.

Nang nilingon ko si Xhera ay makailang ulit niya akong tinanguan habang nakangiti sa akin. "I made sure na mabubuo itong booth na ito! Let's make some unforgettable memories this foundation week!"

Marahan akong tumango kay Xhera habang namamanghang nakatingin sa  fortune-telling booth na nasa harapan namin. Seriously, I expected her to prepare some mini fashion show rather than this.  Iyong magenta at rosewood velvet curtains, iyong round table nasa gitna ng booth, tarot cards and of course that magical crystal ball.

"Fortune cookie?" Napalingon ako kay Xhera mula sa pamamangha sa booth. May hawak siyang isang bowl ng fortune cookie kaya kaagad akong kumuha ng isa roon.

Magkasabay naming binuksan ni Xhera ang mga fortune cookie namin.

'Your happiness is what matters. Protect it as you protect yourself.'

Iaantok akong nakatingin sa laman na paper ng fortune cookie ko. Is this even a fortune or some random warning?

"What's written in yours?" Tanong ni Xhera kaya nababagot kong inabot sa kanya iyong kapirasong papel. "Ohh... anyway, look at mine!" Aniya at ipinakita sa akin iyong nakasulat sa kanya.

'Write that novel. You're always the main character in there.'

Tango at ngiti na lang ang itinango ko dahil hindi ko naman masyadong naintindihan iyon.

Marami-rami rin ang nakapila para magpahula sa fortuneteller. Akala ko ay hindi masyadong papansinin ang booth na ito oras na maituloy. Tatanungin ko pa lang sana si Xhera kung pipila ba siya sa fortuneteller subalit nauna pa siyang pumila sa akin kaya sumunod na lang ako.

Parati naman akong nagbabasa ng horoscope ko to check my luck and fortune. Sa kabila niyon, hindi ko pa nasusubukang magpahula, ngayon pa lang.

"Bakit ka pumila? Anong gusto mong malaman, Xhera? Answer sa exams?" Nagtatakang tanong ko kay Xhexhe habang nakapila kami.

"Nah. Not really. Just for fun, Crisella! I told you, mag-e-enjoy tayo ngayon."

What enjoy? May booth din kaming inaasikaso ngayon! Hindi rin ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kaklase ko, mamaya may makakita sa akin dito mula sa ibang committee.

Whatever, I'll just use my authority as their leader. Duh?

"Ako na!" Narinig kong sambit ni Xhexhe at excited siyang lumapit sa fortuneteller na mukhang na-hire nga nila somewhere.

Hinarang kami ng bantay ng booth na huwag tumuloy sa loob unless turn na namin. Hindi ko tuloy narinig kung anong ipinila ni Xhera, wala rin naman akong plano magtanong sa kanya.

Makaraan lamang ang ilang minuto ay tapos na si Xhera at abot langit ang ngiti niya habang naglalakad palabas ng booth. Napaano iyon? Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa hitsura niya. Dala ng tuwa nakalimutan niyang kasama niya ako!

Bago ko pa man magawang habulin si Xhera ay pinapaaok na ako ng bantay sa pinakaloob ng booth. Napalunok na lang ako dahil may kakaibang awra sa loob ng booth. Sa kabila ng ingay sa labas ay nananatiling tahimik ang loob ng booth.

Kaagad na itinuro ng manghuhula sa sa'kin ang upuan sa harapan niya na agad ko namang inukupa. Kaaayos ko lang ng upo ko ng mapansin ko kung sino ang manghuhula. Siya iyong weirdong babae sa hotel kahapon!

"This must be a fate, pretty." Nakangiting aniya bago ilatag sa harap ko ang mga baraha niya.

She looks like a fraud.

Tinitignan ko pa lang ang mga baraha niya ng abutin niya ang kanang kamay ko at usisain iyon. Sunod-sunod naman tuloy akong napalunok dahil sa ginawa niya.

"Huwag kang mag-alala, I'm authentic." Aniya sa pagitan ng paghawak-hawak sa kamay ko. Mas nagmukha lang siyang fraud sa paningin ko ngayon. "Patuloy ka pa ring binabagabag ng mga agam-agam mo. Hindi ka natatakot na maiwang mag-isa pero natatakot kang masaktan ulit."

Tila ba tumahimik ang buong paligid. Namimilog ang mga mata ko na nakatingin sa kanya ngayon habang hawak-hawak pa rin niya ang kanang kamay ko. Hindi pa niya ginagamit ang crystal ball o kahit ang tarot cards niya, saan nanggagaling itong mga sinasabi niya?

Guess, I should admit that she's scaring me.

"Before we proceed, I want you to know na anuman ang sabihin ko at malaman mo ay nakasalalay pa rin sa iyo ang lahat. You're fate is always in your own hands."

Para akong nahihipnotismo sa bawat salitang binibitawan niya. Tanging pagtango na lang ang naitutugon ko.

Muli niya dinama ang mga kamay ko bago iharap sa kanya ang mga palad ko at tignan kung anuman ang nakasaad doon. Mayroon nga ba talagang makikita roon? Matapos niyon ay unti-unti niyang iniangat ang tingin sa akin at bahagya akong nginitian.

"Gusto mong malaman kung magiging masaya ka ba matapos ang lahat ng ito hindi ba?" Aniya subalit bakit tila hindi tanong iyon? Sa pandinig ko ay sigurado siya sa sinabi niya.

Nagsimula na akong balutin ng kaba at takot. Dumadagundong na ang puso ko na tila ba anumang oras ay kakawala na ito sa dibdib ko. Gusto ko ng tumayo sa kinauupuan ko ay umalis dito dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang maidudulot sa akin nito ngunit may parte ko na gusto pang manatili at marinig anuman ang sasabihin niya.

"May taong nagbabadyang saktan ka. Hindi ko makita kung sino at ano ang intensyon ng taong ito, subalit kung gusto mo talagang sumaya..." sunod-sunod ang naging paglunok ko nang diretso niya akong tignan sa mga mata. "Protektahan mo ang sarili mo laban sa taong gustong manakit sa iyo dahil nasa malapit lang siya."

Gulong-gulo ang isip ko. Mas lalo lang akong napuno ng katanungan sa isip ko. Sabi na nga ba at dapat ay umalis na ako rito. Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko, nagsisimula na ring manginig ang mga kamay ko. Imposibleng hindi niya nararamdaman ang panginginig ng mga kamay ko na hawak-hawak pa rin niya ngunit mas lalo lang niyang hindi binitawan ang mga kamay ko, maging ang tingin niya ay hindi niya inilalayo sa akin.

"Crisella?"

Tuluyan na akong binalot ng pangamba at takot kasabay ng paninindig ng mga balahibo ko ng marinig ko ang boses niya. Dumoble ang pagdagundong ng puso ko at maging ang mga labi ko ay nanginginig na sa takot.

Marahan ko siyang nilingon at kaagad na bumungad sa akin ang mga bulaklak na naninirahan sa mga nata niya na marahang sumasabay sa ihip ng hangin. Sunod-sunod akong napalunok kasabay ng paninikip ng dibdib ko at hirap na iniusal ang pangalan niya.

"T-T-Tristan..."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top