Chapter 45

Chapter 45: Valley of Lost Souls
CRISELLA'S POV

DAHAN-DAHAN akong pumasok sa loob ng student council room hanggang sa makalapit ako kay Xhera. Kaagad kong tinakpan ang mga mata niya na siyang nagpahagikgik sa kanya.

"Crisella?" Natatawang tanong niya kaya napangiwi ako bago umikot sa hangin ang mga mata ko.

"My gosh! Talagang umuwi ka ng Pilipinas ng hindi man lang nagsasabi sa akin?"

"Sorry na." Natatawang aniya kaya lalo akong napangiwi. Mabuti na lang at may improvement iyong walang kasawaan niyang pag-so-sorry. "Ang dami kasing proposal para sa foundation week na kailangan ng maipasa sa Principal's office."

"Mas mahalaga pa sa akin iyan?" Nagtatampu-tampuhang saad ko subalit tinawanan lang niya ulit ako. "Whatever. Ano ba 'yang inaayos mo? Let me help you na. Marami pa akong ikukwento sa iyo."

"Hmm? Sounds interesting ah." Aniya kaya naiiling kong tinignan iyong isang folder sa harap niya. "Oh! Para iyan sa booths na ilalagay sa oval at sa ilang classrooms. Wala ka bang sinalihang organization?"

"Wala. Wala rin namang org na nakakuha ng interest ko. Besides, hindi ako umaattend ng foundation week. Last year umattend lang ako for attendance tapos tumambay na ako sa parking space."

"Walang org na nakakuha ng interest mo? Why? What are the things that interest you ba aside kay Tristan? Para ma-i-suggest ko sa ibang org at magkaroon naman ng bagong pakulo ang booths this school year."

Mabilis akong napangisi nang banggitin niya ang pangalan ni Kupal. "Well, it would be great kung may nini fashion show tayo or maybe something na related sa zodiac signs or fortune telling." Saad ko at nakangiti pang hinawi patalikod ang buhok ko.

"Fashiow show and fortune telling, huh? All right, isasama ko ito sa meeting namin after..." saglit niyang sinulyapan ang time sa phone niya bago namimilog ang mga mata na nilingon ako. "Oh my goodness! It's already lunch time na pala, Crisella! Why didn't you tell me?" Natatarantang aniya na mabilis na iniligpit ang mga folder na nasa lamesa.

Naikibit ko naman ang mga balikat ko. "Xhera, I am not aware na kailangan kitang sabihan. Besides, kailan ka pa ba nandito, I thought kararating mo lang din dito."

"I'm here since earlier, excuse ako sa classes ko." Inangat na niya ang tingin sa akin matapos na ligpitin ang mga folder na bitbit niya. Hindi ko naman na siya tinulungan kasi bago magulo ko lang ang ayos noon. "Can we just talk later? May meeting pa kami with the other orgs eh or maybe you wanna join pala? You're the vice president of your class naman hindi ba?"

Aattend ng meeting? I might end up cooking ampalaya once I suggest something. Mabilis kong inilingan si Crisella. "Geez. No, thanks. Puntahan ko na lang si Tristan." Saad ko at humahagikgik siyang sinabayan palabas ng student council room. "See yah later, alligator!" Nakangiti kong paalam sa kanya at natataranta naman siyang tumakbo papunta sa auditorium.

Hindi ko sinabayan si Tristan ngayon maglunch. Sinabihan ko siyang mag-uusap muna kami ni Xhera ngayong pumasok na siya, girls talk, ang kaso busy naman si Xhera. Mabiti sana ay kung pupwede ko siyang pilitin at kulitin.

Dumaan ako sa cafeteria para bumili sandali ng dalawang strawberry milkshake. Matapos kong makabili ng milkshake ay dumiretso na ako sa garden. Ang sabi ni Tristan kanina ay doon daw muna siya tatambay para tignan din iyong mga alaga niyang bulaklak doon.

Nasa garden pa rin naman si Tristan nang makababa ako roon. Prente siyang nakaupo sa sako-sako ng lupa at fertilizers na nasa bungad ng green house habang nagbabasa siya ng libro. Sandaling nawaglit ang atensyon ko sa kanya ng may mapansin akong dalawang junior high school na magkatulong na nagdidilig at nagtatabas ng ligaw na damo.

Salubong ang mga kilay ko na nakatingin sa kanila bago ako lumapit kay Tristan at iabot ang milkshake na binili ko para sa kanya.

"Sino iyong dalawang iyan?" Nagtatakang tanong ko pagkaabot ng milkshake niya.

"Thanks. Huwag mo ng pansinin iyang dalawang iyan, tinuturuan ko lang sila ng leksyon." Aniya sabay kibit-balikat.

"At anong mayroon?"

"Naabutan ko ba namang pinipitas mga bulaklak ko! Ayan, dapat lang na matuto silang mag-alaga ng kalikasan ano?!" Sinilip niya iyong dalawang batang lalaki nang nakakunot ang mga noo kaya natatawa kong nagulo ang buhok niya, sa akin na niya tuloy ibinaling ang tingin niya ngayon ng nakakunot pa rin ang noo.

"Ang cute mo talaga maasar." Tawa ko kaya unti-unti na rin siyang napangiti ngayon. "Bawas-bawas mo naman din ng kaunti iyang kasungitan mo sa mga mas bata sa iyo. Tignan mo nga iyang hitsura mo, mukha kang lider ng sindikato habang inuutos-utusan mo iyong mga alagad mo."

"Ang bait-bait ko tapos natatawagin mo lang akong lider ng sindikato?!"

Umikot sa hangin ang mga mata ko bago pisilin ang pisngi niya dahilan kung bakit siya nakanguso ngayon. "Hihirit pa eh. Pabalikin mo na iyang mga batang iyang sa classrooms nila, baka maabutan pa ng end of lunch break iyang mga iyan."

"Mabuti sana kung babalik sa rooms nila iyan, malamang kung saang lupalop na naman ng school grounds iyan sila pupunta para magvape." Inginuso niya iyong dalawang vape na nasa tabi niya kaya gulat akong napatingin doon.

Mukhang nasa 13 at 14 pa lang iyong dalawa, nagve-vape na?! "Anong plano mo riyan? Itatapon mo? Sayang, ako na lang ang gagamit!" Biro ko kaya kaagad niya akong tinapunan ng masamang tingin. "Ito naman, nagbibiro lang ako!"

"Mamaya pa lang uwian may meeting kami ng org na sinalihan ko. It's up to you kung hihintayin mo ako o mauuna ka na sa shop." Pag-ibaba niya ng usapan, mukhang hindi talaga natuwa sa joke ko.

Problema nito? May dalaw ata, ang sungit eh.

"May org kang sinalihan?! Tamad ka ngang gawin assignments mo tapos sumali ka ng org?" Hindi makapaniwalang tanong ko at marahan naman siyang tumango.

"Book club iyon. Natukso akong sumali kaya ayun! Pagmemeetingan kasi namin iyong booth para sa foundation week."

"Foundation week na naman. Why's everyone excited and busy for foundation week? Okay lang bang ganda lang ambag ko?"

Naipatong niya ang kaliwang braso niya sa hita niya bago nakapalaungbaba na tinignan ako. "What? Don't you have plans for foundation week? Excited ako for foundation week ng club namin kasi magcacanvas sila ng preloved books from different schools and barangays, I'll have the chance to read different books, Crisella ko."

"Wala, wala akong plano. Dalawa lang naman reason ng pagpunta ko sa foundation week, firstly for attendance and second, ikaw." Ngiti ko. "Kung pupunta ka, pupunta ako."

"Wala kang choice kung hindi pumunta, Crisella ko." Aniya sabay pisil sa ilong ko kaya napangiti na lang ako.

NAPATAYO ako sa kinauupuan ko nang mabasa ang unread emails ko! Sa linggo na iyong entrance exam sa isang university na inapply-an ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nawiwindang sa sitwasyon ko. Hindi ko naman kasi inintindi masyado ito, akala ko kapag nag-apply ako, okay na, sasailalim na lang sa evaluation, ayun pala may entrance exam pa!

Huwag ko na lang kaya siputin iyong exam? Wala rin naman akong review, anong isasagot ko roon?!

Saglit akong sumilip sa labas. Hindi pa naman ako kailangan sa loob ng shop. Nag-message kaagad ako kay Xhera na nagrereview sa loob ng shop na magkita kami sa likod for an urgent matter.

Pagdating ko sa likod ng shop ay kalalabas lang din niya.

"Break mo? What's going on?" Tanong niya pagkalapit sa akin.

"Nakapagtake ka na ng entrance exam 'di ba? Well, kanina ko lang nabasa email ko! Sa linggo na pala iyong exam ko, anong araw na ngayon. I don't know if I should take that exam or huwag na lang kasi wala naman akong---"

"Shh shhhh..." pagpapatahimik niya sa akin kaya natigil ako sa pag-iinarte. "You're from STEM, Crisella. Kumpara sa akin, I know na mas kaya mong sagutan iyon kahit walang review."

"Anong kumpara sa iyo? Mas matalino ka sa akin Xhera." Mas lalo lang akong nagpapanic dahil sa kanya eh!

"Believe me, karamihan sa entrance exams ay designated for STEM students ang questions. Nakikinig ka naman sa lectures ninyo plus nagrereview ka rin ng lectures ninyo every week hindi ba? Kaunting pasada lang iyan, maipapasa mo rin ang exam mo!"

Napaupo na lang ako sa gutter habang nanlulumong nakatingin sa kanya. "How about you? Kailan ang exam mo sa univ na iyon? Ikaw nag-reccomend sa akin doon eh."

"Wala pa akong na-re-receive na schedule. Goodluck, Crisella! Besides..." Nginitian niya ako ng nakakaloko kaya nagsalubong ang nga kilay ko. "Isang goodluck kiss lang galing kay Tristan, baka ma-perfect mo pa iyong exam mo!"

Mabilis na namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nasapo ko pa ang labi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Oh my... God! What's with that reaction, Crisella? Don't tell me...?"

Hindi ko kaagad na-realize kung ano ang tinutuloy ni Xhera. Nang ma-realize ko kung ano iyon ay mabilis kong itinaggi kahit mukhang nahalata na niyang dinedepensahan ko lang ang sarili ko.

"Huh?! Hindi, hindi ah! Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Kaya ba ang sabi mo kanina ay marami kang ikukwento sa akin, huh?" Nang-aasar na sabi niya kaya sunod-sunod akong napailing. "Tsk! Tsk! Tsk! Crisella, what happened? Hmm? Care to tell me?"

After class ay hindi na kami nakapag-usap at nagkita, rito na kami sa shop nagkita, umiiral pa kalutangan ko.

"No, hindi nga! Walang ganoon, ano ba?!"

"Crisella, ha?! Ang bata-bata mo pa." Naiiling na paalala niya sa akin.

"I'm already 18 years old, Xhera!" Giit ko ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iling sa akin.

"You are still in the process of growing up!" Mariing aniya kaya nag-iwas ako ng tingin. "Crisella."

"Wala nga kasi sabi, you're the only who's insisting na may ganoong nangyari." Giit ko habang patuloy nag-iiwas ng tingin sa kanya. Ibinaling ko ang atensyon ko sa tren na dumadaan sa viaduct.

"Crisella," nadinig ko ang boses ni Tristan kaya kaagad akong napalingon sa kanya. Nagtataka siyang nakatingin sa amin ni Xhera. "Tapos na ang break mo, hinahanap ka ni Beth sa kitchen, ikaw na raw muna ang mag-sub."

Kaagad akong napatayo at pinagpagan ang sarili ko. You're a life saver, Tristan! Matatakasan ko na rin si Xhera.

"Tristan, did you and Crisella really kissed?"

Napatigil ako sa paghakbang at namimilog ang mga matang tinignan si Xhera na si Tristan na ang tinanong ngayon! Nagbaback fire na sa akin iyong bibig niyang walang filter ngayon! Natataranta kong hinila pabalik sa loob ng shop si Tristan subalit hindi siya kumilos!

"Yes." Diretsong sagot naman ni Kupal kaya kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata. Isa pa 'to, wala ring filter ang bibig! Sa inis ko ay mabilis ko siyang nahampas sa braso. "W-what? Is that supposed to be private?"

"It is!" Mariing ani ko.

"How can it be private kung alam ni Sohan?" Giit niya na sinundan ng pagkibit ng kanyang mga balikat.

Halos lumuwa na ang eyeballs ko at nalaglag ang panga ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Alam ni Sohan? Did you tell him?!"

"No. He saw us that day."

"What...?" Nasapo ko na lang ang noo ko habang pasimple akong tinatawanan ni Xhera, natutuwa ata siya na miserable ako ngayon. "Kupal ka. Kasalanan mo 'to eh!"

"Wait, anong ako? Ikaw nag-alis nung libro hindi ba?" Tanong niya kaya halos umusok na ang ilong ko sa inis.

Nagmamartsa na lang ako palayo sa kanilang dalawa. Ako na ang umalis kasing sa halip na lupa ang lumamon sa akin, kahihiyan ang siyang lumamon sa akin! No wonder nagkaibigan silang dalawa ni Xhera!

Windang na windang ako sa sitwasyon ko. Talagang sinabi ni Kupal?! Matitiris ko siya mamaya! Bumalik na ako sa kusina dahil ako ang nakatokang dishwasher ngayon.

Abala pa ako sa pagsasabon ng mga pinggan ng marinig ko si Miss Bethany at kausapin ako.

"Baka naman mabasag iyang nga iyan Crisella." Biro niya sa akin na sineryoso ko, ayaw ko ngang makaltasan ang sahod ko.

Nagdahan-dahan na tuloy ako sa pagpapahid ng sabon sa pinggan at nag-aalangang nginitian si Miss Bethany. "Hehe sorry po."

"Inasar ka na naman siguro ni Tristan?" Naiiling at natatawang saad ni Miss Bethany kaya napakibit balikat ako. "Crisella, anong libro binigay mo kay Tristan?" Bigla ay natanong niya kaya napatigil ako sa paghuhugas ng mga pinggan at isinalansan ng maayos iyon.

"Halos hindi naman niya tinatanggap mga bigay kong libro, ayaw niyang gumagastos ako sa kanya." Saglit kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. "Uh... iyong libro ko lang ata na tinanggap niya ay noong nagpustahan kami noong intramurals. Anong mayroon?"

"Wala lang. Natutuwa lang akong makita iyong changes ni Tristan simula noong naging kayo o baka nga noong una pa lang na nagkakilala kayo."

"P-po?" Dinadaldal ako ni Miss Bethany! Nawala na sa isip ko iyong trabaho ko, por que siya ang owner ng shop?!

"Tristan's a good person kahit may pagkaloko-loko iyon but he became better, mas naging matino or maybe worse, madalas ko siyang nahuhuli na ngumingiti at tumatawa." Napawi ang ngiti ni Miss Bethany sa huling itinuran niya kaya bahagya akong natawa.

"And why is he laughing all by himself...?"

"I don't know, Crisella. Na-stress pa nga si Ate Hayley sa kanya, walang inatupag kung hindi ang cellphone niya noong nasa Ilagan kami. Dis oras ng gabi parang kapre na nasa puno. Tristan will always be a jerk!" Nasampal pa ni Miss Bethany ang noo niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Alam ba niya na ako ang rason sa mga kakupalan ni Tristan? Aba, hindi ko naman inutusan ang Kupal na iyon ng puno o kaya ay umuwi ng Manila ng walang paalam. Plano ko na ngang sumunod sa kanya sa Ilagan, siya naman itong inunahan akong umuwi.

"Sobra-sobra ba sa kakupalan? Sabihan mo lang ako Miss Bethany, tutulungan kitang patahimikin si Tristan." Naiiling na saad ko. Sinisimulan ko ng banlawan ang mga hugasin.

"Wait? Did you just call me Miss Bethany? You're being formally, Crisella." Muli ko siyang nilingon nang naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko. "Just call me Ate, para ka namang ibang tao niyan."

"Well, nasa loob po tayo ng trabaho." Kaagad na depense ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Right...! Then call me ate kung wala tayo sa workplace, okay? Oh! Right, may kailangan pa pala akong gawin sa office. Ipagpatuloy mo na iyang work mo, I have to go!"

Tinanguan ko lang siya pagkaalis niya. Muntik pa akong mayari dahil lang tinawag ko siyang Miss. Hindi ko naman sinabi iyon because of formality talagang nakasanayan ko lang at ang polite din kasing pakinggan.

Ipinagpatuloy ko na ang trabaho ko. Nang matapos ang shift ko ay dumiretso agad ako sa employees room, doon ko naabutan si Tristan na maingat nang nilulupi at nililinis ang mga damit niya.

Hindi ko siya pinansin, naiinis pa rin ako. Inayos ko na lang ang sarili kong nga gamit. Mabuti na lang at maaga ang closing ngayon, maaga ring natapos ang shift ko.

"Crisella ko." Naihinto ko ang ginagawa ko ng yakapin ko ni Tristan mula sa likuran.

Naramdaman ko agad ang pag-init ng mga pisngi ko na nasundan ng pagkabog ng dibdib ko. "Bakit?" Kaswal na tanong ko habang pilit na tinatago ang nararamdaman ko. This is driving me nuts!

"Pagod ka na ba? Kain muna tayo ng ramen sa convenience store sa labas."

Naglalambing ba 'to? Napalunok na lang ako bago marahang tumango. "S-sure! Hindi ko pa naman na-me-message si Sohan para magpasundo."

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Pagharap ko sa kanya ay nakalahad na ang kamay niya. "Tara na?"

"Huh? Anong tara na? Saglit, nagliligpit pa ako!" Giit ko at nagmamadaling inayos ang mga gamit ko.

Napansin ko iyong book case na ginawa ko para sa kanya. Waterproof iyon at may kakapalan ang tela. Laging naliligo ang mga libro niya kaya naisip kong gawin iyon out of nowhere.

Sinulyapan ko siya saglit. Abala siya sa pag-aayos ng buhok niya sa salamin. "Tristan."

"You mean Tristan ko?"

Kaagad na umikot sa ere ang mga mata ko bago naihagis ang book case sa kanya ng hindi niya inaasahan. "Sa'yo na iyan, kawawa naman libro mo." Saad ko bago isukbit ang bag ko dahil tapos na akong mag-ayos.

"Gawa mo ito?" Natutuwang tanong niya habang tinitignan iyong ibinurda kong pangalan niya roon. "Thank you Crisella ko! Sabi na mahal mo rin ako eh."

Pinagsasabi nito? Umarko ang kilay ko bago siya pameywangan. "Tristan, sinisimulan mo na naman ako eh! Tara na nga, bago pa tuluyang maubos pasensya ko sa'yo."

Nakangiting naman niyang kinuha agad ang libro na baon niya at binalot iyon doon. Pasimple naman akong napangiti bago maunang lumabas. Tuwang-tuwa naman siyang nakasunod sa akin habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa likuran ko.

"Nag-aya ka. Ililibre mo ba ako?" Tanong ko habang naglalakad kami palapit sa convenience store.

Mabilis naman siyang tumango sa akin. "Sure! Kahit ilang cup pa iyan."

"Kahit ilang cup, eh kung bilhin ko lahat ng stocks ng ramen nila, huh?"

"I don't mind. Hindi ka naman malakas kumain ng maanghang eh. Hindi mo mauubos." Giit niya na sinundan ng pagkibit balikat kaya napairap na lang ako.

"What if bumili na rin tayo ng soju?" Nakangiting tanong ko at nagpa-cute pa sa kanya, umaasang papayag siya kahit na alam kong hindi!

Tinignan niya ako ng masama kaya alam ko na dapat na akong manahimik. Nang makapasok sa convenience store ay kaagad kong hinanap ang estante ng spicy ramen, kumuha ako ng dalawa para sa aming dalawa, si Tristan na ang naglagay ng mainit na tubig doon kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para bayaran ang spicy ramens. Tulad ng palagi kong sinasabi, ayaw kong ginagastusan niya ako pero mukhang hindi ko matatakasan iyon, kaya kung may pagkakataon akong akuin ang gastos, sa akin na.

"Okay na?" Nakangiting tanong ko at kaagad naman siyang tumango matapos kong makalapit pagkabayad sa cashier. Inilapag ko na ang ilang gamit ko sa vacant space sa tabi ko at nagsimulang haluin ang ramen ko.

"Wait, wait, wait!" Biglang pigil niya sa akin.

Napahinto tuloy ang tangkang pagsubo ko ulit habang nagtatakang nakatingin sa kanya. "What?"

"Wala pa tayong inumin." Natatawang aniya kaya bahagyang unawang ang labi ko habang nakatingin sa table namin at bahagya na lang akong napatango. "Saglit, ako na ang kukuha." Aniya at kaagad na nagtungo sa stalls kung nasaan ang beverages.

Hindi na muna itinuloy ang pagkain ko habang hinihintay ko si Kupal na bumalik.

Habang naghihintay ako sa kanya ay napansin ko ang school ID niya na nakapatong sa table. Kinuha ko iyon at pinakialaman. Napailing na lang ako ng makitang nasa likod ng ID case niya; childhood photo ko.

Ayaw na ayaw kong tinitignan ang pictures ko noong bata pa ako. Pakiramdam ko kasi ay nakaharap ako sa salamin, nakikita ko iyong batang ako na mag-isang umiiyak. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at bahagyang napangiti.

Maybe this photo is an exemption.

"Here." Kaagad na inilapag ni Tristan ang 50ml strawberry milk sa tapat ko kaya naibalik ko na ang ID niya kung saan iyon nakalagay at nakangiting tinanggap ang inabot niya.

"Thank you! Alam na alam ang favorite ko ah!" Sambit ko na nagpakibit balikat na lang sa kanya. "Anyway, sa Sunday na pala iyong entrance exam ko para roon sa isang university na inapply-an ko. Gosh, I don't know kung dapat pa ba akong mag-take ng exam. Ni hindi ako nakapag-review. Although ang sabi ni Xhera I can ace the exam naman daw." Kaagad akong napainom sa strawberry milk dahil namali ako ng lunok, para tinutusok ng anghang iyong lalamunan ko! "W-what you think? Tingin mo mapapasa ko iyong exam?" Doon ko natapunan ng timgin si Tristan dahil hindi niya ako iniinimik.

Ano na naman ito?

Pumitik ako sa harapan niya para kuhain ang atensyon niya. "Kupal ka talaga. Nakikinig ka ba?"

"Crisella, ang ganda mo." Walang koneksyon ang sagot niya sa tanong ko kaya nasamid ako.

"H-ha?"

"Kung isa ka sa nga bulaklak sa garden ko, hinding-hindi kita pipitasin, I'll make sure that you don't wither."

Napangiti na lang ako at bahagyang natawa. "Hindi ba at may mga bulaklak na kailangang pitasin para tumagal ang halaman?"

"Aanhin ko ang halaman kung wala na ang bulaklak?" Tanong niya kaya mas lalo akong natawa.

"What?" Natatawang tanong ko. "Hindi ba at ‘aanhin ang kabayo kung patay na ang damo’ iyon?"

"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo." Natatawang aniya kaya napailing na lang ako.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top