Chapter 44

Chapter 44: I miss you
CRISELLA'S POV

"CONGRATULATIONS, Crisella! You have lots of improvement compare to the first time you make a visit here." Nakangiting bungad sa akin ni Doctora pagkatapos niyang kuhain ang results ng examination ko.

"Am I free from my meds na po ba?" Agad na tanong ko matapos niyang makaupo sa table niya. Itinanong ko pa rin ang tungkol sa medication ko kahit na pinagtatapon na ni Sohan iyong mga gamot ko noong nagdaang buwan!

"You can stop taking your medicines naman na. Sa ngayon i-maintain mo ang healthy diet mo, exercise regularly, importante din na kumpleto ang tulog mo. Ganyan na student ka, paniguradong may mga panahon na kailangan mo talagang pagpuyatan iyong ilan sa school activities ninyo, for that, I'll suggest na mag-set ka ng proper schedules sa mga gagawin mong task to avoid cramming and procrastinating since madalas na nagle-lead sa pagpupuyat ang cramming at procrastinating."

Tuloy-tuloy akong napatango kay Doctora. Na-me-maintain ko naman lahat ng ibinibilin niya sa akin. Isa pa, ang rason lang ng puyat ko minsan ay si Tristan!

"I'll suggest na magtake ka rin ng meditation at least once a week or mag-spend ka ng time alone. A designated time for yourself only."

"Yes, doc."

"Well, since you're clear naman na you can go home na.Bumalik ka na lang dito after three months for follow-up check up, okay?"

Sunod-sunod akong tumango kay Doctora at tumayo na sa kinauupuan ko para kuhain ang gamit ko. "Thank you po, Doc!"

"You're always welcome, Crisella!"

Nakangiti akong lumabas ng clinic niya. Hindi pa ako makakadiretso sa bahay dahil may shoot pa ako matapos nito, ma-le-late na ako kaya nagbook na ako ng uber.

Pagkarating sa studio ay dumiretso agad ako sa dressing room. Nag-aabang na sa akin ang makeup artist na naka-assign para sa akin ngayon kaya kaagad ko siyang nilapitan.

"Good afternoon po!" Bati ko sa makeup artist ko subalit nginitian lang ako nito at tinanguan.

Inaayusan pa ako ng punasok si Miss Ryumi. Nakikita ko lang ang reflection niya mula sa salamin, hindi ko siya magawang lingunin dahil baka masakal ako ng makeup artist kapag lumingon ako.

"Crisella, you're early!" Sambit ni Miss Ryumi na siya mismo ang lumapit sa akin. "Anyway, nasa labas si Miss Rian. Magpakitang gilas ka na lang, lalo na at mukhang may tampo pa siya sa'yo after mong i-turn down ang offer niya." Naiiling na natatawang pahayag ni Miss Ryumi.

Hindi ko magawang suklian ang ngiti niya dahil inaayos ang pagkakalagay ng lip liner ko.

"Iiwan na muna kita rito, I'll see you outside na lang, okay?" Saad ni Miss Ryumi, hindi ko na siya natanguan kaya nauna na siyang lumabas.

Matapos akong ayusan ng makeup artist ay pinalabas na agad ako sa studio para sa photoshoot. Kaagad naman akong humarap sa camera at sinimulan ang trabaho ko.

"Face inward, sideward, backward... okay, thank you, Crisella!" Saad ng photographer namin matapos ang shoot, nginitian ko naman siya at nagpasalamat saka ako dali-daling tumakbo palapit kay Miss Ryumi.

"Gosh! You're so pretty!" Compliment sa akin ni Miss Ryumi sapo-sapo pa niya ang labi niya kaya natawa na lang ako.

"I'm always pretty." Ngiti ko pagkalapit sa kanya.

"I'm in no position para tumanggi. Habang tinitignan kita nararamdaman ko rin iyong pamghihinayang ni Miss Rian sa'yo. Anyway, you made your decision na. Wala naman sa contract mo na tanggapin lahat ng offers sa'yo." Saad ni Miss Ryumi bago niya ipagkibit-balikat iyon. "Before I forgot!"

Sinisimsim ko pa ang iced tea na inabot ng staff sa akin ng tapikin ako sa balikat ni Miss Ryumi. "What is it?"

"We're fixing the list of our models na isasama sa Tokyo Fashion Week! That will be on March, maybe you want to come?"

Tokyo? Japan?! Namilog ang mga mata ko dulot ng excitement! Alam ni Miss Ryumi ang dahilan kung bakit tinanggihan ko ang offer ni Miss Rian, imposibleng ayain niya ako sa labas ng bansa ng magtatangal ako. "Mhmm... how long will I stay in Tokyo if I accept your invitation?"

"I see, I got your attention, Crisella." Nakangising saad ni Miss Ryumi. "Seven days is the longest. The production team will handle your hotel suite, plane ticket and you'll get your very own allowance."

I can't deny na alam na alam ni Miss Ryumi kung papaano ako kuhain. "When will it be?"

"Third week of March, are you in?"

Sumimsim na muna ulit ako sa iced tea na hawak ko. Isang linggo lang naman, isa pa, Tokyo na iyon eh! "Mhmm... sure, I'm in!" Ngiti ko na siyang agad na nagpatango kay Miss Ryumi. The moment she asked me about the fashion week, she knows that I'll accept it anyway.

"Great! I'll notify the production team ASAP. For now, you should go back there dahil hindi pa tapos ang shoot mo."

Napatango na lang ako bago ubusin ng tuluyan ang iced tea ko at nagtungo sa dressing room para magpalit ng damit.

KINAHAPUNAN, matapos ang photoshoot ay ang shift ko naman sa shop. It's Saturday after all kaya inukupa ko na ang buong araw ko. So far, wala pa namang school activities na kailangan kong artihan at ireklamo.

Higit sa lahat, alam ko sa sarili ko na may bagay lang akong iniiwasang isipin.

"Oh! Crisella! Nandito ka na pala. Can I talk to you?"

Kakatapos ko lang na ayusin ang hairnet ko ng lapitan ako ni Miss Bethany. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya. "Yes po. Anong mayroon?"

"Regarding sa incident last... I think that happened before Christmas?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Iyong eksena ni Kristin ang tinitukoy niya. Hindi ko naman na kasi pinagtuunan ng pansin iyon, ayaw ko ng ma-involve sa mga taong inalis ko na sa buhay ko.

"I'm sorry pero kamusta po iyong costumer na natapunan ng kape? As far as I can remember kasi, umuusok pa po iyong kape noon." Sabi ko na bahagyang nagpakunot sa noo ni Miss Bethany.

Kakauwi niya lang kasi kahapon mula Ilagan kaya ngayon pa lang niya ako nakakausap tungkol dito. Nakausap na siguro niya ang manager at kinakausap din niya ako ngayon dahil naroroon ako ng mangyari iyon.

"Ayos naman na ang costumer, nagbayad na rin ng compensation iyong parents ng bata. And I decide na higpitan ang security, mabuti na lang din at maayos lahat ng CCTV cameras. Oh! By the way, are you related to that kid ba? Parang may narinig kasi ako na kapatid mo raw iyon...?"

Kaagad kong nginitian si Miss Bethany saka siya inilingan. "No, I don't know them. They're just silly costumer na naka-encounter ko po that day." Pahayag ko na agad namang pinaniwalaan ni Miss Bethany. "Uh... by the way, Miss Bethany. Huwag na sanang makarating ito kay Tristan." Simula noong mag-Christmas break at umuwi pa-Ilagan si Kupal ay hindi pa siya pumapasok, hindi ko lang alam ngayon. Noong Thursday pa kami hindi nag-uusap!

Kasi iniiwasan ko.

"Ayaw mong malaman ni Tristan ito?" Paniniguro niya at tumango agad ako.

"Yes. Ayaw ko ng alalahanin pa niya ito. Last year pa naman nangyari ito, besides, as a crew normal naman na po sa akin na makaharap ng mga pasaway na costumers." Alanganin pa akong natawa sa huli.

"Mhmm... okay, if that's what you want. Pero na-check mo naman na ba ang group chat? May team building tayo bukas at isasara natin ang shop for tomorrow, okay?"

"Yes! Nakita ko naman na po. I'll be there tomorrow!" Sinungaling! Ilang araw ng nakapatay ang phone ko. Hindi ko rin binubuksan ang plastizism account ko para i-check man lang ang messages ko roon, kaya wala akong idea sa team building na sinasabi ni Miss Bethany!

Buti na lang at pinaalala niya. Baka masakal niya ako ng wala sa oras!

"Dahil kasama ka na rin naman, Crisella, make sure na kasama si Tristan bukas, okay?"

"Opo, opo!"

"Sige na, babalik na ako sa office."

Tinanguan ko lang si Miss Bethany hanggang sa iwan na niya ako sa loob ng staff room. Pagkaalis niya ay kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan ang plastizism account ko para tignan iyong announcement sa group chat. Hindi ko alam kung kailan sila nag-meeting pero may nakapaskil na para sa date and venue ng team building!

Late Christmas present na rin daw kasi iyong team building kaya tuwang-tuwa ang co-workers ko!

Papatayin ko na sana ang phone ko ng saglit kong silipin ang messages ni Tristan.

From: Tristan Kupal
- Crisella ko, papasok ka sa shop?
- Tinatamad ako :)) pasabi na lang kay Beth na hindi muna ako papasok!
- Char lang. Inaaway ako ni mama, papasok na lang pala ako. May tampo pa rin kasi si Mama na tinakasan ko siya sa Ilagan TT!
- See u later!

Pipino! See you later? Papasok siya ngayon? Gosh! Hindi ko naman siya pupwedeng basta iwasan. Kung sabagay, magkaibang station naman kami, hindi ko kailangang umiwas!

Ibinalik ko na ang cellphone ko at lalabas na sana ako subalit saktong nasa pintuan na pala si Tristan! Kupal! Kupal! Kupal! Lupa, pakilamon ako ngayon din!

"Crisella!" Nakangiting bungad niya sa akin. Itinaas pa niya ang kamay niya para kawayan ako. Napatingin ako sa mga mata niya kung saan payapang sumasayaw ang mga daffodils, iyong pilat sa mata niya, katulad ng dati ay tila sinag ng araw na tunatawid sa hardin ng bulaklak sa mga mata niya habang ang labi niya naman ay pulang-pula----magtrabaho ka na Crisella!

Alanganin akong napangiti at saglit siyang kinawayan pabalik. "Oh! Hi! Uhmm, kailangan na ako sa labas, see you later!" Sambit ko at nagmamadaling lumabas kahit kung susumahin ay maaga akong nag-time in!

Of course it was my fault. Alam kong ginusto ko iyon kaya ako itong hiyang-hiya ngayon!

Sinigurado kong maiiwasan ko si Tristan during working hours! Isa pa, nasa trabaho nga naman kami, trabaho lang, walang personalan! Alam kong makakahalata na siya ang problema masyadong pa-cool si Kupal!

May ideya naman siguro siya kung bakit ako umiiwas. Kung susumahin nga ay siya naman ang may kasalanan nito.

Nang mag-end ang shift ko ay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko. Saktong may inasikaso si Sohan sa malapit kaya masusundo niya ako.

Itinali ko na lang ang buhok ko at hindi na ako nag-retouch. Palabas na ako ng shop ng sumunod sa akin si Tristan. Binilisan ko tuloy iyong lakad ko.

"Crisella, spy ramen muna tayo!" Aya niya sa akin, sinasabayan niya ang bilis ng lakad ko!

"Uh? Huh? Nandyan ka pala, sorry, medyo pagod lang sa maghapon, hindi kita napansin." Pagsisinungaling ko. Duda akong hindi niya napapansin ang pagsisinungaling ko ganitong hindi ko masalubong ang mga tingin niya.

"Really?" Sisimangutan na niya ako ngayon! "Kinukulit pala ako ni Bethany tungkol sa team building bukas. Sa Antipolo iyong venue, sabay na tayo ah, mag-LRT na lang tayo bukas."

"Oo, sure! Sure!" This is driving me nuts! Crisella, si Tristan iyan! Umayos ka naman! "Ano, sige! Mag-iingat ka pag-uwi ah! Susunduin naman ako ni Sohan."

"He's here." Aniya sabay nguso kay Sohan na kakaparada lang ng motor.

Tatakbo na sana agad ako papunta kay Sohan ngunit hinatak ni Tristan ang dulo ng bag ko para pigilan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian ng halik ang likuran ng palad ko na siyang nagdulot kaagad ng kuryente sa buong sistema ko!

"Goodnight, Crisella ko..."

Oh 'di ba? Itong Kupal na ito talaga ang dahilan kung bakit hindi nakukumpleto ang tulog ko! Pinaalalahanan pa naman ako ni Doctora kanina na dapat ay kumpleto ang tulog ko!

ALAS-OTSO na ako ng umaga nagising kinabukasan. Nag-almusal lang ako saka sinimulan ko ng ihanda iyong mga gamit na kailangan ko, medyo malayo rin kasi iyong venue at nakakatamad bumyahe ng mainit na.

"Crisella," napalingon ako sa pintuan ng kumatok doon si Sohan kahit nakabukas naman iyon. "Nag-away ba kayo ni Tristan?" Tanong niya agad kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Hmm? Lagi naman kami nag-aaway, more likely lagi ko siyang inaaway."

"Something's off sa... iyo. May nalaman ka ba about him na hindi mo dapat malaman? May nasabi o may ginawa ba siya sa iyo na hindi mo nagustuhan?"

Napanguso ako, hindi ko alam paano sasagutin ang tanong ni Sohan. Isa pa, dapat pa ba niyang malaman iyon?! Kapag hindi ko naman binigyan ng sagot si Sohan paniguradong magagalit lang siya sa akin or worse kausapin niya si Tristan. Knowing Tristan, umiiral ang kakupalan, imposibleng hindi siya magsabi kay Sohan!

"Crisella, anong ginawa ni Tristan sa'yo?" He's mad.

Sunod-sunod akong napalunok. Kailangan ko 'tong malusutan! "Nag-o-overact ka lang. Ayos lang kami ano!"

"Bakit hindi mo ako maharap?"

Nilingon ko tuloy siya agad. "Anong hindi ka maharap, huh?"

"Tinatrato ka pa ba ng tama ni Tristan o tinatarantado na?"

"Come on, So! Do you think na magpapatarantado ako? Isa pa, si Tristan iyon. Magkaibigan din kayo, do you think na tatarantaduhin niya ako?"

"Sinong tarantado?"

Sabay kaming napalingon ni Sohan sa pintuan ng kwarto ko kung saan naroroon na si Tristan! Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ngayon ni Sohan. Pasimple akong napalunok, feeling ko katapusan ko na.

Dumagdag pa iyong matatalim na tingin sa akin ni Sohan bago niya ako iwanan kay Tristan! Pipino! Bakit ako iniwan?

Nagpanggap tuloy agad akong abala sa pag-aayos ng hygiene kit ko.

"Huwag na tayong pumunta ng Team Building, ako ng bahala kay Bethany." Nadinig kong saad niya kaya huminto ako sa pagliligpit ng mga gamit ko at kunot-noo siyang nilingon. "Baka mag-away lang tayong dalawa kapag nandoon na tayo." Pagpapatuloy pa niya kaya nagtataka akong nakatingin sa kanya ngayon.

Magtatanong na sana ako ng maupo siya sa tabi ko at yakapin ako ng mahigpit. Marahan niyang hinahagod ang buhok ko habang yakap-yakap ako samantalang ito ako natutuliro at hindi na naman makapagsalita.

"I miss you..." Usal niya at napalunok na lang ako. "Alam ko naman ang dahilan kung bakit umiiwas ka sa akin. I'm sorry, nagpadala na naman ako sa nararamdaman ko, nakalimutan ko kung anong nararamdaman mo."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko bago siya yakapin pabalik. Kung susumahin ay hindi rin ako sigurado kung may mali nga ba siya. Pagkakamali pa rin ba iyon kung ginusto ko?

"I'm really---"

"Don't be sorry." Pagputol ko sa kanya. Sa wakas ay alam ko na kung ano ang dapat kong sabihin. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at iniharap siya sa akin. Huminga ako ng malalim bago siya ngitian. "You don't have to say sorry, kasi ginusto ko rin iyon besides..." nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ko na masalubong ang mga tingin niya ngayon. "Sinadya kong bitawan iyong libro!" Sambit ko bago nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

"Crisella Travios!"

Natakpan ko na lang ang magkabilang tainga ko habang tumatakbo palabas. Nakasalubong ko pa si Sohan na nagtatakang natakatingin sa akin habang natataranta akong tumakbo palabas.

Dimwit! I'm doomed. I'm doomed!

Natigil ang tangkang paglabas ko ng bahay ng mapansing bumubuhos ang ulan!

"Akala mo makakatakas ka sa'kin? May kasalanan ka pa sa akin, Crisella!" Sigaw ni Tristan at nagulat ako ng hatakin na lang niya ako palabas ng balcony kahit na malakas ang buhos ng ulan.

"Tristan!"

"What?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Mababasa tayo, ano ba?!"

"Mababasa talaga tayo. Paano tayo maliligo sa ulan kung hindi tayo mababasa?" Sarkastikong tanong niya sa akin kaya naiwan akong tulala. Naramdaman ko na lang na pinisil niya ang ilong ko. "Wala ka bang naaalala?" Tanong niya na tinatawanan pa rin ako.

"Naaalalang ano?"

Nginitian lang niya ako bago ako abutan ng keychain. "Ito 'yung..." Nagpalipat-lipat sa kanya at sa keychain na hawak ko ang paningin ko ngayon. Ito 'yung keychain na nasira ko ng sumabit iyong belt ko noon sa bag na gamit niya!

"Kinawawa mo naman si Senku." Ngiti niya bago pisilin na naman ang ilong ko. "Crisella ko, ano 'yung paborito mong laro noong bata ka pa?"

Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "I... I don't know. Wala akong maalala na may paborito akong laro noon."

"Oh? Don't worry, I got you! Magtatagu-taguan tayo."

"Huh? Tagu-taguan? Tayong dalawa lang?" Natatawa at hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na tinanguan naman niya. "Seryoso ka?"

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at nginitian ako. "Maiba taya tayo."

"Tristan...?" Natatawang usal ko ngunit nakangiti lang siya sa akin at alam kong seryoso siya kaya nginitian ko na lang siya pabalik bago pagbigyan ang mga trip niya. "Fine. Maiba taya...!"

"Oh! Ikaw taya, ako na magtatago! Magbilang ka roon, huwag kang lilingon ah." Aniya at pinaharap ako sa gate para pagbilangin.

Natatawa naman tuloy akong sumunod sa kanya. "Subukan mong magtago sa loob ng bahay makakalbo kita!" Sigaw ko pa sa kanya bago ako humarap sa gate at magbilang. Narinig ko lang na tinawanan niya ako bago siya patakbong magtago sa kung saan. Subukan lang talaga niyang magtago ng basang-basa, ewan ko lang kung hindi tapyasin ni Sohan ang tainga niya. "One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten..." Lumayo na ako sa gate. Sapat naman na siguro iyong 10 seconds? "Tristan, nasaan ka na?" Tanong ko subalit hindi naman siya tumugon.

Iyong buhos lang ng ulan ang naririnig ko habang hinahanap ko kung nasaan si Kupal. Inikot ko ang buong bakuran hanggang sa nakita ko siyang nagtatago malapit sa garage.

"Tristan!" Sambit ko sa pangalan niya na siyang ikinagulat niya. Napangisi na lang ako bago kaming dalawa na mag-unahan na tumakbo pabalik sa base. "Save! Ikaw ang taya ngayon!" Natatawang sambit ko matapos siyang maunahan.

"Ang daya naman nito, bakit ang bilis mong tumakbo?"

Nahawi ko patalikod ang buhok ko kahit na basang-basa na iyon. "Excuse me? Hindi ako champion sa track 'n field noong intramurals kung hindi ako mabilis tumakbo ano?"

"Wala, alam mo namang nagpatalo lang ako para sa'yo ano." Ngisi niya kaya naiiling kong naikunot ang noo ko.

"Excuse me? Talagang mabilis lang akong tumakbo. Basic requirements sa dati kong trabaho." Natatawang saad ko at saka tinapik ang balikat niya. "Bawi ka na lang sa susunod!"

"Nagsisimula pa lang tayo, Crisella ko. Kita mo mamaya, umiiyak ka ng uuwi kasi lagi kang talo!"

"Wow!" Nasapo ko ang labi ko at kunwari ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Tignan natin kung sinong uuwing talunan, sige na, magbilang ka na! Tanggal iyang mga mata mo sa akin kapag sumilip ka!"

"Rainfall has never been this peaceful..." nadinig kong usal niya. Magtatanong pa sana ako subalit nagsimula na siya mgabilang. "One, two, three...!"

MAY galit pa ata si Sohan ng ilapag noya ang hot chocolates sa harapan naming dalawa ni Tristan. Nginitian ko na lang siya kahit alam kong hindi uubra pagpapa-cute ko.

"Thank you So! Kaya mahal na mahal kita eh." Panunuyo ko sa kanya kahit na diring-diri iyong mukha niyang nakatingin sa akin.

"Tigilan mo nga ako, baka mabanatan ako ng wala sa oras niyan ni Tristan." Aniya kaya nilingon ko si Tristan na balot na balot ng kumot ngayon habang iniinom iyong hot chocolate na hinanda ni Sohan para sa amin. "Sino ba kasi nagsabi sa inyong dalawa na maligo kayo sa ulan?" Tanong ni So na nakapameywang pang nakatingin sa amin ngayon ni Tristan.

Kaagad ko namang niligtas ang sarili ko sa sermon niya. Nakangiti kong itinuro si Tristan. "Si Tristan ang humila sa akin sa labas!"

"Parang hindi ka nag-enjoy ah!" Depensa naman agad ni Kupal kaya binelatan ko lang siya.

"Kapag nagkasakit ka lang talaga, huwag kang magpapaalaga sa akin ah!" Sa huli ay nasermunan pa rin ako ni Sohan kaya napangiwi na lang ako. "Si Tristan pala salarin bakit ka nagpaulan, sa kanya ka na magpaalaga."

"Why not?!" Nakangiting saad ko at umangkla sa braso ni Tristan. Nakiinom pa ako sa hot chocolate niya kahit na mayroon naman ako. "Aba! Bakit mas maraming marshmallows iyong kay Tristan kumpara sa akin? May favorite ka na ngayon Sohan?"

"Tss!" Inismiran lang ako ni Sohan bago siya pumasok sa kwarto niya.

"Ang sungit. Pustahan tayo, tatandang binata si So!" Sambit ko kaya natatawang nagbaba ng tingin sa akin si Tristan. "Pero baka ako pala ang tumandang dalaga!" Sambit ko at dumistansya kay Tristan kaya salubong na ang kilay niya ngayon na nakatingin sa akin.

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Mukhang wala akong babaeng kaagaw sa iyo eh. More likely si Sohan pa ang magiging kaagaw ko sa'yo." Saad ko dahilan para bumunghalit ng tawa si Tristan at pinisil na naman ang ilong ko!

"Nahihilig ka na rin ata magbasa ng fiction ngayon? Kung anu-ano ng tumatakbo sa imagination mo."

Umikot sa ere ang mga mata ko. "Excuse me? Seryoso kasi ako!"

"Kakabasa mo ng libro iyan, Crisella."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top