Chapter 43

Chapter 43: Get a grip on yourself
CRISELLA'S POV

ITINAAS ko ang pasta at ipinakita iyon kay Tristan. "Gusto mo ng carbonara sa media noche?" Nakangiting tanong ko at kaagad naman niyang inabot ang carbonara sauce sa akin, ibig sabihin payag siya. "Okay, ikaw magluto ah."

"What? Ako? Hindi nga ako marunong magprito ng itlog!" Aniya at tangkang ibabalik sa estante ang pasta at sauce! "Nevermind. Iba na lang ang ihanda natin."

"Nagbibiro lang ako." Saad ko at pinanlakihan siya ng mata kaya nahimas na lang niya ang batok niya. Itinulak ko na ang shopping cart habang tinitignan ang mga pupwedeng iluto mamaya. Kaming tatlo lang naman ang nasa bahay kaya hindi namin kailangan ng maraming handa.

Itinigil ko ang shopping cart sa tapat ng mga de-latang fruit cocktail, hindi kalayuan ay naroroon ang mga gatas at creams.

"Tristan, anong gusto mo for dessert? Mango graham o fruit salad?"

Lumapit naman siya sa mga nakadisplay at tinignan isa-isa ang presyo ng mga naroroon. "Saan ba tayo mas makakamura? Sa salad o sa graham? What if bumili na lang tayo ng fresh fruits sa since mamimili rin naman tayo ng mga prutas na bilog, hindi ba?"

"Fresh fruits para sa salad? No problem." Bahagya kong tinapik ang balikat niya at nginisian siya. "Siguraduhin mo lang na ikaw ang maghihimay at maghihiwa ng mga prutas ah."

"Sasakalin mo ako kapag hindi kita tinulungan eh."

"Argh! You're making me the bad person here ah. Gosh! Don't you dare to cook ampalaya with me today!" Naningkit ang mga mata kong nilingon siya. "Well, it is not that bad, dapat maiwan ang bad vibes ng taong ito ngayon, we should welcome good luck and good fortune, aren't we?"

"Do as you say. Ang alam ko lang pagdating sa swerte ay ikaw ang swerte ko, Crisella ko."

Tinawanan ko lang siya bago itulak ang cart palapit sa mga naka-display na gatas at saka ako bumili ng ilang condensed milk, evaporated milk at kumuha na rin ng ilang cream.

"Crisella, Crisella ko!" Itutulak ko na sana ulit palayo ang cart nang lumapit sa akin si Tristan at iabot ang cellphone niya. Nagtataka naman akong napatingin sa phone niya kung saan ongoing ang call noon kay Tita Hayley.

["Tristan, babawasan ko talaga iyong allowance mo sa pasukan. Sisiguraduhin kong hindi ka makakabili ng libro mo! Umuwi ka ng paalam ng hindi nagpapaalam?! Kung saan-saan kita hinanap dahil baka naligaw ka na tapos umuwi ka na?"]

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naririnig ko ang litanya ni Tita Hayley mula sa kabilang linya. Nilingon ko si Tristan na patay-malisyang tinitignan iyong mga naka-display na gatas, nakapamulsa pa si Kupal at pasipol-sipol, kaya naman nasuntok ko siya sa braso. "Hindi ka nagpaalam?!" Namimilog ang mga tanong ko sa kanya subalit alanganin lang niya akong tinawanan. "Tristan?!"

"Nagpaalam ako kay mama! Hindi niya lang ata ako naintindihan!" Giit niya kaya tumaas ang kilay ko. "Nagkaroon lang kami ng misunderstanding, I swear!"

Tinapunan ko ng tingin ang ongoing call sa phone niya, tuloy-tuloy pa rin sa panenermon si Tita Hayley sa kanya sa kabilang linya. "Kupal ka talaga! Hindi mo naman ipapasa sa akin phone mo kung wala kang kasalanan eh!" Sambit ko at inis siyang tinalikuran para sagutin si Tita Hayley. "Hello, Tita! Si Crisella po ito. Pinasa sa akin ni Tristan iyong phone niya, kung gugustuhin at bibigyan niyo po ako ng permiso, ako na po ang gugulpi kay Tristan."

"Hoy! Crisella!" Sigaw ni Tristan subalit inasar ko lang siya lalo.

["Sumsakit ulo ko kay Tristan ngayon Crisella. Papayagan ko naman iyang batang iyan, ang kaso hindi nagpaalam sa akin. Ikaw na muna ang bahala sa kanya ha? Saka ko na pipingutin iyan pag-uwi ko diyan sa Manila."] Higit na mas kalmado naman na ang boses ni Tita Hayley ngayon kaya napangiti na lang ako.

"Sige po, ako na pong bahala. Mag-iingat po kayo diyaan!" Pinatay naman na agad niya ang tawag subalit nagpanggap akong kausap pa rin si Tita para asarin ang Kupal kong boyfriend. "Opo, ako na pong bahala sumunog sa mga libro ni Tristan. Willing naman po akong ibigay sa inyo iyong abo mula sa mga libro niya."

"Crisella ko!"

Tangkang aagawin ni Tristan iyong phone niya mula sa akin subalit mabilis kong nailayo iyon. "No! Binigay mo sa akin ito, hindi ba?" Kaagad kong nailayo ulit ang phone niya. "What? May tinatago ka ba rito? Siguro may nakasave na p×rn dito ano?"

"What the hell, Crisella?!"

Tinawanan ko naman siya agad. "Sohan got lots of videos. Nagpapasahan siguro kayong dalawa ano?!"

"Crisella, bakit naman ako manonood---"

Mabilis kong pinutol ang sinsabi niya habang pilit na inilalayo ang phone niya na inaagaw niya sa akin. "Ah---bakit mo nga naman papanoorin kung binabasa mo? Sige, itanggi mo! May nakita ako sa libro mo noon ano!"

"I'm skipping thoses parts, okay? Hindi naman nakakatulong sa plot iyon."

"Huh? Do you think I'll buy that?" Nang-aasar kong binuksan ang phone niya subalit iyong call log agad ang bumungad sa akin, wala namang ibang tumatawag sa kanya kaya iilan lang ang pangalan na nandoon at nasa pangalawa ang pangalan ko sa recent calls.

Crisella Ko? Napailing na lang ako at ibinalik ang phone niya sa kanya.

"Iyan talaga nakalagay sa pangalan ko sa phone book mo?" Tanong ko at siya na ang pinagtulak ko sa cart ko ngayon.

"Ano ngayon? Bakit? Baka naman full name ko nakalagay diyan sa phone mo ah?"

Sinulyapan ko siya bago ako naiiling at natatawang nag-iwas ng tingin sa kanya. "Huwag mo ng alamin. Dalian na nga natin magluluto pa ako oh. Oo nga pala, may sky blue shirt ka na?"

"Anong meron sa sky blue shirt?"

"Lucky color, duh?"

"Kailangan pa ba nun? Sinabi ko na sa'yo ikaw ang swerte ko, hindi ba?" Hirit na naman niya kaya napairap na lang ako.

"Ang corny mo! Bilisan mo na nga bago ko pa lagyan ng mais iyong salad." Saad ko at tinulungan na siyang itulak iyong cart habang tinatawanan lang niya ako.

Ganoon pa man, iba iyong excitement na nararamdaman ko dahil sa paparating na new year. This is going to be different... happier, kasi bukod sa kasama ko na si Sohan, kasama ko pa si Tristan ko.

MAG-A-ALAS dose na ng magising ako. Ang ingay-ingay na sa labas, sa salas pa lang ang ingay na ni Sohan at Tristan, gamit-gamit nilang dalawa iyong videoke, nakapatay pa ang ilaw at binuksan nila iyong disco lights.

Hindi nila napansin ang paglabas ko ng kwarto. Dumiretso agad ako sa kusina at binuksan ang ref para bilangin iyong bote ng alak na nandoon, kumpleto at wala pang bawas ang mga iyon, ibig sabihin ay hindi pa naman sila umiinom.

Tinignan ko rin iyong mga pagkain na niluto ko kanina, wala pa rin namang mga bawas, maliban na lang sa desserts na nasa ref dahil may mga inihiwalay ako sa maliliit na tubs.

Kinuha ko iyong isang tub ng fruit salad at kumuha rin ako ng lumpiang shanghai bago lumapit sa kanilang dalawa sa salas.

"Oh? Gising ka na?" Tanong sa akin ni Tristan ng maupo ako malapit sa kanya. Pinatay pa niya iyong mic bago ako lapitan.

"Maingay sa labas, maingay pa kayo, paanong hindi ako magigising?" Tanong ko sa kanya ngunit nginitian lang niya ako bago kagatan iyong hawak kong shanghai.

Napagod ako sa paggogrocery at pagluluto kanina kaya natulog na muna ako. Napakaingay lang talaga sa labas dahil sunod-sunod iyong torotot ng mga bata, may mga hudas na rin na kaliwa't kanan ang pagpapaputok.

"Mag-a-alas dose na pala. Tristan, tara na! I-set up na natin iyong fireworks sa labas!" Aya ni Sohan kay Tristan na ibinaba na ang mic at binuksan na ang ilaw.

Sumubo pa si Tristan sa salad ko bago tumayo at sumunod kay Sohan sa labas.

"Mag-iingat kayong dalawa ah!" Paalala ko sa kanila subalit kaagad din naman akong sumunod sa kanila matapos kong maubos ang salad ko.

Magkasama nilang inayos iyong mga fireworks sa tapat ng gate. Medyo mausok na rin sa labas at naka-todo ang speakers ng mga kapitbahay, iyong iba nga ay nasa labas pa ang malalaking speakers.

"G×go! Sohan!"

Nagsalubong ang kilay ko ng batukan at murahin bigla ni Tristan si Sohan. Lumapit tuloy ako sa kanilang dalawa, nagbibiro pala si Sohan na sisindihan na iyong firecracker malapit kay Tristan kaya nakurot ko sa tagiliran si Sohan.

"What the hell?!" Salubong ang mga kilay niya na nlingon ako subalit nakahalukipkip na ako at nakataas ang kilay sa kanya. "Opo, opo, magpapakabait na."

"Bilisan ninyo, 11:55 na oh." Paalala ko sa kanila. Tinapik ko lang ang likod ni Tristan saka ako pumasok patungo sa balcony para kuhain iyong mga lusis. "Oh ano? Ayos na 'yan?" Tanong ko kay Sohan at tumango naman siya bago ipagpag ang kamay niya.

"Ikaw na ang magsindi, Crisella." Ngisi niya at tangkang iaabot ang lighter sa akin. "Magaling ka naman magsindi, 'di ba?"

"Eh kung nguso mo paputukin ko?" Saad ko subalit nginisian lang niya ako hanggang si Tristan na ang umagaw ng lighter mula sa kanya.

"Magbabagong taon na lang nag-aaway pa rin kayo?" Iling ni Tristan kaya inismiran ko lang si Sohan. "Ako na po, okay? Makikipagtalo ka pa eh." Pagpapatuloy niya na pinisil pa ang ilong ko.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Sohan kaya tinignan ko kaagad ang wristwatch ko, subalit hindi ko pa man siya nabibigyan ng sagot ay nagsimula ng mag-countdown ang mga kapitbahay namin. "Talk about timing."

Namilog ang mga mata ko ng maglabas ng posporo si Sohan, lalapit na sana ako sa kanya para pigilan siya subalit nasindihan na niya iyong isang fountain kaya mabilis akong nahatak palayo ni Tristan mula roon.

"Sohan!" Salubong ang mga kilay kong nasigawan siya subalit tinawanan lang niya ako ng makalapit sa akin.

"Chill, masamang damo 'to, hindi agad ako mamatay. Kita mo nga, wala ng epekto iyong bala na tumama sa akin." Pagyayabang niya na bahagya pang inangat ang t-shirt niya, sa inis ko ay nasipa ko sa pwetan.

Tinawanan lang naman niya ulit ako!

"Tama na 'yan." Natatawang awat sa akin ni Tristan bago niya sindihan ang isang kwitis na sinet-up nila ni Sohan. Bumalik siya sa tabi ko at nakangiti akong inakbayan bago ako dampian ng halik sa noo. "Happy New Year, Crisella ko."

Sumabay sa makulay na fireworks display ang mga mata niya, maging ang puso ko na nagkakarambola ay sumabay sa malakas na torotot at mga firecrackers. Gayunpaman, sa kabila ng ingay at magulong paligid ay alam kong payapa ako.

Sinuklian ko ang mga ngiti niya sa akin bago siya dampian ng halik sa pisngi. "Happy New Year, Tristan ko."

"Wow! Bagong taon na bagong taon, ipinapamukha niyo agad sa akin kamalasan ko?" Bulyaw sa amin ni Sohan, tinawanan lang siya ni Tristan samantalang ako, nairap na lang.

"CRISELLA! Dalian mo!" Sigaw ni Sohan mula sa labas na siyang nagpairap sa akin.

Hindi ko mahanap ang ID ko! "Sandali kasi! Excited ka masyado!" Sigaw ko pabalik sa kanya hanggang sa nakita ko iyong ID ko na nakasabit lang pala sa cabinet ko. Patakbo akong lumabas at umangkas agad sa likuran niya.

"Ang tagal-tagal mo. Sinabi na ngang ikaw ang mag-le-lead sa flag ceremony eh!" Sermon niya sa akin subalit nginiwian ko lang siya at tinapik ang likod niya hanggang sa paandarin na niya ang motor niya.

Last minute naman kasi akong sinabihan ni Crisella tungkol dito. Nagbagong taon na lang, hindi pa siya umuuwi galing Chicago!

Samantala, nagmamadali at halos lumipad na kami sa bilis ng pagpapalipad ni Sohan ng motor niya! Yumakap na lang tuloy ako sa likod niya dahil kahit na may truck sa harapan namin ay nag-o-overtake si Kumag.

"You should be grateful, anong mukha iyan?" Takang tanong niya sa akin kaya inis kong naihampas ang helmet sa braso niya. "Oh, namimisikal ka na naman!"

"Thank you ah!" Sarkastikong saad ko bago tumakbo papunta sa auditorium.

Kaagad akong lumapit sa teacher at humingi ng paumanhin subalit magsisimula pa lang naman sila. Sa akin iniwan ang opening prayer at opening speech na si Xhera dapat ang gagawa! Sila lang naman kasi ni Brooke ang nag-aagawan sa ganito noon, ayun lang, wala na si Brooke dito sa campus. Huli ko siyang nakita sa hospital noon, laking pasasalamat ko na at hindi ko na siya nakita pa ulit.

Bitbit ang gamit ko ay sumabay na ako sa schoolmates ko na bumalik sa room namin pagkatapos ng flag ceremony. Buti na lang talaga at sinend ni Xhera iyong copy ng opening speech!

Papasok na sana ako sa classroom ng makita ko si Tristan hindi kalayuan sa pwesto ko, may kausap siyang dalawang lalaki. Naipaling ko ang ulo ko habang tinitignan siya, plantsadong-plantsado ang uniform niya, nakasukbit sa dibdib niya ang itim na messenger bag niya habang may hawak na naman siyang libro sa kaliwang kamay niya. Bahagya pa siyang tumatawa habang kausap iyong dalawang lalaki.

Aba, may iba pa lang kaibigan si Kupal.

Nakangiti na lang akong napailing at saglit siyang kinuhaan ng picture at agad na nang-aasar na isinend iyon sa kanya.

To: Tristan Kupal
- Ginaganahan ako pumasok everyday. May pogi sa campus >,<
- (You sent a photo).

Matapos niyon ay pumasok na ako sa classroom. Nakasalubong ko pa si Devon dahil papalabas siya, saglit niya akong nginitian at nagmamadali rin na nag-iwas ng tingin.

Naupo na lang ako sa seat ko, sana lang hindi muna mag-klase ang teachers namin dahil iyong utak ko nasa bakasyon pa rin.

Mukhang magkakampi naman kami ng swerte ngayon, hindi nga nagklase karamihan sa teachers namin, natulog lang tuloy ako nang natulog sa tatlong subject. Pagdating ng break time ay nagkanya-kanyang labas agad ang mga kaklase ko, ang narinig ko ay may kani-kanilang organization meeting karamihan sa kanila, preparation para sa founding anniversary ng campus.

Wala naman akong sinalihang org, isa pa, sa susunod na buwan pa naman ang foundation day na tumatagal ng isang linggo.

Palabas na sana ako ng classroom para umakyat sa room nila Tristan subalit nandito na pala siya sa room. Bumalik na lang tuloy ako sa pwesto ko. Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay kaming dalawa na lang ang nandito.

"Sinong pogi, huh?" Nakangising tanong niya bago maupo at tumabi sa akin.

Patay-malisya naman akong ngumiti. "Malay ko, sino nga ba? From what I heard, Tristan Stryker ata ang pangalan? He's from STEM-B? Kaklase ni Sohan."

"Sobrang pogi ba at ganado kang pumasok araw-araw?" Dagdag tanong niya at pinisil ang ilong.

"Mhmm... sobra. I have a huge crush on him na nga, ang kaso, may girlfriend na, anyway, maganda iyong girlfriend niya ah."

Natatawang pinanggigilan ni Tristan ang ilong ko dahil sa pinagsasabi ko.

"Oh! Tama na." Saway ko sa kanya dahil nilalamutak na niya ang ilong ko. "Anong kakainin natin ngayon?"

"Dunno, I'm still full. How about you? Nag-breakfast ka ba? Mamaya kakamadali mo para sa flag ceremony nakalimutan mo na mag-breakfast."

"Kinda." Alanganin akong napangiti. "I feel like smoking today." Pang-aasar ko sa kanya subalit ganoon na lang ang pamimilog ng mata ko dahil niya ako babawalan.

"Sure but I'll take the same amount na ite-take mo." Hindi ako binawalan, more likely binantaan kaya napairap na lang ako.

"Nagbibiro lang ako. I stopped smoking na, okay? Wala man kaming diet na binabawal ni Miss Ryumi, pinagbabawalan naman kaming mag-smoke at mag-drinks."

"Aba, talagang nakikinig ka kay Miss Ryumi, tapos sa akin hindi?"

Namilog ang labi ko dahil sa sinaad niya. Napailing na lang ako. Kung alam lang niya. Iyon lang, wala akong plano na ipaalam sa kanya. "Sino may sabi sa'yo niyan?"

"Kakasabi mo lang, Crisella ko."

"Nah. Ang sabi ko lang pinagbabawalan din kami ni Miss Ryumi ah." Saad ko bago kuhain iyong libro na bitbit niya pagpunta rito. Binuklat ko iyong pages niyon at binasa ang blurb sa likuran. "Novel ulit ni Acheloisly?" Takang tanong ko at bahagyang inangat iyong libro sa harap niya. Mabilis naman niya akong tinanguan.

"Yeah. I like her stories. Iyang book na hawak mo, isa iyan sa mga naunang book na pinublish niya online. Nabasa ko iyong naunang versions ng book na iyan, ang daming errors at patapon na linya that's why I'm glad na isa ako sa mga naka-witness ng development ng writings niya."

Tumango-tango ako subalit bahagyang nangunot ang noo ko. "Her? Babae?"

"Yes. Why?" Walang kamalay-malay na tanong niya sa akin.

Hindi ako nagseselos. Nakahanap lang talaga ako ng butas para asarin ulit siya. "Don't tell me you have a crush on her aside from liking her stories?"

"Meron nga. Actually, kung hindi mo ako sasagutin kay Acheloisly na lang sana ako eh."

Ako ang natulala ngayon. Nag-backfire agad pang-aasar ko sa kanya! Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Naiangat ko na lang tuloy iyong libro para takpan ang mukha ko at magpanggap na basahin iyon.

"Hala! Crisella, ano 'yan? Nagseselos ka?" Natatawang tanong niya subalit hindi ko siya binigyan ng sagot. "Crisella." Napasinghap ako ng hawakan niya ang kamay ko upang ibaba ng kaunti ang librong hawak ko, sapat lang para masalubong ko ang mga mata niyang nakangiti sa akin. "Alam mo namang ikaw lang palagi, hindi ba?"

"Aba, ano iyan? Sinusuyo mo ako ngayon?" Tanong ko sabay taas ng kaliwang kilay ko. "Hindi uubra ka-corny-han mo sa akin."

"Sorry na." Tumatawang aniya kaya napangiwi ako. "Gumanti lang ako sa pang-aasar mo, okay?"

"Okay."

Magtatampo-tampuhan pa sana ako dahil natutuwa ako sa reaksyon niya, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko bago siya mas lumapit sa akin at siguruhing nasa pagitan naming dalawa ang librong hawak ko.

Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang paglapit sa akin. Ang tindi ng pagdagundong ng puso ko, pakiramdam ko ay masisira na ang rib cage ko.

Tristan's kissing me!

Nanlambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay matutumba ako kahit nakaupo naman ako ngayon. Damang-dama ko ang init ng mga kamay niya habang iyong ay akin ay nanginginig. Pipino! Nawala na ako sa sarili ko. Aksidente kong nabitawan iyong librong pumapagitna sa aming dalawa, exposing his lips to mine.

Or maybe I'm a fool, lying to myself. Maybe, maybe I did it on purpose, na bitawan iyong libro.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top