Chapter 41

Chapter 41: Only Exception
CRISELLA'S POV

INAAYOS ko pa ang college application ko ng tawagin ako ni Sohan. Wala pa naman kasi talaga sa isip ko ang mag-apply sa universities para sa college, ang problema kinukulit na ako ni Xhera. Application pa lang naman daw, hindi pa enrollment pa, para kung sakali raw na buo na ang loob ko sa after graduation, mamimili na lang ako ng university na papasukan.

"Ano iyon?" Tanong ko kay Sohan ng sandali kong bitawan at laptop ko. Sunasakit na rin ang mata ko sa haba ng screen time ko.

"I threw your pills and cigarettes earlier." Aniya na para bang wala lang iyon kaya nagsalubong ang mga kilay.

"You threw what?! You should have ask me before throwing them!" Asik ko bago umikot sa ere ang mga mata ko.

"Why? How's your mental health? Hindi ka na nagpapa-check up lately. You know what, kay Tita Hayley ka na lang magpaconsult, she's a great psychiatrist too! Malay mo makalibre ka pa." Sabi niya na sinundan pa ng ngisi.

Mabilis naman akong napailing. "Saka na. Isa pa, hindi ko pa nasasabi kay Tristan."

"Sasabihin mo lang naman sa kanya na you're still undergoing treatment because of your mental health. It's simple Crisella. Bakit ba ang hilig mong gawing komplikado ang maraming bagay?"

"I am not making things complicated. Ayaw ko lang pag-alalahanin si Tristan, okay?!"

"Hindi ba at mas lalo siyang mag-aalala kung hindi niya alam iyong mga bagay tungkol sa iyo na dapat ay alam niya."

Huminto ako sa pakikipagtalo kay Sohan, kasi alam kong tama siya. Binelatan ko na lang siya at muling hinarap ang laptop ko. Saka ko na lang sasabihin kay Tristan kapag nakauwi na sila o kaya naman kapag nakapag-pa-check up na ulit ako.

Hindi naman na ganoon ka-komplikado iyong anxiety at depression ko, for some reason, kaya ko na ring harapin paunti-unti ang traumas ko. Kaya ko naman kasi talaga, si Sohan lang ang nag-i-insist na magpa-consult ako sa psychiatrist.

"Ano ba 'yang ginagawa mo at abala ka diyan?" Tanong ni So at lumapit sa akin para tignan ang laptop ko. "Oh? You got plans for college na? Anong program kukuhain mo?"

Mabilis ko siyang nailingan dahil ako mismo ay hindi ko alam. Nasa part na kasi ako ng application kung saan kailangan kong maglagay ng tatlong program of choices ko.

"Huwag mong isipin iyong tuition fee at iba pang bayarin. Kayang-kaya iyan." Ngiti ni So at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Alam ko." Kung susumahin kasi iyong kinikita ko pa lang sa modelling ay malaki na. Malaki-laki rin ang ipon ko dahil sa dalawang part time jobs ko, bihira na lang din akong gumastos ng mga bagay na hindi ko naman kailangan kasi lagi akong pinagsasabihan ni Tristan na magtipid!

"You told me na ayaw mong pumasok sa fashion school on the other hand, mahilig ka naman sa mga pusa, why not mag-vet ka or mag-biology?"

Napatingin ako may Sohan dahil sa suggestions niya, nagningning agad ang mga mata ko subalit mabilis ding napawi iyon bago ako umiling. "No. No. Baka mag-disect kami ng pusa roon So, malalagutan ako ng hininga ng wala sa oras."

"Seriously?!" Nakangiwing tanong niya bago makamot ang kilay niya. "How about Engineering?"

"Pagod na ako sa calculus, gusto mo pang mag-Engineering ako?"

"Gala ka naman, how about tourism?"

Sandaling nagsalubong ang kilay ko bago tumango sa kanya. "Sure! Sure!" Sabi ko at kaagad na inilagay iyon sa program of choices ko, mabuti na lang at may inooffer na Tourism iyong university na ito.

"Ayaw mo ng medical related hindi ba?"

Mabilis kong tinanguan si Sohan. "Baka ako pa ang maging pasyente. It's a big no."

"Educ---never mind. Accounting? Anything na related sa business? Business Administration? Business Management?"

Hindi ko masyadong naintindihan iyong sinasabi ni Sohan dahil nakita ko iyong bagong bili kong moisturizer at sunscreen dahil paubos na ang gamit ko. Then it hit me! It is not something that I really wanted pero alam kong it's worth a try. "Something na related sa cosmetics, makeup, skincare products..." Usal ko kaya sagalit na nagsalubong ang kilay ni Sohan ng tignan ako.

"Chemistry related?"

"Yeah, maybe." Marahan akong tumango habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko.

"Paano 'yan? Bobo ka sa chemistry 'di ba?"

Kaagad kong nasuntok ang braso ni Sohan at tinignan siya ng masama. "Abnormal ka talaga!" Singhal ko sa kanya subalit tinawanan lang niya ako!

"Bakit ba nagagalit ka? Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"Magkaiba iyong mahina sa chemistry sa bobo sa chemistry!"

"Okay, okay. Eh si Tristan ba, anong kukuhain niyang program?"

Ngayon napasok sa usapan si Tristan? Tss! Kaya pala iniwanan ako ng love letters kasi hindi na ako tatawagan! Subukan lang niyang tumawag, hindi ko talaga sasagutin! "Malay ko roon, sabi niya gusto niya ng program na related sa libro pero ayaw niyang maging writer."

"E'di sana nag-librarian na lang siya."

"Tsk! Talagang sa akin mo pa kinamusta si Tristan?" Nakangiwing tanong ko sa kanya. "Iyong totoo, may gusto ka sa boyfriend ko?"

"What the actual fck, Crisella?" Kunot-noo at naiinis na tugon ni So kaya naman tinawanan ko lang siya para asarin. "Malay ko ba kung anong kukuhaing program ni Tristan ay iyon din ang kuhain mo. May kaibigan kasi ako na kung anong program kinuha sa college nung girlfriend niya, iyon din ang kinuha niya."

"The hell?" Natatawa na tuloy akong nakatingin sa kanya ngayon. "Maliban sa akin, may iba ka pa palang kaibigan? I mean, may nakatiis sa ugali mo?"

Si Sohan na ang naiinis sa akin ngayon kaya tinawanan ko lang siya. Nakaganti rin!

"Sa may bahay, ang aming bati...!"

Mag-aasaran pa sana kaming dalawa nang marinig namin ang mga bata sa labas na nangangaroling, may pasaway pa na pumindot ng doorbell kaya kaagad kong ipinagtabuyan si So para siya ang humarap sa mga bata.

"Anong ibibigay ko roon?" Tanong niya kaya napangiwi na naman ako.

"Taon-taon na lang Sohan? Bigyan mo ng barya, kung wala kang barya, bigyan mo ng buo at kung wala pa rin, sabihin mo, bumalik na lang kamo sila sa 24!" Sambit ko kaya napakamot siya sa ulo niya bago maghanap ng ibibigay sa mga bata sa labas.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa screen ng laptop ko dahil cosmetology at dermatology ang siyang pinag-iisipan ko ngayon.

Tinatapos ko pa ang application ko nang makatanggap ako ng tawag kay Tristan! Naalala pa ako! Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya at baka patayan na naman ako tulad ng ginawa niya kahapon! 

["Crisella Ko, sorry ngayon lang ako nakatawag, hindi rin ako makapagmessage, kung saan-saan kasi ako hinihila ng mga pinsan ko, maging si lolo at lola. Tapos iyong mga nakababata kong pinsan naglalaro sa phone ko, hindi naman nila ako sinasabihan na tunatawag ka na pala."]

Nakahanda na akong awayin siya eh! Tapos ano? Uunahan niya akong magsumbong? Ayan, wala na. Hindi na ako nagtatampo!

"Kawawa ka naman. Aping-api ka ata diyan, umuwi ka na nga rito." Biro ko.

["Tingin mo ba hindi ko gustong umuwi. Miss na miss na nga kita."]

"Oh?" Napangisi na lang ako. "Ako hindi, mas tahimik ako ng wala ka rito ano."

["Kaya mo na akong tiisin ngayon, Crisella?"]

Umayos kaagad ako ng pagkakaupo dahil bigla niyang binuksan ang camera ng phone niya. Hinanap ko tuloy agad ang pinakamalapit na salamin at tinignan ang hitsura ko, maayos naman ang mukha ko kaya binuksan ko na lang din ang camera ko bago pa niya ako awayin.

"Aba, huy! Nasaan ka?" Taking tanong ko ng mapansing wala pala siya sa loob bahay. Maliwanag man kahit papaano kung nasaan siya, halata pa ring nasa labas siya.

["Nasa labas po. Inaagaw na naman ng mga pinsan ko cellphone ko eh, saka walang signal sa baba kaya hindi kita matawagan doon."]

"So nasa labas ka ng balcony?" Paniniguro ko subalit mabilis siyang umiling.

["Anong balcony? Nasa puno ako."] Giit niya na ayaw ko sanang paniwalaan subalit bigla niyang tinalikod at iniikot ang camera, si Kupal ko, nasa puno nga!

"Bruhong 'to! Bumaba ka riyan, hoy! Hindi ba at diyaan sa probinsya maraming maligno? Isa pa, baka mahulog ka riyan. Baka gusto mong dumoble iyang peklat sa mata mo?" Litanya ko ngunit tinawanan lang niya ako. Nag-aalala na nga ako sa kanya, tinatawanan pa ako ngayon!

["Hindi ah. Ayos lang ako rito, saka presko ang hangin dito oh. Maganda ring mag-sight seeing, alam mo, mas maganda tumambay dito kung magkasama tayo."]

At this point hindi ko alam kung seryoso ba siya o inaasar ako. Nasampal ko na lang ang noo ko dahil ayaw niyang makinig sa akin, umiiral na naman pagiging pasaway niya!

"Bumaba ka nga diyan. Kapag hindi ka bumaba diyan, hindi ko sasagutin mga tawag mo." Banta ko sa kanya subalit ipinagkibit-balikat lang niya iyon. "Tristan!"

"Hoy 'dre!"

Natignan ko ng masama si Sohan nang agawin niya ang phone ko, mukhang tapos na siya sa mga bata sa labas.

"Marami bang chicks diyan? Susunod ako!"

["Oo, marami."] Narinig ko namang tugon ni Tristan mula sa kabilang linya kaya nag-init ang ulo ko at mabilis na inagaw ang phone ko mula kay Sohan. ["Marami ring inahin, gusto niyo?"] Natatawa pang dugtong ni Tristan.

Narinig kong tumawa rin si So kaya nasipa ko siya sa binti.

"Minsan ka na nga lang tatawag, aasarin mo pa ako." Asik ko ngunit ayaw naman akong seryosohin ni Tristan!

["Ikaw kasi eh HAHAHA! Ito na nga po eh, hindi ko lang talaga maagaw phone ko sa mga pinsan ko, iniiyakan ako eh, saka baka pagdiskitahan mga libro ko!"]

Muli kong nasampal ang noo ko. Noong nag-impake sila, nakita ko kung papaano mapuno ng libro ang bag ni Tristan, iisang pares lang ng damit pamalit ang plano niyang dalhin kaya nag-away pa sila ni Tita Hayley.

"Aba, ipagpapalit mo na talaga ako sa libro ngayon?" Arte ko.

["Crisella, Crisella, Crisella... alam mo naman ang priority ko, mga libro ko."]

"Aba't---" umikot sa ere ang mga mata ko. "Mahulog ka sana diyan sa puno!"

["Tampo ka naman HAHAHA! Sige na, pa-lowbat na rin phone ko, hindi ako makapagcharge basta sa loob. Tumawag lang talaga ako para siguruhin na hindi mo pa ako ipagpapalit."]

"Naisip mo pa talaga iyan? Sige na nga, goodnight na! At bumaba ka na diyan sa puno! Mapagkamalan ka pang kapre diyan!"

["Opo, opo! Matutulog na nga ako after nito. Goodnight!"]

Tinanguan ko na lang siya bago patayin ang phone ko. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako sa kanya o magpapasalamat na lang? Ang tagal-tagal kong naghintay sa tawag niya tapos saglit lang kaming mag-uusap, wala pa siyang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako.

Napailing na lang tuloy ako. Nagigising unreasonable na ako.

"ORDER 29?" Sambit ko habang hawak-hawak ang tray ng order na bread at coffee. Nang makita ko ang may order noon ay kaagad ko iyong inabot ng nakangiti sa costumer. "Good morning, Sir! Here's your Spanish Bread and Americano, please enjoy your stay here!" Hindi man lang ako sinuklian ng ngiti nung costumer kaya muntikan na akong mapangiwi mabuti na lang at tumalikod na ako roon para bumalik sa kitchen.

Kumpara noong mga nakaraang buwan mas maraming costumers sa hapon, ngayong magpapasko ay mas marami ang pumupunta rito sa shop dahil may nasa malapit lang ang simbahan, matapos ang simbang gabi ay dumidiretso ang ibang costumers dito.

Short din kasi si Miss Bethany sa workers ngayon kaya pinakiusapan niya akong magpalit muna ang shift ko, pumayag naman ako dahil wala pa namang pasok, pwede naman daw akong bumalik sa regular shift ko pagdating ng pasukan. Maliban doon, hindi ko pa rin nakikita si Miss Bethany dahil kasama siya nila Tristan sa Ilagan, sa pagkakaalam ko ay sumunod lang siya sa kanila roon.

"Crisella! Crisella!"

Inaayos ko pa ang panibagong order sa tray nang tawagin ako ng co-worker ko. Natataranta naman akong napalingon sa kanya kaya kaagad kong nailapag ang mga hawak ko.

"Yes po?" Tanong ko matapos siyang malapitan. Aligaga siyang nakatingin sa akin kaya kinabahan ako ng wala sa oras. 

"Ikaw ba ang nagbigay ng order 27?"

Saglit akong nag-isip bago tumango. "O-opo. Bakit? May problema ho ba?"

"Iyong order na binigay mo may kasama raw na langgam iyong pastry at iyong kape, ang pait-pait! Puntahan mo sa counter iyong costumer!"

Muntikan ko na siyang masagot kung papaanong naging ganoon ang orders. Besides, ako lang naman ang nagserve, hindi ako ang gumawa ng pastry at nagbrew ng coffee! Tumango na lang ako at dali-daling lumabas.

"Good morning ma'am, may I know how I can help you?" Tanong ko pagkalapit sa table ng sinasabi ng katrabaho ko na nagrereklamo raw tungkol sa orders na inabot ko.

Tatlo silang nasa table, iyong babaeng malapit sa aisle ang siyang nag-angat ng tingin sa akin para lang singhalan ako. "What this service of you? This is shamingful! Ang daming langgam nitong tinapay and how ang pait-pait ng kape! Ang mahal-mahal ng tinda ninyo wala namang kwenta service ninyo!"

I swear to God, I don't believe in costumer is always right. At ano raw? Shamingful?!

Ngumiti pa rin ako kahit na natatawa na lang ako sa pinagsasabi ng costumer. Sa palagay ko ay nasa 15-16 years old pa lang ang edad niya, sa edad niyang iyan halatang hindi naturuan ng mabuting asal, ang taas ng tingin sa sarili pero hindi nagagawang tumingin sa salamin.

Hindi pa pantay ang blush on!

"I'm really sorry for the inconveniences ma'am, don't worry, we'll fix this issue as soon as possible." Ngiti ko at kukuhain na sana muli ang laman ng trays para palitan iyon kahit na makakaltas iyon sa sahod ko!

"Your didn't changes, Ate Crisella. Hanggang dito tatanga-tanga ka?"

Napahinto ako sa pagbabalik ng pastries at coffees sa tray sa itinuran ng batang walang modo na mali-mali naman ang grammar.

Hindi ko pupwedeng mawala ang trabaho ko rito sa shop dahil lang sa walang kwentang bagay.

Napailing ako bago ngumiti. Nang maayos ko ang tray ay hinarap ko ang bruha at nginisian siya. "Take note of this, Gormless. You didn't changed after all, Kristin." Matapos niyon ay tinalikuran ko na sila para bumalik sa kusina subalit hindi pa man ako nakakalagpas sa counter ay may humablot sa braso ko pagkalingon ko ay hinabol pala ako ni Kristin.

Puno ng galit at pagkasuklam ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan katindi ang galit niya sa akin, imposibleng dahil lang iyon sa salitang binitawan ko. Kung susumahin ay ako nga dapat ang galit sa kanya, sa kanila. Subalit kung mananatili ang galit ko sa kanila, alam kong hindi ko mahahanap iyong happy ending na patuloy kong hinahabol.

Kinuha niya ang tasa ng kape at tangkang isasaboy iyon sa akin subalit mabilis akong nakailag, dahilan upang ang costumer na malapit sa amin ang siyang masabuyan niya ng mainit na kape.

"P×tangina!"

Alanganin akong napangiti ng sumigaw ang costumer at kaagad na ibinaling ang tingin niya sa amin, naka polo shirt pa siya, mukha kakagaling lang sa simbang gabi.

Mabilis namang dinepensahan ni Kristin ang sarili niya at itinuro ako. "Siya! Siya ang nagsaboy ng kape sa iyo!"

Naipaling ko ang ulo ko at pinaningkitan ng mga mata si Kristin. "Sorry? Hindi ka ba naturuan ng mabuting asal ng mga magulang mo at kung sino-sino ang sinabuyan mo ng kape. After that, you'll blame it to others?" Sunod kong tinignan ang costumer. "This shop is covered with CCTV, sir. We can check it for you and you can use the washroom to clean yourself. Don't worry, we'll make sure na mananagot ang may sala." Pahayag ko at tinapunan ng tingin si Kristin na tinatawag na ang mga kaibigan niya para tumakas sila ngunit bago pa man sila makalabas ng shop ay naharang na sila kaagad ng guard.

Tinalikuran ko na sila at dumiretso ako sa kusina.

Kakapasok ko lang sa kusina ng hatapin ako ng managing director namin. "What's with the commotion, Crisella?"

"May pasaway po na costumer sa labas." Saad ko. "If you don't mind ma'am, can we check the CCTV? May gusto lang po sana akong i-check, it's for the sake of the shop naman po." Ngiti ko at mabuti na lang napapayag ko ang managing director namin kaya kaagad niya akong inakay sa CCTV room kung saan nagbabantay ang IT personnel namin, iniwan din naman niya ako para harapin iyong mga apektadong costumers sa labas.

Mukhang may tiwala naman siya sa akin.

Napakibit balikat na lang ako bago lapitan iyong IT personnel. "Kuya, pwede patingin nung footage around..." saglit kong sinilip ang oras sa relo ko. "5:30 hanggang 5:45." Dahil nag-iwan na rin naman ang managing director namin ng utos sa IT personnel ay kaagad nitong ipinakita ang footages na tinutukoy ko.

Tama ang hinila ko, may ginawang kalokohan si Kristin. May kung anu-ano silang nilagay sa pastries at coffees bago ireklamo ang mga iyon. Napailing na lang ako dahil sa nalaman ko.

Nagbago man ang hitsura ng nakababata kong kapatid ay wala pa ring pinagbago ang ugali niya. Siguro may pagbabago nga, lumala nga lang. Hindi na siya bata, alam na niya kung ano ang tama sa mali. Kung anuman ang attitude niya ngayon, labas na ako roon, parehong-pareho sila ni Gheme.

Lumabas na ako ng CCTV room para bumalik sa trabaho ko at para makausap din mamaya ang managing director.

Saglit akong napadaan sa salamin kung saan kitang-kita ko ang reflection ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko. Hinding-hindi ako nagsisisi sa daan na tinahak ko.

KASALUKUYAN kong ginagawa ang night routine ko ng marinig ko ang sigaw ni Sohan mula sa salas. Hindi ko sana siya papansinin subalit kaagaw-agaw nga naman kasi ng pansin iyong isinigaw niya.

"Crisella! Si Tristan mo naaalala ka pa! Hoy! Nagmessage si Tristan!" Aniya kaya patakbo akong lumabas ng washroom ng hindi pa nahihilamusan ang foam cleanser ko. Muntikan pa akong madulas kakamadali.

"Fck! Where's my phone?" Natatarantang tanong ko kay Sohan na busy sa laptop niya. Inginuso naman niya ang phone ko na nasa center table kaya kaagad kong kinuha iyon.

___________________

From: Tristan Kupal

- Walang wifi. Wala pang load. Hina pa ng signal. Mababaliw na ako rito, Crisella!

- Iyong mga pinsan ko, inaya akong mag-inom, pangit lasa nung alak, feeling ko nasuka ko lahat ng kinain ko pati intestine ko, nasuka ko na ata.

- Tapos 'yung adobo kanina, gagi, sabi nila aso raw 'yun, ewan ko, iba 'yung texture eh, alam kong hindi baboy o manok 'yun. TT

___________________

Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko matapos kong mabasa ang messages niya. Nalasahan ko pa iyong mapakla at kapaitan ng foam cleanser na nasa mukha ko kaya patakbo akong tumakbo sa washroom para maghilamos muna.

___________________

To: Tristan Kupal

- Teka, yung skincare ko sis.
- Huwag mo akong papatayan ng phone, yari ka sa akin.

- Ayoko na rito, sunduin mo na ako!
- Anong sis?!
- Lalaki ako hoy!

- Si OA.
- Saglit nga. Priority muna.

- Ah, hindi na ako priority mo ngayon? :<

- Libro priority mo diba? Pwes ako, skincare ko!

- Minsan na nga lang tayo makapag-usap eh. Hindi mo ba ako na-mi-miss Crisella?
- Natitiis mo na ako?

- Let me remind u, ikaw ang natitiis AKO!

- Hoy! Galit ka na ba??
- Hindi na nagreply.
- Crisella!
- Naknang, ayaw masend!
-Crisella ko!
- Reply-an mo ako! Hindi ako makatawag TT walang signal kahit umakyat ako sa puno.

- Dati ka atang unggoy.

- U forgetting the human evolution?

- It's a theory, Tristan.

- Tapos ka na ba sa skincare mo?

___________________

Namilog ang mga mata ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

"Holy moly! Kasalanan mo 'to Tristan!" Nataranta at na-excite ako sa messages niya. Pipino! Gabi na, night routine nga. Bakit naglagay ako ng sunscreen!

___________________

- Nagdidilim paningin ko sayo.

- *sa'yo/sa iyo lang akp.

- 🖕

- Crisella naman!

- Kasalanan mo to!!!

- Inaano ka diyan?!

- Wala.

- Tinatanong kung bakit nagagalit ka tapos pag tinanong wala. Ang sama talaga ng ugali.
- women ☕

- HUWAG KA NG UMUWI RITO!

- JOKE LANG HOY!
- MISS NA NGA KITA EH :<<
- CRISELLA!

Seen.

- Huy!

Tristan Kupal is Calling...
Accept  | Decline

- Crisella! Ayaw mo na talaga sa akin?

- Kay Alfareezel na lang ako.

- Sino?
- Ahh, WTF??! Really, WTF? Sure ka na diyan?

Tristan is typing...

- Hindi ko pa tapos, subukan mong i-ispoil ako, yari ka talaga sa akin.

- Ay, charot lang po. Mananahimik na ako.

- Anong charot??!

- Joke lang?

- I mean, IK! But IDK na ginaganit mo yang word na yan! Lol, it's just weird, pls.

- *ginaganit

- sige. tulog na ako, goodnight. ily.

- char lang. Crisella!!
- naka-off na nga. wait lang huy!
- sorry na nga haha
- aba, sige
- fine fine. sad night TT, hindi pa binuo yung i love you niya
- Goodnight, I miss you.

___________________

Napangiti na lang ako habang binabasa ang messages niya sa notifications ko. Kakahiga ko lang sa kama ko at mukha na akong tanga na tumatawa rito. Naiimagine ko na tuloy 'yung mukha niya ngayon.

Parang hindi ko na kakayanin 'to. Ilang araw pa ba bago siya bumalik dito? Dalawang linggo? Tatlo?

Sana lang bumilis ang takbo ng kamay ng orasan ngayon.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top