Chapter 40
Chapter 40: Fervent
CRISELLA'S POV
"SUBUKAN mo lang talagang mambabae roon, yari ka sa akin." Nakangiting sabi ko kay Tristan bago iabot ang isang paper bag na naglalaman ng yema cake para makain nila ni Tita Hayley sa byahe.
"Tinatakot mo naman ako eh, ayaw ko na tuloy umalis." Aniya kaya nginiwian ko lang siya.
"Alagaan mo si mini Crisella at mini Tristan ko ah." Paalala niya na tinutukoy iyong mga pusa niya na iniwan niya sa akin.
Nahilot ko na lang ang sintido ko. "Oo na, oo na. Geez! The way you name your pets wants me to puke!"
Sa huling pagkakataon ay pinisil niya lang ang ilong ko at dinampian ako ng halik sa noo bago siya nakangiting kumaway sa amin ni Sohan.
"So! Bantayan mo iyan si Crisella ah!" Bilin pa ni Kupal kay Sohan.
"Do I have a choice? Binigay ko na nga sa'yo, ibabalik mo pa sa akin! Geh, ingat, dre!"
Naiiling kong nginitian at kinawayan si Tristan na sumakay na ng bus dahil paalis na iyon. Nakita ko pang sumilip sa bintana si Tita Hayley at nginitian kami ni Sohan kaya nginitian ko siya pabalik at kinawayan din.
Hinintay lang namin ni Sohan na makaalis ang bus na sinakyan nila saka ko siniko si Sohan at hinarap siya na nanlalaki ang mata. "Anong sabi mo? Pinamigay mo na nga ako tapos ibabalik pa sa'yo, ha?"
"Maglakad ka pauwi, Crisella. Bahala ka dyan, hindi ako titira sa iisang bubong kasama mga pusa ninyo ni Tristan mo."
"Inaartehan mo na naman ako. Hindi naman malala allergies mo sa pusa to the point na mamatay ka, huy!"
"Ah, hihintayin mo pa talaga akong mamatay sa allergy ko?" Asik niya kaya napameywang ako.
"Ang OA. Ang OA-OA mo! Tara na nga, inaantok na ako, gusto ko pang matulog!" Sambit ko bago hatakin ang sleeves ng hoodie na suot niya. OA naman talaga 'tong si So, hindi naman kasi maiiwan sa bahay iyong mga anak ni Tristan, ang bilin lang sa akin ni Tristan ay iwanan ko kada araw ng pagkain at tubig iyong mga pusa niya.
Hindi raw kasi magaling sa direksyon si Tita Hayley para magdrive sila papuntang Ilagan kaya nag-commute na lang sila papunta roon. At ito, gabi sila bumyahe pauwi ng Isabela para mabilis at hindi traffic ang byahe lalo na at dadami na ang mga babyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya ganitong malapit na ang pasko.
Nauna ng lumakad si Sohan sa akin habang nakasunod ako sa kanya. Pareho kaming inaantok subalit wala siya magagawa, kailangan pa niyang mag-drive!
Nang makasampa ako motor sa likuran niya at nilingon ko pa ang bus terminal sa huling pagkakataon. Hindi lang talaga magparamdam si Tristan habang nandoon siya sa Ilagan, susundan ko siya roon!
KINABUKASAN, mahimbing pa akong natutulog nang magising ako dahil sa pambubulabog sa akin ni Sohan.
"Crisella, bangon na diyan!"
Antok na antok pa amg mga mata ko kaya naman kinakapa ko ang pinakamalapit na unan ko, nang mahawakan iyon ay ibinato ko iyon sa direksyon ni Sohan kahit hindi ako sigurado kung tumama ba iyon sa kanya. "Pissed off! Walang pasok, let me sleep!"
"Jeez! Nagkakalat 'yung scraps mo roon. Kapag hindi ka pa bumangon diyan itatapon ko iyong mga iyon. Isa pa, alas-siete na—"
Hinila ko ang kumot ko para italukbong sa akin dahil ayaw kong makinig sa kanya.
Pabalik na ako sa mahimbing kong pagtulog ng mag-vibrate ang phone ko na nasa ibabaw ng cabinet. Naiirita kong dinampot iyon, akala ko alarm lang subalit may tumatawag pala at aksidente kong nasagot iyon.
["Good morning po, gising ka na ba o nagising kita?"]
Napabalikwas ako mula sa kama ko ng marinig ko ang boses ni Tristan mula sa kabilang linya. Doon ko natignan ang screen ng phone ko kung saan nakapaskil ang pangalan ni Tristan sa pangalan ng caller!
"Grabe, noong ako gumigising, binabato lang ako ng unan, ngayong si Tristan ang tumawag sa'yo..." Naiiling na ani ni Sohan subalit saglit ko lang siyang nilingon at tinaasan ng middle finger ko.
Nagkibit-balikat na lamang si So at sa wakas ay nilubayan niya rin ako.
Kakausapin ko na sana si Tristan mula sa kabilang linya subalit pinatayan na niya ako ng tawag! Salubong na tuloy ang kilay ko at tatawag pabalik sa kanya ng mag-message siya sa akin.
From: Tristan Kupal
Lmao. Nagising pala kita, sorry hehe, matulog ka na muna ulit, kapag inaway ka ni Sohan, sumbong mo sa akin. I'll call u later, nag-aya sila tita mag-harvest ng mais sa farm eh.
Mamaya pa?! Nakasimangot na tuloy ako, papansin kasi si Sohan eh! Nagreply na lang ako kay Tristan na okay lang kahit hindi talaga okay sa akin. Tuluyan na akong tumayo sa kama ko at dumiretso sa kusina para gawin ang morning routine ko. Gising na rin naman ang buong diwa ko, paano pa ako babalik sa pagtulog?
Kakatapos ko lang gawin ang routine ko ng makita ko si Sohan na panay ang linis. Pati iyong kasuluksulukan ay pinupunasan niya. Kaka-mop lang din ng sahig, kakalinis niya makikita ko na reflection ko! Iniinom ko pa ang gatas na itinimpla ko habang tinitignan siya na aligaga sa paglilinis.
"Huy! Ang aga-aga, mamaya na iyan." Saway ko sa kanya dahilan upang balingan niya ako ng tingin.
"Kapag hindi mo inayos iyong mga kalat mo at iyong manika mo, tiyak na magkikita kayo niyan sa basurahan." Banta niya sa akin subalit binelatan ko lang siya.
"Bakit ba kasi aligaga ka riyan?! May bisita ka bang darating?"
"Naglilinis lang, may bisita na agad? Hindi ako nakapaglinis ng maayos last week dahil sa dami ng school works, Crisella!"
Napailing na lang ako at tinapos ang iniinom kong gatas. Matapos iyon ay iniligpit ko na iyong mga pinagtahian ko, tinapon ang mga dapat itapon, maging iyong mga sinulid na nagkabuhol-buhol ay itinapon ko na dahil stress lang ang aabutin ko sa pag-aayos niyon. Inilipat ko muna si Ivory sa kwarto ko kasama ang mga tela ko na tinupi ko at iniligpit iyon sa drawer ko.
"Crisella, pakihimay iyong malunggay." Utos sa akin ni Sohan pagkalabas ko kaya napasimangot agad ako.
"Ang hirap-hirap maghimay ng malunggay!" Arte ko dahilan para paningkitan niya ako ng mata. "Ako na maglilinis diyan, ikaw na maghimay ng malunggay!"
Tinignan lang niya ako ng masama kaya wala akong choice. Kinuha ko iyong malunggay at ako na nga ang maghimay kahit na ayaw ko talaga!
"Tss! Kay Tristan mo na lang ipahimay 'yan." Ani Sohan ng uminom ng tubig.
"Hindi ko nga hinahanap si Tristan, ikaw naman ang hahanap?! Isa pa, hindi marunong maghimay ng malunggay 'yun!"
"Marunong magtanim pero hindi marunong maghimay ng malunggay? Whatever, magaling naman maglinis si Tristan, ipalinis mo nga 'yung kwarto mo, ang kalat-kalat!"
Naihampas ko iyong tangkay ng malunggay sa kanya. "Kumag ka! Malinis kwarto ko!"
"Tch! Really?!"
"Oo nga, inaano ka ba?!"
"Tsk! Tsk! Tsk! Crisella, mag-aasawa at magkakaanak ka na lamg hindi ka pa marunong maglinis." Iling niya kaya nanggalaiti ako sa inis.
"Shut up! Anong mag-aasawa at magkakaanak, huh?!"
"Ah, wala pa ba kayong plano ni Tristan? Paano ba 'yan? Sa pagkakaalala ko, wala kang balak mag-asawa ah?" Hindi tumitigil kakaasar sa akin si Sohan!
Maging ako ay napaisip tuloy kahit hindi ko pa naman kailangang pag-isipan iyong mga sinasabi niya. Nahampas ko na lang tuloy siya sa balikat niya at tinignan ng masama. "Gosh! The juice is spilling Sohan, maglinis ka na nga lang."
"What? Nagtatanong lang naman ako ah?" Tawa pa niya. "Wait, I just noticed something, wala man lang kayong celebration ng weeksary at monthsary ninyo ni Tristan?" Hindi ko alam kung seryoso o pang-asar ba iyong tanong sa akin ni So, ganoon pa man, tinapunan ko siya ng tinging diring-diri sa tanong niya.
"Weeksary? Monthsary? Seriously, Sohan? Bakit kami magbibilang ng linggo at buwan kung taon ang bibilangin namin?" Ngisi ko na siyang nagpairap sa kanya.
"Paano kung hindi kayo umabot ng isang taon?"
Doon ko ulit natapunan ng masamang tingin si So at tinaasan ng middle finger ko. "Naiimbyerna ako sa'yo, manahimik ka bago ko matahi iyang labi mo ah! Aalis pa ako bago mag-lunch!"
"At saan ka na naman pupunta?"
"Kailangan kong dalhan ng pagkain iyong mga pusa ni Tristan!" Sambit ko bago tapusin ang malunggay na hinihimay ko. "Ikaw ng bahala rito, baka mawala pa sa isip ko iyon o kaya naman tamarin ako."
"Tsk! Tsk! Tsk! Nakikita ko na future mo Crisella, hindi mo na kailangang lumapit sa manghuhula!" Bigla ay halakhak ni Sohan, ayaw talaga niyang lubayan siya ng masasama kong tingin eh. "Sa bahay ka lang, taga-alaga ng mga anak ninyo!" Mabilis ko siyang hinampas sa braso bago ako tumakbo sa kwarto ko para magbihis na.
Baka umiral katamaran ko at hindi makakain mga pusa ni Tristan. Ang sabi naman niya ay iwanan ko lang ng pagkain iyong mga pusa sa isang araw dahil hindi naman tuloy-tuloy na kakainin ng mga pusa iyon.
Nang makapagbihis ako ay nagpaalam lang ako kay So na abala na naman sa paglilinis. Nginiwian lang niya ako kaya umalis na ako, alam ko namang gusto niyang maglinis ng siya lang kaya mabuti pa ay iwanan ko na siya roon.
Nakapila na ako para loadan ang beep card ko sa ticket vending machine nang may Kutong Lupa na tumapik sa braso ko. Nag-angat ang tingin ko kay Devon na nakapila rin pala sa katabing vending machine.
"Hi!" Nakangiting bati niya sa akin.
Hindi ako nagsalita, sa halip ay sinuklian ko lang siya ng ng ngiti.
Matapos kong loadan ang beep card ko ay iniwan ko na roon si Devon at itatap ko na sana ang beep card ko ng habulin niya ako.
"Crisella, can I have a minute? I swwear, saglit lang 'to." Nangungusap ang mga mata niya, hindi naman ganoon kasama ang ugali ko para hindi siya pansinin, hindi rin naman ako nagmamadali kaya tinanguan ko na lang siya.
Gumilid na muna kami lalo na at nakaharang ako sa ticketing machine.
"What is it?" Kaagad na tanong ko sa kanya.
"I know na kayo na Tristan. Ayaw kong guluhin kayo but still, I want to confess. Matagal na kitang gusto Crisella, since the day I met you tapos naging magkaklase pa tayo for the past years. Ang kaso wala eh, natorpe ako sa'yo, kung nagkakaroon man ako ng lakas ng loob, madalas hindi sasapat." Aniya na nasundan ng malalim na buntong hininga.
Nananatili lang akong nakatingin habang nakikinig sa kanya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin, matagal ko ng alam at kung susumahin ay wala akong pakialam. Umiiwas na lang ako sa kanya dahil mamaya ma-mis-interpret niya iyong actions ko, baka umasa lang siya kahit na hindi naman dapat.
"I'm really sorry kung nagkagusto ako sa'yo. Uh... well, iyon lang naman. Okay na rin iyong sinabi ko sa iyo ngayon, kung magkita man tayo sa pasukan, iisipin ko na lang na last year pa ako nag-confess sa iyo." Pahayag niya kaya bahagya akong napangiti bago tapikin ang balikat niya.
"Yeah, whatever. At the very least, I'm glad that you find the courage to talk with me about this." Saad ko bago ayusin ang pagkakasukbit ng bag ko. "Oh! Another thing, we shouldn't apologize for liking someone, normal lang naman iyon. Kung may pagkakataon siguro na kailangan nating mag-sorry sa taong gusto natin, I think that is the time na naging mali iyong behavior or iyong actions natin toward sa kanila."
Nahimas niya ang batok niya at alanganin akong nginitian. "Gotta go! Baka lalo lang akong mahulog dahil sa mga binibitawan mong salita eh."
Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Bahagya lamang na nangunot ang noo ko at inilingan siya. Tinalikuran ko na siya at hindi na ako nagpaalam dahil narinig kong parating na rin ang tren.
Ayos na ako sa nagkaroon ng lakas ng loob si Devon na kausapin ako tungkol sa bagay na iyon. Hindi na rin ako mahihirapan na iwasan siya kung ganoon.
NANG makarating ako sa labas ng bahay nila Tristan ay kaagad akong nagtake ng picture at isinend iyon sa kanya bago ko buksan ang gate. Iniwan naman din niya sa akin ang spare key sa loob at labas ng bahay nila.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad kong hinanap ang dalawang kuting na mabilis din namang lumaki, dahil na rin siguro sa cat food na pinapakain ni Tristan sa kanila.
Nakita ko kaagad iyong dalawang pusa na nasa ibabaw ng sofas at mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanila bago sila himasin, makaraan ang ilang minuto ay tinigilan ko na sila saka ako kumuha ng selfies na kasama iyong mga pusa para ulit isend kay Tristan kahit hindi pa niya sineseen ang messages ko!
Napahinga na lang ako ng malalim bago umakyat sa kwarto ni Tristan. Sa pagkakaalala ko sa bilin niya, iniwan niya sa karton ng sapatos niya na nakatabi sa cabinet niya ang cat food.
Mabilis ko namang nakita ang karton na sinabi niya sa akin. Sa ibabaw ng karton na iyon ay mayroong sticky note na nakadikit.
"Thank you for taking care of my mini Crisella and mini Tristan HAHAHA! The cat food isn't here, nasa dulong cabinet sa kitchen hehe. Sabihin na lang natin na nag-iwan ako ng gift sayo rito kasi alam kong ma-mi-miss mo ako.
PS: Per day iyan ah, kung ikukumpara sa gamot, dapat tama lang ang dosage baka ma-overdose ka!"
Napailing na lang ako habang nakangiti matapos na mabasa ang nasa sticky note.
Dahan-dahan kong binuksan ang takip ng karton ng bumungad sa akin ang ilang letters. Sapo-sapo ko ang labi ko habang isa-isang tinitignan iyong envelopes, may designated dates din sa bawat envelope at ang pinakauna ay ngayong araw.
December 16 20XX
Mahal ko,
Greetings pa lang ang nababasa ko ay para ng sasabog ang puso ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kagat-kagat ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng mahal dahil sa iniwang letters ni Tristan para sa akin.
Sa totoo lang grabe iyong konsensya na nararamdaman ko sa tuwing naalala ko iyong dalawang taon na sinayang ko para sa kalokohan ko. Kahit na hinahayaan ako ni mama, alam kong mali na nagpasaway ako.
Pero sa tuwing nakikita kita, pakiramdam ko ayos lang lahat, na nasa nakaraan na iyong pinaggagawa ko at pupwede pa namang itama. Itatama ko hindi lang para sa akin, kung hindi para sa iyo, para sa atin.
I really want to graduate with you. Kahit na medyo nagpapasaway ako, nag-aaral ako ng matino, promise! Gusto mo magpataasan pa tayo ng grade sa chemistry eh, ang kaso, alam mo namang magpapatalo ako sa iyo hindi ba?
Gusto kong sabihin ng harapan sa iyo ito pero gusto ko pa ring idaan sa sulat. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-sorry, pakiramdam ko kasi naging inconsiderate ako sa iyo. Noong una ang nasa isip ko na may ilang bagay lang talaga na nakikita mong corny at cringe pero sa mga nagdaang araw na palagi kitang kasama, doon ko na-realize na nasanay ka ng tumayo sa sarili mong mga paa. Kahit na magkasama kayo ni Sohan, maraming pagkakataon na nasanay ka ng gawin ang maraming bagay na mag-isa ka lang.
Ngayong nandito na ako, baka sakaling kahit papaano ay mapagbigyan mo ako, hayaan mong iparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin at kung gaano ko kagustong magkaroon tayo ng happy ending tulad ng mga paborito kong nobela.
Palaging Sumasaiyo,
Tristan
Nailayo ko ang hawak kong letter dahil nababasa na ito dahil sa luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak ako ngayon. Wala namang nakakaiyak sa letter ni Tristan. Talagang may mga bagay lang na nakasulat sa letter niya na alam kong kayang-kayang makalusot sa naglalakihang pader na itinayo ko para sa sarili ko.
Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha amg phone ko para tawagan siya. Gusto kong marinig ang boses niya ngayon, gusto kong maamoy ang pabango niya, gusto kong mahawakan ang kamay niya ngayon at gusto ko siyang mayakap. Subalit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ngayon, hinayaan ko na lang muna dahil tatawag naman siguro siya pabalik mamaya.
Pinakalma ko muna ang sarili ko, dahil naghalo-halo na ang nararamdaman ko at iisang bagay lang ang nasa isip ko ngayon.
Na-mi-miss ko na ang Kupal na iyon!
Kusa na lang akong napangiti dahil nasa tabi ko na pala iyong dalawang pusa na para bang naiintindihan nila kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top