Chapter 4
Chapter 4: Smart, naive, pretty and a bookworm
CRISELLA'S POV
"WE should use some videos regarding this so that we could understand well the process of DNA replication." Napairap ako sa hangin dahil sa ginawa kong pagsasayang ng laway. We had a group activity and we need to have a presentation by tomorrow, I keep on giving them a lot of suggestions but they are not listening! The rain keeps on pouring but damn! Sa halip na mairita ay inilabas ko na lang ang airpods ko at nakinig ng music.
This is what I hate when it comes to groupings.
"Crisella, tingin mo ba magandang ilagay ang----"
"Oo na lang."
"I'm not yet done talking."
Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa pagkakaupo. "Prepare the PowerPoint, I'll present it tomorrow." Kinuha ko na ang bag ko at piniling manatili sa parking lot, naaasar ako dahil hindi man lang sila nakikinig sa akin.
Bago ako dumiretso sa parking lot ay nadaanan ko pa ang classroom nina Brooke. Sumilip lang ako dahil abala pala sila sa klase nila, terror pa ang teacher na nag-le-lecture sa kanila ngayon kaya hindi na ako nang-istorbo. I should be the first one to approach me or else I will end up with trouble.
I immediately took a stick of cigarette from my bag and started smoking. Naaasar ako dahil ni isa sa suggestions ko ay hindi nila pinakinggan then what? Sasabihin nilang wala akong ambag sa grupo? My goodness. Naibaba ko ang stick ng sigarilyo na hawak ko ng may marinig akong sunod-sunod na beses na umubo malapit sa akin.
Doon ko lang napansin na may lalaking nakahiga sa mga halaman na malapit sa fish pond, mayroong nakatalukbong na libro sa mukha niya na inalis niya dulot ng sunod-sunod na pag-ubo. Kunot-noo akong napatingin sa kanya at halos malanghap ko na lahat ng usok ng magtama ang mga mata namin. Damn. The daffodils in his eyes were dancing again.
I composed myself dahil nawala ako sa poise. Bakit nga naman ba kasi siya natutulog sa tabi ng fish pond? "Kaysa umubo ka ng umubo diyan, mabuti pa takpan mo na lang ang ilong mo." Sabi ko at itinuloy ang paghithit buga.
"We are in school grounds and you're not supposed to smoke, you're still a minor."
Akala ko ay wala siyang sasabihin at titignan lang ako ngunit mukhang handa siyang makipagsagutan sa akin ngayon.
Ngumisi ako at inilahad sa kanya ang isang pakete ng sigarilyong mayroon ako. "Just tell me if you want."
"I prefer lollipop than cigarettes." Aniya kaya napatingin ako sa lollipop na nakaipit sa daliri niya, hindi ko iyon nakita kanina dahil ang librong nakapatong lang sa kanya at ang pag-ubo niya nang magkakasunod na beses ang napansin ko. "Cigarettes has a lot of disadvantages, hangga't maaga pa itigil mo na iyan, Crisella."
"What? You know who I am?"
Kibit-balikat siyang tumugon. "I heard a lot about you."
Kunsabagay, sino ba namang hindi makakakilala sa akin? "You do?" Nakangising akong tumabi sa bench na kinauupuan niya ngunit mabilis siyang umusog. Did he just distance himself from me? "Gaano karami ang narinig mo tungkol sa akin?"
"I'm not sure pero kasama roon iyong mga bagay na hindi mo gugustuhing marinig mula sa ibang tao."
"Tsk! Iyong mga kapintasan ko ba? Just for you to understand, everyone has their own flaws."
Pinaningkitan lang niya ako ng mata bago niya isubo ang strawberry lollipop at magpatuloy sa pagbabasa. Seriously? He's snobbing me? Wow. Hindi na lang ako nagsalita at ipinagpatuloy ang paghithit-buga ng sigarilyo ngunit makaraan lang ang ilang segundo ay bigla niyang hinila ang sigarilyo nasa labi ko, itinapon iyon sa sahig at tinapakan hanggang sa mawala ang baga niyon.
Matapos ang ginawa niyang pagkuha sa sigarilyo ko ay wala man lang siyang sinabi, para bang walang nangyari at bumalik lang siya sa pagbabasa ng libro.
Gusto ko siyang awayin ngunit napangiwi na lang ako at magsisindi pa sana ng panibagong stick ng agawin niya na sa akin ang isang buong pakete maging ang lighter ko ng hindi man lang niya ako nililingon! Rereklamuhan ko na sana siya ng abutan niya ako ng isangdaan.
"I'll take this." Simpleng saad niya na tinutukoy ang goods ko na inagaw niya. Tulala tuloy akong napatingin sa isangdaang nasa palad ko.
"Do you think one hundred pesos lang iyan? That pack of cigarette cost two hundred pesos plus that lighter cost five hundred pesos!"
Saglit niya akong nilingon at ibinalik sa akin ang lighter ko. "I'll give you one hundred pesos tomorrow."
"What the..."
"Hindi maganda ang sigarilyo sa kalusugan ng tao. Isa pa, gusto mo bang mangitim iyang labi mo?"
Kusa akong napahawak sa labi ko dahil sa sinabi niya. Wala akong ideya na pwedeng mangitim ang labi ko dahil sa sigarilyo. Kinuha ko ang pocket mirror ko at mabilis na tinignan ang sarili ko sa salamin. Kulay rosas pa naman ang labi ko pero hindi ko kakayanin oras na mangitim ito, paniguradong walang epekto ang kahit anong lip tint o lipstick oras na umitim ito.
Napabuntong hininga na lang ako at tinignan si Tristan na abala pa rin sa pagbabasa ng libro. Should I thank him? Giliw na giliw ako sa paninigarilyo pero higit na mahalaga ang kagandahan ko.
"Tristan," I called pero hindi siya lumingon, nakikinig naman siguro siya sa akin. "Kung once a day lang ako maninigarilyo, tingin mo ba mangingitim pa rin ang labi ko?"
"Sa paminsan-minsan nagsisimula ang nakasanayan."
Tikom ang bibig ko dahil tama ang punto niya. Napasandal na lang ako sa bench na kinauupuan ko, kapag ganitong may iniisip ako o kaya naman abala sa ibang bagay ang sarili ko hindi ko namamalayang nakakabit pa rin pala sa akin ang airpods ko at patuloy sa pag-play ang kanta.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko. Nag-cutting na naman ako at ngayon wala akong mapuntahan. Naidilat ko lamang ang mga mata ko ng mapansin kong mayroong nakatingin sa akin. Nilingon ko si Tristan, tama nga ako, nakatingin siya sa akin! Hindi man lang siya nag-abalang itago sa akin iyon.
Galit pa rin ba siya sa paninigarilyo ko?
Sunod-sunod akong napalunok. Ngayong mas malapit ako sa kanya baka nakikilala na niya ako o baka iyong libro na naman niya ang problema niya!
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Matapos kong makuha ang impormasyon na kailangan ko kay Xhera ay nabili ko na agad ang librong kailangan ko. Ang kaos naiwan ko iyon sa classroom namin. Kung alam ko lang na andito siya baka dinala ko na rito iyon.
Ang kaso, hindi pa rin tinitigilan ni Tristan ang pagtitig sa akin. "Gandang-ganda ka sa akin ano? Baka pwedeng tigilan mo na ang pagttitig sa akin, bibigyan na lang kita ng picture ko."
"I like your idea. Magkakaroon ako ng panakot sa daga since taamd manghuli ng daga iyong mga pusa ko."
Panakot sa daga? What the fck? Nanggagalaiti akong napatingin sa kanya. He's getting in my nerves! Doon ay napansin ko ang kamay niyang puro kalmot at peklat, dahil sa pusa iyon? I wonder, ilang beses na siyang nagpaturok ng anti-rabies sa dami ng kalmot niya.
Ilang sandali pa ay umalingawngaw na ang tunog ng bell. Iyon ang bell na senyales na tapos na ang lunch break ng junior high. Tumayo si Tristan sa kinauupuan niya dala ang libro niya habang may subo-subo pa rin siyang lollipop.
"See you around, Crisella."
Wala akong imik na sisnundan lang siya ng tingin. He's acting like we're close. Napabuga ako ng hangin, malapit na rin naman ang lunch break namin at patapos na rin ang klase sa GenBio na tinakasan ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at bumalik sa room para kuhain ang librong bitbit ko sa bag ko.
Lakad-takbo akong nagtungo sa building ng grade 10, alam ko kung ano ang section niya ngunit hindi ako sigurado sa classroom lalo na at wala namang nakapaskil na section sa bawat classroom. Sa personality na iyon ni Tristan, hindi siya iyong tipo ng tao na mauupo sa harapan at hindi rin siya mauupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom nila, ibig sabihin lang niyon ay nasa gitnang hilera siya nakaupo.
Tumigil ako sa paghahanap na ginawa ko bago katukin ang isang classroom upang itanong kung saan ang classroom ng Rizal, katangahan pinapairal ko eh, pwede naman akong magtanong! Nang malaman kong nasa science laboratory ang section nila ay maagap akong dumiretso doon, good thing ay wala silang teacher.
Walang school activity na ginagawa ang klase nila, nagkakagulo ang lahat sa loob ng science lab, may mga naglalaro sa kanya-kanyang cellphones, nagsisipag-retouch ang mga babae sa likod, mayroong mga pasaway na pinaglalaruan ang microscopes sa gilid, may mga masisipag na nag-aayos ng notes nila, iyong iba ay nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila at syempre, hindi mawawala iyong mga taong walang pakialam sa mundo kung saan kasama roon si Tristan. Inaasahan kong makikita ko si Tristan na nagbabasa subalit natutulog siya sa gilid ng bintana.
Naglakad ako papalapit sa kanya at dahil may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga kaklase niya ay wala silang pakialam kung pumasok man ako ako hindi.
"Gising diyan." Marahan ko siyang tinapik ngunit mukhang malalim ang tulog niya.
Napangiwi na lang ako. Hihintayin ko pa ba siyang magising? Tss! Hindi naman kasi kami close para basta ko na lang siyang gisingin. Napatingin ako sa tatlong libro sa tabi niya na nakasalansan ng maayos. Kinuha ko ang isa at binuklat ngunit pagkabuklat ay hindi ko napansin ang bookmark na nakaipit, hindi ko alam kung saan ko dapat ibalik iyong bookmark kaya basta ko na lang inipit.
Ang kakapal ng novels na ito kaya paano niya nagagawang basahin lahat ng ito?
Binuklat ko ang pangalawa ngunit nagulat ako sa first sentence ng novel dahilan upang maibagsak ko iyon. What the fck...? Bakit may umuungol? Anong binabasa ng Kupal na ito?
Nadagdagan ang gulat ko ng magtama ang mga mata namin ni Tristan, kagigising lang niya pero para na niya akong pinapatay ngayon. Nang makabawi ako mula sa gulat at kaagad na umangat ang kaliwang kilay ko.
Pinulot ko ang libro niya na naihulog ko. "Kaya naman pala ang hilig mo magbasa," ngiwi ko. Nakadukdok pa rin siya sa lamesa habang nakatingin sa akin. "Sa parking lot." Saad ko at nauna ng lumakad palabas ng science laboratory subalit mabilis din akong huminto dahill napansin kong hindi naman pala siya sumunod sa akin at bumalik lang siya sa pagkakadukdok sa lamesa. Napahilamos na lang ako sa mukha ko bago bumalik sa loob. "Bakit hindi ka sumunod?!"
"I'm upset." Simpleng sabi niya na nagpataas ng kilay ko.
"Anong kinalaman niyon sa akin. Gusto mo pa bang mabawi iyong libro mo mula sa akin o hindi?"
"Eh? What book?"
Naalimpungatan lang ba itong Kumag na ito kaya hindi niya magawang maalala kung ano iyong tinutukoy ko? Dala ng pagkaasar ko ay inilabas ko mula sa paper bag na hawak ko iyong kopya ng libro na sinasabi niyang nasira ko kahit si Xhera naman ang salarin. Gamit ang animal urine na nakita kong nasa tabi ng mga specimen ay mabilis kong ibinuhos iyon sa libro niyang dapat ay ibabalik ko.
"Anong problema mo?!" Bulyaw niya sa akin, mukhang nagising na ang diwa niya matapos kong sirain ng harap-harapan ang libro niya.
Abala sa kani-kanilang buhay ang mga kaklase niya kaya walang lumingon sa amin para makiusyoso. Mabuti na lang.
"You interrupted my smoking earlier." That is not just the reason after all.
"Tss, I helped you out. Now, clean your mess. Pinagbabawalan nga kaming pakialaman iyang specimens na nandiyaan pero anong ginawa mo? Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng juniors oras na malaman nilang senior pa mismo nila ang nakialam sa specimens?"
"That..." Itinuro ko ang libro na nasa harapan namin. "...won't happen kung nakipag-usap ka lang ng maayos, hindi ba? You are the reason why it happened after all."
"May kapatid ka ba?"
Bakit bigla naman siyang nagtanong tungkol sa kapatid ko?! Ganito ba siya kahina sa pakikipag-argue at hindi kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya? "Wala. Besides, kung hindi mo alam kung paano makikipag-argue just let me know, ha?"
"Really? Wala kang kapatid?" Natatawang tanong niya at ngayon ay lalong hindi ko na maintindihan ang ipinupunto niya kasabay ng pag-usbong ng mga tanong na hindi ko naman na dapat pang itanong.
"Wala nga, ano bang gusto mong palabasin?!"
"Oh, sorry. Akala ko kasi kapatid mo iyong babaeng naka-encounter ko noong weekend. She made my book bathed too." Right, he remembers but does he recognize me? "I don't understand kung bakit ganyan kayong mga babae sa aming mga lalaki na nagbabasa ng novels, ano bang masama sa pagbabasa? Kayo pwedeng magbasa ng novels pero when it comes to us iniisip na agad ninyo na mali kami?"
Hindi ko na makita kung saan papunta ang argument na ito.
"Hey, hey. Wala akong maalala na may sinabi akong ganyan." Salubong na ang mga kilay ko na nakatingin sa kanya ngayon.
"I know, I'm just frustrated." Aniya bago ginulo ang buhok niya and just in an instant parang wala na lang iyong nangyari sa kanya. "Naging rude ako sa iyo, ano?"
Diretso akong tumango. "Ngayon mo lang na-realize?"
"Mhmm... sorry to bother you. Kalimutan mo na ang tungkol sa libro na iyan."
Matapos niyang pakuluin ang dugo ko okay na sa kanya lahat?! Huminga ako ng malalim at tinapik na lang siya sa balikat bago siya talikuran, maiinis lang ako lalo kung mananatili pa akong nandito. Maliban doon ay nakuha ko naman na ang kailangan ko, wala ng dahilan para lumapit ako sa kanya at kausapin siya.
Ngayon ay malinaw na sa akin na kahit sabog na ang disguise ko ng araw na iyon ay hindi naman na niya ako naaalala. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay palamigin ang sitwasyon bago ako bumalik sa trabaho ko.
Nasa daan na ako paakyat sa building namin ng may biglang humigit sa braso ko. Muli na namang nagsalubong ang mga kilay ko ng makita si Tristan sa harapan ko ngayon na hinihingal habang hawak ang braso ko, tinapik ko ang kamay niya para alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Ano na namang issue niya ngayon? Na-realize ba niya bigla na masama pa ang loob niya sa akin? Aba sige, subukan niya lang, magkakasubukan talaga kaming dalawa.
"Crisella," hingal na hingal pa rin siya nang iangat niya ang tingin sa akin. "May... may kilala ka bang..."
"Kilalang?" Wait, nandito ba siya dahil na-realize niya na ako iyong babae na nakabunggo sa kanya noong araw na iyon?!
"Do you know someone who's smart, naive, pretty and a bookworm?" At iyan na naman ang mga tanong niyang hindi ko alam kung saan nanggagaling!
"Alam mo, bakit hindi kaya pumunta ka ng lost and found area. Doon mo hanapin kung sinoman ang hinahanap mo, hindi ako hanapan ng nawawalang tao."
"No, no. Hindi iyon ang pinopoint out ko, I'm... I'm looking for my ideal type." Napansin ko pa ang paglunok niya matapos niyang sabihin iyon.
Habang ito ako, tulala at nalilitong nakatingin sa kanya ngayon. Ano ba ang dapat kong maging response? Hinahanap niya sa akin ang ideal type niya? Wala naman akong kaibigan na ganoon ang ugali sa tinutukoy niya, may iisang tao na sumagi sa isip ko pero hindi ko naman kaibigan iyon.
"P-please, can you help me to leave this grade level?" Nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita habang ito ako pinoproseso pa sa isip ko ang lahat.
Anong connection ng ideal type niya sa pag-move niya sa senior high school? Ang pinakamahalaga sa lahat, wala naman na siya dapat sa concern ko kaya ano ito?! Hindi dapat ako mag-isip pa kung anong sasabihin ko sa kanya.
Malakas kong hinawi patalikod ang buhok ko sabay sabing. "Wala."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top