Chapter 39

Chapter 39: Ebullient
CRISELLA'S POV

"CRISELLA KO."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko habang tinitignan si Tristan na nakanguso habang nakapamulsang naglalakad palapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay kaagad siyang naupo sa tabi ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Napaano ka?" Nagtatakang tanong ko subalit lalo lang siyang nag-pout. "Huy?!"

"Pagod na sa CPAR tapos nagbunutan na kami para sa year-end party." Aniya na siyang nagpataas ng kilay ko.

"Oh? Ano naman ngayon? Saka of all subjects talagang sa minor subject ka nahirapan?"

"You can't blame me! Hindi naman ako artistic, saka feeling major CPAR namin ano. Ang dami pang pahabol ni Sir, kahit daw late ako ng isang quarter kailangan ko pa rin daw humabol sa activities and such, sinermunan pa ako na kesyo hindi raw ba ako naaawa kay mama na pinag-aaral at binabayaran tuition ko."

Natawa na lang ako bago guluhin ang buhok niya. "Hindi ka nga naman naawa kay Tita Hayley, dalawang taon iyong nasayang kakabulakbol mo."

"I know, I know. Kaya nga nagpapakabait na ako. Isa pa, kung hindi ko ginawa iyon, hindi tayo magkikita rito ano."

"Aba, talagang niroromanticize mo pa kalokohan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya bago siya mas lumapit para yakapin ako, marahan ko naman siyang naitulak, nasa school grounds pa rin kami. Malilintikan kaming pareho kapag may nakakita sa aming dalawa rito.

Naisip ko pa talagang malilintikan kami kahit na rito sa parking space ako palaging gumagawa ng kalokohan noon.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Nakamot niya ang ulo niya bago umayos ng upo at mas maharap ako ng maayos. "Malapit na mag-Christmas break, ayaw pang magpaawat ng CPAR!"

"Wala ka namang shift mamaya, tapusin mo na lahat ng kailangan mong gawin. If you want I'll help you lalo na at sayo naman nanggaling iyong mga sagot ko sa Chem last time."

"Eh kung ikaw na gumawa lahat?" Ngiti niya kaya nagtangka akong batukan siya subalit mabalis siyang nakailag. "Crisella, awa na lang oh."

"Asa ka. Ginusto mo iyan 'di ba, panindigan mo. Iyong sa exchange gift ninyo para sa year-end party, bakit parang pinoproblema mo rin ata iyon? Crush mo siguro nabunot mo ano?" Tanong ko at pinaningkita siya ng mata subalit nginiwian lang niya ako.

"Hindi ah!" Mabili na depensa niya. "Wala na nga akong plano umattend ng year-end party, gusto ko na lang matulog at magbasa sa bahay."

"Eh bakit pumayag ka sa exchange gift kung 'di ka pala aattend?"

"Sisihin mo si Sohan. Sinama niya pangalan ko roon sa list ng mga sasama, siya rin bumunot nung reregaluhan ko. Feeling ko nga sinadya niya iyon kasi iyong babaeng may gusto sa akin ang nabunot niya." Parang batang sumbong sa akin ni Tristan kaya umarko na ang kilay ko.

"Nasaan si Sohan? Samahan mo ako, kakalbuhin ko lang." Saad ko at nagtangkang tumayo subalit mabilis akong pinigilan ni Tristan. "What? It's not like may gagawin akong masama."

"Wala nga ba?" Naiiling na tanong niya pabalik sa akin.

"Gantihan mo na lang si So, alamin mo kung sino nakabunot sa kanya sa exchange gift, pakialaman mo iyong ibibigay. Make it something naughty. Lagyan mo ng bagong briefs 'yung wrapper, iyon bang wala ng extra packaging, pagkabukas iyon na ang bubungad. Mukhang mga luma na rin naman mga gamit ni So."

"Crisella."

"What?"

"How did you know about that...?" Mata na niya ang naniningkit na nakatingin sa akin ngayon na para bang may kasalanan talaga akong ginawa.

"I'm just kidding, hello?"

"How would I know na nagjojoke ka lang? Nasa iisang bubong kayo ni Sohan. Hindi ikaw ang naglalaba ng underwears niya?"

"Why are being serious, hoy? Nagbibiro nga lang ako!" Depensa ko pero ayaw pa rin akong lubayan nung mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. "Tristan!"

"Whatever." Aniya bago umikot sa ere ang mga mata niya kaya hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon. Aba't iniirap-irapan na lang ako ni Kupal?! "Tinatanong mo pala ako last time, kung anong plano namin sa pasko ni Mama." Nakamot niya ang bridge ng ilong niya bago ako tapunan ng tingin.

"Yeah, I did. Sabi mo hindi ka pa sure."

"Nakausap ko si mama kanina, she said na uuwi kami sa Ilagan at doon magpapasko, nandoon din kasi iyong mga lolo at lola ko. It would be nice kung sasama ka, ipapakilala kita sa lolo at lola ko!"

"So may family reunion kayo sa pasko?" Paglilinaw ko at kaagad naman siyang tumango. "Then so be it." Ngiti ko. "Minsan lang kayo umuwi ng Ilagan, ayoko ng makisali sa inyo, family gathering niyo rin iyon."

"Ano ka ba? Ayos lang naman na sumama ka. Matutuwa pa nga iyon sila lolo at lola kapag nakilala ka. Besides, nagsasama rin naman iyong mga pinsan ko ng girlfriends at boyfriends nila every family gathering."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at mabilis na umiling. "Alam ko naman kung gaano ka kalapit sa lolo at lola mo roon kahit na hindi ka nila totoong apo. Ayaw kong agawin iyong oras mo sa kanila, minsan mo lang sila makakasama, eh ako? Lagi naman tayong magkasama, hindi ba?"

"Eh kayo ba ni Sohan? Saan kayo tuwing pasko?"

"Hindi mo na kami kailangan isipin ano. Last year nasa Eastwood kami, we attended a Christmas Party there, noong mga nagdaang taon, sa Quezon Memorial Circle, minsan naman sa Luneta. There's a lot of place to go here in Manila, besides, kapag Christmas evenings, usually nasa bahay lang kaming dalawa, watching movies, eating together and exchanging gifts."

"Kung hindi ko lang alam na kaibigan lang tingin ninyo ni Sohan sa isa't isa iba iisipin ko eh." Ngiwi niya kaya natatawa akong napitik siya sa noo.

"OA nito!You mean magseselos ka, ganoon?" Pang-aasar ko sa kanya bago ko naipaling ang ulo ko at ngitian siya ng nakakakloko.

"Crisella, alam kong sa akin at sa akin ka pa rin ma-i-in love ano." Confident niya akong nginisian kaya napawi ang ngiti ko at nginiwian siya.

Yabang!

"Pero ayun nga," pagpapatuloy ko. "Ilaan mo muna oras mo sa pamilya mo, you should be thankful na may pamilya kang hindi toxic hehe. Pero sabihan mo ako kung kailan kayo aalis ah, para maiabot ko sa iyo iyong damit na regalo ko kay Tita Hayley, gagawa rin ako para sa lolo at lola mo!"

Akala ko naman ngingitian na ako ni Tristan pero nakasimangot pa rin siya ngayon.

"What? Bakit ba nakasimangot ka pa rin?"

"Crisella, next year pa kami babalik ng Manila. Maybe, first week ng January? Tapos aalis kami rito a week before Christmas. Kulang-kulang isang buwan tayong hindi magkikita." Aniya kaya nasampal ako ng katotohanan at mabilis na napawi iyong mga ngiti ko.

Ilang ulit pa akong napakurap habang nakatingin sa kanya. "Hanggang New Year?!" Akala ko naman kasi isang linggo lang sila sa Ilagan at uuwi rin agad. Pakiramdam ko nanghina ako roon ah o ako itong nahahawa sa ka-OA-han ng boyfriend ko?

"Yes. Tapos ang plano pa ata nila babyahe kami mula Ilagan papuntang Bataan."

Magaling, nasa NCR ako, siya nasa Northern Luzon.

Sa huli ay nginitian ko pa rin si Tristan, ayaw kong ipakita sa kanya na bothered ako. Tulad ng sinabi ko, ayaw kong agawin ang oras at panahon niya sa pamilya niya. Mayroon pa siyang pamilya at ako wala na. Hindi naman por que kami ay dapat pareho ang sitwasyon namin.

"Tatlong linggo lang naman. Magkikita rin naman tayo next year eh. I-update mo na lang ako through calls and messages, sapat na iyon." Ngiti ko kaya kahit papaano ay umaliwalas na ang mukha niya. "Additional, huwag kang mambabae roon Tristan. Malaman ko lang na mambabae ka roon hindi ka na talaga makakabalik ng Manila."

"Banta ba iyan?"

"Ano ba sa tingin mo?" Tanong ko pabalik sa kanya at naipaling ang ulo ko.

Sa wakas ay tumawa na rin siya, nagawa pa ngang pisilin ang ilong ko. "Takot ko lang sa mga babae roon, mamaya nahahati pala katawan ng mga iyon sa gabi." Giit niya subalit napairap na lang ako sa ere.

"Siguraduhin mo lang! Tara na nga, tapos na iyong break time natin oh. May lunch time pa naman." Inaya ko na siyang tumayo at bumalik sa classroom namin.

Talagang pinakinggan ko lang mga sumbong ng Kupal kong boyfriend, mukha kasing iiyak na eh.

Pero seryoso, ako ba? Magiging ayos lang ba ako sa tatlong linggo na hindi kami magkikita ni Tristan? Iba naman na kasi iyong noon sa ngayon!

SAKTONG kaka-announce lang na wala kaming klase sa isang subject before lunch ng mag-message si Miss Ryumi sa akin. Kailangan daw niya akong kausapin. Mabilis lang ako nag-retouch at nagmessage kay Tristan na lalabas lang ako lalo na at sa café lang sa labas ng campus kami magkikita ni Miss Ryumi.

Wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin at nagawa pa niya akong puntahan dito na para bang hindi na makakapaghintay pa iyong sasabihin niya. Kung tungkol sa offer ni Miss Rian ang dahilan ng pagpunta niya rito, alam ko naman na ang sagot na ibibigay ko.

"Good morning!" Nakangiting bati ko kay Miss Ryumi na marahang sinisimsim ang latte niya.

"Have a seat, Crisella." Aniya bago ilapag ang tasa na hawak niya at ilapit sa akin ang menu. "Choose whatever you like, it's on me."

One thing that I like about Miss Ryumi's company, hindi nagma-matter ang body shape ng models nila, hindi nila kami nirerestrict sa diet. Miss Ryumi believes that every body shape and skin color can slay in modelling.

Nakangiting akong umiling kay Miss Ryumi bago siya tugunin. "We'll be having our lunch after this po kasi. Can we just get straight to the point kung ano pong pag-uusapan natin?"

"Ah yes. I saw your previous post in your plasticism. Flexing your outfits and some other things in the most eye-catching way plus, you got lots of followers as well. Maybe you can use your plasticism account to promote Crystales' new collection." Paliwanag ni Miss Ryumi at tulad ng inaasahan ko, kasunod niyon ay ang paglalabas niya ng folder at inabot sa akin ang contract. "Don't worry, this is a paid promotion Crisella. 90% of the profit will be yours. Mas malaki ang parte mo rito since ang napag-usapan lang naman natin before ay modelling lang ang work mo sa akin."

Salubong ang mga kilay ko na iniangat ang tingin ko kay Miss Ryumi habang binabasa ko iyong contract. "Hindi lang naman po ako ang model under your agency. Bakit sa akin mo napiling ibigay itong trabaho na 'to?"

"Simple. It's because your ambitious, Crisella."

Ilang ulit akong napakurap dahil sa isinagot ni Miss Ryumi. Kaswal ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon kaya hindi ako sigurado kung compliment ba iyon o insulto.

Napansin ni Miss Ryumi ang pagkalito sa mga mata ko kaya natawa siya bago muling simsimin ang latte niya at harapin ako. "I don't mean to insult you, Crisella. What I am trying to say is that your ambitious, that you will everything to live your life."

Hindi naman mahina ang utak ko, pero bakit hindi ko pa rin makuha kung insulto ba iyon o compliment. She said she didn't mean to insult me but she's not complimenting me either.

Pasimple na lang akong napailing at binasa iyong terms and conditions sa contract. "I'll just post normally like I'll always do pero I'm wearing Crystales' collection. Posting and promoting at the same time?"

"Yes, it's simple, isn't it?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Miss Ryumi at sa contract na hawak ko. Ang simple nga lang nito, madadagdagan din ang income ko ng hindi na ako masyadong naghihirap. Nginitian ako ni Miss Ryumi, mukhang alam na agad niyang payag ako kaya inabot niya sa akin ang ballpen at saka ko pinirmahan iyong contract.

"Ipapadala ko na lang sa iyo iyong collection around this week."

"Sure. Iinform niyo na lang po ako kung kailan and if ever na hindi ako available sa bahay, maybe you can leave it sa guard ng village."

"Don't worry Crisella, tatawagan kita. Anyway, I heard that your turn down Miss Rian's offer?"

Sabi na nga ba at itatanong niya ang tungkol doon. Nginitian ko siya at bahagya akong tumango. "Yes it is a great opportunity pero may pamilya akong maiiwan dito sa Pilipinas. It may be for 6 months only pero napakahabang panahon na para sa akin iyon. Isa pa, hindi ko rin naman talaga hilig ang modelling. I just love fashion but not to the point that I will enter fashion school or choose to walk in a runway."

"You never fail to amaze me, Crisella." Naiiling subalit nakangiting sabi ni Miss Ryumi.

Ako naman ang nagbato ng tanong sa kanya ngayon. "Why did you offer this to me? The first time we met ay itanong ko na sa iyo kung bakit mo sa akin inoffer ito pero hindi mo ako binigyan ng diretsong sagot."

"Is it really important for you to know the answer?"

Why do I feel like we're going to cook some ampalaya here? Gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko? I'm just wondering. Pwedeng-pwede niya akong isuplong agad sa pulisya, she got all the evidences pero pinili niyang bigyan ako ng trabaho.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya akong magsalita.

"You look like someone who's starving for happiness." Sagot niya na nagpamilog sa mga mata ko. "That's what I saw in your eyes the first time I saw you. Yes, I witnessed how you stole from one of my stores, then lots of questions flooded me, why do people have to do those kind of things? Especially you, you look young. Where are your parents? Why are you stealing? Then I observe and found out na hindi mo lang pala iisang beses na ginawa iyon. You have done those things multiple times."

Nababaliw na nga ata ako dahil magkahalong disappointment at amusement ang nakikita ko sa mga mata ni Miss Ryumi. Napailing na lang ako at alanganing ngumiti. "Yeah, I was once a professional shoplifter. But you saw me stole from your store multiple times, bakit hindi mo agad ako pinahuli sa guards o pinadala sa presinto?"

"You told me in one of your letters that you did those things for your living don't you?"

Gosh! Mas kabisado pa ata niya iyong letter na iniwan ko noon kumpara sa akin. "Oh I did?" Seriously, hindi ko maaalala.

"Sabihin na lang nating I helped you survived but I cannot romanticize what you did. Kahit saang anggulo tignan, mali ang ginawa mo Crisella."

"I know..."

"So who changed your mind?" Bigla ay tanong niya kaya natigilan ako.

Makailang ulit pa akong napakurap habang nakatingin kay Miss Ryumi na natagawang nakatingin sa akin ngayon. "What do you mean who? I just want to, kailangan ba may tao sa likod ng bagay na iyon?" Why does it feels like I owe her an answer! Hindi ako nilulubayan nung mapang-asar na ngiti ni Miss Ryumi kaya sa huli ay binigay ko ang sagot na hinihingi niya. "Si Tristan ang dahilan."

"Your boyfriend?"

Dahan-dahan akong tumango bilang tigon. "He's too kind and he stand for his principles kahit may mga pagkakataon na nakakaloko iyong mga bagay na tumatakbo sa isip niya. There was a time na napaisip ako, do I deserve him kung ganito iyong pinaggagawa ko?" Napahinga ako ng malalim bago ngitian si Miss Ryumi. "Kaya pinili kong baguhin---ayusin muna ang sarili ko for him, I know that he deserves better so I made myself a better person for him."

"You're in love Crisella." Saad ni Miss Ryumi nang nakangiti pa rin sa akin bago niya ako bahagyang tapikin sa ulo.

"I know."

"You can go now. Baka namimiss mo na ang boyfriend mo." Natatawang aniya at nauna ng tumayo sa akin. "I'll just see you in your next shoot, okay?"

"Sure. Thank you po!"

Bumeso pa si Miss Ryumi sa akin bago kami magkasabay na lumabas ng shop. Hinintay ko pa siyang makaalis sakay ng kotse niya saka ako bumalik sa campus.

Hindi naman ganoon katagal kaming nag-usap ni Miss Ryumi subalit pakiramdam ko ang tagal-tagal naming nag-usap. Gumagaan na nga talaga siguro ang loob ko sa kanya. At some point nakikita ko siya bilang nakakatandang kapatid ko.

Napailing na lang ako bago hintayin si Tristan sa room nila. Mukhang mag-o-overtime na naman ata ang teacher nila kaya nakasimangot akong naghihintay sa labas. Nag-s-scroll na lang ako sa plastizism account ko habang nakasandal sa railings ng hallway ng may kamay na tumakip sa mata ko.

"Sohan!" Sambit ko at inalis ang kamay niya bago ko siya harapin at mabilis na batukan. Naalala ko iyong isinumbong ni Tristan kanina!

"Kapag ako batok, kay Tristan yakap agad? Parang hindi tayo magkaibigan ah?" Ngiwi ni So habang himas-himas ang batok niya.

Saglit akong sumilip sa room nila, kalalabas lang ng teacher nila, nauna pang lumabas si Sohan sa teacher nila, magkaugaling-magkaugali talaga kami eh! Nakita ko naman si Tristan na inaayos pa ang gamit niya sa bag niya kaya si Sohan muna ang hinarap ko.

"Talagang pinagtripan mo si Tristan para sa year-end party ninyo?" Namimilog ang mga matang tanong ko subalit tinawanan lang ako ni Sohan!

"Nagsumbong si Tristan sa'yo? Binantaan mo siguro kaya nagsusumbong sa'yo ano?"

Tinignan ko siya ng masama at muling hinampas sa dibdib. "At bakit ko gagawin iyon, aber?"

"Bababa na nga ako, inaaway mo lang ako eh!" Sambit ni Sohan at binatukan ako pabalik. Gaganti pa sana ako subalit tumakbo na si Kumag palayo, marami na ring mga estudyante sa hallway kaya hindi ko magawang makisiksik sa kanila.

Masamang damo talaga 'to si Sohan eh. Naka-recover kaagad pagkalabas ng hospital, kaya umiirak na naman ang pagiging sakit sa ulo.

Ako na tuloy ang napahimas sa batok ko bago pumasok sa room nila Tristan dahil naglabasan naman na ang mga kaklase nila, iilan lang silang natira sa loob at si Tristan nag-iisa sa seat nila.

"May gusto ka bang kainin sa cafeteria?" Tanong niya kaagad sa akin pagkalapit ko.

"Na-ah. Walang pagkain na sumasagi sa isip ko, unless may makita akong pagkain."

"Lasagna, gusto mo?" Ngiti niya bago ilapag ang dalawang tupperware ng lasagna sa table namin. "Nagtinda sila Xhera kanina, para ata sa entrepreneurship nila. Tsk! Hindi man lang siya nagbigay ng friendly price."

"Talagang humingi ka pa ng discount?" Namimilog ang mga natang tanong ko sa kanya at nakangiwi naman siyang tumango sa akin.

"Nagtitipid ako ano. May pinaglalaanan rin ako."

"Ano? Libro na naman? Mapupuno na nga ng libro 'yung kwarto mo." Natawa na lang akong napatingin sa notebook na nasa ilalim ng desk niya, inabot ko iyon at salubong ang mga matang inangat ang tingin sa kanya dahil nakaipit iyong libro sa gitna ng notebook niya. "Nagbabasa ka during discussion?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oh I did!" Proud pa si Kupal! "Nauumay ako sa lesson, nakapag-advance study naman na ako!"

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ngayon. "Tristan, tsk! Tsk! Tsk! Ipapaalala ko lang sa iyo ah. Hindi ba at minsan ka ng nakumpiskahan ng libro at sa akin mo pa pinakuha iyong libro mo?!" Saad ko bago siya nakapamweywang na tinaasan ng kilay.

"Huh? Wala akong maaalala." Patay malisyang sabi ni Kupal kaya marahan ko siyang nabatukan.

"That's the same day na nag-confess ka sa akin!" Sambit ko subalit tinawanan lang niya ako. Kupal talaga oh! Alam ba niya kung papaano ako nag-panic that day? Ngayon tatawanan lang niya ako?!

"May naalala ako." Aniya at inabot ang kamay ko, nakakunot naman ang mga noo ko habang nakatingin sa kanya. "Nawala na rin kasi sa isip ko na itanong sa iyo noon." At seryoso na naman siya ngayon. "Noong inabot ko iyong roses sa iyo, may sugat ka rito, sariwa pa noon." Sinisipat niya ang kamay ko ngunit hindi naman na ganoon kahalata iyong peklat doon dahil siniguro kong hindi magpepeklat ang sugat ko.

"Wala na. Tapos naman na iyon, gumaling na rin iyong sugat ko."

"Pero malalim iyong sugat mo that day..." Napahinga na lang siya ng malalim bago ako ngitian, naintindihan naman niya na ayaw ko ng ungkatin pa kung ano ang nangyari nang araw na iyon. "Sa susunod na mangyari ulit iyon sa iyo, sasabihan mo na ako, ha?"

Nginitian ko na lang siya at marahang tinanguan.

Binuksan na niya iyong isang disposable tupperware ng lasagna, titinidorin ko na sana subalit pinigilan ako ni Tristan na siyang nagpakunot ng noo ko.

"Saglit, maiinit pa." Aniya at tangkang papaypayan iyong lasagna na nasa tinidor subalit inagaw ko na iyon sa kanya.

"Kaya ko namang palamigin 'to, hindi na ako bata ano." Saad ko at diretsong sinubo iyong lasagna. Bahagyang nakaawang ang labi ni Tristan habang nakatingin sa akin kaya tumaas ang kilay ko. "Bakit?"

Inilingan na lang niya ako bago siya sumubo ng kanya. "Nothing."

Pinagsaluhan naming dalawa iyong isang tupperware ng lasagna bago isunod iyong isang tupperware habang kung anu-ano ang pinagkukwentuhan naming dalawa. Naikwento ko rin sa kanya na nag-meet kami ni Miss Ryumi kanina bago ang lunch break, mas tuwang-tuwa pa nga ata siya sa dagdag trabaho na ibinigay ni Miss Ryumi sa akin.

Lunch break was never been this good.

"May alcohol ka?" Tanong ko kay Tristan habang pinupunasan ko ang labi ko gamit ang tissue matapos naming kumain. Mabilis naman siyang tumango at inabutan ako ng alcohol at wet wipes! "Grabe, alcohol lang hiningi ko."

Nagkibit-balikat naman siyang ngumiti sa akin kaya nilinis ko na ang kamay ko.

"Iyong totoo, ano pang laman hygiene kit mo?"

"Well, I've got toothpaste, toothbrush, hand soap. Hindi ko na maalala iyong iba, pero iniwan ko na sa locker ko, nadala ako nung nahulog ako sa pond eh." Paliwanag niya kaya hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon.

"Baka naman pati napkins may dala ka na, ah?" Biro ko subalit nagulat ako ng tanungin niya ako.

"Table napkins or pads?"

"Huh? Bakit may dala ka ba pareho at natanong mo?"

Mabilis siyang tumango sa akin kaya nangunot ang noo ko.

"What the hell, Tristan?"

"Seryoso ako. Knowing you, paniguradong mas pipiliin mong dalhin makeup kit mo sa halip na magbaon ng emergency pads."

Laglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Tristan. Seryoso siya noong sinabi niyang seryoso siya! Alanganin na lang akong natawa at nilinis ang kamay ko. Matapos niyon ay binalik ko na ang wet wipes at alcohol sa kanya.

Kinuha ko iyong librong nakaipit sa notebook niya ng hindi inaalis ang bookmark na nakaipit sa libro. Nagpanggap akong babasahin iyon. See You Later ang title ng book at si Acheloisly pa rin ang author tulad ng iba niyang libro. It's obvious that she is his favorite author.

Nawiwindang ako. Iyan na naman kasi si Tristan sa creative thinking niya! Talagang siya pa nagbaon ng pads para sa akin?!

Magpapanggap sana ako sa pagbabasa ng libro niya ngunit tinawag niya ako at dahil hindi ko siya matiis, pinansin ko pa rin!

"Crisella."

"Po?" Tanong ko at isinarado ang librong hawak ko.

"Samahan mo akong papirmahan iyong books ko sa susunod na MIBF." Aniya habang abot langit ang mga ngiti na nakatingin sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko bago ilapag ang libro niya sa table niya. "Samahan saan? MI...?"

"Manila International Book Fair. Nagbabasa ka na rin naman minsan ng books hindi ba? It would be great kung kasama kita na papirmahan iyong mga paborito kong libro!"

"Huh? It would be great talaga, for all I know, pagbubuhatin mo lang ako ng mga libro mo. Paboritong libro? Lahat naman ng libro mo, paborito mo." Ngiwi ko subalit hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi ko talaga siya sasamahan.

"Ganyan mo talaga ako kamahal ano? Alam na alam mo tumatakbo sa isip ko." Ngiti niya na siyang nagpangiwi sa akin lalo.

"Pinagsasabi mo? Ang corny mo, Tristan. Tigil-tigilan mo nga ako, kinikilabutan ako sa iyo!" Arte ko at doon na naman nagsimula ang asaran naming dalawa.

Inabutan pa ako ng chemistry subject nila dahil ayaw naming tumigil ni Tristan kakaasar sa isa't isa. Dahil pasaway ako, hindi muna ako bumalik sa room namin dahil bakante rin naman ang upuan sa tabi niya.

Nag-magpaquiz ang teacher nila ay inabutan din naman ako ni Tristan ng papel at ballpen, magkunwari na lang daw akong nagsasagot!

"Tinotolerate mo na kalokohan ko ngayon?" Nakangising tanong ko kay Tristan.

"Ngayon lang, ma-mi-miss kita pagdating ng bakasyon eh." Tugon niya habang nakatuon ang paningin niya sa presentation sa TV.

Napangisi na lang ako at naglagay ng random letters sa papel ko at hindi iyon nilagyan ng pangalan at section. "Bukod sa libro, ano pa lang gusto mong regalo sa pasko?"

"Seriously, Crisella. Atheist ako."

Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Pero excited ka sa pasko?!"

"No, I'm not. Ni ayaw ko ngang sumama sa year-end party which is equivalent sa Christmas party." Paliwanag niya habang nagsasagot.

Napaawang na lang ang labi ko bago magkibit-balikat. His religion and beliefs doesn't matter to me as long as kaya naming intindihin iyong paniniwala naming dalawa.

"Eh ikaw, you believe in God tapos naniniwala ka sa hula at zodiac signs?" Tanong niya pabalik sa kanya kaya napailing na lang ako.

"Shut up!" Natatawang saad ko.

"Bawal outsiders dito." Napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ni Sohan na lumipat pala ng upuan. "Pakopya nga ako." Aniya sabay hablot sa papel ko at diretso iyong sinulatan ng pangalan at section niya.

"Huwag mong ipasa iyan!" Sambit ko at aagawin sana iyong papel na iyon subalit napasa na niya agad sa harapan.

Maging si Tristan na tapos na ay ipinasa na sa harapan ang papel niya.

"So, pustahan tayo sinong mas mataas ang score." Ngisi ni Tristan kaya nasapo ko na lang ang noo ko.

Si Sohan na walang alam kaagad namang pumayag. "Anong ipupusta mo?"

"Iyong kotse ko."

"Yabang, iyo na ba iyon? Pero, deal. Si Crisella ipapalit." Narinig kong ngisi ni Sohan kaya inangat ko ang tingin sa kanya at mabilis siyang sinuntok sa braso. "Aray ah! Ano na naman?"

"Papansin ka kasi masyado, hindi ko naman binasa iyong questions, nagpanggap lang akong nagsagot kasi baka mahuli akong nandito ako." Singhal ko sa kanya at muntikan ko pa siyang mabatukan subalit mabilis siyang umalis sa kinauupuan niya at patakbong hinabol ang teacher nilang palabas na ng room at hawak na ang mga papel nila.

Naiiling at natatawa na lang akong napatingin kay Tristan bago siya makipag-apir sa akin, tuwang-tuwa masyado si Kupal!

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top