Chapter 38

Chapter 38: Sparks Fly
CRISELLA'S POV

"LEFT, right, hip whip, sway and slay. Again! Left, right, hip whip, sway and slay. All right, we are done wrapping things up, congratulations to everyone, team!"

Kaagad na lumapit sa akin ang make-up artist ko matapos ang photoshoot. Inabutan niya rin kaagad ako ng cold water na may kasamang straw kaya kaagad akong sumisim doon.

"Crisella, dear." Napalingon ako kay Miss Rian nang lumapit siya sa akin.

Tinapos ko lang ang pag-inom ng tubig, make-up artist ko na rin ang tumulong sa akin na punasan ang labi ko kaya nginitian ko siya at bahagya akong nag-bow bilang pasasalamat

"Ah, yes po? How's my performance? Is it great?" Nakangiting tanong ko sa kanya ng maayos ko ang sarili ko.

"It's wonderful, Crisella. I can wait to see you in the magazine for the last quarter of the year! God! Where did Ryumi found you?"

Alanganin akong natawa, hindi ko naman pupwedeng sabihin iyong totoong reason kung paano ako nakilala ni Miss Ryumi. Sasabihin ko sana na nagandahan lang sa akin si Miss Ryumi kaso baka ma-bad shot ako. "I'm glad that I have the chance to work with you po. I am looking forward na makattabaho pa po kayo in the following months." Nginitian ko na lang si Miss Rian, I don't want to look full of myself in front of her.

"Well, Crisella, you see I already talk about this with Ryumi and she said yes. However the decision is still yours..."

Dapat ba akong kabahan o matuwa? Muntik nang umarko ang kilay ko dahil sa curiosity tungkol sa sinabi ni Miss Rian, mabuti na lang napigilan ko. "Uhm, would you mind telling me what is this thing that you talk with Miss Ryumi."

"You have a lot of potential, Crisella." Aniya at hinawakan ang balikat ko. "I was thinking of inviting you to work abroad, especially in France. You'll get a lot more offers there!"

Mabilis na namilog ang mga mata ko sa tuwa subalit naroroon din ang pagbaha ng napakaraming tanong sa akin. "Does it mean that I have to fly in France with you for a week or month?"

Tristan will surely agree to it once I ask him, ganoon din si Sohan. Ang problema ay ako, can I make it to other country? Ibang usapan iyon dahil hindi lang Pilipinas iyon.

"No, dear. You'll stay there for about six months or maybe a couple of years. It is not just a simple invitation that you will a photoshoot there. You'll be trained in France and work with some know designers."

"Six months?!" Mabilis akong natutop ang labi ko at nag-iwas ng tingin kay Miss Rian. I overreact. The thought na aalis ako ng bansa at pupunta sa Europe, it is such a dream for a travel pero para tumira at magtrabaho roon, I don't think that I am ready.

May mga tao na akong maiiwan ngayon. May mga taong maghihintay na sa akin at sa bawat desisyon ko kailangan kong pag-isipan ng mabuti dahil hindi lang naman ako ang apektado. Isa pa, graduating na ako by next year, how can I leave the country without getting my diploma?!

"If you say yes, I will make sure to process all of your requirements as soon as possible, your passport, visa and other things that should ve fix."

"But I am still studying here and I have my family, I can't leave them."

"This is such a great offer, dear. I'll give you a week to think about it." Nginitian ako ni Miss Rian sa huling pagkakataon at pinisil ang balikat ko bago ako talikiran.

Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko habang nag-iisip. Huminga na muna ako ng malalim bago magtungo sa dressing room at ayusin na ang mga gamit ko para makauwi na ako dahil may gagawin pa ako mamaya.

Kakalabas ko lang sa dressing room ng makita ko si Xhera sa labas.

Nginitian agad niya ako pagkakita niya sa akin at patakbong lumapit sa akin. "Crisella!"

"Hey! Anong ginagawa mo rito?"

"I'm here with mom, she's here for some business meetings. Nakasalubong ko si Miss Ryumi kanina, she said that you're here."

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at itinali ang buhok ko bago siya bigyan ng sagot. "So you're waiting for your mom? Anyway, may ice cream shop nearby, let's have an ice cream first, it's on me!" Ngiti ko dahil nakuha ko na iyong unang sahod ko.

Nagulat si Xhera sa alok ko sa kanya subalit nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya bago siya hatakin sa ice cream shop.

I can't let her say no. Nagmumukha na ata akong gold digger at social climber dahil lagi niya akong nililibre at binibigyan ng kung anu-ano. Kahit na kusang loob niyang binibigay ang mga bagay-bagay sa akin, nahihiya pa rin naman ako. Hindi na rin naman ako sumasabay sa kanya pauwi dahil lagi naman kaming magkasabay ni Tristan pero kapag wala kaming pasok sa shop ay sinasabayan kong umuwi si Xhera.

Well, I was once a social climber. Once.

"What do you want?" Nakangiting tanong ko kay Xhera habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa menu na nasa harapan namin.

"Ohh... a peanut butter dip?" Napalingon ako sa kanya dahil mukhang hindi pa siya sigurado. "That's some kind of rare flavor... I'll have one!"

"Sure!" Kaagad kong binigay sa cashier ang orders namin at inabot ang card ko. Inaabot ni Xhera ang card niya subalit  mabilis ko iyong hinarang. "I told you, it's on me. Minsan lang ako ang manlibre. Feel free to tell me kung may gusto ka pa?"

"It's fine. Ayos na ako sa ice cream." Iling niya subalit inilingan ko rin siya pabalik bago ako magdagdag ng dalawang Belgian Waffle.

Matapos na umorder ay inukopa na namin ang bakanteng upuan malapit sa window.

"Xhera, I know na hindi magandang mamuna ng ibang tao pero..." saad ko matapos naming makaupo, saglit kong naipikit ang mga mata ko bago siya harapin muli. "Magkaibigan tayo at hindi lang ako basta ibang tao sa iyo, napapansin ko kasi lately na nangangayayat ka. Ayos ka lang ba? Lumalalim din ang eye bags mo. What's up to you lately? Are you stress?"

In the span of few months, I witnessed how Xhera become stronger. Higit na kaya na niyang tumayo sa mga sarili niyang paa noon kumpara noon, bukod doon ay tumaas din ang self-confidence niya at kaya na niyang panindigan iyong mga bagay na para sa akin. She's not like the Xhera that I met before, hindi na siya puro sorry, hindi na siya nagsese-self pity. Yet, there one thing about her na hindi nagbabago, hindi pa rin niya sinasabi sa akin iyong mga problema niya, itinatago niya lahat sa kanya. Kahit na tanungin ko siya ay hindi pa rin siya nagsasabi. I just think that it is unfair to see her suffer alone in silence.

Alam kong gusto niyang magsabi pero hindi niya alam kung papaano. Alam na alam ko iyong pakiramdam na may gusto akong sabihin subalit hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula dahil natatakot ako na baka sa maling tao ako makipag-usap.

"I'm fine." Nginitian niya ako subalit hindi ako kumbinsido.

"Iyan ka na naman sa I'm fine mo, you don't look fine, Xhera."

"Ayos lang talaga ako, Crisella. Stress lang ako sa research at reviews para sa entrance exams, iyon lang."

She's not lying of course pero nararamdaman kong mayroon pang iba, subalit ayaw ko naman na siyang pilitin na sabihin kung ano iyon.

Malalim na lang akong napabuga ng hangin at hinawakan ang kamay niya para ngitian siya. "Ikaw ang nagsabi na magkaibigan tayo hindi ba? I understand na may mga pagkakataon na hindi ako laging nasa tabi mo pero kung sasabihin mong kailangan mo ako, dadating ako para sa iyo." Pinisil ko pa ang kamay niya para bigyan siya ng kasiguraduhan. Tinapunan ko muli siya ng ngiti bago tumayo at kuhain ang orders namin.

Pagkabalik ko sa table namin dala ang ice creams at waffle ay nakasunod lang ng tingin sa akin si Xhera.

"Masarap daw iyong ice creams at waffles dito, iyon ang narinig ko sa co-workers ko. It is nice to try them with you." Nakangiti kong inabot ang kanya.

"I think I'll fail the recent entrance exam that I took, Crisella." Narinig kong sabi ni Xhera habang inaayos ko ang table namin, nang iangat ko ang tingin sa kanya ay bumubuhos na ang luha niya.

Kaagad ko naman siyang niyakap at pinatalikod mula sa window dahil doon kami nakaharap. Hagod-hagod ko ang likod niya habang pinapakalma ko siya.

Makaraan lang ang ilang saglit ay siya mismo ang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin, dinampot ko naman kaagad ang tissues kasama ng ice cream at tinulungan siyang punasan ang mga mata niya.

"Xhera, nandito ako. Anong nangyari?" Tanong ko habang hawak-hawak ang kamay niya at hinihintay siyang kumalma.

"Research, review and Steve broke up with me. I don't know what should I do. Naghalo-halo na lahat sa isip ko. Nag-exam ako na blanko ang isip ko, I don't even know kung na-shade-an ko ba ng maayos iyong answer sheet!" Aniya at nagbabanta na naman bumuhos muli ang luha niya.

"Does Steve even know that you'll take an exam? If he's going to breakup with you sana pinalipas muna niya iyong exam mo! That's one of the worst thing someone could do." Mariing saad ko, nararamdaman ko na rin iyong inis ko sa Steve na iyon. Hindi ako nanghimasok at nagsalita patungkol sa lalaking iyon dahil nirerespeto ko ang desisyon ni Xhera at hinihintay ko lang na siya na mismo ang mag-ungkat tungkol sa relationship nila.

Besides, as far as I know, Steve is engaged with Coral! I thought he's gonna fight for Xhera or something. Napaiwas ako ng tingin kay Xhera, I remember minsan din akong binagabag ni Daniel for Xhera pero hindi ko naman pinansin iyon dahil may connection si Daniel kay Brooke noon at si Xhera, ipinagtatabuyan ko pa siya noon.

Ano bang problema ng kambal na iyon?! Of all people, si Xhera pa?!

"Mom will surely loathe me if I fail that exam."

I am well aware of Xhera's relationship with her mom. Matagal ko ng napapansin noon pa man na mayroong high expectations at matinding pressure na ibinibigay ang parents niya sa kanya.

Ang bagay na iyon ay may kinalaman din kung bakit hinahayaan lang noo ni Xhera sina Brooke na bully-hin siya. Mahalagang siya ang magiging valedictorian ng batch namin kaya naman wala na siyang ibang ginagawa kung hindi ibabad ang sarili niya sa kaliwa't kanang pagrereview.

Mayroong parte ko na hindi maintindihan iyong pressure at expectations na nararanasan ni Xhera. I've bever been in her shoes kaya hindi ko maintindihan. Ni minsan kasi ay hindi rin naman nag-expect ang parents ko noon sa akin patungkol sa pag-aaral ko, bahala na kung pumasa ako o hindi, ang importante ay pumapasok at nag-aaral ako. Napapasama man ako sa top 10 ng klase namin noon ay halos wala rin namang pakialam si mama.

Kaya lang ako nasasama sa academic achiever ng mga nagdaang taon dahil ako iyong nagbibigay ng expectations sa sarili ko. Hindi ko rin naman gusto na lagi akong nag-aayos pero pagdating sa academics ay palyado ako.

Gayunpaman, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Gusto kong malaman niya na nandito ako bilang kaibigan niya.

Nasa isang oras mahigit din kaming nag-stay ni Xhera sa ice cream shop. Sa nagdaang mga oras ay alam kong napagaan ko naman na iyong bigat na nararamdaman niya dahil natulungan ko siyang ilabas iyong mga bagay na sinasarili niya.

"Damn, this ice cream was so good! We should come here often!" Nakangiting saad ko kay Xhera habang sinisimot ang laman ng cup ko.

Natatawa naman siyang napatango agad sa akin. "Let's try their other flavors next time! The only problem is that may kalayuan itong shop sa atin. You know how I hate traffics."

"Bumalik tayo rito by next Sunday, paniguradong maluwag ang kalsada at walang masyadong tao." Sabay kaming napahagikgik dahil sa itinuran ko.

Isinalansan ko na ang pinagkainan namin at hinintay na lang ang crew na linisin ang table. Kakatapos ko lang pahiran mg alcohol ang kamay ko ng balingan ko muli si Xhera na may ichinecheck na sa phone niya. 

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Kitang-kita ko iyong pagbalik ng sigla sa mga mata niya. "Xhera," pagtawag ko sa atensyon niya kaya mabilis siyang napalingon sa akin. Hinawakan ko ang balikat niya at nginitian siya. "Give yourself some time. You need to live for yourself, too. Isa pa, forget about Steve, he doesn't deserve you. You'll meet someone you deserve someday, iyong taong hindi ka iiwanan sa ere, iyong taong hindi ka susukuan."

"Crisella, I love you." Sinuklian niya ako ng ngiti kaya napisil ko ang ilong niya.

"I love you, too."

"Let's go na nga, tapos na rin ata ang meeting ni Mommy, isa pa, baka pagselosan pa ako ng boyfriend mo." Natatawang aniya kaya maging ako ay natawa. "Look, na-miss ka na ata, kaya sinundo ka na." Dugtong niya kaya namilog ang mata ko.

May tinignan ko siya sa window kaya sinundan ko ang tinignan niya. Doon ko nakita si Tristan na nakasandal sa mapait na pader, ang kaliwang kamay ay nasa bulsa niya habang ang kanang kamay niya ay may hawak na libro. He's wearing white turtleneck underneath his black sweater at suot-suot niya iyong eyeglasses na minsan ko na rin nakitang suot niya noon.

Napako na ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kanya. Nabitawan ko pa iyong sling bag ko na ikinagulat ni Xhera dahil tila ba nawala ako sa katinuan.

"Crisella?" Bahagya akong niyugyog ni Xhera kaya napalingon ako sa kanya.

Kagat-kagat ko ang labi ko ng lumingon ako sa kanya at hindi maintindihan kung maiiyak o natatawa ba ako. "Xhera..."

"What? Crisella, you're blushing."

Napahawak ako sa dibdib ko at pasimpleng sinilip ulit si Tristan mula sa labas bago ibalik ang tingin kay Xhera. "Why the hell Tristan looks so extra t-today...?"

"Huh? Anong sinasabi mo? He look normal to me."

"I mean, he looks so gwapo like argh!"

"Oh my gosh, Crisella! Kinikilig ka?"

"No!" Mabilis na depensa ko sa sarili ko, kahit na gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko ngayon at iyong mukha ko ay paniguradong pulang-pula na. "Do I look fine?" Natatarantang tanong ko kay Xhera subalit tinatawanan lang niya ako.

"You're always pretty, Crisella." Sagot niya pero hindi ako satisfied.

Kaagad na hinanap ng paningin ko ang washroom, nang makita iyon ay patakbo akong pumunta roon ng hindi na nakakapagpaalam pa kay Xhera. Why did I suddenly panic when I saw him? God! He's my boyfriend at lagi naman kaming magkasama, lagi kaming nagkikita bakit nagkakaganito ako ngayon?!

Mabuti na lamang at walang tao sa washroom.

Hindi agad ako nakapagretouch dahil inuna ko pang ikalma ang sarili ko. Nang kumalma na ako ay kaagad kong inayos ang buhok kong naka-ponytail, iniladlad ko iyon saka ko isinuot ang hairclip na baon ko.

Hindi naman humulas ang make-up ko subalit pinatungan ko pa rin ang blush, powder at lip gloss ko.

"How do I look?" Tanong ko kay Xhera pagkalabas ko ng washroom.

Nakangiti naman siyang nakatingin sa akin, iyong ngiti na nang-aasar. "Tara na nga, mukha may Sundate pa kayo." Ngiti ni Xhera at umangkla sa braso ko bago kami sabay na lumabas ng ice cream shop. "Dito na lang ako, I wouldn't wish to be a third wheel." Aniya at kinindatan ako bago agawin ang braso niya mula sa akin. "Before, I forgot to say, thank you for today, Crisella."

Sa huling pagkakataon ay nginitian ko si Xhera bago siya kawayan. "Bye!"

Matapos niyon ay tuluyan na akong tinalikuran ni Xhera ng nakangiti pa rin. Nang makaalis siya ay paulit-ulit akong humihinga ng malalim bago dahan-dahan humakbang papalapit kay Tristan.

Kahit na maingay ang mga sasakyan sa kalsada ay higit na maingay ang pagdagundong dibdib ko habang naglalakad patungo kay Tristan. Napansin na ata niya ang paglapit ko kaya naman inangat niya ang tingin niya sa akin, isinara niya ang hawak niyang libro at nakangiti akong kinawayan.

Mas lalo lang dumagundong ang dibdib ko!

Si Tristan na mismo ang tumulay sa distansyang pumapagitna sa amin. Halos mawala ako sa sarili ko ng makita ko na siya ng malapitan at maamoy ang pabango niya na paborito kong amuyin.

"What's with that smile? Na-miss mo na ako?" Pang-aasar agad sa akin ni Tristan at pinisil na naman ang pisngi ko.

Hinawakan ko agad ang kamay niya para ilayo iyon sa pisngi ko. "Tristan, I think fell in love with you again." Saad ko na siyang ikinagulat niya kaya kusa niyang naibaba ang kamay niyang nasa pisngi ko.

Nakatingin siya sa mga mata kong natutuliro ngayon.

Sinabi ko lang naman ang dapat kong sabihin. May mga pagkakataon na kailangan niya ring marinig sa akin iyong mga bagay na nababasa lang niya sa libro.

"What? Napaka-out of touch ba ng sinabi ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin siya nagsasalita habang nakatingin sa akin ngayon. "Na-miss mo na naman siguro ako kaya sinundo mo ako." Naipaling ko na ang ulo ko habang naghihintay sa sasabihin niya. "Tristan?"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya bago niya ako hatakin para ikulong sa mga braso niya.

Dahil magkalapit kami ngayon mas ramdam ko iyong paghihimagsik ng puso ko o tama nga bang sabihin na sa akin lang iyon?

Lalong himigpit ang yakap sa kanya ni Tristan kaya napangiti na lang ako. Wala akong pakialam kung nasa gitna kami ng sidewalk ngayon. Wala akong pakialam kung may ibang taong makakita sa amin. Wala na akong pakialam kung anupaman ang mangyayari, ang gusto ko lang sa pagkakataong ito ay makasama si Tristan.

Si Tristan na siyang katiyakan ko sa dami ng tanong at mga bagay na walang kasiguraduhan.

I don't care what is cringe and corny anymore 'coz fck, I'm madly in love sa taong muntik ng maging dahilan para mahabol ako ng mga gwardiya at sales lady.

"Tristan, you're my happy ending."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top