Chapter 37
Chapter 37: A toss for peace and happiness
CRISELLA'S POV
GROWING up, life was so hard to me; I have to chase everything that I have to live. Yet, it's all in the past. Hindi ko na kailangang paghirapan o habulin pa iyong mga bagay na para sa akin o mas tamang sabihin na binitawan ko na iyong mga bagay na inakala kong nakalaan para sa akin.
I let go and found what happiness really means.
And right now, I am on my way to one of the people that means a lot to me while bathing in my own damn sweat.
Naliligo na ako sa sarili kong pawis dulot ng mabilis kong pagtakbo. Kahit na nasa escalator ako ay tumatakbo pa rin ako dahil papaalis na ang tren at paniguradong ma-le-late ako oras na hindi ko iyon maabutan.
This is Tristan's fault in the first place. Sino ba nagsabing ubusin ko ang load ko sa pakikipag-usap sa kanya magdamag na para bang hindi kami magkikita kinabukasan? Kung hindi pa ako ma-low bat last night hindi ko makikita ang oras na umaga na!
Napahinga na lamang ako ng malalim ng maabutan ko ang tren subalit sa dami ng commuters ngayon tayuan na naman sa loob ng tren. Ikinakalma ko pa lamang ang sarili ko dulot ng matinding pagkahingal ng may taong humawak sa pulsuhan ko.
Kaagad na nag-alburuto ang puso ko ng makilala ko ang lalaking katabi ko na swabeng nakasandal sa bakal na poste ng tren.
Pasimple akong napalunok dahil sa napakaswabeng pagkakatayo niya, ang kaliwang kamay ay may hawak na manga book at ang kanang kamay naman niya na nakahawak sa pulsuhan ko ay unti-unting gumapang patungo sa kaliwang kamay ko upang hawakan ito ng mahigpit. Napansin kong bukas ang una at pangalawang butones ng polo niya, ang buhok niya ay bahagya ring magulo, napalunok tuloy ako bago mag-iwas ng tingin.
"Wala ka namang lahing babaero ano? Basta makahawak ka na lang, paano kung ibang babae ang mahawakan mo? Hmm?" Angil ko upang pigilan ang nararamdaman kong pag-aalburuto ng kalooban ko. Nakatuon ang mga mata niya sa manga na binabasa niya at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Ikaw lang ang may ganiyang perfume, hindi ba at gumawa ka ng sarili mong perfume?"
"Kahit na ba..." Nakangusong depensa ko.
"Kabisado ko ang texture ng kamay mo, maging ang apat na kalmot ng pusa sa kaliwang kamay mo ay maituturo ko ng nakapikit."
Nananadya talaga ang kumag na ito, hindi na nga ako mapakali rito dahil kinikilig ako! Isa pa, paano niya nalamang kalmot ng pusa ito? Kunsabagay, sa ilang ulit ba naman na nakalmot siya ng pusa, imposibleng namang hindi niya agad matukoy kung ano ang kalmot sa hindi. Pinaglaruan ko kasi iyong mga kuting na alaga niya noong nakaraan. Akala ko hindi mangangalmot kasi nga maliliit pa.
"Ibang libro na 'yang binabasa mo?" Pag-iiba ko ng usapan at bahagyang sumilip sa librong hawak niya.
Nag-angat na rin siya ng tingin sa akin at unang bumungad sa akin iyong masasayang daffodils sa mga mata niya. "Yup, new volume. Ang ganda-ganda ng story nito, ayaw mong basahin."
"Hindi naman ako ganoon ka-invested sa pagbabasa. Besides, ayaw kong magbasa ng manga, nahihilo ako, bakit kasi kailangang sa likod magsimula basahin iyan?"
"Sinusundan kasi ng Japanese illustrators iyong alphabet nila at nakabase din sa influence ng China noon sa kanila."
Naipaling ko ang ulo ko habang nangungunot ang noo ko dahilan upang tawanan niya ako. "Wala akong naintindihan." Hinawakan ko na lang din ng mahigpit ang kamay niyang nakahawak sa akin. Sana lang hindi kami magmukhang PDA rito.
"AREN'T you bored of staying here?" Tanong sa akin ni Tristan kaya naingat ko ang tingin sa kanya at mabilis siyang inilingan.
"Hindi naman. Inaantok lang ako." Saad ko sabay turo sa sarili ko. "Kasalanan mo 'to! Nag-skincare pa ako bago ako sumampa sa kama ko, then what tumawag ka? Tapos ano? Magdamag kang nakipagchikahan sa akin. Now look! Pareho tayong puyat pero ikaw itong gising na gising!"
Bahagya siyang natawa bago pisilin ang ilong ko. "I'm sorry. Hindi na mauulit, hindi rin healthy ang late night talks."
Nakangiwi ko siyang tinanguan. "Mabuti at alam mo. Anong silbi ng night routine ko kung pupuyatin mo lang din ako."
"Opo, hindi uulitin." Natatawa pa rin si Kupal kaya sinimsim ko na lang ang milktea ko na natunaw na ang yelo. "Crisella, I love you." Bigla ay anas niya kaya napahinto ako sa iniinom ko at dahan-dahan siyang nilingon.
Sumalubong sa akin ang mga daffodils sa mata niya na marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. Bahagya akong nginitian ni Tristan at mag-iwas ng tingin sa akin.
Napangiti na lang ako at muling sinimsim ang milktea ko bago dumantay sa balikat niya. "I love you too, Tristan."
Ang hirap kapag lumaking kulang sa aruga at lambing eh pero mukhang sanay naman na si Tristan sa akin, isa pa, napag-usapan na rin namin iyong mga bagay sa nakaraan na hindi ganoon kadali para sa aming dalawa. Dahil na rin doon ay mas natutuhan naming maging bukas sa isa't isa.
Sadyang may piling pagkakataon pa rin. Kung susumahin ay napakabigat para sa akin na bitawan ang tatlong salitang iyon, madali kong nababato iyon kay Sohan dahil madalas ay nag-aasaran lang namin kami subalit iba pagdating kay Tristan dahil marami iyong kaakibat na bagay.
In spite of the things that happened recently, I know that there's a lot that changed. I witnessed how I became the better version of myself at iyong mabibigat na bagay na patuloy pa rin akong hinihila pabalik sa nakaraan ay tuluyan ng nabura.
Naramdaman ko ang paggalawa ng ulo ni Tristan kaya inangat ko ang tingin sa kanya, nakatingin din siya sa akin ngayon. "Nasapian ka ata Crisella, marami pa namang ligaw na kaluluwang nagkalat---" hindi pa man niya matatapos ang sinasabi niya ay mabilis ko siyang nahampas sa dibdib niya.
"Pissed off! Hindi ka na makakaulit sa akin!" Sambit ko at umalis sa pagkakadantay sa kanya. "Tristan, isa!" Saway ko sa kanya ng lumapit siya sa akin at yakapin ako. "Huy! Ang daming tao, ang PDA mo, nasa harap pa tayo ng mama mo!"
"Na-miss lang kita eh."
"Lagi tayong magkasama, anong pinagsasabi mo? Kulang na nga lang sa bahay ka na tumira, kaya tuwang-tuwa si Sohan na nasa bahay ka eh. Iyan, nagsasakit-sakitan pa rin si Kumag kahit nakalabas na ng hospital!" Lintaya ko kay Tristan na ayaw pa ring umalis sa pagkakayakap sa akin. Mag-iisang linggo na simula ng madischarge si Sohan sa hospital. Pwede namang sa bahay na raw pagalingin ang sugat niya pero may follow up check up pa rin siya sa susunod na mga buwan. Napahiyaw ako ng lalong humigpit ang yakap sa akin ni Tristan, nakasubson na ang mukha ko ngayon sa dibdib niya. "Tristan...!"
"Let's stay like this, mga five minutes lang."
Talagang inorasan pa! Hindi na ako pumalag att hinayaan na lang siya dahil ginugusto ko na rin namang makulong sa mga bisig niya.
"Nag-gy-gym ka ba recently?" Tanong ko. "Lumaki biceps mo oh." Saad ko sabay pisil sa braso niya subalit mabilis niya akong kinurot sa tagiliran ko.
"Crisella."
"Nagtatanong lang eh!" Sa wakas ay binitawan na rin niya ako. "Oh? Wala pang five minutes ah."
"Never mind."
"Ito! Tinanong ko lang naman kung nag-gy-gym ka lately eh."
"Nagbigay ng membership card si Bethany sa gym malapit sa shop. Masasayang kung hindi ko gagamitin." Giit niya na ayaw kong paniwalaan.
Ang daming kinatatamaran ng Kupal na ito, paano niya ako mapapaniwala na ginamit lang niya iyong membership na iyon kaysa masayang? Hindi na lang ako nagtanong pa tungkol sa bagay na iyon.
Naubos ko na iyong milktea ko kaya iyong may kalakihang strawberry lollipop naman ang binuksan ko kakasubo ko lang niyon ng agawain sa akin ni Tristan. "Hoy! Akin iyan!" Nahampas ko na naman tuloy siya dahil tinawanan lang niya ako. "Ang unhygienic mo!" Ngiwi ko at mas lalo lang lumakas ang tawa niya.
"Ibibili na lang ulit kita mamaya HAHAHA!"
"Nevermind, sa iyo na iyan!" Arte ko at inagaw iyong milktea niya na halos hindi pa niya nababawasan.
"Hindi na talaga nawala iyong kasungitan mo ano?"
Nakurot ko siya sa tagiliran dahil humahalakhak na naman siya. "Hindi ako nagsusungit, inaasar mo lang talaga ako!"
"No, inaaway mo ako!"
"Anong inaaway ka?!"
"Ma, si Crisella, inaaway ako oh!"
Pinanlakihan ko siya ng mata at nagtangka akong hampasin siya ulit subalit tumayo siya para makaiwas sa akin. Naghabulan tuloy kaming dalawa sa paligid ng puntod ni Tita.
"Tristan Kupal!"
"Huwag mo na kasi akong awayin!" Halakhak niya subalit hindi niya inaasahang iikot ako sa kabilang diretso kaya naharang ko siya.
"Oh ano?"
"Anong-ano?!"
"Tristan!"
"Maka-Tristan Kupal ah." Pinisil niya ang ilong ko kaya binato ko siya ng masasamang tingin. "Crisella Ko tawag ko sa iyo tapos ginaganyan mo lang ako?"
"Ang OA mo!"
"Masama lang talaga ugali mo."
"Alam mong masama ugali ko tapos na in love ka sa'kin?"
"No. Ginayuma mo ako!"
Namimilog ang mga labi kong naituro ko ang sarili ko. "Ako? Gagayumahin ka? Sa ating dalawa malamang ikaw ang gumawa niyon?"
Nginisian niya lang ako at pisngi ko naman ang pinisil ngayon! "Kahit hindi kita gayumahin alam ko namang mas nagagwapuhan ka sa akin kaysa kay Sohan?"
"Ang liwa-liwanag, Tristan! Nanaginip ka!"
"I'm telling the truth!"
"Oh stop!"
"Ma, si Crisella---" nahawakan ko ang kamay niya at pinanlakihan siya ng mga mata dahil umiiral na naman pagiging maloko niya.
"Do you think that your biological mom will approve of me?" Pag-iiba ko ng usapan kaya talagang tumigil na siya kakaasar sa akin. Ilang saglit siyang nakatingin sa akin kaya inarkuhan ko siya ng kilay.
Before the incident with his father, inaya na niya akong pumunta rito, although hindi niya nilinaw sa akin kung saan kami pupunta. Turns out gusto pala niyang ipakilala ako sa late mother niya.
"Baka makalimutan pa niyang ako ang unico hijo niya." Natatawang sagot ni Tristan habang nakatingin sa lapida ng mama niya.
┌────────────────────┐
IN LOVING MEMORY OF
MA. TRINA STRYKER ✟
Born: August 13 1985
Died: September 26 2009
Family Remembrance
└────────────────────┘
Nanatiling nasa kanya ang tingin ko habang marahang umiihip ang hangin sa kabila ng magulong paligid. Kitang-kita ko ang kapayapaan sa mga mata niya, masasabi kong masaya na siya kung anuman ang mayroon siya ngayon at tanggap na ang mga bagay na nangyari sa nakaraan.
Naikwento na niya sa akin ang nangyari noon sa pamilya nila at hindi ko nagawang makapagsalita kanina. It was really devastating. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mayroong mga magulang na pinipiling maging makasarili sa halip na piliin ang responsibilidad sa mga anak nila.
"Paniguradong magkakasundo kayo ni mama. Kapag nalaman pa niya sigurong marunong kang manahi at gumawa ng mga damit baka maghapon kayong magkasama." Bahagyang ngumiti si Tristan at iniangat ang tingin sa akin. "Mahilig si mama magburda, Crisella. It would be nice kung ikaw ang gagawa ng damit at siya ang magbuburda niyon."
Sinuklian ko siya ng ngiti at bahagya naman niyang ginulo ang buhok ko.
"Naipakilala mo na ako sa kay Tita Hayley at kay... Tita Trina. It's crazy to think na hindi kita maipakilala sa parents ko. Well, sapat naman na siguro si Sohan." Natawa na lang ako sa huling itinuran ko.
"Yes, sobra-sobra pa si Sohan. He's all in one."
Sabay kaming natawa, subalit may naalala ako. "Right! My lola was here."
"Huh?"
Inilibot ko ng tingin ang paligid. "I mean nandito nakalibing si Lola, oh shucks! I hope hindi siya magtampo kasi nakalimutan ko." Nasapo ko na lang tuloy ang noo ko.
"Your Lola's here? Wanna visit her?"
Mabilis akong tumango kay Tristan, inaasahang kong susuklian niya ako ng ngiti, hahawakan ang kamay ko at aayain akong bisitahin si Lola, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pagkabalisa ang siyang bumahid sa mga mata ni Tristan.
"Crisella, I'm sorry. I hope you don't mind." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at bahagyang pinisil iyon. "I hope you don't mind, sa susunod na lang tayo bumisita sa Lola mo."
Tatlong beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya. "Why? Bakit sa susunod pa? Nandito naman na tayo."
Marahan niya akong inilingan. Sa madaling sabi, hindi pwede, ayaw niya.
Mariin kong naitikom ang mga labi ko, saglit na nag-isip at sa huli ay pinili kong tumango na lang din bilang pagsang-ayon kay Tristan. "Yes, sure. We can make time naman pero ayos lang ba kung around this week lang din?"
"No problem."
Kapag humindi si Tristan, paniguradong may malalim o mahalagang dahilan kaya hahayaan ko na siya.
Alanganin na lang akong napangiti sa kanya. "Komplikado kasi ng pamilya ko hehe. I want to be honest, I have this feeling na lalayuan at iiwasan mo ako kung makita mo kung paano ko ituring si mama, kasi iyong bonding mo at bond ko sa mother ko, sobrang layo sa iyo eh..." Nakamot ko ang noo ko habang nagsasalita. "You see, sinasagot at nakikipagmurahan ako kay mama noon. Aren't I a bad daughter? Walang utang na loob, hipokrita..."
"We grew up in different environment, Crisella. 'Yung naging action mo toward them, resulta iyon kung paano ka nila pinalaki. At wala kang utang na loob sa kanila, it is their decision to have their child."
Naipaling ko ang ulo ko habang nakatingin kay Tristan. "Really? Sinasabi mo lang iyan kasi you don't want me to feel bad at dahil girlfriend mo ako."
"I'm stating a fact, hindi ko sinasabi sa iyo ito para lang pagaanin ang loob mo." Aniya at pinisil na naman ang ilong ko. Paboritong-paborito talaga niya ang ilong ko! "Let's have a brunch na. Medyo mainit na rin dito."
"Yeah." Nginitian ko na lang siya at pinagtulungan naming ligpitan iyong mga gamit namin.
"'Ma, aalis na kami." Paalam ni Tristan kaya Tita kaya saglit ko siyang tinapunan ng tingin.
"Tita, aalis na po kami. Nice meeting you po!"
"Shall we?" Nakalahad na ang kamay ni Tristan sa akin kaya nakangiti kong tinanggap iyon at magkahawak kamay kaming lumabas ng cemetery. Kahit mas mainit na ngayon kumpara kaninang umaga ay dumadagsa pa rin ang mga tao ngayon.
Hindi naman sana kami ganitong araw pupunta rito, ang problema wala kaming maluwag na oras sa umaga at hapon, madalas pagkauwi sa trabaho namin sa shop ay ginagabi na kami pareho.
"Saan pala tayo kakain?" Tanong ko ng malapit na kami sa exit.
"There are multiple resto and fast food nearby, mga 10 minute walk siguro? May tricycles naman, sumakay na lang tayo, baka iyakan ako ng sunscreen mo eh."
Natatawa akong napalingon sa kanya. "E-excuse me?"
"What?" Ngisi niya kaya napailing na lang ako.
Patawid na sana kami sa kabilang bahagi ng sasakyan para roon sumakay ng tricycle. Nang may mapansin akong ginger cat sa gitna ng kalsada na nililinis ang sarili niya, mayroong paparating na sasakyan kaya naalerto.
"T-Tristan, iyong pusa!" Sambit ko, subalit hindi pa man niya ako natutugon ay binitawan ko ang kamay niya at patakbong dinampot iyong pusa.
"P×nyeta! Ano ba iyan? Kitang may sasakyan bigla kang tatawid?!" Narinig ko iyong singhal sa akin ng driver ng kotse.
Mariing nakapikit ang mga mata ko habang yakap-yakap iyong pusa. Nang iangat ko ang paningin ko ay nasa tabi ko na si Tristan na inaalalayan akong tunayo. Nakakunot ang mga noo niyang nakatingin sa akin sa ngayon.
I acted recklessly, nawala sa isip ko na mag-aalala siya sa akin.
"Sorry..." usal ko habang hinihimas iyong pusa na nasa mga bisig ko na ngayon.
Inilingan lang niya ako at marahang pinisil ang kanang kamay ko. "Ayos ka lang ba?"
Tumango naman agad ako bilang tugon sa kanya.
"Sir, pasensya na sa abala, may pusa kasi sa daan."
Mabilis kong nahatak si Tristan dahil siya pa ang humihingi ng pasensya sa driver ngayon, samantalang ako dapat ang gumagawa niyon. But the driver was the wrong one here! Kung hindi ko dinampot itong pusa, halatang wala siyang planong ihinto ang minamaneho niyang kotse!
Gusto ata niyang mailibing siya ng buhay sa loob ng sementeryo ngayon araw ng mga patay?
"Pusa? Pusang gala! Kung kayo ang nasagasaan ko, sagutin ko pa kayo, p×nyeta! Pinabayaan niyo na lang sana na iyong pusa ang masagasaan."
G×go?!
Humigpit ang hawak ko kay Tristan ay pilit na siyang hinahatak palayo roon. "Tristan, let's go!" Aya ko sa kanya at tumawid na kami sa kabilang bahagi ng kalsada para roon ko siya pakalmahin. "Huy! Okay na. Tama na, okay?"
"Hindi ko maintindihan kung bakit mga taong ganoon ang mindset eh!" Banas na sabi niya at napatango na lang ako. "Kung hindi ko pala tinakbo iyong pusa talagang sasagasaan niya?!"
"Tristan!" Pumitik ako sa harapan niya at hinawakan ang kaliwang pisngi niya. "Ayos na, okay? Maayos ako, maayos din iyong pusa and I promise, hindi na ulit ako kikilos recklessly."
Kumalma na rin naman siya, nginitian ako at hinila ako para yakapin saglit. "Sorry din. Nagpapadala na naman ako sa emosyon ko." Humiwalay na siya ng pagkakayakap sa akin kaya nakangiti kong pinisil ang ilong niya.
"I understand."
Sabay naming sinundan ng tingin iyong pusa ng bigla itong tumalon palayo sa akin. Hindi naman na tumawid iyong pusa, nagdidiretso na iyon ng lakad at humalo sa dami ng tao hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.
Bumalik ang atensyon ko kay Tristan ng hawakan niya ang dalawang mga kamay ko, magtatanong pa lang sana ako sa kanya subalit lumapit siya sa akin sa galit na ipinatong ang ulo niya sa kaliwang balikat ko.
"Crisella ko."
Crisella ko? Nablanko ang utak ko dahil sa iniusal niya bago iyon masundan ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Y-yes?"
"Let's have an animal shelter in the future, especially for stray cats."
Ikinalma ko muna ang sarili ko bago siya bigyan ng sagot. "Gusto ko iyon. Bigyan natin ng bagong shelter lahat ng pusang pupwede nating matulungan." Saad ko at ngitian siya.
"We're like cats din pala ano? Hindi ibang tao ang magdidikta kung sila ang magiging tahanan at pahinga natin, kung hindi tayo. Tayo ang pipili kung sino ang magiging tahanan ang pahinga natin." Inalis na niya ang pagkakapatong ng ulo noya sa balikat ko at hinarap ako habang hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko.
"Tristan..."
"Ilang ulit man akong maligaw at magpalaboy-laboy, sa iyo at sa iyo pa rin ako babalik, Crisella."
Sinabayan ng malakas na pagkabog ng dibdib ko iyong mga bulaklak na payapang umiindayog sa hangin na nasa mga mata niya.
"Syempre, we will have our happy ending together, hindi ba?"
"Let's have a happy ending pero sa ngayon, kumain muna tayo. Ikaw itong hindi nag-almusal sa ating dalawa." Aniya sabay pitik sa noo ko kaya binato ko agad siya ng masasamang tingin.
Matatapos akong daanin sa mabubulaklak na salita pipitikin na lang ako sa noo! Kupal talaga!
"You can't blame me! Besides, let me remind you, pinuyat mo ako kagabi!" Angal ko habang naglalakad na kami. Napalingon iyong aleng kasabay namin sa amin, napansin ko pa ang pag-iling niya habang nakatingin sa amin. Makikinig na lang sa usapan ng iba, mali pa ang pagkakaintindi! "Well, number one priority ko ang make-up ko eh."
"Crisella, Crisella, Crisella. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi iyan nalalayo sa old habits mo, hindi ba at naninigarilyo ka noon? Kung masisira ang labi mo sa paninigarilyo mo, masisira naman iyang katawan mo kung hindi ka kakain ng tatlong beses sa isang araw. Wala ng papahiran ang make-up mo kung magkasakit ka."
"Minsan lang naman ako hindi mag-breakfast ano? Besides, noong naglayas ako sa amin isang beses lang ako kumakain noon, kung kailan lang ako magutom ng sobra. Naka-survive naman ako!" Depensa ko sa sarili ko habang naiiling ako. "One more thing, ang sagwa pakinggan ng word na naninigarilyo, my gosh!"
"What do you me to do i-censor iyong word for what?"
"Pipino! You really love cooking ampalaya with me ano?" Nguso ko bago niya ako alalayan pasakay sa loob ng tricycle.
Kahit na nakasakay na kaming dalawa sa tricycle at maingay ay nagtatalo pa rin kaming dalawa.
"Huminto ka na ba sa paninigarilyo mo?"
"Oh diniinan pa." Ngiwi ko. "Bihira lang naman kasi iyon. Paisa-isa lang, usually three times a week lang."
"Nagsimula ka rin paisa-isa sa shoplifting hindi ba?"
Kailan ba ako nanalo sa argument sa Kupal na ito? Nahilot ko na lang ang sintido ko. "I stopped na po. Pati smoking ko, okay? Isipin mo na lang, how will you kiss me if I have dark lips, huh?"
Nagulat si Tristan sa sinabi ko pero nginisian ko lang siya at tinaasan ng kilay.
Nang makarating sa destinasyon namin ay kaagad kaming naghanap ng makakainan. Kahit dito ay marami pa ring tao kaya hindi ganoon kadali para sa amin na maghanap ng kakainan.
"Sa restaurant na lang tayo kumain." Aya ni Tristan kaya natigilan ako.
"Restaurant ka riyan? Baka maubos allowance natin ano? Buti sana kung may sahod na ako sa modelling ko." Nang makalabas si Sohan ay masiguro kong kaya na niya kahit papaano maiwan mag-isa sa bahay ay nagsimula na agad amg kontrata ko kay Miss Ryumi, wala naman akong choice, pipiliin ko bang mabulok sa kulungan?!
"Maraming tao sa fast food chains."
"Bakit? Gutom na gutom ka na ba?" Natatawang tanong ko sa kanya subalit mabilis niya akong inilingan.
Kung anu-ano rin ang pinagkakain namin sa cemetery kanina, iyon lang hindi healthy at hindi nga naman masasabing breakfast iyon pero sapat naman iyon para hindi siya agad makaramdam ng gutom.
"No. Marami lang kasing tao sa loob, matagal pa tayong maghihintay ng pagkain at isa pa, mahirap maghanap ng vacant table."
Napakibit balikat na lang ako. "Whatever, may fast food chains naman malapit sa train station or if you want, sa bahay na tayo kumain, ipagluluto kita."
Mabilis naman siyang tumango sa suhestyon ko. Aalis na sana kami para lakarin ang train station, subalit may nahagip na pamilyar na mukha ang mga mata ko sa loob ng pinakamalapit na fast food chain sa harapan namin.
Doon ako napahinto sa paglalakad at inangat ang tingin kay Tristan ng magkasalubong ang mga kilay ko. "How did you know them?" Tanong ko na ikinalito at ikinagulat niya.
Kanina ko pa napansin ang mga iyon, nagpapanggap lang akong wala akong nakita.
"Sinong tinutukoy mo?"
"Stop pretending, Tristan." Doon lang nag-sink in sa isip ko kung bakit hindi siya pumayag na dalawin namin si lola ngayon. "Paano mo nakilala ang pamilya ko? I mean those... I can't think of a right word to describe them, argh! Just...! Alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko, okay?"
"I stalked Gheme's account to see your relatives..." napakamot na lang siya sa batok niya at nag-iwas ng tingin sa akin.
Napahalukipkip naman ako habang naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "And...?"
"Nahanap ko iyong account ng ibang relatives mo, I stalked them a bit tapo---"
"No. No. No! Hindi iyon, about Gheme, you stalked her, hindi ba? You even know her personally, is she pretty?"
"H-huh?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay sa halip na sagutin.
"Crisella, you guys are still sisters biologically and you are sharing the same genes, so if your pretty, then she's pretty as well." Nanatiling nakataas ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya hanggang sa tawanan niya ako at guluhin ng bahagya ang buhok ko. "Yes, she's pretty but your prettier... no your the prettiest."
Napangisi ako bago marahas na hawiin ang buhok ko patalikod. "Mabuti naman at hindi mo nakakalimutan, pinapaalala ko lang. Anyway, thank you sa concern mo pero ayos naman na ako. Well, ayaw ko pa rin silang harapin, kasi wala pa akong nararating, hindi ko pa mapapatunayan iyong mga bintang nila sa akin noon na nagmamalaki ako." Nginitian ko siya bago iangkla ang braso ko sa kaniya. "Uwi na tayo?"
"Uwi na tayo." Aniya bago kami naglakad papalayo roon.
Habang naglalakad kami papalayo ay alam kong mas magaan at mas payapa na ang kalooban ko kung kumpara sa nakaraan. Iyon ay dahil alam kong nahanap ko na ang kasiyahan ko.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top