Chapter 36

Chapter 36: Everything has Changed
CRISELLA'S POV

"MUKHANG magiging maayos ka naman pala kung mawala ako eh." Saad ni So pagkaalis ng doctor kaya muntikan ko na siyang mahampas.

"Magandang biro iyan?" Nakangiwing tanong ko sa kanya at bahagya naman niya akong tinawanan. "Umayos ka nga, kapag ako napikon sa'yo, yari iyang sugat mo sa akin."

"Subukan mo." Ako pa ang binantaan ngayon! "Ano? Hindi na kayo LQ ni Tristan?"

Umarko ang kilay ko dahil sa tanong niya. Kanina pa ba siya gising? "You're telling me na kanina ka pa gising? Hindi ka man lang nagsalita?"

"How could you expect me to speak kung pinoprocess pa ng isip ko iyong mga nangyari. Tsk! Tsk! Tsk! I don't even have any idea na magigising pa ako." Paliwanag niya habang kamot-kamot ang ilong niya.

Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa tabi niya.

"Crisella,"

"What?"

"I had a dream..." Naangat ko ang tingin sa kanya dahil hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi niya. "All of my---"

Tinignan ko siya ng masama kaya hindi niya na natapos ang sinasabi niya. "Sige, ituloy mo iyan ng maibuka ko iyang sugat mo!"

"Fine! Fine!" Pagsuko niya agad, natakot ata sa mga banta ko. "Anyway, saan mo nakuha iyong pera para rito sa hospital suite? Regular room na lang sana ang kinuha mo."

"Mamamatay ka na rin naman, sa mamahaling hospital room na 'di ba? Isa pa, hindi ko naman pera ginamit ko rito." Ngisi ko sa kanya at nagtaas baba ng kilay. Gaganti ako sa pang-aasar sa kanya ngayon.

"You used my money?!"

"Alangan naman akin ang gamitin ko? Gipit ako ngayon, hello?"

"Are you serious? How much did it cost?"

Natatawa na lang ako sa reaksyon niya. Kumag na ito, mas importante pa talaga 'yung pera niya kumpara sa sitwasyon niya?

"I don't know. Just tell your old man that I said hi!"

"You asked him for money?"

Mabalis akong umiling at napakibit balikat. "Nah. I just informed him about your situation and it's not like you two are in bad condition. Then I just found out that he already paid your hospital bills."

Napabuntong hininga na lang siya dahil sa sinabi ko. Really? It's not a big deal. Isa pa, hindi naman ganoon kahirap intindihin ang love and hate relationship nila ng daddy niya.

Nginitian ko na lang si So bago itukod ang braso ko sa kama niya. "This is one of the reasons why we are friends. Isang naglayas at isang nagrerebelde. I love you, So!"

"Tsk! Kay Tristan na iyang I love you mo." Aniya kaya inis ko siyang nahampas, iyon lang, natamaan ko iyong sugat niya kaya napahiyaw siya sa sakit at tinignan ako ng masama. "Crisella!"

NAWALA na sa isip ko iyong offer at contract signing namin ni Miss Ryumi sa dami ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nababasa iyong contract na dapat ay pirmahan ko.

Kung hindi lang tumawag sa akin si Miss Ryumi ngayon, baka hindi pa sumagi sa isip ko. Buti na lang at napakiusapan ko siya! Pakiramdam ko nga ay ayaw pa niyang maniwala sa excuses ko. Geez. Kung ayaw niyang maniwala, she better ask Xhera for confirmation.

Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang phone ko. Kung maluwag na ang schedule ko haharapin ko kaagad si Miss Ryumi bago pa niya ako dalhin sa presinto.

Nasapo ko ang noo ko bago maupo sa couch.

"Ano? LQ ulit kayo ni Tristan?" Tanong ni Sohan kaya natignan ko siya ng masama.

"Hindi!" Singhal ko kaagad sa kanya. Naipikit ko ang mga mata ko, ayaw kong sabihin kay Sohan iyong tungkol dito. Nahilot ko na lang ang sintido ko bago siya tignan. "I've got a modelling offer." Ito lang ang pwede niyang malaman, ako na bahalang gumawa ng kwento.

"Anong sinabi ni Tristan?"

"I haven't told him, sasabihin ko naman." Naipaling ko ang ulo ko. "Bakit sa tono ng tanong mo parang sinasabi mo na kailangan ko ng approval niya regarding this?"

Kibit balikat naman akong tinugon ni So. "Dunno. Malay ko bang seloso iyong boyfriend mo. Kaya sinasabi ko sa iyo, tanungin mo muna siya."

"Is that necessary?" Kamot ulong tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan. "I know na kailangan kong ipaalam pero bakit kailangan ko pang magpaalam? You see, letting him know differs from asking for his approval?"

"You really don't know? You guys are in a relationship, of course importanteng may approval kayo ng isa't isa sa activities na involve kayo, like kung saan pupunta, sinong kasama..."

"Ginawa mo iyon in your past relationships?"

"I just learned. That's how it is para ma-maintain din ang understanding ninyo at hindi iyong kung anu-ano ang iniisip nung isa."

"Pero hindi ba nakakasakal iyon?" Tanong ko ulit kay Sohan, ngayon lang sumagi sa isip ko ang mga bagay na ito. "Like, hello? Parents ko nga walang pakialam sa mga pinaggagawa ko sa buhay and you mean na bawat kilos ko kailangan niyang malaman?"

"First of all, wala ka naman ng magulang, hindi ba? Second, hindi lang basta si Tristan iyon, he's your boyfriend at may commitment kayo sa isa't isa."

"I disagree!" Nabuhayan tuloy agad ako ng loob para makipagtalo sa kanya. "Nakakasakal iyong maya't maya kailangan niyang malaman iyong mga bagay na iyon. Besides kailangan din namin ng personal space namin, we won't grow individually kung ganoon ang set up. It may even lead us into having a toxic relationship. Besides, knowing Tristan kahit na gusto niya akong makasama most of the time, I know that there are certain moments that he prefers to be alone while reading, planting or whatever his activity is."

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Sohan bago ilingan. "You know what, I won't argue. Alam mo kung ano ang gusto at dapat mong gawin."

"Whatever. Mabuti pa magpagaling ka na ng makauwi na tayo. Na-mi-miss ko na ang kama ko."

"Bakit kasi hindi ka umuwi sa bahay? Ayos lang naman ako mag-isa rito."

"Hindi naman pupwedeng iwan na lang kita rito basta-basta." Napahalukipkip ako bago maisandal sa couch ang ulo ko, subalit makaraan lang ang ilang minuto ay may kumatok sa pintuan. Wala akong choice kung hindi ang tumayo sa kinauupuan ko subalit hindi pa man ako nakakalapit ay si Tristan pala ang pumasok. "Good evening!" Inaantok na bungad ko sa kanya at nakangiti naman niyang pinisil ang kaliwang pisngi ko bago ako abutan ng strawberry bouquet!

Mabilis na namilog ang mga mata ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa hawak niyang bouquet at sa kanya!

"You love strawberries, hindi ba?" Ngiti niya at hindi ko alam kung paano tatanggapin ang regalo niya.

Sa huli ay sinuklian ko ang mga ngiti niya at kaagad na niyakap iyong strawberry bouquet na bigay niya sa akin. "Thank you! Pagod ka na maghapon nag-abala ka pa talagang dalhan ako ng regalo."

"Not really. Nadaanan ko lang din iyan pauwi and I remembered na mahilig ka sa strawberries."

Nakangisi ko namang hinawi patalikos sa tainga ko ang buhok ko. "Aba, anong I remembered eh lagi akong tumatakbo sa isip mo. Sa gandang kong 'to?"

"Nevermind, akin na iyan, ibabalik ko sa shop." Biro niya at nagtangkang babawiin talaga sa akin ang hawak kong bouquet subalit nakanguso kong iniiwas agad iyon sa kanya.

"Nah. Akin na ito, walang bawian. Period. Anyway, nag-dinner ka na ba?"

"Yes, kumain na ako sa shop kanina bago ako umuwi."

"Ako ba, Crisella? Hindi mo ako tatanungin kung kumain na ako?" Sabat ni Sohan kaya mabilis ko siyang nabato ng masamang tingin. "Ako iyong may sakit dito, ikaw 'tong alagang-alaga." Talagang plano niya akong artehan ngayon?!

"Huh? Marami kang babae 'di ba? O nasaan na sila ngayon? Naisip ba nilang puntahan ka rito?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Ipapaalam ko sana sa kanya na nagpunta sila Brooke dito nung nakaraan pero hindi ko na sinabi. Baka kung ano naman kasing laro nasa isip ng tatlong iyon, bakit aabalahin ko pa ang sarili ko na mag-isip? "Hatian mo nga rin ng lambing ito, kinukulang eh." Sabi ko kay Tristan na bahagya ko pang itinulak palapit kay Sohan.

Napakamot na lang si Tristan sa ulo niya.

Kinuha ko na ang bag niya mula sa kanya at ibinaba iyon malapit sa couch. Kinuhaan ko na rin ang strawberries sa bouquet dahil edible naman iyon, akala ko fresh strawberries iyon pero marshmallows pala at may strawberry jam sa gitna!

"Saan mo nabili ito?" Tanong ko kay Tristan bago isubo sa kanya iyong kalahati ng marshmallow. "Ang sarap!"

"You want more? Bibilhan kita ulit bukas."

"Eh? May sarili naman akong pera, just tell me kung saan."

"Nagtatalo pa sila niyan. Ako na lang bilhan mo Tristan!" Sabat na naman ni Sohan kaya tinignan ko siya ng masama. "What?" Natatawang tanong niya kaya nilapitan ko pa talaga siya para lang hampasin sa braso.

"Matulog ka na nga!"

"Aba, aba! May nalalaman ako na hindi mo alam, Crisella!" Pang-aasar niya pa sa akin habang humahalakhak. Bumuka sana sugat niya! "Alam mo ba kung saan galing iyong peklat ni Tristan?" Natatawang tanong niya kaya napalingon ako kay Tristan na masama na ang tingin kay Sohan ngayon!

Matagal ko ng gustong malaman kung anong nangyari kay Tristan noon at kung saan niya nakuha iyong peklat na iyon. Ang problema hindi ko naman alam kung paano itatanong, mamaya ay may hindi pala magandang nangyari sa likod ng peklat niya na iyon.

"Sohan, ibubuka ko iyang sugat mo." Banta ni Tristan kay So kaya pasimple na lang akong napangisi, where thinking the same thing, eh?

Pero ano ngang nangyari sa mata ni Tristan? Sa tawa ni Sohan mukha hindi naman traumatic experience ang nasa likod ng peklat na iyon, more likely embarrassing experience.

"At bakit mo ibubuka ang sugat ni So?" Nainingkit ang mga matang tanong ko kay Tristan. "I've been wondering where did you got that scar, Tristan."

"It's all in the past." Ngiwi niya bago ako talikuran at kinuha ang mga baon niyang damit. Kaagad naman akong sumunod sa kanya.

"Anong it's in the past? May bakas pa ng kahapon iyang kagwapuhan mo oh, hindi mo ako maiiwasang magtanong."

"Pagseselosin mo lang sarili mo." Aniya kaya lalong naningkit ang mata ko.

At kanino ako magseselos?

Narinig ko ang paghalakhak ni Sohan sa kama niya kaya nilingon ko siya bago taasan ng middle finger ko.

Ibinalik ko naman kay Tristan ang atensyon ko na papasok ng washroom, plano ata niyang magbihis na. "Tristan..."

"Magbibihis ako Crisella." Sabi niya at tangkang sasarhan ako ng pintuan ni Tristan.

Umiiwas siya sa akin kaya mas lalo akong natutuwa na asarin siya, napansin ko rin iyong pamumula ng pisngi niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng curiosity. Iniharang ko ang kamay ko sa pintuan ng washroom at sumunod sa kanya sa loob.

"Gago---Crisella?!" Narinig kong sigaw ni Sohan subalit hindi ko siya pinansin.

"W-What are you d-doing here? S-Sinabi ko na sa iyo, m-magbibihis ako." Natatarantang sabi ni Tristan, mas lalong namula ang pisngi niya kaya natatawa kong sinipa ang pintuan para isarado iyon.

"E'di magbihis ka. Hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung saan galing ang peklat mo."

"Crisella."

"Tristan Kupal, naghihintay ako."

"Naghihintay din ako. Lumabas ka na, please."

"Pagod ka na 'di ba? Gusto mo bang tulungan na kitang magbihis?" Ngisi ko subalit mabilis akong napangiwi ng mangunot ang noo ni Tristan at ngiwian ako. Kupal talaga oh. Para namang itutuloy ko kung anuman ang sinasabi ko.

"No. No. Kaya kong magbihis mag-isa, lumabas ka na, please."

"Wait, I just realized! Hindi pa tayo nagkakaroon ng disenteng date, like sa labas and do some stuffs."

"I have plans on asking you for a date naman. Hindi lang talaga maganda iyong mga nangyayari lately kaya hindi kita maaya. B-Bakit? Saan mo ba gustong pumunta para mapagplanuhan ko."

"So saan nanggaling ang peklat mo?" Muling ngisi ko at inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napaatras siya. "Tristan..."

"Crisella,"

Ako na ang napaatras ngayon. I don't want happened. Nagulat na lang ako si Tristan na ang lumapit sa akin at ako ang na-corner ngayon!

Pipino! Dumadagundong ang dibdib ko!

Ginagantihan na niya ako!

"Is this what you want?" Mas lalong dumagundong ang dibdib ko ng ilapit ni Tristan ang mukha niya sa akin. Pipino!

Napasinghap na lang ako at naipikit ang mga mata ko. Sabi ko nga, nakakatakot asarin 'to, doble ang ganti sa akin!

Nadinig ko ang pagbukas ng pintuan at kasunod niyon ang seryosong tono ni Sohan. "Crisella."

Lagot! Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Sohan. Seryoso talaga si Kumag. Pakiramdam ko tuloy may ginagawa kaming kababalaghan ni Tristan at nahuli kami ng tatay ko; well in fact, si Sohan na nga naman ang tumatayong tatay ko minsan!

Nang tignan ko si Tristan ay nakangisi siyang nakatingin sa akin kaya tinignan ko siya ng masama bago lumabas ng washroom.

"You're crossing the line." Seryoso pa rin ang tono ni Sohan ng kausapin ako matapos kong maupo pabalik sa couch.

"Na-ah. Inaasar ko lang naman si Tristan!" Depensa ko subalit seryoso talaga ang tingin sa akin ni So! Iyong tingin pa lang niya sapat na para itikom ko ang mga labi ko.

Napairap na lang ako bago abutin iyong strawberry marshmallows, nag-take lang ako ng ilang pictures niyon bago isa-isang kainin iyong marshmallows. Abala pa ako sa pagkain ng marshmallows ng lumabas na si Tristan mula sa washroom na nakapagpalit na ng damit.

Umarko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Pinapasabi pala ni ano..." hindi ko siya nilingon ng magsalita siya habang inaayos ang mga gamit niya sa tabi ko. Magtatampu-tampuhan muna ako, bahala siya diyan. "Uh... I forgot the name, ka-group mo ata sa research, may email daw siya sa iyo, ikaw na raw ang bahalang mag-revise."

Mukha bang magagawa kong mag-revise ngayon? Sana lang kaunti na lang ang revisions na iiwan nila sa akin!

"Crisella." Tinawag ako ni Tristan pero ayaw ko pa rin siyang lingunin. "Crisella." Tawag niya ulit sa akin, ayaw ko pa rin siyang harapin subalit siya itong tumabi sa akin at pinihit ako paharap sa kanya. "Mag-usap tayo."

"Ayaw ko."

"Crisella Travios."

Tinawag niya ako sa buong pangalan ko? Dapat na ba akong kabahan at matakot. Napairap na lang ako sa hangin bago siya lingunin ng salubong ang mga kilay. "Oh?"

Tumayo siya sa pagkakaupo sa tabi ko bago ilahad sa akin ang kamay niya. Nakangiwi ko namang tinanggap iyon at tumayo rin. Hawak-hawak niya ang kamay ko ng lumabas kami ng kwartong iyon, wala naman ng sinabi si Sohan at hinatid lang kami ni Tristan ng tingin.

Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad namin. Huminto lang si Tristan sa paglalakad ng makarating kami malaking sa malaking glass window ng hospital kung saan kitang-kita ang city lights.

"Bakit ba kailangan nating pag-awayan ito?" Tanong ni Tristan sabay hilot sa sintido niya.

Nailagay ko sa likuran ko ang mga braso ko bago ipaling ang ulo ko. "Hindi naman ah."

"Crisella."

"You how much I hate eating ampalaya, Tristan. Nagtatampu-tampuhan lang ako, okay?  I've been wondering about that scars of yours since we met, hindi ako nag-aabalang magtanong kasi mamaya hindi pala maganda ang nangyari sa'yo noon at nagkaroon ka ng peklat diyan. Turns out alam ni Sohan kung bakit may peklat ka riyan?"

Napansin ko iyong paghinga niya ng malalim bago salubungin ang tingin ko. "Paanong hindi malalaman ni Sohan kung siya iyong dahilan bakit ako nagkapeklat dito?" Tanong niya sabay turo sa peklat niya.

Umawang ang labi ko. Si Sohan ang may kasalanan?! "Huh? Anong kagagawan ni So? Don't tell me inaya ka sumama sa sindikato ng mokong na iyon noong mga bata pa kayo?!" I remember, ang daming alam ni Sohan pagdating sa mga sindikato, kaya nga may parte ko na iniisip na secret member siya ng isang sindikato, tss!

"What syndicate?" Takang tanong niya pabalik sa akin. "No, no, hindi iyon..." at doon na naman siya nag-iwas ng tingin sa akin.

"The rain is pouring, Tristan. What actually happened?" Muli kong naipaling ang ulo ko habang hinahabol ang tingin niya. "Tristan Kupal!"

"Palipat-lipat kasi kami ng bahay ni mama noon!" Sambit niya ng nakapikit. "Then may isang baranggay kaming nalipatan noon pero halos isang buwan lang kaming nag-stay doon. I met a friend there, siya iyong nagturo sa akin umakyat sa puno ng mangga at kainin iyon na may kasamang bagoong. Noon lang ulit ako nagkaroon ng kaibigan at kalaro kasi nga palipat-lipat kami ng tirahan and I hate to admit it but I had a small crush sa kanya noon."

Kaya pala may nalalaman pang ayaw daw ako pagselosin kasi patungkol na naman sa childhood crush niya!

"The day na aalis na kami, I can't find him anywhere. Kumakatok ako sa bahay nila pero walang lumalabas kaya inakyat ko iyong bakod nila pero aksidente akong nadulas at sumabit iyong mukha ko sa matulis na bagay. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang mata ko."

Okay, I'm trying to figure out what he said. Kasi hindi ko naintindihan. "All right, where's this girl now? Where is she? Nakausap mo siya bago kayo umalis noon? Oh... nasaan si Sohan sa kwento mo?"

Lahat na lang ata ng nakikitang babae nitong si Tristan nagiging crush niya eh. Subukan lang niyang ugali ngayon iyon, magiging abo lahat ng libro niya.

"Crisella, it's not a she."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Ha? What do you mean that's it's not a she?"

Hindi pa rin iminumulat ni Tristan ang mga mata niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Doon ko unti-unting napagtagpi-tagpi lahat. Napaawang ang labi ko dala ng gulat at hindi ko alam kung matatawa ba ako ngayon o mananahimik na lang.

"O-oh my gosh... you had a crush on him because his so handsome, don't you...?"

"Please stop bringing this up, Crisella."

Napangiwi ako para pigilan ang paghalakhak ko at bahagya siyang hinampas. "Niligawan mo lang ba ako para makalapit sa childhood crush mo?"

"Crisella," sa wakas ay iminulat na rin niya ang mga mata niya at hindi niyang inaasahang ang lapit-lapit ko sa kanya.

"Tristan," ngitian ko na siya ngayon bago pisilin ang pisngi niya. "Ibibigay ko sa'yo lahat ng copy ng childhood photos ko pag-uwi natin, okay?"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top