Chapter 35

Chapter 35: Loss a toss
CRISELLA'S POV

HINDI ko na alam ang gagawin ko o kung may dapat ba akong gawin. Alam kong walang maitutulong ang pag-aalala ko pero ano pa bang magagawa ko? Sohan is in critical condition at wala akong magawa para sa kanya!

Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko kaya kaagad akong hinatak ni Tristan palapit sa kanya para ikulong ako sa mga yakap niya. Sa kanya ko na naman naibuhos lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Nag-aalala ako subalit higit na nangingibabaw iyong takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung makakakilos pa ba ako kung sakaling hindi makasurvive ni Sohan. He's my everything, he's my only family, I cannot loss him.

"Crisella, the doctor's here." Tinapik ako ni Tristan bago niya luawagan ang pagkakayakap sa akin.

Pinunasan ko muna ang mukha ko, tinulungan din ako ni Tristan na ayusin ang buhok kong magulo na.

"Kayo ba ang guardian---"

Hindi ko na pinatapos ang doktor dahil inunahan ko na siyang magsalita. "K-kamusta po ang l-lagay ni S-Sohan?" Tanong ko at napatayo sa kinauupuan ako, kaagad din naman tumayo si Tristan para alalayan ako. "Ayos na po ba ang lagay niya? Is he awake? Can I  talk to him?"

"Wala ba kayong kasamang nakakatanda?" Nag-aalangang tanong ng doktor sa aming dalawa ni Tristan.

Mabilis naman akong napailing. "Nasa legal age naman na ako doc. Please tell me kung anong lagay ng kaibigan... ng kapatid ko."

Malalim siyang napabuntong hininga habang nag-aalinlangan pa rin siyang sabihin sa akin ang lagay ni Sohan. Napakapit na lang tuloy ako kay Tristan dahil ramdam kong hindi maganda ang balita ng doktor sa amin.

"The patient went cardiac arrest, Miss..." muntik na akong matumba mula sa pagkakatayo dahil sa narinig ko kaya kaagad akong inalalayan ni Tristan kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin. "We manage to revive him as soon as possible. However, he went comatose, as of now we're still observing his condition. He should regain his consciousness by a day or so."

"To put it simply, Sohan is still in a bad condition...?"

"Yes, miss..."

Nasapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko na alam kung paano ako makikipag-usap sa doktor kaya si Tristan na ang kumausap sa kanya.

Sohan, please wake up. Please be okay.

Binitawan ko ang kamay ni Tristan na hawak-hawak ko bago ako mapaupo sa hospital benches. Hindi na maganda ang mga bagay na nasa isip ko at hindi ko alam kung paano ko ititigil itong hindi magagandang bagay na tumatakbo sa isipan ko mgayon.

"Crisella, I'm sorry." Narinig kong anas ni Tristan pagkaupo niya sa tabi ko matapos na kausapin ang doktor.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Hindi naman mangyayari ito kung hindi ako nagpadala sa galit ko. E'di sana hindi ninyo ako kinailangang awatin. Sorry, kung n-naging makasarili ako, d-dahil sa akin..."

Namilog ang mga mata ko ng makita ko ang pagtulo ng mga luha ni Tristan. Mula ng isugod namin ni Sohan dito sa hospital ay tahimik lang siyang nakaalalay sa akin subalit ngayon...

Hindi ko kaya iyong ganito na nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko at sinisisi ang sarili niya. Ang bigat sa dibdib na makita siyang umiiyak. Latang-lata na rin iyong mga bulaklak na namumuhay sa mga mata niya.

"Tristan," napatigil ako, iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin. Nakayuko na siya ngayon at hindi ako magawang tignan sa mga mata kaya naman hinila ko na lang siya para yakapin. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan."

"S-sorry, sorry..."

Muli ko siyang niyakap ng napakahigpit bago siya iharap sa akin, pinunasan ko ang mga pisngi niya bago siya ngitian. "Masamang damo iyon si So, magigising pa iyon." Paninigurado ko sa kanya subalit alam kong hindi lang para sa kanya ang mga salitang iyon.

"Nawala si mama ng dahil sa akin at ngayon..."

"Wala kang kasalanan at walang mawawala." Pag-awat ko sa kanya dahilan upang tumigil siya at sa wakas ay sinalubong na rin ang tingin ko. Unti-unting nabawasan ang bigat na dinadala ko ngayon. Muntik ko ng makalimutan... "Hindi pinapako ni Sohan ang mga pangako niya sa akin. He promised na hinding-hindi niya ako iiwan," bahagya akong napangiti bago hawiin ang buhok ni Tristan na humaharang na sa mga mata niya. "Magigising din iyong Kumag na iyon."

"He never broke his promises?"

Nakangiti akong tumango kay Tristan.  "Mhmm... he never did. Kapag sinabi niya, hindi lang puro salita laging may kasamang gawa. Dahil hindi raw nakakagwapo kapag laging pinapako ang mga promises." Ibinaba ko ang mga kamay kong nasa pisngi niya at muli siyang hinila para yakapin.

Tama, hindi na ako dapat na mag-alala. Kung gising lang si Sohan ngayon at nakikita ako sa ganitong sitwasyon ay baka batukan at tawanan pa niya ako.

Iyong mga salitang binitawan ko kay Tristan ay siya ring mga salitang gustong-gusto ko marinig ngayon. Sa dami ng bagay na walang kasiguraduhan, gusto ko iyong sigurado ako na magiging maayos si Sohan, magiging maayos ang lahat, na sa huli lahat kami ay magiging masaya ulit.

MAGDADALAWANG araw ng hindi pa nagigising si Sohan. Nailipat na rin siya ng kwarto mula sa ICU. Iyong kaso sa tatay ni Tristan ay nadagdagan pa dahil sa ginawa niya kay Sohan. Nagpunta na sa presinto si Tristan noong nagdaang araw, gusto ko nga sanang sumama sa kanya dahil gusto kong mas×ntok iyong G×go niyang tatay.

Kahit dalawang s×ntok lang tiyak na ayos na ako, isa para kay Tristan at isa para kay Sohan.

Ang kaso, hindi ako pinayagan ni Tristan, kaya naman na raw niya at sasamahan naman daw siya ni Tita Hayley kaya magiging maayos naman ang lagay niya. Bukod doon ay wala ring magbabantay kay Sohan kung sakali kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Sa ilang araw na pagbabantay ko kay Sohan ay hindi man lang siya nagpaparamdam kung gigising na siya. Kahit na panatag na ang kalooban ko na hindi ako kayang iwanan ni Sohan ay lagi pa rin akong nakabantay sa ECG monitor dala ng takot ko na baka mag-flat line ang mga linya roon.

Kakatapos ko lang palitan iyong mga tubig sa flower vase ng may kumatok, matapos ang ikatlong katok ay pumasok si Xhera na may dalang sariwang prutas. Hindi rin naman makain ni Sohan iyon dahil hindi pa siya dumidilat.

"Kumusta?" Tanong sa akin ni Xhera pagkatanggap ko ng mga prutas at ilapag iyon sa table malapit sa kama ni So.

"Ganoon pa rin. Hindi pa rin nagigising---"

"I mean you. Ikaw ang kinakamusta ko Crisella. Kumusta ang lagay mo?"

Naiangat ko ang tingin kay Xhera. Bahagya akong ngumiti sa kanya para pagaanin ang loob niya, ayaw kong mag-aalala pa siya sa akin. "Ayos lang ako. Lalo na at nandito ka maging si Tristan." Nilingon ko si Tristan na natutulog sa couch, inaya niya akong matulog muna subalit pagkaraan lang ng ilang minuto ay gising na naman ako.

"Sure ka?"

"Magsasabi naman ako... kung hindi ko na kaya."

Niyakap na lang ako ni Xhera. Binitawan niya rin naman agad ako pagkaraan ng ilang sandali. "Oo nga pala, may mga gustong bumisita kay Sohan." Aniya at lumingon sa may pintuan.

"Sino?" Wala naman akong inaasahang ibang bibisita kay Sohan, bukod doon ay nasa abroad din ang parents niya.

Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Xhera at nginitian kaya naglakad ako palabas ng pintuan.

Magkahalong inis at gulat ang siyang sumalubong sa akin ng makilala ko kung sino ang mga nasa labas. Sinarado ko muna ang pintuan bago sila harapin. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko kay Brooke na kasama si Coral at Willow.

Nakangiti namang inabot sa akin ni Brooke ang isang bouquet. Hindi ko maitago iyong pagngiwi ko habang nakatingin sa kanilang tatlo. Sa dami ng posibleng bumisita kay So, silang tatlo pa talaga?

Gustong-gusto ng mga ito na lumayo ako kay Sohan, kaya bakit nandito silang tatlo? Subukan lang nila magkasik ng lagim dito, magkakasunod silang maisusugod sa emergency room.

"Uulitin ko ang tanong ko, anong ginagawa ninyo rito?"

"We heard the news, Crisella and Sohan is one of our old acquaintance." Nakangiting saad ni Brooke at nagtangkang buksan ang pintuan ng kwarto kung nasaan si So. Mabilis naman akong kumilos para harangin siya.

"Wala akong plano makipagbiruan sa inyo. Sohan's not accepting visitors." Mariing sabi ko bago ibalik sa kanya ang bouquet na inabot niya sa akin.

"You're being hard on us, Crisella." Singit ni Coral kaya nabaling sa kanya ang paningin ko.

Maging si Willow ay nagsalita. "We're still your friends. Kaya nga nandito kami para samahan ka, knowing na iyong daddy ng boyfriend mo pa pala ang nakabaril kay So." Lintaya ni Willow kaya muntikan ko ng matahi ang mga labi niya, mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko.

I managed to find a way para umalis ng campus si Brooke, yet she's here! I knew it, nandito na naman sila para makipaglaro sa akin.

"Umalis na kayong tatlo, baka hindi ko matanya ang sarili ko." Pinipili kong maging mahinahon sa kabila ng dami ng bagay na tumatakbo sa isipan ko. Ayaw ko ng madagdagan iyong stress ko. Hindi nakakaganda.

"Crisella, you know how to contact us. Feel free to call either one of us kung magtangka iyong boyfriend mo na saktan ka. You know what happened to her mother, hindi ba? Malay mo, nananalaytay talaga sa dugo nila ang pagiging m×matay---"

Napantig ang tainga ko. Hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ni Brooke dahil dumapo na ang palad ko sa pisngi ko.

"Crisella!" Bulyaw sa akin ni Coral at Willow subalit tinignan ko lang sila ng masama.

"Pissed off! Ayaw niyo talaga akong tigilan? Hanggang dito sa hospital plano ninyong manggulo?! Hindi ako kasing-isip bata ninyo. And please stop insisting that were friends, kasi alam naman nating apat na hindi totoo iyon. Kayong tatlo nga lang sin×ksak niyo pa ang isa't isa sa likod, hindi ba?" Tinapunan ko ng makahulugang tingin si Coral, naalala ko pa noong huli kaming nag-usap. Mukhang nabasa naman niya ang mga tingin na ipinukol ko kaya nag-iwas siya ng tingin bago hilahin palayo sa akin si Brooke.

"Let's go na nga." Natatarantang ani ni Coral at pilit na hinihila palayo sa akin ang mga kaibigan niya. "Akala ko ba you're just here to check Sohan's condition?"

Napakunot pa ang noo ko sa narinig kong tanong ni Coral kay Brooke, subalit sa huli ay napangiwi na lang ako.

"Si Sohan naman talaga ang ipinunta ko rito, duh?" Asik ni Brooke bago tinulak palayo sa kanya si Coral at ako na naman ang plano niyang pagdiskitahan. "You better let me see Sohan or else---"

"Ako pa talaga babantaan mo? Hindi ka nga umuubra sa akin." Napahalukipkip na ako habang nakatingin kay Brooke. "Naliligaw ka ba? Iyang lang iyong hallway o, diretsuhin ninyo, pagliko sa kanan, nandoon ang elevator, bumaba kayo hanggang ground floor, mararating niyo na ang hospital lobby. To put it simply, umalis na kayo."

"Crisella, let me see him!" Mukhang idadaan na ako ni Brooke sa tantrums niya. Bubuksan na naman sana niya ang pintuan subalit mabilis ko siyang naharang. "You have your boyfriend, too. For sure you love him! You should understand what the hell I'm pointing here, Crisella!" Naghihysterical na siya ngayon!

Ako pa ang may kasalanan?

"Wala akong naintindihan sa sinasabi mo, umalis na sabi kayo!" Nawawala na iyong pagiging kalmado ko at nasisigawan ko na siya ngayon. Hindi ko inaasahang itutulak niya ako kaya nakapuslit siya at diretsong binuksan ang pintuan para pumasok doon!

"Brooke!" Inis na sambit ko, magkasunod namang pumasok si Coral at Willow kaya napipikon ko silang tatlo na sinundan sa loob. Punong-puno ngayon ng pagtataka ang mukha ni Xhera habang nakatingin sa kanilang tatlo na dire-diretsong pumasok.

Nahawi ko na lang patalikod ang buhok ko. They left me with no choice. Plano ko na sanang kaladkarin palabas ng kwartong ito si Brooke ng mapansin ko na seryoso siyang nakatingin kay Sohan.

Salubong ang mga kilay ko na lumapit kay Xhera. Tulog pa rin si Tristan kaya ayaw ko siyang gisingin. "Bakit ba nandito iyang tatlong iyan? They didn't blackmail you or something?"

"I don't know. Paakyat na ako rito kanina ng biglang lumapit sa akin si Brooke sa lobby. She insisted that she wants to see Sohan!"

"She wants to see So, for what? Tapos na ang obsession niya kay Daniel kaya si Sohan na naman ngayon? That bitch, wants Sohan dead before!" Para na akong batang napapadyak sa inis.

Tinignan ko lang ng masama si Brooke ng lumapit siya sa amin matapos niyang makalapit kay Sohan na hindi pa rin nagigising. For all I know baka mas mapatagal pa ang gising ni So kung nandito ang bruhang ito.

"When will he wake up?" Tanong ni Brooke pagkalapit sa amin.

Hindi kaya gumamit siya ng dr×gs kaya nagkakaganito siya o baka may taning na?! "Kung magising man ngayon si Sohan, magpapanggap pang walang malay iyan, kasi nandito ka, kayo." Iling ko at nilingon si Willow at Coral na nakasunod sa kanya.

"I'm leaving."

Paalam ni Brooke kaya lalong umarko ang kilay ko. Matapos niyang bitawan ang dalawang salita na iyon ay dire-diretso siyang lumabas ng wala ng sinasabi. Maging si Willow at Coral ay nakasunod pa rin sa kanya.

Nagtataka man ay kaagad kong isinarado ang pintuan ng kwarto pagkaalis nila. Tinignan ko kaagad ang sitwasyon ni Sohan. Sa maya't mayang pagbabantay ko sa kanya kabisado ko na ang apparatus na nakakabit sa kanya. Normal din ang ECG monitor.

Kaya anong ipinunta ni Brooke dito?

"Should we call the cops?" Tanong ko kay Xhera kaya nagtataka siyang nakatingin sa akin ngayon. "Mukhang nakadr×gs si Brooke eh."

Nagkibit balikat lang si Xhera kaya nasapo ko na lang ang noo ko.

ISANG araw na naman ang nagdaan ng hindi pa rin naimumulat ni Sohan ang mga mata niya. Kakatapos lang siyang bisitahin ng doktor para tignan ang vitals niya. At ngayon ay ito kami ni Tristan na nagtatalo.

Siya iyong nakikipagtalo!

"Kailangan mong pumasok, Tristan." Mariing saad ko subalit mabilis niya akong inilingan.

"I can't leave you here."

"I can handle myself. Babantayan ko lang naman si So rito. Isa pa, kailan ka lang tumuntong sa year level na ito ah. Paano kung hindi maging maganda ang maging class standing mo, e'di maghahabol ka ng subjects? At kung hindi mo mahahabol this semester, male-late ka pa ng graduation?" Mahabang lintaya ko sa kaya kaya napaiwas na lang siya ng tingin sa akin.

Ngayon kami magkakasubukan ng pasensya kasi ayaw niyang makinig sa akin.

"Kahit naman pumasok ako, wala ring papasok sa isip ko kung inaalala kita."

Saglit kong naitikom ang mga labi ko. Naintindihan ko naman ang gusto noyang iparating pero ayaw kong maapektuhan iyong class standing niya dahil sa akin. Naipatong ko ang hintuturo ko sa noo niya bago siya tinapunan ng tingin.

"I'll give you whatever you wishes oras na pumasok ka. Deal?"

"Crisella," hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. "Gusto kong samahan ka rito."

"Well, gusto kong pumasok ka. Isa pa, wala ka bang ibang gusto? Ayaw mo man lang ng hugs and kisses ko?" Okay, sana hindi ko pagsisihan mamaya lahat ng pinagsasabi ko.

"Hindi ako papasok."

"Are you sure? Compliments ko pa nga lang halos ikamatay mo na sa kilig, hugs and kisses pa kaya?" Ayaw talaga niyang magpatalo! "Fine! Ako na lang ang papasok, ikaw ang magbantay kay Sohan."

"Hindi naman pupwedeng ako ang magbantay kay So." Nakamot na lamg niya ang ulo niya.

Naipaling ko ang ulo ko bago humalukipkip.

"Fine, papasok na ako."

Papayag din pala, nakipagtalo pa sa akin! Nakangiti ko ng dinampot ang messenger bag niya at inabot iyon sa kanya. "By the way, if dadaan ka sa shop, pakiusapan mo muna si Miss Bethany ah. Hindi ko pa siya makausap personally eh."

"Ako na sasalo sa shift mo."

"Sasalo? Ayaw mo ngang pumasok ngayon. Sige na, lumabas ka na nga. Mamaya tamarin ka pa lalong pumasok." Saad ko at ako na mismo ang nagtulak sa kanya palabas ng hospital room. "Iyong mga activities na ma-mi-miss ni So, huwag mong kalimutang i-take note para magawa ko ah."

"Ikaw ang gagawa?"

"Yep. Nagtutulungan naman kami ni Sohan sa schoolworks lalo na kapag hindi talaga namin kaya. Hindi lang ako tinutulungan niyan kapag alam niyang tinatamad ako." Tinapik ko ang balikat niya at pinagbuksan siya ng pintuan. "Ingat! I-message mo na lang ako kapag nasa campus ka na ah. With pictures! Isa ka pa namang magaling mag-cutting classes!"

Nahimas na lang niya ang batok niya habang nakatingin sa akin. Alam ko namang hindi na siya nag-cu-cutting classes ngayon kasi gusto niyang maging good influence sa akin. Tss!

"Bye!" Paalam niya at ninakawan pa ako ng halik sa noo bago patakbong tinahak ang hallway.

Bwisit ka talagang Kupal ka!

Nagwawala pa ang puso ko ng isarado ang pintuan. Pinoproseso pa ng isip ko iyong kakupalan ni Tristan kaya saglit akong napasandal sa pintuan. Kaya pala ayaw ng hugs and kisses! Kisses lang ang gusto! Geez.

Ikinakalma ko pa ang sarili ko ng magtama ang mga mata namin ni Sohan. Bahagya pang nangunot ang noo niya habang tinitignan ako.

"S-Sohan... you're awake." Usal ko at napansin ko naman ang makailang ulit na pagkurap niya kaya kaagad kong natawagan ang doctor para tignan ang lagay niya.

Thank God, he's awake!

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top