Chapter 34
Reader's Discretion: This chapter contains scenarios that shouldn't be imitated in real life.
Chapter 34: Paddle your own canoe
NAGING mapayapa ang ilang araw na paglayas ni Crisella mula sa bahay nila. Kung saan-saan siya nakarating kakalakad ng dire-diretso at hindi na nag-aabalang lumingon pa pabalik. Nakarating na siya ng Quezon City, Sta. Mesa, Sampaloc at kung saan-saan pang dako ng Maynila ng nakayapak lamang.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung may gusto ba siyang puntahan. Kipkip ang maliit na halaga ng salapi ay pinagkakasya niya iyon sa pang-araw-araw na gastusin, madalas ay nakalaan lamang para sa pagkain niya, kung susumahin ay kumakain lamang siya sa tuwing gutom na gutom na siya. Kung minsan ay nanghihingi lang siya ng tira-tira ulam sa mga karinderya.
Sa pagtulog? Sa kalsada siya natutulog, malapit sa mga establisyamentong nanatiling bukas ang mga ilaw sa labas. Hindi na niya alintana ang ingay ng mga bumubusinang sasakyan o ang pagdaan ng tren mula sa riles, maging ang mga ipis at daga sa kalye ay hindi niya pinagtutuunang pansin. Wala na lang ang mga na iyon para sa kanya kumpara sa dinadanas niya sa bahay nila noon.
Nang magbagong taon ay sa kilalang parke siya sa Maynila natulog dahil maraming tao ang naroroon. Marami ring mga pamilya ang naglatag ng kani-kanilang tent upang salubungin ang bagong taon.
Doble ang ingat niya sa paglalagalag noon dahil sa mga paputok na maaaring hindi pa tuluyang nasisira. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa ilang mabubuting loob na namigay ng mga damit, pera at pagkain noong bagong taon. Kahit ma hindi niya alam kung saan siya pupunta ang mahalaga ay mayroon na siyang gamit kahit papaano!
Ngunit makalipas lamang ang isang buwan, doon na naramdaman ni Crisella ang kapalit ng desisyong pinili niya. Paubos na ang perang mayroon siya, hindi rin sasapat ang perang nahihingi niya sa panlilimos at pangangalakal.
Dahil sa murang edad at dahil babae siya ay hindi man lang siya makakuha ng trabaho kahit na maging katulong sa mga tindahan sa palengke. Ang mga magulang niya? Wala siyang ideya. Ni hindi niya alam kung hinahanap pa nga ba siya ng mga ito.
Dulot ng matinding gutom ay nagawa niya ang kauna-unahang krimen niya. "Ate, magkano iyan?" Painosenteng tanong niya sa tindera ng hopia sa talipapa sa Binondo. Maraming tao sa paligid, paroon at parito ang mga ito kaya malakas ang loob niyang gawin ang kalokohang nasa isip, isa pa ay ngayon lang naman niya ito gagawin. Ngayon lang, kailangan lang niyang maitawid ang gutom niya.
"Bente isang balot." Tugon naman ng tindera na abala sa pag-aayos ng paninda niya sa loob habang kung kaya't hindi niya nababantayan ng diretso ang panindang nasa harapan.
"Isang balot nga po!" Nakangiting saad ni Crisella bago damputin ang isang balot. Nang hindi nakatingin ang tindera ay muli siyang kumuha ng isang balot at itinago iyon sa suot niyang jacket.
Matapos niyang bayaran ang isang balot ng hopia ay umalis na siya roon at humalo sa dami ng tao. Sa isip niya ng mga panahong iyon ay hindi naman pagnanakaw ang ginawa niya, nagbayad naman siya, kulang nga lang, kaya ang ipinangako niya sa sarili niya ay babayaran na lang niya ang isa pang balot ng hopia sa susunod na magkapera siya.
Tuwang-tuwa na ulit siya ng makakain kahit papaano. Patalon-talon pa siya habang bimabaybay ang maliit na tulay. "Pwede naman pa lang mag-buy one, take one. Bakit ko pa titipirin ang sarili ko?" Nakangising tanong niya bago saglit na huminto sa paglalakad at silipin ang maliit na sapa sa ilalim ng tulay subalit napangiwi siya dahil ang sangsang ng amoy nito, nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad ng hindi pa rin nabubura ang ngiting nasa labi.
Gayunpaman, dulot ng tuwa at paniniwalang mapapadali ang pamumuhay niya, unti-unti ng namamantsahan ng kadiliman ang kabutihang mayroon siya.
ARAW ng Lunar New Year. Nananatiling nasa Binondo si Crisella. Tulad ng nakasanayan ay pagala-gala lamang siya sa kalsada, matutulog kung saan-saan at kukuha ng pagkain sa paraang hindi naman dapat niya ginagawa.
Tuwang-tuwa niyang pinanood ang Dragon Dance sa Chinatown habang nanlilimos siya sa mga dayong nandoon. Dahil sa dami ng tao na nag-abot ng barya sa kanya ay hindi niya kailangang mag-buy one, take one ng araw na iyon.
"Kong Hei Fat Choi!"
Napaigtad siya ng may matandang babae ang nakangiting lumapit sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin kaya naman tatalikuran na lang sana niya ito subalit inabutan siya nito ng isanng karton na sinlaki ng karton ng pizza.
"Masarap ang tikoy na ito, hija. Iuwi mo sa inyo at pagsaluhan ninyo ng mga kapatid mo." Ani ng matandang babae at inabot ang mga kamay niya upang ipatong doon ang tikoy.
"P-po?" Palipat-lipat ang tingin niya sa matandang babae at sa tikoy na hawak na niya ngayon. Wala naman na siyang kapatid at wala na rin siyang dapat na uwian. "Wala po akong pambayad niyan." Pagdadahipan niya sa matanda subalit kaagad siyang inilingan nito.
"Bigay ko sa iyo iyan."
Hindi sana niya tatanggapin ang tikoy subalit tinalikuran na siya ng matanda. Naiiling na siyang napatingin sa hawak niyang karton ng tikoy ngayon. "Masarap ka sana, kung maluluto ka!" Ang problema, wala naman siyang tinitirahan at wala siyang kagamitan sa pagluluto. Napangiti na lang siya ng may ideyang sumagi sa isip niya. "Thank you po!" Pasasalamat niya sa matandang babaeng nagbigay ng Tikoy sa kanya kahit hindi na niya makita ito.
Ibebenta na lang niya ito sa mga dumadaan o kaya naman ay ipapalit niya ng lutong pagkain sa mga tindahan sa tabi-tabi.
Sa paglipas ng ilan pang buwan ay lalo lamang natutunang magn×kaw ni Crisella sa maliliit na tindahan, lalo na sa Divisoria kung saan madalas na maraming tao. Mula sa pagkain ay natuto siyang magn×kaw ng mga damit at ipit para bihisan ang sarili niya. Iyong pangako niya sa sarili niya na kukuha lamang siya para sa pangangailangan niya ay unti-unti ng nabubura sa kanyang isipan dahil sa pagkasilaw sa mga materyal na bagay.
Buwan ng Hunyo, malapit na ang pasukan kaya marami na namang tao sa Divisoria, kaliwa't kanan ang mga taong naroroon para mamili ng mga gamit pang-eskwela. Hindi namakapaghintay si Crisella na makuha iyong damit sa isa sa mga mall sa Divisoria na ilang araw na niyang dinadaan-daanan.
Suot ang beanie na kinuha niya sa mga tindahan sa labas, na pinailaliman ng itim na itim na piluka na may kasamang ilang hibla ng buhok sa harapan ay isinuot niya iyon bago patungan ng face mask ang mukha niya. Suot ang itim na jacket ay na ibinigay ng batang lalaki na nakasalubong niya noong nakaraang taon ay inihanda na niya ang sarili para sa panibagong trabaho.
Natutuhan niyang magsuot ng disguise dahil sa mga napapanood niyang pelikula noon, maliban doon ay ayaw niyang matulad sa mga batang kalye na palaging hinahabol ng mga pulis dahil sa pagn×nakaw.
Siksikan sa loob ng naturang mall, hindi lamang kasi gamit pang-eskwela ang pinamimili ng mga taong naroroon, ang iba ay sinusulit na ring mamili ng damit dahil sa murang halaga ng mga ito.
Nagkakagulo ang mga mamimili sa sa tindahan ng damit kung saan niya planong gawin ang masamang balak niya. Sumabay siya sa nagkakagulong tao, kunwari ay may kasama siyang nakakatanda na bibili ng damit kaya itinuro niya ang damit na nais niya at pinaabot iyon sa tindera, hindi siya masyadong napagtuunan ng pansin nito dahil may aleng magbabayad ng kanyang pinamili. Kunwari pa siyang nagtingin-tingin sa loob ng tindahan kahit sapat na iyong damit na hawak niya.
Nang makakuha ng tamang tiempo ay kaagad siyang umalis ng tindahang iyon, sumabay siya sa dalawang ale na magkasamang namili sa tindahan na iyon nang walang makahalata sa damit na n×nakaw niya.
Ibinulsa niya ang damit na dala-dala dahil hindi naman kakapalan ang tela noon, bukod doon ay malaki ang bulsa ng suot niyang hoodie. Ibang direksyon na ang dinaanan niya. Dumaan siya sa pagawaan ng mga sirang gadyets at nagmamadaling lumabas ng mall.
Kakalabas lamang niya ng mall ng mapansin niyang may sumusunod sa kanya. Akala niya ay aksidente lang niyang nakasabay ang lalaki ngunit nakumpirma niyang sumusunod ito ng lumiko sa isang eskinita kung saan walang masyadong tao.
Mali atang nagpunta siya sa lugar na walang masyadong tao, hindi niya maililigaw ang taong ito!
Subalit huli na ang lahat dahil hinabol at hinarang siya nito.
Mabilis na kumabog ang dibdib niya habang tinitingala ito. Bakit ba siya nito sinundan? Anong kailangan nito sa kanya?
"Nakita ko iyon." Anito kaya pasimple siyang napalunok.
Inayos niya ang postura niya. Hindi siya pupwedeng mahuli ninoman. "Inaano ka?" Patay malisyang tanong niya bago sanggiin ito at dire-diretsong maglakad ulit ngunit humabol na naman ito!
"Nakita ko iyong pagn×nakaw mo." Kaswal na sabi nito kaya sandali siyang napahinto siya sa paglalakad. Nang mapagtanto niyang kailangan niyang magpatay malisya ay bumalik ulit siya sa paglalakad pero mahaba ang biyas ng lalaki kaya nakakahabol ito sa paglalakad niya ng mabilis. "You're an amateur, hmm?"
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Giit niya na halos lakad-takbo na ang ginagawa. Wala nga naman talaga siyang alam dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang amateur.
"Hindi ka marunong mag-ingat, posibleng mahuli ka kaagad." Anito at narinig pa niya ang pagngisi nito.
Tatakbo na sana talaga siya palayo rito subalit bago pa siya makatakbo ay bigla nitong hinatak ang suot niyang piluka. Kasamang nahatak ang suot niyang beanie! Galit na siya ng lingunin ito.
"Ano bang problema mo?!" Bulyaw niya rito, nahablot na rin niya ang suot na face mask dahil sa galit.
Tinawanan lang siya ng lalaki, doon lang niya napansing kaedad lang niya ito at pamilyar ang mukha nito! "Chill, makinig ka muna." Tumatawa pa rin ito habang nakataas sa ere ang dalawang kamay bilang pagsuko, hawak naman nito sa kanang kamay nito ang beanie at wig niya! "Anong s×ndikato may hawak sa iyo? Hindi ka lang p×mapatay, nagnanakaw ka rin, huh?"
Nangunot ang noo niya. Anong sinasabi nitong s×ndikato at pum×patay? Oo at nagn×nakaw siya subalit hindi niya kayang pum×tay!
Unti-unting namilog ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan! Ito iyong lalaking nagbigay sa kanya ng jacket na suot niya rin ngayon!
"Wala akong p×natay! Sariling dugo ko iyong nakita mo noon, galing sa sugat ko!" Kaagad na giit niya at binawi rito ang beanie at wig niya. "Anong kailangan mo sa akin? Itong jacket mo? Sige na, ibabalik ko na." Huhubarin na sana niya ang suot ma jacket subalit kaagad siyang pinigilan ng lalaki.
"Walang s×ndikato na may hawak sa'yo?" Tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay.
Mabilis siyang umiling. "Wala." Ilang ulit na rin niyang narinig iyong mga batang parte ng s×ndikato, ayaw niyang sumama sa mga iyon, isa pa, kung pipilitin man siya ng mga ito, sisiguraduhin niyang makakatakbo siya ng mabilis. Ayaw niya ng may tao pang magdidikta sa kung ano ang gagawin niya.
"Saan ka nakatira? Nasaan ang mga magulang mo?"
Kilay naman niya ang tumaas ngayon dahil sa personal na mga tanong ng lalaki. "Ano bang pakialam mo? Kaya ko sarili ko! Kung hindi mo na kukunin itong jacket mo, tigilan mo na ako at huwag kang magtatangkang magsumbong sa mga pulis!"
"Wala akong plano magsumbong sa mga pulis. Ang akin lang naman baka trip mong magtrabaho kasama ako." Anito kaya lalong umarko ang kilay niya.
"Huh? Ayaw kong minamanduhan ako. Isa pa, baka ikaw itong parte ng s×ndikato!" Ngiwi niya na halos nandidiri pang nakatingin dito.
"Parte ng s×ndikato? Itong mukhang ito?" Itinuro ng lalaki ang mukha niya na bahagya pang lumapit sa kanya kaya umatras siya. "Sa gwapo kong ito? Tsk!" Binalik na nito ang beanie at wig niya saka nito inabot ang kamay upang makipagkilala sa kanya. "Sohan. Sohan ang pangalan ko."
Nakangiwi pa rin siya at nandidiri ang hitsura na nakatingin sa lalaki na Sohan pala ang pangalan kahit napakalinis naman ng kamay nito.
"Seriously? Sa gwapo kong ito? Mukha ba akong masamang tao? Kaya nga Sohan ang pangalan ko eh," bumalik na naman ang ngisi nito. "So Handsome..."
Lalo lang siyang kinilabutan sa pinagsasabi ng lalaki kaya nahampas niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya.
"Tigilan mo nga ako. Sa dami ng mga bata diyan, ako pa talaga pagdidiskitahan mo!" Gigil na sambit niya at humakbang na para talikuran ito subalit humabol na naman ang lalaki, ayaw talaga siya nitong tigilan!
"Sungit naman nito! Saglit lang kasi. Gusto kong makatrabaho ka, okay? Alam mo ba kung gaano ka ka-interesting?"
Namilog na naman ang mga mata ni Crisella at naituro ang lalaki. "May crush ka sa akin?!"
"Huh? Kapal naman ng mukha mo. Sabi ko lang interesting ka!" Giit naman ni Sohan na siya ng nakangiwi ngayon bago nito ibaba ang kamay niyang nakaduro rito. "Once in a lifetime offer lang ito. May maganda akong tinitirahan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo at pwede mong kainin lahat ng gusto mo."
Paano naman nagkaroon mg sariling bahay ito? Ang bata pa nito at halatang hindi nalalayo ang edad sa kanya. Subalit may parte sa loob ni Crisella na gustong tanggapin ang inaalok nito. Gayunpaman, naroroon ang mga agam-agam niya at takot na pagkatiwalaan ito.
"Hindi ako interesado, hmph!" Inismiran na lang niya ito at tinalikuran.
Sino nga ba naman siya para ibigay ang tiwala niya sa taong dalawang beses lang niya nakita.
Akala niya ay tinigilan na siya ni Sohan ngunit ng lumingon siya at tahimik lamang itong nakasunod habang sumisipol!
"Bakit ba nakasunod ka pa rin?!" Inis na tanong niya rito kaya mabilis na sumilay ang nakakalokong ngiti nito.
"Sa pagkakataong ito, ano bang gusto mo? Handa akong ibigay."
"Anong tingin mo sa akin? Uto-uto?!"
"Seryoso ako, sabihin mo. Ibibigay ko." Sinasabi nitong seryoso ito subalit nakakaloko naman ang ngiti sa labi nito kaya ayaw maniwala sa kanya ni Crisella! "Sabihin na lang natin na isa akong genie at pupwede kang huling ng isa. Yep, isa lang, huwag kang abusado."
Siya pa ang abusado?!
Kung sasabihin ba niya ang gusto niya ay titigilan na kaya siya nito?!
Malalim siyang napabuntong hininga at hindi nagdalawang isip na sabihin dito ang tanging hiling niya. "Gusto ko lang mabuhay ng masaya! Ano titigilan---"
Siya ang natigilan ng humakbang si Sohan palapit sa kanya. "Bigyan mo ako ng isang buwan, sisiguraduhin kong matutupad ang hiling mo sa loob ng isang buwan."
"Nasisiraan ka na ba?!"
"Paano kung magawa ko nga? Magtatrabaho ka na kasama ako?"
Hindi niya maintindihan ang sarili niya. May parte niya na natatakot magtiwala rito subalit may parte niya na sinasabing ito niya pupwedeng hayaan na makawala ang pagkakataong ito. Saglit lamang niyang pinag-isipan ang magiging desisyon niya.
Mamimili na rin naman siya, pipiliin na niya kung saan niya maaaring mahanap ang kasiyahan niya.
Inabot niya sa lalaki ang kanang kamay niya at sapilitang ngumiti. "Crisella," pakilala niya kaya ngumiti ng napakalapad si Sohan bago tanggapin ang kamay niya.
"Ipapakita ko sa iyo kung ano ang totoong kasiyahan, Crisella. Hindi mo pagsisisihan ito." Ngiti sa kanya ni Sohan.
Hindi maipagkakaila ni Crisella na mas lalong gumaan ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya. Ang dami pa ring tanong sa isipan niya ngunit pinili niyang bigyan ng katiting na tiwala ang lalaking hindi niya inaasahang magiging natatanging pamilya niya na pahahalagahan niya ng lubos.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top