Chapter 31

Chapter 31: I, we, are falling apart
CRISELLA'S POV

INABUTAN ako ni Sohan ng isang boteng tubig subalit hindi ko nagawang tanggapin iyon. Kagat-kagat ko lang ang hintuturo ko habang lakad ako nang lakad pakaliwa at pakanan.

"Crisella, your actions is not helping." Paalala sa akin ni Sohan na siya ng uminom ng isang boteng tubig.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, okay? Ni wala akong ideya sa sitwasyon na iyon ni Tristan!" Nalamukos ko ang sarili kong mukha sa inis. Nasisigawan ko na si Sohan kahit na tinutulungan lang naman niya ako.

"Tinanong mo na ba si Tita Hayley?" Nanatili pa rin siyang kalmado kahit ang tindi na ng frustrations ko, guilt lang tuloy ang inaabot ko kahait pinilit kong ikalma ang sarili ko.

"I couldn't do that! Maski si Tita Hayley nag-aalala kay Tristan!"

"Kumalma ka muna, saka tayo ulit maglilibot." Paaalala sa akin ni So at bahagyang tinapik ang ulo ko.

Nang malaman ko iyong nangyari at humingi ng tulong si Tita Hayley sa akin ay pinauna ko ng umuwi si Xhera at si Sohan ang binulabog ko. Mabuti na lang at pumayag siya kaagad.

Wala akong ideya kung anong oras na pero paniguradong madaling araw na. Kung susumahin ay palagi lang namang nasa bahay, school at shop si Tristan kaya maging si Sohan ay walang ideya kung saan siya pumunta. Na-access ni Sohan ang location ni Tristan subalit nawala rin iyon makaraan ang ilang oras dahil namatay ang phone ni Tristan.

Napatingin ako kay So na abala na naman sa phone niya. Malalim akong napabuntong hininga bago lumapit sa kanya. "Inopen na ba ulit ni Tristan ang phone niya?"

"Hindi pa pero may nakita ako,"

"Ano iyon? May kinalaman ba iyan kay Tristan? Sohan, please tell me!"

Inangat ni So ang tingin niya sa akin bako i-off ang screen ng phone niya. Sa tingin pa lang na ipinupukol niya sa akin ay alam kong hindi siya magsasabi. "Mas mainam ng kay Tristan mo mismo malaman."

"Hindi ko nga alam kung nasaan siya! Paano ko pa---" tumigil ako sa pagsasalita at inis na nahawi patalikod ang buhok ko. Ayokong ibaling kay Sohan ang inis ko kaya pinili kong talikuran na muna siya.

"Umuwi na tayo, Crisella. Pagod ka rin galing sa shop, magpahinga ka muna. Sasabihan ko na lang din si Tita Hayley."

Sumakay at binuksan na ni Sohan ang makina ng motor niya ngunit hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Na-o-overwhelm na ako sa thoughts na nasa isip ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ito ang huling location ni Tristan base sa phone niya kanina at nang makausap ko si Tita Hayley ay malapit daw dito kung saan nakatira sila Tristan noon.

"Crisella," tinawag ulit ako ni Sohan, bago pa niya piliing buhatin ako pasakay sa motor niya ay hinarap ko na siya at aangkas na sana sa likuran niya nang maaninag ko ang taong kanina ko pa hinahanap.

Maging si Sohan ay gulat na nakatingin ngayon kay Tristan na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Naglaho lahat ng mga bagay na bumabagabag sa akin, hindi na ako nakapag-isip, sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatakbo ang distansya namin ni Tristan.

"Nag-message ka man lang sana sa akin kung may nangyari!" Sambit ko at bahagya hinampas ang braso niya.

Iyong white polo shirt at black pants na lang na uniform namin sa shop ang suot niya, habang iyong apron niya ay nakabalot na sa kuting na karga-karga niya.

"Tristan," pagtawag ko sa kanya nang hindi niya ako imikin. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Hindi niya pa rin ako iniimik ngunit humakbang siya palapit sa akin upang isandal ang ulo niya sa balikat ko, pinanatili niya ang distansya sa pagitan naming dalawa dahil sa kuting na karga niya. Walang salitang namutawi sa labi ko kaya hinagod ko na lang ang likuran niya.

Ilang minuto siyang nanatiling nakasubsob sa braso ko bago niya ayusin ang tayo niya at harapin ako. Ang gulo-gulo na ng buhok ko kaya hinawi ko na iyon para sa kanya.

Ang tamlay-tamlay ng mga daffodils sa mga mata niya at hindi ko alam kung paano ibabalik ang sigla niyon.

"Umuwi na tayo, Tristan." Ngiti ko bago hinawakan ng mahigpit ang kamay niya at tanggapin ang marahan niyang pagtango.

KAHIT pagod ako ay hindi ako nakatulog dahil ang daming bagay na bumabagabag sa isip ko. Alas-cinco pa lang ng umaga ay napabangon na ako sa kinahihigaan ko para magtimpla ng gatas.

Humihikab pa ako ng silipin ko si Tristan na natutulog sa kwarto ni Sohan. Nasa kanang bahagi si Tristan ng kama habang si Sohan ay malalaglag na sa kama niya sa kaliwa, pumayag siyang patulugin si Tristan sa kwarto niya pero hindi ibig sabihin niyon ay mawawala ang kaartehan niya.

Ayaw umuwi ni Tristan sa kanila kagabi kaya nandito siya sa bahay ngayon. Sinabihan ko na lang din si Tita Hayley na gising pa rin pala kagabi.

Nang maaalala ko si Tita Hayley ay kaagad akong nag-message sa kanya na mahimbing namang nakatulog si Tristan.

Iniisip ko pa ngayon kung matatanong ko ba si Tristan kung anong nangyari at kung bibigyan niya ba ako ng sagot. Malalim na lang akong napabuntong hininga bago mag-ayos.

Pasado alas-sais nang may mag-doorbell sa labas. Tulog pa si Sohan kaya walang ibang haharap sa tao sa labas maliban sa akin.

"Xhera!" Gulat na sambit ko nang bumungad sa harapan ko si Xhera na naka-pajamas pa nga kung tutuusin, nakasuot pa siya ng beanie. "What are you doing here?" 

Kusang umarko ang kilay ko nang mapansin ko ang pamilyar na lalaking kasama niya. Nakabuka na ang labi ko para magtanong pero sinenyasan niyo iyong kasama niya na iwanan na siya rito.

Hindi na ako nakapatanong dahil si Xhera na mismo ang humila sa akin papasok sa loob ng bahay.

"Good morning!" Bati niya sa akin bago maupo sa couch.

"Xhera, anong ginagawa mo rito? At sino iyong kasama mo? Hindi ba at si Steve iyon? Akala ko ba...?" Nasapo ko na lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Sinabi ko naman na sa'yo, komplikado." Anas niya at nginitian ako na parang wala lang iyon. Wala na akong nagawa kung hindi ang pabagsak na maupo na lang sa tabi niya. It's her decision, sino ba ako para makialam? "Ano pa lang nangyari kay Tristan? Nagkita na kayo kagabi?" Tanong ni Xhera at marahan naman akong tumango.

"Yeah and I still don't know what's happening." Naalala ko bigla iyong kuting na halos bagong panganak lang kagabi na bitbit niya, sinilip ko tuloy kaagad iyong kuting doon sa karton na pinaglagyan namin, namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa karton, akala ko naman ay isa lang iyon, dalawa pala iyong kuting!

"Akala ko ba allergic si Sohan sa pusa?" Tanong ni Xhera na nasa tabi ko na.

"Tristan brought them last night." Saad ko. Naalala ko iyong ngiwi ng pandidiri ni Sohan habang nakatingin sa kuting na dala ni Tristan kagabi. "May mga tao naman allergic sa pusa pero nakakapag-alaga pa rin ng pusa, nag-iinarte lang 'yan si So."

"Eh? Dumaan si Tristan dito?"

"Nah, he's sleeping inside Sohan's room." Saad ko at inginuso ang kwarto ni Sohan subalit namilog ang mga mata ko nang makita si Tristan na nakatayo na roon. "Good morning." Bati ko sa kanya at unti-unti namang umaliwalas ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Balik muna ako sa couch, ayaw kong maging third wheel." Bulong sa akin ni Xhera at pasimple pa akong hinampas.

"Good morning." Bati pabalik sa akin ni Tristan nang makalapit siya sa akin at yakapin ako.

Hinawakan ko ang braso niya bago ko iangat ang tingin ko sa kanya. "Kumusta? Ayos ka na ba?"

"Mhmm... nakapagpahinga na ako."

"Anong oras ka ng nakatulog, ang aga mo pang nagising. Sigurado kang nakapagpahinga ka na?"

Pinisil niya ang ilong ko dahil sa isinaad ko. "Tulog? Hindi iyon ang pahinga na tinutukoy ko." Anas niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Sinasabi ba niyang ako ang pahinga niya?

"Tristan," tinapik ko ang braso niya kaya hinarap niya ako. "Anong nangyari? Ang sabi ni Tita kagabi tumakas ang papa mo sa kulungan?"

Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin bago malalim na mapabuntong hininga. "Pinag-alala ko ba kayo ni Mama kagabi?" Tanong niya, nag-aalangan man akong tumango ay tinanguan ko pa rin siya.

"Oo nga pala, tawagan mo kaya muna si Tita. Nakapag-message naman na ako sa kanya kanina kaso iba pa rin iyong makakausap ka niya."

"Ang g×go kasi ng tatay ko." Anas niya kaya napatigil ako sa tangkang pagkuha ng phone ko. Nasa dalawang kuting ang paningin niya ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko lalo na at bihira ko lang siyang marinig na magmura, ito pa nga ata ang unang beses. "Walang pinagbago. Nakulong na nga dahil sa dr×ga, gumagamit pa rin sa loob."

"Tristan..."

"Akala ko naman nagbago na. Iyon pala pinapaikot lang ako, may pasabi-sabi pang grabe paghihirap niya sa kulungan, nagpapakasarap lang naman pala roon."

Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya kaya hinawakan ko ang mga iyon upang pakalmahin siya. Wala akong alam sa dapat kong gawin at kung paano ko siya mapapakalma sa sitwasyong ito. Ayaw ko mang ungkatin kung anong nangyari, hindi naman din magandang wala akong alam dahil pareho kaming mahihirapan.

Kung iyong mga ganito kahalagang bagay ay itatago namin sa isa't isa, baka sa huli ay wala kaming pagpilian kung hindi ang bitawan ang isa't isa.

"Tristan, mabuti pa, kumain muna tayo." Bahagya ko siyang nginitian bago igilid ang buhok niyang nakasabog sa mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi niya upang iharap siya sa akin. "Pasensya na at hindi ko alam kung anong kailangan kong sabihin para mapagaan ang loob mo pero gusto kong malaman mo, laging akong nandito. Nandito lang ako, okay?"

"Alam ko, Crisella, naiintindihan ko. Iyong nandito ka lang sa tabi ko, sobra-sobra na."

May tatlong salita na gustong mamutawi sa mga labi ko sa mga oras na ito subalit pakiramdam ko ay malaki ang kaakibat ng salitang iyon. Sa huli ay pinili ko na lang na itikom ang labi ko at ayain siyang maghanda ng pagkain para sa almusal namin.

"What do you what for breakfast?" Tanong ko kay Tristan habang tinitignan ang stocks sa cabinets at sa ref.

Kakatapos lang niyang maghilamos ng sumandal siya sa kitchen counter at tignan ko. Ang aliwalas na ng mukha niya ngayon at aaminin ko higit pa roon ang nakikita ko!

"Marunong kang magluto?" Nakaarko ang kilay na tanong niya dahilan upang isara ko ang pintuan ng ref at harapin siya.

"Just for you to understand, hindi lang ako basta marunong magluto, magaling akong magluto. Mas masarap pa nga akong magluto kay Sohan, tamad lang talaga akong magluto!"

"Okay, okay. Anong iluluto mo?"

"Tinatanong kita kung anong gusto mong almusal tapos tatanungin mo ako pabalik?" Nasapo ko na lang ang noo ko. "Lutuan kaya kita ng ginataang mais?"

"Plano mo ba akong patayin, Crisella ko?" Natatawang tanong niya sa akin habang kinukuha ko ang macaroni.

Gusto ko sana ng ginataan pero ang daming proseso sa pagluluto. Nakapameywang kong hinarap pabalik si Tristan. "Kung mamatay ka man, tingin mo hindi ako sasama sa iyo sa hukay?" Narinig kong tinawanan niya ako habang inihahanda ko ang mga rekado.

Kakalabas ko lang ng cheesedogs nang mangunot ang noo ko. Hindi ko kaagad na-realize.

"Anong sinabi mo? Crisella ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya subalit nagpatay-malisya na si Kupal, ayaw namang tumigil kakatawa! "Tsk! Ikaw ngang maghiwa nitong cheesedog at magprepare nitong cheese."

"Eh? Akala ko ba ikaw magluluto?"

"Ako nga. Nandito ka na rin naman, tulungan mo na ako para matapos agad ako sa ginagawa ko rito!" Ngisi ko baho iabot ang cheesedogs at cheese sa kanya. "Baka naman lactose intolerant ka rin?" Tanong ko at sakto namang pagbukas niya ng cellphone niya. Aawayin ko na sana siya dahil kinakausap ko pa siya tapos itutuon niya ang atensyon niya sa cellphone niya?

Subalit nakita ko ang pagbabago ng mga daffodils sa mata niya. Kung kanina ay kalmado at payapang sumasayaw sa hangin ang mga iyon, ngayon ay tila ba handa na silang humarap sa paparating na bagyo. Magkahalong galit at sakit ang nasa mata ni Tristan ngayon kaya binitawan ko muna ang mga rekado na hawak ko para hawakan ang braso niya.

"Tristan, bakit?"

Pilit noyang ikinakalma ang sarili niya ng harapin ako at hawakan ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Can you call the police for me? Sabihin mong may lead ka kamo sa isa sa mga inmate na tumakas."

"H-huh?"

How am I supposed to call the police kung dalawang kriminal ang nandito sa bahay?!

Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko ba ang pabor na hinihiling sa akin ni Tristan nang dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Napatakbo tuloy ako para habulin siya. Nadaanan ko pa si Xhera na nagulat at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin.

"Xhera, can you call the police?" Tanong ko at nalilito naman siyang tumango sa akin.

"Yeah. But what's going on?"

"I don't know! P-please call the police, sabihin mong may lead sa isa sa mga inmate na tumakas. I'll leave it to you! Kailangan kong sundan si Tristan!" Sambit ko at nagmamadaling humabol kay Tristan sa labas.

Nataranta pa akong hanapin ang tsinelas ko kaya lumabas ako na magkaiba ang suot na tsinelas. Nang makalabas ako ng gate ay naroroon si Tristan kaharap ang lalaking halos carbon copy niya, mas matured nga lang itong tignan, mahaba ang buhok at may bigote.

Shit! Siya ba ang father ni Tristan? Bakit nandito?!

"Talagang naglakas loob ka pang sundan ako rito?!" Sigaw ni Tristan sa papa niya kaya hindi ko nagawang makalapit nang tuluyan sa kanya.

"Tristan, sumama ka na sa akin. Bumalik na tayo sa bahay." Mahinahon namang saad ng papa niya dahilan para lalong sumiklab ang galit ni Tristan.

"Bumalik? Ikaw ang sumira sa pamilya natin at inaasahan mong babalikan ka pa?! Kung may dapat kang balikan, sa kulungan iyon! Hindi ka nababagay ditongyop ka!"

Nang makakuha ako nang sapat na lakas ng loob ay tinawid ko ang distansya namin ni Tristan para maawat siya. Nadadala lang siya ng galit niya, ayaw kong nay magawa siya na pagsisisihan niya sa huli.

"Sila ba ang bago mong pamilya? Ipinagpalit mo na ako sa kanila?" Tanong ng papa niya at itinuro ako.

Hinawakan naman ni Tristan ang mga kamay ko at pinanatili ako sa likuran niya.

May naitutulong nga ba ako rito?

"Umalis ka na sabi rito. Hindi ka welcome rito, hindi ka na welcome sa buhay ko na sinira mo!"

"Tristan, tara na. Ibibili ko lahat ng pagkain at laruan na gusto mo."

Nagtangka ang tatay niya na hawakan siya subalit maagap kong nahila palayo si Tristan mula sa kanya.

"Umalis ka na sabi rito!" Muling sigaw ni Tristan. "Huwag mo na akong guluhin! Hindi ka na magbabago! Ilang ulit ko bang uulitin sa iyo? Wala ka ng pamilyang babalikan? Sinira mo na! Noon pa lang na nagsimula kang gumamit ng dr×ga, nasira na ang pamilya natin! Tapos ano? Hindi ba at pinatay mo si mama?!"

Napabitaw ako sa kamay namin ni Tristan na magkahawak dala ng gulat sa nalaman ko. Ang tatay niya mismo ang dahilan kung bakit maagang nawala ang mama niya? Wala man lang pagkakahawig si Tita Hayley at Tristan, sa dami rin ng pictures ni Tristan na nakadisplay ay karamihan pictures niya noong nasa seven to eight years old na siya, may hinuha na ako subalit hindi ako nag-abalang magtanong dahil pribadong bagay iyon sa pamilya niya.

Mali na binitawan ko ang kamay ni Tristan dahil kinuha niya ang pagkakataong iyon para lapitan ang tatay niya at paulanan ito nang suntok habang lumalandas ang mga luha niya.

"Tristan!" Sinambit ko ang pangalan niya ngunit tila ba hindi na niya ako marinig ngayon. Hinila ko siya kaagad palayo sa tatay niyang hinahayaan lang siyang saktan. "Tristan, tama na. Tama na."

"N-noong pinatay mo si mama, sana sinama mo na l-lang din akong g×go ka!" Patuloy na hagulgol ni Tristan at wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit upang ilayo sa tatay niyang tinatawanan na siya ngayon.

"Tristan, tama na..."

"Hindi ako ang pumatay kay Trina, Tristan!" Bulyaw sa kanya ng tatay niya kaya nagwawala na naman si Tristan sa galit ngayon. Nagkukumawala siya mula sa pagpipigil ko sa kanya. "Ikaw ang dapat na mamatay ng araw na iyon hindi ba? Pero pinrotektahan ka ni Trina! Namatay si Trina ng dahil sa iyo, Tristan! Ikaw ang pumatay sa mama mo!"

"Hayop ka! Kahit sa impyerno wala kang kalulugaran!"

Sa tindi nang galit ni Tristan ay nakawala siya mula sa higpit ng pagkakayakap ko para pigilan siya, susugurin na naman sana niya ang tatay niya, mabuti na lamang at dumating na si Sohan na kasama si Xhera. Si So na mismo ang humatak pabalik kay Tristan.

"Ikaw ang dapat na mawala, Tristan! Hindi si Trina! Ikaw ang dahilan kung bakit mag-isa na lang ako ngayon!" Sigaw ng tatay niya at sabay-sabay kaming napaatras ng maglabas siya ng kutsilyo!

Susugod pa rin sana si Tristan sa kanya ngunit mabilis kong hinatak ang kaliwang braso niya. "Tristan, tumigil ka na..." pakiusap ko sa kanya ngunit parang hindi naman na niya ako narinig.

Gumaan lang kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko nang marinig ko ang sirena ng sasakyan ng mga pulisya na palapit na sa direksyon namin.

"Mauna ka na sa impyerno!"

Nahatak ko paatras si Tristan nang sumugod sa amin ang tatay niya na nakaambang saksakin si Tristan, mabuti na lamang at kaagad siyang nasipa ni Sohan. Inagaw ni So ang kutsilyo mula sa tatay ni Tristan bago niya sinipa ito na siyang nakapagpabagsak dito.

Hindi kinakaya ng sistema ko kung anuman ang nangyari ngayon. Tumigil lang sa paghihimagsik sa galit si Tristan nang makitang naawat na ni Sohan ang tatay niya.

Nayakap ko na lang nang mahigpit si Tristan habang nagsisimula ng manubig ang mga mata ko. "Tristan, dito ka lang."

"Crisella..." sa wakas ay narinig ko rin ulit ang mahinahon at kalmado niyang boses. Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay kitang-kita ko ang pagkalanta ng mga daffodils, kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko at naisubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.

Narinig ko na lang ang pagdating ng mga pulis na kaagad na pinalibutan ang tatay ni Tristan na patuloy pa ring nagpupumiglas.

Ramdam ko ang pagod ni Tristan kaya maging ako ay walang lakas na harapin ang mga pulis subalit iyong inaakala kong katahimikan na ay muli kaming nabulabog. Pumaibabaw ang tunog ng putok ng baril sa paligid, nakakabingi ang tunog niyon subalit nagawa ko pa ring humiwalay agad sa pagkakayakap kay Tristan at tignan ang kalagayan niya.

Kaagad niya akong inilingan bilang senyales na ayos lang siya.

Nang lumingon kami sa direksyon ng tatay niya ay nagtangka ulit itong magpaputok sa direksyon namin ni Tristan subalit naagaw na ng mga pulis ang baril mula sa kanya at kaagad siyang pinosasan.

Akala ko ay ayos na ang lahat, akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag, akala ko ay tahimik na kaming makakabalik sa loob ng bahay at ihahanda ang mga rekado para sa almusal subalit akala ko lang pala lahat ng iyon, dahil iyong nag-iisa kong pamilya ay nasa bingit ngayon ng kamatayan at maaari kong maiwala anumang oras.

"N-No... Sohan! Sohan!"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top