Chapter 30
Chapter 30: Loss Cats
CRISELLA'S POV
"ANIM na inmate ang siyang nakawala sa Manila City Jail, patuloy pang iniimbestigahan at pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga inmate na nakatakas."
Saglit akong napatigil sa pagpunas ng kamay ko ng marinig ko ang balita sa maliit na TV kung saan nanonood ang mga kasama namin sa trabaho.
Napailing na lang ako bago tapusin ang ginagawa ko. Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko dahil may ilang hibla na ng buhok ko ang kumakawala sa hairnet ko.
Kakaayos ko lang ng sarili ko ng bumukas ang pintuan ng staff room at iluwa noon si Tristan.
Nakangiti agad akong sumalubong sa kanya.
"TALAGANG bumili ka?" Namimilog ang mga matang tanong ko kay Tristan na bitbit na ang isang malaking bowl ng spicy ramen na nalagyan na ng mainit na tubig.
Inabot ko ang bitbit ibang bitbit niya at ipinatong iyon sa bakanteng lamesa.
Excited ko namang kinuha ang chopsticks at pinaghiwalay iyon, luto na ang ramen dahil sa mainit na tubig kaya sumubo agad ako.
"Magdahan-dahan ka, baka mapaso ka." Saway sa akin ni Tristan subalit nginitian ko lang siya.
"Ikaw? Hindi ka kakain?" Inilapit ko ang spicy ramen na may kalakihan sa kanya.
Mabilis niya akong inilingan, subalit nagpumilit akong susubuan siya nang mapansin ko ang maliliit na butil ng mais.
"Kaya naman pala ayaw kumain. Meron naman sigurong walang kasamang corn, isa pa, malaki itong binili mo oh."
"Iyan na lang ang spicy ramen na nasa convenience store. It's your cravings after all."
Tinapos niya agad ang usapan bago pa man ako makipagtalo. Ininom na lang niya ang chocolate drink na binili niya bago maupo sa tabi ko. Nag-abot din siya ng isang tetra pack ng chocolate drink sa akin kahit iyong spicy ramen lang naman ang iniarte ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung tama bang artehan ko siya, nasanay kasi akong inaartehan si Sohan.
Pareho kaming naka-shift ni Tristan ngayon at oras ng break time nang artehan ko siya ng spicy ramen. Akala ko naman kakain siya, ako lang din pala ang kakain mag-isa.
Walang masyadong customers sa labas kaya tahimik lang kami rito sa loob, hindi rin namin kailangang magmadali para matapos kaagad ang break namin.
"May plano ka ba sa November 1 o November 2?" Tanong niya habang tahimik akong sumusubo ng ramen. Oo na sana agad ang tugon ko nang mapagtanto kong araw ng mga patay iyon.
Nagtataka tuloy akong lumingin sa kanya. "Free naman ako, sarado rin ang shop ng araw na iyon. Bakit?"
Nginitian niya ako bago pisilin ang pisngi ko. "May ipapakilala ako sa iyo."
"Huh? Sino?"
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at bahagya iyong pinisil. "Secret na muna."
"Anong secret? Mamaya dr×g dealer 'yang ipapakilala mo sa akin o kaya naman bumibili ng l×mang loob ng tao!"
Namilog ang mga mata niya dala ng gulat dahil sa mga sinabi ko, sa huli ay pinisil niya lang ang ilong ko kaya kaagad kong nahampas ang kamay ko na siya namang tinawanan niya.
"Ay, nakakaabala ata ako."
Pareho kaming napatigil sa pag-aasaran ni Tristan nang pareho naming marinig ang boses ni Xhera. Nakadungaw siya sa pintuan at nakangiwing nakatingin sa amin.
"Bakit nandito ka?" Salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya hanggang sa tuluyan niyang buksan ang pintuan at lumapit sa akin.
"Grabe ah, parang hindi ako welcome dito. Kidding aside, there's someone outside na naghahanap sa iyo." Aniya kaya lalong nagsalubong ang kilay ko.
Sino namang maghahanap sa akin na lalapit pa kay Xhera?
"Bakit daw? Sino ba?"
"She's mom's friend. I'm not pretty sure eh. Ang dinig ko she wants to work with you...?"
Nakamot ko ang kilay ko, wala akong ideya kung sino iyon. Nilingon ko si Tristan, sasabihin ko sanang dito muna siya, subalit bago pa man ako makapagsalita ay mukhang nakapagdesisyon na siya sasama sa amin.
"Nasaan ba siya?" Nagtatakang tanong ko kay Xhera.
"Oh, nasa rooftop. She's taking her coffee."
Sumunod naman kaagad kami kay Xhera, nagulat pa ako ng hawakan ni Tristan ang kamay ko, kahit na break time namin ay oras pa rin ng trabaho, sa huli ay hinayaan ko na lang din siya.
Binitawan lang ni Tristan ang kamay ko ng nasa entrada na kami ng rooftop. Naunang lumakad si Xhera sa pamilyar na babaeng nakaupo sa table malapit sa railings ng rooftop.
She's looking for me?!
Mabilis na binalot ng takot ang buong sistema ko. Aminado naman akong hindi ko naitago lahat ng ebidensya, sinabi ko lang noon kay Sohan na ayos na ang lahat para hindi na siya mag-alala.
Kung hindi ako mag-iingat ngayon baka maging katapusan na ng buhay ko!
I read my horoscope earlier that this is my lucky day, bakit mukha namang minamalas ako?
"Miss Ryumi, she's here." Nakangiting pakilala sa akin ni Xhera na tinapik pa ang balikat ko. "Mag-usap muna kayo rito." Iiwan na sana ako ni Xhera subalit mabilis kong nahawakan ang braso niya para pigilan siya.
"May shift pa ako, patapos na rin ang break ko." Pagdadahilan ko kay Xhera subalit narinig kong nagsalita si Miss Ryumi.
"Don't worry, nakausap ko na ang manager mo." Sabi niya bago ilapag ang tasa ng kape sa lamesang nasa harapan niya.
Iyong elegante at sopistikadang awra pa lang niya, sapat na para lamunin ang lakas ng loob ko, paano ko pa siya magagawang kausapin nito?
"I'll see you later!" Iyon ang huling narinig kong sinabi ni Xhera. Maging si Tristan na nasa entrada ng rooftop at hinihintay ako ay pinilit din niyang bumaba.
"You can take a seat Miss Travios. Is there any drink or bread that you want? It's on me."
"Ayos lang po ako." Mariin ko na lang na naipikit ang mga mata ko bago okupahin ang upuan sa tapat ni Miss Ryumi. "Xhera told me that you want to work with me. I'm sorry but I don't think that there is something that I could do for you, Miss." Panimula ko, sa pagbabakasaling makakalusot pa ako.
Nginitian niya lang ako bago ilapag ang isang papel sa harapan ko. "Take a look."
Nag-aalangan ko namang tinignan iyong papel na inabot niya sa akin.
"Look at the total, Miss. It is ₱3,282,270. Am I right? That's the cost of the stuffs that you stole. Kahit na ibinalik mo na iyong mga gamit, it doesn't mean that you are free of charge."
Now, I'm f×cked up! Alam ko namang mangyayari ito, kahit na isa sa option ko na mag-garage sale na lang.
Hindi ko magawang makapagsalita, isang maling salita ko lang ay baka gamitin niya laban sa akin. Miss Ryumi is intelligent, iyon ang dahilan kung bakit kaliwa't kanan ang success niya sa business at fashion sa murang edad.
And she surely won't come here all by herself unless she needed something from me.
Kung gusto talaga niyang pagbayaran ko lahat ng ninakaw ko, baka hindi ko siya kaharap ngayon dito sa shop, baka nga nasa city jail na ako kung nagkataon.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko pa masiguro kung saan papunta ito subalit pipiliin kong itikom na lang muna ang mga labi ko hangga't wala pa akong importanteng sasabihin.
"You're not a sixteen years old anymore." Pahayag niya at napaiwas na lang ako ng tingin.
Ano bang alam niya sa akin? Mukha hindi rin naman alam ni Xhera kung bakit talaga siya nandito para kausapin ako.
"Well, you're prettier than I thought."
Kung wala lang sa alanganin ang buhay ko ngayon kanina pa ako nag-thank you sa kanya. "Uh, sorry? May I know kung bakit ka po nandito?"
"I don't have to introduce myself to you, you knew me before I even know you. Okay, let's get into business Miss Travios. Work for me, be a model for Crystales."
Hindi ko alam kung natutuwa o matatakot ba ako sa inaalok niya sa akin. Gusto niya akong magtrabaho sa kanya bilang model?! "Pardon? I don't think I heard you right, Miss. You want me to work for you? Hindi mo ako planong isuplong sa mga pulis?"
"Gusto mo bang sa korte ka humarap sa halip na sa photoshoots? Kung haharap tayo sa korte alam mo naman sigurong wala kang laban, hindi ba? Besides, how can you pay your debt?"
"You're not giving me an option."
"Well, you have an option back then; it is to work legally while you starve to death or to steal from others. What did you chose again?"
God, I don't think that I am still overwhelmed with her presence, it is more likely that I am starting to adore Miss Ryumi. Her presence and aura is just so amusing.
Okay, okay. The juices is spilling, calm down, Crisella. "Am I still going to benefit once I agree to work with you?"
"You'll get 40% of your payment, the rest will be the payment for your debt. Don't worry, if you got another offers and endorsements, hindi ko naman haharangin, they are yours, hundred percent, as long as you work with my company and you manage to pay your debts as early as possible."
But am I suited to be a model? I love fashion and make-ups but I never see myself to be a model. Diretso kong tinignan sa mga mata si Miss Ryumi, she's known in the modelling world, she introduce lots of models, whatever their skin color and body type, they are always look amazing-the word amazing is not enough, it should be iconic!
Anong nakita ni Miss Ryumi sa akin para i-offer ito?
May inilabas siyang folder at ipinatong iyon sa lamesang nasa harapan naming dalawa. "This is the contract, I'll give you some time for you to think, well I really hope that you would consider my offer." May ipinatong siyang calling card sa folder na naglalaman ng kontrata. "Call me if you got some questions. I have to go now."
Tumayo na siya sa kinauupuan noya subalit nalilito pa rin akong nakatingin sa folder na siyang nasa harapan ko.
Nahilot ko ang sintido ko.
Bago pa man tuluyang makalayo si Miss Ryumi ay tumayo ako sa kinauupuan ko na bitbit ang kontrata at ang calling card niya.
"Miss Ryumi," nagtataka siyang napalingon sa akin. "Naguguluhan ako. Bakit pinili mong i-offer sa akin ito? Ang laking kasalanan ang nagawa ko sa iyo, you can simply put me in jail."
"You wrote a great apology letter, Crisella." Ngiti niya bago ako tuluyang iwanang litong-lito pa rin.
There's nothing special with that letter. Nararamdaman ko na may iba pang dahilan para gawin niya ito. At gusto kong malaman ang dahilan.
Napatingin ako sa kontrata na hawak ko, dalawa lang naman ang pagpipilian ko: ang makulong o humarap sa modelling, alam naman sigurong niyang ayaw kong makulong kaya papayag akong magtrabaho sa kanya, bakit binigyan pa niya ako ng pagkakataong pag-isipan ito?!
TULALA akong bumalik sa shift ko. Hinanap ko pa si Tristan para sabihin sana sa kanya ang nangyari, isa pa, may parte ko talaga na naguguluhan, alam kong malilinawan at mapapanatag lang ako sa oras na makausap ko si Tristan, pero ang sabi ni Xhera may kausap daw sa cellphone si Tristan kanina at bigla na lang siyang umalis.
Halatang may emergency. Nakapatay ang cellphone niya ng tawagan ko siya kaya nag-iwan na lang ako ng message.
Kaagad din naman akong bumalik sa trabaho dahil bumuhos ang ulan at marami-rami ang nagpunta ng shop para bumili ng coffees. Si Xhera naman nandito pa rin sa shop, abala nga lang siya sa pagrereview.
Nililinis ko ang ilang tray nang lumapit sa akin si Miss Bethany.
"Crisella, are you---" hinihintay ko pa ang sasabihin niya ng ihinto iyon at ilingan ako. "Nevermind. Keep up the good work."
Mabilis akong tinalikuran ni Miss Bethany kaya hindi ko na siya natanong kung bakit. Ipinagpatuloy ko na lang tuloy ang paglilinis ng trays.
Nang matapos ang shift ko ay sinilip ko kaagad si Xhera sa loob ng shop, bumabagsak na ang mga mata niya habang kaharap ang makapal na libro at ang laptop niya.
"Xhera," pagtawag ko sa kanya ng muntik ng bumagsak ang ulo niya sa lamesa, mabuti na lang at nasalo ko ang noo niya na kahit papaano ay nakapagpagising sa kanya. "Gabi na, inaantok ka na oh. Umuwi ka na sa inyo para magpahinga."
"Mhmm? Tapos na ba ang shift mo?" Kusot-kusot pa niya ang mga mata niya nang tanungin ako kaya napailing na lang ako.
Nagkusa na akong iligpit iyong ilang notes niya. "Tapos na. Pauwi na nga ako. Ikaw rin, umuwi ka na, may sundo ka naman hindi ba?" Malalim akong napabuntong hininga habang nakatingin sa kanya.
Masyado akong naging abala nitong nakaraan kay Tristan, nakalimutan ko na siya. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt. Laging nandiyan si Xhera kapag ako ang may kailangan sa kanya, kahit may mga pagkakataong ang dami niyang tanong kung bakit ko gagawin ang mga bagay-bagay lagi pa rin siyang bukas-palad na nag-aabot ng tulong sa akin pero hindi ko iyong nagagawa sa kanya.
Sa pagkakataong ito, maiintindihan ko kung magtatampo o magtatanim siya ng loob sa akin.
"Xhera," pumitik ako sa harapan niya dahil natulala na naman siya. "Kailangan mo ng umuwi."
Inaantok man ay pinatay niya pa rin ang laptop niya at niligpit ang mga gamit niya. Inaantok siyang tumayo sa kinauupuan niya kaya inalalayan ko pa siyang tumayo.
"May plano ka na ba sa college?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas.
"Wala pa." Totoo namang wala pa talaga. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko, isa pa, ang sabi ko sa sarili ko noon, kung Sohan si Sohan ay doon din ako, subalit marami ng bagay ang nagbago sa loob lang ng iilang buwan.
"I will kill myself if I won't be able to pass the entrance exam in my dream school."
"My gosh, Xhera! Huwag ka nang magsalita. It just a school, huwag mong i-pressure masyado ang sarili mo."
Kakalabas lang namin sa shop nang huminto siya sa paglalakad, akala ko ay mayroon siyang naiwanan. "You can't that it is just a school, it's my dream Crisella."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, nawala ata iyong antok niya. "I apologize, hindi na mauulit."
"Ano pa lang pinag-usapan ninyo ni Miss Ryumi kanina?" Pag-iiba niya ng usapan.
Hindi ko masabing inaalok ako ni Miss Ryumi na magtrabaho sa kompanya niya dahil sa kalokohan ko. Mas madali atang sabihin na hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Xhera na shoplifter ako, dati akong shoplifter. Pakiramdam ko kasi, ang anak mayaman na tulad niya ay hindi basta-basta maiintindihan kung ano ang ginawa ko.
"Hmm... I once met her at mall, nagandahan ata sa akin kaya mag-offer ng trabaho." Pagsisinungaling ko na kaagad namang pinaniwalaan ni Xhera.
"Oh, that's glad to hear, anyway, nandyan lang ang driver ko. Binantayan ako maghapon eh." Sabi niya bago huminga ng malalim. "Tara na, sumabay ka na sa amin."
Hindi na ako tumanggi pa. Pagod na rin ako kaya sumunod na kaagad ako kay Xhera pasakay sa kotse niya na nag-aabang na pala sa parking space.
Pasakay na sana kami nang may mareceive akong tawag. Unknown number kaya nag-aalangan akong sagutin. Tinignan ako ni Xhera at tinanguan kaya sinagot ko na lang din.
["Thanks God you pick up your phone, Crisella!"] Salubong ang kilay kong napatingin sa phone ng cellphone ko. Pamilyar ang boses mula sa kabilang linya.
"Tita Hayley?"
["Yes! Sorry, nakalimutan ko ng ipakilala ang sarili ko. Anyway, are you with Tristan or do you even know kung saan siya pwedeng pumunta?"]
Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa tanong ni Tita Hayley. Wala na si Tristan nang bumaba ako kanina matapos kong kausapin si Miss Ryumi. Nilapitan ko kaagad si Xhera na nasa loob na ng kotse niya.
Tinakpan ko muna ang speaker ng phone ko bago siya kausapin. "Alam mo ba kung saan nagpunta si Tristan kanina?"
"I'm afraid that I don't the answer. Magkasama kami kanina, then someone called him, he look mad and furious kanina tapos nagmamadali na siyang umalis. Hindi ko na siya natanong kung saan siya pupunta."
It's more than an emergency? Pipino! Hindi pa nga nagrereply si Tristan sa message ko kanina, ang nasa isip ko pa naman ay baka tulog na siya but it's him, kung alam niyang may shift ako hindi iyon makakalimot na ihatid ako pauwi o i-message ako.
Hindi na tuloy ako mapakali ngayon, lalo na at hindi ko alam kung anong nangyayari.
"Tita," muli kong kinausap si Tita Hayley. "Pasensya na po, wala po akong ideya kung nasaan din siya ngayon."
Nasapo ko ang noo ko, may alam si Miss Bethany! Kaya siguro siya nagtangkang kausapin ako kanina!
["I was so busy with my clients that I forgot about Tristan. Ni hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayong nalaman niya na tumakas sa city jail iyong magaling niyang tatay!"]
Humahagulgol na ng iyak si Tita Hayley sa kabilang linya. Mas lalong akong naguluhan. Nakatakas sa city jail?
Sa puntong ito, do I still deserve him? Ni hindi ko alam nasa kulungan ang papa niya.
Tristan, you know a lot about me, samantalang ang alam ko lang sa iyo ay iyong mga bagay na nakikita ko.
Why did I enter this relationship if I am this selfish?
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top