Chapter 29

Chapter 29: This is the Present
CRISELLA'S POV

MABILIS kong hinampas ang kamay ni Sohan ng mapansin kong iginalaw na niya ang checker niya. Tinignan niya ako ng masama dahil sa panghahampas na ginawa ko pero tinignan ko lang din siya ng masama. "Anong akala mo hindi ko nakita iyon?"

"Nakita ang ano?" Patay malisyang tanong niya kaya muntikan ko ng tusukin ang eyeballs niya.

"Binaba mo ang pag-ikot sa dice para sumakto sa number na gusto mo." Saad ni Tristan na napansin din pala iyon.

Hinampas ko ulit siya sa braso at pinandilatan ng mga mata. "Mandurugas ka talaga, huling-huli ka na nga itatanggi mo pa?"

"Hindi ako nanduga ako, sadyang naka-chamba lang ako. Hoy Tristan, bawiin mo iyong sinabi mo!"

"Gagawin mo pang sinungaling si Tristan ngayon?"

"Hala! Bakit ba pinagtutulungan niyo akong dalawa?!"

"Sohan!" Inagaw ko ang dice mula sa kanya. "Igalaw mo ulit ang dice! Snake and ladders na nga lang mandadaya ka pa?"

"Hindi naman kasi ako nandaya!"

"Itatanggi mo pa talaga?"

"Oo na. Oo na!"

Napangisi na lang ako ng irolyo na niya ulit ang dice, napalingon ako kay Tristan ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. "What?"

"Hindi ko maintindihan kung bakit sineseryoso niyong dalawa masyado itong laro."

"Nakasanayan na namin ang ganitong paglalaro. Kasi alam mo kung hindi namin seseryosohin ito nakakawalang gana ng maglaro, mas exciting din iyong may bangayan---hoy! Four ang inilabas ng dice bakit tatlo lang iyan?" Tinatapos ko pa lang ang sinasabi ko ng mapansin ko si Sohan na sinadyang tatlo lang ang ginawang paggalaw sa checker. "Sohan!"

"Kailan pa naging matalas ang mata mo?" Nakangiwing tanong sa akin ni So pero pinandilatan ko lang siya kaya ibinaba na niya ang checker niya matapos iyong matapat sa snake.

"---ang problema, magaling talaga sa pandaraya ang Kumag na iyan." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko kay Tristan kanina. "Proven naman na ang pandaraya niya." Kinuha ko ang dice at ako na ang nagpagulong niyon, nasa 98 na ang checker ko at dalawa na lang panalo na ako ang kaso iyong hinihiling kong maging dos naging sais pa kaya bumalik ako sa 99. "Your turn." Inabot ko kay Tristan ang dice at iyon, saktong 100!

"Seriously?" Umiirap sa hangin na tanong ni Sohan ng si Tristan ang manalo at ako naman nagsimula na naman sa pang-aasar kay Sohan. Napaka-competitive niya kasi palagi sa mga laro at halos walang sportsmanship. Kunsabagay, kung sino nga pala ang huli, siya ang maghuhugas ng hugasin!

"Aangal ka pa? Tristan win the game and you lose!"

"And you're not a loser in that case?"

"At least pumangalawa ako, ikaw ba?"

"Yah Crisella! Pinagbigyan lang kita!"

Nginiwian ko siya sabay irap sa hangin. "Pinagbigyan? Ilang beses ka nga nandaya!"

Kinuha niya ang throw pillow na nasa likuran niya, mabilis naman akong kumilos kaso wala akong makitang throw pillow malapit sa akin kaya hinila ko si Tristan at ipinananggala laban kay Sohan.

At doon na nagsimula ang gulo sa aming tatlo samantalang kakatapos lang maglinis ni Tita Hayley.

Papalapit sa akin si Sohan na hinahabol pa rin ako, nakakita na ako ng throw pillow kaya mabilis ko iyong ibinato sa kanya habang si Tristan naman ay paulit-ulit siyang hinaharang at tinutulak.

"Tristan? Crisella? Sohan?" Awtomatiko kaming tatlo na huminto sa pagkakalat ng marinig namin ang boses ni Tita Hayley. "Bakit...?" Isa-isang tinignan ni Tita Hayley ang mga kalat na idinulot namin.

Mang-aasar ko pa sanang ituturo si Sohan at Tristan subalit naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko. Kasunod niyon ay ang pagbahid ng takot sa buong sistema ko.

Nakagawa na ako ng eksena kanina, hiyang-hiya na ako kay Tita Hayley, ngayon lang kami nagkita, ngunit naghahalo iyong kaba at takot ko dahil sa presensya niya. Mabait siya at talagang maalalahanin, may mga bagay lang talaga na gusto akong balikan at sirain na pilit kong iniiwasan.

"Crisella." Naramdaman ko ang kamay ni Sohan sa likuran ko kaya dahan-dahan kong inangat ang paningin sa kanya. "It's Tita Hayley. Calm down, okay?"

"Y-yeah." Naitikom ko ang mga labi ko ng mapansin ko ang panginginig nito. Hindi nakakatuwa ito. Hindi talaga nakakatuwa!

"Bakit? Anong mayroon?" Napaigtad ako ng hawakan ako ni Tita Hayley. "Crisella, may sakit ka ba o baka nagugutom ka na? Teka, saktong-sakto kakaluto ko lang ng pagkain maupo ka muna diyaan, babalik agad ako."

"Po? Kakakain lang po namin." Giit ko ngunit nagsalita si Tristan.

"Kakakain? Nahihiya lang 'yan Ma, nagsabi sa akin kanina 'yan na gusto raw niya ng ginataang mais!" Nilingon ko si Tristan, pinanlakihan ko siya ng mata bago bahagyang sipain ang binti niya.

"Wala akong sinabi ah!" Depensa ko, dahil hindi naman talaga ako nagrerequest!

"Anong wala? Paulit-ulit mo ngang sinasabi na gusto mo ng ginataang mais kanina, 'di ba So?"

Ayan na! Pagtutulungan na nila akong dalawa! Nakasimangot ko tuloy silang binatukan pareho.

"Hindi, Tita. Busog pa po ako. Lilinisin na lang ni Tristan at Sohan iyong mga kalat dito." Nakangiting saad ko at ganoon na lang ang pagkalma ko ng ngitian ako ng napakatamis ni Tita Hayley.

"Ito naman, ayos lang iyan. Mabuti nga at nandito kayong dalawa nitong si Sohan para naman magkaroon ng tao dito sa bahay, halos multo na nga ang nakatira dito dahil laging nasa school si Tristan, ako naman, abala sa office. Huwag mo ng intindihin iyan, diyaan lang muna kayo. Ihahanda ko ang merienda ninyo." Wala na akong nasabi pa matapos niyang pumasok sa kusina.

Saktong pagkaalis ni Tita Hayley ay napaupo na lang ako sa sahig habang tinitignan nang masama ang dalawang nangungupal sa akin.

"Ayos ka lang?" Puno na ng pag-aalala ang tanong ni Tristan ngayon kaya nawala ang masamang tingin ko sa kanya. "Hindi ko alam pero bakit parang natatakot ka kay Mama...?" Nag-aalinlangang tanong pa niya.

Nasa ksuina si Tita Hayley kaya hindi niya basta-basta maririnig ang usapan namin dito sa salas.

Bahagya akong ngumiti at nag-thumbs up sa kanya. Hindi pa rin ako handang sabihin anuman ang humahabol sa akin. "Kung anu-ano lang iniisip mo. Kakabasa mo ng libro 'yan. Bakit naman ako matatakot kay Tita Hayley eh ang bait-bait niya sa amin ni So?"

Hindi pa rin kumbinsido si Tristan sa isinaad ko kaya nginitian ko na lang siya.

"Tumayo na nga kayong dalawa diyan!" Nauna na akong tumayo mula sa pagkakaupo bago mag-inat-inat. "Maglilinis pa tayo!" Sambit ko bago iabot ang walis at dustpan sa kanilang dalawa.

"Nag-aya ka talaga maglinis?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sohan na kaagad namang ginatungan ni Tristan.

"Marunong ka maglinis?"

Bumalik na naman iyong kulo ng dugo ko aa kanilang dalawa. May extra pang walis tambo kaya kinuha ko iyon at hinabol silang dalawa!

Matapos ang bangayan at habulan naming tatlo ay nagsimula rin kaming tatlo maglinis sa huli. Nakasabog ang mga gamit sa salas dahil sa aming tatlo, nahihiya ako kay Tita Hayley kaya pinilit ko talaga silang dalawa na maglinis bago pumanhik dito sa salas si Tita.

Psychiatrist si Tita Hayley at may sarili na rin siyang psychiatric clinic hindi kalayuan dito sa kanila. Hindi man niya nababasa ang isip ko subalit ramdam kong nababasa niya ang reaksyon at mga kilos ko. Sa palagay ko nga ay may hinuha na siya dahil sa mga kilos ko, sana lang ay wala siyang banggitin kay Tristan.

"Mukha ka pang tao nung bata ka." Sabi ko kay Tristan na nasa tabi ko habang nagwawalis. Nakita ko iyong photo album na nahulog malapit sa center table, napansin ko ang picture ni Tristan doon kaya kinalkal ko.

"Sabihin mo na lang kasi na ang cute ko noon." Aniya kaya napangiwi ako at ibinalik na ang photo album sa kinalalagyan niyon.

Akala ko ay wala na siyang sasabihin nang lumingon ulit ako sa kanya itinuro niya ako gamit ang walis tambo na hawak niya.

"Hindi ko pa pala nakikita ang pictures mo noong bata ka." Nakasimangot na sabi niya.

Maagap akong umiling. "Bakit kailangan mo pang makita iyon? If gorgeous today it is the same as before, duh?"

"I want to see your childhood pictures, Crisella."

Seryoso si Kupal!

"Wala, wala na sa akin." Giit ko at nagpatuloy sa paglilinis. Ayaw ko ngang ma-witness niya ang kajejehan ko sa buhay noon. Nakakawala ng class at nakakawala ng poise.

Parang hindi nawawala ang class at poise ko kapag kasama silang dalawa ah.

"I have her childhood photos, Tristan!" Mabilis kong nilingon si Sohan na nakikinig lang pala sa amin ni Tristan. Nginisian lang niya ako kaya tinignan ko siya ng masama at saka iniharap ang middle finger ko sa kanya.

"Nah. Never ngang nakita ni So childhood photos ko, kaya paano siya magkakaroon ng kopya?!" Tristan didn't believe me!

Wait, paano nakuha ni Sohan ang childhood photos ko?

Hindi ko na narinig na magsalita silang dalawa. Something's fishy! Nang lumingon ako sa kanila, magkatabi na silang naroroon sa sulok habang may kinakalikot si Sohan sa phone niya.

"Sohan! Hindi magandang biro iyan. Sohan!" Sigaw ko kay So pero binelatan lang ako ng walang hiya! Tinakbo ko ang distansya namin, muntik pa akong kumaldabog sa tiles para subukang agawin ang phone niya mula sa kanya iyon nga lang mabilis akong nayakap ni Tristan mula sa likod kaya hindi ako nakapalag pa para kuhain ang phone niya. "Tristan!"

rantadong 'to, nag-te-take advantage!

"Wait, wait, binubuksan ko pa lang." Ngisi ni So kaya nagsalubong na naman ang kilay ko.

"Binubuksan ang ano?!"

"Your old and hidden account." Sambit niya sabay halakhak! Bagay talaga maging kontrabida 'tong tukmol na 'to eh.

"D×mmit! Sohan, don't you dare to open that!"

"I already did." Muntikan ko ng masipa si Tristan para lang makawala ako mula sa pagkakayakap niya sa akin ngunit hindi ko na itinuloy. Nakagat ko na lang ang labi ko ng maipakita na ni Sohan ang pictures ko noon kay Tristan.

Walang hiyang, Sohan ito, ginamit pa sa akin ang hacking skills niya. Hindi ko na nga mabuksan ang account na iyon!

"Crisella,"

"Ano?" Nakasimangot na ako ng tugunin ko ang pagtawag sa akin ni Tristan.

Binitawan lang niya ako kung kailan huli na ang lahat para pagtakpan ko ang sarili ko! Pipino!

"Ikaw ito?" Tanong niya sabay pakita sa akin ang picture ko noong seven years old ako, nakapigtail na hindi pantay habang kumakain ng ice pop. Of all pictures iyon talaga ang naisipang ipakita ni Sohan?! What's worse? Selfie iyon, close-up shot habang nakadila sa harap ng camera.

Yuck! P×tanginang 'yan, sino ba yan?!

"Sino pa ba?" Pabulyaw na sagot ko kay Tristan dahil naaasar talaga ako.

Ngunit ganoon na lang ang pagbaha ng kuryosidad sa akin ng mapansin ko ang pagsayaw ng daffodils sa mga mata niya dahil muli na naman itong nasikatan ng araw.

Ipinaling ko ang ulo ko habang pinagmamasdan si Tristan na namumula na ang pisngi.

Pinipigilan ba niya ang sarili niyang tumawa?

Subukan niyang bumunghalit ng tawa, hindi siya aabutan ng bukas. Si Sohan nga naghihingalo na, hindi na makahinga ng maayos habang tunatawa!

"I remember when I was nine," panimula ni Tristan kaya unti-unti g umarko ang kaliwang kilay ko. "Sa Lawang Bato kami nakatira, saglit lang kaming tumira doon, around a week maybe? Minsan akong bumili noon ng yelo dahil inutusan ako ni Mama... tapos iyong batang babae na tindera roon sinungitan ako pero nagka-crush pa rin ako sa kanya," bahagya siyang natawa habang nagsisimula na namang kumuko ang dugo ko.

Nakita niya iyong jejemon picture ko tapos sasabihin niya ngayon na naalala niya crush niya?! Kupal!

"I mean she's my first girl crush... noong bumili ako ng yelo at pinaplastic ko iyon sa kanya tandang-tandang ko pa ang sinabi niya sa akin noon dahil ayaw niyang iplastic iyong yelo... ‘Kagatin mo na lang iyong dulo ng plastic tapos takbo ka ng mabilis pauwi sa inyo.’"

Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya, maging si Sohan na tumigil na katatawa ay nalilito sa sinasabi niya.

"Oh? Anong gagawin ko ngayon?" Umiiral na naman kamalditahan ko.

"You mean, you met her in the past?" Tanong sa kanya ni Sohan na mukhang naintindihan na siya, nilingon pa ako ni So habang salubong ang mga kilay.

Ano nga ba kasing tinutukoy ni Tristan?! Gulong-gulo tuloy akong nakatingin sa kanilang dalawa ng harapin nila ako. "Ako ba? Ako ba iyong batang... sinasabi mo?" Nalilitong tanong ko habang itinuturo ang sarili ko. Hindi naman siguro maglalakas loob si Tristan na banggitin sa akin ang bagay na ito kung hindi ako iyon, hindi ba? Baka naman kasi pinagseselos lang ako?

Aba, kung hindi nga naman ako isip bata eh epektibo nga!

Namumula na ang mga pisngi ni Tristan na nakangiti sa akin ngayon.
"Oo, Crisella, ikaw iyon."

Ako?! Oh, nagselos ako sa sarili ako? Magaling. Well, sarili ko lang naman ang nag-iisang kalaban ko. "Oh well..." inagaw ko na mula kay Sohan ang phone niya at diretsong ni-log out iyong old account ko. "Kita mo na, mga bata pa lang tayo, gandang-ganda ka na sa akin." Sabi ko kay Tristan sabay hawi patililod ng buhok ko.

Pailing-iling naman siyang lumapit sa akin bago pisilin ang ilong.

"Aray naman! Tristan, masakit!"

"Mababaw lang 'yan kumpara sa pambugbog mo sa akin." Ngisi niya kaya tinignan ko na naman siya ng masama. "By the way, may kapalit iyong graduation picture ko sa iyo ah."

Umarko kaagad ang kilay ko. Hindi ata maganda ang gusto niyang kapalit! "Subukan mong hingiin na kapalit iyong picture na iyon, tutuhugin ko 'yang eyeballs mo!"

"Ang sadista mo talaga." Hinawakan niya ang kanang hintuturo ko na nakaduro sa kanya bago iyon ibaba. "Graduation picture mo lang nung elementary hihingiin kong kapalit eh."

"Huh? Sorry ka, wala akong kopya. Kahit sa plastizism mo pa hanapin!"

"'Yung totoo?"

"Do I look like I'm lying? Bakit hindi mo tanungin si So?" Ngiti ko at sabay naming nilingon si So pero wala na siya roon. "Asan na 'yun? Anyway, I swear. Wala talaga akong kopya. Nasa parents ko pero mukhang itinapon na rin nila."

"Tinapon?" Kunot-noong tanong niya na agad ko namang tinanguan.

"You see... I left everything at home."

Mas lalong nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kaya naman inagaw ko ang daliri ko mula sa kanya at ipinatong iyon sa pagitan ng mga kilay niyang salubong. "Ibibigay ko na lang 'yung copy ng moving up pictures ko, is that fine?"

"Alam na alam mo talaga kung papaano kunin loob ko ano?" Nakangiti at tinatawanan na ulit niya ako ngayon kaya ibinaba ko na a g daliri kong nasa noo niya. "Okay na ako sa moving up photos mo. Hihintayin kong maiabot mo iyon sa akin." Ngiti niya bago dampian ng halik ang noo ko.

Hindi ko na naman inaasahan ang gagawin niya kaya namimilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Bigla akong sininok habang sinasalubong ang paningin niya, nasundan iyon ng pag-iinit ng mga pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Lubay-lubayan mo nga muna, akong Kupal ka!"

"Crisella, kinikilig ka."

"Kapal mo naman!"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top