Chapter 28
Chapter 28: Xenagogue
CRISELLA'S POV
LUMABAS agad ako ng room matapos ang huling subject. Dumiretso kaagad ako sa locker area at doon piniling magretouch. Plano ko sanang i-ditch na ang last subject ko at sa bahay na mag-ayos, ang problema, imposibleng hindi malalaman ni Tristan na mag-di-ditch ako kung sakali.
Late na rin akong nakapasok kanina kaya hindi na ako nakapagbaon ng extra'ng damit. Iyong makeup pouch ko na laging nasa bag ko lang ang bitbit ko. Maging ang buhok ko oily na kaya inuna ko munang mag-spray ng dry shampoo sa buhok ko, kasunod niyon ay nagretouch na ako, hindi na ako masyadong gumamit ng makeup, sapat na ang concealer, blush at lip balm ko.
Day off ko ngayong araw kaya siguro pinili ni Tristan ngayon. May pasok din kasi si Tita sa weekends kaya hindi ko siya pupwedeng i-meet ng weekends, habang si Tristan naman, pumapasok lang sa shop kung kailan niya gusto. Iyon lang, hindi naman lingid sa kaalaman ko na pumapasok siya kasi nandoon ako.
"Finally! I'm done!" Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas.
Pagkalabas ko ng locker room ay may nakasalubong akong pusa. Iyon iyong pusang pinaglaruan ng mga junior high noong nagdaang buwan! Malaki na siya kaya hindi ko kaagad nakilala subalit mukhang kilala pa ako ng pusa!
Binitbit ko kasama iyong pusa hanggang sa lobby ng campus.
Matagal bago ako naghintay kay Tristan, nakatulog na iyong pusa sa binti ko habang naghihintay ako sa kanya. Nag-message naman na ako sa kanya na nasa lobby ako, ayaw ko siyang kulit-kulitin sa messages, alam ko namang dadating din siya.
"Waiting for someone?"
Mula sa paghimas-himas sa balahibo ng pusa ay naangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Coral. She's still studying here, so as Willow. Si Brooke lang talaga ang lumipat ng school sa kanilang tatlong.
"Anyway, why didn't you tell me where did you get your acting skills? Anong workshop pinasukan mo?" Sarkastikong tanong ni Coral ng hindi ko sinagot sa unang tanong niya. Talagang umupo pa siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Huwag mo akong simulan Coral."
"Mhmm... ito naman! I'm asking nicely kaya."
Tinignan ko siya ng masama dahilan upang tawanan niya ako.
"You're so funny talaga, Crisella. By the way, we can be friends again, ikaw talaga, parang wala naman tayong pinagsamahan niyan. Now that Brooke isn't here anymore we can hangout again like we used to." Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa akin para makipagkamay.
Subalit hindi ko tinanggap iyon. Hindi magawang itago ni Coral iyong mapanlinlang niyang mga ngiti, isa pa, alam ko ang lugar ko, hindi ko na ulit ipipilit pa ang sarili ko sa kanila para lang magmukhang nasa iisang posisyon kami.
Higit sa lahat, mas importante sa akin ngayon ang laanan ng oras ang mahahalagang tao sa akin. Si So, si Xhera at si Tristan.
"Oh my God, Coral. You're backstabbing Brooke?!" Nanunuyang saad ko habang nakatingin sa kanya.
Nagulat siya sa isinaad ko kaya nailayo niya ang kamay niya sa akin. "I-I am not."
"Kahit may alitan kami ni Brooke, I will never ever stab her in her back. Nakakasuka ka, Coral. Hindi ba at nainiwala ka rin na nagnakaw si Brooke? Aware ka naman siguro kung anong mangyayari sa iyo oras na malaman ni Brooke ito ano?"
"Don't you dare, Crisella!"
Mapang-asar ko siyang nginitian bago ako tumayo na buhat-buhat ang pusa. "Natakot ka naman. Hindi naman ako katulad mo na backstabber." Ngisi ko bago siya talikuran dahil nakita ko na si Tristan na kasama si Sohan.
Inilapag ko na iyong pusa malapit sa guard house dahil nandoon din ang kainan niya.
"Ang tagal mo naman?" Reklamo ko kaagad kay Tristan na pinisil agad ang ilong ko pagkalapit sa kanya.
"Na-miss mo agad ako?"
"Asa!" Sambit ko at hahampasin sana siya subalit sa halip na siya ang hampasin ko ay si Sohan na nananahimik sa tabi ang hinampas ko.
"Problema mo?"
Binelatan ko lang siya bago umangkla sa braso ni Tristan at hatakin siya palabas ng campus, subalit bigla akong nawindang sa ginawa ko kaya bumitaw ang braso ko sa pagkakaangkla sa kanya, iyon lang, hinabol ni Tristan ang kamay ko. Lumipat siya sa kaliwa ko habang naglalakad kami sa kalsada bago niya hawakan ang kamay ko.
Namimilog tuloy ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Tristan, ano sa tingin ang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya subalit nang-aasar ang ngiting itinugon niya sa akin bago mag-iwaa ng tingin ng nakangiti pa rin.
"You're blushing, Crisella. Finally."
"H-huh?"
Hahawakan ko sana ang magkabilang pisngi ko ngunit hindi pinakawalan ni Tristan ang kaliwang kamay ko. Tinawanan lang ako ni Kupal!
"I'm not paid enough for this! Hindi niyo naman sinabing gagawin niyo akong third wheel dito!" Bulalas ni Sohan at biglang dumaan sa gitna namin ni Tristan kung kaya't nabitawan ni Tristan ang kamay ko.
Patay-malisya namang nagdire-diretso ng lakad si Sohan. Akala ko hindi na siya papansinin ni Tristan pero nagulat ako ng habulin siya ni Tristan at sipain sa pwet.
What the hell?! Seriously, kailan sila naging close?
Nagbabangayan na ngayon silang dalawa. Hindi ko magawang pumagitna, kasi alam kong may maririnig ako sa kanilang dalawa na 'Crisella, mamili ka! Ako na best friend mo o itong boyfriend mo?!'. Pareho silang may sapak kaya duda akong hindi ko maririnig sa kanila ang ganoon linya.
Hinayaan ko na lang sila at naunang maglakad. Kung maging seryoso man ang away nila, aabutan ko na lamg agad sila ng tig-isang kutsilyo.
"THIS is our home, Crisella." Sabi ni Tristan na nakangiti ng pagbuksan niya ako ng gate ng bahay nila. Hindi pa man ako nakakaimik ay nauna na si Sohan pumasok sa loob at humilata sa couches na nasa sala.
"Lagi bang tumatambay 'yang Kumag na iyan dito?" Nagtatakang tanong ko kay Tristan na nakangiwing nakatingin kay Sohan na nauna na sa amin.
Daig pa niya may-ari ng bahay ah!
Nakamot na lang tuloy ni Tristan ang ulo niya bago muling hawakan ang kamay ko at akayin ako papasok sa bahay nila. "Lakas talaga ng sapak nitong kaibigan mo eh, ano?"
Tumango naman ako bilang pag-sang-ayon. Totoo naman kasi. Hindi ko nga alam kay So bakit sumama pa siya rito!
Inilinga ko ang paningin sa paligid, ang laki ng balcony nila, ang daming iba't ibang halaman! Napansin ko rin iyong kotse na minsan ko ng gamit ni Tristan na nakaparada sa garage nila, ang ganda ng interior design ng bahay nila, pinaghalong modern at traditional house ang design. May second floor din sila at mayroon pang rooftop, sa likod bahay, mukhang malawak din.
Napatingin tuloy ako sa boyfriend ko. Ah, boyfriend ko?! Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa naisip ko. Nawala na tuloy iyong dahilan kung bakit ba ako napatingin sa kanya.
"Aba, may vodka! Akala ko ba hindi ka umiinom?"
Salubong ang mga kilay ko na hinahanap ang boses ni Sohan. Kanina lang nandito siya sa sala, nakahilata na, ngayong nandito na kami sa sala siya naman ang wala. Bigla siyang dumingaw mula sa window ng pader na pumapagitna na sa sala at sa palagay ko ay ang kusina. May hawak na isang bottle ng vodka si Sohan!
"Ano? Shot tayo? May pwede ring pulutan dito!"
"Sino ba talagang may-ari ng bahay na ito? Ikaw o si Sohan?" Sapo-sapo ko na ang noo ko ng tanungin ko si Tristan.
Alanganin naman siyang napatingin sa akin. "Dito ka muna, babasagan ko lang ng bote sa ulo si Sohan-I mean, sasawayin ko lang at tatawagin si Mama, mukhang nasa likod bahay kaya hindi tayo napansin eh."
Napatango naman ako sa kanya, subalit bago siya tuluyang umalis ay hinatak ko ang dulo ng damit niya.
"Oh! Sorry, nawala na sa isip ko magtanong, ang gulo kasi ni Sohan. Gusto mo ba ng maiinom? Snacks?"
"Sira, hindi iyon. Ang akin lang naman, ayos lang na basagan mo ng bote sa ulo si So." Ngiti ko at nagthumbs up pa sa kanya bago siya kindatan.
"As you wish." Natatawang saad ni Tristan kaya maging ako ay natawa na lang din. Nagtatawanan pa kaming dalawa bago niya puntahan si Sohan na nangingialam na sa stocks nila sa kusina.
Mauupo na sana ako sa couch ng mapansin ko iyong maliit na bookshelf malapit sa center table. Sa pinakaibabaw ng bookshelf ay may dalawang cactus na nakapatong, sa gitna niyon ay nandoon ang graduation picture ni Tristan noong elementary.
Napangti tuloy ako habang tinitignan iyong elementary graduation picture niya, ang cute niya roon, kaso hindi naman siya nakangiti sa picture, para siyang siga nakatingin sa camera kaya natawa ako habang tinitignan iyong picture niya. Habang tinitignan ko iyon ay napansin ko iyong pilat sa mata niya, ibig sabihin dala-dala na niya iyon mula pagkabata? Hindi naman ganoon kakapal ang pilat niya sa mata, halos sinlaki nga lang ata iyon ng yarn at hindi rin ganoon kahaba.
Ngayon ko lang naalala, hindi ko pa pala naitatanong sa kanya kung saan niya nakuha iyon.
Naiiling na lang ako ng kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at kuhaan ng picture iyong graduation picture niya.
"May wallet size copy pa ako niyang picture ni Tristan, gusto mo ng kopya?"
Kinukuhaan ko pa ng picture iyong graduation picture ni Tristan nang may marinig akong magsalitang babae, dala ng gulat at hindi ko inaasahang naibagsak iyong frame!
"Oh my God! S-sorry po!" Paghingi ko ng paumanhin sa kanya ng hindi pa siya nagagawang lingunin. Kaagad ako yumukod para damputin at linisin iyong frame. Natataranta ako!
"Ako ng bahala diyan, baka masugatan ka pa." Narinig kong aniya sa pinakamahinahong boses kaya unti-unti akong napalingon sa kanya.
Isang hindi pamilyar na babae ang nasa harapan ko ngayon, ngunit pansin kong may pagkakahawig sila ni Miss Bethany. Ate ba siya ni Tristan? Pero sa pagkakaalala ko ay walang kapatid si Tristan.
"K-kaya ko na po. Ako na pong bahala, pasensya na po talaga." Saad ko at bumalik sa pag-iipon ng bubog, nagsisimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko at nanginginig na ang mga kamay ko subalit nagulat ako ng marahan hawakan ng babaeng dumating ang mga kamay ko at patigilin ako sa ginagawa ko.
"Crisella, ako na ang bahala. Baka masugatan ka pa."
"P-po?"
Bahagya niya akong ngitian, iyong ngiti na magpapakalma sa nagwawala kong kalooban ngayon.
"Crisella ang pangalan mo hindi ba?" Nginitian niya ulit ako bago ako alalayang tumayo. "Lagi kang naikukwento sa akin ni Tristan." Sa pagkakataong iyon ay doon ko lang napagtanto na siya ang mama ni ni Tristan, may ilan mang tanong sa isip ko ay hindi ko magawang magsalita.
"Crisella? Crisella!"
Ilang ulit akong napakurap nang marinig ko ang boses ni Tristan. Nang lumingon ako sa direksyon niya ay nagmamadali ma siyang lumapit sa akin kasunod si Sohan.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanila bago punasan ang pisngi kong nabasa ng luha.
Bakit ba kasi ngayon pa nangyari ito?
"Crisella, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tristan at marahan naman akong tumango habang iniiwas ko pa rin ang tingin sa kanya. "Ma, anong nangyari?" Hindi ko siya mabigyan ng sagot kaya si Tita na amg tinanong niya.
"Don't worry, it's my fault. Tinitignan niya iyong frame ng magsalita ako at magulat siya." Paliwanag ni Tita subalit nasalungat ko na siya bago pa man ako makapag-isip.
"N-no, it was my f-fault."
"Crisella." Tawag sa akin ni Sohan, pareho kaming napalingon ni Tristan sa kanya. May diin sa tono ng pananalita niya subalit nandoon iyong pag-aalala niya sa akin. Nilapitan ako ni So at inabutan ng isang basong tubig na tinanggap ko naman kaagad.
Medyo nanginginig pa rin ang kamay ko ng tanggapin ko ang baso para uminom kaya inalalayan ako ni Tristan.
"Tapos na iyon. Hindi na mauulit iyon, nandito na ako Crisella." Paninigurado sa akin ni Sohan bago ko iabot pabalik sa kanya ang baso na wala ng lamang tubig. "Nandito na rin si Tristan, may kasama ka na, Crisella. Nandito na kami."
Nahihirapan pa akong bigyan ng sagot si Sohan subalit sa huli ay tanging tango na lang ang naitugon ko.
"Tristan, ikaw na ang maglinis diyan, ah? Ipeprepare ko lang pagkain natin!"
"Opo!" Matapos sagutin ni Tristan si Tita ay sa akin na ulit niya ibinaling ang atensyon niya. "Magpahinga ka muna, kami na ang bahala rito." Inalayan niya akong maupo sa couch habang marahan akong tumango. "Aksidente iyong nangyari, hindi mo na kailangang mag-sorry. Magpahinga ka muna, ako na ang bahalang maglinis."
Puro tango lang ang naitutugon ko sa kanila. Hindi ako makapagsalita. Nahihiya rin ako kay Tita, kasi sa harap pa niya ako nagkaganito, si Tristan naman, alam kong naguguluhan. Nakokonsensya tuloy ako sa kanya na hindi man lang ako nagsasabi.
Matagal akong nanatiling nakaupo sa couch habang ikinakalma ang sarili ko. Nasa tabi ko lang si Sohan habang may inaasikaso si Tristan at si Tita.
Nang huminahon na ako ay tinapik ko si So na natutulog na sa tabi ko. Hindi ko na siya magising kaya tumayo na lamg ako sa kinauupuan ko at hinanap si Tristan. Nakarating ako sa second floor at doon ko siya naabutan na may hinahanap, kwarto ata niya iyon.
"Ayos ka na ba? Sorry, nay pinapahanap kasi si mama. Anyway, baka gusto mong matulog? Sandali, aayusin ko lang 'yung kama."
Pipigilan ko sana siya subalit hindi ako kaagad nakapagsalita. Sinundan ko na lang siya papasok sa kwarto niya at napalunok na lang ako ng makitang sobrang linis ng kwarto niya! May malaking bookshelf din malapit sa veranda at doon maayos na nakasalansan ang mga libro na ang akala ko ay nakakalat sa kama niya.
Geez! Kaya pala ang lakas ng loob ni Kupal na awayin ako sa kalat ng kwarto ko noon.
"Magpahinga ka muna." Ngiti niya at inalalayan ako sa kama niya.
Napailing naman ako. "Ayos na ako. Nagulat lang talaga ako." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Nginitian ko siya para kumbinsihin na ayos na talaga ang lagay ko.
Hindi ako inimik ni Tristan, naramdaman ko na lang na hinila niya ako para ikulong sa mga bisig niya.
"Tristan..."
"Hindi ko alam kung nasa posisyon ako para hilingin ito. Gusto kong malaman lahat, Crisella. Nahihirapan akong makita kang nagkakaganyan at wala akong magawa." Mas humigpit ang yakap niya sa akin.
Walang salitang namumutawi sa mga labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung saan man ako dapat na magsimula.
Makaraan lang ang ilang minuto ay bumitaw na si Tristan sa pagkakayakap sa akin, hinarap niya akonat inayos ang buhok kong sa palagay ko ay magulo na.
"Maghihintay ako, okay?" Sabi niya kaya marahan akong napatango.
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng nawala ang pangamba na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay handa na akong balikan iyong mga bagay na patuloy kong tinatakbuhan palayo dahil alam kong nandito na siya.
"Anyway, nakita ko na iyong hinahanap ko." Ngiti niya at kinuha ang kanang kamay ko bago ipatong doon ang wallet size picture nung graduation picture niya na tinitignan ko kanina.
Namimilog ang mga mata kong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa picture na nasa palad ko kanina. "Bakit...?"
"Sabi ni mama gwapong-gwapo ka raw sa graduation picture ko noong elementary eh." Ngisi niya na siyang nagpakunot ng noo ko dahilan upang bahagya ko siyang hampasin.
"Kapal talaga ng mukha mo!"
"Hindi mo na lang sabihing naggwapuhan ka sa akin eh."
Aba, nagagawa na akong asarin ngayon! Naiiling kong inipit sa likod ng ID ko iyong graduation picture niya kahit na matatakpan niyon ang beep card ko. "Wow ah! Sa pagkakatanda ko, noong sinabi ko sa iyo iyan, naiwan ka sa loob ng LRT kahit late ka na."
"Ha? Wala akong alam sa sinasabi mo." Tawa niya na nagpairap sa akin.
"Tapos ka na ba rito? Bumaba na nga tayo. Baka hinahanap na rin tayo ni Tita." Aakayin ko na sana siya palabas subalit hinila niya ako pabalik sa kanya kaya yakap-yakap na naman niya ako ngayon. "Tristan."
"Bababa rin tayo, wait lang."
"Huh? Eh..."
Nablanko na naman ang utak ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin bago pisilin ang pisngi ko at ngitian ako. "Crisella, I love you."
Hindi ako nakasagot. Alam ko kung anong itutugon pero ayaw lumabas sa bibig ko. Alanganin na lang akong natawa bago siya bahagyang hampasin sa braso. "Ah... he-he. Tara na, kain na tayo, nagugutom na ako."
"Tsk! Tsk! Tsk! Alam ko na nasa isip mo pero ipapaalala ko lang sa iyo, ikaw saralin sa ka-corny-han ko."
Huh? At bakit ako ang may sala?
"Kakabasa mo ng libro iyan, Tristan."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top