Chapter 27
Chapter 27: Enjoy each and every cringe moments
CRISELLA'S POV
"YOU mean it's official?" Tanong ni Sohan at marahan naman akong tumango.
Umiiral na naman pag-o-overreact niya kaya hawak-hawak niya ang labi niya habang nakatingin sa akin ngayon. Muntik ko tuloy maibato ang sinulid sa kanya sa inis ko.
"After all this years, napatunayan mo ring tao ka!" Bulalas ni So kaya tuluyan kong naibato ang sinulid sa kanya.
Nasapo ko na lang ang noo ko at hindi na naituloy ang tinatahi ko.
"Oh? Eh bakit parang hindi ka masaya?"
Ngayon napansin niya rin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya.
"Crisella?"
"Mhmm... eh kasi naman hindi ko na alam kung anong kasunod nito!" Parang batang ngawa ko na siyang magpakunot ng noo ni Sohan. "Now that's it's official, what's next? So! My gosh! Hindi ko alam. Kasi feeling ko lahat na lang cringe! Lahat na lang corny!"
Nakamot ni So ang kilay niya habang nalilitong nakatingin sa akin. "Seriously? Crisella? Are you really in love with Tristan or you only like the concept of love?"
"Ang lalim ng tanong mo! Hindi ko maintindihan!" Maktol ko at nagulo ang buhok ko. Kanina pa ako binabagabag. Everything's fine at school pero pag-uwi ko, doon na ako napuno ng napakaraming tanong.
"Okay, okay! Let's make it simple. In love ka ba talaga kay Tristan?"
"You know how careful I am when I'm accepting new people in my life! Tapos itatanong mo pa talaga iyan?"
"Tsk! Sana lang matiis ni Tristan iyang ugali mo."
Umarko ang kilay ko sa sinabi niya at muntik ko na naman siyang mabato. "Anong sinabi mo?"
"Just let it be, it is not about being corny and doing cringe stuffs. Pati ako nahihilo na sa tanong mo, maybe lumapit ka sa maling tao. Tsk! Tsk! Tsk! Bakit hindi si Xhera ang tanungin mo?"
Naidukdok ko na ang ulo ko table kung saan nagkakalat ang mga tela at sinulid ko. "Xhera has never been in a relationship. Wala akong makukuhang sagot sa kanya!"
Pero si Xhera ang magsabi na kulang lang kami sa usap ni Tristan and it worked! She loves reading novels anyway, baka may makuha nga akong sagot sa kanya. Naiangat ko mula sa pagkakadukdok sa mesa ang ulo ko at hinanap ang phone ko.
"Sohan, nakita mo ang phone ko?"
"Nah. Sa dami ng kalat mo diyan, hindi mo na mahanap gamit mo?"
Naiiling kong naisabog lalo lahat ng tela, hanggang sa makita ko ang phone ko. Tinawagan ko kaagad si Xhera subalit message ni Tristan ang nasa unahan ng notifications ko. Sa halip tuloy na tawagan ko na si Xhera ay inuna kong buksan ang message ni Kupal.
9:33PM
From: Tristan Kupal
Just got home. Message me if nakauwi ka na! <33
Kanina pa ito?! Okay, since we're really official, dapat lang na magmessage ako pabalik sa kanya, hindi ba? Ganoon ba talaga iyon?!
Magrereply lang ako, stress pa aabutin ko!
To: Tristan Kupal
Luh, buti nakauwi pa u? Slr, I went to a nap after q makauwi.
Tatawagan ko na talaga dapat si Xhera pero nag-reply kaagad si Tristan!
From: Tristan Kupal
Take a rest na. I'll see u tom naman, goodnight!
To: Tristan Kupal
Night nightyyy!! ^^
"Iyon na iyon?" Narinig kong tanong ni So.
"Ano pa nga ba?" Salubong ang kilay ko na hinarap siya! Nakikibasa ng message si Kumag! "T×rantado ka?!"
"Galit ka na naman? Pero ayun na 'yun? Goodnight?! Ang lame ng conversation ninyo!"
"It's not about the online conversation, dimwit!"
"
Wala rin kayong endearment?" Nanunuyang tanong ni So kaya napisil ko ng napakariin ang ilong niya. "Aww! Crisella, ano ba?! Ang sadista mo kahit kailan!"
Tinigilan ko na siya bago ngiwian at iripan. Binuksan ko na ulit ang phone ko at tinawagan si Xhera.
"Xhera, are you busy? May gusto sana akong itanong, hindi ko na kayang ipagpabukas pa eh." Dire-diretsong saad ko, narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
["Give me a second!"] Aniya at pinatay ang tawag.
Salubong tuloy ang mga kilay ko na nakatingin sa phone ko. Baka nagrereview pa rin siya para sa entrance exams at naistorbo ko. Naiiling ko na lang na itinabi ang phone ko subalit makaraan lang ang ilang segundo ay may narinig kaming nag-doorbell.
Nagpalitan kaming dalawa ng tingin. Parehong ayaw lumabas para alamin kung sino ang nasa labas at magdodoorbell ng ganitong oras.
"Isang bagsak." Saad ko dahil pareho talagang ayaw namin labasin ang tao sa labas.
Nauwi pa kami sa rock paper and scissors. Sa huli natalo si Sohan kaya naman binelatan ko siya. Suot-suot pa niya ang pajamas niya ng lumabas ng bahal para tignan kung sino ang nagdodoorbell sa gate.
Itinuloy ko na ang paglilinis ng mga gamit ko. Plano ko na ring matulog dahil sa wakas ay nakaramdam na rin ako ng antok.
"Good evening! Hehe, hindi ba ako nakakaabala?"
"Tsk! Ngayon mo pa talaga naitanong iyan ngayong nandito ka na?"
Boses ba ni Xhera iyon? Salubong ang mga kilay ko na sumilip sa balcony at so Xhera nga ang kasama ni So! What is she doing here? Kaya ba sinabi niyang saglit lang?
"What brought you here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, may dala-dala pa siyang maleta! Naglayas ba siya?
Nakanguso naman siyang tumakbo palapit sa akin para yakapin ako. "Mhmm... makikitulog muna ako. I don't know how to book a hotel room."
Nakamot ko ang kilay ko bago siya pabitawin sa pagkakayakap sa akin at harapin ko. "Ayos ka lang?"
"I can handle naman."
Inilalayan ko siya paupo sa couch at itinabi ang malaking maleta na kasama niya. "Bakit ba? Anong nangyari?"
Alanganin niya akong nginitian at bahagyang pinisil ang mga kamay ko. "Just let me stay here for a night, hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa iyo, hindi ako sanay mag-open up eh."
"Okay, okay. Pwede kang matulog dito hangga't gusto mo. Pero dalawa lang ang kwarto namin dito, isa kay So at isa sa akin, if you want---"
"You can sleep in my room." Sabat ni So kaya nabato ko siya ng throw pillow.
Bahagya namang natawa si Xhera dahil sa iniasta naming dalawa ng Kumag kong kaibigan.
"Ayos lang naman kung sa iisang room lang tayo, Crisella." May diin ang pagbanggit ni Xhera ng pangalan ko, pinaparinggan si Sohan.
"Aba, aba. Hindi pwedeng si Crisella lang ang may katabi ano? Teka, tatawagan ko si Tristan." Papansin talaga 'tong Tukmol na 'to!
Kinuha talaga niya ang phone niya kaya naiwan ko muna si Xhera sa couch para sipain si Sohan sa binti. "Sige, papunta mo si Tristan dito. Sa labas ka matulog at---"
"Ay sorry, gusto mo ba ikaw katabi ng jowa mo? All right, sasabihan ko na lang siya."
Inagaw ko ang phone niya dahil tototohanin talaga niya ang pagtawag kay Tristan! Knowing Tristan, paniguradong pupunta rito iyon! "Matulog ka na nga! Saka tigil-tigilan mo iyong jowa term ah, nakakasura."
"Arte! E'di shota mo?"
Nahampas ko siya ng malakas dahil nagsisimula na naman siyang mang-asar. "Isang beses ko lang sasabihin, So. He's not my jowa or my shota, my God! Tristan is my boyfriend." Saad ko ng may diin sa huling salitang binitawan ko.
Natatawa namang nagulo ni Sohan ang buhok ko. At sa wakas! Tinigilan na niya ako dahil dumiretso na siya sa kwarto niya!
Nang lingunin ko si Xhera sapo-sapo niya ang labi niya habang namimilog ang mga matang nakatingin sa akin. "Omo! Tama ba iyong narinig ko?"
Masyadong okupado ang utak ko kanina, isa pa, kay Sohan ko kasi talaga planong unang sabihin iyong tungkol sa amin ni Tristan. Kaya ito, wala pang alam si Xhera, akala ko kasi kay Tristan na niya malalaman kung sakaling hindi ko agad nasabi.
"Mhmm... yeah, we're official." Ngiti ko at naupo sa tabi niya.
"Then what happened? Did you two go out after class? Anong endearment ninyo? Plans for dates?"
"Teka lang! Ang dami mong tanong! Besides kaya ako tumawag sa iyo kanina kasi naguguluhan din ako." Nakangiti pa ring nakatingin sa akin si Xhera, mas excited pa ata siya sa aming dalawa ni Tristan. "Now that we're official, anong kasunod? Ano iyong mga bagay na dapat kong gawin? For him, for us?"
"Crisella," hinawakan niya ang mga kamay ko. "Don't pressure yourself, hindi mo kailangan mag-isip ng sobra. Of course, you need to put efforts for his as well but the most important thing is you jave to enjoy every moment with him."
"Iyong totoo, nagkaboyfriend ka na ano?" Nanunuyang tanong ko, I was right, may maibibigay siyang sagot sa mga tanong ko. Ganoon na lang ang pagluwa ng mga mata ko dahil nagpipigil siya ng tawa na nag-iwas ng tingin sa akin. "Oh my God, Xhera! Are you in a relationship?!"
"Y-yeah but it is really complicated kaya kahit sa iyo hindi ko magawang sabihin."
Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya bago ako mapailing. Sa huli ay hindi na ako nagtanong, siya na rin ang nagsabi na komplikado, sasabihin niya naman siguro sa akin kung handa na siya?
"Steve isn't the guy?" Tanong ko ng maalala ko iyong schoolmate namin na kinababaliwan ni Brooke.
Mabilis namang umiling sa akin si Xhera, ilang ulit ko pa siyang pinagkatitigan bago tanguan.
ALAS-QUATRO ng hapon, lahat kami ay sa shop ay kaliwa't kanan ang trabaho, maraming students at worker ang umoorder ng pastries at refreshments. Mayroong mag-isa lang at may grupo-grupo kung umorder. Nakatuon ng mabuti ang atensyon ko sa bawat order na natatanggap ko bago iyon iabot sa kitchen.
Ayaw kong makaabala sa customers at mga nag-aayos sa kitchen ang isang pagkakamali ko lang.
Kaninang umaga, hinanap ko kaagad si Xhera sa bahay, akala ko naman ay matagal siyang mag-s-stay lalo na at ang laki-laki ng bagahe niya nang pumunta sa amin. Subalit nang hanapin ko siya kaninang umaga ay wala na siya maging ang mga gamit niya.
Nang tinatawagan ko hindi naman siya sumasagot, nang makita ko sa campus kanina ang sabi niya ay ayos naman na siya, kaya hinayaan ko muna.
"Here's you Matcha Panna Cotta and Vanilla Shortbread Cookies, ma'am. Enjoy your sweets with us." Nakangiti kong inabot ang sunod na order subalit mabilis na napawi ang ngiti ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko.
Oras ng trabaho.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.
"You're working here?" Nanunuyang tanong niya bago tikman ang cookies. "Akala ko ba nagbubuhay prinsesa ka? Bakit nagwowork ka na sa bread shop ngayon, ate?"
Please, not now!
"Wala ka naman ng kailangan, Miss. Aalis na ako, may trabaho pa ako."
"No. Dito ka muna, I want to make sure kung malinis at quality ba talaga itong orders ko."
This bitch is testing my patience! "Kung may problema ka sa pagkain, you can complain naman, don't worry, we'll assist you. We only want what is best for our customers, ma'am."
"Ate, nakapag-abroad na si Papa, maybe you want to go home."
Plano ko ng alisin ang apron ko at patalsikin siya rito sa loob ng shop. Subalit bago ko pa man siya maabpt mula sa kabilang bahagi ng counter ay mayroon ng humawak sa kamay ko.
Nang lumingon ako ay ang maaliwalas na mukha ni Tristan ang nakita ko. Sa isang iglap ay kumalma ang nagwawala ko ng kalooban.
"They need you in the kitchen, ako na rito." Aniya at bahagyang pinisil ang kanang kamay ko.
Walang tanong-tanong ay dumiretso ako sa kitchen para makalayo kay Gheme. Kapag pinatulan ko siya baka mawala ko lang ang trabaho ko rito. Isa pa, kung gagawa ako ng kalokohan dito sa loob ng shop, paniguradong pakikiusapan kaagad ni Tristan si Miss Bethany at ayaw kong mag-abala pa siyang gawin iyon.
Pagpasok ko sa kitchen ay wala naman pala akong gagawin doon.
Maglilinis na lang sana ako ng makabalik na si Tristan, walang sabi-sabi niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa employee's room.
"Ayos ka lang?" Tanong niya pagkapasok namin ng employee's room. Inabutan din niya ako ng strawberry dairy milk na walang alinlangan kong tinanggap.
"Thanks. Huwag mo na akong alalahanin, kalmado na ako. May trabaho pa tayo sa labas."
"Paano ka makakapagtrabaho sa ganyang sitwasyon, hmm?"
"Kalmado na ako, panatag na ako, kasi alam kong nandito ka." Paniniguro ko sa kanya na siyang dahilan upang magulo niya ang buhok niya at mag-iwas ng tingin sa akin. "Tristan?"
"Gheme's your sister, right? Alam kong nangako ako na hindi ko papansinin anuman ang sasabihin ni Gheme sa akin tungkol sa iyo pero gusto kong malaman, ang totoo, mula sa iyo. Hihintayin ko iyong pagkakataon na handa ka ng sabihin sa akin kung anuman iyong mga bagay na gumugulo sa iyo."
Unti-unti nang naibalik ni Tristan ang paningin niya sa akin, ngunit pansin kong bahagya pang namumula ang pisngi niya. Kaya pala nag-iwas ng tingin, kinilig na naman si Kupal sa sinabi ko. Tsk!
Inubos ko lang ang strawberry dairy milk bago siya ngitian at lapitan para yakapin. "Mhmm... sure, pero gusto kong malaman mo na hindi madali para sa akin na balikan kung anuman ang iniwan ko na sa nakaraan, okay?"
"May mga bagay din akong iniwan sa nakaraan pero kailangan kong balikan, dahil kung wala iyon, wala ako rito sa harap mo ngayon."
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. "Now, I wonder. Your life that you grew up seems complicated as I was back then."
"Who knows." Ngiti niya bago pisilin ang ilong ko. "Maglalaan tayo ng oras pag-usapan itong mga bagay na ito, okay? For now, bumalik muna tayo sa work," alanganin siyang napangiti bago hawakan ang tainga niya. "Baka matapyas na ni Bethany ito mamaya eh."
"Pasaway ka kasi." Iling ko at natatawa naman kaming lumabas ng employee's room para bumalik sa kanya-kanyang gawain namin.
Nagpalit na lang kami ng task ni Tristan. Siya na raw ang bahala sa customers at ako ang maglilinis ng kalat sa kusina, hindi naman na masyadong mabigat ang linisin dahil bukod sa may katulong naman ako ay nauna ng gawin ni Tristan iyong mabibigat ng gawain.
Kung wala siguro siya kanina baka mga gamit ko na ang inaayos ko ngayon pauwi. Ngayon lang ulit kami nagharap ni Gheme matapos ko silang iwanan noon. Ilang ulit ko mang nakita si Gheme sa campus, ako naman ang nauunang umiwas.
Hindi ko man nagawang tignan ng matagal ang babaeng iyon, hindi pa rin nakatakas sa paningin ko iyong mga peklat sa mukha niya. She should consider herself lucky na iyon lang ang inabot niya sa dami ng kasalanan niya sa akin. Kunsabagay, kung hindi naman kasi siya lumapit kay Brooke, hindi niya sasapitin iyon. She better ask Brooke for money to fix her face, dahil wala namang halaga ng pera na makakapag-ayos pa ng ugali niya.
Itong araw na ito na ata ang pinakamabigat na shift ko. Nang matapos ang shift ko ay hindi kaagad ako umuwi, sandali muna akong nagpahinga sa labas ng shop. Parang wala na tuloy akong lakas na umuwi, dumagdag pa iyong presensya ni Gheme. Sana lang hindi na siya bumalik dito dahil baka sa susunod na magpang-abot kami ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Nasa malalim pa akong pag-iisip ng tumabi sa akin si Tristan. Nakapagbihis na siya at nakasuot ng hoodie, nakapamulsa siya sa hoodie niya ng maupo siya sa tabi ko.
"Ano 'yan? Bakit parang lamig na lamig ka?" Nagtatakang tanong ko at kaagad naman siyang tumango. "Nilalamig ka? Ang init-init kaya!"
"Kulang ako sa yakap, Crisella." Aniya sabay nguso.
Inismiran ko naman siya at nag-iwas ako ng tingin. "Ang init-init."
"Okay, iba na lang yayakapin ko." Aba, nagtatampo si Kupal! Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa tabi ko kaya nilingon ko siya.
Akala ko naman kung ano na pero binuhat pala niya iyong pusang napadaan, bumalik siya sa tabi ko na kalaro na iyong pusa.
"Baka makalmot ka niyan." Paalala ko sa kanya dahil madalas kong nakikita na puro kalmot at peklat ang kamay niya.
"I'm having the time of my life with this cat, tapos manggugulo ka?"
Ilang ulit akong napakurap at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Excuse me? Concern lang ako na baka makalmot ka ng pusa or worse makagat."
Nilingon niya ako kung kaya't napasinghap ako dahil ang lapit niya sa akin. "Don't worry, fully vaccinated ako ng anti-rabies at may booster shots ako."
"Kahit na ba!"
"Isa pa, tropa kami nitong si Milkshake---aww!" Biglang tumalon iyong pusa palayo sa kanya dahil lumabas iyong employee na nagpapakain ng mga pusang gala sa labas ng shop.
Nang ibalik ako ang tingin kay Tristan ay hawak niya ang kanang kamay niya na nakalmot habang pinapadugo iyon. Pasaway kasi! Nahampas ko pa siya sa braso bago ako pumasok sa loob at kumuha ng alcohol at cotton.
"Tropa pala kayo ng pusa, uh?" Sarkastikong saad ko.
"Nagkataon lang iyon! Saka kalmot lang naman iyan."
"Pipino! Bakit ba ang kulit mo? Saka, anong ipinangalan mo sa pusa? Milkshake?!"
"Mhmm... umiinom kasi ako ng milkshake noong unang beses siyang lumapit sa akin. Then after that, we became friends!"
"Ewan ko sa iyo, hugasan mo mamaya ng maayos iyang kamay mo ah!" Paalala ko sa kanya saka itinabi ang alcohol at cotton. "Hindi ka pa ba uuwi?"
"Ako pa talaga ang tinanong mo? Sino kaya sa ating dalawa itong kanina pa dapat umuwi dahil gabi na?"
"Oh? Ako sesermunan mo ngayon? Kaya ko namang umuwi mag-isa, besides, may baon akong stun gun ano? Plus, mabilis akong tumakbo! Madali ko nga lang natatakasan mga gwardiya at sales lady noon."
"Really?" Nang-aasar na tanong noya kaya nahampas ko ang balikat niya.
"Isang beses lang ako muntik mahuli at dahil iyon sa pangingialam mo ano!"
"Ako pa ang pakialamero ngayon?"
"Sino pa nga ba?!"
"Pero tumigil ka na ba?" Tanong niya na siyang nagpangisi sa akin.
"Mhmm... hindi naman ako maghahanap ng part time job kung kalokohan pa rin ang ginagawa ko ano. Ibinalik ko lahat ng kinuha ko, the rest, babayaran ko na lang."
Namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon. "Babayaran? Nakausap mo iyong owner?"
"Huh? Asa kang makikipag-negotiate ako sa owner, tiyak na itatapon ako sa kulungan nun ano. Tama na iyong napadpad ako sa kulungan ng isang beses dahil sa kalokohan nila Brooke."
Pinisil niya ng marahan ang ilong ko at saka ako nginitian. "Hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa mo bilang kabayaran sa lahat ng kalokohan mo pero hangga't alam kong sinusubukan mong itama lahat ng pagkakamali mo, nandito lang ako."
"So iiwan mo ako kung ipinagpapatuloy ko pa rin iyong kalokohan ko?" Pang-aasar ko sa kanya, akala ko oo na ang isasagot niya subalit tinawanan lang niya ako sabay sabing...
"Hindi kita kailangang iwan, dahil iyong Crisella na kilala ko, alam kong inaako ang responsibilidad sa lahat ng ginawa niya."
"Asus! Binobola mo lang ako para bigyan ulit kita ng libro ano!"
"Excuse me? Bakit pa ako hihingi o magpapabili ng libro sa iyo? Hindi ko na nga alam kung anong una kong gusto basahin."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago bahagyang suntukin sa braso. "Siguraduhin mo lang!"
"Hindi mo naman ako plano gawing punching bag ano?" Naiiling na sabi niya bago hawakan ang kanang kamay ko. "Kung hindi suntok, palo. Tsk! Tsk! Tsk! Idinadaan mo sa pananakit 'yung lambing mo eh."
"Anong lambing sinasabi mo riyan?"
"Oh! Oh! Hahampasin na naman ako!" Tawa niya dahil nagtangka akong agawin ang kanang kamay ko ay hampasin nga siya. "Bakit ba ang sadista mo?"
Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. "Nakalakihan, nakatatak na sa sistema ko. Huwag kang mag-alala, babawasan ko na panghahampas sa iyo pero exemption si Sohan." Sabi ko bago siya muling lingunin ng nakangiti na.
"Okay, nasa iyo ang support ko sa ganyang usapan." At pareho kaming natawa dahil nagpaplano na kami ng masama para kay So. "Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, gusto kang makilala ni mama."
Gusto niya akong ipakilala sa mama niya?! Napatitig ako kay Tristan, seryoso siya. Pinoproseso ko pa tuloy sa utak ko ang lahat ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magreresponse!
"Mabait si Mama, ano ka ba?" Natatawang aniya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. "Ilang beses na rin siyang nakita ni Sohan. Gusto ka lang makilala at makita ni mama, okay? Hindi ka dapat kabahan, kasama mo naman ako."
"S-sigurado ka?"
"Mhmm... akong bahala sa iyo, okay?"
"K-kailan ba?" Bakit ba nagkakandautal-utal ako?! My gosh, Crisella!
"Bukas, kung ayos lang sa iyo. Ano bang paborito mong ulam? Gusto ni mama ang ihanda niyang ulam bukas ay iyong paborito mo."
"Ha? Mag-aabala pa si Tita? H-huwag na, hindi naman ako maarte sa pagkain, although hindi ako kumakain ng ginisang ampalaya, any cuisine ng ampalaya hindi ako kumakain, iyon dahon lang ng ampalaya ang kinakain ko..."
"So anong ibig sabihin ng 'I hate cooking ampalaya?'" Natatawang tanong niya kaya maging ako ay natawa na lang din.
"I hate arguments, let's get straight to the point. That's it!"
"Seriously? Akala ko naman kung ano na. Anyway, tuloy ba tayo bukas?"
Maagap ako tumango. Si Tristan nga naman ang kasama ko bukas, paniguradong magiging maayos ang lahat basta siya ang kasama ko. "Sure, tuloy tayo bukas. Gusto ko ring ma-meet si Tita."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top