Chapter 25
Chapter 25: Righteous Confession
Crisella's POV
"KUNG kailan may sasabihin akong mahalaga, saka niya sasabihin na sa susunod na kami magkita?!" Ang aga-aga, wala akong ginawa kung hindi ang magreklamo kaagad kay Xhera. Alanganin naman niyang nailapag ang tasa niya ng tsaa. "Ilang ulit kong pinag-isipan at pinlano ito pero lagi na lang hindi siya available, lagi na lang hindi kami nakakapag-usap."
"Well, alam ba ni Tristan kung ano ang dapat ninyong pag-usapan?"
Naipikit ko sa inis ang mga mata ko. "I don't know." Nang imulat ko ang mga mata ko ay humahagikgik na si Xhera. "Kanina pa ako nagrereklamo sa iyo, pero sa pagkakaalala ko ay wala pa akong binabanggit na pangalan."
"It's obvious, Crisella. Hindi naman ganoon karami ang taong nakapaligid sa iyo para hindi ko malaman." Natatawang aniya kaya naiwas ko ang tingin ko. "Kapag sinabi mo naman siguro kay Tristan na gusto mo siyang makita, magpapakita naman siguro siya sa iyo."
"Huh? Sino may sabing gusto kong makita ang Kupal na iyon? May inaasikaso siyang requirements, bakit ko nga naman siya aabalahin?"
"You sound defensive." Iling ni Xhera bago ipagpatuloy ang pag-inom niya ng kape. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Kung gusto mo si Tristan, then tell him."
"I don't like him. Bakit ko naman sasabihing gusto ko siya kung hindi naman iyon ang nararamdaman ko? Sasabihin ko naman na sana kagabi kahit na wrong timing kasi nga pareho na kaming pagod sa shift namin, ang kaso iyon, parang... parang iniiwasan ni Tristan na pag-usapan namin."
Sumubo ng pancake si Xhera bago nababagot na tinignan ako. Pakiramdam ko ay isang pagkakamali ko pa ay itutusok na niya sa akin ang hawak niyang tinidor. "May misunderstandings kayong dalawa, hindi maaayos iyan kung hindi kayo mag-uusap. Kung sa akin nga lang na nag-eexplain ka, hindi ko na maintindihan, paano pa si Tristan?"
"Paano ko nga siya kakausapin kung ganyan na ang schedule niya---"
"Stop making excuses, Crisella. We both know that Tristan can make time for you oras na sabihin mo."
Napahalukipkip na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ako itong galit na galit sa kanya noon kasi ang tanga-tanga niya, ngayon ako na itong pinapagalitan niya kasi nagpapakatanga ako sa sarili kong desisyon.
Alam ko naman kasi talaga ang gagawin ko. Nasimulan ko na nga, pero hindi pa rin buo ang loob ko, himahabol pa rin ako ng takot, kaya nagpapaikot-ikot na lang ako sa iisang sitwasyon.
Totoo nga naman na gagawa at gagawa ng paraan si Tristan oras na sabihin ko sa kanya na may pag-uusapan kami. Subalit kung ganitong ako mismo ang problema, bakit aabalahin ko pa ang oras niya?
THE start of second quarter. Tulad ng madalas mangyari ay tamad akong bumangon, mabuti na lang at laging nandyan si Sohan the Great para gisingin ako. Dahil ito ang unang araw ng second quarter, paniguradong hindi pa kaagad magsisimula ang klase, iyon ay kung masipag ang teachers namin na magturo agad ngayon.
Kahit papaano ay tahimik naman ang umaga ko ng pumasok ako. Paano hindi tatahimik kung wala na si Brooke. From what I heard she transferred after the first quarter ends.
I saw it coming though. She'll leave once her beloved reputation was ruined.
Papasok pa lang akonsa classroom namin ay ang dami ng tao sa labas, galing sa ibang rooms, iyong iba, hindi pamilyar ang mga mukha, baka mga transferee rin?
"Ang daming pogi sa kabilang building teh!"
"Perfect attendance na agad ako niyan kung ganyan kapopogi mga kaklase natin!"
"Aba, may ipapalit ka na kay Sohan mo ngayon?"
Huh?
Napalingon ako roon sa schoolmates ko na maghahagikgikan sa tabi. Wala naman akong pakialam kung anong pinag-uusapan nila pero narinig ko ang pangalan ni Sohan. Sabagay, baka ilan sila sa mga babaeng patay na patay sa Kumag kong kaibigan, hindi pa rin nakakamove on kay Daffney, samantalang nagtransfer na si Daff sa ibang school.
Umalis tuloy iyong dalawang babaeng nag-uusap ng mapansin nilang nilingon ko sila. Naiiling na lang akong pumasok sa room at naupo sa pwesto ko.
Wala pa kaming seating arrangement kaya malaya kaming mamili ng pwesto namin, iyon ay kung maaga akong makakapasok, the good thing is maaga nga akong pumasok. Kaso may asungot naman na tumabi sa akin kaya mabilis na umarko ang kilay ko.
"Good morning!"
"Morning." Plano ko na sanang umalis sa kinauupuan ko dahil kay Devon! Talagang papainitin agad niya ulo ko?
Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili ko, ayaw kong pairalin ang kamalditahan ko ngayon. Inilabas ko ang earphones ko at binuksan ang music app ko, hindi naman na siguro ako guguluhin ni Devon?
Ang kaso, wala pang isang minuto ay kinalabit ako ni Devon! Salubong na ang mga kilay ko na haharapin sana siya subalit inginuso niya si Sohan na nasa pintuan ng room namin.
Nang makita ako ni So ay dire-diretso na siyang pumasok at nilapitan ako bago pa man ako makatayo. Ipinatong niya sa table ko iyong paper bag kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Paanong nasa iyo iyan?"
"Naiwan mo. Nagkataon na may binalikan ako sa bahay kaya nakita kong nasa salas iyan. Mukhang mahalaga iyong laman eh." Aniya bago magtaas baba ang kilay.
Binuksan ko tuloy iyong paper bag, mabuti na lang at walang pinakialaman dito si So, kung ano ang laman ng paper nung naiwan ko ito kanina, ay iyon pa rin ang laman nito ngayon.
"Nagkita na ba kayo?" Tanong ni So kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Naintindihan ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.
"Kailangan bang magkita kami?"
"Oh? Akala ko para kay Tristan ang mga libro na iyan?" Saad niya sabay nguso sa mga librong laman ng paper bag.
Itinabi ko na iyon at mabilis siyang inilingan. "Pinagsasabi mo, para kay Xhera ito. Sige na, bumalik ka na sa classroom ninyo."
"Grabe, pinagtatabuyan mo na ako ngayon?"
"Ang OA mo, So. Bumalik ka na sa room niyo."
"Tsk! Bago ako umalis, wala ka bang plano lumipat ng section?"
Kung kailan second quarter saka ako lilipat?! Ayos naman ako sa section ko kahit papaano, isa pa, ayaw kong mag-effort na makipagsocialize ulit. "Bakit naman ako lilipat? Tsk! Sige na nga, unalis ka na."
"Sure ka na hindi mo gusto lumipat?"
"Guguluhin mo lang ako kapag nasa iisang section tayo." Ngiwi ko na siyang nagpabagsak sa mga balikat niya bago ako talikuran.
Ano na naman bang tumatakbo sa isip niya at gusto niya akong lumipat ng section? Imposibleng dahil iyon sa gusto niyang magkaklase kami, matagal na kami nag-aaral sa parehong eskwelahan pero ni minsan ay hindi kami naging magkaklase at ayos naman sa aming dalawa iyon.
Palagi na nga kaming magkasama sa bahay, hanggang sa school ba naman? Ewan ko lang kung hindi ko pagsawaan pagmumukha ni Sohan.
KINUHA ko kaagad ang paper bag na inihanda ko pagkarating ng break time. Nagmamadali akong bumaba sa building ng junior high. Hinihingal na ako kakaisa-isa sa mga classroom ng mapatigil ako gitna ng hallway ng third floor.
May kalayuan man ay nakita ko si Tristan sa ibaba. Iyan na naman siya sa habit na nagbabasa ng libro habang naglalakad, paakyat siya sa building ng senior high! Bukod doon ay napansin ko rin ang suot noyang uniform! Iyon ang uniform na senior high!
Does it mean that he passed the acceleration test?!
Halos ilang araw kaming hindi nakapag-usap, hindi ko rin naman alam kung paano siya tatanungin tungkol sa results ng exam!
Natataranta akong bumaba ng third floor para habulin siya, kakamadali ko ay nabungo ko pa iyong teacher na nakasalubong ko.
Sa huli ay hindi ko naabutan si Tristan. Hindi ko na siya makita! I left my phone in our room kaya hindi ko rin siya ma-contact. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, habang nag-iisip. He's wearing senior high school uniform, pero wala akong ideya kung anong strand at section niya. Kung ibabase ko sa interest at hobbies niya ang pinili niyang strand, hindi ko rin alam ang sagot!
I doubt that he took HUMSS though.
Subalit tila may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko. Nagmamadali na naman akong umakyat papunta sa building ng senior high, dumiretso ako sa classroom nila, halos walang tao roon dahil karamihan ay nasa cafeteria o nasa food lane.
Mangilan-ngilan lang ang tao sa classroom at kasama na roon si Tristan na tahimik na nagbabasa ng libro sa pwesto niya.
Aba, hindi na natutulog sa parking space!
Pinasadahan ko pa ng tingin ang sarili ko sa mirror ng baon kong compact powder and damn! Ang haggard ko kakatakbo paroon at parito!
Sandali lang akong nag-retouch at inayos ang pagkakasuot ng navy blue velvet beret ko na nahulog na sa ulo ko kakamadali kanina. Napansin ko pa iyong grupo ng mga babae na malapit sa pintuan na nakatingin at pinagbubulungan si Tristan, tinignan ko sila kaya iniba nila ang usapan bago ako lumapit kay Tristan.
Inilapag ko ang paper bag na inihanda ko sa table niya dahilan upang mag-angat siya ng tingin sa akin. Naibaba niya ang hawak niyang libro at tulalang napatitig sa akin. Napalunok na lang ako dahil ako mismo ay nataranta.
"Hi!" Bati niya sa akin, mukhang hindi naman iyon ang sasabihin niya dapat eh.
"Baka mabulag ka niyan. Pwede kang pumikit, masyado ka ng nasisilaw sa kagandahan ko."
Right! Hindi ako pwedeng kabahan. Hindi pwedeng mawala ang poise ko. I just need to be pretty myself.
Kusa kong naitikom ang munting tinig sa isipan ko. I am looking forward to have this chance na makausap siya now I don't know where to start!
"Uh... you're here. Anong ginagawa mo rito...?"
Iyan talaga ang naisip niyang itanong matapos niya akong ighost at ako pa ang maghanap sa kanya? Wait! He didn't ghosted me! Pipino! "Dadalawin ko lang iyong mga gagamba rito sa room ninyo, ang dami naman pa lang agiw dito."
"Crisella."
"What?" Nagsalubong na ang kilay ko sa kanya, matamlay ang mga bulaklak na nasa mga mata niya, what's wrong with them? "Until now, wala akong ideya kung bakit nasa lowest section ka noon at kung bakit repeater ka, halata namang matalino ka o kung hindi ka man ganoon katalinuhan, pero naiintindihan mo naman siguro kung ano ang ipinupunto ko hindi ba?"
"Crisella..."
"Pumunta ako rito para sa iyo, okay?!" Gusto ko sana siyang bulyawan sa inis, bakit hindi na lang niya ako pinuntahan? Bakit hindi kailangan pa niyang hingiin ang permiso ko? Ang problema, wala ako sa posisyon para sabihin iyon. "Whatever, I am here to congratulate you. Plus, kapalit na rin ng libro mo na nasira ko noong, you know..." Inayos ko ang pagkakasuot ng beret ko at bahagyang nginitian si Tristan.
Hindi man lang ba niya napansin na suot ko iyong beret na ibinigay niya sa akin noong intramurals? Ayaw ko pa namang nagsusuot ng accessories sa campus hangga't maaari dahil masyado akong agaw pansin, pero isinuot ko ito ngayon para lang mapansin niya!
"Tapos ka na bang mag-ayos ng requirements?" Pag-iiba ko ng usapan bago hatakin ang pinakamalapit na upuan upang upuan iyon.
"Yeah."
Malalim akong napabuntong hininga at sinalubong ang mga tingin niya. Ang tamlay-tamlay ng mga bulaklak sa mata niya, kanina ko pa napansin iyon, akala ko ay magagawang pasiglahin ng presensya ko ang mga bulaklak sa mata niya. "Ayos ka lang ba?"
"Hindi ko alam. Halo-halo ang thoughts na nasa isip ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
Ramdam ko iyong pagkabahala sa tono ng pananalita niya. "B-bakit? Anong problema?"
"Crisella! Tinreat ako ni mama ng new set ng novels, tapos si Bethany binilhan din ako ng ilang novels and now dinalhan mo ako ng mangas, hindi ko na alam kung anong una kong babasahin! Kung anim lang mata ko o higit pa, sabay-sabay ko talagang babasahin lahat ng libro!"
Napakakupal talaga kahit kailan! Akala ko naman seryoso na! Dinampot ko iyong librong nasa table niya at hinampas sa braso niya.
"H-hoy! Saglit lang naman, ang sadista mo talaga!" Angal niya kaya tinigilan ko ang paghampas sa balikat niya at tinignan siya ng masama.
"Nag-aalala na ako sa iyo tapos dadaanin mo ako sa katarantaduhan mo?"
"Ito naman. Sorry na po. Hindi ko na uulitin, promise." Saad niya at itinaas ang kanang kamay na animo'y nanunumpa, subalit tuloy-tuloy naman ang tawa ni Kupal.
Hahampasin ko pa sana ulit siya subalit ibinaba ko na iyong libro, namumula na iyong balikat niya dahil sa akin. Aba't kinakalaban na naman ni Kupal ang konsensya ko!
"Hiya-hiya ka pang sabihin na namimiss mo ako, pupuntahan mo rin pala ako rito." Ngisi niya kaya muntik ko ma naman siyang hampasin subalit mabalis siyang umilag. "Awat na, alam mo namang handa akong magpatalo sa iyo eh!"
"Tigil-tigilan mo nga ako!" Singhal ko sa kanya, nasisiguro kong ayos talaga ang sitwasyon niya ngayon dahil umiiral na naman ang ka-corny-han niya! "Kapal ng mukha mo, mas mamimiss ko pa iyong pusang kalye na nakasalubong ko kaysa sa iyo, ano!"
"Hindi na ikaw iyong Crisella na kilala ko, nagbago ka na."
Nasapo ko ang noo ko, hindi talaga siya titigil kakaaasar sa akin? "Sa ugali mong iyan, hindi ko alam kung bakit pa ako na-in love sa iyo eh." Iling ko at napabuntong hininga. Patapos na ang lunch break kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Para namang ang sama kong tao." Hindi pa rin siya tumitigil kakatawa!
Umalis na ako sa kinauupuan ko ng hindi nagpapaalam sa kanya. Sa huli, hindi ko pa rin nagawang sabihin ng maayos ang dapat kong sabihin! Bahala na nga siya, mamaya na kami mag-usap, nagawa nga niyang hindi magparamdam ng ilang araw sa akin!
Pababa na ako ng hagdan ng may humawak sa pulsuhan ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko dahil hingal na hingal si Tristan na hinabol ako!
"C-Crisella..."
"Oh? May pahabol ka pa?" Tanong ko at dinuro siya subalit hinawakan niya ang daliri ko at inilingan ako. "Bakit ba?"
"Anong sinabi mo?"
Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Ewan ko. Pabalik na ako sa room, ikaw itong humabol at---"
"I mean kanina, sa loob ng room, s-sabi mo..."
Bahagya akong napatango nang maintindihan ko kung ano ang tinutukoy niya. "Akala ko naman hindi mo narinig."
"You really mean it?"
Hindi ko talaga makakausap ng seryoso at mabigat itong Kupal na ito. Siguro ay dapat ko pang ipagpasalamat iyon dahil walang tensyong namumuo sa amin, na kahit minsan o mas tamang sabihin na madalas ay hindi kami nagkakaintindihan dahil sa walang katuturang mga away namin.
"Oo. Gusto mo ba ulitin ko pa?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.
Mas lalo akong napangiwi nang mapagtanto kong nagmumurang kamatis na siya. Itong lalaking 'to! "Yes!"
Ipapaulit pa talaga sa akin?! "Hmph! Asa ka!" Inismiran ko siya bago hawiin ang buhok ko na abot balikat ko na. "Bababa na nga ako, tapos na ang break time, magkikita pa naman tayo mamayang lunch break at sa trabaho."
"May mga bagay akong gustong itanong sa iyo, hindi mo ba ako hahayaang malaman ang sagot sa mga tanong ko sa iyo?"
"Save it for later, alligator!"
Pababa na talaga sana ako ng hagdanan ng may maalala ako. Naroroon si pa rin si Tristan at tulalang nakatingin sa akin.
"Kung hindi ako natutulala o hindi kumakabog ang dibdib ko sa tuwa sa tuwing nakikita kitang seryosong nagbabasa ng libro hindi ko na alam. Nasanay na ako na nakikita ka sa corridors na naglalakad at ang atensyon nasa libro, sanay na rin akong makasabay ka pasakay ng LRT kaya sa tuwing sasakay ako papasok man o pauwi, hinahanap kita sa estasyon at bawat bagon ng tren. Kung magagalit ka sa akin dahil palagi kong inaasahan at ginugustong makita ka, tatanggapin ko ng buo ang galit mo."
Malalim akong napabuntong hininga bago mapahalukipkip, hindi ako sigurado kung tama pa ba ang lumalabas sa bibig ko.
"Crisella..."
"Naiinis ako sa iyo, naiinis ako ng sobra kasi unti-unti akong lumabas sa comfort zone ko ng dahil sa iyo. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin ang magpapasok muli ng mga bagong tao na papahalagahan ko? Ang kaso, sa kabila nung mga agam-agam at takot ko, alam kong tama ang magiging desisyon ko. Walang kasiguraduhan sa mundo pero pagdating sa iyo, lahat nagiging sigurado. Siguradong magiging maayos ang lahat." Sa dami ng sinabi ko, hindi ko na nabigyan ng pagkakataon na magsalita si Tristan, tulala na siyang nakatingin sa akin ngayon habang tila ba sinasalanta ng malakas na bagyo ang mga bulaklak na nanumumuhay sa mata niya.
Dahan-dahan kong iniangat ang kanang braso ko at itinuro siya. "Ayaw ko ng manligaw ka kasi sigurado na ako sa iisang bagay; sigurado na ako sa iyo. Tristan Stryker, you should be my boyfriend."
"H-huh?" Doon unti-unting namilog ang mga mata niya, gulat nakatingin sa akin bago siya sunod-sunod na umiling sa akin na nasundan pa ng pagwasiwas ng kamay niya. "N-no! Crisella, teka, sandali! Hindi mo naintindihan!"
What the hell? Anong sinabi niya? No?! He said no to me? At hindi ko raw naintindihan?! Hindi naiintindihan ang alin?! Iyong lakas ng loob ko na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin naglaho na parang bula, ngayon, nanginginig na ang pang-ibabang labi at mga kamay ko habang nakatingin sa kanya.
Plano niyang lapitan ako, subalit bago pa man niya magawa iyon ay tuluyan na akong tumakbo pababa sa classroom namin gamit ang natitira ko pang lakas. Nakasalubong ko pa si Sohan na sinisimsim ang bubble gum milkshake niya at ang kaliwang kamay ay nakapasok sa bulsa niya.
"Thanks!" Sambit ko matapos hablutin ang milkshake niya at dumiretso papasok sa classroom.
Narinig ko pang minura ako ni So pero hindi ko na siya pinansin. Natutuliro akong naupo sa pwesto ko. Alin ang hindi ko naintindihan? Bakit may iba pa bang ibig sabihin iyong pag-amin at panliligaw sa akin ni Tristan?
Pipino! Ikakabaliw ko 'to!
Sandali akong napatingin sa milkshake na sinisipsip ko, ni walang black pearls!
Maipon ko lang talaga ulit ang lakas ng loob ko, ngipin lang ni Tristan ang maiiwang walang latay.
NATAPOS ang oras ng klase. Dinaldal kami nung huling teacher kaya late na kaming lumabas, nagmamadali na akong mag-ayos dahil baka ma-late ako sa trabaho ko. Saktong kakalabas ko ng classroom ay kabababa naman ni Sohan galing sa room nila at kasama pa talaga niya si Tristan!
Pipino! Kailan ba magkasama pa silang dalawa?
"Ma-le-late na ako sa shift ko, pahatid muna ako please." Pakiusap ko kay Sohan pero bigla niya akong binatukan kaya tinignan ko siya ng masama at kaagad na itinaas ang gitnang daliri ko sa kanya, napansin kong sinaway at tinignan pa siya ng masama ni Tristan, bad trip ako kay Tristan kaya hindi ko siya pinansin at ginantihan ng batok si Sohan. "Anong trip mo?"
"Ikaw? Anong trip mo? Bakit inagaw mo 'yung milkshake ko kanina?"
"Milkshake lang 'yun! Kung makabatok, paano kung magkabrain tumor ako sa batok mo, ha?"
"Tss! Mag-commute ka mag-isa."
Aba't! Tinalikuran na ako ni Kumag kaya mabilis ko siyang hinila at hinarap. "Ito naman, babawi na lang ako, bibigyan na lang kita ng isang litrong milkshake kapag nakuha ko unang sahod ko!"
"Ayaw ko. Bahala ka diyan. Si Tristan ang kausapin mo, sa kanya ka na sumabay."
Papahirapan talaga ako lalo ng Kumag na ito eh.
Nilingon ko si Tristan na nag-iwas ng timgin sa akin. Aba! Tama iyan, siya ang mahiya kasi siya itong nakikipaggaguhan sa akin! Kontralado ko pa 'yung nararamdaman ko, kaya wala pa sa isip ko na patalsikin siya rito sa campus!
"Pumasok ka na Crisella. May pupuntahan pa ako." Paalam sa akin ni So at plano talaga niyang iwan ako kay Tristan!
Naur way!
"Saan ka na naman ba pupunta at iiwan mo na naman ako?!" Arte ko kaya napalingon siya sa akin.
"Pop up, sama ka?"
Nagningning ang mga mata ko sa narinig ko, subalit mabalis akong napangiwi, susuntukin ko pa nga sana siya sa braso kaso nakailag naman si Kumag!
Ako na ang naunang umalis at iniwan silang dalawa ni Tristan doon. Nakita ko si Xhera na pauwi na kaya sa kanya ako tumakbo. Hindi niya ako kaagad napansin kaya nagulat pa siya ng umangkla ako sa braso niya.
"Crisella!"
"Pauwi ka na?" Nakangiting tanong ko at kaagad naman siyang tumango sa akin. "Kung okay lang, kung okay lang naman, pasabay ako please, madadaanan niyo naman 'yung shop 'di ba? Ma-le-late na kasi ako sa shift ko."
"No worries! Sasabihan ko rin 'yung driver ko na mag-shortcut tayo para mas mapabilis ang pagdating mo sa shop."
Abot langit na ang ngiti ko ngayon. "Omo! Thank you, Xhera! Ite-treat talaga kita oras na makuha ko first allowance ko!"
"Ha? Hindi na kailangan. Si Tristan pala? Hindi ba sasabay sa atin?"
Sunod-sunod akong napailing, hinatak ko na rin siya palabas ng campus dahil baka sumunod pa nga si Tristan sa amin. Napansin naman kaagad ni Xhera na iniiwasan ko si Tristan, nagtanong pa siya sa akin subalit sinabi ko na magpapaliwanag ako oras na makasakay na kami sa kotse.
Baka may makarinig pa sa katangahan ko! Nakakahiya. Ayos na iyong sa aming dalawa lang ni Xhera ito!
"Iyon ang sabi ni Tristan?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Xhera.
Sapo-sapo ko naman ang noo kong tumango sa kanya. Nasa kotse na niya kami ngayon. "Naiinis ako, napipikon ako, gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa, alam ko naman kasing kagagahan ko ito in the first place."
"Try to talk to him again."
"What? No! Magmumukha akong desperada, it is better this way. Bahala siya sa buhay niya!"
"I don't think that he rejected you Crisella."
Malalim akong napabuntong hininga habang nakatungon pa rin sa labas ng window ang paningin ko. "Oh! He did. Sinabi niya iyon ng direkta sa akin, na mali ang pagkakaintindi ko! Damn it!"
"Duda talaga akong nireject ka ni Tristan, ikaw nga ang dahilan kung bakit siya nag-take ng acceleration test after niyang mag-stay ng two years sa grade 10."
Napanguso ako bago humalukipkip.
"Don't tell me hindi mo alam?"
"Alam ko," giit ko ng hindi siya nililingon. "Nagpapanggap lang akong hindi ko alam."
"Iyon naman pala."
"He's just infatuated. Baka nga nagagandahan lang sa akin ang Kupal na iyon. Kapag nakakita siya ng sa paningin niya mas maganda sa akin, paniguradong titigilan na talaga niya ako."
"Hindi ka na sana niya nilapitan in the first place kasi nandito naman na ako."
Doon ko nilingon si Xhera, nakaarko ang kaliwang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Are you telling me na mas maganda ka sa akin?"
"Hmm... hindi naman, hehe. Let's go back to our main topic, Crisella, you know Tristan, he thinks differently from us at kadalasan, kumikilos siya sa mga bagay na hindi natin ineexpect, talk to him Crisella. Maybe you're missing his point."
Bumalik lang ako sa pangguso at paghalukipkip. "Nah. Let him be, mabuti pa, magbasa na lang siya ng libro sa halip na guluhin pa ako."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top