Chapter 24
Chapter 24: Uplifting
CRISELLA'S POV
I DON'T believe in courtships.
Marami namang relasyon na nagtagal at umabot sa hangganan ng mga buhay nila ng hindi dumaan sa proseso ng panliligaw. Siguro nga masayang makatanggap ng sulat, matatamis na salita, bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pang nakakakilig daw na mga bagay. Yet, if people would ask me, I would instantly say no to courtship, isa iyon sa mga dahilan kung bakit walang lalaki ang nakapagtangkang manligaw sa akin. Kasi ako mismo, ayaw magpaligaw.
Ilang ulit na akong humindi kay Tristan pero hindi siya tumigil, iyon lang ay alam kong may pagkakamali rin ako, hindi ko nagawang linawin kaagad sa kanya kung anuman ang paniniwala ko. Para kasi sa akin, masasabing pagpapakitang tao lang ang panliligaw. Ipapakita ng mga lalaki na gusto ka talaga nila, na mahal ka kaya gagawin lahat para sa iyo, pero dahil sa panliligaw na iyon, naitatago iyong totoong intensyon nila.
Kung susumahin, mas madaling makikilala ang isa't isa kung nasa iisang relasyon na sila, doon din masusubok ang katatagan nila hanggang makahakbang sila at maging handa na para sa kasal.
Subalit bakit nga ba komplikado magmahal ng ibang tao?
Siguro ay sa parte ko lang komplikado, siguro ay ginagawa ko lang komplikado. Masyado kong mahal ang sarili ko para magmahal pa ng iba. Dahil sa gulong kinalakihan ko natutuhan kong mahalin ng sobra ang sarili ko, sa sobrang pagmamahal ko sa sarili ko hindi ko na makita pa ang sarili na magmamahal ng iba.
"WHAT on Earth is that...?" Nagtatakang tanong ko kay Xhera ng makalapit ako sa kanya. Nangangasim ang mukha ko habang tinitignan ang pagkakapal-kapal na librong nasa harapan niya.
"Nagrereview." Sagot niya na para bang ako na ang pinakawalang utak na tao sa mundo para hindi malaman iyon.
"Duh? Of course! Alangan magbuklat ka ng ganyan kakapal na libro hindi mo naman babasahin? Anong gagawin mo? Tititigan?" Tinignan ko iyong kapal ng libro at napaawang ang labi ko ng mapagtantong kulang kulang eight inches iyon. "Kakatapos lang ng finals at semester break pa lang kaya bakit nagrereview ka na?"
Tinawanan niya ako kaya tinignan ko siya ng masama. "College preparation, Cris."
"Aish! Shhh-sush!" Muntik ko ng mapitik amg labi niya ng tawagin niya akong Cris. "Drop that nickname, ang ganda-ganda ng pangalan ko for Heaven's sake!"
"Oh, I'm sorry, Ella."
"Ella?! What the---" natakpan niya ang bibig ko dahil tumataas na ang boses ko, napapalingon na ang ibang tao sa amin.
Why didn't I thought of this? Kaya niya ako inaya pumunta ng public library dahil magbabasa lang siya ng academic books!
"Hindi ba at maiinis ka rin kapag tinawag kitang Era!" Asik ko sabah irap sa hangin.
"Na-ah. It sounds cute and I'll accept that kasi nag-effort kang bigyan ako ng nickname."
Oh God! What if iwanan ko na lang siya rito at mag-shopping na lang ako nearby. Well, I remember, nasa bingit na ng alanganin ang budget ko.
"Wala ka bang plano mag-review for college entrance exams?" Tanong niya at mabilis ko namang naikibit ang mga balikat ko.
"I don't know. I cannot find any good fashion school here in the Philippines. Besides, is that even existing here?" Napangalumbaba ako sa lamesa na siyang nasa harapan namin. "Got some backup plans yet I don't have plans considering them."
"That is why." Iling niya kaya umangat ang kilay ko. "Halos mabaliw na ako kaka-review then ikaw walang plano? Really? Tsk! Tsk! Tsk!"
"Psh! Bakit? Ikaw ba? Anong plano mong kuhain sa college?"
"Well, dad wants me to help him in the company. I'll take an accountancy program this year and then I'll enter law school once I'm ready."
"Wait, omo! You want to be a lawyer?"
Nakangiti siyang tumango dahilan para matutop ko ang labi ko. "Yeah. It has been my dream since I was a child. Iyong tita ko kasi, she's a great lawyer, I witnessed how she defend and protect people, even if it cost her life. I want to do the same, I want to protect and save innocent lives, too."
Doon napawi ang ngiti ko habang nakikinig sa kanya, nakangiwi na tuloy ako sa kanya ngayon. "You can't even protect yourself from Brooke."
Tinawanan lang niya ako at hinampas pa ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "That's a different case."
"Ewan ko sa'yo, uwi na lang kaya ako? Hindi mo ako mapipilit mag-aral sa gitna ng semester break."
"Don't go home yet. Take a nap, then diretso ka na sa shift mo mamaya."
Ah, right. I got accepted. Nag-apply ako sa dalawang shops na nakita ko, pahirapan mag-apply dahil kung susumahin hindi pa naman ako senior high graduate, isa pa, bihira lang ang naghahanap ng part timer. Good thing I passed the interview and training, iyon lang, hindi ko alam kung matino ko bang magagawa ang trabaho ko mamaya.
Aminado kasi ako sa sarili ko na magastos at maluho ako, ayaw ko namang iasa kay Sohan iyon kaya gagawa na lang ako ng paraan. Kahit na triple ang baba ng magiging sahod ko kumpara sa kinikita ko noon!
"Kasama ko naman driver ko, sumabay ka na lang sa amin." Suhestyon ni Xhera kaya inaantok akong napatingin sa kanya.
"Grabeng part timer 'yan, sosyal. Walang pera pero may service?" Iling ko na nagpangiti sa kanya. "It's either mag-co-commute tayo mamaya o hindi tayo sabay na uuwi."
"Mhmm... ano bang transpo mo later?"
"Magjejeep ako." Saad ko na nagpamilog ng mata sa kanya at sunod-sunod na umiling sa akin. "Psh! Ayaw mo? Malayo kasi ang train stations sa shop, extra fare pa kung magjejeep ulit ako pababa."
"Eh, hassle 'yun. Siksikan at mainit sa jeep, plus iyong traffic."
"Whatever. May mga bagay talaga na hindi maiintindihan ng rich kid na tulad mo." Naiiling ko siyang nginitian bago ko idukdok ang ulo ko sa lamesa para umidlip, habang siya ay abala sa pagbabasa ng nagkakapalang libro.
Nabanggit kasi ni Xhera ang patungkol sa pag-idlip ko, ayan, na-excite ang alter egos ko na matulog ako.
"YOU understand what you have to do naman na, Crisella?" Tanong ni Miss Bethany at sunod-sunod naman akong napatango bago niya iabot ang khaki apron sa akin. "Proceed in your place na, kung may tanong ka pa, itanong mo lang kay Tristan, medyo masungit nga lang iyon," nangasim ang mukha niya ng banggitin ang pangalan ni Tristan kaya umarko ang kilay ko. "Go ahead. May tiwala naman ako na naintindihan mo ang instructions ko." Saad ni Miss Bethany at inabot na sa akin ang isang tray ng order na kailangan kong ihatid.
Maingat ko namang dinala iyon sa designated number naka-assign doon.
Napansin ko si Tristan na may kausap na ilang costumer, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay nginitian niya ako subalit mabilis akong nag-iwas ng tingin.
May itinatago pa namang pagka-assumero ang Kupal na iyon. Mamaya isipin pa niya kaya ako nagtrabaho rito dahil sa kanya. Nag-apply ako rito kasi nagandahan ako sa ambiance ng shop, okay?!
Isa pa, wala nga akong idea na may part time job siya o may nabanggit na siya sa akin noon, hindi ko lang maalala. Kunsabagay, nay kotse nga siya at ang palaging may pambili ng sarili niyang libro, but it doesn't make sense kung makakabili siya ng sariling kotse!
What if they actually own this place?!
Pipino! Magfocus ka Crisella Travios!
The first three hour of my shift went smoothly, medyo muntikan lang akong mapahamak dahil sa mga batang pasaway. How I hate kids! They are the most annoying creature to ever exist. Well, I can safely say that I never become one of those annoying creature.
"Sa una lang masipag 'yan." Naiiling na ngiti ni Tristan at inabutan ako ng bruger at soft drink. "Jeez. Na-miss mo ba ako kaya---" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng sipain ko ang binti niya, tinawanan lang naman niya ako!
Ano ulit iyong sinasabi ni Miss Bethany na masungit, huh?
"Na-miss? Ikaw?" Nagkunwari akong naduduwal bago siya irapan. "Hello? Kung na-mi-miss kita, hindi tayo ngayon at dito magkikita."
"Okay, okay. So bakit nga nandito ka?" Tanong niya sabay kagat ng burger na para sa kanya.
Umikot naman sa ere ang mga mata ko. "Para magtrabaho, of course. Hindi ba obvious? At ikaw? Kailan ka pa nagsimulang magpart time job dito?"
"Ikaw? May magtatrabaho---?" Inambahan ko siyang babatukan ko siya kaya nanahimik agad siya. "Pinsan ko iyon si Bethany, kinidnap lang ako para magtrabaho---aw!" Hindi pa man natatapos ni Tristan ang sasabihin niya ay dumating na si Miss Bethany para hampasin siya ng tray sa ulo.
"Oras ng trabaho, nakikipagdaldalan ka?" Nakapameywang na tanong ni Miss Bethany kay Tristan, napaiwas na lang tuloy ako ng tingin at minadaling ubusin ang pagkain ko dahil matatapos na ang break time.
"Break time naman. Saka si Crisella ang dumadaldal sa akin, kilala mo ako, Beth, hindi ako madaldal."
Doon ko nilingon si Tristan na nakikipag-agawan pa ng tray kay Miss Bethany dahil ihahampas na naman iyon sa kanya. Mabilis ko siyang binatukan dahil ako pa ang ilalaglag niya kay Miss Bethany. Siya nga itong lumapit at dumaldal sa akin!
"Babawasan ko ng 10% sahod mo ah." Banta ni Miss Bethany sa kanya na siyang nagpamilog sa mga mata niya kung saan gusto ng kumawala ng mga daffodils.
"Anong babawasan? Hoy! Employment exploitation iyan! Pinagtatrabaho mo ako ng mahaba tapos kulang ipapasahod mo sa akin?"
Naubos ko na ang pagkain ko para sa break time. Umalis na ako roon at bumalik sa trabaho, ang ingay ni Tristan, hindi ko naman alam na ganyan pala siya kaingay lalo na kapag kasama niya si Miss Bethany. Halata namang hindi siya makakapalag kay Miss Bethany pero hindi talaga nagpapatalo si Kupal!
Itinuon ko na lang muna ang atensyon ko sa trabaho, hindi ko gustong umiwas kay Tristan pero kung gusto kong tumagal sa trabaho kailangan kong dumistansya sa kanya kapag oras ng trabaho, pwede ring magpalipat ako ng schedule, kaso higit na mas malaki kapit ni Tristan, kaya siya na lang ang lumipat ng schedule!
Pasado alas-nuebe ng natapos ang shift ko. Nag-chat ako kay Sohan, nagbabalak akong magpasundo kasi pagod na ako para mag-commute, ngayon ko lang din naman siya aabalahin. Isa pa, takot ako sumakay ng jeep or bus kapag alanganing oras!
"May sundo ka?" Tanong sa akin ni Tristan na katatapos lang ayusin ang gamit niya.
Napansin ko iyong pagkakasalansan ng gamit niya sa bag niya. Ang ayos! Nang napatingin ako sa bag ko, mabilis akong napangiwi, parang dinaanan ng bagyo ang bag ko! Pagod na kasi ako kasi sinalpak ko na lamg lahat sa loob!
"Yeah. Nag-message na ako kay So." Muntikan ko pang makalimutan na sagutin ang tanong niya.
"Anong oras siya makakarating?"
"Hmm... mga ten minutes, I think? Maluwag naman na ang kalsada at mabilis magmaneho ang Kumag na iyon."
Tinapik niya ang balikat ko kaya umarko ang kilay ko. "Tara na, sasamahan na kitang maghintay."
"Maghintay?"
"Opo."
Bawal kaming tumambay sa harap ng shop dahil designated iyon sa mga costumers, habang ang likuran kung nasaan hinahanda lahat ng orders ay designated para sa employees na naka-shift.
Hindi ko pa man natutugunan si Tristan ay hinawakan na niya ang kamay ko at inakay ako palabas. Nakasalubong pa namin si Miss Bethany na hindi ata napansin ni Tristan, nakita niya iyong kamay naming magkahawak kaya umarko ang kilay niya habang namimilog ang mga mata niyang tinignan ako, alanganing ngiti lang naman ang itinugon ko.
"Hindi ko pipilitin na ihatid ka, alam kong 'di ka papayag. Sasamahan lang kita rito hanggang sa dumating si Sohan."
Bahagya akong napangiti bago maipaling ang ulo ko, nasa labas na kami ng shop ngayon habang hinihintay namin si So. "Aba, pagod ka na kaya wala kang plano mangulit ano?"
Pinaningkitan niya ako ng mata at bahagyang nginitian. "You can put it that way. Kung dala ko lang iyong kotse ni mama baka naihatid na kita."
"Tch! Hindi pala sa iyo iyong kotse, talagang pinagyabang mo pa sa akin?"
"Hoy! Excuse me? Kailan ko iniyabamg sa iyo?" Natatawang tanong niya sa akin kaya naman napangiwi ako.
"Kay mama iyon, ibibigay lang daw niya sa akin officially oras na makagraduate ako."
"Oh? Ano ngayon kung makagraduate ka, ngayon ba, may lisensya ka na?"
Nginiwian niya ako bago mag-iwas ng tingin.
"Kita mo na! Wala ka pang lisensya!" Pero mabilis kong natikom ang bibig ko dahil natatawa siyang humarap sa akin at iniyabang ang drivers license niya. "Tsk! Anong silbi ng driver's license mo kung hindi naman officially iyo ang kotse, hmm?!"
"At least may valid ID ako." Ngisi niya na mas lalong nagpangiwi sa akin. Iyan pala iyong pagod na kaya hindi na mangungulit sa akin!
Kakagulo niya, nawala na naman tuloy sa isip ko iyong dapat kong sabihin! Importante pa naman iyon! Iyayabang pa sana niya sa akin iyong driver's license at ibang valid IDs niya pero tinakpannko agad ang bibig niya, tiyak na hindi ko masasabi ang dapat kong sabihin kapag hindi nanahimik 'to!
"Teka! Teka! May sasabihin kasi ako!" Awat ko sa kanya kaya tinaasan niya ako ng parehong kilay niya, inalis ko ang kamay ko sa bibig niya at maarteng nag-alcohol. "I need to be honest with you, ayokong mag-aksaya ka pa ng oras sa akin."
Nawala iyong mapang-asar niyang ngisi at pinalingan ako ng ulo. "Plano mo akong patigilin manligaw ano?" Aniya pero walang bahid ng lungkot sa boses niya.
Shookt! Does he know all this time? "Well, yes. Besides, I want you to know na hindi ako naniniwala sa courtships, ayaw ko magpaligaw. Kasi pakiramdam ko, hindi makatotohanan iyon eh, like, hindi ako magkakaroon ng chance na makita talaga iyong intensyon ng taong gustong manligaw, kasi syempre ipapakita niya lang iyong good sides niya." Diretsong nakatingin sa mga mata ko si Tristan kaya napaiwas ako ng tingin.
Naintindihan naman siguro niya ang sinabi ko?
Yes, gusto ko kung anuman ang ginagawa niya, I appreciate his efforts, a lot. Pero alam kong may mali at ayaw kong paikutin siya sa mali na nakikita ko. Ayaw na ayaw kong ginagamit ako at lalong ayaw kong gamitin ko ang ibang tao para sa kasiyahan ko.
"That's sad, Crisella. What do you want me to do? Ipakita sa iyo kung paano pumatay ng tao?" Nababagot na tanong niya sa akin.
Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko at mabilis na ibinalik ang tingin sa kanya, mabilis naman siyang humalakhak ng makita ang reaksyon ko, sa inis ko ay nasuntok ko siya ng malakas sa braso.
"Tsk! Tsk! Tsk! Iyan ba ang love language mo? Physical touch or should I say physical attack?" Mas lalo lang lumakas ang halakhak ni Kupal!
"G×go ka talaga eh. Seryoso ako! Ano ba?!"
"Bakit ba? Ano bang gusto mong marinig sa akin? May gusto ako sa iyo eh, malamang liligawan kita, unless..." binitin pa talaga ang sasabihin niya!
Inarkuhan ko tuloy siya ng kilay. "Unless what?"
Hindi ko pa nakukuha ang sagot niya ng dumating si Sohan kasama ang motor niya, nakapantulog na si Kupal! Himala, plano niya matulog ng maaga ngayon?
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Tristan, hindi pa kami tapos mag-usap! "Kinkabahan lang ako sa iyo eh." Aniya at tinapik ang balikat ko. "Umuwi ka na at magpahinga, sa susunod na tayo mag-usap."
Tatango na sana ako subalit muling umarko ang kilay ko. "Sa susunod? Bakit sa susunod pa kung pwede namang bukas na?"
"May requirements pa akong aayusin eh pero..."
"Pero ano?"
Pinisil niya ang magkabilaang pisngi ko kaya nahampas ko ang kamay niya. "Pero kung sasabihin mong namimiss mo ako, pwede ko namang i-resched iyong pag-aayos ng requirements." At nagtaas baba pa talaga ang kilay ni Kupal!
Hinampas ko tuloy siya ng mas malakas para tigilan niya ang pisngi ko. "Umuwi ka na, matulog ka na sa inyo. Hindi iyong nandito ka pa, nananaginip ka na ng gising!"
Tinalikuran ko na siya at tinaggap ang helmet mula kay Sohan. Wala namang sinabi si Sohan dahil mukhang inaantok na talaga siya! Wala naman kasi siyang sinabi na matutulog na siya, e'di sana nag-book na lang ako ng uber!
Pinaandar na agad ni Sohan ang motor niya, samantalang naroon pa rin si Tristan, nakangiting kumakaway palayo sa akin, inismiran ko lang siya bago kumapit kay Sohan.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top