Chapter 23
Chapter 23: Offering my resentment
CRISELLA'S POV
"IS THIS everything?" Tanong sa akin ni Sohan matapos kong bilangin ang mga paper bag at ilang karton na karamihan ay hindi pa nabubuksan.
"Oo. Ito na lahat."
"Tsk! Tsk! Tsk!" Umangat ang kilay ko dahil sa sunod-sunod niyang pag-iling. "What's gotten into you? Unbelievable."
"Just follow my lead." Kibit-balikat na saad ko at nag-okay sign sa kaniya. Isinakay na naming dalawa sa trunk ng kotse niya lahat ng paper bag at karton.
Matapos maayos ang lahat sa car trunk niya ay sumunod na ako sa passenger seat, inaayos ko pa lang ang seatbelt ko ng tanungin ako muli ni Sohan.
"Handa ka talagang bitawan lahat ng gamit na iyon?"
Maagap naman akong tumango. "I made up my mind." Simula ng mahanap ko ang mga sagot sa katanungan ko, alam ko na kasama ito sa desisyon ko na kailangan kong panghawakan.
"All right. Last question, sigurado ka bang wala kang iniwang fingerprints sa mga damit?"
"Yeah, the rest ay mayroon pero nalinis ko naman na." Hindi ko na maalala kung makailang ulit na akong tinanong ni Sohan. Kunsabagay, sino nga ba namang maniniwala mabibitawan ko lahat ng luxury at designer items na iyon?
Wala na siyang sinabi o itinanong pa kaya pinaandar na niya ang kotse. Alas tres pa lang ng umaga kaya karamihan sa mga building ay sarado pa at isa na ang mall doon. Ipinusod ko na ang buhok kong may kahabaan na, kasunod niyon ay isinuot ko na ang sumbrero, face mask at gloves ko ganoon din si Sohan.
Pagkasuot ng disguise namin ay tinulungan niya akong buhatin lahat ng paper bag at karton sa labas ng entrance ng mall. Muntikan na kaming makita ng gwardyang rumuronda kaya marahas kong nahila si So, para magtago sa pinakamalaking poste.
Nang maiwanan namin lahat ng paper bag malapit sa entrance, pinauna ko ng bumalik sa kotse niya si Sohan matapos naming maiwanan lahat ng gamit sa entrance.
Huminga ako ng malalim bago mapatitig sa letter na hawak ko, pinagkaingat-ingatan ko pang huwag maiwanan ito ng fingerprint ko.
Ipinatong ko na ang letter sa ibabaw ng mga paper bag bago sumunod kay Sohan na nasa kotse na.
┌───────────────────────┐
August _ ____
Dear Ms. Ryumi Alcantara,
This letter is address to you as I cannot offer to you my sincerest apologies. I just don't want to make things more complicated. Thus, I hope that you will be able to understand my stand.
I apologize for what I did. I know that shoplifting is not a good deed but I continue to do so. It is just my way of surviving at first, from foods and clothes that I can use until I learn to shoplift inside the largest malls in the town.
Nevertheless, for some reason I made my mind to stop all of this bullsh×ts.
I found a reason to shoplift and now I found a reason to stop, I guess?
Please spare me.
I already sold most of the designer items yet I'll promise you to pay all of those in the future, I'll work hard, in a decent way, so I could pay you.
Just for you to understand, I'm still a minor, you can't put me in jail even if you find out who I am. That's it, I'm still a minor, a sixteen year old... I don't want to ruin my future just because of what I am doing right now.
Thank you for your understanding, your pretty shoplifter.
└───────────────────────┘
"SH×T! My name is right there, So!" Pinaghahampas ko si Sohan ng makita ko ang pangalan kong nasa itaas ng bulletin.
Kakalabas lang ng results ng grades namin for this quarter. Posted na rin sa bulletin board ang pangalan ng top 50 students sa senior high. My damn name is in eight place! While Sohan is in 19th spot.
"Kailan ka pa nakapasok sa top 10?" Salubong ang kilay na tanong sa akin ni Sohan. Salubong ang mga kilay ko na nilingon siya at hinampas sa braso. "Seryoso kasi."
"Shut up! Matalino talaga ako, ano?" Saad ko saka siya binelatan. "Libre mo ako ng milktea mamaya ah!"
"Sa akin ka pa magpapalibre, gipit ako ngayon kay Xhera o kay Tristan ka na magpalibre."
"Gipit? Ikaw magigipit?"
"Oo nga. Tsk! Naubos sa pustahan."
Muli ko siyang nahampas, mas malakas kumpara kanina, tumunog pa nga kaya napalingon ang ibang estudyante sa amin. "Itigil mo iyang kakapusta mo ah. Paubos na rin budget ko!" Pabulong ko na siyang inaaway, ayaw kong may makarinig na pumapasok na ako sa poorita era ko. "Saka mo na ituloy iyan kapag nakahanap na ako ng part time job."
"Psh! Hindi mo naman kailangan ng part time job." Hinampas ko na naman siya kaya nanahimik siya. "Whatever."
Umirap ako sa hangin at aalis na sana kami roon dahil dumadagsa na ang mga estudyante na gustong masilip ang bulletin board. Iyon nga lang, bago pa man ako makalakad papalayo ay may mga humarang sa akin na hindi ko naman kilala.
"Crisella, is true that Brooke is a theft?" Hindi ko alam kung sino silang tatlo pero mukhang galing sila sa grade 11.
Nakangiti akong umiling sa kanila. "Their family is crazy rich, how come that she'll be a theft?"
"Her fingerprints were found in the necklace that they say she stole!"
Ohhh! The results regarding the fingerprints was out, huh? Masamang tao ba ako kung sasabihin kong hindi ako nakokonsensya kay Brooke? "Well, wala akong alam sa sinasabi mo. Believe me, hindi magagawang magnakaw ni Brooke."
Nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi ko. Halatang hindi nila magawang maniwal kung ano man ang mga binitawan kong salita.
"Excuse me, may klase pa kami. Aalis na ako." Saad ko at nagdire-diretso ng lakad palayo sa kanila.
Humabol naman si Sohan sa akin na nawala sa paningin ko kanina. Nasa mga bulsa niya ang kamay niya at diretso ang tingin sa dulo ng hallway na tinatahak namin. He knows what I did. What I did may subject in a serious crime, kaya naman sinigurado kong babackup-an ako ni Xhera.
This is the perks of having crazy rich friends.
Sohan's effing rich as well, iyon lang masyadong magulo sa side nila. Kinakausap niya lang din ang daddy niya sa tuwing kailangan talaga, tulad na lang noong sinet up ako nila Brooke.
Tinapik ko na ang balikat ni Sohan senyales na babalik na ako sa classroom namin. "Iyong milktea ko mamaya ah!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Aniya at dire-diretsong umakyat sa floor nila.
Umikot na lang ang mga mata ko sa ere. Parang milktea lang eh!
PATAKBONG lumapit sa akin si Xhera at kaagad akong niyakap. Tuwang-tuwa na naman siya sa hindi ko malamang dahilan. Naso-suffocate na ako sa yakap niya kaya bahagya ko siyang itinulak.
Naaamoy ko pa iyong signature perfume niya na ang halimuyak. Gusto kong itanong kung anong gamit niyang perfume pero hindi na ako mag-aabalang gawin iyon, it's her signature after all.
"What's going on?" Walang kamalay-malay na tanong ko bago kami maupo sa pinakamalapit na gazebo.
"Just nothing, gusto lang kitang i-congratulate kasi nasa top 8 ang pangalan mo!" Gosh! She's frickin sincere. Hindi ko nakitang ganito ka-sincere sina Brooke, Coral at Willow sa achievements ko. Minsan nga ay ramdam kong galit pa sila.
"And you're at the top-top level." Naiiling kong ngiti sa kanya. Xhera's leading the rank.
Pumangalawa lang si Brooke, naiimagine ko na agad ang pag-usok ng ilong niya ngayon. Sadly, she can't be in the campus right now because of suspension. I'm not sure kung ano pang mas malala niyang kakaharapin sa suspension.
"Do you want some milktea?"
Biglang lumukso sa tuwa ang puso ko sa tanong ni Xhera. "You don't mind?"
"Yeah. My treat!" Aniya at kaagad na inopen ang phone niya para umorder online. "What do you want?"
"Strawberry, the rest is up to you." Ngiti ko at tatango-tango namang umorder si Xhera online, mukha ngang hindi pa siya makapagdecide ng flavor para sa kanya.
Hinayaan ko na lang muna siya bago ipatong ang mga braso ko sa lamesa. Naalala kong nagyon din pala ang labas ng results ng exam ni Tristan. Wala akong ideya sa proseso ng naging exam niya, pero sa pagkakaalam ko kasi ay pupwede na ata siyang tumuntong ng college kung mapapasa niya iyong exam. Ang kaso, gusto pang gumraduate ni Kupal ng senior high.
Ako ang nalilito sa sitwasyon niya!
I bit my lower lip. Hindi ko pa siya nakakausap. Wala akong ideya kung ano ang resulta ng exam niya but I am frickin curious! I hope he made it.
"We'll just wait for about 10 minutes." Sabi ni Xhera kaya umangat ang tingin ko sa kanya. "What's with the face? You look down."
"Medyo tinamaan lang ng antok. Anyway, have you seen Tristan? Hindi ko pa siya nakikita since earlier."
Ayan na naman iyong mapanghugasng tingin ni Xhera kaya umikot sa ere ang mga mata ko. "Tinamaan pala ng antok ah."
"Xhera!"
Tinatawanan niya akong nagkibit balikat. "I'm sorry, I don't know. Hindi ko rin nakita."
"Ang unusual kasi na hindi ko pa soya nakikita. Kahit sa train station kanina. May balita ka ba sa results ng exam niya?"
Ayaw talaga akong lubayan nung judgement at pang-aasar sa mga mata ni Xhera. "Ilang araw lang kayong hindi nagkita, namimiss mo na agad? Sabagay, dumaan ang weekends at dalawang magkasunod na holiday."
"I don't miss him, okay?! Saka, mas mabuti nga iyon, walang ipis na mambubulahaw sa araw ko."
Sumusuko na ako. Walang patutunguhan itong argument kay Xhera. Dadaanin lang niya ako sa pang-aasar at ako naman madaling mapipikon.
Dumating na lang ang milktea na inorder niya at natapos na lang ang break time ay wala pa ring humpay sa pang-aasar sa akin si Xhera. Napipikon ako pero hindi ko na lang siya pinansin at inenjoy ang milktea na binigay niya.
Sa kabilang banda, lumipas na lang ang mga minuto at oras hanggang sa sumapit na ang gabi, walang Tristan Stryker na nagparamdam sa akin. Ngayon pa talaga niya naisipang hindi magparamdam sa akin?
Oras ng uwian, kakalabas ko lang ng room habang tulala sa phone ko, wala talagang paramdam si Kupal.
Sa kalutangan ko ay diretso akong bumunggo sa lalaking hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala.
"Tristan?"
"Tristan?" Takang tanong sa akin ng lalaking nabunggo ko.
Nang malinawan ako kung sino ang nasa harapan ko ay hindi ko alam kung mapapangiwi ako o hahampasin siya sa inis. Madilim kaya hindi ko siya namukhaan agad. "Ohhh... Devon, sorry, hindi kita nakita."
"You seem disappointed na hindi si Tristan ang nasa harapan mo."
Pipino! Gusto ko ng umuwi, please lang. "Na-ah. I said titan." Pagsisinungaling ko. Ayaw pa rin niyang maniwala. Bakit ba kailangan kong magpaliwanag? "I'm planning to watch Attack on Titan." Kibit-balikat na sabi ko at umalis na. That's the dumbest reason I've ever had today!
Palabas na ako ng campus na may umakbay sa akin. Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Sohan iyon.
"Diretso uwi ka ngayon?" Tanong ko sa kanya, hindi naman kasi talaga kami nagsasabay umuwi kasi halos lagi siyang nasa bilyaran tuwing uwian, wala naman akong alam sa billiards kaya hindi ako sumasama.
"Kailangan ko umextra, wala na akong magamit para pumusta." Natatawang aniya kaya nasiko ko siya. Pero dahil pareho kaming mahilog gumanti, sinikipan niya ang pagkakaakbay sa akin.
Tinignan ko tuloy siya ng masama, ang bigat kaya ng braso niya!
"Tsk! Saan ka ba pupunta? Sabay na nga tayo uuwi magcocommute ka pa?" Iling niya at inakay ako sa parking space.
Muntik ko na sanang ibuka ang mga labi ko para itanong ang tungkol kay Tristan pero bakit ba kailangan ko pa siyang hanapin? Bahala siya sa buhay niya. Naninibago lang ako kasi walang Kupal na biglang susulpot at magpapacute sa akin.
Inabot sa akin ni Sohan ang isang helmet. Inamoy ko pa iyon bago isuot, mamaya maasim! Ayos naman kaya isinuot ko na at umangkas sa likuran niya.
Tahimik lang kami buong byahe, inaantok na ako at nakasandal na sa likuran ni Sohan. Akala ko ay didiretso na kami sa bahay pero huminto pa siya sa nadaanan naming bakery.
"Bibili ka pa ng tinapay?" Tanong ko kay Sohan pagkaangat ko ng visor ng helmet.
"Yeah. Narinig ko masarap iyong mga tinapay nila rito."
Nagsalubong ang kilay ko habang tinitignan iyong bakery. May kalakihan iyon, mukha ngang cafe, well mukhang may tinda rin silang coffees and other beverages sa loob.
Inalis ko na ang suot kong helmet at bumaba sa motor. Umangkla ako sa braso ni So at nginitian siya. "Sama ako, baka may strawberry sandwich sila sa loob." Hindi naman tumanggi si So at hinayaan na lang ako.
Pagpasok sa bakery ay ganoon na lang ang pamamangha ko, maihahalintulad iyon sa mga bakeries sa France.
"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Sohan habang tinitignan na niya iyong bread and pastries na naka-display.
Ang tatamis, natatakam akong bilhin ang lahat. Kagat-labi kong itinuro ang gusto kong match-strawberry bread.
"Iyan lang?"
Ay! Nangangamoy libre. Nakangiti ko namang tinuro ang strawberry croissant at nagpabili ng strawberry ice cream kay So. "Ililibre mo rin pala ako eh!"
"Anong libre? Akin na credit card mo." At inilahad niya sa akin ang palad niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinampas ang kamay niya.
"Asa!"
Napailing na lang siya dahil sa behavior ko. Nakita ko na may bakanteng pwesto malapit sa window kaya tinapik ko ang balikat niya at nagpaalam na roon muna ako.
Umoorder pa si Sohan habang inililibot ko ang paningin sa paligid. Gandang-ganda ako sa bakery na ito! Nang mapansin ko ang wanted poster na nakadisplay malapit sa cashier. They're hiring part timers!
Guess luck's on my side.
"Mas mahal pa iyong sa iyo kaysa akin ah." Reklamo sa akin ni Sohan pagkatapos niyang maupo sa tapat ko. Inilapag pa niya ang receipt na para bang gusto niyang pabayaran iyon sa akin. "Blow out lang dapat ito, uubusin mo naman pera ko."
"Bakit nirereklamuhan mo ako? E'di mangolekta ka ulit." Irap ko.
"Sino ba nagsabi sa iyo na madali lang mag-collect? Bakit hindi mo subukang gawin iyong trabaho ko?"
Mabilis akong umiling at iwinasiwas ang kamay ko tanda ng hindi pag-sang-ayon. "Hindi ako magaling sa computer So, nakalaan talaga iyan sa iyo, talent, ganoon."
Makikipagtalo pa sana siya ng dumating ang orders namin. How I hate cooking ampalaya. Excited na akong kuhain iyong pastries ko ng makilala ko kung sino ang nagserve. Salubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya, marahang sunasayaw ang mga daffodils sa mata niya habang isa-isang inaayos sa table ang order namin.
Walang reaksyon si Sohan, pagkatanggap niya ng Americano ay ininom na agad niya iyon.
"Enjoy." Maikling sabi ni Tristan at saka ako nginitian.
He got a part time job here? Bago pa man ako makapagtanong ay kinuha ko na niya ang tray at bunalik sa trabaho.
Bakit nga ba ako makikipagdaldalan sa kanya kung may trabaho pa siya?
"May special treatment ka ata." Nagsisimula na namang mang-asar si Sohan. Bigla pa siyang sumandok sa ice cream ko na hugis rosas pala ang ibabaw!
"Akin 'yan!" Sabay hampas ko sa kamay niya ng nagtangka siyang sumandok na naman sa akin.
"Anong iyo? Hoy! Baka nakakalimutan mong ako nagbayad niyan? May parte ako diyan."
Para kong bata na nagdadamot na inilayo ang ice cream sa kanya kaya tinignan niya ako ng masama. Talagang gusto lang niya akong asarin, wala siyang interes sa ice cream!
Nilayo ko na lang kay Sohan ang ice cream ng masigurong hindi niya mauubos iyon sa kakaasar sa akin.
Sinimulan ko na ring tikman iyong pastries at hindi ako nagkamaling iyon ang bilhin---nah, ipalibre, I think?
Hiniwa ko ang croissant bago iyon isubo. Pasimple kong nilingon si Tristan na abala sa pagseserve ng orders. Hindi ko maintindihan kung bakit natulala na ako habang nakatingin sa kanya suot ang uniform nila. Why does he look so damn good in that white polo, black pants and topped with khaki apron.
Someone's having a crush here.
"Hoy!" Binatukan ako bigla ni Sohan kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Agad kong itinaas ang middle finger ko sa kanya dala ng inis. "Gusto mo bang itanong ko sa cashier kung pwedeng orderin ang atensyon ni Tristan?"
"Huh? Pinagsasabi mo. Just for you to understand natutuwa lang ako sa ambiance nitong bakery."
"Hindi iyon ang nakikita ko."
Nginiwian ko siya at inabala na lang ang sarili ko sa pagkain, ang kaso ayaw naman akong tantanan ni Sohan! "Ikaw ng may malinaw na mata, Sohan. Lubay-lubayan mo ako dahil baka madukot iyang eyeballs mo."
Tinawanan lang niya ako. "Kahit tanggalin mo 'to," itinuro pa ni Kumag iyong mga mata niya. "You cannot deny the fact na gwapo pa rin ako, at ikaw," Napaaray ako ng ihampas niya sa ulo ko ang dulo ng kutsara niya. "Hindi mo ma-idedeny na may gusto ka kay Tristan, nababasa ko iyon sa mga mata mo at alam ko ang likaw ng bituka mo para magsinungaling ka pa sa akin."
Nag-iwas na lang ako ng tingin kay Sohan, dahil sa unang pagkakataon ay nagkamali siya sa akin. Kilalang-kilala ako ni Sohan at nababasa agad niya bawat kilos ko, subalit maling-mali siya ngayon.
Wala akong gusto kay Tristan.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top