Chapter 22
Chapter 22: Nonetheless
CRISELLA'S POV
MATAPOS ang unang exam sa chemistry ay kaagad akong bumaba sa cafeteria. Na-review ko ng maayos lahat ng topics sa chemistry kaya naman ng sagutan ko ang exam ay madali na lang iyon para sa akin. Ang kaso may ten points na situation analysis sa last part, doon na napiga ng sobra ang utak ko.
Bumaba ako sa cafeteria para bumili ng refreshment, may 15 minutes break naman kami kada subject dahil lahat ng major exam ay ite-take na namin ngayong araw.
"Crisella!" Inaabot ko pa lang sa ale ang bayad ko ng may bruhang nagtatalon na lumapit sa akin at paulit-ulit akong niyugyog. "Kamusta ang first subject ninyo?"
"Doing fine." Sagot ko bago tanggapin ang refreshment na binili ko. "You want?" Alok ko subalit mabilis niya akong inilingan sabay labas ng dairy milk at iyon ang ininom niya.
Hindi ko naman siya makumusta patungkol sa first subject nila, alam ko namang madali na lang kasi iyon para sa kanya.
Nakipagkwentuhan pa siya sa akin kaya inakay ko na siya paakyat sa building namin. Alanganin kung dito kami sa baba magkukwentuhan, mas mainam na iyong malapit kami sa building namin dahil baka hindi pa ako nakakapagsagot ng test, minus ten na agad dahil late ako!
"About yesterday..." biglang bulong niya na siyang pumukaw ng atensyon ko.
Mabilis namang sumilay ang ngisi sa mga labi ko dahil doon. "Hmm? What about it?"
"They're already locating the fingerprints."
"It's not like we did something." Saad ko at humagikgik.
The truth is we set up Brooke. Well, I can say na ako lang dahil ako naman ang gumawa ng lahat, halos escape plan nga lang si Xhera.
Well, little do they know that I am aware that Brooke has been eyeing that Sapphire Cat engraved necklace. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makaganti sa kanya at para masiguro ko ring hindi na siya makakapanggulo sa akin. About fingerprints? Nah, they wouldn't find out. Kasi kung makikita nila ang fingerprints ko roon, hindi ako magkakaroon ng pagkakataong i-set up siya, dahil maaaring matagal na akong nasa loob ng jail bars.
Nakasabay ko pa kaninang umaga si Coral. Nakangiti pa nga niya akong binati kanina pero hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso na ako sa room namin. She's just putting an act in the first place.
"Oh! What about Tristan?" Pag-iiba ni Xhera ng usapan habang naka-angkla ang mga braso niya sa akin.
Masyado naman ata siyang komportable, tss!
"He sent a 'good morning' GIF earlier." Saad ko at nakamot ang kilay ko, naging habit na niyang mag-send ng 'good morning' GIF or mismong text ng 'good morning' sa akin. Madalas ay tinatawanan ko lang iyon kasi late naman na akong nagigising.
Nagulat ako ng humagikgik na pinaghahampas ako ni Xhera. Mabilis akong napangiwi bago siya gantihan ng hampas subalit tinawanan lang ako ni G×ga.
"OMG! Official na kayo?!"
"Sira! Hindi pa!" Tanggi ko pero lalo lang atang lumakas ang hampas niya sa akin.
"Hindi pa?!"
Naiiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at nagmadaling maglakad.
"Crisella, wait for me!" Nang makahabol siya ay umangkla na naman siya sa braso ko. "Anong status ninyo ni Tristan? Come on, don't be shy! Give me some chika."
Chika?! "Wala pa, okay? Hindi ko rin alam."
"Paanong hindi mo alam?"
Tinignan ko ang oras sa phone screen ko, malapit ng matapos ang 15 minutes break. Tinapik ko ang balikat ni Xhera at nagpaalam na sa kanya. Iniiwasan ko rin kasing sagutin ang tanong niya dahil paniguradong paikot-ikot lang ang sagot ko.
Hindi pa man siya nakakapagresponse ay lumakad na agad ako pabalik sa room namin, inubos ko muna ang refreshment ko, saka itinapon ang basura sa basurahan.
Physics ang kasunod naming subject, dumugo na naman ang utak ko. Kakarecover ko lang sa chemistry nasundan naman ng phsyics at talagang inagahan nila ang schedule ng pinakamahihirap na subjects!
Nakakapanibago na ang tahimik ng araw ko ngayon, walang Tristan na nambubulabog. Nandyan naman si Xhera at Sohan para bulabugin ako pero may kakaibang idinudulot iyong pambubulabog ni Tristan.
Buong sistema ko ba naman ay nagugulo. Kailan pa ba ako nagsimulang maapektuhan na wala siya?
Bakit nga naman kasi ang layo ng testing center niya?
Kakalabas lang ng examiner, hindi na ako nag-abalang lumabas, pinili kong manatili na lang sa classroom. Idinukdok ko ang ulo ko sa table ko para sana magpahinga pero hindi pa man ako nakakapikit ay may asungot ng nambulabog sa akin.
"Tumatanggap ka ba ng poging athlete?"
Salubong ang mga kilay ko na nag-angat ng tingin kay Devon. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin ngayon? "Tulog ang gusto kong matanggap."
Tinawanan lang niya ako. "Ice cream tayo after exam, libre ko."
Para namang gusto ko siyang kasama mag-ice cream mamaya. "No, thanks. Gusto ko agad magpahinga mamaya pag-uwi."
"What about some other time?"
Wala talaga siyang balak na tigilan ako? Plano ko na sanang gamitin ang pangalan ni Sohan ang kaso naitikom ko ang mga labi ko, gamit na gamit ko na ang pangalan ni So, kung kay Tristan naman ang gagamitin ko baka mag-cause pa ng malalang issue.
"I'm busy. Sige na, matutulog muna ako." Idinukdok ko na ulit ang ulo ko sa lamesa at hindi na siya kinausap.
Inaabala niya beauty rest ko.
Nakapikit na ako habang nakadukdok sa table ko ang mukha ko ng magdilat ako ng mga mata. I just noticed the difference between how I treat Tristan and Devon. Halata naman na pumoporma si Devon sa akin pero hindi naman siya umaamin. As far as I can see hindi naman friendship ang habol niya sa akin.
Kung aamin ba si Devon ay itatrato ko siya tulad kung paano ko itrato si Tristan?
Alam ko na ang sagot.
NADALIAN na ako sa sumunod na subjects, hindi na gaanong dumugo ang utak ko tulad sa chem at phsyics kanina. Palabas na ako ng classroom ng salubungin ako ni Devon, nakangiti siyang kumaway sa akin subalit alanganin ko siyang nginitian at dire-diretsong nagtungo sa locker room para kuhain doon ang cellphone ko na iniwan ko.
Ang message lang ni Sohan at Xhera ang na-receive ko. Maglalaro pa raw sa bilyaran si So samantalang si Xhera nagsabi na hindi kami sabay na makakauwi ngayon kasi may sundo siya. Nireplayan ko lang silang dalawa at lumabas na ako ng locker room. Hindi rin naman kami madalas na magsabay ni Xhera.
Palabas na ako ng gate ng may cotton candy na humarang sa harapan ko. Akala ko ay may vendor na nag-aalok ng paninda niya subalit iyong Kupal na adik sa libro lang pala!
Anong ginagawa niya rito?
"Kamusta ang exam niyo?" Tanong niya sa akin sabay abot ng cotton candy na hugis bulaklak.
"T-thanks." Hindi ko pa rin inaasahan na nandito siya. Inayos ko ang postura ko at hinila siya sa tabi dahil nakaharang kami sa gitna ng daanan. "Tapos na ang exam namin. Paniguradong pasado na lahat iyon, duh? Hindi ako nagpuyat kakareview para lang bumagsak." Saad ko sabay hawi ng buhok ko na hindi pa rin ganoon kahaba. "Ikaw? Kamusta ang acceleration exam mo?"
"Tapos na rin syempre!"
"Psh! Nasagutan mo naman ba? Baka naman hinulaan mo lang iyon?" Tinawanan niya ako bago pisilin ang pisngi ko. Naknang! Mukha pang siopao ang pisngi ko?!
"Opo, sinagutan ko po. Ang dali lang ng mga tanong, for sure maipapasa ko iyon." Saan naman nanggaling iyong 'opo' at 'po' niya? Naiiling ko siyang inaya na sumakay ng tricycle.
"Maaga kayong natapos?" Tanong ko matapos na makasakay ng trike, kaagad namang tumabi sa akin si Tristan.
"Three o'clock pa lang tapos na ang exam. Dalawang oras ang byahe mula sa testing center hanggang dito kaya pagkatapos kong mag-exam dumiretso ako rito."
Naipaling ko ang ulo ko. "Are you saying na hindi ka pa umuuwi sa inyo?!"
"Hindi pa, gusto ko sabay tayong umuwi eh."
Para namang sa iisang baranggay kami nakatira. Mukhang mas matamis pa ata siya rito sa cotton candy na binigay niya. Tsk! Tsk! Tsk! "Malala ka na, Tristan Stryker."
WALA pa si Sohan nang dumating kami ni Tristan sa bahay. Nasa bilyaran pa talaga si Kumag. Hindi ko naman dapat isasama rito si Tristan ang kaso hindi nagpaawat kaya hinayaan ko na lang, sinabihan ko ng magpahinga ayaw naman makinig.
Nagmessage na ako ng ulam sa labas. Nag-ke-crave ako sa liempo kaya bumili na ako malapit sa train station kanina.
"Gusto mo bang manood?" Tanong ko kay Tristan habang binubuksan ko ang electric fan.
Nang lingunin ko siya komportable ng nakahilata si Kupal sa couch. Feel at home na masyado 'tong Lokong 'to. "Nah. Makikitulog muna ako ah."
Inaantok at pagod na pala hindi pa kasi dumiretso ng uwi sa kanila. Tinanguan ko na lang siya bago ako pumunta sa kwarto at kumuha ng kumot, pagbalik ko sa salas alam kong gising pa siya kaya binato ko na lang siya ng kumot.
Baka umiral na naman pagiging assumero ni Kupal kapag ako pa nag-ayos ng kumot para sa kanya. Iyong throw pillows na rin naman na ang hinigaan niya.
"What?" Kunot-noong tanong ko sa kanya ng nakanguso siyang nakatingin sa akin matapos kong ibato ang kumot sa kanya.
Tinawanan lang niya ako kaya dumiretso na ako sa kusina para magsaing. Gumawa rin ako ng milktea para mainom mamaya.
Abala ako sa pag-aasikaso sa kusina ng dumating si Sohan. Kakahubad lang niya ng sapatos ng lingunin niya si Tristan na mahimbing nang natutulog sa couch.
Nagtataka siyang lumipat sa akin habang nililingon si Tristan. "Mapilit eh," kibit-balikat ko na siya nagpaasim ng mukha niya.
Balimbing talaga 'to eh! Minsan supportive kay Tristan; minsan basher. Sa huli, ay alam ko namang doon lang siya kung saan man ako masaya.
"Kanina pa kayo?" Tanong niya habang nilalantakan na iyong lechon liempo na nakahain na sa mesa, nabatukan ko tuloy siya dahil doon. "Crisella naman! I'm starving."
"Kakarating lang din namin at anong starving?! Busog ka na nga ata sa pulutan, amoy alak ka pa hoy!"
"Hindi naman ah." At talagang inamoy pa niya ang sarili niya!
"Tsk! Maligo ka na nga! Ang baho mo!"
"At least, gwapo pa rin ako!"
Nagbanta ako na hahampasin ko siya ng sandok kaya tumatawa siyang pumasok na sa kwarto niya para maghandang maligo. Sabi na nga ba at hindi lang billiards inatupag ni Kumag!
Nang makita kong luto na ang sinaing ay sinandok ko na iyon, inayos ko na rin ang hapag-kainan. Hihintayin ko na lang na matapos maligo si Sohan at si Tristan? Ang himbing na ng tulog niya, hindi ko alam kung paano ko pa siya gigisingin!
Pauunahin ko na sana si Sohan na kumain at sasabayan ko na lang si Tristan mamaya. Baka kasi kapag nagising siya at inalok kong kumain hindi na kumain kasi nahihiya.
Inililigpit ko na iyong ibang utensils ng lumabas si Sohan mula sa washroom. Basang-basa pa ang buhok niya ng lumabas siya ng banyo at nakakunot ang mga noo na nakatingin sa akin.
"What... are you doing?"
Tinaasan ko siya ng kilay bago batuhin pabalik ng tanong. "Tapos ka na bang maligo?!"
"Nah. Ubos na iyong shampoo, kukuha lang ako. Bakit nga nililigpit mo na iyang ibang plato?"
"Eh ang himbing ng tulog ni Tristan, hindi ko magising para kumain. Sasabayan ko na lang mamaya." Giit ko at isasara na sana ang cabinet ng utensils subalit ibinalik iyon ni So sa mesa.
Aartehan ko pa lang sana siya ng dire-diretso siyang lumakad sa sala, kaagad ko naman siyang sinundan. Nilapitan niya si Tristan at walang habas na hinila iyong kumot!
"Hoy, 'dre! Bangon dyan!"
Oh my goodness, Sohan! Kaagad ko siyang nilapitan para ilayo kay Tristan na iminumulat na ang mata ngayon, hinampas ba naman ni So sa halip na tatapikin lang!
"Hmm? Anong oras na ba?" Tanong ni Tristan, mukhang naalimpungatan!
Mabilis ko tuloy na nabatukan si Sohan na hatak-hatak ko ngayon. "Ano bang trip mo? Hayaan mo na munang matulog! Maligo ka na nga lang doon!" Sabay tulak ko sa kanya dahil pati ako basa na, siguruhin lang niyang mag-ma-mop siya mamaya!
"Tayo na dyan, oras na para maghapunan." Dinededma ako ni Sohan! Ang bait.
Kusot-kusot naman ni Tristan ang mga mata niya na tumayo mula sa sofa. Wala pa ata siya sa tamang huwistyo kaya mabilis ko siyang sinundan na dumiretso sa sink at doon maghilamos.
Okay, mukhang gising naman na siya lahit papaano!
Kumuha na lang ako ng malinis na face towel saka iyon inabot kay Tristan para mapunasan niya ang mukha niya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at marahan naman siyang tumango habang pinapatuyo ang mukha niya.
Napadaan si Sohan na nakangising nakatingin sa akin, itinaas ko agad ang middle finger ko sa kanya dahil sa inis ko.
"Pagpasensyahan mo na si Sohan, lasing lang iyon." Sabi ko kay Tristan ay muling inayos ang lamesa, ang kaso umiiral ang pagiging Kumag ng kaibigan ko.
"Hindi ako lasing, Crisella!" Sigaw ni So mula sa banyo kaya lumapit ako roon at sinipa ang pintuan ng banyo dahil sa gigil ko.
Bumalik ako sa dining table na parang wala lang nangyari. Nakaupo na si Tristan at medyo tulala pa rin. Wala pa nga ata talaga siya sa tamang huwistyo, inaantok pa.
"You know what, matulog ka na kaya muna? You can stay in my room para hindi ka na guluhin ni Sohan." Ngiti ko kaya unti-unti niyang inangat ang tingin sa akin. "Don't worry, malinis ang kwarto ko!"
"Ayos lang ako." Aniya sabay hikab. "Naalimpungatan lang ako, nawala na angas ko." Natatawang iling niya at tinusok ang isang slice ng liempo para iiabot sa akin iyon.
"Thanks. Nagprepare din pala ako ng milktea, baka gusto mo?"
Inilingan niya ako na siyang ikinagulat ko. Tinatanggihan ba niya ang milktea ko?!
"Bakit? Hindi ka ba pwede sa milktea right now? Don't worry, healthy ito, hindi ito iyong galing sa labas na maraming halong preservatives."
"Hindi kasi iyon. Ang akin lang naman, huwag mo na ako asikasuhin masyado, lalo lang akong nahuhulog sa iyo."
Natataranta kong inabot ang pitsel at nagsalin sa tubig, tinulungan din naman ako ni Tristan. Nasamid ako sa sinabi niya! Bakit ba kasi ang straight to the point niya sa nararamdaman niya? Hindi man lang siya nag-aabalang i-filter ang sasabihin niya!
"Nabasa mo na ba lahat ng ipinahiram kong book sa iyo?" Pag-iiba niya ng usapan kaya nalingon ko siya.
"Hindi ah. Bakit ako magbabasa ng libro? Busy na ako kakatahi ng damit, besides busy din ako sa pagrereview since hell week started." Of course, I am lying. Duh?
"I see, akala ko naman nabasa mo na. Especially 'yung Signature Over Printed Name, that's one of my favorites. The plot twist was insane, it turns out na si Lorelei ang pumatay kay Killian." Aniya habang humihikab.
Nagsalubong ang mga kilay ko. I read that book at "Hindi naman si Lorelei ang pumatay kay Killian." Diretso kong nainom iyong tirang tubig sa baso ko. Nasabi ko iyong dapat na nasa isip ko lang.
Kitang-kita ko sa reflection ng salamin ng lamesa iyong ngisi ni Tristan.
Kaya lang naman ako nagbasa kasi naghahanap ako ng sagot sa mga tanong ko! Mga tanong ko na kahit hindi ko iboses ay nabibigyan naman ng sagot ni Tristan. At ngayon ay desisyon ko na lang ang naghihintay.
Alam ko naman na ang dapat kong gawin, pinapangunahan lang ako ng takot, takot sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Subalit sa kabila ng lahat ng takot na nararamdaman ko ay nahanap ko ang kasiguraduhan na magpapanatag sa akin.
Inangat ko ang tingin kay Tristan, inirapan siya at itinaas ang middle finger ko sa inis, si Kupal tinawanan lang ako!
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top