Chapter 21

Chapter 21: Into the confusions
CRISELLA'S POV

"I DIDN'T stole anything!" Umaalingawngaw sa buong corridor ang sigaw ni Brooke. Sapo-sapo na lang ng teachers ang mga ulo nila dahil ayaw sumama ni Brooke sa kanila sa guidance office. "We're rich! We can even buy this damn school! Why would I steal?!"

"Brooke, tama na." Si Willow iyon ma inaawat na siya sa pagwawala. "We're going to investigate about this, okay? Ichecheck natin ang fingerprints."

"Buy you want that necklace so bad, don't you?" Nagtatakang tanong ni Coral kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Nabato tuloy siya ng masamang tingin ni Willow.

"You're not helping, Coral." Ani Willow bago alalayang tumayo si Brooke na wala na ata sa katinuan. "Come on, let's go to the office. Just tell them the truth."

She may tell the truth, but lies will still conquer the truth.

Nakangisi akong umalis sa kinatatayuan ko, humalo ako sa dami ng estudyante at teachers na nakikiusyuso sa pagwawala ni Brooke. She can cover up what she has done with money, pero hinding-hindi niya matatakpan kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya.

She has to pay for her debt to everyone after all.

Malalim akong napabuntong hininga bago maupo sa bakanteng benches sa parking space. Ilalabas ko na sana ang sticks at lighter ko ng may umagaw niyon mula sa akin.

"Don't tell me natutulog ka na naman diyan?" Tanong ko sabay dungaw doon sa mga bato malapit sa fish pond.

Inilingan niya ako bago putulin ang sticks ko. "Stop smoking, Crisella."

"Minsan..." nanahimik na lang ako bago humalukipkip. Walang patutunguhan kung makikipagtalo pa ako sa kanya, dahil sa huli ay ako rin naman ang siyang matatalo. "You should pay for that." Ngiwi ko na tinutukoy ang sticks ko na inagaw niya.

"Here." Inabutan niya ako ng strawberry lollipop! Salubong tuloy ang mga kilay ko na tumingin sa kanya. "Sabi mo bayaran ko hindi ba? Iyan na." Nang-aasar na naman siya!

But that is strawberry!

Sa huli ay tinaggap ko na lang iyon at binuksan subalit ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makitang hugis rosas iyong lollipop! Nilingon ko siya subalit nagpapatay malisya naman siya habang nagbabasa ng manga!

Hindi ko na lang tuloy siya pinansin. Isusubo ko na sana iyong lollipop kaso nacu-cute-an ako kaya pinicturan ko muna bago tuluyan iyong isubo.

Wala kaming imikan pareho habang nasa bench kami. Abala siya sa pagbabasa habang nakatingala lang ako sa langit na dumidilim na. Hindi ko rin naman alam kung may dapat ba kaming pag-usapan.

It's been a couple of days since he started courting me. Laging ganito, susulpot siya out of nowhere at magbibigay ng kung anu-anong bagay. They are not expensive, kung tutuusin nga ay napakasisimple lang ng mga binibigay niya sa akin, I just don't understand how he can make them special.

"Crisella." Napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ako. Abala pa rin siya sa pagbabasa subalit ang kaliwang kamay niya ay may inaabot sa akin.

Takang-taka naman akong inabot iyon. It is a white envelope with a wax seal in front of it! Pipino! Nagsimula na namang dumagundong ang dibdib ko ng ma-realize ko kung ano iyon.

"Hindi ako sigurado kung magugustuhan mo iyan." Aniya sabay lipat ng pahina ng librong binabasa niya.

Alanganin naman akong natawa. "Ano 'to? Electric bill?"

Napalingon tuloy siya dahil sa sinabi ko, ako naman ang napaiwas ng tingin. "Hindi. Lo---"

"Alam ko. Binibiro ka lang eh." Magkasalubong ang mga kilay ko, iniisip ko kung bubuksan ko ba iyon o hindi. "Gusto mo ba ng response dito?"

"I am not expected anything, gusto ko lang mabasa mo kung anuman ang isinulat ko diyan."

"Grabe, para namang sinabi mo na wala kang aasahan sa akin." Natatawang sabi ko, nang lingunin ko siya ay nakatingin pa rin pala siya sa akin.

"Sinungaling ba ako kung sasabihin kong ayos lang kung hindi ako makatanggap ng letter mula sa iyo, kahit na gusto ko talagang bigyan mo ng response iyan." Isinarado na niya ang libro niya at hinarap ako ng mas maayos ngayon. "Nasabi mo naman na sa akin noon na ayaw mo ng cringe things pero... bibigyan mo ako ng exemption, hindi ba?"

Of course, naaalala niya ang sinabi ko last time. Sabi ko sa panaginip niya, nananaginip pa ata siya ngayon?Naniningkit ang mga mata ko na nginitian siya at bahagyang hinampas sa balikat. "All right, let me think about it." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nag-inat-inat. Narinig ko na ang pagtunog ng bell. "Uwi na tayo?"

"Ihahatid na kita."

Ayan na naman siya, kaya naitaas ko sa harap niya ang palad ko at mabilis siyang inilingan. "No, uuwi ka ng maaga, kailangan mong makapagpahinga para sa exam mo bukas."

"Sabay tayong uuwi, hanggang sa train station lang."

"Ayan, tama 'yan!" Natatawang ani ko at bahagya pang hinampas ang balikat niya.

Kinuha pa namin ang kanya-kanyang gamit namin kaya nauna na ako sa building namin.

Tapos na ang komosyon na sinimulan ni Brooke kanina, mukhang nakumbinsi na nilang pag-usapan ang lahat sa guidance office. Subalit kahit tapos na ang gulo niya kanina, naririnig ko pa rin ang mga estudyante na pinagbubulungan ang ginawa niya.

She should understand na hindi dapat ako ang matakot sa kanya, siya dapat ang matakot sa akin. Hindi niya ako madadaan sa pera niya dahil makakagawa ako ng paraan para maubos lahat iyon bago pa niya magamit sa akin.

Binilisan ko na lang ang kilos ko, kinuha ko ang mga gamit ko sa classroom at planong hintayin si Tristan sa lobby, subalit bago ko pa man siya mahintay sa labas ay nandoon na pala siya at naghihintay sa akin, hindi ko muna siya nilapitan at pinagmasdan muna siyang basahin ang librong hawak niya.

Ngunit naramdaman ata niya na pinagmamasdan ko siya. Nagpanggap na lang akong walang nangyari at nilapitan siya. Itinabi niya ang librong hawak niya sa messenger bag niya at sinalubong ako ng ngiti.

"Tara na?" Tanong niya at tumango naman ako bilang tugon, sabay kaming lumabas ng lobby subalit bumubuhos pala ang ulan. Bago pa man ako makapagsalita ay inilabas na ni Tristan ang payong niya.

Great! May dala siyang payong at wala na naman akong dala. Ang hassle kasi magbitbit!

"Umusog ka rito, gusto mo bang mabasa ng ulan?" Nakangising tanong niya. Hiniling ata niyang umulan! Ayaw ko namang mabasa kaya lumapit na lang ako kay Tristan para makisilong sa payong niya. Hindi ko naman ma-suggest na patilain na lang namin ang ulan, subalit kailangan na namin parehong umuwi.

"Tuwing uulan na lang, lagi kang may dalang payong." Saad ko habang nilalakad namin ang trike terminal sa kabilang bahagi ng kalsada.

"Baka may mang-snatch na naman kasi ng payong ko." Tawa niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Mabuti na lang at hindi ka na nagbabasa ng libro sa kalsada habang umuulan." Ngiwi ko.

Iyon lang kinuha ni Kupal na pagkakataon iyon para hiritan ako. "Gustuhin ko man, hindi ko pa rin gagawin. Ikaw na ang priority ko ngayon, alangan sabihin kong manliligaw ako sa iyo tapos wala akong ibang gagawin kung hindi ang ignore-in ka?"

"Sinasabi mo bang babalik ka sa addiction mo oras na sagutin na kita?" Umarko ang kilay ko, mas lalong tumaas ang pagkakaarko ng kilay ko ng huminto siya sa gitna ng kalsada.

"May plano kang sagutin ako?"

"Huh? Wala ah, sino ka ba?" Natatawang sabi ko bago patakbong sumakay ng trike, humabol agad siya sa akin pero dahil puno na kami sa harap ay sa likod na siya nakasakay ngayon.

Hindi ko ba dapat binitawan ang mga salitang iyon?!

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko at napailing.

Pagdating sa train station ng tricycle ay bumaba na agad ako, pero naghihintay na pala si Tristan sa akin kasama ang payong niya. Nginiwian ko lang siya bago sumabay sa kanya.

Pagkarating sa train station ay kakarating lang din ng train. Nagkatinginan kami ni Tristan at walang sabi-sabing nag-unahan paakyat sa train platform dahil pareho namang may laman na ang mga beep card namin.

"Ang kupad mo naman!" Natatawang asar ko sa kanya nang makaabot kami sa train bago pa mag-warning buzzer. Habol-habol ko pa ang hininga ko habang nakatingin sa kanya.

Rush hour na kaya marami ng pasahero sa train, dikit na dikit na naman tuloy kami ni Tristan sa isa't isa.

"Itinatap ko pa lang beep card ko tumatakbo ka na ng escalator." Giit niya na siyang nagpahalakhak sa akin. Mabilis ko ring natakpan ang bibig ko dahil baka masaway kami ng gwardya na rumoronda sa bawat bagon.

Makakaronda pa ba siya sa dami ng tao?

Malapit na lang ako sa estasyon na bababaan ko ay nag-aasaran pa rin kaming dalawa ni Tristan. Muntikan pa tuloy akong lumagpas ng bababaan. Tinapik ko na siya sa balikat at nginitian.

"Bye! Good luck sa exam mo, huwag ka ng mag-abalang ipasa, ayaw kong sabay tayo gumraduate!" Saad ko at nagmamadali ng lumabas ng train.

Hindi pa agad ako umalis ng train platform, hinihintay ko pang tuluyang sumara iyong pintuan ng tren habang kinawayan si Tristan.

Mag-wa-warning buzzer na ang train sa pagsara ng pintuan nang lumabas siya ng train! Gulat akong napatingin sa kanya hanggang sa tuluyan ng umandar papalayo ang train.

Nakaawang pa ang labi ko dala ng gulat ay naglalakad siya papalapit sa akin at niyakap ako. "Please give me a permission to do this."

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya habang yakap-yakap niya ako o maaaring... puso ko iyong dumadagundong ngayon.

"T-Tristan?"

"Alam mo namang ikaw ang lucky charm ko, paniguradong maipapasa ko iyong exam bukas." Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Tulala pa rin ako dahil hindi pa rin napoproseso ng utak ko iyong mga nangyari. "Sabay pa tayong gagraduate hindi ba?" Tanong niya.

Hindi ko pa mahagilap ang sarili ko. Sa huli ay nginitian ko siya at tinanguan.

MAG-A-ALAS sais na nang makauwi ako sa bahay. Abala na si Sohan sa paghahanda ng hapunan namin. Nagbihis lang ako sandali at nagtungo na sa kusina para makigulo sa kanya.

"Hinatid ka ni Tristan?" Tanong niya ngunit mabilis akong umiling.

"Nah. Sabay lang kaming sumakay ng train."

"I see. Magkasabay lang kayo pauwi pero iyong ngiti mo abot langit na." Natatawang aniya.

Napahawak ako sa pisngi at labi ko. "Why am I smiling?!" Kanina pa ba ako nakangiti? Oh my gosh! All this time mukha akong ewan na nakangiti.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Ngisi ni Sohan bago magpakulo ng tubig. "Bakit hindi si Tristan ang tanungin mo?"

Inaasar na naman niya ako kaya mabilis kong nahampas ang braso niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Tss! Iyong totoo, kailan mo planong sagutin si Tristan, Crisella?"

"Eh? I don't know."

"Pero may plano kang sagutin siya?"

Pipino! Hindi ko na alam ang isasagot. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nag-iisip. Wala akong maisip na isasagot kay Sohan! And that hit me! Nag-angat ako ang tingin kay So. "Kailan ko nga ba siya dapat sagutin?"

"Kanina ka pa tanong nang tanong ng mga tanong na ikaw naman ang makakasagot."

Mabilis akong napailing. "No, no. I mean, I don't know whether I should give him a chance or not. Hindi ko rin alam kung kailan at kung dapat ko ba siyang sagutin. Ang sinasabi naman kasi niya sa akin, he won't accept no as an answer, na gagawin niya ang lahat mapa-oo ako."

Isinalang muna niya ang mga rekado habang nakikinig sa akin.

"So, you're the one who have been in multiple relationship between the two of us. Siguro naman alam mo kung kailan dapat binibigyan ng sagot ang mga nanliligaw hindi ba? At kung dapat ba silang bigyan ng sagot. I swear, wala talaga akong alam sa dapat kong gawin."

"Did you read something about your horoscope or what?" Nagtatakang tanong niya sa akin na hawak-hawak pa ang sandok ng lingunin ako.

Doon na ako nag-iwas ng tingin sa kanya. I cannot easily tell him. Isa pa, pakiramdam ko ay aawayin niya ako oras na malaman niya anuman ang nabasa ko na siyang kinatatakutan ko.

"Oh God! May nabasa ka talaga ano!" Panghuhuli niya sa akin kung kaya't napangiwi ako. "Crisella, you cannot depend your life in horoscope. They might be accurate in some instances pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat kang maniwala."

"Pero hindi pa nagkakamali ang star at zodiac signs ko!"

Ginulo ni Sohan ang buhok ko kaya naangat ang tingin ko sa kanya. "Do not listen to your star nor zodiac signs." Itinuro niya ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. "You listen here, okay? Kung sinasabi sayo niyan na gusto mong makasama si Tristan then so be it, kung ayaw, tell Tristan as soon as possible, hindi iyong hahayaan mo siyang mag-effort nang mag-effort."

"In love ka pa rin ano?" Nakangiwi kong hinampas ang daliri niya. "Ang corny mo pa rin eh."

"Lahat na lang corny, tsk! Nagsasabi ako ng totoo, okay? That's how it goes! Mas kilala mo ang sarili mo kumpara sa akin, ikaw lang ang makakasagot kung may nararamdaman ka ba kay Tristan o gusto mo lang iyong atensyon na ibinibigay niya sa iyo."

"Argh!" Nagsisimula na naman akong magreklamo, nagulo ko na rin ang buhok ko. "I can't even tell kung anong nararamdaman ko toward him, okay?!"

Nabatukan tuloy ako ni Sohan kakareklamo ko. "Tsk! Crisella Travios, sumasakit na ulo ko sayo. Ang hirap mong paliwanagan, magbasa ka na lang ng libro roon."

Hinampas ko pa siya ng malakas sa braso bago kumuha ng pocket book. Fine! Baka makatulong nga ito! Lalo na at karamihan sa mga ito ay recommended din naman ni Tristan. Baka may mga sagot dito para sa mga tanong na bumagabag sa isip ko. Kinuha ko iyong book ng Blue Hour na isang science fiction book na twist ng romance.

Kaka-recommend at kakapahiram ng libro sa akin ni Tristan, nakahiligan ko na ring magbasa. Pero ayaw ko pa ring sabihin sa kanya!

Hindi ko pa natatapos ang prologue ay naibaba ko na ang libro. Sa simula kasi ng libro nakasaad ang closeness ng main character at ng mother niya, na sa paningin ko ay napaka-unrealistic. Kahit naman na kasi science fiction iyan hindi pa rin dapat ganyan ka-unrealistic ang prologue.

Walang mother and daughter sa ganoong edad na close.

Well, what can I say?

Naipikit ko na lang ang mga mata ko, gusto kong magpahinga muna. Naalala kong bukas nga rin pala ang final examination namin.

Nasa thirty minutes din ang naitulog ko, nagising na lang ako dahil kay Sohan na kinakalabit ako dahil kakain na kami. Sandali ko pang naikusot ang mga mata ko, napalalim na agad ang tulog ko.

Tinatamad pa akong bumangon patungo sa dinning area kaya kinalkal ko muna ang cellphone ko. Ang daming notification mula sa plastizism account ko. Marami-rami ring new followers kahit naka-private ang account ko.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko ng makita ko ang latest. New account. Hindi ko na sana papansinin kasi wala namang profile picture, ang kaso nakita ko iyong username.

┌───────────────┐
_Tr3Stryker
Tristan Stryker

Wants to follow you accept or decline?
└───────────────┘

I accepted his follow request. Nang inistalk ko, wala namang kalaman-laman ang account niya, iilan lang din ang finafollow niya, ako si Sohan at si Xhera, the rest hindi ko na kilala. Kakagawa lang ng account niya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita ko sa following list niya iyong d×monyita kong kapatid. What is this bitch doing here?

Nagsimulang mag-init ang ulo ko. Itatabi ko na sana iyong phone ko dahil baka mabato ko na naman subalit napansin ko ang unread messages sa phone number ko. Galing kay Tristan!

Thursday | 06:14 P.M
From: Tristan Kupal
Just got home. Ikaw? Nakauwi ka pa? HAHAHA good luck sa finals bukas. Don't mind me, makakapasa ako bukas, istg.

Iyan na naman iyong typings niya. Naiiling akong nag-reply.

To: Tristan Kupal
Psh! Dapat lang na makauwi ako, may babatukan pa ako next week eh, hindi ko naman sinasabing ikaw ah.

Pupunta na sana ako sa dinning area para kumain pero nagreply agad siya!

From: Tristan Kupal
Next week pa? Pupuntahan agad kita after ng exam. Baka ma-miss mo ako eh.

Saan nakahagilap ng lakas ng loob itong Kupal na ito? Ako pa talaga ang makakamiss sa kanya? Sino kaya itong may payakap-yakap pang nalalaman kanina kasi hindi ako makikita bukas, uh?

Natatawa akong nag-tatype ng irereply sa kanya nang may lumipad na throw pillow at dumiretso sa ulo ko. Mabilis kong tinignan ng masama si Sohan na nakapameywang ng nakatingin sa akin, kulang na lang ay may hawak siyang tsinelas.

"What?!"

"Sabi ko kakain na. Tsk! Ngiti-ngiti pa habang nag-rereply tapos sa susunod ano? Hindi mo na magawang kumain kasi broken ka?"

Umarko na lang ang kilay ko bago siya gantihan ng throw pillow. "Excuse me?!"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top