Chapter 2
Chapter 2: Eloquent
CRISELLA'S POV
HINDI dapat ako papasok ngayong araw dahil masama pa rin ang pakiramdam ko, subalit sadyang wala akong kawala sa research namin. Kaya ko naman na kaya pumasok na ako lalo na at malapit na ang mock defense namin. Pababa ako ng cafeteria para hanapin ang mga kaibigan ko ng mayroong humarang sa akin.
Pipino!
"Crisella." Napahinto ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko at pigilan ako. "Anong ginagawa mo rito?"
Ilang ulit pang kumurap ang mga mata ko habang nakatingin kay Sohan na siyang hawak-hawak ang braso ko ngayon, hindi ko siya napansin at halos lutang na ako habang hinahanap ang mga babaeng kaibigan ko sa gitna ng dami ng tao. "A-ano..."
"Huy! Ang init mo pa oh!" Puna niya sabay patong ng likod ng kamay niya sa noo ko. "Kumain ka na ba? Bakit kailangan mo pang bumaba rito, inabutan kita ng baon na makakain mo sa room ninyo."
Really? Nag-iwan siya ng pagkain?
"G-gusto kasi nila Brooke na sumabay ako sa kanila." Saad ko na nasundan ng paglunok kaya napaiwas na lang ako ng tingin. This is what happens to a social climber like me.
"Tsk! Tell them na hindi ka pupwedeng magpagala-gala, if they really want to eat with you bakit hindi ka na lang nila puntahan sa classroom mo?!" Nagulo ni Sohan ang buhok niya bago ako alalayan na bumalik sa classroom, wala naman akong ibang magawa kung hindi ang bumalik na lang din.
Kailangang umayos kaagad ang pakiramdam ko. Kasi sa totoo lang mas nahihirapan ako sa pagiging OA ni Sohan.
"Lend me your phone, ako na ang kakausap kay Brooke na puntahan ka na lang nila rito." Sabi ni So na nakalahad na sa harapan ko ang kamay ngayon.
Napatingin ako sa cellphone ko na panay ang vibrate dahil ini-i-spam na ako ng messages ni Coral, hinahanap pa rin ako kahit nag-message na ako sa group chat namin.
Inilingan ko na lang si Sohan, baka kung ano pang sabihin niya sa mga kaibigan ko. "Don't mind me, I'm fine."
"Sigurado? Kaya mo pa ba? Gusto mo doon ka muna sa clinic."
Bahagya akong ngumiti bago siya marahang suntukin sa braso. "I'm not a weakling, okay? Huwag ka ngang paulit-ulit. Saka anong clinic, parang hindi mo ako kinakawawa sa bahay."
"Pinipilospo mo ako, Crisella." Ngiwi ni Sohan kaya nginitian ko lang siya. "I almost forgot to tell you."
May nakalimutan siyang sabihin? Nakunot noo ang noo ko dala ng curiosity. "Sabihin ang alin?"
"We're graduating now, do you have any plans to study in other school next year or study abroad, maybe?"
"Why did you asked?" Sa halip na bigyan siya ng sagot ay binato ko pa siya ng tanong.
"I received an offer from Germany. Nahumaling ako sa offer kaya gusto kong tanggapin. Kung gusto mong mag-study abroad with me for the upcoming year just tell me hangga't maaari ay agahan mo sana ang pagbuo mo ng desisyon, para maayos ko na ang mga papeles mo yet, if you want to stay here with me huwag kang mag-aalangan na sabihan ako."
"Are you saying na pipilitin kitang mag-stay dito kahit na gusto mong mag-aral sa Germany?"
"Yeah. Something like that."
"Alam ko namang matagal mo ng gusto mag-aral doon kaya hindi kita tututulan. Besides, kung nasaan ka lagi rin namang akong nandoon, another thing, what do you mean by agahan ko ang pagdedesisyon?"
"May kulang-kulang isang taon pa tayo rito, marami pang pwedeng mangyari, anong malay ko baka magkaroon ka ng dahilan para manatili dito."
Salubong na naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. I do understand nothing. Ano nga bang klaseng dahilan ang magpapanatili sa akin dito sa Pilipinas? Sohan was the only person who never let me to feel alone, aside from him, wala ng ibang tao pa na nagparamdam niyon sa akin kaya hindi ko siya kayang iwan ng basta-basta na lang. Kung saan man siya magpunta ay dapat nandoon din ako.
"Ewan ko sa iyo. Basta sasama ako sa iyo sa Germany. Ayaw kong maiwan mag-isa dito habang nakikipagplastic-an sa schoolmates natin. Nakakasira ng ganda ang plastic, hindi mabuting bagay na napapalibutan ako niyon." Pahayag ko na angpangiti sa kanya.
"You're the prettiest, Crisella." He really knows how to get me, I hate him.
Hinawi ko patalikod ang buhok kong nasa balikat ko. "Always." At nagtawanan kaming dalawa dahil sa sinabi ko. Parang bigla tuloy gumaan ang pakiramdam ko.
Nagtatawanan pa kaming dalawa nang mapako ang tingin ko sa lalaking seryosong nagbabasa ng libro habang naglalakad hindi kalayuan sa amin, nasa isangdaang metro ang layo niya sa amin ngunit malinaw kong nakikilatis kung sino siya. Bigla tuloy nawala ang gaan ng pakiramdam ko, habang dumadgundong ang dibdidb ko sa kaba.
"So," napahawak ako sa braso niya habang tinitignan ko pa rin ang lalaking iyon.
"What's wrong?" Halatang napansin agad niya ang pagbabago ng mood ko.
"Iyong lalaking iyon. Kilala mo ba siya?" Wala pa man akong tinuturo kay Sohan ay napansin na niya agad kung sino ang tinitignan ko.
"Alam ko lang ang pangalan niya. Bakit?"
Alam ni Sohan ang pangalan niya? Am I too self centered that I didn't notice? "What's his name?"
"Tristan Stryker. Did you encounter any problems with him?"
Napalobo ko ang pisngi ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay So o ipagsasawalang bahala na lang.
Sa huli ay hindi ako nakatiis, sinabi ko pa rin. "Naalala mo iyong lalaking nakwento ko sa iyo noon na napikon sa akin dahil nabasa ang libro niya?" Bahagya ko siyang nilingon bago ko ibalik ang tingin sa lalaking iyon na Tristan pala ang pangalan. "That day, I'm on the run, tinakbuhan ko siya after ko siyang makabungguan at inagawan pa ng payong."
"What are trying to say?"
"What if he recognized me?" Nilingon ko siya at kalmado naman ang lagay niya. "Sohan?"
"Then you're doomed but don't overreact posibleng hindi ka rin niya nakikilala."
Pinagkatitigan ko si Tristan na abala sa pagbabasa ng libro. Yes, I'm really doomed oras na makilala niya ako, who would expect that he's my schoolmate? Mula sa malayo, kapansin-pansin na malakas ang dating niya pero bakit ni minsan ay hindi ko napansin ang presensya niya? Halos wala akong pakialam sa mga lalaking nasa palagid ko ngunit nakikilala ko naman sila pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?
Nagpasya akong humakbang paabante palapit sa kanya, nagulat sa si Sohan sa ginawa ko ngunit hindi naman niya ako pinigilan, kailangan kong masiguro na hindi nga ako nakilala ni Tristan.
Dire-diretsong akong lumakad hanggang sa magtagumpay ang plano kong mabunggo siya. Gulat siyang napatingin sa akin ngunit dahil ata iyon sa pagkakabunggo ko sa kaniya, maging ako ay hindi ko inaasahang magugulat ako sa pagtatagpo ng mga mata namin. There is healthy field in his eyes. It is covered with dancing daffodils as the butterflies fly around them and that sun's ray across his eye made those daffodils bloom. It feels like he's taking my soul away from me as he keep on staring right directly in my eyes.
Pipino!
"Sorry..." Mahinang usal ko ng hindi niya marinig ang totoong boses ko dahil baka makilala pa niya ako. Parang ako pa ata ang napasama sa paglapit ko sa kanya.
Tango lamang ang itinugon niya sa akin bago siya diretsong lumakad papunta sa science building. Hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa kanya na naglalakad na sa second floor ngayon. Ni hindi man lang siya lumingon pabalik sa akin, masyado siyang abala sa librong binabasa niya. Wait... napansin kong ibang Manga ang binabasa niya, did he finished reading Attack On Titan? Moreover, I noticed that what he is reading was a romance book?
"What happened?" Tanong sa akin ni Sohan na nasa tabi ko na pala.
"He didn't recognized me... I guess"
"That's great."
Sa hindi malamang dahilan ay napabuka ang bibig ko ng mapansing may makakasalubong siyang teacher. Bakit nga ba hindi ko pa nilulubyaan ng tingin ang lalaking iyon? Para bang gusto ko siyang sigawan na ibaba niya ang hawak na libro dahil malaking issue sa school na ito ang pagbalewala sa mga teachers ngunit lalo akong namangha ng awtomatiko niyang ibaba ang hawak na libro at nagmano sa teacher na makakasalubong niya.
Thus, he's aware of his surrounding even he's busy reading. Kung gayon ay hindi nga niya ako nakikilala base na rin sa reaction niya kanina ng magtagpo ang mga mata namin.
"Isn't he in the same grade level like us? Why is he wearing a junior high scholl uniform?" Tanong ko kay Sohan na si Tristan ang tinutukoy.
"Bakit naitanong mo?"
"I'm curious. Para kasing hindi ko pa siya nakikita sa batch natin. Kitang-kita na hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa, I was expecting that he's in grade eleven if I never saw him in grade twelve." Wala akong natanggap na sagot kay Sohan kaya napalingon ako sa kanya na tinititigan pala ako. "What are you staring at?"
"Bakit hindi mo alamin?" Nakangisi na siayng ngayon.
"Alamin ang ano?"
"His grade level." Aniya na nagpasalubong ng mga kilay ko. Ano bang sinasabi niya? Pinakikitid lang lalo niya ang utak ko. Kailangan ko pa nga ba talagang kilalanin kung sino si Tristan?
"I TOLD you to follow us." Inis na pahayag ni Brooke sa akin na handa na ata akong balatan ng buhay. It was lunch time, sila mismo nina Coral ang sumundo sa akin sa classroom kanina dahil higit na mas magaan na ang pakiramdam ko.
Nginitian ko lang siya pero naiinis na rin ako. "May sakit ako. Hindi ba pwedeng doon mo na lang sabihin ang sasabihin mo?!"
"Fine. Stay away from Sohan, Crisella!"
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya, inaasahan ko na rin naman na iyon ang gusto niyang mangyari. Nahilot ko na lang ang sintido ko, pinapasakit lang ni Brooke ang ulo ko samantalang ayos na dapat ang lagay ko ngayon.
Nakita na naman ata niya kaming mag-kasama ni Sohan kanina. Is she jealous or what? "Alam mong hindi ko magagawa iyon. Ilang ulit ko bang uulitin na wala akong kinakampihan sa inyong dalawa ni Sohan?" Paglilinaw ko bago iangat ang paningin sa kanya.
"You have to choose Crisella. Kapag pinili mo si Sohan alam mong hindi lang ako ang mawawala sa mga kaibigan mo."
Nabaling ang tingin ko kay Coral at Willow na nakatingin din pala sa akin ngunit mabilis din silang nag-iwas sa akin ng tingin. I want to be honest pero pinili kong itikom ang mga bibig ko; I will surely choose Sohan over them.
"Wala akong pipiliin, Brooke."
"You have to choose---"
Willow stopped Brooke, kahit ako ay napatigil dahil biglang nagsalita si Willow. "Brooke, stop. The top notcher is here."
"Where?" Paniniguro ni Brooke at sa mga oras na iyon alam kong wala na sa akin ang atensyon niya kung hindi nasa karibal na niya. Napabuntong hininga na lang ako nang iwanan niya ang lamesa namin at lapitan ang karibal niya na mag-isang nasa gitna ng cafeteria ngayon, naghahanap ng lamesang mauupuan.
Napaisip ako ngayon, paano nga ba ako naging kaibigan ng mga ito o mas tamang itanong na paano ko sila naging kaibigan?
"She took my place again earlier, I'll make her pay for that." Gigil na saad ni Brooke habang ito ako, walang ideya sa tinutukoy niya, pinanonood ko lang siyang lapitan ang karibal niya na nakalimutan ko na naman ang pangalan.
Brooke have beauty and brains pero habang tumatagal hindi ko na makita kung ginagamit ba talaga niya ang utak niya. She's a total dumbass. Matalino academically pero hanggang doon na lang iyon, she was born with a golden spoon kaya ganoon na lang kataas ang tingin sa sarili; she gets whatever what she wants, we are the same. The only difference is that I need to work smarter to get what I want.
Tahimik ko lang na pinapanood si Brooke na maglakad papalapit sa karibal niya ng kalabitin ako ni Coral at ipaabot ang vegetable salad na malapit sa akin, inabot ko naman agad iyon sa kanya. "Which dessert do you think is the best?" Nakangising tanong ni Coral sabay sulyap kay Brooke na kaharap na ang mortal enemy niya ngayon.
Nginitian ko lang si Coral. People thinks that Coral is bubbly and friendly but that's all for an act, she always had the most intrusive thoughts. Mukha lang siyang inosente pero kayang-kaya niyang humawak ng patalim para lang patabihin ang sinomang humarang sa daraanan niya.
"It will be Brooke's dessert for sure and the toppings would be Xhera's embarrassment." Usal ni Willow kaya pasimple ko siyang nabalingan ng tingin na nakaupo sa katapat kong upuan, sinulyapan ko lang siya dahil na kay Brooke ang atensyon ko ngayon na kinokompronta na ang karibal niya, which is Xhera.
On the other hand, Willow is a crazy bitch. Madalas siyang tahimik pero iyon ang susi para sa mamanipula niya ang mga tao, she's scarier than Brooke that is why I rarely get along with her. Kaya ko pang maatim ang ugali ni Brooke at Coral pero si Willow? Pipiliin ko na lang na itikom ang bibig ko sa halip na magsalita ako laban sa kanya.
Nevertheless, everyone has their own perfection and imperfection. I have my imperfections too, a lot, it just happen that I am in denial to accept everything.
"Stop acting like you don't know what you did!" Bulyaw ni Brooke kay Xhera habang patuloy na sinasanggi ng kamay niya ang balikat nang huli. Hindi naman lumalaban si Xhera sa kanya ngunit kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mahigpit na paghawak ni Xhera sa tray niya ng pagkain.
Wala man lang umaawat sa kanila, iyong ibang mga estudyante nagsimula pang i-cheer si Brooke. May pro-Brooke at pro-Xhera, halo-halo ang opinyon ng mga estudyante sa paligid, kahit ang mga tindera sa cafeteria ay nakikiusyoso na rin sa komosyon na ginawa nila.
Sa nalalaman ko, anak ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa si Xhera. Maganda, matalino at mabait. Sa sobrang bait naabuso na siya ng lahat. Siya lang iyong nakilala kong tagapagmana na ganyan kabait at hindi ko alam kung kakaawaan ko ba siya o tatawanan ko na lang siya. Ghad! She's wealthier than Brooke, mag-utos lang siya sa butler niya tiyak na mapapatalsik na agad sa university na ito si Brooke.
"I'm sorry..." At iyon ang tanging naiusal ni Xhera sa dami ng sinasabi ni Brooke sa kanya.
"All you do is to apologize, you don't even reflect what you did! I will be the valedictorian of our batch, Xhera! Huwag mong agawin sa akin iyon!"
Napatingin ako kay Sohan na nakaupo hindi kalayuan sa linauupuan ko, tapos na siyang kumain at nabuburyong siyang nakatingin sa komosyon na sinimulan ni Brooke. Sa palagay ko ay gusto na niyang lumabas ng cafeteria ang kaso nahaharangan na ng mga nakikiusyoso ang entrance at exit.
"I-I need to be the valedictorian as well, Brooke. S-sana m-maintindihan mo iyon. P-please s-stop b-bullying me!" At sa pagkakataong iyon ay lumandas na ang luha ni Xhera, mabilis naman siyang yumuko para itago ang pag-iyak niya samantala bumunghalit na ng tawa sina Coral at Willow na akala mo ay nanonood ng comedy show.
"Btch, know your place. Kaya lang naman mataas ang grades mo dahil binabayaran ng parents mo ang teachers!"
Oh Brooke! Xhera is a genius and that's a fact. Why are they having this childish fight anyway? Why the hell Brooke cannot compete silently?
Ghad! They are both stupid as fck!
Umawang ang labi ko ng kuhain ni Brooke ang bakanteng tray mula sa isang estudyante na malapit sa kanya, plano niyang ihampas iyon kay Xhera!
Nobody's gonna help her?!
Dumoble ang lakas ng crowd, halos lahat ay suportado na ang pambubully ni Brooke kay Xhera ngayon. Nakaamba pa lang ng hampas si Brooke kay Xhera ay ramdam ko na ang sakit niyon!
Wait, nobody's really gonna help her?! God! I really hate getting involve in this nonsense!
"Crisella!"
"Iyong novel ko!"
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top