Chapter 19

Chapter 19: Not Yet, Not Now
CRISELLA'S POV

BUMUBUHOS pa rin ang mahinang ulan habang tulala kami pareho ni Sohan na nakaupo sa balcony. Magkasunod lang kaming dumating at ito ni isa ay walang nagsasalita sa amin.

Nakita ko siya kanina na kasama si Daffney. Mukhang may pinag-usapan sila. Gusto kong magtanong subalit gusto kong siya mismo ang magbukas ng usapin tungkol sa kanila ni Daff dahil alam kong mahirap pa para sa kanya ang lahat.

Muli akong napabuga ng hangin habang tinitignan ang bulaklak na ibnigay niya sa akin. Hinawakan ko ang petals niyo at inamoy, sariwang-sariwa pa talaga ang bulaklak. Siya rin mismo ang nagtanim nito. Hindi ko maintindihan kubg bakit biglang lumukso ang puso ko sa isipin na siya mismo ang nagtanim nitong mga ito.

Kanina, wala talagang lumabas ni isang salita mula sa akin hanggang sa ihatid na lang ako ni Tristan sa classroom namin. Nang mag-uwian ay nagmamadali ako, umiiwas ako sa kanya.

Nilingon ko si Sohan na nasa tabi ko.

"Sohan,"
"Crisella."

Magkasabay naming nabanggit ang pangalan ng isa't isa kaya nilingon ako ni Sohan.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "You're spacing out, are you okay?"

"No." Mabilis na tugon niya na inaasahan ko naman na. "I talked with Daffney earlier."

"What happened?"

Bahagya siyang natawa at pinunasan ang mga mata niyang nagluluha na. Napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko at lumipat sa tabi niya. "I beg her to stay Crisella. I am willing to risk everything kaso sadyang magkaiba ang sitwasyon namin, besides magkaiba ang stance namin when it comes to our parents. Looks like everything won't work in the end."

I don't what to say kaya niyakap ko na lang siya. Subalit mabilis din siyang kumawala sa pagkakayakap ko. "Just tell me kung hindi mo na kaya, alam mo naman na laging lang akong nandito para saluhin ka hindi ba?"

Nginitian niya ako bago tapikin ang buhok ko. "I know." Aniya at huminga ng malalim bago ako muling lingunin. "What happened to you and Tristan?" Tanong niya at binalingan ng tingin ang nga bulaklak na hawak ko.

Mabilis naman akong napailing. "Hindi ko alam So, gulong-gulo ako."

"Naguguluhan ka dahil?"

"Ewan ko. You know Sohan, I will reject him. You know how much of a man hater I am, well, you're the exception of course. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I should reject him pero hindi ko magawa."

"Hindi mo kayang gawin." Umiiling na aniya at tinawanan ako, parang hindi siya mukhang depressed kanina. Mukha bang mayroong nakakatawa sa sinasabi ko? "Hindi mo kailangang maguluhan kung magiging tapat ka lang sa sarili mo, Crisella."

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Isa pa, bakit magsisinungaling pa ako sa sarili ko?"

"The moment na hindi mo magawang i-reject si Tristan, doon pa lang ay may sagot ka na. You should be able to figure out things all by yourself."

Is he saying na nasa harapan ko na ang sagot at nagbulag-bulagan lang ako?

But, I am just scared. What did I do? Anong dahilan at nagkagusto ka sa akin Tristan?

UBOS na ang stocks namin sa bahay kaya ako ang nag-grocery. Si Sohan na ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kaya naman sa akin na naiwan ang pag-g-grocery. Tulala ako habang kumukuha ng products at inilalagay iyon sa cart na itinutulak ko.

Iisa lang naman ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon.

Tinulak ko ang cart patungo sa beverages at nagdagdag ng dalawang dosenang strawberry yogurts at dairy milks. Hindi ko na alam kung paano ko ibabaling sa ibang bagay ang atensyon ko ngayon. Bakit ba kasi masyado akong apektado?

Binitawan ko muna ang cart at magkakasunod na huminga ng malalim. Baka frustrations ang abutin ko at makasira pa ako rito.

Okay, okay, okay!

I admit, I have feelings for him. Hindi ko nga lang matukoy kung ano ito? Is this infatuation? Do I really like him or worse I am really in love? How can I tell the difference between the three? Dapat nga bang alamin ko pa kung anong nararamdaman ko?

"Shit! I'm going to pay for this anyway." Binuksan ko iyong pinakamalapit na 500ml dairy milk at diretso iyong ininom. Gulat na napatingin ang pinakamalapi na crew sa akin pero kaagad kong ipinaliwanag na magbabayad naman ako.

This is driving me crazy! Kinuha ko na ang phone ko at binasa ang horoscope ko for this year. I knowbthat I shouldn't rely on this pero nababaliw na ako kakaisip.

Year of the Monkey... kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang binabasa ulit ang horoscope ko. Second most lucky sign for this year, uh? Sa mga naganap recently, can I still say that I am lucky?

Tuloy-tuloy kong binasa ang article. Relationship? Na-ah. Never. I don't have the guts to take the risk.

Exactly! That's the answer. Kung sa simula pa lang takot na akong magtake ng risk dahil takot akong masaktan, why do I have to entertain my feelings for him anyway? Mawawala rin ito. Tristan will realize soon enough na hindi ako worthy para sa nararamdaman niya.

Nothing's permanent after all.

MAAGA akong umalis ng bahay ngayon. Nag-message kasi si Xhera na gusto niyang mag-commute kaming dalawa papasok, hintayin ko na lang daw siya sa train station malapit sa campus.

Mabuti na lamang at maaga rin akong umalis ngayon, imposibleng nakasabay ko si Tristan. Lagi ba namang late ang Kupal na iyon. Kung tutuusin ay pupwede ko namang hindi pagbigyan si Xhera ngunit binigyan ko ng dahilan ang sarili ko para bumangon at gumising ng mas maaga.

I need to avoid Tristan.

Isa kasi sa tinitignan kong anggulo ay baka nasanay lang siya sa presensya ko kaya kung anu-anong nasabi niya. Maybe he's just infatuated with me after all.

"Crisella!" Palabas pa lang ako sa ticketing machine ay kinakawayan na ako ni Xhera, naghihintay siya malapit sa food stalls. Nakamessy bun siya ngayon habang suot ang uniform namin.

"Alam mo ng lumabas ng train, uh?" Nakangising tanong ko sa kanya at nginitian lang naman niya ako. "Tara na." Aya ko sa kanya subalit bigla niya akong hinatak papunta sa north entrance. "Nakalabas ka nga ng train, mali-mali naman ang direksyon mo." Aakayin ko na sana siya patungo sa south entrance ngunit mabilis niya akong inilingan.

"It's too early, Crisella. May two hours pa tayo. Let's have a coffee in my favorite coffee shop, don't worry, it's walking distance."

Hindi na ako nakatanggi sa kanya. Ano nga naman bang gagawin namin ng maaga sa campus?

Subalit mahigit labinlimang minuto na kaming naglalakad. Napahinto na ako at nilingon si Xhera na palinga-linga sa paligid. "Alam mo ba talaga kung nasaa iyong cafe?"

I should have listen to my instinct. Xhera is bad at determining directions!

Alanganin siyang nakatingin sa akin sabay ipinakita ang phone niya na naka-open ang maps application. "It says here that we're nearby. The cafe should be around here."

Nagtataka kong kinuha iyong phone niya at tinignan ang location niyon sa maps. Sa maling direksyon naman pala kami naglalakad! Ichinecheck ko pa lang ang landmarks na malapit sa cafe ng may magpop up na message sa screen ni Xhera. Galing iyon kay Tristan. 'Good Morning' lang ang nabasa ko the rest hindi na visible unless pindutin ang mismong message.

Inabot ko pabalik kay Xhera ang phone niya bago siya hatakin patungo sa kabilang direksyon.

Pasimple ko siyang nilingon habang naglalakad kami, wala sa kalsada ang tingin niya. Nakangiti siyang nagrereply sa phone niya. Nagbabatian pala sila ng 'good morning' uh. It is none of my business para makialam ako.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa cafe hanggang sa matanaw ko na iyon, malapit lang pala sa train station, dalawang kanto lang ang layo. Napapalakpak naman sa tuwa si Xhera nang makita na ang cafe, excited naman niya akong hinila papasok sa loob at dumiretso kami sa second floor ng cafe.

"Order anything you want." Ngiti niya at inabot ang tablet na naglalaman ng menu na nasa table.

Tinignan ko kaagad ang menu. Kakatapos ko lang mag-almusal pero natakam ako sa strawberry latte na nasa menu. Maging iyong strawberry sandwich. Hindi na ako nagdalawang isip pa at umorder na agad.

"What did you order?" Tanong ni Xhera kaya ibinalik ko na ang tablet sa stand nito.

"Strawberry latte at strawberry sandwich with fresh strawberry slices."

"You're a fan of strawberries?"

Tumango agad ako at doon na nagsimula ang daldalan namin sa kung anu-anong bagay habang hinihintay namin ang pagdating ng orders namin. Nag-uusap pa rin kaming dalawa ng mapansin ko ang bookshelves na hindi kalayuan sa amin, may ilang costumers din na nagpapabalik-balik doon para kumuha ng librong mababasa.

"Can we borrow some books over there?" Tanong ko sabay turo sa bookshelves.

Napalingon naman doon si Xhera dahil nasa likuran niya ang shelves. "Yes. You can borrow some, mahilig ka pa lang magbasa ng novels?"

Mahilig akong magbasa? Natigilan ako sandali bago mabilis na umiling. "Hindi. Hindi naman, bihira lang."

"Mahilig akong magbasa noon kaso nagising na lang ako isang araw na wala na iyong enthusiasm ko na magbasa ng novels. Alam mo iyon? Iyong bagay na paborito o hilig mo bigla na lang nawala iyong excitement mo na gawin iyon."

Marahan akong tumango. "Enthusiasm, uh? Sometimes, it is not just about the enthusiasm. It's about the interest too. You know what's worst? Mayroong mga pagkakataon na nawawalan tayo ng interest sa mga taong nakapaligid sa atin. Minsan sa mismong pamilya pa natin." And I stopped there. Baka kung saan pa mapunta ang sinasabi ko. Pilit ako ngumiti at inayos ang sarili ko. "Won't you mind? I'll check the books over there, titignan ko kung may makakakuha ng interes ko." Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinindatan siya.

"Ohhh! I forgot I invited a bookworm to have breakfast with us!" Aniya at kinawayan ko lang siya bago isa-isahin ang mga libro na nasa bookshelves.

Puro fictitious books ang laman ng bookshelves. Magkakahalo ang genre dahil na rin siguro sa mga nagbalik ng libro. I am not really good in choosing books to read. Mabuti na nga lang at magaganda ang plot nung nga pinahiram na book ni Tristan sa akin. If it isn't for him, hindi ako magbabasa.

Tristan?

Napatigil ako sa pagtingin sa mga libro. Magkausap sa phone si Xhera at Tristan kanina at ngayon kakasabi lang ni Xhera na may inimbitahan siyang bookworm.

Mabilis na dumagundong ang dibdib ko dahil sa realizations.

Lumingon ako sa table namin at saktong kakarating lang ni Tristan, doon pa siya naupo sa bakanteng upuan sa tabi. I froze in my place. Bakit ba nakalimutan kong bago ko pa maging kaibigan si Xhera ay magkaibigan na silang dalawa ni Tristan?

Mas lumakas ang pagdagundong ng puso nang magtama ang paningin namin ni Tristan ay bahagya niya akong nginitian. Ginamit ko ang natitirang lakas ko para ilihis palayo sa kanya ang paningin ko.

Itinigil ko na rin ang paghahanap ng librong mababasa. Wala pang ideya si Tristan na nagbabasa na ako ng novels, aasarin lang niya ako. Unless may sinabi si Sohan sa kanya!

Pupunta na sana ako sa washroom para makatakas subalit tinawag na ako ni Xhera, nahiya naman ako sa kanya kaya wala akong choice kung hindi ang bumalik sa table namin. Doon na sana ako uupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Xhera, ang kaso nakapatong na ang mga gamit niya roon!

"Good morning." Nakangiting bati ni Tristan sa akin pagkaupo ko sa tabi niya.

Bakit ba ako ang mas apektado?

"Morning." Saad ko. Mananahimik na sana ako pero ayaw kong mapansin niya na masyado akong apektado sa kung anuman ang sinabi niya kahapon. "Himala, hindi ka late ngayon."

"Mhmm... maaga ka ring nagising ang kaso mukhang hindi maganda ang gising mo."

"Maayos naman akong nagising ang kaso nakita pa kita. Paanong hindi masisira ang araw ko?" Tinaasan ko siya ng kilay subalit tinawanan lang niya ako.

"Ano pa lang plano mong basahin ngayon?"

"Basahin?"

Inginuso niya ang bookshelves hindi kalayuan sa amin. "You're looking for a book, gusto mo bang tulungan kita?"

"No, thanks. Mamaya mahawaan pa ako ng bisyo mo sa libro, makaapekto pa sa pag-aaral ko, hindi pa ako makagraduate agad."

"Edi sabay tayong gumraduate."

Napalingon ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Xhera, natatawa ba siya? Oh my God, Tristan! Ibig bang sabihin nito ay ako ang dahilan kung mag-te-take na siya ng acceleration exam? Ako iyong tinutukoy niyang opposite ng ideal girl niya?

Aba, para namang sinabi niyang wala ako sa standards niya? Well, in fact, ang pangit naman kasi talaga ng standards niya.

"No, thanks. Pinagsasabi mo? Ayaw ko nga!" Tanggi ko. Mabuti na lang at dumating na ang orders namin.

Subalit bago ko pa man matanggap ang order ko ay napansin kong dalawang orders lang ang inabot sa amin ng crew. Doon ay napansin ko si Xhera na inililigpit na ang mga gamit niya at handa ng umalis.

"W-where are going?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Got some errands to do." She smiled suspiciously. Hahabulin ko pa sana siya ngunit nagpaalam na siya sa akin bago nagmamadaling umalis ng cafe.

"Xhera!" She left me here with Tristan?! "Huwag mong sabihing kinakuntyaba mo si Xhera tungkol dito?" Tanong ko kay Tristan at dinuro pa siya.

Ngitian lang niya ako at bahagyang pinisil ang kaliwang pisngi ko dahilan upang mapaigtad ako. "Kapag inaya ba kitang mag-breakfast sasabay ka sa akin?"

"Of course no!"

"See? That's why I talked to Xhera."

"Talagang ginamit mo pa---"

"Kapag gusto, may paraan, Crisella. Sige na, kumain ka na. It's on me." It's on me? Akala ko si Xhera ang nagbayad nito?! Kinalkal ko tuloy kaagad ang bag ko para hanapin ang wallet ko, kinuha ko agad ang cash na nakita ko at inabot kay Tristan. "Ayaw kong magkaroon ng utang sa iyo."

"What do you mean utang? Sabi ko it's on me na. Don't worry, may part time job na ako, hindi galing kay mama ang pera ko." Aniya at pinatabi sa akin ang cash na ipinipilit ko sa kanya.

"Tristan, ayaw ko."

"Hayaan mo akong gawin ito, Crisella." Pahayag niya bago hawakan ang mga kamay ko at diretso akong tignan sa mga mata. "Gusto kong malaman mo na sigurado ako sa iyo at handa akong gawing opisyal ang panliligaw ko sa iyo. Hangga't alam kong wala kang ibang lalaking gusto, manliligaw ako."

Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko na kumalma na kanina. Manliligaw siya?! Damn, Tristan is serious. Mabilis akong napailing. "Na-ah. You better stop right now, I'm in love with Sohan!" Saad ko ngunit tinawanan lang niya ako.

How I wish that I can stop him. Dahil kung hindi ko siya magagawang patigilin, baka maging ako, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. In the end, I might risk my happy ending for him.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top